Part 2 : Enkantadong Gubat

Wednesday, January 19, 2011

By: Jayson
Genre: Homo-erotic, Fantasy
Next Update: January 22, 2010 @ 12:00 Noon

*************************************************************


Naiinip na si Jed at medyo namamanhid na rin ang kanyang pwetan sa kakaupo. Mula sa kanyang likuran may narinig siyang isang kahina-hinalang kaluskos; kaya napalingon siya sa direksyon kung saan nanggaling ang ingay at naisipan niyang siyasatin ito.

Masukal ang daan ngunit may sapat namang espasyo para makapasok siya. Hindi kalaunan ay nasa kabilang bahagi na siya ng kagubatan. Nakatayo siya at namangha sa paligid, ang akala niya ay madilim at masukal ang lugar na iyon ngunit lumantad sa kanya ang isang magandang tanawin. May nakita siyang baging na nababalot ng berdeng dahon at dilaw na bulaklak; napansin niyang parang may silid sa likod ng mga baging na iyon kaya hinawi niya ito. Tumambad sa kanyang harapang ang ibat ibang uri ng paru-paru na noon lang niya nakita, may mga makukulay na bulaklak at ang halimuyak nito ay parang dudyan sa iyo patungo sa mundo ng panaginip, maroon ding malalaking kabote na may kakabang kulay at ang mas nakapamangha sa kanya ay ang isang statwa na parang nililok ng Diyos sa ganda. Sinura niya ang statwang iyon at napangiti siya, mukhang mamahalin at maibebenta niya ito sa malaking halaga.

Tinitigan ng mabuti ni Jed ang statwang iyon na para bang na engkanto sa pagkamangha. Isa itong obra maestra, mukhang totoo at may buhay: Ang manlilikha nito ay masusing nililok pati ang pinaka maliit na ugat sa katawan ng statwa, kahit ang pilik mata ay nililok din nito. “Bakit kaya iniwan ng sino man ang isang mamahaling statwa sa gitna ng kagubatan?” tanong niya sa sarili. Ang nakakapagtataka ay parang may isang berdeng liwanag na nakapalibot sa katawan ng statwa; sa tingin niya marahil ay dahil ito sa liwanag ng mula sa berdeng paligid.

Lumapit sa Jed sa statwa na namamangha pa rin. Kung sino man ang modelo ng statwang ito marahil ay isa itong hunk. Nakasuot siya ng isang maiksing maong na shorts, rubber shoes at isang puting sando. Nakapalibot sa kanyang beywang ang isang matulis na itak at sa kanyang likod ay isang backpack na siyang pinaglalagyan ng kanyang kagamitan.

Kahit ang damit at kagamitan ng statwa ay hindi nalimutang lilokin ng manlilikha nito. Mukha talagang totoo at may buhay ang statwang ito. Upang makombense siyang gawa ito sa bato ay hinipo niya ang malaman na legs ng statwa. Ang tigas nito ang nakakombense sa kanya na statwa nga ang matipunong lalaki na ito. Sobrang namangha si Jed sa statwa, kasi naman napaka pogi nito kahit isa itong bato. Noong nakaraang taon lamang na diskobre ni Jed na mas attracted siya sa mga lalaki kesa mga babae. Malas niya lang kasi hindi pa ganap na tanggap sa lipunan ang mga bakla. Kadalasan sa kanyang karansan ay one night stand lamang; sa bagay sa klase ng kanyang pamumuhay, imposible din na magkaroon siya ng isang seryosong relasyon.

Napaisip siya, sana hindi gawa sa bato ang lalaking ito, upang mahubad niya ang soot nitong maong shorts at tingnan kung ano man ang natutulog sa loob nito. Napangisi na lamang siya at maya-maya lang ay parang nahiya sa sarili, para bang alam niyang may nagmamatyag sa kanya.

Naramdaman ni Jed ang isang pangangailan, pakiramdam niya, gusto ng statwa na mahalikan. Syempre sarili nya itong kagustohan na pinasa lang niya sa statwa. Bakit hindi? Wala namang tao sa paligid at walang makakakita sa kahibangan niya. Tumayo siya sa harap ng statwa, halos magkadikit na ang katawan nila sa lapit, dahan dahan niyang hinipo ang matipunong katawan nito, hinimas ang dib-dib hanggang sa leeg. Nilingkis niya ang dalawang kamay sa batok ng statwa at hinalikan ito sa labi. Naglapat ang kanilang mga labi nang biglang sumabog ang isang nakakasilaw na liwanag.

“Ngayon munting nilalang, hindi ko inaasahan ang pangyayaring ito; Nabasag niya ang isang sumpa; sa tingin ko ay talagang ka wili-wili ang batang ito!”

“Sa tingin ko po ay tama kayo panginoon.”

Parang nabulag si Jed sa silaw ng liwanag at lalo niyang hinigpitan ang pagkakapit niya sa statwa. Nang manumbalik na ang kanyang paningin, namalayan na lamang niya na karga-karga siya ng dalawang malalakas na bisig. Ang mas nakakapagtaka sa kanya ay mainit ang mga bisig na ito at mukhang hindi gawa sa bato. At isang bruskong boses ang kanyang narinig, “Maari bang wag, masyadong mahigpit ang pagyakap mo sa akin? Nasasakal kasi ako.”

Sa gulat ni Jed ay agad siyang bumitaw at imbes na malaglag siya sa lupa ay dahan-dahan siyang inilapag ng maskuladong bisig. Sa pagkakataong iyon lubos nang nanumbalik ang paningin ni Jed at naaninag niya na ang statwa ay nagkaroon na ng kulay. Ang balat ay kulay kayumanggi; ang mga pilik mata at buhok ay itim; ang mata ay kulay brown; ang maong shorts ay blue at ang sando ay kulay puti; metal na rin ang itak na kanina lang ay gawa sa bato. Totoong tao ang statwa, nakatingin siya ngayon kay Jed, mapupungay ang mga mata tila nangungusap at nagpapasalamat.

“Anong nangyari?” tanong ni Jed.

“Matagal na panahon na ang nakakalipas, hinabol ako ng taong bayan. Sa di maipalawanag na dahilan, napadpad ako sa kagubatang ito. May nakita akong isang kopang ginto na nakalapag sa isang bato. Sa aking pagka tuso ay pinulot ko ito, at huli ng lahat ng malaman kong engkantado pala ang lugar na ito at ang kopa ay may sumpa! Mula noon, nakatayo na ako dito bilang statwa, naghihintay na isang araw ay may magliligtas sa akin.”

“At bakit ka naman hinabol ng taong bayan?” tanong ulit ni Jed.

“Isa akong dayo sa lugar na ito, galing akong Maynila. Nakituloy ako sa bahay ng aking kaibigan, inakit ko ang kanyang kapatid na babae at nahuli kami ng tatay niya sa loob ng silid na tinutuluyan ko. Sa sobrang kaba ay tumakbo ako at sa katunayan di ko man lang mahagilap ang aking brief sa pagmamadali ko, nagtatakbo lang ako, takot na maabotan.”

Napangisi si Jed, naisip niya ang huling sinabi ng lalaki, wala pala syang brief ngayon. Naisip din niya ang katawang hinimas himas niya kanina ay hindi na bato ngayon.

“Isinumpang kopa?” tanong ni Jed.

Sabay silang napatingin sa gintong kopa na hawak hawak pa rin ng lalaki. Hindi na rin ito bato, wala nang sumpa. Sa tingin ni Jed ay napakamahal nito at kapag nakuha niya ito ay di ni siya maghihirap pa. Agad naman itong isinilid ng lalaki sa kanyang backpack.

“Oo isang sumpa. Tinitigan ko ang kopa, namangha sa ganda nito at pinulot. Bigla nalang akong naging bato, isang statwang naghihintay sa halik ng tunay na pag-ibig. Marami na akong nakita, nakapasok sila sa gubat, natagpuan ako, hinawakan, humanga, ngunit wala sa kanila ang naglakas loob na halikan ako. Hanggang sa dumating ka.”

“At hinipo ka,” sabi ni Jed, nakangisi.

“Hindi lang naman ikaw ang naunang gumwa nun sa akin, dati hinipuan na rin ako ng nakatagpo sa akin, mga babae, pero wala ni isa sa kanila ang humalik sa akin. Teka, sa tingin ko ay di mo rin alam kung papanu ka nakapasok sa kagubatang ito, tama ba ako?”

“Eh, hindi nga. Nagbebenta ako ng mga bagay na hindi sa akin at hinabol din ako ng taong bayan, hanggang sa mapadpad ako dito. Siya nga pala, Jed ang tawag nila sa akin. Ikaw? Ano ang panglan mo?”

“Joseph,” sabi ng lalaki, “at ngayon kailangan na nating makalabas sa kagubatang ito.”

“Sa tingin ko ay may mga tao pa sa labas ng kagubatan, mas mabuti siguro kong magpapalipas muna tayo ng gabi.” Sagot ni Jed.

“Sa tingin ko ay tama ka Jed. Ngunit mag ingat ka, huwag na huwag kang pumulot o gumalaw man lang sa kung ano mang kaay-aya na makita mo.” Babala ni Joseph kay Jed.

Naglakad ang dalawa at napansin nilang lumapad ang daan at tila nasa isang parang na sila. Maginaw sa lugar na iyon; nabigla si Jed nang bigla siyang akbayan ni Joseph at kasabay nito ang pisil sa kanyang likuran. Sa loob ng mahabang panahon sa loob ng gubat, nag-iisa bilang isang statwa, malibog na malibog na ngayon si Joseph.


Sa isip naman ni Jed, gusto din naman niyang matikman ang maskulado at gwapong nilalang na iyon. Mahilig sa delekado si Jed at nasanay na siya dito, kung may pagkahayop man sa katauhan ni Joseph, gusto niyang makita at maranasan iyon. Ninamnam niya ang paglapat ng kanilang katawan at iyon ng bumuhay sa kanyang nagsusumidhing pagnanasa.

6 comments:

Anonymous,  January 20, 2011 at 6:35 AM  

wow.. ang cool ng story... grabe parng machete lang.. hehehehe... Joseph wag ka kasi gahaman s kayamanan... ayan nging statwa ka tuloy... dpat tanggaping kung anu lang ang meron ka wag ng maghangad ng mas higit pa.. hehehehehehe... sna may kasunod na...

=chak=

Anonymous,  January 20, 2011 at 6:35 AM  

nice i love it sobrang ganda ng mga line... kakabilib naman ito fantasy story na ngayon ko lang nabasa.

=royvan=

Myx January 20, 2011 at 7:58 PM  

Hi there....

It's been a year since the last time you posted this.

I wonder, are you still going to finish this?
Well, if not, I was kind of hoping that you continue this...
It sure looks like a fairy tale of a bi love story.

Thanks for creating this one..it's good, actually.

Keep it up!
Myx

Anonymous,  January 21, 2011 at 12:25 AM  

jayson, hi.. gud work.. you have always excelled on this genre...

reynan

Jayson January 21, 2011 at 2:20 AM  

Hi Myx...

The unfinished story I had last year was "Ang mga Pangarap ni Fredo" the 2nd one is just a short story which was included in the BOL book project "Ang Mahal kung MUlto" There was a plan of making a sequel but sa ngayon wala pang pumapasok sa utak ko... hehe

Ang "Engkantadong Gubat" naman ay ngayon ko lang naisulat at na post sa blog ko. The first chapter was released last Jan 18. Dont worry, I will finish this one and This will be updated daily or every other day.

Salamat sa pagbabasa....

Jayson January 21, 2011 at 2:21 AM  

Reynan,

salamat sa papuri hehhe....comments like this make my imagination work better... hehehe...salamat sa pagsubaybay...

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP