Chapter 8 : Ang Kuya Kung Crush ng Bayan
Friday, November 19, 2010
By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
Masaya ako sa gabing iyon. Sobra. Sa buong buhay ko, noon lang ako nakaranas ng sobrang saya. Marahil ay dahil kay Kuya Rom ko rin unang naranasan ang sinasabi nilang “sex”. Alam ko, mali ito dahil lalaki ako at lalaki rin si Kuya Rom. Ngunit wala akong pakialam. Bagamat sa pinakasulok ng aking utak ay may mga katanungan tungkol sa kung ano ba ang tunay kong pagkatao, nag-uumapaw naman ang sobrang kasayahan ko sa mga sandaling iyon. Pakiramdam ko ay isa akong babae na sa wakas ay natagpuan na ang kanyang “knight in shining armor”.
Syempre, may naramdaman din akong pagkalito sa setup namin. Iyon bang, may nangyari sa amin, may naramdaman akong naiiba para sa kanya at inaassume na ganoon din siya sa akin, pero wala naman siyang sinasabi kung mahal ba talaga niya ako, or what. Nagtatanong ang isip kung totohanan ba iyong ginawa namin o isang laro lang na bagamat nakakapagod, masarap naman, masaya, ngunit pagkatapos ay pwede nang kalimutan ang lahat.
Akala ko ay tuloy-tuloy na ang kaligayahang iyon.
Noong magbalik-eskwela na, syempre, balik na naman kami sa dating gawi. Aral, praktis, bangkaan ng grupo. Pero sa nangyari sa amin ni Kuya Rom, pakiramdam ko, nasa ibang level na nga ang pagiging close namin. Kahit walang sinasabi iyong tao na kami na, ina-assume ko na lang talaga na may karapatan na ako sa kanya sa kabila nang ayaw kong aminin na ganoon na nga.
Gabi na iyon noong matapos ang praktis namin at uuwi na sana ako kasabay si Kuya Rom. Ngunit may nag-imbita sa kanya na maglaro ng basketball. Baketball player din kasi si Kuya Rom. Kahit na ang pinili niyang event sa varsity team ay volleyball, basketball talaga ang hilig niya. Kadalasan nga kahit katatapos pa lang ng praktis namin sa volleyball, naglalaro pa rin ito ng basketball. Parang walang kapaguran ang kanyang katawan. Sobrang athletic na tao na kahit anong laro alam at nagi-excel pa. Kumbaga, jack of all trade. Ang totoo niyan, kaya niya hindi pinili ang basketball sa varsity team ay dahil sa pag-give way niya para makapasok ang isang kaibigan. At dahil gusto din naman niya ang volleyball at naiibang challenge daw din ito para sa kanya kaya siya napasama sa team, at naging team captain pa.
“Tol… hintayin mo ako ha? Maglaro muna ako ng basketball.” Pakiusap niya.
“Ano??? Maghihintay ako sa iyo, e gabi na! Kung gusto mong maglaro, ako ay uuwi na!” ang mataray kong sagot, sabay pagdadabog.
“Ito naman, o. Pagbigyan mo na ako, please?”
“Anong oras na akong makauwi nito sa bahay? Kabi na!”
“Ano ka ba? Kahit alas dose pa ng gabi, ihahatid kita. Bakit wala ka bang tiwala sa abs na to?” pagpatawa niya, sabay hawi sa harapang dulo ng t-shirt upang malantad ang tiyan.
“Yukkk!” ang kunyari kong reaction kahit na nakikiliti din ako sa pagpapakita niya sa akin niyon. “Anong kinalaman ng abs mo sa takot ko?” dugtong ko.
Napangiti naman siya, “E di, ihahatid kita eh! Problema ba iyan. At doon na rin ako matulog.” Sabay bitiw ng isang malisyosong tingin, at makalag-laglag brief na ngiti. “O… ano? Deal?” pag-follow-up niya.
E, ano pa ba ang magagawa ng lola nyo. Sa ngiti pa lang ng hinayupak ay tila may gumagapang nang magkahalong init at kiliti sa aking katawan, nakikinita na may mangyari na namang karumal-dumal na tagpo sa gabing iyon. “Sige na nga!” sabi ko kunyari masama pa rin ang loob.
“Ayan… ang bait talaga ng bunso. Hmm!” Ang tuwang-tuwang sabi niya, sabay kurot sa pisngi ko na tila nanggigigil. “ Ibinigay naman niya kaagad sa akin ang kanyang cp at ang bag na may mga damit pambihis at ibang gamit sa school, atsaka naghubad na ng pang-itaas.
Nagulat naman ako noong sa pagpasok na niya sa court ay nagpalakpakan ang may ilang grupo ng kababaihan at nagsisigaw, “Romwel! Romwel! Romwel!”
Tiningnan ko ang mga ito sabay sigaw sa sarili, “Mga lukaret!” Marahil ay dala lang iyon ng inis ko dahil sa pagka bad trip dahil sa gusto ko nang umuwi at naunsyami pa ito dahil sa basketball.
At tumungo na ako sa upuan sa gilid ng court upang doon maghintay. Noong una, nanood muna ako sa laro nila. In fairness, talagang ang galing din ni Kuya Rom maglaro. Maliksi, mabilis tumakbo, mataas ang talon, palaging nakaka-shoot, at ang porma, lalaking-lalaki. At di maiwasang lalo akong humanga sa kanya. No wonder na tinawag siyang “crush ng bayan”. Sa porma ba namang hunk na hunk, 6’1” na taas, at galing sa paglalaro. At ewan ko din ba, pakiramdam ko ay nagpapakitang-gilas din sa akin ang kumag. Actually, hindi talaga ako sigurado kung sa akin ba nagpapakitang-gilas (hehe). Siguro, masyado ko lang kina-career yung “haba-ng-hair” feeling noong gabing doon siya natulog sa bahay at ipinagluto pa niya ako ng dinner. Baka din kasing sa mga babaeng tagahanga niya siya nagpapakitang-gilas. Alam ko, mga die-hard fanatics ang mga iyon. Karamihan sa kanila ay dumadayo lang talaga doon sa gym upang tingnan kung naglalaro si Kuya Rom at kung naglalaro, hayun, hindi na aalis hanggang sa kahuli-hulihang patak ng pawis noong idolo nila.
Kaya kapag naka-shoot si Kuya Rom, kunyari hindi ako nakatingin. Syempre, kahit sa nangyari sa amin at sa naramdaman kong kakaiba para sa kanya, ayokong ipahalata na patay na patay ako sa kanya. Sino ba ako, mga ateng… diba? I mean, ikaw ba naman sa lugar ko na may nangyari na sa inyo noog guy at bigla kang tinubuan ng pagnanasa sa puso subalit ang lalaki pala ay ni wala man lang binanggit na “I love you” o kahit iyong pagklaro kung kayo na nga ba o ano… Ano iyon? Praktis? Di ba nakakahiya? May pride din kaya ako. Ayokong ipangalandrakan sa mukha niya na may karapatan na ako sa kanya at to the max na nga ako o kaya’y for life. Ayoko noon. E, kung bigla na lang akong pagsabihan ng, “Eww!!” o kaya’y “Asa ka pa!” o kaya’y pagtawanan. Siguro pag nangyari iyon, kakain na lang ako ng maraming chocolate cake na may dora rat killer at pagkatapus ay magpasagasa sa pison. Atsaka, hindi pa rin naman ako certified by PAMET kung talagang miyembro na nga ako sa federasyon eh. Ewan kung nasa state of denial lang ang aking utak o baka di naman talaga ako bakla. Kakalito talaga, Dra. Margie Holmes… grabeh.
Anyway, may 10 minuto na akong nakaupo at nanonood sa laro nila noong may nag-text sa cp niya. E, busy sa paglalaro iyong tao, kay di ko na pinansin. E, maya-maya, may text uli. At may sumunod pa. Siguro naka 10 texts na noong hindi ko na matiis na hindi buksan ang isang message. Aba di biro ang pagti-text ng 10 beses na sunod-sunod huh! Ngunit walang pangalan at ang nakaregister lang sa cp ay “5”. “Ano naman kaya ang ibig sabihin ng “5”? May pa-code-code pa!” sigaw ko sa sarili. Binasa ko, at ang sabi sa message ay, “Babe, ano ba? Reply ka naman kung matutuloy ba ang date natin!”
Pakiwari ko ay may kidlat na biglang tumama sa akin at ako’y nawala bigla sa tamang katinuan. Iyon bang feeling of betrayal na sa bigla nalang naramdaman mong parang ang lahat ng dugo ay dumaloy patungo sa utak at ang lumalabas sa mga butas ng iyong ilong ay usok dahil sa sobrang galit. “Hmpt! Babe pa talaga! Sabi ihahatid ako tapos may date pala ang honghang?” sigaw ko sa sarili. Hindi ko talaga alam ang gagawin sa nabasang message. “Parang sobra na yata ang ginawa ng kumag na iyon. Pagkatapos niyang matikman at pagsawaan ang mura at sariwa kong bibig, este, katawan at ngayon ay ibang babae naman ang gusto niyang mai-date? Manyak talaga siya!”
Maya-maya uli, heto, nag-ring ang phone. At iyong #5 pa rin ang nakaregister. Dahil sa inis ko na talaga, ako na ang sumagot. “Sino to?” ang matigas kong sabi.
Hindi nga ako nagkamali. Babae ang nasa kabilang linya. “Sino to?! Ang sagot niya, halatang mataray.
“Si Romwel ba ang hinahanap mo?” sabi ko.
“Oo naman, cp niya to di ba? Sino ka ba? At bakit nasa iyo itong cp niya?”
Sa galit ko, naisipan ko na lang na magsinungaling. “Kapatid niya ito. Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?”
“May date kami, nasaan ba siya?”
“Aba... kahit sinabi ko na na kapatid ako, mataray pa rin kung magsalita!” sa isip ko lang. “Ah…Pupunta na daw siya sa ka-date niya eh. Naiwanan itong cp sa akin.” Ang sagot ko. “Sandali… ano ba pala ang pangalan mo?”
“Karen!”
“Hah?!” Kunyari nagulat ako. “E…sabi niya Grace daw ang ka-date niya ngayon!”
“Anong Grace pinagsasabi mo?!” Ang tanong niya, halatang nabigla at nairita.
“Eh… sorry. Grace talaga ang narinig ko e.”
“Tanginang taong iyon! Sino naman ang Grace na iyon!?”
“Girlfriend daw niya! Bakit girlfriend ka ba niya?”
“Oo! At ako ang ka-date niya ngayon!”
“Ay... pasensya ka na, marami kayo. At may nauna na sa iyo sa booking niya ngayong gabi.” Ang pang-aasar ko pa. “Di bale, may good news naman. Kasi, unlimited pagpa-rebook sa kanya, first-come, first-served nga lang. Bye…” sabay patay sa linya.
Nag-ring uli, pero pinatay ko na rin ang power. “Magdusa ka!” sabi ko sa sarili.
Sa sobrang galit, kinapa ko naman ang cp ko at tinext si Kuya Paul Jake. “Kuya, saan ka ngayon?”
“Dito pa sa locker room, bakit?” Sagot niya agad.
Dito pa ako sa gym, sama na tayo sa pag-uwi? Wala akong kasama eh.” Reply ko.
“Ahhh. OK. Bakit si Romwel, nasaan pala?”
“May ka-date kuya! Puntahan na kita d’yan at sabay na tayong umuwi”
“OK, paalis na rin ako, antay kita”
Sa pagkabasa noong message, ipinakisuyo ko kaagad ang cp at bag ni Kuya Rom sa isang kasama din namin sa team na nakipanood pa sa laro niya.
Nakalabas na kami ng campus niKuya Paul Jake noong bigla namang nagyaya siya na mag bar muna kami. Dahil sa hapon pa naman ang pasok ko kinabukasan at dahil na rin sa naramdamang pagkainis, sumang-ayon na rin ako.
Tinext ko ang mama ko na matagalan akong umuwi. Dinahilan ko na lang na si Kuya Rom ang kasama ko sa labas. Kapag si Kuya Rom kasi ang idadahilan kong kasama, kahit pa hindi ako umuuwi ng bahay, wala nang daming tanong pa.
At nagbar nga kami ni Kuya Paul Jake. Ang gustong-gusto ko din kay Kuya Paul Jake ay palagi siyang available kapag tinatawagan ko. Isa siya sa masasabi kong nakababatang kapatid talaga ang turing sa akin, pangalawa nga lang kay Kuya Rom. Matalino, magaling magbigay ng advice, pala-kwento, at marami kang matututunan.
Ngunit wala kaming imikan simula pa noong makapasok na kami ng bar. Noong magsimula na kami sa tig-iisang bote ng beer, nag ring ang cp ko. Si Kuya Rom. Agad ko itong pinatay. Alam ko, pagagalitan ako noon dahil sa ginawa ko sa babae niya. Pero wala akong pakialam.
Nag-ring uli. At pinatay ko uli. Nag-ring na naman, at uli, pinatay ko. Nakailang ring at patay din iyon. Dahil sa hindi ko pagsagot, sunod-sunod naman na ang texts ang pumasok sa inbox ko. Hindi ko binasa ang magi to. Hindi ko rin sinagot.
“Bakit di mo sagutin?” Tanong si Kuya Paul Jake.
“Ayoko...” ang maiksi kong tugon, nakayuko lang ako, ang isang daliri ay inilalaro sa bibig ng bote ng beer.
Hindi na nagtanong pa ni Kuya Paul Jake.
Naka tigdadalawang beer na kami noong magbukas na naman ng tanog si Kuya Paul Jake. “Hmm, nakakahalata na ako sa iyo ah…” tanong niya noong mapansing nakasimangot pa rin ang mukha ko at sa naamoy na rin siguro na sama ng loob ko kay Kuya Rom.
Feeling ko kasi kapag si Kuya Paul Jake ang kasama ko, malaya kong nasasabi lahat. Simula noong inamin ko sa kanya sa nakaraang athletic meet na may nangyari nga sa amin ni Kuya Rom sa accommodation naming, gustong-gusto kop na siyang makausap. “Eh… ewan ko ba Kuya, hindi ko maintindihan ang sarili.” ang naisagot ko na lang.
“Di ba, sinabi ko na sa iyo na dapat huwag mong hayaan ang sarili na alipinin ka ng emosyon sa kung ano mang pisikal o sekswal na pakikipag ugnayan dahil sa lalaki si Romwel at ikaw ay lalaki din. Babae ang hinahanap noon at ikaw, dapat sa babae rin magkaroon ng emotional na attachment. Ang pangarap ni Romwel ay ang magkaroon ng normal na pamilya, ng asawa, ng anak. At dapat ikaw ay ganoon din. Sooner or later, mag-aasawa yan at kapag may emotional attachment ka sa kanya, paano ka na lang? Sa akala mo ba ay i-give up niya ang pag-aasawa nang dahil sa iyo? Try to think of it.”
Hindi na ako kumibo. Napakatalino kasi ni Kuya Paul Jaka, tumbok kaagad niya ang saloobin ko na lalo namang nagpabigat ng aking kalooban. Alam ko… tama si Kuya Paul Jake, at pawang katotohanan ang kanyang mga sinasabi. Hindi ko na nakayanan pa ang sarili at napahagulgol na lang, pinapahid ang dulo ng sleeves ng t-shirt sa mga luha at sipon na naghalong dumaloy sa bibig at pisngi, hindi alintana ang ibang mga taong nag-iinum din doon sa bar.
Iniabot ni Kuya Paul Jake ang tissue. “Hayan kasi... sinabi ko na sa iyo na huwag kang padadaig...”
“Hindi ko naman kasi sinadya Kuya eh. Bakit, kasalanan ko ba kung may nararamdaman akong ganito? vIyan naman kasing tao na yan ang pasimula ng lahat e” ang paninisi ko.
Hindi kumibo si Kuya Paul Jake. Marahil ay naintindihan niya ang bigat ng dinadala ko.
“Kasi naman ang taong iyon, hindi ko maintindihan. Palagi akong inaasar, tapos, sweet na sweet. Tapos, aakitin ako, tapos, sasaktan. Tapos, dumidikit palagi, minsan doon pa matutulog sa bahay, tapus, iiwanan na lang ako bigla...”
“Ok, ok...” pang-amo niya. “Alam mo, sa tingin ko, ang problema ay nasa iyo. Bakit? Hindi naman niya alam na mayroon kang naramdaman para sa kanya e. At sa tingin ko, wala siyang naramdamang kakaiba para sa iyo.”
“Kahit na may nangyari na sa amin?” ang mabilis kong tugon.
“What’s the big deal kung may nangyari na sa inyo? Malay mo, inaakala lang niya na dahil ok lang sa iyo ang lahat, ay iyon na. Para bang sabay lang kayong nanood ng isang magandang palabas sa tv at pagkatapos noon, ay pweding pag-usapan ninyo ang napanood ninyo o pwede ring hindi. Tapos.”
“Iyon lang iyon?”
“Para sa kanya, maaaring iyon lang iyon. Pero kung gusto mo, kausapin mo siya tungkol sa naramdaman mo, para maintindihan niya ang lahat. At sabihin mo kung ano ang gusto mong mangyari. Di ba close kayo, at bunso nga ang tawag niya sa iyo? Maiintindihan ka noon”
“Ang hirap naman yata niyon, Kuya. Paano kung hindi?”
“Alam mo, sa buhay ng isang tao, minsan darating at darating din ang time na wala tayong ibang option kungdi ang gumawa ng desisyon at harapin ng buong tapang ang risks at consequences na kaakibat nito. Facing the risks are also opportunities to learn, to improve, and to succed. Kapag takot kang humarap ng risk, walang mangyayari sa buhay mo, or sa pag-ibig, for that matter. Lahat ng kalaseng pag-ibig ay ipinadarama. Tandaan mo iyan. Kung sa kabila ng pagpaparamdam mo ay hindi pa rin niya maintindihan ito, sabihin mo... Kung talagang mahirap, e di, tiisin mo. Pero kung sakaling darating ka na sa puntong mas mahirap na ang pagtitiis mo kaysa pagharap sa risk ng pakikipag-usap, gawin mo na.”
“S-sige Kuya. Pag-isipan ko ang payo mo.” Ang nasabi ko nalang.
Mag-aalas dose na ng gabi noong inihatid na ako ni Kuya Paul Jake sa bahay. Medyo lasing ng kaunti at groggy ang paglalakad. Katulong namin ang nagbukas ng pinto at dali-dali kaagad akong umakyat sa kwarto ko. Ngunit laking gulat ko noong makapasok na ako ng kwarto. Sumalubong naman sa pandinig ko ang kanta –
“Sometimes I feel like I'm all alone
Wondering how, what have I done wrong
Maybe I'm just missing you all along
When will you be coming home back to me...”
Si Kuya Rom, nasa music corner ng kwarto ko, nagsa-sound trip, pinatugtog ang kanta naming iyon at sa tingin ko ay lasing na lasing na...
(Itutuloy)
0 comments:
Post a Comment