Chapter 19 : Task Force Enigma: Rovi Yuno
Tuesday, December 21, 2010
Pasensiya na po at natagalan. Batiin ko lang ang aking mga masugid na tagasubaybay. Salamat sa pagsuporta sa aking bagong story na ONE MORE CHANCE. Salamat po talaga sa hindi pagbitaw. I love you all! Merry Christmas pumpkins!!!
---------------------------------------------
"Bakit ikaw ang may hawak ng cellphone ni Mandarin? Ikaw rin ba ang nag-dial sa emergency number ni Rick?"
Natigil ang pagkatigagal ni Bobby saa mga tanong na iyon ni Rovi. Bigla ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Nangangamba nga siya na baka marinig iyon ni Apple sa sobrang lakas. Pinakalma niya ang sarili at huminga ng malalim.
Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito? Boses lang iyon. Boses!
"Hello? Bobby?" ani Rovi sa kabilang linya.
"Uhm... Ako nga ang pinag-dial ni Mandarin. Pasensiya na. Pero sinugod kasi kami sa safehouse. Nagda-drive si Mandarin kaya ako na ang kumontak sa inyo. Nagpaiwan si Go doon para salubungin ang mga pulis. Nadale si Marcus eh." pagpapaliwanag niya.
Para siyang sinisilihan na hindi niya maintindihan. Paanong naging ganoon ang epekto sa kanya ng boses ni Rovi? Ano bang nangyayari sa kanya?
"Ano?" sigaw nito sa kabilang linya. Nailayo niya tuloy bigla ang aparato sa tainga.
"Pare, natunton ang safe house. Paano nangyari yun?" tanong nito kay Rick.
"Hindi ko alam. Baka may kumontak sa kanila sa labas."
Nanlamig ang pakiramdam ni Bobby ng marinig ang sagot ni Rick. Mukhang siya ang may kasalanan kung bakit sila natunton. Pero imposibleng ikanta siya ni Monday? Kaibigan niya ito? Ibinenta ba siya nito kina Mr. Gyul Ho? Pero bakit?
"Meron bang kumontak sa inyo sa labas? May tinawagan ba si Mandarin? Hindi ba at sinabihan siya ni Rick na magpalit ng number?" balik sa kanya ni Rovi.
"Mukhang ako ang dahilan ng pagkakatunton nila sa safehouse." pikit-matang amin niya.
"Ano?" bulyaw na naman nito sa kanya. Panay ang mura sa kabilang linya.
"Patakas ko kasing tinawagan si Monday para makibalita. Sabi niya muntik na daw madamay ang pamilya niya dahil sa pagtatago ko. Pero hindi raw siya naniniwala sa sinabi nila Kring. Ewan ko lang kung paano nila kami na-trace."
"Engot ka ba? Nagtatanong ka pa. Malamang na-trace nila ang location niyo."
Nagtimpi siya sa panglalait nito. Nakakarami na talaga 'tong alanganin na ito.
"Hindi ko sinasadya iyon Rovi. Wala akong alam sa mga ganyang bagay kaya sana maghinay-hinay ka sa mga sinasabi mo."
"Ewan. Paka-usap nga kay Mandarin."
"Bakit hindi mo siya tawaging Apple kung iyon naman ang tunay niyang pangalan?"
"Huh?! Ah-- sige, pakibigay kay Apple."
"I-speaker phone mo na lang Bobby." anang babaeng nagda-drive.
Pumailanlang ang boses ni Rovi pagkatapos niyang i-on ang speaker phone.
"Ilan ang sumugod sa inyo?"
"Mga sampu. Bakit ikaw ang may hawak ng cellphone ni Rick? Ikaw ba ang sekretarya niya?" paasik na sagot ng babae.
Natawa si Bobby sa tensyon na agad bumalot sa paligid. Mukhang di pa rin natitigil ang iringan ng dalawa.
"Oo. May reklamo ka?"
"Wala. Nasaan siya?"
"Busy. Pwede mong sabihin ang gusto mo at naka-speaker din ako."
"Okay. Rick, mabuti na lang at nasa labas kami. Well, ah, nadamay ang isang tao mo pero at least buhay kaming lahat. Hindi sinasadya ni Bobby ang pagkakatunton sa amin. Una pa lang, matinik na talaga si Gyul Ho. Ano na bang balita kay Alexa?" tuloy-tuloy na birada ni Apple.
"Mukhang tuluyan ng bumitiw ang kakambal mo sa atin." sagot ng tinyente.
"Oh my God. Sira-ulo talaga yang babaeng yan. Pero paano ka nakakasiguro?"
"Nilagyan lang naman niya ng self-destruct system ang pabrikang ito."
"Ganun? Paano niyo natigil."
"Felicitas."
Natigilan si Apple ng narinig ang sagot ni Rick. Na-curious din siyang malaman kung anong meron sa Felicitas na iyon. Narinig niya ang disimuladong pagtikhim ng babae. Waring nahihirapang sumagot.
"P-paano mong nalaman a-ang tungkol doon Rick?"
"Ako ang gumawa sa inyo kung ano man kayo ngayon. Don't ever think for one second that I don't know everything about you and your sister." casual lang na sabi ng Tinyente dito.
Napa-preno ang babae na ikinagulat nilang mag-tiya. Napahawak sa dibdib ang matandang babae.
"Bakit?" anang tiya niya.
"H? Ah wala po Tiya Edna."
Muling nag-drive ang babae saka kalmadong nagsalita.
"Hanggang kailan kami makakawala dito Rick?"
"Ikaw? Hanggang kailan mo gusto?"
"Brute." ngitngit na namang sabi nito.
"Thank you." at tumawa pa ang tinyente sa kabilang linya.
"Papunta kami sa Tanauan. Subukan niyong humabol doon. Ibababa ko lang ang mga ito at magtutuos kami ni Alexa. Baka sakaling parehas pa kaming makaalis ng buhay sa pesteng sitwasyon na ito."
"Your call. Pero gawan mo ng paraan na maialis si Alexa doon ng buhay. Maniwala kayo o hindi, I care for you both."
"Tell that to the fucking marines Rick! Ikaw ang dahilan kung bakit kami nasadlak sa ganito. I can't blame Alexa for turning her back on you. Pero kilala kita, kaya hindi kita kakalabanin. Ililigtas ko ang kapatid ko sa paraang alam ko."
"Do that Apple. Pero kung lalayo kayong magkapatid, make sure na hindi ko kayo makikita pang muli. After-all kayo ang pinakamagaling kong assets."
"Why, you're so business-minded Tolentino."
"And you're just the debutant Apple."
"I can't wait to see you in your coffin."
"Matagal pa iyon. Masamang-damo ako."
"Oo nga naman. O siya. Magpadala ka ng clean-up doon. Duda ko na susugod doon ang mga tao ni Gyul Ho. I have to check on Alexa. Kahit naman gusto kitang mamatay ay hindi ko isasangkalan ang buhay ng kapatid ko."
"Sige na, humahaba na rina ng usapang ito."
Iyon lang at pinutol na ni Rick ang tawag. Litong-lito si Bobby sa mga narinig. Gusto niyang magtanong kay Apple pero parang wala siyang lakas ng loob na gawin iyon s anakikita niyang madilim na mukha nito na parang anumang oras ay sasabog na parang bulkan.
"A-ayos ka lang Apple?"
Lumingon ito sa kanya at marahang tumango.
"Kung gusto mong pag-usapan ay pwede mo akong lapitan."
"Thank you Bobby. Pero malalim ang pinaghugutan nito. Ang tanging goal ko na lang ay makaalis tayo ng maayos sa sitwasyong ito."
Napatango na lang si Bobby at wala ng masabi. Tinapunan niya ng tingin ang tiyahin niyang litong-lito rin ang hitsura.
"Anong meron sa usapang iyon pare?"
Nagmamadaling-tanong ni Rovi kay Rick. Nakatanggap sila ng report na paparating na ang mga pulis kaya kailangan na nilang iligpit ang mga nakuha nilang kontrabando at i-clean-up ang mga katawan ng mga tauhan ng koreano.
"Wala pare. Huwag ka ng magtanong."
"Hindi pwede Rick. Lahat kami ay walang alam sa mga pangyayaring iyon. Bakit hindi mo sabihin sa amin? Bakit wala kaming alam kina Apple at Alexa?" pangungulit niya.
"Hindi lahat pwede kong sabihin pare. What I have with the twins is my business, not yours." malamig na tugon nito.
"May ganoong factor ka Pare? Para saan ang pagiging magkaibigan natin?"
"Meron. At tungkol sa pagiging magkaibigan natin, may limitasyon ang lahat."
"I thought we will always share?"
Huminto ito sa ginagawa. Tinitigan siya. A kind of stare that will make anyone cold and shaky.
"Don't give that look Rick. Kahit alam kong matatalo ako sa'yo ay kaya kitang labanan. Kaya para hindi na tayo umabot sa ganoon ay sabihin mo na sa akin."
Lalapit sana si Rick sa kanya sa napupuyos na anyo ng may humarang dito at binigyan ito ng shoulder throw. Napagibik na bumagsak sa lupa ang galit na galit na tinyente.
"Tang-ina Jerick! Bakit nakiki-alam ka?" sigaw nito.
"Tang-ina mo rin. Bakit hindi mo i-share sa kanila ang lahat ng nararamdaman mo Rick? Pilit ka ng pilit na itago iyang lahat sa sarili mo to the point na nakakalimuitan mo na ang mga tao sa paligid mo!" mas malakas na sigaw ni Jerick.
"Damn you! Wala kang paki-alam!
"Oo. Wala akong paki-alam! Pero kaibigan mo si Rovi. Hindi syota! Hindi Ex! Kaya huwag kang umatungal diyan na para bang kaya mo ang lahat! Nasasaktan din ang mga tao sa paligid mo kapag nasasaktan ka."
Tumayo si Rick. May nang-uuyam na ngiti sa labi.
"Isa ka ba sa nasasaktan Jerick? Do you still love me after all this time?"
Napipilan ang sarhentong naki-alam sa pagsugod ni Rick. Hindi niya akalaing kaya nitong ihagis ang tinyente. Nakita na niyang nalingunan ito ni Rick pero hinayaan lang nito na ihagis siya ni Jerick. Confirmed na nga na mag-ex ang dalawang ito. Puta! Ang dami niyang hindi alam.
"Huwag kang hambog Rick." iyon lang at umalis na ito pagkatapos mabigla.
Tinapunan niya ng tingin si Rick na pinapagpag ang damit at hinihimas ang balikat na nasaktan. Isang tatawa-tawang Perse namana ng nagsalita at lumapit.
"Mga parekoy! Tapusin na niyo yang LQ niyong tatlo. Tapos na ang clean-up. Malapit na rin ang mga pulis. Naikarga na sa mga truck na narito ang katawan ng mga hinayupak. Halina kayo."
"Sige tol." walang-ganang sabi lang ni Rick.
As for Rovi, hindi na siya nagsalita at nagtanong pa. Mukhang malalim ang ugat ng lahat ng iyon. Kahit bestfriends sila ni Rick, hindi naman tamang ubingin niya ito sa mga bagay na ayaw nitong malaman nila. Mabilis siyang sumunod sa mga ito at sumakay sa sasakyan.
SAMANTALA, sa isang safehouse sa Laguna.
"Ano pa ang mga plano ninyo nila Rick?" sabay utos na diinan ang ulo nito sa loob ng drum na puno ng yelo at tubig.
Pagkaahon ay lalong nag-init ang ulo niya ng makitang nakangisi pa ito pag-angat. Humihingal itong nagsalita.
"Wala kayong makukuha sa akin."
"Ah ganun?" sabay sipa niya sa mukha nito.
Tumalsik ang lalaking hubo't-hubad na duguan ang buong katawan. Walang iba kung hindi si Cody.
"Alam ba ni Rick na traidor ka Alexa?" tanong nito kapagkuwan.
"Marahil alam na niya ngayon." nakangising sagot niya.
"Wala kang malalaman sa akin. Kaya kung ako sa'yo, patayin mo na ako kasi kapag nakawala ako dito, tapos kayong lahat sa akin." tumatawang banta ng lalaki sa kanya.
Naningkit ang mata niya. "Ah... ganun ba?" kibit-balikat na sabi niya sabay hataw ng latigo dito.
Napasigaw ito sa sakit. "Ano masakit ba?"
Sa gulat niya ay nagtatawa pa ito at nang-aasar na dinilaan siya. Hinataw niya ulit ito ng latigo pero tawa lang ulit ang isinukli nito kapag natatapos humiyaw sa sakit.
"Bakit ka nagtatawa?" inis na sabi niya.
"Kinikiliti mo ako eh?" nang-iinis na sabi nito.
"Ah kiliti pala ha." sabi ni Alexa. Kinuha niya ang baril sa isang kasama. Pinaputukan niya ang hita nito. Napasadlak lalo ito sa lupa.
"Tingnan natin kung makatawa ka pa." sabay lapit dito at muling sinipa ito sa sikmura. Nanahimik ito at mukhang nawalan ng malay.
"Linisin niyo yan. Gamutin niyo ang sugat." utos niya sa talong naroroon.
"Bakit Ms. Alexa?"
"Kailangan natin ng buhay ang ugok na iyan. Matinik si Rick. Kailangan ko siya as hostage."
Tumalima na ang mga ito at binuhat ang walang malay na si Cody. Paglabas niya ay parang nahahapong sumandal siya sa pintuan. Tumuloy siya sa labas at tinungo ang sasakyan. Pagpasok niya ay napaluha na lang siya. Nagiging kumplikado ang lahat. Naisip niya si Apple. She knew her sister well, inaakala na nito na nagiging traydor siya. Kailangan niyang paniwalain ang lahat na traydor siya. Para maitumba ang Koreanong ito.
May bargain sila ni Rick, last na ito. Kapag natapos nila ng maayos, libre na sila ni Apple. Nahahapong ini-start niya ang kotse at pinaandar iyon palayo sa safehouse. Hiling niya lang ay makayanan ni Cody ang lahat ng iyon. Naaawa siya rito, pero kailangan niyang malinlang ang lahat para sa ikare-resolba ng kasong ito.
Next stop niya, ang mismong hideout ni Park Gyul Ho. Kailang niyang makuha ang loob nito at mukhang nagagawa na niya sa pamamagitan ng pag-traydor niya kay Rick kunwari.
"Konting tiis na lang Apple." bulong niya sa hangin.
Itutuloy...
0 comments:
Post a Comment