Isang Pagsasalaysay ng Karanasan

Monday, November 8, 2010

Ang sulat sa ibaba ni Marlon Alves ay isang malayang uri ng pagsulat ng isang tulang pasalaysay. Hindi ito saklaw ng kumbinsyunal na pamamaraan ng pagsulat ng tula. Dito mas binibigyan ng halaga ang nilalaman kesa straktura ng isang sulatin.


Marlon, salamat sa ibinahagi mong ito. Kasama mo kami sa pagbuo ng makabagong anyo ng literatura. :)
---------------------------------


Dinala ako ng aking mga paa sa di malamang dahilan 402 talaga ang aking kinabibilangan.
sa mundong aking pinasukan ay di pa batid kung paano sisimulan , makibahagi sa mga taong bago sa aking harapan .
Sa mga araw na nagdaan ay may gumuhit na ngiti sa aking kinabukasan, Mga araw na dumaan sa aking alaala ay di malilimutan.
Ang saya na sa kanilay naramdaman , bahagi na lamang ng mga ala alang aking binabalikan.
Ang mga tropa at kaibigang nagpadama sa akin ng buhay na dapat pahalagahan.
Sa mga aral at leksyong aming napagsaluhan, namayani ang pinakamahusay sa bawat larangan.
Sa bawat salitang binitiwan, simpleng banatan at biruan, doon nag sisimula ang pikonan
 at tampuhan.
Ang mga di paawat na kalokohan nang mga tropang sa likod ang pinagmulan, unti unti ko na lamang nagunita ng hindi ko namamalayan.

Mga pag gala pagkatapos ng aral at seryosohan, SM lagi ang aming gimikan.
Bawat isa'y may kanya kanyang paraan , upang mabuo ang kasiyahan.
Ang bawat probelam at suliraning natitikman , sa pag kanta na lang sa videoke dinadaan.
Ang mga isyu at pag tatalo na natutuloy din naman sa masayang inuman.
Papahuli ba naman ang mga pagdiriwang ng mga kakklase na magdiriwang ng kaarawan?
Inumang walang humpayan pagkagaling sa iskwelahan.
Nang malapit ng matapos ang limang buwan ay kanya kanya na ng paalam.
Ngunit hindi dyan nag tatapos ang kabanata na aming nasimulan. Sapagkat ang bawat paaalam ay mayroong bagong pagmumulan.
Dumating ang ikalawang yugto ng pasukan, mayroong nag paalam ngunit agad naman itong napalitan.
Mga bagong mukha na sa una ay katatakutan. Bagong yugto ng iskwela ay naghamon sa aming katatagan.
Ilang kabarkada may lumisan, may iilan pa rin namang pwedeng damayan, yun nga lang ibat iba na ang pinakikisamahan.
Lumipas ang mga araw ng iskwela hanggang sa amin na itong nakasanayan, Ang mga taong sa una'y kinatakutan ay tunay din palang palakaibigan.
Ang mga yugto at sandaling napag samahan, madali talagang kunin ng oras ng pananahan.
Lumipas muli ang limang buwan at ang iba ay muli na namang nag paalam, may mga ilang naiwan ngunit hanggang kailan?
Bagamat panibagong yugto, samahan ay nanatiling buo.
Dumating sa puntong pahirapan, pag aaral na ang naging siyang puhunan.
Hanggang On the Job Training ay dumating ng hindi inaasahan, nakatagpo muli ng bagong kasama sa kalokohan.
Mga meeting na ang dahilan ay pagkakamali, syempre kami parati ang nagiging sanhi.
Dumating ang sandaling trahedya na ang lumapit, ngunit dito pala mabubuo ang isang grupong nag kakabit kabit.
Mula sa malunos na trahedya , tawanan ang sa aming mukha ay makikita.
May mga panahong inis ka sa bawat isa, pero sa huli mapapaisip ka din pala.
Mahirap ipagpalit ang sayang nadarama, sa mundong binubuo mo lamang mag isa.
Bawat hirap nalampasan, mga pagsubok na nagbigay ng iyakan, mga sandaling tawanan at buiruan, sa datamex ko lamang iyan natikman.
kahit mga staff ay mapanghusga, hindi ka naman pababayaang mag isa, nang mga tropa at kaibigang sayo buo ang suporta.
Kahit minsan ay may away at tampuhan, iba na pag alak ang usapan.
Mga banat ng tropang tablahan, mauuwi lagi sa asaran. 
Kahit ganito ang naging katapusan, kwento ko sanay pagbigyan.
Kahit panget basahin at tingnan.
Nais ko lamang ibahagi ang aking karanasan.,

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP