No Boundaries - C4

Sunday, January 23, 2011

Chapter IV
Pagkabigo ng Buhay Pag-ibig ni Andrei

Sa gabi ng pagtatapos ng magkapatid na del Rosario sa High School ay tanging si Aling Martha lamang ang sumama sa kanila. “Mga iho, pagpasensyahan nyo na ang Papa nyo. Madami daw talaga syang commitment ngayon. Nalimutan daw niya na ngayon ang graduation nyo kaya tumanggap sya ng mga appointment.” Pagdepensa si Aling Martha para sa papa nila Andrei.

“Wala po iyon Aling Martha, sanay na kami ni Kuya Andrei kay Papa. Lagi naman syang walang oras para sa amin.” saad ni Andrew.

“Pero iho, intindihin n’yo na lang Papa n’yo. Gaya n’yo nakita ko na malungkot din siya kanina at hindi n’ya kayo masasamahan.” Pagtatanggol ni Aling Martha

“Aling Martha, wag nyo na po ipagtanggol si Papa” usal ni Andrew “kung tutuusin mas magulang pa po kayo para sa amin kaysa sa kanya.” dagdag pa ng binata. “di ba Kuya Andrei.”

Habang si Andrei ay nakatahimik lamang at patuloy na iniisip si Nicco at ang kapangasahang ginawa n’ya dito kanina. “Ayos lang kaya si Nicco? Naiisip pa kaya n’ya yung ginawa ko sa kanya? Sana naman hindi n’ya ako iwasan pag nagkita kami ulit.” – laman ng isip ni Andrei bago s’ya tanungin ng kapatid nyang si Andrew.



“Kuya, kanina ka pa tahimik dyan ah. Ano ba ang iniisip mo? Baka naman sino?” tanong ni Andrew

“Wala yun, may naalala lang ako pero wag mo na lang itanong dahil walang sense un.” Sagot naman ni Andrei.

“Kuya ayan na si Carla oh, humanda ka baka mangulit na naman yan sa iyo.”

Sa pagdaan ni Carla ay tila may pang-aasar nitong sinabing “Kamusta ka na Andrei? Kamusta na yung boyfriend mo? Di ko akalain bakla ka pala.” Agad ding umalis si Carla ng mapansing tila hindi siya nakikita ni Andrei at lalong hindi naasar sa ginagawa niya.

“Oh Kuya ano naman ba ang sinasabi ng babaing iyon? Tanong ni Andrew

“Wala, nahihibang na naman. Wag mo na lang pansinin.” pagdepensa ni Andrei.

Ilang sandali na lang at natapos din ang programa subalit sumasagi pa rin sa isip ni Andrei si Nicco. “Hay Andrei, tigilan mo na yan, wag mo na isipin si Nicco. Wala ka mapapala. Lalaki ka at lalaki din un. Hindi kayo talo.” Sabi ng isip ni Andrei.

Nang pauwi na sila ay nakita ni Andrei ang kababatang si Chad. Si Chad ang anak ng dating sekretarya ng kanilang papa nung Vice Mayor pa lamang ito ng bayan nila. Nilapitan ni Andrei si Chad na higit sa isang taon na din niyang hindi nakikita. “Oi pare, kamusta ka na?” pagbati ng binata “kamusta graduation?”

“Oi pare kaw pala yan” sagot ni Chad “ayun nakaraos din kami kahapon. Si Papa mo nga ang speaker naming eh.” Si Chad din ay kabarkada ni Nicco sa SINHS.

“Oo alam ko, andun din kaya ako.”

“Wow naman, at peace na pala kayo ni Papa mo.” Sambit ni Chad na may tipid na tawa.

“Magtigil ka nga. Saan ba ang punta mo? Nadaan ka yata dito?” usisa ni Andrei.

“Hinihintay ko ung pinsan ko, may celebration kasi sa kanila. Gusto mo sumama ka? Shot shot lang sandali tas uwian na.” aya ni Chad sa kaibigan.

“Sige paalam lang ako kila Andrew. Malamang naman wala din si Papa sa bahay pagdating namin”

“Sige hintayin kita.”

Sa bahay ng pinsan ni Chad na kaibigan din naman ni Andrei ay duon napagkwentuhan ng dalawa ang tungkol sa buhay pag-ibig ni Andrei. “Kamusta na kayo ni Stephanie? Tinuloy mo bang ligawan?” usisa ni Chad.

“Pare hindi ko pa nililigawan basted na ako.” sagot ni Andrei “ganuon kasaklap pare.”

“Sa gwapo mong iyan, daming naghahabol sa iyo tas ayaw sa iyo? Bakit naman daw?”

“Hindi daw ako ang type niya. Mas type nya si Andrew pare” saad ni Andrei “at ito pa pare, nililigawan na pala siya ni Andrew at hanggang ngayon ay nililigawan pa din siya at hanggang ngayon ay hindi alam ni Andrew na mahal na mahal ko si Steph.”

“Ganuon ba, sorry pare sa tanong ko. Ayos lang yun pare. Maganda na din at hindi ka pinaasa, hindi tulad ni—“

“Shut up pare, wag mo ng ipaalala si Nicolai ang dakilang manloloko.” basag ni Andrei sa kaibigan.

Tumawa na lang ng malakas si Chad at ganuon din si Andrei. “Hahaha, hanggang ngayon pala ay di mo pa din makalimutan yung ginawa nya.”

Biglang naging seryoso si Andrei “Oo naman pare, minahal ko siya, pinaglaanan ng oras, nagsakripisyo, inilaan ang buong buhay ko. Pero ano, malalaman ko, hindi lang pala kami dalawa, apat kaming pinagsasabay-sabay nya.” Biglang tumulo ang luha ni Andrei “at masaklap pa, ako ang pinagmumuka nyang masama.”

“Tama na pare, wag ka ng umiyak.” pag-alo ni Chad “move ka na”

“Mahirap talaga kasi pare,” sambit ni Andrei “ayoko na talaga sanang alalahanin pero hindi pwede, sa tuwing naaalala ko nasasaktan ako.”

“Alam mo pare, may nakapagsabi sa akin, kung ang isang bagay hindi talaga para sa’yo, talagang hindi mo makukuha. Pilitin mo mang makuha at sakaling magtagumpay ka hindi ka pa din makakaramdam ng tunay na ligaya. Dahil sa pag-aakala mong ito na ang para sa’yo, di mo alam na unti-unti na palang sumasara ang puso mo at naitataboy kung ano ang talagang laan para sa’yo. Ganyan din sa pag-ibig pare. Mas mainam na yung hinahanap pero wag mong piliting makuha, dahil pag nakita mo na ang tunay na para sa’yo, ito na mismo ang lalapit at didikit sa’yo.” pag-alo ni Chad kay Andrei.

“Salamat pare” sambit ni Andrei “buti na lang at may tao pang kagaya mo. Buti na lang at naging kaibigan kita, buti na lang at nakilala kita pare.”

“Ayos lang iyon pare, basta sa tuwing maaalala mo yung mapait mong nakaraan, wag kang iiyak, mula duon humugot ka ng lakas.” usal ni Chad “wala pang namatay na ginawang lakas ang sakit ng kahapon” dagdag pa nito.

Pumailanlang ang katahimikan sa dalawa na kapwa apektado na ng espiritu ng alak. Sa gitna ng katahimikan ay muling nagsalita si Chad. “Sa ngayon ba pare wala kang ibang natitipuhan?” tanong ni Chad sa kaibigan.

“Di ko alam pare, nakatali pa rin ang puso ko kay Steph. Pero alam ko lilipas din to. Sa ngayon medyo naguguluhan ako, lalo na sa mga nangyayari.” Sagot ni Andrei.

“Ano ba ang nagpagulo sa’yo? Yun bang nangyari kaninang umaga?”

Natahimik ulit ang pagitan ng dalawa at parang binuhusan ng malamig na tubig si Andrei ng maalala ang kapangahasang ginawa n’ya kay Nicco. Bakas sa mukha ng binata ang pagkagulat at pagkabigla subalit umaasa siyang hindi iyon ang ibig iparating ng kaibigan.

“Nakita kasi kita kanina pare, malapit na ako sa gate nun nang marinig kitang may kasigawan. Nakita ko hinalikan mo si Nicco. Pare, napakatino ni Nicco, matalino, mabait, kakaiba sa lahat.” at nagpatuloy si Chad “kung ang tinutukoy mong nagpapagulo sa’yo ay si Nicco, mas mainam na kalimutan mo na lang. Malayo ang pangarap ng taong iyon na siya lang mag-isa ang makakaabot.”

“Pare, hindi naman sa ganoon –“ matagal bago makapagsalita ulit si Andrei “wala na sana pareng ibang makakaalam nun. Ayoko malagay sa kapahamakan si Nicco.”

“Kung hindi mo sana ginawa iyon sana wala kang ipinag-aalala” untag ni Chad “pero wag kang mag-alala, dahil gaya mo mahalaga sa akin si Nicco, ayoko ding mapahamak ang kaibigan kong iyon, wala akong pagsasabihan.”

“Salamat pare.”

“Pero sinasabi ko sa iyo, wag kang maguluhan kay Nicco. Wag mong hayaang lumalim ang damdamin mo sa kanya. Pareho lang kayong masasaktan sa bandang huli.”

“Wag kang mag-alala pare dahil hanggang ngayon si Stephanie pa rin ang nasa puso at isipan ko. Susundin ko ang payo mo pare. Maghihintay ako kasabay ng paghahanap ko.” – kahit iba ang sinasabi ng puso at isipan ni Andrei ay nagawa pa din niyang pagtakpan ang tunay na laman nito.

“Si Stephanie, ang pinakamayumi sa buong lalawigan ng San Juan. Hanggang ngayon siya pa din ang laman ng puso mo tama ba ako Andrei?” Biglang pagsingit ni Marie sa usapan ng dalawa na ikinabigla naman nila “wag kang mag-alala kadarating ko lang kaya’t kung may tinatago kayo malamang hindi ko narinig un.”

“Hay naku Andrei, andito naman ako, bakit si Stephanie pa din ang iniisip mo? Kayong magkapatid kayo nahuhumaling sa iisang babae.” panunuya ni Marie na may halong pang-aakit para kay Andrei “sabagay sino namang lalaki ang hindi mababaliw kay Stephanie, kahit ako tanggap kong siya na ang pinakaDiyosa sa buong lalawigan.”

Nahalata na ni Marie ang pagkairita sa mukha ni Andrei kung kaya’t nagpasya itong magpaalam na sa dalawa. “Oh siya, hinihintay pa ako ng mga amiga ko duon, kita nalang tayo sa susunod.” sabay kindat at ngiti.

“Pare, sobrang makapang-akit tila gustong angkinin ang lahat ng kalalakihan sa mundo.” Sabi ni Chad at sumang-ayon din si Andrei sa pamamagitan ng pagtawa.

“Pare sandali lang may tumatawag ata sa akin” paalam ni Andrei.

“Hello, Andrew bakit napatawag ka?”
“Pinapauwi ka na ni Papa, bilisan mo at wala ata sa mood.”
“Sige pauwi na ako”

“Pare, una na ako, pinapauwi na ako sa bahay. Alam mo na kailangan magpakagoodboy” kasunod nito ang mahinang tawa. “Ung napag-usapan natin wala na sanang iba pang makakaalam ah.”

“Loko ka talaga, sige na uwi ka na.”

“Salamat ulit pare.”

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP