Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 24)

Monday, December 12, 2011



Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:

Sina Dada, jac, mArk,Ronn, BourbonConan, mcfrancis, j.v, -Ram, Nujum, LightRundle, Erion, boy jazz, coffee prince( number one fan ng novel ko..) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, salamander, jeh, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin, don't worry, I'll text u if I have some spare time Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!

ATTENTION READERS!!:
Guys, eto yung part ng series ko na pinaka-importante at pinakamahalaga sa buhay ko, bale, tatlo ito. Ito yung pangatlo at huling episode na pinakamalungkot na dumaan sa buhay ko. Hinding-hindi ko ito makakalimutan dahil dito ako umiyak habang ginagawa ko itong part ng series ko. Mahirap sa umpisa pero, unti-unti ko namang nakakayanan dahil nandiyan sa aking tabi ang Patrick ng buhay ko. Well anyways my Patrick, advance happy 23rd Birthday sa'yo.. I Love You!! And for Cheney.. Kahit kailan, hinding-hindi kita makakalimutan, as long as I have my memories of you, it will always be the same, forever!! I love you too, my Cakie!!!

ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/

FB: http://www.facebook.com/pINNOHy

TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)
---------------------------------------------

Part 24

Huling araw sa buhay namin na makakasama si Cheney. Malungkot. Dama ko sa puso ni mommy na nag-aalala siya sa akin. Pumunta siya sa kusina na nagtimpla ng juice at pagkatapos ay ibinigay niya sa akin. Tinanong niya ako kung handa ko bang harapin si Cheney sa huling pagkakataon.

"Mom. The hurt's still in my heart. Masakit pero I need to face her. Siguro ito talaga ang kailangan for me to accept the reality of her death."

Iniwan niya muna akong pansalamantala. Pumunta siya sa kwarto ko at kinuha ang pantalon ko na sinuot ko pa noong namatay si Cheney. Me nakita siya sa loob ng pantalon na ikinagulat ko nang ipinakita niya yun sa akin. Ang snickers. Snickers chocolate bar na favorite naming tatlo ni Patrick at Cheney na kapag nalulungkot ang bawat isa sa amin ay kaagad naming pinagsasaluhan. Kinuha ko agad yun.

"Mom, I will not eat this. Ibinigay ni Cheney ito sa akin bago siya mamatay. Wala akong pakialam kung malusaw ito sa mga kamay ko o putaktihin ng mga langgam. Basta, itatabi ko ito dahil ito lang ang tanging alaala na binigay sa akin ni Cheney bago siya mamatay."

Hinalikan niya ako sa pisngi. Mukhang naramdaman ko sa kanya ang pag-alala. Kinuha ko siya at niyakap. Isang yakap na mahigpit, na kahit masakit ang nararamdaman ko sa puntong yun, nandun din ang pag-asang mawawala rin yun lahat.

Makalipas ang ilang oras, dumating si Lei kasama si Nikol at Jayson, sabay na daw kaming pumunta sa huling burol ni Cheney. Agad akong naligo at nagbihis, kinuha ang ibinigay sa akin ni Father para basahin mamaya sa necrology, at pagkatapos niyaya silang umalis at pumunta na sa kinaroroonan ng mga labi ng cakie ko.

Maraming tao. Iba-iba ang mga nasa loob ng mini-chapel ng St. Joseph kung nasaan nakaburol si Cheney. Nasa unahan siya kaya hindi gaanong tanaw mula sa labasan ang kanyang mga labi. Bigla kong pinigilan sina Lei at Jayson. May naramdaman akong kaba. Bumibilis ito habang naglalakad kami papuntang loob. Napaupo ako sa labas ng pintuan ng chapel at hinayaang pinapasok ang dalawa sa loob. Naramdaman ko ang lungkot sa loob ng burol ni Cheney. Maraming bulaklak na nakahilera mula loob palabas na siguro galing sa mga nagmamahal at nakikiramay na mga kaibigan ng mga magulang niya at ng mga kaklase niya, siyempre, kasama na rin pati kaming mga kaibigan niya.

Bigla akong niyaya ni Lei na pumasok na sa loob. Biglang bumalik ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko mawari ang kaba na baka hindi ko makayanang makita ang mga labi ng minahal ko. Bahala na!! Siguro, ito na talaga ang tamang oras para magpaalam at sariwain ang masasayang alaala sa kanya. Sinubukan kong maglakad papuntang loob.

Habang naglalakad, maraming nakatingin sa akin. Hindi ko sila kilala, pero may pakiramdam akong kilala nila ako dahil sa relasyon ko kay Cheney noong nabubuhay pa siya. Agad na hinawakan ako ni Lei sa kamay sabay sabing "Kaya mo yan!!".

Maliwanag ang ilaw sa kabaong ni Cheney. Kulay lavender ito na metal style. Pasemi-circle ang kurba ng salamin niya sa harapan. Nakita ko rin ang malaking portrait style na larawan niya na nakatayo sa uluhan ng kanyang kabaong. Maganda siya. Nakangiti na animo'y nakatingin sa akin na walang problema sa kabila ng kamatayan nito. Naka semi-gown siya na naka-shoulder cut na kulay pink at kita ang mapuputing mga balikat nito. Nasa harapan na niya ako. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Totoo ba ito? Nananaginip lang ba ako? Sana magising na ako, kung nananaginip lang ako!!

Sinamahan akong pumunta sa harap ng walang buhay na si Cheney. Sa wakas, nakita ko na siya. Medyo mas umangat ang kaputian nito na mas maputi pa kay Lei. Para siyang natutulog. Maganda ang mukha niya, ang mga mahahabang pilik mata, ang kanyang matangos na ilong, at higit sa lahat, ang labi niya na mapula na hindi nagbago sa kabila ng pagpanaw nito. Suot ang gown na ginamit niya noong JS Prom. May tiara siya sa ulo na akala mo'y parang prinsesa. Mula sa kabaong niya, kitang-kita ang buo niyang kaanyuan.

Napansin ko rin ang mga daliri nito na nagkukulay ube na dahil na rin sa tatlong araw na nakaburol. May suot siyang singsing. Nang kinilatis ko ito ay may bigla akong naalala. Yun ang singsing na binigay ko sa kanya kasama si Patrick noong bata pa kami. Napapikit ako. Lumayo akong bahagya sa kabaong ng cakie ko. Pinipilit kong gisingin ang sarili ko sa bangungot na nangyayari sa akin ngayon. Unti-unting lumalabas ang mga luha ko. Sinara ko ang aking mga kamay na tipong parang may hahamunin ng away. Ang luha ko na unti-unting pumapatak sa ibaba ay biglang bumuhos ng maramihan na tulad ng ulan. Biglang lumapit sa akin ang tita ni Cheney na mommy ni Patrick kasama si Lei. Pinaupo nila ako sa harapan mismo ng mga labi ng babaeng minsan ay naging parte ng buhay ko na nagpatuloy sa pagmamahal ko kay Patrick. Kumuha ng isang mineral water ang mommy ni Patrick at binigay sa akin.

"Jacob, It's fine!! Everything has a purpose!! No one knows, but I think there is something good behind everything. Sweetie, kaya mo yan!!"

Si Tita Susan. Mommy ni Patrick. Kinuha niya ang aking ulo at sinandal sa dibdib niya. Iyak pa rin ako ng iyak. Wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao sa loob. Nagluluksa ako kaya kailangan kong ilabas ang lahat. Kasama ko si Lei sa tabi ko. Hinihimas niya ang likod ko habang tumatangis ako sa mommy ni Patrick. Siguro, limang minuto akong umiyak hanggang sa nahinto ako nang bigyan ako ni Lei ng snickers na favorite din namin sabay kinain.

Umalis si Lei para puntahan si Father Michael sa simbahan ng Tondo. Malayo yun mula dito, kasi nandito pa sa QC yung burol niya. Kinausap ko si Tita Susan tungkol kay Patrick.

"You know what, iho, Cheney has always told me about you. Kahit lumipat na ako sa Dubai. Oh, well, Wala na kami ng asawa ko, actually, hindi ko naman siya talaga asawa, maybe ka-leave in, tama, that's a right word! Nakasama na ng tatay ni Patrick yung one true love niya na nakita siya sa Dubai. I hope he's doing good with him."

Nagtaka ako kung bakit "him" ang sinabi ni Tita Susan. Kung sabagay, sinabi niya sa akin noong bata pa ako na Bisexual din pala ang daddy ni Patrick, tulad din niya.

"Tita, how's Patrick anyway? Actually last Christmas, he gave me a Christmas Card together with his message to me. That's the first time he has gave me something like that. He told me that he was here and he was studying somewhere here in Manila. Actually, he just set me a date to meet him in person but, when I was got into the meeting place, he wasn't there! Well, I was waiting for almost an hour to see him. He disappointed me that time. Buti na lang, Cheney was there and Lei, sinamahan nila ako in the midst of everything. Bakit ganun siya?"

Hindi siya sumagot. Kung sasagot siya, kulang sa impormasyon. Me nangyari bang masama kay Patrick? Bakit hindi niya ako pinuntahan? Bakit pinagmukha niya akong tanga noong hinahanap ko siya?

"Well iho, Patrick is here. Tama siya, he has told me about everything that he wrote from your Christmas Card. He wasn't able to show to you because he wasn't prepared yet. Maybe sooner or later when the right thing comes, he'll do it. Ayaw ka niyang masaktan even at this point. By the way, nandito siya kahapon! Hinahanap ka niya kaso, wala ka!"

"Sayang naman po. Alam po ba ninyo, I love him, much as Cheney herself. Minsan nga po, nagseselos na siya sa akin, pero pinapangiti ko naman siya. Tanggap ni Cheney na pangalawa lang siya sa puso ko pero hindi ako nagkulang na mahalin siya na pinagkait sa akin ni Patrick noon."

"I know sweetie, I know!! Despite of that, Patrick also loves you. In fact, while we're in States, lagi ka niyang iniisip. Gusto ka niyang makita. Lagi siyang may tantrums noon. Ayaw niyang kumain. Gusto ka niyang makita o mahawakan man lang. Minsan sa sobrang pag-alala, hindi na namin alam ng lola niya kung ano ang gagawin! Nagtangka pa nga siya magpakamatay eh, buti na lang at napigilan namin siya, nasugatan pa nga niya ang wrist niya na eventually naging peklat na. Doon din nag-umpisa ang paglalabo ng mga mata niya. Lagi kasi siyang umiiyak especially noong nasa states pa kami, actually, nakasalamin na siya ngayon. Pero sweetie, I promise you, mas gumuwapo siya ngayon!! I swear that to you! Kamukha niya yung daddy niya kung tutuusin eh!!"

Sa kalagitnaan ng usapan namin ng mommy ni Patrick, biglang dumating si Lei, kasama niya si Father Michael. Mukhang wala pang isang oras nang umalis si Lei. Nagkita daw sila sa may UST at dun na raw niya sinundo ang pari. Kinamusta niya ako at niyakap. Ganun din ang ginawa niya kay Tita Susan. Bineso niya ito at nakiramay pagkatapos. Tinignan niya muna ang mga bangkay ni Cheney sa kabaong bago siya tumabi sa amin.

"Father Michael, it's been a long time since Patrick was a child. Kamusta na kayo?!"

"Well, Susan, I'm doing good!! Ang bilis ng panahon ano, Cheney and Jacob are now growing up! I supposed Patrick too!! Malungkot lang kasi maagang kinuha sa atin ni God si Cheney sa atin."

"Opo Father, na-miss ko tuloy yung anak ko!! Nakaka-miss din yung mga bata na ngayon ay mga binatilyo na't dalagita!! Malungkot lang talaga ang sinapit ng pamangkin ko!!"

Bigla akong kinalabit ni Lei. Nandun na daw ang mga barkada kasama ng mga kaklase ni Cheney, kaya't tumayo ako at nagpaalam muna kay father at Tita Susan.

Sa labas, nakita ko sina Joseph, Jayson, Nikol, Hiro at Shaine. Kasama rin ang mga barkada ni Shaine at mga teacher nito. Siyempre nandun din si Ma'am Pelaez at Ma'am Ortega. Nagulat din ako nung nalaman ko na nandun sina Gelo at Michael. Agad akong pinuntahan ng dalawa.

"Jacob, Condolence!! I know, Hindi mo pa kami napapatawad, pero hindi na importante yun. Nandito kami for Cheney." sabi ni Michael habang nakayuko si Gelo sa akin.

"Ang drama ninyo!! Punta nga kayo sa harapan ko!!"

Inakap ko silang dalawa. Matagal ko na silang napatawad. Well, dahil na rin sa natanggap ko na ang sexual orientation ko kaya ko nagawang patawarin sila. Sa una, ayaw ko ng bakla. Nasaktan kasi ako nun kay Patrick kaya sinumpa ko na rin na magmahal ng tulad niya.

Maraming kinuwento sa akin si Gelo. Sila pa rin hanggang ngayon ni Michael. Nung nahuli ko sila ay may relasyon na pala sila at one month na pala sila noon. Syempre, tinago ko ang relasyon namin ni Lei at ayaw kong sabihin yun kahit kanino, kahit sa kanila.

Iniwan ko muna silang saglit. Pumunta ako sa grupo nina Shaine na kabarkada ni Cheney at kinamusta ako. Sayang daw siya dahil kung nabubuhay pa raw ito, malamang naging artista siya at mas aangat pa kaysa kay Shaine. Siyempre, hindi rin nila nakalimutan kung ano ang pangalan ng baby bro ko dahil crush daw nilang lahat siya bukod sa akin. Dumating si Lei sa kalagitnaan ng pag-uusap. Mas kinilig sila nang nakita ang baby bro ko. Sa sobrang kilig ay may nagnakaw pa ng halik sa kanya na kaagad namang kinamula ng pisngi ng baby bro ko.

Sa isang sulok, nakita ko rin ang mommy ko. Kaagad akong pumunta sa kanila at niyakap. Buti na lang daw at nagiging masaya ako sa kabila ng kalungkutan ko sa pagkawala ni Cheney. May dala silang bulaklak para kay Cheney at ibinigay ko naman yun sa harap ng kabaong niya.

Sa loob, nakita ko pa rin ang mommy ni Patrick kasama si Father. Nag-uusap pa rin sila. Nakita ko rin na dumating na rin pala ang mommy ni Cheney at kaagad ko siyang niyakap. Sinabi niya rin sa akin na 30 minutes from now, kailangan na magsimula ang necrological service ni Cheney.

Necrological Service ni Cheney. Saktong 10:25pm, pareho sa oras kung kailan namatay si Cheney, nagsimula ang misa. Magkasama kami ni Lei at ng barkada sa kaliwang harapan samantalang nasa kabila naman sina mommy ko, mommy ni Cheney at mommy ni Patrick. Kasama din nila ang mga kamag-anak ni Cheney at mga kaibigan niya. Sa parte ko naman, kaming lahat ng buong LDHS kasama ang mga barkada at kaklase ko at ni Cheney. Si Father Michael ang nag-lead sa amin.

"My fellow brothers and sisters, we are here not to lament Cheney's lost. In fact we're here to celebrate her triumphant journey to heaven. I know, the reason why she leaves us because she want us to be reunited as one. God so love her, that even for her darkest hour of her life, he's there to lean on, until that right time had came by, God took Cheney away from us and lead her in a better place and she became his flower to heaven's garden. You know what, my dear brethren, in a certain book that I read, there is someone, like Mr. Litton who conveyed a beautiful thoughts about grieving. For him, we are born for a higher destiny than that of earth; there is a realm where the rainbow never fades, where the stars will be spread before us like islands that slumber on the ocean, and where the beings that pass before us like shadows will stay in our presence forever. I supposed, these words may sounds foreign from both of us today, but if we hold on to this one thought, it will help us to stand strong to face tomorrow, considering the fact of loosing Cheney's presence to us. We need to hold on to our faith! Even though it's hard for us to determine God's plan for us, let's just see the brighter side of it, that in the midst of uncertainty, God will be there to lean us. Time will heal our wounds, but the presence of his love will scatter deeply in our life as time goes by."

"When Prophet Job was tested by god to his faith on him, there was the time Job looses everything! His farm, his wealth, his friends and even his family, but there was one thing Job didn't ever forsake, despite of all, and that's the steadfast love to god, that is immeasurable by wealth and even material things in this world. We need to stand like Job. We have to deal life like Job. All of things in this world has a reason, but then again, we should find these reasons in our hearts and set this out as an inspiration to keep us alive. Cheney is now in the arms of our Lord, let us allow her to spread her wings to embrace God's glory and when the right time comes, she will lead us to be with God also and together be rested to his eternal garden. Let us all rise, in the name of the father, and of the son, and of the holy spirit, Amen!"

Natapos ang sermon ni Father ng tatlong minuto. Napakabilis kung iisipin pero tagos hanggang buto ang pangaral niya tungkol sa buhay kung papano harapin si Cheney na wala na siya. Sayang! Kung nabubuhay pa siya, siguro mas magiging makabuluhan ang pagsasama namin. Baka siguro naging asawa ko na siya, na may mga anak na kami at namumuhay ng sama-sama sa iisang bubong.

Napaiyak si Lei sa aral ni father. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at binigay sa kanya. Sa kanyang pagdadalamhati, sana, nakikita lahat ito ni Cheney, sana lagi niya kaming bantayan, at sana, makapiling namin siya ulit sa kabilang buhay.

Natapos ang misa ng isang oras. Halos nabasbasan na lahat, ang kulang na lang ang katawan ni Cheney. Sa puntong iyon, kinuha ko ang maliit na papel. Gusto ko sanang buksan yun pero baka multuhin ako ni Cheney kaya mamaya ko na lang ito babasahin. Nakasulat ang lahat ng gustong ihabilin sa akin, kay Lei, sa parents niya, at higit sa lahat, sa mga kaibigan niya. Medyo makapal ito kaya kailanganin kong maghanda.

Natapos ang misa ng binasbasan ni Father ang mga labi ni Cheney. Sinabihan kami ng mommy ni Cheney na maghanda ng sasabihin para sa eulogy ni Cheney. Kasama si Lei dun. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro, naging mas close sila ni Cheney kaysa sa mga barkada at mga kaibigan niya kaya may karapatan siya para magsalita sa harapan. Nagsimula ang commemoration sa isang dasal. Isang kanta ni Cookie Chua na "Paglisan" ang kinanta. Medyo napaluha ako sa message ng kanta niya, tumatama ang lyrics sa puso ko. Habang pinapatugtog ay napagdesisyunan namin ni Lei na pumunta sa harapan at maghanda. Pagkatapos ng dasal ay pinlay ang video niya noong bata pa, hanggang sa na-confine siya sa hospital. Pinakita din ang mga picture niya simula pagkabata hanggang sa mga huling sandali ng buhay niya. Syempre, kasama kami nina Patrick at Lei.

Inumpisahan ang eulogy ni father. Inabot ng 3 minutes ang speech. Sumunod ang mommy ni Cheney. Ayaw magsalita ng daddy niya dahil may sakit sa puso ito at baka mag-collapse sa intense na emotion na ilalabas niya. Pagkatapos ay ako. Agad ko munang binasa ang sulat niya.

"My fellow people, I'm Jacob, the one who used to love by Cheney. I learned to love her since we were just a kid. From a simple puppy love, our affection to each other lasted until today. We have shared a lot of memories. By the way, before I proceed to my speech, my GF has done her last note which I don't have any idea what's inside. I'm reading this on the spot to all of you."

Binuksan ko ang papel. Bigla akong kinabahan. Ano kaya ang laman ng lahat?

"February 7, 2005

My dear Cakie.

First of all, I would like to thank you for giving me such love that I ever treasure in my life. I think at this point, you're reading this already while I'm on my wake. Sadly but I need to leave you. I didn't mean it, but I guess, this is the best thing for us to be free in spite of everything we had in life. I might just be self-centered in any way, but that's all I want to you. I want to set you free. I want you to feel the presence of the person you have love. I absolutely accept the fact that I'm not your true love, but I can say, I fulfill everything that your first love didn't done to you.

The reason why I'm about to write for you is that, I love you. I love you not because you love Patrick. I love you not because I have spend my everything in life for you. Maybe I’m crazy,or just a little confused, but I just have one thing I am certain of and that is I love a man who treated his woman a masterpiece in his life and I seen it in you!! If we are already seperated physically, mentally and spiritually right now, it doesn't mean we're just about rivers and oceans miles away. For all I know, the time will come, you'll forget me, as what the time does. Life seems to be full of trials, pain, sorrow and despair. Much of which we have both have gone through together. We have fought everything against all odds.
If we were to look at each other in the eye, I know that both of us, would walk in one shoes.

I was lived to dream that for someday, we will build a foundation. To step up our relationship into the next level by marrying you, to bear a wonderful children that will carry us through thick and thin, and lastly, to be your beautiful, caring and loving wife who will support you physically and spiritually. Indeed, I know, this dream will always be a dream for us and it will really never happen.

You know my life wouldn't be last forever. In gods time, I know, you will find a true love with another. If you still enflaming Patrick in your heart, well, just keep on it!! I wonder why you love Patrick, much as what I used to. I may not be the best girlfriend, nor the best partner, but I am rest assured, in my life, you are my one true bestfriend.

In time, you will realize why I opted to die rather to live with you. I'm setting you free now!! Even the hurts still in my heart, for me, you will always be the best gift God has given to me. I couldn't ask for more, but to say Goodbye for now, my cakie!!!

For Patrick, I know you are there. Deep inside in my heart, you will always be my one true companion. Even you're too miles away from me, yet my relationship to you as my friend, beyond that, will never perish as time flies by. I know in time, my cakie will understand soon why you opted to hide everything. Time after time, I missed you. I am longing for your presence. Whenever Jacob still in hurt of what you have done for him, yet I know, you still love him a lot. I will now allow you to love him again. Please, I just have one important thing I wish you will do to him that you will never hurt him like what you used to since the last time you've had flew far from here. Please, you should treasure Jacob much as I treasure him in my life. I'm giving you my blessings to love him, to live with him and to give him a lot of memories no one can take those away from you. I'll missed you and I hope I will see you soon!!

To my parents, mom and dad, thank you for being my parents. I am indeed grateful because in my life, I have a parents who loves me not because of my relation for them as their daughter, but as their precious gift has been given by god for them. Sorry for anything bad that I have made for both of you. Sorry if I wouldn't able to become a good daughter for both of you that sometimes, for those days you're nagging at me to death because of my stubbornness. Sorry for sometimes I am truly a PASAWAY from both of you, and sorry because, I just tended to leave you behind. Everything in this world has a purpose, let's just consider it as a one good blessing that in everything we do, we should have to glance back to the one who creates us. Mom and Dad, thanks for being my strength. Also with Jacob and Patrick. You all wipe up my tears when you see me crying and suffering from my disease. I know, this wouldn't be my last goodbye. I'm going to see you here after life, like what I said to Jacob, I don't wanna hear any cries, any laments, just only laughters, only chuckles. Let's celebrate life, as I destined to walk through my journey to the hands of our lord, forever.

To my friends, colleages, my classmates who are too numerous to name, thank you!! Those memories that I have in you will never weaken as time flies by. Thank you for your carefree laughters, for your jologs and corny jokes, for asaran, kulitan, harutan and everything that I have done initially for us. You all change the way of my life by giving me such joy and wisdom, no one can take those away from me. Y'all also had taught me how to know more about myself. Through all the tears I shed, through all the foundations that fortress my life.. My life will never be the same without all of you. For now, goodbye!!

As of now, I don't know what to say. I don't wanna cry at this point. But still, this time while y'all already reading this, I hope, you will find me rest in peace. Again, goodbye is not forever, for the time will come we will see each other again, not at this time, but maybe in future. If I would live my life again, I will choose to be with you all. Those memories I have in you will always stays in my heart forever! Mahal ko kayong lahat!!

Cheney Gail F. Vargas. "

Tiniklop ko ang papel pagkatapos. Hindi ko alam sa puntong yun kung ano ang sasabihin sa nabasa ko. First time ko lang nabasa ang papel na ibinigay sa akin ni Father kaya, bigla akong nabigla sa lahat.

Agad akong tumingin sa harapan. Ang daming tao. Iba-iba sila. May mga kaibigan na umiiyak, mga kaklase na nagyayakapan, mga kakilala na hindi pa tanggap ang nangyari sa kasama nila at ang mga relatives niya na sinusubukang maging matatag pero sa huli'y umiyak din naman. Agad kong sinimulan ang pagsasalita sa harapan nila.

" As of now, everyone, I don't know what to say. There is something in my self I couldn't describe to all of you. This feeling of mine is beyond of any description! I can't withstand this emotion! I couldn't internalize anything! Cheney wants me to be strong, to be vigor, but how? What's the use of future if I could only face it all by my self?

Well Cheney, I hope time will come I will learn to let you away in my life. I used to bring back those roll in the mill situation I have in you in my life. If that's the case you would leave us just because you want to have peace in your life, so be it! Even the hurts still kills my heart up to my noggins, well there is always a room for acceptance. I will accept everything you have said to me after I read your last goodbyes to us. I know, you are not selfish, an egoist, a muddle-hearted person,but the way you used to leave us is something we can't still accepted. Please teach us how to be like you. Teach my heart to face the reality of tomorrow without you! If you said to me that when you died, I would never cry nor lament, well nagkakakamali ka!! I would never be the same like what you used to asked me. I would never be the same as what you intend to request! Masakit Cakie eh!! Masakit!!

Well, my fellow people, Cheney is my first woman to love, also with my mom. She is just an ordinary woman but with extra-ordinary heart, a one of a kind person. She really get used to compromise everything whenever she saw me crying. She doesn't want me to be weaken. Se doesn't want me to stand with those shadows of loneliness of longing for Patrick. She doesn't want me to be hurt with anything that is hurtful for me. For that, cakie I adore you!!

After this, cakie I know, I will never see you nor touch you. I will never behold your stunning physiques. I will missed your beautiful brown eyes. I will never perceive your gorgeous smile again. I will never hug you nor kiss you like what I used to, and mostly, I will never see you anymore!

You have love everything in my life. You have love even my one true love, Patrick. You have love my family, my friends and even my one bestfriend and my one and only Baby brother, Lei. For that, I will always love you for as what you have love most for them.

Like what you said for us, goodbyes are not forever. In fact we will be able to see you after life, and that's for sure!! If our affection couldn't last as of now, maybe in next life I will find you to love me again. I will now letting you rest in peace my cakie, in spite of hurt that still in my heart, I think this would be the best thing I will do for you. Goodbyes are not forever my cakie!! I love you!!"

Umiyak ang lahat sa sinabi ko sa eulogy ng aking cakie. Masakit sa totoo, pero kailangan ko siyang tanggapin. Tinanggap niya na hindi ko siya unang minahal, kaya kailangan ko siyang tanggapin bilang kabayaran. Cheney, kung nasaan ka man ngayon, lagi kang nasa puso ko, kahit kailan.

Natapos ang eulogy nang nagsalita si Lei. Masakit para sa kanya dahil parang mas naging mag-close ang dalawa bago siya mamatay. Umiyak siya habang nagsasalita, hanggang sa humagulgol at hindi na kaya pang magsalita. Bigla akong pumunta sa harapan ni Cheney para alalayan siya. Nakita ko sa mga mata niya ang sakit na nadarama sa pagkawala ng isang kaibigan. Nang mahimasmasan ay kaagad niyang tinuloy ang naudlot na pagsasalita sa harapan pero sa puntong yun, hindi na siya umiyak.

Pagkatapos ng eulogy tinapos ni father ang program sa isang parable sa bibliya. Kailangan nating mahalin ang isa't-isa, hindi natin alam kung hanggang kailan tayo mabubuhay dito. Ang importante ay ang alaala ng nakalipas na ibinigay sa atin ng ating mahal sa buhay na manghahawak sa atin sa kung ano at sino tayo. Pagkatapos daw ng lahat, sa bandang huli, magkikita kita rin tayo sa itaas.

Ipinatugtog ang "IM MISSING YOU" ni Meja. Yun ang pinatugtog niya sa akin noon. Muling nananariwa sa akin ang lahat ng emosyon, ang sakit, ang hilahil ng kanyang pagkawala, at higit sa lahat, ang pangugulila sa kanya. Biglang pumatak sa akin ang mga luha. Napapikit ako. Pilit kong inaalis ang lahat ng nararamdaman ko ngayon pero ayaw talaga, hanggang sa patak ng luha ko ay nagdire-diretso at naging ilog na dumadaloy sa mga pisngi ko.

"♪♪♪ I miss your love, since you've been gone
I find it hard to go on
The summer sky don't mean a thing
I thought I'd always be strong
I got a feeling inside
and it's making my heart cry, cause

I'm missing you
and it's making me blue, yeah
I'm missing you
but what can I do
Thousand miles away, from you

So here I am, and everything's new
I should be happy in love
but all I know, I look deep in my eyes
I've never felt so alone
and this feeling inside
it's making my heart cry, cause

I'm missing you
and it's making me blue, yeah
I'm missing you
but what can I do
Thousand miles away, from you

So what's the meaning of this
to be living like this
it ain't no fun at all
I wonder where are you now
(I wonder where are you now)

I miss your love since you been gone
I find it hard to go on
and this feeling inside
I just break down and cry.

I'm missing you
and it's making me blue, yeah
I'm missing you
but what can I do
Thousand miles away, from you.♪♪♪."

Itutuloy....

I LOVE YOU.. CAKIE (1988-2005)

Read more...

Ang Kwintas, Ang Snickers at Si Patrick. (Part 23)

Sunday, December 11, 2011



Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:

Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, Nujum, LightRundle, Erion, boy jazz, coffee prince( number one fan ng novel ko..) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, salamander, jeh, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin, don't worry, I'll text u if I have some spare time Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!

ATTENTION READERS!!:
Guys, eto yung part ng series ko na pinaka-importante at pinakamahalaga sa buhay ko, bale, tatlo ito. Ito yung pangalawa sa huling episode na pinakamalungkot na dumaan sa buhay ko. Hinding-hindi ko ito makakalimutan dahil dito ako umiyak habang ginagawa ko itong part ng series ko. Mahirap sa umpisa pero, unti-unti ko namang nakakayanan dahil nandiyan sa aking tabi ang Patrick ng buhay ko. Well anyways my Patrick, advance happy 23rd Birthday sa'yo, sa 15 yung b-day niya. I Love You!! And for Cheney.. Kahit kailan, hinding-hindi kita makakalimutan, as long as I have my memories of you, it will always be the same, forever!! I love you too, my Cakie!!!

ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/

FB: http://www.facebook.com/pINNOHy

TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)
---------------------------------------------

Part 23

"Pwede ba, itigil na natin ang lahat ng ito!! Natutulog lang si Cheney! Don't make her disturb. Let's celebrate life.. C'mon!!" sigaw ko habang ang lahat lahat ng tao sa paligid namin ay nag-iipon kung saan nandun si Cheney.

Dumating si Lei at bigla akong sinapak. Masakit yun at sa tingin ko, para akong nagising ng hindi oras.

"Tangina mo!! Kuya!! Wag mong takasan ang lahat-lahat!! Patay na si Cheney!! Lumapit ka sa kanya at tignan mo sya!! Talagang masakit kuya!! Pero wag mong ilayo ang realidad sa isipan mo!! Kailangan mo siyang harapin!!"

Hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla akong nanginig. Ramdam ko Ito hanggang sa ulo ko pababa. Para akong na-kuryente. Nanghina akong bigla nang natauhan ako sa narinig ko. Totoo nga, iniwan na kami ni Cheney.

Agad akong tumakbo papunta sa kanya. Hinila ko papalayo ang mga tao na nakaharang sa dinadaanan ko, hanggang sa nakita ko si Cheney na wala ng buhay na nakahiga sa mga binti ng mommy niya.

"Cheney, this is so wrong!! This is so wrong!!"

Hinipo ko ang buhok niya, pagkatapos, ay hinawakan ko ang mga kamay niya. Malamig siya. Hindi tulad ng mga tipikal na araw na hinahawakan ko ang mga maiinit at malalambot na mga palad nito. Pagkatapos ay kinuha ko siya sa pagkakahiga at hiniga sa harap ko. Niyakap ko siya. Unti-unting pumapatak ang luha ko. Patak na nagiging parang agos na dumadampi sa mga pisngi ko at nahuhulog sa maamong mukha ng cakie ko.

"Cheney!! Nasaan yung ipinangako mo sa akin!! Why did you leave us!! Makasarili ka talaga, Cheney!! Makasarili ka!! Iniwan mo kami ni Lei ng ganung-ganun na lang!!"

Lumapit sa akin si Lei, inakap niya kaming dalawa. Napansin ko din na umiiyak siya sa likuran ko. Dama ko ang sakit niya dahil sa mga patak ng luha na bumabakat sa damit ko.

"Cheney!! Bakit mo kami iniwan!! Bakit!!!"

Ramdam ko na nanginginig si Lei habang yakap niya kaming dalawa. Samantala, yumakap na rin sa amin sina Nikol, Joseph, Hiro at Shaine. Ramdam ko ang bigat nila, pero wala na akong pakialam. Ang importante, nandun kaming lahat na sama-samang tumatangis sa pagkawala ni Cheney.

Tumawag si Tita ng ambulansya at sabay kuha sa mga bangkay ni Cheney. Alas 10:25pm siya nang nawala sa amin. Multiple organ failure ang kinamatay niya at hindi sa Leukemia. Habang dinadala sa ambulansya ang walang buhay na si Cheney, agad lumapit sa akin si Lei sa harapan. Umiiyak pa din siya. Kinuha ko ang ulo niya at nilagay sa dibdib ko. Wala na nga si Cheney, pero ang sakit ng pagkawala niya ay nararamdaman namin sa kabila ng kanyang ngiti at maamo niyang mukha.

Sumama kami sa punerarya. Napagdesisyunan ng pamilya niya, pati na rin kami na wag nang palitan ang suot niya na ilalagay sa kabaong. Tinignan ko muna si Cheney bago siya i-embalsamo. Maganda siya. Maamo ang mukha niya na parang hindi nahirapan sa pagkamatay. Para nga siyang natutulog kung iisipin eh. Nang habang tinitignan ko siya ay bigla kong naalala ang pagkabata namin. Si Patrick na iniwan ako, pagkatapos si Cheney na nawala naman sa buhay ko.

Lumapit sa akin ang mommy niya.

"Alam mo Iho, bago siya namatay, may sinabi siya sa akin na hinding-hindi ko makakalimutan. Mahalin mo daw si Lei, tulad ng pagmamahal mo kay Patrick. Alam mo iho, saludo rin ako sa anak ko eh, kahit na sa pinakahuling sandali ng buhay niya, hindi siya nagdamot, bagkus, ibinigay niya ang pagmamahal niya na dapat siya lang ang nakikinabang at hindi ang ibang tao."

Sabay niyang kinuha ang mga kamay ko at inilagay sa puso ni Cheney.

"Wala man sa atin si Cheney, Tandaan mo iho, nasa puso natin siya, kaya we're just come up to decide that we're not embalming Cheney's heart. I want to remain it to her body, for her to live those memories to us in her heart."

Napaiyak ako sa sinabi ni Tita, hindi niya isasama ang puso ni Cheney sa i-eembalsamo. Nandun pa din ang sakit, kirot at hapdi na nadarama. Sana, matutuhan kong tanggapin ang katotohanang wala na siya sa piling namin. Tulad ni Patrick, kahit namaalam na siya, mananatili pa rin ang kanyang alaala sa puso ko, magpakailanman.

Ayaw ko pang bitawan sa Cheney nun. Ayaw kong ilayo siya mula sa mga kamay ko. Wala akong pakialam kung i-eembalsamo siya. Hindi ko alam sa puntong yun kung anong gagawin. Sa sobrang sakit, hindi ko na natiis na umiyak sa harapan ng isang mahal na wala ng buhay.

"Cakie ko, kung iiwan mo ako, tulad ni Patrick, sana hindi mo na lang ako minahal. Dapat iniwan mo na ako simula pa nung iniwan ako ni Patrick!! Sana hindi ako nahihirapan ng ganito, at sana, kinalimutan mo na lang ako!!"

Agad na hinimas ni Tita ang likod ko habang umiiyak sa kanya. Agad niyang kinuha ang aking mga kamay sa dibdib ni Cheney. Naglaban ako, pero kaagad na kinuha ng staff ng punerarya ang katawan ni Cheney kaya hindi ko na natuloy pa na hawakan siya kahit isang saglit.

Biglang dumating si Jayson, kasama sina Nikol at Shaine. Hindi niya alam na namatay na si Cheney kaya laking gulat niya na nalaman ang kinahantungan ni Cheney sa huli.

"Bro, sorry, kahit masakit, alam ko, in gods will, matututuhan mo siyang tanggapin."

Kinuha ako ni Lei at sinamahan para umupo. Hindi ako nagsalita. Ayaw kong makatanggap ng lahat ng masasakit na salita na nagpapaalala ng pagpanaw ng mahal ko. Nakatulala pa rin ako sa isang tabi para unti-unting tanggapin ang lahat.

"Sorry Jayson, pero I think, we should let my Big Bro alone. Mahirap para sa kanya na marinig lahat ng tungkol kay Cheney ngayon kaya let's just give him some time to be in private." sabi ni Lei habang hinihimas ang likod ko.

"Jay, labas lang kami. Kapag kailangan mo kami, just ask us." sabi ni Shaine habang lumalayong kasama sina Lei at Jayson.

Isang napakasakit na pangyayari sa buhay namin ang pagpanaw ni Cheney. Hanggang ngayon ay damang-dama ko pa rin ang sakit ng pag-iwan sa akin ng Cakie ko. Para akong sinapak, tinadyakan, binugbog at higit sa lahat, nilunod ng kanyang pangungulila para sa kanya.

Hindi ko na matiis ang lahat. Napagdesisyunan ko na umuwi na lang. Dire-diretso akong lumabas ng punerarya na tipong parang me susugurin. Hindi ko din napansin na dumaan ako sa harapan ng baby bro ko, kaya nang nakita niya ako ay kaagad na patakbong sumunod siya sa akin.

"Teka kuya, saan ka pupunta?!"

"Uuwi ako!! I don't wanna see Cheney on her wake tomorrow!! Sinungaling siya!! Ayaw kong magpakita kahit kanino, at pwede ba, lumayo ka na rin sa akin!! Ayoko kayong maalala, ayokong nangyayari ito sa akin!! Ayokong nahihirapan ako!!"

Mabilis akong naglakad papalayo sa kanya. Binilisan niya ang paghabol sa akin hanggang sa napigilan niya ako at sinampal.

"Sa pagkakataong ito, kuya ako naman ang sasampal sa iyo. Kuya alam mo, pare-pareho lang tayo. Huwag kang makasarili. Hindi ka lang iniwan ni Cheney, pati din kami! Si Tita, ako, ang mommy ni Patrick, tayo, tayong lahat na nagmamahal at tumitingin sa kanya palagi! Huwag mong iinog sa mundo mo ang pagkawala ni Cheney, dahil ayaw na ayaw kong nasasaktan ka!!"

Hindi ako nakinig kay Lei. Matigas pa rin ang ulo ko. Makasarili si Cheney! Tulad siya ni Patrick na iniwan ako ng maraming taon. Wala na akong pagmamahal sa puntong yun. Kailangan ko na ring mawala!!

"Lumayo ka sa akin!! I don't need your opinion and I DON'T NEED YOU in MY LIFE ANYMORE!!"

Inakap ako ni Lei. Patuloy pa rin akong naglaban. Kahit sobrang napakahigpit na ng yakap sa akin ni Lei ay pinipilit ko pa rin na kumawala sa mahigpit niyang pagkakayakap sa dibdib ko.

"Leave me alone!! I don't wanna see you, even everybody!!"

Nanlaban pa din ako. Gumawa ako ng paraan para makatakas sa higpit ng bisig niya hanggang sa tinapakan ko ang paa niya.

"Aw.. Tangina mo Jacob!! Makasarili ka!!"

Bigla akong nagising sa puntong yun. Hindi na niya ako tinawag na kuya. Parang nasaktan ako. Biglang sumikip ang dibdib ko na parang humihigpit kapag naaalala ko ang mga binitiwang salita. Hindi ako makagalaw. Gusto kong sumigaw. Gusto kong umalis sa harapan niya pero ayaw ng puso ko. Nanatili pa rin akong nakatayo hanggang sa napaluhod ako habang tinitignan ni Lei.

"Mali ito Lei!! Ayaw kong nakikitang nahihirapan si Cheney. Ayaw kong naaalala ang kanyang mga ngiti, ang tawa niya, ang mahahaba niyang mga buhok at higit sa lahat, ang pagmamahal na pinagsaluhan namin. Siguro parehas lang kaming makasarili, pero despite of that, mahal ko pa rin siya!!"

Luha. Iyak. Tangis. Iyan ang namayani sa akin habang nakaluhod sa gitna ng daanan na pinapanood ng maraming tao. Siguro hindi pa nila nararanasan na mawalan ng mahal sa buhay. Para silang nanonood ng isang shooting sa pelikula, na ako ang bida na nangungulila sa leading lady niya.

"Halika kuya at ipapasan kita."

Kinuha ako ni Lei at pinasan ako sa likod. Para kaming kapatid. Naalala ko tuloy sa kanya ang ginagawa ko kay Cheney kapag nalulungkot ito. Inilapag ko ang ulo ko sa balikat niya. Dun ako nagsimulang umiyak. Naramdaman ko na umiiyak din siya. Para kaming bata kung tutuusin, pero sa puntong yun, naramdaman ko ang pagkalinga ng isang kaibigan na minsan ay tinaboy ko. Unang gabi yun ng pagkalugmok ng loob ko na kauna-unahan sa buong buhay ko.

Umaga. Alas siyete. Parang sumakit ang ulo ko sa nangyari kagabi. Hanggang ngayon, masakit pa din ang nangyari sa akin. Wala na si Cheney. Ang pinakamamahal kong si Cheney ay pumanaw na. Hindi ko pa tanggap. Nananakit pa din sa puso ko ang pighati ng pagkawala ni Cheney sa akin. Ayaw ko pang tanggapin ang katotohanan sa likod ng nangyayari sa akin ngayon.

Gusto kong mapag-isa. Gusto kong magalit sa sarili ko. Gusto kong isisi ang lahat sa nangyari kay Cheney. Hindi ko na siya mahahawakan. Hindi ko na siya masisilayan. Ang tanging nasa akin na lang ay ang alaala ng kanyang pagkatao.

Tumagal ng ilang oras at napansin ni mommy na hindi ako lumalabas sa kwarto. Hindi ko rin sinasagot ang mga tawag at text ng mga kaklase ko at ni Lei. Nag-aalala na siya sa akin dahil sa kalagayan ko.

Ilang gutom at uhaw ang lumipas sa akin. Wala akong pakialam. Gusto kong mapag-isa!! Gusto kong ilasap sa sarili ko ang tindi ng paghihirap at sakit sa puso ko sa nangyari sa akin. Akala ko ba, mahal ako ni Cheney? Nasaan siya ngayon? Bakit hindi niya tinupad ang pangako niya sa akin? Akala ko ba, mahal niya ako? Wala siyang pinagkaiba sa lahat ng taong minsan ay minahal ko tapos ay iniwan ako ng ganun na lang. Walang umuunawa sa akin! Walang nagmamalasakit sa akin! Sana hindi na lang talaga ako nabuhay!! Iniwan niya akong nag-iisa ngayon sa buhay ko, makasarili silang dalawa!!!

"Anak, tumatawag sina Lei at Joseph sa'yo!! Sasagutin ko ba?!"

"Mom, wala akong pakialam sa kanila!! Sino ba sila?! Nararamdaman ba nila ang nararamdaman ko?! Mga plastic sila!! Hindi ko sila mapagkakatiwalaan!!"

"Anak, pwede ba kitang makausap saglit? Nag-aalala na kami ng daddy mo sa'yo?!"

"Please mom!! Just give me a privacy!! I want to be alone!! Wala na akong pakialam sa mundo ko!! Hindi sila patas sa akin!!"

Kinalabog ko ang pintuan gamit ang bangkito na nakakalat sa kwarto ko. Ayaw kong nakakarinig ng kahit anong ingay na mula sa kanila. Ano? Masaya na ba sila? Masaya na ba sila na naghihirap ako ng ganito? Masaya na ba silang nangungulila kay Cheney samantalang sila ay walang pakialam sa akin? Ganyan lang sila kasi namatay si Cheney!!

Biglang may tumawag sa CP ko, gamit ang ringtone na pinasa sa akin ni Cheney. Bigla ko na naman siya naalala. Masakit para sa akin na pakinggan ang lahat ng naaalala ko kay Cheney. Inihagis ko ang Cellphone ko at sa hindi sinasadya ay nabasag ko ang salamin. Me kung anong pumasok sa isip ko na kunin ang bubog na kumalat sa nabasag na salamin. Tama! Tutal, iniwan na naman ako ni Patrick at wala na rin sa buhay ko si Cheney, kailangan ko na ring wakasan ang buhay ko. Hindi na ako kumpleto!!

Agad kong kinuha ang bubog sa sahig. Kinuha ang pinakamalaking bahagi ng bubog. Tinitigan ko munang mabuti ang hugis at talim kung sa isang saglit ng pagkakasaksak ko sa sarili ko ay kaagad akong mamamatay. Matalim nga! Nasugatan ang hintuturo ko ng tinangka kong hawakan ang talim ng bubog. Itinutok ko ang pinakatusok ng bubog sa sarili ko.

"Cheney, kung mamamatay ka lang, sasama na ako!! Gagawin ko ito para sa atin!!"

Umiyak ako. Bigla kong naalala ang mga masasayang alaala sa akin ni Cheney. Napapikit ako sandali. Unti-unti kong dinidinan ang tusok ng bubog sa aking tyan nang biglang bumagsak ang pintuan sa harap ko.

"Tangina mo, kuya!! Wag mong gagawin yan!!"

Si Lei. Siya na naman! Bakit ba niya akong pinipigilan sa bawat pagtatatangka na ginagawa ko? Mahal ko siya, pero hindi ako sigurado kung mapagkakatiwalaan ko ang pagmamahal niya. Kahit ilang beses ko rin na pinaramdam sa kanya ang pagmamahal ko, sana, hindi siya katulad nina Cheney at Patrick na nang-iwan sa akin.

"Wala kang pakialam!! Sino ka ba sa tingin mo? Bakit? Kaya mo bang alisin sa akin ang sakit ng pagkamatay ni Cheney? Kaya mo bang ibalik siya sa buhay ko?Hindi ba, naging makasarili ako? Hindi lang kayo nawalan ng mahal sa buhay, ako din!!"

"Alam ko kuya, mali yang gagawin mo. Mas magagalit pa si Cheney kapag gagawin mo yan. Ayaw kong masaktan ka ng ganyan!!"

"Lumayo ka, kundi isasaksak ko ang bubog sa sarili ko, umalis ka!!"

Imbis na lumayo ay mas naging matigas ang ulo nito. Lumapit siya. Kung sa tingin niya na hindi ko gagawin ang pagpapakamatay ko, well he's so wrong!! Gagawin ko ito dahil wala na akong pag-asa para mabuhay pa!

Wala talaga akong choice. Idiniin ko ang pinakatusok ng talim ng bubog sa tiyan ko. Ramdam ko ang hapdi. Kung tutuusin, wala pa nga ang hapdi ng nararamdaman ko ngayon sa hapdi ng nararamdaman ng puso ko sa pagkawala ni Cheney sa buhay ko.

"Kuya wag!! Mahal kita! Tulad ng ipinangako ko sa'yo, hinding-hindi kita iiwan at pababayaan!!"

Bigla akong napahinto. Naalala ko si Patrick. Agad kong naalala ang pag-ibig niya sa akin, pero hindi, iniwan niya ako. Sinaktan din niya ako tulad ni Cheney. Parehas lang sila. Iniwan nila akong nag-iisa sa kabila ng pagmamahal ko sa kanila. Tama lang na gagawin ko ito.

Napayuko ako. Tinignan ko ang sugat na nakuha ko sa pagdiin ng bubog sa tiyan ko. May nakita akong bakat ng dugo sa sando ko. Natakot ako, kaya ipinikit ko ang mga mata ko para hindi mapansin ang sakit at dugong unti-unting lumalabas sa sugat ko.

Bigla kong naramdaman na may kumuha sa hinahawakan ko. Si Lei. Siya ulit. Agad niya akong itinulak sa double deck. Hindi na ako nagpasyang gantihan siya dahil nakita ko na nagdudugo ang kanyang kamay. Pumapatak ito hanggang sa ibaba. Siguro, natamaan siya ng talim na nakuha niya sa bubog na ginamit ko para magpakamatay.

"Ano, masaya ka na? Eto, kamay ko!! Nagdudugo!! Pinilit kong agawin yang nakatutok sa tyan mo!! Kung may hinala ka pa sa pag-ibig ko sa'yo pwes, eto tikman mo."

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, agad niya akong hinalikan. Bigla akong napapikit. Oo nga! Naramdaman ko ang pagmamahal niya sa mga labi ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang sasabog. Hindi ko mawari. Hindi ko matanto. Nang natapos kong halikan si Lei ay agad akong bumitiw sa kanya.

"Masakit Lei!! Masakit para sa akin na iwanan ako ni Cheney!! She just left me without formal goodbyes! Para akong sinaksak! Bakit?! Bakit niya ako iniwan?!"

"Kuya, lahat ng nangyayari sa buhay natin may dahilan. It's all about destiny. Siguro, Cheney is not destined for you to be loved by her. Mahirap! Kahit ako nahihirapan din. Masakit pero pinipilit kong tanggapin ang katotohanang wala na siya. Wala na talaga!!"

Bigla akong umiyak. Umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kung nakakailang iyak na ako sa buong isang araw pagkatapos ng pagpanaw ni Cheney. Para akong bata na iniwan ng nanay na pupunta sa malayong lugar. Hindi ko maipaliwanag ang damdamin ko nun. Parang ayaw maubos ang mga luha ko. Walang katapusan. Walang katiyakan.

"Alam mo kuya, kahit ilang beses mong saktan ang sarili mo, kahit magpakamatay ka at tumalon sa building, sa tingin mo, matutuwa si Cheney sa'yo? Tulad ng sinabi ko, magagalit siya! Di ba nangako ka sa kanya na hindi ka iiyak? Nasaan na ang pangako mo? Ikaw ang hindi tumupad ng pangako niya! Ikaw!"

Tumahimik ako. Biglang napatitig siya sa akin. Itinaas niya ang sando ko at tinignan ang sugat sa tiyan. Nagdudugo ito, agad na itinapat niya ang sugatan ding kamay sa sugat sa tiyan ko. Nagdurugo rin ito. Idinikit niya pagkatapos ang ibabaw ng tiyan ko at ang kanyang sugatang kamay.

"Parehas nga tayong nasaktan! Kuya!! Tignan mo!! Nagdudugo hindi lang ang sugat na natamo natin sa kamay at tiyan, kundi ito.. Puso natin! Puso na minsan pinatatag ng pag-ibig natin sa buhay. Ngayon nasugatan tayo, bukas, inaasahang gagaling ito at hihilom. Kaya kuya, hindi ka nag-iisa!!"

"Baby bro!!"

Agad na niyakap ko si Lei. Madiin. Sa puntong ito, ayaw ko siyang pakawalan. Baka mawala siya tulad ng pagkakawala ni Cheney at Patrick sa buhay ko. Umiyak ulit ako, pero sa pagkakataong yun may kasamang hagulgol. Iyak at pagtangis sa pangungulila ng dalawa kong minahal, si Patrick at Cheney.

Buong gabi akong tumangis sa pagkawala ni Cheney. Si Lei, napagdesisyunan niya na bantayan ako at hindi umuwi. Nasa tabi niya ako palagi. Buong gabi kong dinamdam ang pagkalungkot sa pagpanaw ng cakie ko.

"Cakie... Cakie ko!! Bakit ansakit!! Mukhang di ko ito kakayanin!!"

Hindi ko namamalayan sa pagtangis ko, nakatulog ako. Siguro, mga limang oras din yun. Alas 7:00am ako nung bumangon. Linggo at araw ng pagsimba. Wala si mommy at daddy ng mga araw na iyun dahil lagi silang pumupunta sa simbahan ng Tondo para magsimba kapag linggo. Ayaw ko pang bumangon. Ayaw kong makita ang umaga ng hindi pa natatanggap na wala na si Cheney.

Samantala, napatingin ako sa kabilang double deck. Wala si Lei. Bumaba ako para hanapin siya. Nang nasa baba ay nakita ko ang mga nakahain sa lamesa ng mga favorite ko at higit sa lahat, ang nagpangiti sa akin, Ang snickers chocolate bar na favorite namin ni Cheney.

"Oh!! Seems like you already woke up!! Heto, I just prepare something special for you. I hope, you will like this."

Nakita ko si Lei. Nilalaba ang damit ko. Tuwing linggo ko ginagawa yun para makatulong kina mommy. Naka-shorts siya na mukhang pinahiram ni mommy sa kanya. Wala siyang salamin sa mata at basang-basa ang mga paa nito. Siya pala ang nagluto ng pagkain. Mukhang asikasong-asikaso niya ako.

"Halika Baby Bro ko, sabayan mo si Big Bro kumain!!"

Itinigil niya munang maglaba. Lumapit siya sa akin at sinabayan akong kumain. Masarap in fairness ang luto niya. First time ko lang na ipinagluto ako ng kahit sinuman, maliban sa mommy ko.

"Ok ka na? Big bro? Kung gusto mo, kukuha na kita ng juice or iced tea."

"You're not sipping coffee every breakfast?"

"Not actually!! Hindi ako umiinom ng kape every morning. Kapag gabi lang."

"Oh.. I see!! Teka, mukhang nabilaukan ka, I'll get some juice inside the fridge."

Kinuha ko ang Juice na tinimpla kahapon. Hindi pala ako nakakain ng isang araw kaya naramdaman ko ang gutom sa buong katawan ko. Agad na ibinigay ko sa kanya ang pineapple juice at nginitian niya ako pagkatapos.

Nag-usap kami tungkol kahapon. Medyo ok na ang pakiramdam ko ngayon. Actually parang nawala ang pagluluksa ko kay Cheney sa pagkamatay niya. Unti-unti akong tinutulungan ng baby bro ko. Sana matulungan ko siya na harapin ang kinabukasan ng hindi kapiling si Cheney.

Nang natapos ay bumalik siya sa ginagawa. Pagkatapos daw niyang maglaba ay pupunta siya sa simbahan ng Tondo para magsimba. Niyaya niya akong sumama at pumayag naman ako.

Inabot kami ng 3 oras na nag-prepare para makapunta sa simbahan. Maraming tao sa loob. Nandun din ang tipikal na pamumuhay ng mga taga-Tondo. Napansin ko na hinawakan ni Lei ang kamay ko at hindi ko naman siyang binigo na ipahawak yun. Para kaming mag-syota, kahit sa totoo lang na bestfriend ko siya at kinakapatid pa.

"Iho.. Oo, kayong dalawa, Kamusta kayo? Kamusta na si Cheney? Magaling na ba siya?!"

Si father Michael. Nakasalubong namin siya habang papasok sa loob ng simbahan. Kinausap siya ni Lei, samantala medyo dumistansiya ako ng kaunti sa kanya. Baka bumalik ang sakit ng pagkawala niya, kapag tinanong niya ako.

"Father, pwede ba, kayo ang mag mass sa final wake ni Cheney sa Wednesday?!" Sa St. Joseph lang po siya nakaburol, malapit sa QC. Kung gusto po ninyo, sumama po kayo sa akin."

Nalaman na ni Father ang nangyari kay Cheney. Kinukuha na lang ni Lei ang confirmation nito kung available siya sa huling misa ng GF ko.

"Sige iho, kung gusto mo, pati sa libing niya ay ako na ang magma-mass. Pakisabi na lang sa mga parents niya tungkol dito. Sumalangit nawa ang aking alaga!! Hay panginoong mahabagin, napakabata pa niya!!"

Lumapit si Father sa akin pagkatapos kausapin si Lei. Tinapik niya ang aking mga balikat at ngumiti.

"Iho, alam mo, ang swerte mo!! Namatay siya na ikaw lang ang minahal niya! Bihira sa isang relasyon ngayon na nagsasama hanggang kamatayan, kaya sobra kitang pinagmamalaki!!"

Napayuko ako. Ayaw kong isipin si Cheney ngayon, pero mukhang ipinagkakaloob ng langit sa akin na magsalita tungkol sa kanya. Gusto kong makinig sa mga payo niya, pero nasasaktan naman ako.

"iho, sa puntong ito, ramdam ko ang kalungkutan mo. Nakikita ko din sa mga mata mo ang pangungulila sa kanya. Huwag kang mag-alala, kahit wala siya sa iyo, physically, nandyan naman siya sa puso mo, kahit kailan! Ayaw ni God na nalulungkot ka."

"Sorry po, father pero, Kung ayaw po ni God na mangyari sa akin ito, eh bakit niya ako pinahihirapan ng ganito? Bakit niya inalis si Cheney sa amin? Unfair din po siya minsan!"

"Iho, hindi totoo yan! Kahit nasasaktan si God sa nangyayari sa atin kapag tayo ay nawalan ng mahal sa buhay, kailangang mangyari ang dapat mangyari. Huwag kang mag-alala, nandyan naman siya at he will give his helping hand to comfort us. May plano si God kung bakit niya kinuha sa inyo si Cheney, at kung anuman yun, well maganda ang plano niyang yun as I supposed."

Nabasa ko din ang scriptures sa bible sa gilid ng simbahan na nakadikit sa dingding.

"when they call on me, I will answer; I wll be with them in trouble. -Psalm 91:15"

Nakita agad ito ni Father. Tinignan rin ako ni Lei. Agad niyang hinawakan ang mga kamay ko.

"Alam mo iho, masakit na mawalan ng mahal sa buhay. Dama ko rin yun dahil minsan sa buhay ko na nawalan rin ako. Tulad mo, nagplano rin ako na wakasan na ang lahat sa buhay ko. Itinaboy ko rin pati kaibigan ko, pati ang Panginoon na kinilala ko. Sa tingin ko nun, parang pinabayaan nila ako, pero, Mali ako. Lahat ng nasa isip ko ay lingid na mali sa katotohanan. Pinadama nila sa akin na nandiyan sila. Hinayaan nila akong tumangis. Umiyak. Iiyak ang lahat hanggang sa lumuwag ang pakiramdam ko at unti-unting gumagaling ang sugat sa puso ko."

Tama si father. Sa sandaling yun, umiyak ako. Kinuha ako ni father mula sa kinauupuan ko at niyakap. Dama ko na para akong niyayakap ni God. Siguro alam niya ang pinagdadaanan ko. Kahit masakit sa puso ko ang nangyayari ay kailangan kong magpakatatag, para ito sa akin at para rin ito kay Cheney.

Pagkatapos akong umiyak sa dibdib ni father ay nakaramdam ako ng kalayaan. Biglang nawala ang sakit at hapdi ng nararamdaman ko mula sa puso ko. Binasbasan niya ako pagkatapos.

"Iho, ang gusto ko, harapin mo ang pagsubok na ito ng buong puso. Nanonood si Cheney sa atin. Alam kong masakit para sa kanya na umalis siya sa buhay natin pero, tutulungan niya tayo. Dadamayan niya tayo hindi sa pamamagitan ng pagpapakita o pagpaparamdam niya sa atin, kundi siya ang magsasabi kay God ng lahat ng nararamdaman natin sa puntong ito. Gusto kong pumunta ka sa burol. Kahit man lang sa huling pagkakataon, kailangan mo siyang makita. Masakit Oo, na nakikita natin ang mahal natin na natutulog sa kabaong na parang hindi nahihirapan, pero kailangan mo siyang harapin. Kailangan na iparamdam mo sa kanyang harapan ang nararamdaman mo, kahit masakit, kahit mahapdi, kailangan niyang makita yun, kaya iho, wag mong ipasawalang bahala ang lahat. Mahal mo siya at mahal ka rin niya."

May kinuha siya sa bulsa at ibinigay sa akin. Isang papel. Kailangan ko daw buksan at basahin yun sa necrological service ni Cheney. Gusto niya raw na makabasa, hindi lang ako, kundi ng lahat ng mga mahal niya sa buhay kung ano ang nasa maliit na papel. Sana ay maintindihan daw kung bakit na pinili niya na iwanan kami sa kabila ng pinangako niya sa akin, at sana maunawaan ko raw siya sa desisyon na ginawa niya.

Lumipas ang tatlong oras na nahimasmasan ako sa piling ni Father Michael. Binasbasan niya kaming dalawa habang nasa labas ng simbahan. Sasamahan daw siya ni Lei na pumunta sa huling lamay ni Cheney sa martes para magmisa sa harapan niya at maging leader na rin sa necrologic service niya sa araw na yun.

Lumabas kami ni Lei na tangan ang panibagong pag-asa. Sana unti-unti kong matanggap sa puso ko ang sakit ng pagkawala ni Cheney, at sana matutuhan ko rin na mamuhay sa aming nakaraan na walang hapdi sa puso kapag naaalala ko siya.

Habang naglalakad ay may nakasalubong kami na pamilyar sa akin. Yung tindera na pinagbilhan namin ng singsing nina Patrick at Cheney noong bata. Napansin kong tumanda siya. Nagkaroon ng puting buhok na dati naman ay wala sa kanya noon.

"Manang, Kamusta po?! Ako po ito, yung bata noon na bumili ng singsing nyo na sinungitan ninyo dati?"

"Ah, iho ikaw nga!! Yung kasama mo na dalawang mukhang foreigner na gwapo at maganda, teka, asan na ba sila ngayon?"

"Mukhang hindi na po kayo masungit simula nung bumili ako sa inyo ah, ay.. Ok naman po. Yung isa po nasa ibang bansa, tapos po yung isa..."

Bigla akong tumahimik saglit. Ayaw ko nang banggitin si Cheney na patay na kaya hindi ko na tinuloy ang pagkakasabi ko kung nasaan na kaming lahat ngayon.

"Ah.. Iho, ang tinutukoy mo ba ay yung batang babae? Ah.. Siya ang sinasabi ko na mag-ingat noong bata pa kayo. Kung tutuusin, siya ang naging kasangkapan para matuloy ang pagmamahalan ninyong dalawa ng kababata mo. Yung mukhang foreigner ba yun? Oo, yung lalaki! Kayo ang sinasabi ko na magkakatuluyan balang araw. Isa yung tadhana na talagang nakatakda na mangyayari sa inyo sa hinaharap. (sabay tingin kay Lei) teka.. Mukhang siya! Siya nga ang makakatuluyan mo balang araw. Siya yung bata na kasama mo noon na bumili sa akin ng singsing! Sigurado ako!"

Tumingin ako kay Lei. Mukha nga siyang foreigner. Tumingin din siya, parang gusto niyang sabihin sa akin na hindi totoo ang mga sinabi sa akin ng matandang tindera. Hindi ko na muna siya kinibo at bumalik ng tingin sa matanda.

"Sigurado po ba kayo? Eh noong 2nd year ko lang po siya nakilala eh. Isa pa, hindi po siya yung bata na sinasabi ninyo, nasa abroad na po yun at doon na po nag-aaral!"

"Basta iho, hindi ako nagsisinungaling!! Siya ang nakatakda sa'yo, kahit sumpain ako dito ng mahal na poong Sto.Niño ngayon!! Ipinapangako ko sa iyo, makikita mo ang walang hanggang kaligayahan sa kanya.(at dumukot sa kanyang bulsa habang nagsasalita) ah eto.. Eto iho isang kandila, batid ko na nagluluksa kayo ngayon sa pagpanaw ng kaibigan ninyo, kaya gamitin ninyo ito sa altar sa loob ng simbahan. Bilis, bumalik kayo at ipagdasal ang mahal ninyo sa buhay. Mahal kayo nun at mukhang kailangan niya kayo ngayon para magdasal sa kaluluwa niya. Huwag ninyo rin kakalimutan na ipagdasal ninyo ang isa't-isa, mas papagtibayin niyan ang nakatakda sa inyo na mahalin ang isa't-isa. Sige na't bumalik na kayo!! Magmahalan kayo tulad ng sinabi ko sa inyo!!"

Umalis kami ni Lei na nagmamadali para pumunta sa altar ng Sto. Niño sa loob at magsindi ng kandila para sa kanya. Bumalik akong muli sa matandang tindera at nagpasalamat.

"Salamat po... Aling— ah basta, maraming Salamat po at nagkita po tayong muli!!"

"Iho, Linda, Aling Linda na lang ang itawag mo sa akin. Walang anuman yun. Simula pa nung umpisa ko kayong makita noong bata pa kayo, ramdam ko na kayo nang dalawa ang magkakatuluyan! Sige humayo kayo't ipagdasal ang kababata ninyo at kayong dalawa!!"

Umalis akong patakbo at bumalik kay Lei. Mukhang nag-alala sa akin sya sa akin. Ipinatong ko nag kanang kamay ko sa balikat niya at ikinwento ang lahat ng narinig sa matanda simula noon una kaming nagkakilala hanggang ngayon. Naliwanagan siya pagkatapos.

Nang nakarating kami sa altar ay agad kong sinindihan ang kandila na binigay sa amin ng matanda. Pumikit ako at pagkatapos ay nagsimulang magdasal. Ipinagdasal ko ang kaluluwa ni Cheney pagkatapos ang pagmamahalan namin ni Patrick. Ipinagdasal ko rin na sana wag akong iwanan ni Lei dahil mas kailangan ko siya ngayon. Gayun din ang ginawa ni Lei. Pumikit siya at nagsimulang magdasal, pero sa puntong yun, taliwas sa ginawa kong pagdadasal. Umiiyak siya na unti-unting pumapatak ang mga luha sa ibaba ng altar. Agad kong hinimasmasan siya gamit ang kaliwang kamay ko. Pagkatapos ay niyakap ko siya sa harap ng altar at ipinangakong hinding-hindi iiwan kahit kailan.

5 minutes kaming nasa loob ng simbahan. Nang nakalabas kami ay napansin naming nawala ang matanda, hanggang sa nakita namin siya sa gilid ng pintuan na nagdadasal. Nagpaalam kaming dalawa sa kanya at napagdesisyunan na umuwi na ng bahay para doon magpahinga. Nakatakda kong puntahan si Cheney sa huling lamay niya sa martes para makita at masilayan siya sa huling pagkakataon. Matanggap ko kaya siya sa puso ko na wala na siya sa buhay ko?

Itutuloy...

I LOVE YOU CAKIE!! :((

Read more...

Beautiful Andrew : Chapter 4

Saturday, December 10, 2011


“Do you believe in miracles?” walang anu ano’y tanong ni Carl habang naglalakad sila pabalik sa gazebo.

Napatigil saglit si Andrew sa paglalakad at tiningnan kung seryoso ito, “oo naman…bakit ikaw, naniniwala ka?” sagot niya.

“Oo…I do believe in miracles, everyday is a miracle, life is a miracle itself…” sagot nitong malamlam ang mga mata “even you, Beautiful Andrew…you’re a miracle.”

Ngumiti siya sa tinuran nito, “Have you found your miracle, Carl?” tanong niyan muli.


“Probably…” biglang lumungkot ang mukha nito at iniiwas ang tingin, “Have you seen my miracle?” halos kasabay din nitoy ang muling pagsaya ng kanyang boses.


“You have miracles, huh? Ano yun aber?”


“That’s for you to find out, you’ll know it’s my miracle when you saw it…” tumigil ito saglit at sumeryoso ang mukhang tinitigan siya nito, “Andrew, I want you to live… I want you to live and see my miracle.”
Naaaninag sa mga mata nito ang tila pa paghihirap ng kalooban.

Nais niyang yakapin ito sa mga sandaling iyon, nais niyang ipagtapat na dito ang nararamdaman, ngunit tulad ng dati ay parang naramdaman ito ni Carl at umiwas.


“Sa..sandali l-ang, ibabalik ko lang ‘tong tabo, at…at the cottage,”

“Sama na ko, isa pa gusto ko ring makita ang loob niyan,” inginuso niya ang cottage.

Sumunod sya rito, pinagbuksan siya ng pinto at pinatuloy


“Dito ako mas lumalagi pag wala ako sa kwarto ko sa 2nd floor, this is my resting place, when I want to unwind, to relax…”

Simple ang loob ng cottage,sa gitna ay may isang kama na kasya ang dalawa, sa tabi nito at side table na may lampshade, nakaharap ito sa isang tv at dvd set. Sa bandang kanan ay may pinto patungo sa isang maliit na cr. Sa kaliwa ay may isang malaking bintanang natatakpan ng malambot na puting kortina, nakaharap sa may kanluran kalinya sa may gazebo, kita ang halos buong garden, dito ay may maliit na mesang salamin at dalawang bakal na upuan na may dalawang kulay pulang throw pillow. Sa mesa ay may nakapatong na orchid sa isang maliit na paso, may pulang bulaklak din ito. Simple ngunit parang napakasarap tirhan kung masasabi na bang tirahan ang cottage na yon.


Lumapit siya sa may bintana at hinawi ang putting telang nakatabing, malapit ng lumubog ang araw, at halos anino na lamang ng lahat ng bagay ang naaaninag, napakaganda ng tanawing kanyang nakikita, hindi nakikita ng buo ang papalubog na araw dahil sa puno sa may gazebo ay natatakpan ng mga dahon nito. …mga dahon… napasinghap sya. Parang kanina lamang ay patay ang punong iyon.


Natawa si Carl, kanina pa pala ito sa tabi niya at pinagmamasdan siya, may hawak iton dalawang bote ng San Mig.Light. marahil ay nabasa nito ang iniisip niya, iiling iling na ipinahawak nito sa kanya ang isang bote at ipinatong ang sa kanya sa mesa, may kung anong inabot ito sa gilid ng bintana.

“Tirador?” manghang tanong ni Andrew, talagang may sayad na ata ang lalaking ito, sa isip isip niya.

Mula sa may mesa ay pinulot ni Carl ang tansa, niyupi niya ito sa gitna gamit ang mga daliri at walang imik na ibinala sa tirador, itinutok niya iyon sa puno at pinakawalan ang bala.

Parang sumabog ang paligid, dahil ang katahimikan kanina ay binulabog ng mga pakpak na nagpapagaspas, halos limampung ibon ang nagsiliparan mula sa patay na puno sa may gazebo. Hindi mapigilan ni Andrew ang mamangha, dahil bukod sa mga ibon ay tumambad sa kanya ang papalubog na araw na na-accentuate ng mga sanga ng patay na puno, na tila ba mga ugat na nananalaytay sa kabuuan ng papalubog na araw, mga aninong nagpabitak bitak sa araw, at tuluyang umagos ang maladalandang sinag nito sa kabuuan ng silid.

“Hindi talaga ako magaling na shooter, too bad not a single one fell” si Carl, abot tenga ang ngiti.


“It’s beautiful… the sun, the tree…”


“Yup, that was not intended, I used to watched the sunset d’yan sa gazebo kasi hindi ko nakikita ng buo mula rito, but when the tree died, ditto ko na lagi pinagmamasdan ang araw sa kanyang pamamalam…” tila may kung anong bikig sa kanyang lalamunan ng bigkasin niya ang mga salitang iyon, “then the birds came…” 


“Yeah…the birds, unbelievable…and the tree.” ulit nito.


“Even death has its own beauty…” wala sa sariling sagot ni Carl, seryoso ang mukha nito at sa mga mata ay nagngingilid ang mga luha, iyon ang kauna unahang nakita ni Andrew ang lungkot sa mga mata ni Carl “that tree, though dead, adds beauty to the sunset, it adds beauty to every goodbyes.”

Mataman niyang tinitigan si Carl, “C-arl…” anas niya.

“I want you to live, Andrew” mahina ang salitang iyon, “be like those birds, they fly, they sing and they can make that tree spring to life again, every after goodbyes, every after sunset.”

Pumatak ang unang butil ng luha sa kanyang mga mata, hindi sya makaimik, tinanggap na niya na hindi na sya gagaling, tinanggap na niya na tanging himala lamang ang makakapagpagaling sa kanya. Paano niya sasabihin sa kanya na kaya ayaw niyang magpaorera ay dahil takot na siyang baka paggising niya ay magbabago ang lahat, paano kung hindi na sya magising at magiging pasanin na lang bilang lantang gulay?

Muntik na niyang ikamatay ang unang operasyon, mas nanaisin na laman niyang hayaang gapiin ng cancer ang kanyang katawan kaysa madiliin niya ang kanyang kamatayan.

Lumabas sa banyo si Carl at mukha na itong nahimasmasan, nakalahati na niya ang iniinom niyang beer sa kahihintay dito. Umupo siya sa isa sa mga silya, madilim na ng mga oras na iyon tanging ang liwanag galing sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa loob ng cottage. Sa garden nakabukas ang mga ilaw doon ngunit hindi parin ito kasing ganda sa tuwing umaga.

“Andrew, can you promise me one thing?” seryoso si Carl, at napakislot si Andrew sa tinuran nito, hindi na sya nasasanaw na tawagin ito sa pangalan lamang niya.

“Yes, Carl?” pagdidiin nito.

“C-can you promise me that you’ll never fall inlove with me?” tumitig sya sa kanya, binabasa ang kanyang reaksyon.

“Ah-..wha..t?...” pautal na tanong ni Andrew, gayong dinig na dinig niya ang sinabi nito.


“Promise me not to love me, that you won’t fall…”


Paano ba niya sasabihin kay Carl na nahulog na siya ng husto, na mahal naa mahal na niya ito. Heto sya ngayon at pinapapangako niya siya upang waag siyang mahalin, ngunit bakit? Bakit ayaw niyang siya ay mahalin, alam niyang nagsisinungaling lamang ito dahil ramdam niya mahal rin sya nito.

“What if I can’t?” mapaghamong sagot niya.


“Then perhaps, we should stop seeing each other…” seryosong tinitigan sya nito.


Sinalubong niya ang mga titig na iyon at sarisaring emosyon ang kanyang nararamdaman. Halos sumabog ang dibdib niya sa lakas ng kabog ng kanyang puso, at may kung anong pwersa ang nagtulak sa kanya upang ilapit ang mukha niya at dampian ng halik ang mga labi ni Carl. Malambot ang mga labi nito kahit hindi ito gumanti, bagkus ay napapikit lang si Carl at hinintay ang paglayo ng halik niya. Dumilat ito, sa kanyang mga mata ay nababanaag ang labis na paghihirap sa pagsikil sa kanyang damdamin.

“Promise me, Andrew…” halos pabulong na wika nito. “Don’t fall inlove to me…don’t love me, say it…promise me.” sa kanyang mga mata ay ang pagsusumamo.


Sa halip na sagutin ay nagtangkang halikan niyang muli ito ngunit umiwas si Carl.


“Say it… promise me.”

“P-pro…mise.” At iyon ang nagsilbing hudyat upang muli ay maglapat ang kanilang mga labi.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP