Task Force Enigma : CODY UNABIA 1

Monday, February 14, 2011

Task Force Enigma Cody Unabia

Hello there! Here is the next installment of The Task Force Enigma. Ito ay alay ko sa aking anak na si Cody Unabia. Namesake lang po siya dito. Pati na rin kay Kearse Allen Concepcion, namesake lang din kaya huwag pong seryosohin. Para rin ito kay Migs at kay Jaime. Wala lang naaaliw lang ako at kayo ang napagbuntunan ko ng kaaliwang iyon.

Sa mga sumubaybay sa Task Force Enigma: Rovi Yuno, Maraming Maraming Salamat po! I love you guys! Sana ma-enjoy ninyo ang ikalawang libro ng TFE. Handog sa inyo ng nag-iisang Dalisay! Bwahahaha...



CHAPTER 1

Kakamut-kamot na lumabas ng kanyang silid si Kearse Allen Concepcion mula sa maghapong pagtulog dahil sa gabi siya nagsusulat ng kanyang mga obrang nobela. Isa siyang writer sa LadLad Publishing na nagre-release ng mga M2M romance fictions. Napatingin siya sa orasan. Alas-sais na ng gabi. Karaniwan ng nanonood ng balita ang mga tao sa Pilipinas sa ganoong oras. Pero siguro, pamilya talaga sila ng abnoy dahil sa halip na ang problema ng bansa ag pinapanood nila ay pagbi-videoke at pag-iinuman ang inaatupag ng kanyang ama at dalawang nakababatang kapatid.
Lasing na siguro ang kanyang ama dahil ayun at plastado na ito sa sofa at nag-aatungal na naman ng mga hinaing nito sa buhay.

“Wala na akong kwenta! Hindi niyo na ako iniintindi. Por que matanda na ako. Tandaan ninyo! Balang araw… Balang araw…”

Naiiling na tinungo niya ang kusina para magsepilyo at ipaghanda ang sarili ng makakain. Sabado naman ng gabi kaya okay lang na magtutungayaw ang mga kapatid at ama sa pagkanta.

“Alshado na ako! Hindi niyo na ako pinapahalagahan. Mga wala kayong kwenta! Por que nakapag-aral na kayo. Wala ng silbi ang tingin niyo sa akin.”

Read more...

Ang Soybeans Vendor Na Tisoy

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
 ----------------------------------------------------------------
 Part 1:

Fifteen years old lang ako, nasa high school nung tumulong-tulong sa sari-sari store ng bayaw ko. Maliit lang ang tindahan pero ok naman ang kita. Asin, asukal, mantika, bawang, posporo, at kung anu-ano pa ang mga paninda. Dahil na rin sa tulong nila sa pagpapaaral sa akin, tumutulong din ako sa kanila sa pagbantay o pag-repack ng asukal, asin, bawang at kung anu-ano pa.

Sa simula palang, dun na rin naka-pwesto ang mga batang nagtitinda ng mga powdered soybeans na tingi-tingi. Yun lang ang paninda nila at kahit papanu, kumukita din naman. Dala-dala ang mga metal containers pumu-pwesto silang nakaupo sa isang kanto naghihintay ng customer. At dahil sa ang pwesto namin ay mejo malamig, paborito nilang lugar ito. “Mga taga Mindanao daw ang mga yan”, sabi ng ate ko. “Sa Mindanao nanggagaling ang soybeans at sila mismo na galing din dun ang nagbebenta”.

Isa sa naging kaibigan ko si Jerry, taga Butuan City. Siguro, kasing-edad ko lang. Mestiso, medium built, matangkad at talagang may hitsura. Kung hindi lang sa mejo gusgusin at lumang mga suot nya, sasabihin mo talagang anak-mayaman dahil sa kinis ng balat lalo na ang mukha. May pagka-blonde ang buhok na mahaba, brown ang mata, matungis ang ilong at may mamumula-mulang labi na perpektong match naman sa mapuputi at pantay na mga ngipin. Kumbaga, flawless. Ang totoo daw, mayaman ang papa nya na half-Spanish ngunit bumagsak ang negosyo at nung mamatay, nabalot na sila sa kahirapan. Kaya imbes na mag-aral, nagbanat na siya ng buto kasama ang nanay at dalawa pa nyang kapatid na babae para makatawid sa pang araw-araw na kailangan.

Read more...

Eternity

By Gian Carlo Licanda

****************************************************


I stared at the old photo of grandma when she was at my age, eighteen. She’s very beautiful and charming. Lot of people says I resembled her. I am a new version of her, and I agreed with them.
I really do love staring at her pictures. It was like staring at myself, wearing old clothes and with old hairdo. It’s fascinating. Every vacation when I moved her, I always asked grandma to open her wooden box, where she puts her old treasures like combs, mirrors, hair clips and photographs. I just love it.
“Gabrielle”, Gran called in her croaky voice. “I want you to have this. It’s been on my possession for very long years”.
She slowly opened her palm and revealed a beautiful silver necklace with a butterfly pendant. I sat beside her and she clasped the necklace around my neck. I held the pendant and watched myself in the mirror. “It’s beautiful”, I whispered in astonishment. “Thanks gran”. I said and embraced her.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP