The Best Thing I Ever Had - Season 3 Episode 7

Friday, October 14, 2011

Author's Note: Maraming salamat po sa mga nagbabasa nito.. I'm really really really sorry dahil uber late ang update ko :( Sorry po dahil naghintay kayu ng mejo matagal... Dami kasing mga homeworks na tinatambak sakin mga teachers ko everyday..sorry po talaga..


I would like to thank the following : russ , Rue , Erwin, dada , Roan , Jayfinpa , Darkboy13 , Mars , Jack , jm , wastedpup , kushu , Ace , mhei , jojie (and ur friend hehe) , MArc , royvan24 , mc , warren , patrick , Icy , Jasper Paulito , R3b3L^+ion , Mark Gonzales , superman , kenji , -SLUSHE_LOVE- , -jj- , -RL , John143 , Jaceph Elric , mcfrancis , eman_cruz , xndr. At sa lahat ng anonymous and silent readers ng MSOB and LOL. :) Siyempre I would like to thank my kuyas : kuya Jeffrey, kuya jm , kuya Liger , kuya Harvey :D , kuya coffee prince , kuya kenji , kuya kambal ko and kuya Vince ko. :) And lastly, I would like to thank the 2 persons who made all of this possible, kuya mike and kuya jayson :). Para sa mga hindi ko po nabati, eto na lang, MWAH! :)

Anyway, eto na po yung episode 7! Enjoy! :)

Episode 7 - Goodbyes and Hellos

"Sam..we're here to visit you.." sabi ni papa ng nakangiti..

Wew! Akala ko kung anu na eh!

Masyado ka kasing praning!

Sorry naman! iba kasi yung kutob ko eh!

"Kamusta ka na anak?" tanong ni papa.

Nagulat ako sa aking narining. "Marunong ka pong magtagalog papa?"

"Siyempre naman anak!" sagot niya. Tumawa naman ang mga kuya ko.

"Okay naman po ako papa..kayo po?" tanong ko.

"I'm fine too." tugon niya ng nakangiti.

Bigla akong nilapitan ni mama Amy..hinawakan niya ang mga kamay ko.."Sam anak...Pwede ka na bang sumama sa amin?"

Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya..Sh*t ayan na...Tama ang kutob ko..eto na ang pinakakinatatakutan kong manyari... Nakangiti lang silang lahat sa akin at naghihintay sa isasagot ko..

Sasama ka ba?

Hindi ko alam...

Gusto mo bang sumama?

Hindi ko alam....

Hindi mo alam?! Puro ka na lang hindi mo alam!

Eh hindi ko nga alam eh! Ikaw nasa utak ko, bakit hindi ikaw ang magsabi sakin kung ano nasa loob nito?!

...........

Oh ano?! bakit hindi ka makasagot?! Ang hirap hirap ng sitwasyon ko!

Nakikipagtalo ako sa boses sa utak ko ng biglang lumapit sa akin si mommy..

"Ah eh Amy,.Pwede ko muna ba siyang kausapin?" tanong ni mommy..

"Sige.." at nagngitian silang dalawa..

Niyaya ako ni mommy na pumunta sa kusina at doon nag-usap,.Hinawakan niya ang mga braso ko.

"Anak.." mangiyak-ngiyak siya ngunit nakangiti pa rin sa akin.

"Mommy.."

"Gusto kong malaman mo na....ayos lang sa amin ng daddy mo kung sasama ka na sa mga totoo mong magulang.." at tuluyan nang pumatak ang luha niya... "Karapatan mong makasama sila..At alam kong gusto ka na nila makasama..."

"Mommy.." tumulo na rin ang luha ko..Niyakap ko siya.

"Anak,..nanay rin ako...alam ko ang pakiramdam kapag nawalay sa akin ang anak ko..Mas matindi pa nga ang nararamdaman ni Amy..14 years siyang nangungulila sa'yo..."

"Ipinapamigay mo na po ba ako sa kanila mommy?" Patuloy pa ring tumutulo ang mga luha ko.kumals ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Hindi kita ipinamimigay anak..Kung pwede nga lang dito ka na lang..."

"Eh bakit niyo po ako binibigay sa kanila?" 

Niyakap lang ako ni mommy..Biglang lumitaw si daddy sa pintuan.

"Anak?." malungkot ang mukha ni daddy.

"Daddy.." agad akong yumakap kay daddy..niyakap niya ako ng mahigpit.

"Anak ko,.." sabi ni daddy.."Ako na dito Rosalie..puntahan mo muna sina Amy sa labas.."

Nakayakap pa rin ako kay daddy ng magpaalam sa amin si mommy..Niyaya ako ni daddy na umupo muna..Pinunasan niya ang mga luha ko at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Mga ilang minuto rin ang nakalipas,..

"Alam mo ba anak, ang saya saya ko nung dumating ka sa amin ng mommy mo..Kasi nagkaroon na kami ng anak...Lalo na lalaki ka..este, babae pala..." tumawa si daddy..

Natawa rin ako.."Daddy.."

"Tanggap naman kita diba?..dahil mahal kita anak ko.."

"Salamat po daddy.."

"Siyempre kasi anak kita..hindi man kita kadugo, magkarugtong pa rin ang puso.." niyakap ko siyang muli.. 

Mga ilang minuto rin siguro ang nakalipas na puno ng katahimikan bago siya magsalita muli..

"Anak..Kailangan mo nang sumama sa kanila..."

Tiningnan ko siya. unti-unting muling namumuo ang mga luha sa aking mga mata.


Ayaw na ba nila sa akin? Bakit nila ako ipinapamigay?

Sam, mahal ka nila..at ginagawa lang nila kung ano ang mas makakabuti sa'yo..kung ano ang dapat...kung ano ang tama..


"Hindi ka namin ipinamimigay..hindi ka namin ipinagtatabuyan....Ipinauubaya ka namin sa kanila...dahil sila ang tunay mong pamilya..."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya..tumulong muli ang mga luha ko.

"Anak, huwag mo sanang isiping hindi ka namin mahal...Mahal na mahal ka namin ng mommy mo anak ko..ginagawa lang namin kung ano ang nararapat..Hindi ka namin pwedeng ipagdamot sa mga tunay mong pamilya..masasaktan rin sila kung hindi ka sasama sa kanila..masakit man para sa amin..pero kailangan eh.."

Hindi pa rin ako nakasagot..tuluyan na akong humagulgol..Niyakap ako ni daddy..Hinayaan niya lang akong umiyak habang nakayakap ako sa kanya..Hinaplos niya ang ulo ko..

Inangat niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko..Hinalikan niya ako sa noo.."Lagi mong tatandaan anak..na mahal na mahal kita..Mahal na mahal ka namin ng mommy mo.." Nginitian niya ako.

"Mahal na mahal ko rin po kayo.."

So does this mean na sasama ka na sa kanila?

Excited much? tingnan mo na lang kung ano ang susunod na mga mangyayari sa..Agua Bendita..

Gaga! Agua Bendita ka jan?! Taong tubig ka teh? More like shokoy!

Gaga!


Bato bato sa langit, tamaan wag magalit!


Mali! Mali yang kasabihan mo na iyan!


Ha? Anong mali dun?


Bato bato sa langit,.......


O?


Ang tawag dun ay asteroids!!!


Loka loka!


:P

Pumunta na kaming muli sa sala ni daddy..Mukhang kinakabahan din sila sa magiging desisyon ko..


Ayokong iwanan sina mommy at daddy, dahil mahal ko sila..ayoko ring saktan sila mama at papa dahil mahal rin nila ako..at siyempre kahit hindi ko pa sila ganun kakilala, nanay at tatay ko pa rin sila..


So anu na?


Excited talaga teh?! Maghintay ka nga! Patience is a virtue!


Che!


Kaagad lumapit sa akin si mama Amy.."Anak?"

Huminga ako ng malalim...mahirap tong desisyon na to..Pero I have to do this..

"Sasama na po ako sa inyo mama.."

Kaagad akong niyakap ni mama..tuwang-tuwa siya sa kanyang narinig..maging si papa ay yumakap na rin sa akin.Nakita ko namang nakangiti lang sa amin sina mommy at daddy, pati na rin ang mga kuya ko..Lahat ay mukhang masaya, except kay Sai..Halatang pilit lang ang mga ngiti niya..Pero hindi ko na lang pinansin yun.



"Uhmm mama, pwede muna po ba akong magpaalam sa mga kaibigan ko?" tanong ko kay mama Amy.

"Sure anak!".

Lumabas ako ng bahay para pumunta sa bahay nila Macky..Kapitbahay lang namin sila kaya, konting hakbang lang, nandun na ako..Pinapasok ako kaagad ng katulong nila, naabutan kong nakaupo sina Macky at Coleen sa sala nila habang nagtatawanan at nanood ng tv..Natanaw ko naman sa dining area sina Cathy at kuya Marco..Mukhang sila na dahil ang sweet sweet nila..Hindi naman ako nagselos..

Naku!


Oo na sige na! Nagseselos ako! Pero konti lang ha!!!


Wala naman akong sinasabing nagseselos ka ah! Ikaw tong defensive! hahaha


Hayy nako!


Oo, nakaramdam ako ng selos, pero konti lang ha..Promise, konti lang talaga..Anyway,.

"O Av! Nandiyan ka pala!" sabi ni Macky.

"Ahh ehh..magpapaalam lang kasi ako sa inyo.." tintry kong wag umiyak..ayokong magburst out ulit ung mga luha ko, baka umiyak pa rin tong dalawa na to..

"Bakit??" tanong ni Coleen.

"Aalis na kasi ako.." sabi ko sa kanila. Nakayuko lang ako dahil ayokong makita nilang pumatak ang luha ko.

"Aalis ka? Saan ka pupunta?" tanong ni kuya Marco.

Tiningnan ko siya..Malungkot ang mukha niya..Ganun rin sina Macky at Coleen..Pinilit kong ngitian sila.."Sasama na kasi ako kila kuya." Pero biglang pumatak ang mga luha kong kanina pa namumuo.

Kaagad akong niyakap nung dalawa, sina Coleen at si Macky...Niyakap ko na lang din sila at hinayaang pumatak ang aking mga luha..Umiiyak na rin sila..

"Eto yung ayaw ko eh,..Yung mag-iiyakan pa tayo.." sabi ko sabay bitaw ng maikling tawa..

"Kailan ka ba aalis?" tanong ni Coleen.

"Mamaya na..kaya dumaan muna ko dito..para magpaalam sa inyo.." Pilit ko silang nginitian..kahit mahirap..kasi iiwanan ko tong mga abnormal pero mga mababait at mapagmahal kong mga kaibigan.."Wag kayung mag-alala, dadalawin ko naman kayo dito palagi.."

Niyakap nila kong dalawa muli.."Mamimiss ko kayung dalawa.."

"Mamimiss ka rin namin Av." sabi ni Macky.

"Sam.." Pag-cocorrect ko sa kanya..

"Ay oo nga pala,..Sam.." at nginitian niya ako..

Lumapit sa akin si kuya Marco..Nginitian ko siya...Niyakap niya ako ng mahigpit..Yumakap na lang rin ako sa kanya..Hindi kami nagsasalita..Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako sa mga mata..Biglang pumatak ang luha sa kanyang mga mata..Hinalikan niya ako sa noo at muling niyakap.

Ehem ehem, may nakakalimutan ka ata.


Ha? ano?


Si Cathy, gaga! Ang landi mo!


Ay shoot ou nga pala!


Kumalas ako sa pagkakayakap niya..Nginitian ko siya at tinignan si Cathy.. "Cathy."

"Hm?" tanong niya.

"Kapag pinaiyak ka nito sabihin mo sakin ha? Uupakan natin yan." sabi ko ng nakangiti. Tumawa naman silang lahat..

"Kaya mo ba akong upakan?" tanong ni Marco..

Nginitian ko lang siya..."Mamimiss kita kuya.."

"Mamimiss din kita..Pakabait ka dun ha? Wag sakit ng ulo? Wag ka na rin papakidnap!"

Natawa ako sa sinabi niya.."Sige, sasabihin ko sa mga kidnappers na wag ako ang kidnapin!"

"O sige na, pupuntahan ko pa si Van."

Niyakap nila akong muli..Nagpaalam sa isa't isa, at umalis na..Ang hirap magpaalam sa mga kaibigan mo..Lalo na sa mga kaibigan mong talagang parte na ng puso mo..Mahirap..Masakit..Nakakalungkot..Pero kailangan tanggapin..Makikita ko pa naman sila ulit..kaya let's think positive, sabi nga nila,.

Sunod kong pinuntahan si Van..Sa kanya ako pinakamahihirapang magpaalam..Iiyak na naman ako..Sumakay ako ng tricycle dahil nasa kabilang dako pa ng baranggay namin ang bahay nila..Dumating ako roon at naabutan kong nagwawalis sa labas ang nanay niya.

"Tita, good morning po,." bati ko kay Tita Ana. Nagmano ako sa kanya.

"Av anak, good morning din..Tulog pa si Van, ikaw na ang gumising." sabi ni tita.

"Sige po." pumasok ako sa loob ng bahay nila at dumiretso sa kwarto ni Van..Nakita kong nakahiga pa siya sa kanyang kama at himbing na himbing pa ang tulog..Lumapit ako sa kanya at humiga sa tabi niya.,Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya, at iniyakap ang aking kamay sa kanyang katawan..Tinitigan ko ang mukha niya, yung matangos niyang ilong, yung mapupula't malalambot na labi niya. Nasa ganoon akong pag-aadmire sa mukha niya ng bumukas ang kanyang mga mata..Lumitaw ang mga gray niyang mga mata..Nginitian ko siya at nginitian rin niya ako..Hinalika niya ako sa labi..

"Good morning." sabi niya..

"Good morning.." Hindi ko namalayang pumatak na pala ang luha ko.

"Bakit ka umiiyak? May problema ba?" tanong niya..

Hindi ako nakasagot kaagad at tuluyan na akong umiyak..Ang hirap pala nito! Ni hindi ko man lang masabi na aalis na ako..


Kaya mo yan! Nakasurvive ka nga sa bingit ng kamatayan e, yan pa kaya?! Kayang kaya mo yan!


Niyakap ko siya ng mahigpit..

"Bunso ko? Bakit ka umiiyak? Anong problema?"

"Kuya...kinukuha na ako ng mga totoo kong magulang.."

Hindi siya sumagot..sa halip ay niyakap niya ako ng mahigpit..

"I'm sorry..." sabi ko.

"Shh...Wala kang dapat i-pag-sorry.."

"Okay lang sa'yo?"

"Kung ako ang tatanungin, hindi..Dahil magkakalayo tayo..at ayokong malayu ka sa akin..Pero kailangan mong gawin to..pamilya mo sila, dapat lang na sumama ka sa kanila.."

Hindi ako sumagot..

"Magkikita pa naman tayo diba? Pwede naman kitang dalawin dun, diba?"

Tinignan ko siya at nginitian..Hinalikan niya akong muli sa labi at nagyakapan kaming dalawa..



============================================


Dumating kami sa bahay nila, este bahay namin pala..Nakakamangha yung bahay nila, namin pala..Mansion...mali, hacienda! parang isang buong street yung daan mula sa gate papunta sa bahay..Sa daan, makikita mo yung mga puno, mga halaman at bulaklak na nakatanim. Yung bahay naman, PALASYO!

Eleganteng elegante! Pang-mayamang pang mayaman! Sinalubong kami ng 3 katulong. Pagpasok ko sa loob, nakita ko ang isang malaki't magandang chandelier na nakasabit sa kisame, ang mga paintings na nakasabit sa dingding at ang isang malaking family picture nila..Grabe wala akong masabi sa nakita ko..Sobrang ganda talaga ng bahay..Hinatid ako ni kuya Ken sa kwarto ko. Pagpasok ko ng kwarto ko, namangha akong muli..Ang laki! Malaki na yung kwarto ko nuon, pero ngayon, mas doble pa! May sariling bathroom, may sariling walking closet, may balchony..Ang laki nung kama, King size...May shelf ng books, at binilhan na rin nila ako ng sarili kong computer..

"Kuya, may laptop naman ako eh, bakit ka pa bumili ng desktop?" tanong ko.

"Eh mapilit si daddy eh..ibili ka raw, kaya ayan..At hindi lang iyan..Try sliding that door,." sabay turo sa isang furniture na parang isang cabinet..

I-ni-slide ko yung pinto at laking gulat ko sa nakita ko.. Isang 46-inch LCD tv..tapos sa ilalim nun, may PS3 with Move, at XBOX 360 with Kinect.

"Kami ng kuya Max mo ang bumili niyang mga consoles na yan para sa'yo. We also bought you some games,. Sana magustuhan mo.."

"Thank you kuya!!!!" niyakap ko siya..Ang bait naman talaga ng mga kuya ko.

Pagkatapos akong itour ni kuya Ken sa buong bahay, plus yung swimming pool, at yung baketball court, kumain na kami..masaya kaming kumakain..pero everytime na mapapatingin ako kay Sai ay matulis ang tingin nito sa akin,.

Anong problema niyang kambal mo?


Malay ko?


Oh well,.


Hindi ko naman ginawang big deal iyon..Hindi ko na lang pinansin..Dedma na lang..Natapos ang kainan, at natulog na ako.

==========================================

First day ko sa school nila Sai..Siyempre, nagtransfer ako ng school..nagshift rin ako ng course dahil iyon ang hiling ni papa, nahihiya naman akong tumutol kay pumayag na ako..so I decided to take Business Admin, katulad ng course ni Sai...Unang araw ko, and Sai didn't even bother teaching me the ways through the campus.

Kainis yang kambal mo ha!


Hayaan mo na lang..


Simula nung dumating ako sa bahay, ang sungit sungit na niya sa akin..Pag may tinatanong ako, sasabhin niya, "Bakit ba ang kulit kulit mo? Ang dami-dami mong tanong!"

Anyway, buti na lang ay may nagtour sa akin..Si Harvey..Siya raw ang assigned para magtour sa mga transferries..

"Hi! You must be Sam Wilson,. I'm Harvey del Rosario.." iniabot niya ang kamay niya sa akin.

"Hello, nice to meet you." sagot ko naman. Kinamayan ko siya.

Mabait si Harvey..Gwapo siya actually..Matangkad, moreno, maganda ang built ng katawan, mapula yung mga labi niya, may brown na mga mata, matangos ang ilong. Malakas din ang appeal..Pero siyempre, hindi ako nagpatukso, may boyfriend na kaya ako..

Buti naman alam mo na dapat wag ka magpatukso.


Siyempre! Ako pa?!

Inilibot niya ako sa buong campus. Inexplain ang mga rules, student code of conduct, pinakilala ako sa mga school administrators, principal, sa dean, sa lahat! Naikot nga namin ang buong school eh!

Sa unang class ko, College Algebra, nagulat ako na kaklase ko pala si Harvey..Parehas pala kami ng course na kinuha,..Nakahabol naman ako kaagad sa mga topics dahil naintindihan ko ito kaagad..Mataas naman kasi ang mga nakuha kong grades sa math nung highschool pa ako..

Natapos ang mga morning subjects ko at lunch break ko na..Pumunta ako ng canteen at bumili ng pagkain..Hindi naman ako gutom kaya napagpasyahan kong magsandwich na lang and then bumili ng iced tea,.Nakakita ako ng isang bakanteng table malapit sa bintana..Ewan ko ba, favorite spot ko yung somewhere malapit sa windows..Anyway, so ayun naupo ako..Kumakain ako ng biglang may kumalabit sa akin..Paglingon ko,

"Hey Sam!" nakangiti niyang bati sa akin.


--------------------------------
Until the next episode,
Sam.






contact me @:
FB : vince_blueviolet@yahoo.com (message na lang po kayo, say your blogger name or sabihin niu n lng po na nabasa nio tong story na ito sa site na ito.)
YM : binz_32@yahoo.com

Read more...

Without You 4

Thursday, October 13, 2011


Hello there... I'm back from the final exams... hectic week nga eh...

Thank you nga pala sa lahat nang bumasa at nagsusubaybay nang Without You, malapit niyo na pong marinig ang theme song nito, soon. Bati portion na, Thanks to Miss D., inspiration po kayo talaga, sir Jayson thank you din po sa pagsubaybay at gabay, Jayfpina na parating nakaabang sa site ko, kina Russ, Rue, joseph, joed12 at sa mga anons... hi sana subaybayan ninyo rin.

Bukas ay post ko din ang baby sister nung story nato sana magustuhan ninyo din.

Website: urikido.bogspot.com
Email: uri_kido10@yahoo.com

4th Installment and don't mind to leave a comment, i would highly appreciate it :)

Magsisi ba si Caleb sa mga nagawa niya ngayong nandoon na si Sophie? o madadagdagan pa ito dahil kay Enzo.?

Chapter 4: You Know, You Now

Unknown Number: Hi ö

Caleb: Hi din naman! Si Caleb nga ito, sino po ba sila?

Unknown Number: Sophie toh… still remember me :)

Caleb: Oh, kaw pala Sophie, Namiss kita bigla ah. Kamustah na?

Sophie”,): Mabuti naman ako. Ikaw kamusta na?

Caleb: Heto bumabawi sa school dahil nahumaling na sa pagsasayaw… hehehe. Siya nga pala nakita kita
kahapon sa stage kaya mas lalo pa akong ginanahan sumayaw.

Sophie”,): Bolero!

Caleb: Kinikilig ka naman…

Sophie”,): :)

Napangiti din ako sa huling text niya nang mapansin ako ni Felix

“Shoti (bunso), parang adik ka kung makangiti ah, uuy Yǒuyī gèrén ràng nǐ de wéixiào (may nagapapangiti sa kanya)” pangungulit ni Felix.

“guess who texted, mga tao talaga di magpapalibak, parang patay na patay talaga ito sa akin ah” Sabi ko naman

“Aba at ang yabang mo na best ha, makakakita ka din nang katapat mo” sabi ni Isa.

Parang nabuhusan na naman ako nang malamig na tubig, nagmamayabang na naman ako sa akin kinalalagyan noon. Hindi ko naman sinasadya pero ganyan talaga ako minsan, mahirap amuhin kapag yabang na ang umiiral sa akin. Naging balisa na naman ako sa buong magdamag, hindi na ako pinansin nang mga kaibigan ko alam nila kapagbalisa ako hindi ako nagpapakadistorbo.

Inuwi ako ni Felix sa bahay, paglabas ko nang kotse niya ay hindi na ako nagsalita pa maliban sa thank you. Naghubad na ako nang suot. Hinarap ko ang malaking salamin nang cabinet ko, naka brief lang ako noon kaya kitang-kita ko ang buo kong katawan. Naghanap ako nang mapupuna sa sarili ko, sa katawan ko, sa pagkatao ko. Pero wala akong makitang mali, sabi nga nila para na akong diyos, ang hindi nila alam ang tinitingala nilang diyos ay parang musmos na naghahanap nang pag-aaruga, naghahanap nang mga taong makakaapreciate kung sino siya at kung ano ang kaya niyang gawin para sa iba.

Alam kong hindi ako perpekto, may kulang sa akin, isang pagkukulang na hindi ko alam kung kalian mapupuno, hindi ko alam kung kalian magiging buo. Pinatong ko ang aking kanang kamay sa aking dibdib malapit sa puso. Dito, dito ako may pagkukulang, ito ang Kryptonite ko, ito ang dahilan kung bakit ako nagiging kung ano ako. Di ko alam pero bakit magulo, napaka gulo.

At biglang nag ring ang phone ko, isang text message.

Enzo.NDC: gising pa?

Caleb: oh, kakarating ko lang sa bahay!


Enzo.NDC: ah. Anu gawa mu ngayon?

Caleb: Nakahiga ako… bakit mo naman natanong.

Enzo.NDC: Ah. Anong suot mo?

Nagulat ulit ako sa sinabi niya sa text pero ngayon, parang nilibugan ako sa sinasabi niya, naiimagine ko nlng kung paano niya ito sabihin ay may dulot nang kuryente sa buo kong katawan, I will play your game Mr. Perez.

Caleb: Naka brief lang ako, kulay puti.

Enzo.NDC: oooh!!! Nang iinit ka ba ngayon?

Caleb: medyo! Ikaw ba nag iinit ngayon?

Enzo.NDC: Oo! At gusto kong magpalabas nang init, gusto mo tulungan tayo para mas Masaya!

Tama ako, napakalibog nitong si Enzo pero may dapat akong malaman kung bakit niya to ginagawa, at sa kapwa lalaki niya pa. Pero noong mga panahong iyon kinikilabutan na ako sa ginagawa ko, first time ko iyon ang makipag flirt sa text lalong-lalo na sa isang lalaki.

Caleb: Um Pare? Bakla ka ba?

Natagalan siya bago magreply, parang na offend siguro sa natext ko sa kanya. Pagkalipas nang ilang minuto.

Enzo.NDC: Hindi pare, trip-trip lang to, mas nakakalibog diba, aminin mu.

Tama nga siya, mas nakakalibog nga naman ang ganito dahil kinakabahan ka sa pwedeng kahahantungan nnang mga ginagawa mo.

Caleb:u-uhm, hinihimas ko yung alaga ko, gusto mo ikaw maghimas?

Enzo.NDC: basta ikaw din ang hihimas nong sa akin.

(Medyo maselan ang bahaging ito… email nyo nalang ako kung gusto ninyong basahin to J)

Kinilabutan ako pagaktapos nang takbong iyon, parang hindi ako, bakit ko ginawa iyon? Bakit ko ba nagustuhan iyon? Ano nga ba ako? Maraming gumugulo sa isip ko, hindi ako makatulog buong gabi at buong magdamag akong nagiisip sa kung anu man ang nangyari sa amin ni Enzo.

Hanggang sa umaga ay hindi ko magawang makapag-isip nang mabuti, 5/20 lang ang nakuha kong score sa quiz, napagalitan pa ako dahil late akong dumating, talagang bumagabag sa kalooban ko ang iniisip ko.

Kumakain ako mag-isa sa loob nang canteen kagaya nang parati kong ginagawa at nagyon nakatingin sa malayo malayong malayo, hindi ko din naman alam kung ano ang tinitignan ko. Nang biglang may lumagay nang kung anong bagay sa harapan ko, nang tiningnan ko ito “Hot fudge sundae?” tapos tiningnan ko ang taong may hawak nito, si Sophie.

Ang ganda niya ngayon, mas maaliwalas ang mukha niya kapag nakangiti, mas nahuhumaling ako sa mga kinikilos niya. Binigyan ko lang siya nang mapupungay na ngiti.

“Ayan nakangiti kana! Mas gusto kong nakangiti ka lalo kang gumagwapo?” sabi ni sophie na parang galak na galak, umupo ito sa harap ko, napansin kong may “caramel sundae” din siyang hawak.

“Pano mo nalaman na gusto ko to?” tanong ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako, nang ma realize ko na marami pala siyang alam sa akin, sinabayan ko na siya sa pagtawa. Sa sobrang lakas nabulabog naming ang ibang nakaupo sa tabi nang table namin.

Ngiti ngiti nalang ang ginawa namin habang kumakain nang ice cream, aaminin ko nagging anti depressant ko din ang sweets especially itong “Hotfudge sundae”. Naramdaman ko talaga na meron nang namumuong magandang pagsasamahan sa aming dalawa.

“Uummm…. Sophie?”

“Yes?”

“SOCCER PLAYER ka ba?”

“Ha? Paanu mo naman nasabi yan?”

“Ang lakas kasi ng SIPA mo.. sa PUSO ko.”

Hindi makapaniwala si Sophie sa narinig niya, namula agad ang pisngi niya at mukhang nahihiya na sa pinagsasasabi ko.

“uhm… I better be getting back to class, may quiz pa kasi ako sa major subject ko eh” she said habang tumatayo sa kinauupuan niya.

I grabbed her hand while standing up, a gesture na ayaw ko pa siyang pakwalan sa masayang kuwentuhan na iyon. “Was it something I said? May masama bas a sinabi ko?”

She gave me a smile, yung ngiti na parati ko nang napapanaginipan kapag natutulog ako sa klase, ang ngiting hinahanap hanap ko sa tuwing nag-iisa ako. “ugh… anu ka ba.. hindi kaya. Sweet mo nga eh”

“uhm, Sophie…” gusto ko nang sabihing parang mahal na kita pero bakit di ko magawa? “… Pwede ba?”

“Anu yun Caleb?”

“Pwede ba kitang ligawan?” stupid ka ba? Bakit mo naman sinabi yun. Baka kung anu ang isipin niya. I saw the shock in her face when she heard what I said. At ang pag-iba nang mukha niya na parang magagalit. Winaksi niya ang kamay kong nakahawak sa kanya.

“Hindi porket alam mong mahal na ma… I like you that much eh mabibilog mu na ang utak ko Mr. Tan. Wag mo akong itulad sa ibang babae diyan na magpapaka puta para sayo, I thought you were different pero kagaya ka rin nila, and I thought wrong.” Nasambit niya na may halong galit, lahat ay nagtitinginan na sa amin. Bigla siyang maiyakiyak na umalis.

Hiyang hiya ako sa lagay ko na yun, in a public place, at halos lahat sa school ay kilala ako. Worst case scenario na para sa akin ang mapahiya ako nang ganoon. Pero hindi yun ang dahilan kung bakit napahinto ako sa kinagagalawan ko, kundi ang bawat salita na lumabas sa bibig niya. Tagos hanggang buto, tama nga naman siya sa dinamidami nang babaeng niloko ko sino na ang magsisiryoso sa akin.

Huli na nang makita ko ang iba sa mga kasmahan ko sa pagsasayaw, na nasa kabilang table. Tumayo si Hera at niyakap ako, lahat sila nagsitayuan at yumakap sa akin. Napangiti naman ako bigla.

“Anu ba naman kayo? Bakit tayo nag da dramahan dito?” sabi ko na medyo confused sa mga nangyayari.

Kumalas sila sa pagkakayakap. “Ok ka na?” tanong ni Janice. “Seryoso ka ba talaga?” tanong ni Janelle. Tumango lang ako na nagsasabing oo.

“Tutulungan ka namin” sabi ni Teo at Blitz nang sabay.


Sophie’s POV

“Eh gaga ka naman pala girl eh? Bakit mo ginawa iyon? You and I na matagal mu nang gusto yun.” sabi nang babaeng nasa harap ko na kanina pa putak nang putak.


Nakaupo ako sa staircase nang building namin, matapos ang nangyari sa canteen hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. “Hindi ko nman talaga yun sinasadya eh, nabigla lang ako…” sabi ko na mangiyak ngiyak.

Tinabihan ako nang isang lalaking kanina pa pabalik-balik sa kinaroroonan namin. “Alam mu best, wag mo nang ipagkaila na hindi mo na siya kayang mahalin kasi may iba ka nang minamahal” sabi niya na may pakidat pa.

“Aba maghunos dili ka Jay, si Caleb Tan yung pinag-uusapan natin ditto, eversince nakita yan nitong si Sophie sa may art exhibit nang mga religious artifacts dito sa school… at last year pa yun ha” sabi noong babae.


“Finny, Stop it na, ayoko nang marinig ang sasabihin ninyong dalawa ok. Nasasaktan lang ako sa pinag-uusapan natin” sabi ko na medyo nagagalit na.

“Ewan ko sayo Sophie, ikaw tong patay na patay tapos ikaw tong may malakas na loob na baustedin siya and worst, in public pa kaya. Naku anu nalang yung image mu sakanya niyan?” sarkastikong pananalita ni Finny.

Si Jay at Finny ang super bestfriends ko noong nakatungtong na ako sa college. Tama nga si Finny wala na akong mukhang maihaharap pa kay Caleb, wala na ang taong gusto ko sana maging akin. At ito ay dahil sa katangahan ko.

Lumipas ang mga araw, wala akong ni text na natatanggap sa kanya, wala nang masiglang “GoodMorning” at napaka sweet na “GoodDreamz… SweetNyt!”, wala narin sigurong pag-asa na magpapakita siya sa akin.

One day I decided na uuwi muna sa probinsya naming pero pinigilan ako ni Finny, sasamahan ko daw siya mag malling, Wala na akong choice kasi libre daw niya at gusto kon g kumain nang “Caramel Sundae” kasi depressed na talaga ako noon.

Tinext niya ako na makipagkita sa SM sa may event center. Timing din naman na walang event ngayon kaya wala akong hiya na pumagitna. Tinetext ko na kung nasaan siya hindi siya nag rereply. Nang biglang may batang lumapit sakin at binigay niya sa akin yung “Caramel Sundae” niya.

“Pinabibigay po ni Hot Fudge!” sabi nung bata. Nabigla naman ako at napatingin sa palibot, hinahanap ang taong tinutukoy noong bata. At biglang tumugtog ang isang napakapamilyar na tunog.

J.R.A. - By Chance (You & I)

Then bigla nalang may sumayaw sa harap ko, yung NDC… lahat sila nandoon, pero nasaan si…

“Let’s make it happen” may nagsalita sa likod ko.

“Ca-Ca-Caleb?” then biglang nag pause ang lahat nang sumasayaw. Na para bang nag stop ang buong mundo ko.

“Seryoso ako nong sinabi kong liligawan kita” sabi niya in the sweetest way I could ever imagine. Yung hazel brown eyes niya na nangungusap sa akin, yung lips niya na gusto kong halikan and that perfect nose, but where are those perfect smile, yun na lang ang kulang at mapapa-oo mu na ako Caleb.

“Let me e-“ sabi ko nang bigla niyang pinigalan ang bibig ko nang kanyang napakalambot na kamay.

“You are snobby, clumsy, boyish, unfashionable, very simple… but those eyes behind those glasses that makes me wish that stars won’t shine anymore because they are there. That long hair that caresses your body which makes it more profound in my vision. Its your undying endevour to make me notice you all day that makes you more special because you are the only one who knows all of me fro the outside… and I want you to be the one who will know me more from the inside out. Ikaw lang sophie”

Yun yung mga salita na tumagos sa puso ko, and I admit I am now officially inlove with Caleb.

You Know?” I asked.

“Yes, and It’s You Now!” he said kasabay nang hinihintay kong smile.

“Okey. Pumapayag na ako” he then hugged me tight. And he kissed me on the forehead, it felt like Kryptonite for me, it was my one true weakness.

Lahat ay biglang sumayaw ulit at maraming taong nanonood ang nagpapalakpakan. Tinakluban naman ako nang hiya sa sarili, at nakita ko sina Finny at Jay.

“Congrats pare, masuerte ka diyan sa kay Sophie… alagaan mu sana, mahal naming yan” Jay said. Na parang may tonong galit, hindi ko maintindihan pero galit nag alit ang tono niya

“Don’t worry pare, mamahalin ko dn siya nang higit pa sa buhay ko” sabi ni Caleb. Masaya namang tugon niya.

“Aba, so anong akala mo? Tayo na? Nope. Manligaw ka muna gaya nang sinabi mu.” Sabi ko sa kanya na bigla naman pinag-iba nang mood ni Jay.

“Sisimulan ko na ngayon” sabi ni Caleb, at bigla itong lumuhod saka kinuha ang kamay ko at bingyan ako nang charm bracelet na walang charms.

“Anu to?”

“Every week pupunuin ko yan nang charms ko, para palagi mong maalala kung sino ako para sayo, and this would be the first” bigla niyang nilagyan nang ice cream charm ang bracelet.

Sweet. Yun ang conclusion ko sa charm niya and I’m expecting more Caleb wag mo akong bibiguin.

Caleb’s POV

Days have passed and I’m still consistent with courting her, araw-gabi kaharap ko ang phone ko at hinihintay ang text niya, parang langit ang nararamdaman ko pag kasama ko si Sophie.

Pero may isa akong problema, Si Enzo. Parati kaming nauuwi sa Sexting at parang nahuhulog na ang loob ko satwing nagtetext kami sa isa’t isa. Panu toh? Bakit ganito? Naguguluhan na ako.

Lumipas ang mga buwa, at medyo bumagal na ang takbo nang aking panliligaw dahil hindiko magawang pagsabayin lahat and my studies and the student government nang school at saka yung pagsasayaw.

Dumaan ako sa locker room nang mga boys nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

“Ah, wala yang si Caleb Tan nay an, mas matinik yata ako dun…”

Teka nga hindi kaya si…

Abangan...

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP