The Best Thing I Ever Had - Season 2 Episode 9

Saturday, August 27, 2011


Author's Note : Thank you thank you po sa lahat ng mga nagbabasa ng story na toh! I would like to thank the following:
from MSOB: Patrick, dada, Mr. Jayfinpa, Roan, President Wastedpup (lol!) , Russ, Darkboy13, dark_ken (KUYAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!! wla lng.lol) , Erwin Fernandez, Icy , and Jack.
from LoL: Kuya James/Coffee Prince- Sorry kuya kung hindi kita namention sa nakaraang episode ko, di ko kasi kaagad nakita comment mo. :( pero eto, super duper bonggang mention ka! lol mwah!
superman and mister anonymous.
from AVR - Mackypot and Coleengot lol..
from my heart - (may ganun?!) kenken ko :) hugs* mwah!

and sa mga silent readers and sa iba pa lol.
anyway, eto na po ang episode 9! sorry po kung mejo nalate ang update, may hurricane kasi dito, eh pati yung utak ko binagyo lol.. anyway enjoy reading!



Episode 9 - Love.

------------------------------------
"BOYFRIEND?!" ang sabay at gulat na gulat na sabi ni Ram at Van. Napatingin lang sakin si kuya Marco.

Teh?! ano ba yang sinasabi mo? boyfriend? bakit di ko alam yan ha?!


Mamaya ko na ieexplain, I'm in the middle of something. Can't you see??


K, Fine!


"Oo, boyfriend ko si Marco. Di ba Marco?" tumingin ako sa kanya at kinindatan siya.


Nakuha naman niya ang nais kong sabihin,."Ah oo. Kami na." sabay akbay sa akin ni Marco.Yumakap naman ako sa kanya para magmukhang sweet talaga na kami talaga. Tumingin kami sa dalawa ng nakangiti.

"Hindi! Hindi mo siya boyfriend! Nagsisinungaling lang kayo!" sabi ni Van.

Tumawa si Marco. "Gusto mo ng proof? sige." Nagulat ako ng bigla akong hinalikan ni kuya Marco sa labi. Nakapikit siya nung hinalikan niya ako. Napapikit din ako. Mainit at malambot ang kanyang mga labi. Mga ilang segundo ring nagtagal ang halik niya. Pagkatapos ng halik ay nagkatitigan ang mga mata namin at nagtawanan. "O ano, kulang pa ba?" Hindi nakasagot ang dalawa. "Kung wala na kayong sasabihin, pwede na kayong umalis. Marami pa kaming gagawin ng bebe ko. Diba bebe?"

"Yes babe. So please, umalis na kayong dalawa." sabi ko. Masama ang tingin ni Ram kay Marco. Ngunit ng tumingin siya sa aki'y malungkot ang kanyang mukha. Ganoon din si Van. Ng makaalis na ang dalawa, tinulak ko ang noo ni Marco. "UM!"

"Aray!" daing niya.

"BEBE?! ang corny ha! Sana naman baby man lang or something. Abnormal ka talaga kuya!" sabi ko.

"Eh yun yung unang pumasok sa isip ko eh..pero..kinilig ka naman." sabi niya ng may pilyong ngiti.at kiniliti-kiliti ako.

"Aysshh! tigilan mo nga ako kuya!" sabi ko sa kanya at tumawa.

"Naku! Lalo na nung hinalikan kita!" sabi niya. "Ano? Nagustuhan mo ba ang mga labi ko? Masarap ba?" sabay kagat labi niya.

"Yuckkk!!! Kadiri ka kuya! Bakit mo ba kasi ginawa yun?! Abnormal ka talaga!" sabi ko.

"Hmmm. Ewan ko..pero nagustuhan mo naman diba?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Hindi ako makagalaw. Parang nanigas ang buong katawan ko. Ilang inches lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Tinitigan niya ang mga labi ko sabay kagat ng labi niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.


Grabe bakit ganito ang nararamdaman ko?


Nagulat na lang ako ng bigla niya akong nakawan ng halik. Bigla siyang tumakbo at tumawa ng tumawa. "KUYAA!!!!!!! Lagot ka sakin kapag na huli kita!" hinabol ko siya.

Loko tong mokong na toh!


Naku! Pero kinikilig kilig ka naman! 2nd kiss niyo na yan ah! 


Kaya nga hinahabol ko siya para makakuha ako ng 3rd!


Ang lantod!!


Joke lang gaga!


Naghabulan kami sa buong bahay. As in naikot namin yung buong 1st floor ng bahay namin, except banyo. Mula sa dining area, kitchen, hanggang pabalik ng sala, maririnig mo ang takbuhan namin at tawanan naming dalawa. Hindi ko siya mahabol kaya nag-isip ako ng ibang paraan. Naalala ko ang paa ko. Okay na naman siya, hindi na siya masakit, nakakatakbo na nga ako eh.

"Aray!" bigla kong daing at tumigil at nagkunwaring masakit ang paa. "Aray! ang sakit ng paa ko!" Magaling ako sa pag-arte kaya kayang kaya kong lokohin ang mga tao. Umupo ako sa sahig.

"Oh Av anong nangyari sa'yo?" dali-dali siyang lumapit sa akin at naupo sa tabi ko.

"Aray!" sabi ko ulit.

"San masakit?" tanong niya.

"Dito sa paa ko." sabi ko. Tumingin siya sa paa ko. Now's my chance. Pinitik ko yung tenga niya.

"Aray! Bakit mo ginawa yun?!" tanong niya. mukhang iritang irita siya.

Dali-dali akong tumayo at lumayo sa kanya sabay dila. "Bleh!" tumakbo na ulit ako.

"Ah ganon? Humanda ka sakin!".Mabilis siyang tumakbo at nahuli niya ako kaagad. "Huli ka!"

"Waaahh!!!" sigaw ko. Kiniliti niya ako ng walang tigil. "Kuyaa!!!! Tama na!" sabi ko habang tumatawa.

"Ehem ehem." biglang eksena ng boses na nanggaling sa likod namin. Si Daddy pala iyon.

Huli kayo! hahah.

 Katabi niya si mommy na nakangiti sa amin ni kuya Marco. Nag-ayos kami ng sarili.

"Hi dad!" bati ko kay daddy at niyakap siya.

"Hi anak!" sabi niya at hinalikan ako sa noo. Ewan ko, basta simula nung nagsabi ako na ganito ako, parang babae na ang turing sa akin ng daddy ko. Pero hindi naman ako nagrereklamo, kasi tanggap pa rin niya ako.

"Hi mom!" bati ko naman kay mommy sabay beso sa kanya at yakap.

"Hello anak." tugon naman ni mommy.

"Tito.tita." bati ni kuya Marco sa mga magulang ko. Nagmano siya kay daddy at bumeso kay mommy. "Ahh ehh mauna na po ako tito,tita, may gagawin pa po kasi ako."

"Salamat sa pagsama mo dito kay Av ha?" sabi ni mommy.

"No problem po tita, anytime." sagot naman niya.

"Sige Av,." niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Nagulat ako. Oo, sanay na ko sa gesture niya na yon. Pero sa harap nila mommy and daddy????? Hiyang-hiya ako sa kanila. "Sige po tito,tita,. alis na po ako."

"Ingat ka ha." sabi ni mommy. At umalis na si kuya Marco.

Nakatingin ako sa kanya hanggang sa makalabas siya ng pinto. Paglingon ko kila mommy, nakatitig sila sa akin at nakangiti.

"Bakit po?" tanong ko sa kanila. Anong meron?


Nagtinginan silang dalawa, at ngumiti muli sa akin. "Halika na nga anak! Kain na tayo! nagugutom na ang mommy mo." sabi ni daddy. At tumuloy na kami sa dining area. As I was slicing my steak, biglang nagsalita si Daddy.

"Anak." sabi niya.

"Po?" sagot ko naman. Tumingin ako sa kanya.

"Tapatin mo nga kami." sabi niya.

"Ano po yun?" tanong ko.

"Kayo na ba ni Marco?" sabi niya.

"Hindi po!" sagot ko agad.

"Eh bakit ang sweet sweet niyo?" sabi ni mommy na nakangiti sa akin na parang nanunuksong kaibigan.

"Hindi po mommy, daddy, magkaibigan lang po kami niyan. Parang kuya ko na rin po si Kuya Marco." sagot ko.

"Naku, eh jan din kayo nagsimula ni Van eh." sabi ni mommy.

"Mommy!" sabi ko.

"Alam mo anak, okay lang naman eh. Mabait naman si Marco. Lagi kang inaalagaan, maaasahan, at masipag namang mag-aral. Kaya pasado siya para sa akin." sabi naman ni daddy.

"Daddy! pati ba naman ikaw?" sabi ko.

"Anak, tama ang daddy mo. Gusto ko rin si Marco. Teka, nanliligaw ba sayo yun?" tanong ulit ni Mommy.

"Ah ehh." sabi ko. "O-opo."

"O sagutin mo na! sayang!" sabi ni mommy.

"MOMMY!!!" sabi ko.

"Hon, hayaan na lang natin ang anak natin." sabi ni daddy. Akala ko yun lang ang sasabihin niya. Pero mero pa pala. "Pero anak talaga okay na okay samin ng mommy mo si Marco." Sabay tawa.

"Dad! Please, tigilan niyo na nga po ako jan sa pag-aanu kay kuya Marco,. Friends lang po kami nun!".bigla namang kumirot ang sugat ko sa ulo. "Arggh!"

"Ay oo nga pala, montik ko nang makalimutan. Tumawag sa akin si Marco kanina, sinabi niya sa akin ang lahat ng nangyari." sabi ni Mommy.

Naku patay! Ayan na!


Patay ka talaga! hahah


Akala ko magagalit sa akin ng todo si daddy. Pero naging mahinahon lang siya. "Anak, diba sabi ko sa'yo, layuan mo na yang Van na yan? Ayan tuloy, tignan mo nangyari sa'yo. Sabi ko sa'yo diba? Masasaktan ka lang anak." sabi ni daddy at hinawakan niya ang isang kamay ko.

"Tama ang daddy mo anak. Please, lumayo ka na lang. Ikaw lang naman ang iniintindi namin ng daddy mo, ayaw naming nasasaktan ka." sabi ni mommy.

"Ako naman po yung lumalayo eh, pero siya po tong lapit ng lapit." sabi ko.

Nagbuntong hininga si daddy. "Gusto mo lumipat ka na lang ng ibang eskwelahan? yung malayo dito, para hindi ka na niya malapitan ulit?"

Hindi ako nakasagot. Actually maganda ang offer ni daddy na yun. Kung lilipat ako ng school, malayo sa kanila, mas madali ang pag-momove-on ko. Pero may isang parte ng katawan ko ang ayaw lumayo dito.

"Sa tingin ko tama ang daddy mo anak. Pag-isipan mo." sabi naman ni mommy.

"Sige po pag-iisipan ko." sabi ko na lang. Tinapos ko na ang pagkain ko. Aakyat na sana ako ng hagdan papunta sa kwarto ng mapansin ko ang isang maliit na box sa couch sa living room. Agad kong nilapitan ito at nakita ko na nakalagay sa labas ng box ang pangalan ko,.Umakyat ako sa kwarto at binuksan ang box. Nakita ko yung singsing na binigay sa akin ni Van noon. Yung may naka-engrave na "Van loves Av". Tapos, may sulat ding kasama. Sa sulat:

Dear Av,
I'm sorry sa nagawa ko. Hindi ko gustong masaktan ka. Ayaw ko lang kasing mapunta ka sa isang taong tulad ni Ram. Hindi ka niya mahal Av. Niloloko ka lang niya. Ginagamit para makapaghiganti sa akin. Hindi ka niya mahal. Pinapaikot ka lang niya. Kaya mag-iingat ka sa kanya. Alam kong wala ako sa posisyon para pagbawalan ka. Pero ginagawa ko lang to dahil ayokong masaktan ka Av. Alam kong ayaw mo na akong makita o makausap. Dahil sabi mo gusto mo na akong layuan at pagtuunan na lang ng pansin ang kanya-kanyang buhay. Pero hindi ko kaya Av. Hindi ko kayang malayo sa'yo. Kahit ipagtabuyan mo man ako. Kahit mayroon ka nang iba. Nandito pa rin ako. Nagmamahal sa'yo. At hindi iyon mawawala. Ikaw lang ang mamahalin ko habang-buhay Av. May responsibilidad man ako sa magiging pamilya ko, pero ang puso ko, ay nakalaan pa rin para sa'yo. At tumitibok lang ito para sa'yo. Mahal na mahal kita Av. Sana, mahal mo pa rin ako.


Nga pala. Ibinibigay ko sa'yo ulit yang singsing na iyan. Alam kong ibinalik mo na sakin iyan noon nung magkahiwalay tayo, pero binibigay ko na ulit yan sa'yo. Yang ang tanda ng pagmamahal ko sa'yo. Ikaw na ang bahal kung isusuot mo o itatapon mo. Pero sana, wag mong itapon ang pagmamahal ko sa'yo. Mahal na mahal kita Av.


-Van.


Biglang tumulo ang luha ko. Tinitigan ko ang singsing na bigay niya,. Hanggang ngayon, mahal pa rin pala niya ko.


At mahal mo pa rin siya,. Tama ba ko?


Oo, mahal ko pa rin siya. Kahit na may pamilya na siya. Hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit na sinaktan pa niya ako. Mahal ko pa rin siya.


Ang martyr mo talaga teh!


At umiyak lang ako ng umiyak. Mahal ko pa rin siya. Isinuot ko ang singsing na binigay niya at hilakan ito. At ayon, nakatulog na ako. Kinabukasan, dahil Saturday naman, napagpasyahan kong pumunta sa resthouse namin sa Batangas. Hindi ako pinayagang umalis mag-isa kaya isinama ko sina Coleen at Macky. Nagpumilit ring sumama si Kuya Marco kaya isinama ko na rin.

Naku! pero gusto mo naman talaga isama si Marco!


Shhh! tumigil ka nga!


Medyo matagal din ang biyahe kaya nakatulog ako sa daan. Pagkagising ko, nandun na kami. Tamang-tama ang pagkakatayo ng resthouse namin, katabi ang dagat at maraming mga punong nakapaligid. Kaya fresh air talaga ang malalanghap mo. Mayroon din pool. Pagdating namin, agad nagpunta sa pool ang dalawang babae. Ako naman, naglakad lakad sa dalampasigan.

"Ang ganda pala dito."sabi ni Kuya Marco. Nagulat ako dahil sinusundan pala niya ako.

"Ah.Oo nga eh." sabi ko.

Naglalakad kami ng biglang nag-ring ang phone ko. Si Van ang tumatawag sa akin. Sinagot ko ang tawag niya.

"Hello?"

"Av! Matutuwa ka sa sasabihin ko!" sabi niya.

"Ano?"

"Hindi buntis si......!" sabi niya.

Hindi ko na narinig ang mga sinabi niya dahil biglang may humablot sa akin mula sa likuran. 3 lalaking nakaitim. Pamilyar ang mukha ng isa sa kanila. Parang nakita ko na somewhere hindi ko lang maalala. Binuhat ako ng isang lalaki,. "Bitiwan niyo ko! Sino kayo! Bitawan niyo ko!" sigaw ko. Kahit anong pag-pumiglas ko, hindi ako makawala, masyadong malakas nag lalaki.

"Bitawan niyo siya!" sigaw ni kuya Marco. Hindi siya makagalaw dahil hawak hawak siya ng isa pang lalaki. Sinubukan niyang pumalag ngunit biglang sinaksak ng isa pang lalaki ang kanyang tagiliran at sinuntok sa mukha. Biglang bumagsak si kuya Marco sa buhangin.

"Kuya Marco!!!" sigaw ko. biglang tumulo ang luha ko ng nakita ko ang dugong umaagos palabas ng katawan ni kuya Marco. "Kuya Mar- uummmppphh!!" hindi na natuloy ang sasabihin ko ng biglang takpan ng panyo ang aking mukha.. Biglang nagdilim ang lahat at nawalan ako ng malay.


-------------------
Until the next episode,




Watch out for the next episode, Episode 10 - The Season Finale entitled "Goodbye Av". Abangan kung sinu-sino ang magbubuwis ng buhay, sino ang mga mawawala. Blood will flow the rivers of tears. 
Plus a special sneak peek for the upcoming season, Season 3 of the Best Thing I Ever Had. Don't miss it!


Av.

Read more...

The Best Thing I Ever Had - Season 2 Episode 8

Thursday, August 25, 2011


Author's Note: Maraming maraming maraming thank you po sa mga readers!!!!! thank you thank you thank you ng bonggang bonggang major major! lol. I would like to thank the following: (parang sponsors lang ng artista lol)
wastedpup - the president of Marco-Av love team fans club and anti AvRams lol
dark_ken - KUYA!!!!! lol., kaya lang feeling ko ang sama sama ko kasi parang inagaw kita dun sa isa mo pang bunso. >.<..
Jayfinpa- sana po hindi ka madisappoint sa part na to, hahaha i tried my best naman po lol
MArc, Darkboy13, Jack, Roan, warren, Superman and Mr. Anonymous na member din ng Marco-Av fans club. lol..also, I would like to thank my friends Macky and Coleen for helping me out. :) thanks guys love ya! And ciempre, thank you kay kenken ko :D mwah!

Anyway, enough with those,.this is episode 8 of The Best Thing I Ever Had Season 2! Enjoy reading! just leave comments below or send me a feedback, thanks! :)

Episode 8 - Confused

----------------------------------------
Everybody in the room is expecting me to say yes. But I don't think that's what in my mind.

Eh ano ba kasi talaga ang nasa isip mo?


Hindi ko alam.. Nabablanko ako!

Hindi ko talaga alam ang isasagot ko,. I'm not yet sure if he's the right one for me. I don't want to hurt him din naman. I don't want to humiliate him in front of everybody. Argghhh pano ba to? anong gagawin ko? Eh kung magkunyari na lang kaya akong himatayin para hindi na lang ako makasagot? 


Gaga! ikaw ang sama mo talaga! bakit mo naman yun gagawin sa kanya? eh kita mo namang mahal na mahal ka niya o.


Eh anong gagawin ko?! 


Sumagot ka na ng yes or no!


Arrgggghhh! Sana may bumagsak na UFO galing sa langit, or sana biglang lumidol, or terrorist attack?!


Gaga! edi ipinahamak mo naman lahat ng tao dito!


"Wag Av!" ang sabi ng boses na nanggaling sa likod ko.

O? sinong panira sa moment? 


Lumingon ako. Si Van! Anong ginagawa niya dito?


"Bakit ka nandito?!" ang pasigaw na tanong ni Ram.

Nilapitan ako ni Van at hinawakan ang magkabilang balikat ko,. "Av, niloloko ka lang niya. Wag kang maniniwala sa kanya,. ginagamit ka lang niya." sabi ni Van.

Nakatingin lang ang lahat sa amin na parang isang teleserye ang pinapanood. "Ako?! niloloko ko si Av? Teka, sino nga ba satin dalawa ang nangloko sa kanya ha?!" sagot ni Ram.

Hindi ako makapagsalita,. Parang nagfreeze ang buong katawan ko sa gitna nilang dalawa. "Anong sinabi mo?!" sabi ni Van na halatang galit siya.

"Ikaw ang manloloko!" sigaw ni Ram.

Nag-init ang ulo ni Van na bakas na bakas sa kanyang mukha ang matinding galit. In a split of a second, Van rushed towards Ram and gave him a punch in the face. Nagkagulo ang mga kaklase ko at dali daling umakyat sa stage. Agad ding sinuntok ni Ram si Van sa mukha. Nagbugbugan ang dalawa. Agad akong hinila nila Macky palayo sa kanilang dalawa. Sinubukang awatin ng mga kaklase ko ang dalawa ngunit sadyang malakas ang mga ito at talagang hindi natinag sa pakikipagsuntukan sa isa't isa.

Well don't just stand there! DO SOMETHING!!!!!


I finally came back to my senses. Ewan ko kung anung nangyari sa akin. "Tama na!" sigaw ko. pero hindi pa rin sila nagtigil. "TAMA NA!!!!" sigaw ko ulit. Lumapit ako para awatin sila ngunit bigla nila akong naitulak pabalik at natapilok at tumumba. Tumama ang ulo ko sa sahig. "Arrggh! Aray!" sigaw ko.

"Av!" sigaw ni Coleen at Macky,. Tinulungan nila akong makatayo.

Napigilan na ng mga kaklase ko ang dalawa. Pumipiglas piglas pa sila habang hawak hawak ng mga lalaki kong kaklase ang mga katawan nila. Parehas na may dugo sa kanilang mga labi. Tumingin sa akin si Van at napuno ng pag-aalala ang kanyang mukha. "Av." sabi niya

"Epal ka talaga kahit kailan! Kita mo? Dahil sa'yo nasaktan si Av!" sabi ni Ram kay Van.

"Ikaw ang may kasalanan nito!" sabi ni Van.

"Shut up! Kung ayaw niyong tumigil! Sige! Magpatayan kayong dalawa diyan! Magsama kayo!" sabi ko sabay walk-out.

"Av sandali!" sigaw ni Van. susundan na niya sana ako ng bigla siyang harangin ng teacher ko.

"Hep hep! Anong kaguluhan to?" tanong ni Miss Mercado, ang acting class instructor namin. "Kayong dalawa! Mr. Romero and Mr. Chua! In the office now!" sabi ng teacher ko. "The rest of you, stay here and wait for me til I get back."

Paika-ika akong lumalakad palayo. "Mr. Lopez!" Tumigil ako at humarap sa kanya. Biglang kumirot ang ulo ko. Naramdaman kong may dugong lumabas dito. Lumapit siya't napansin ang dugo sa ulo ko. "Oh my gosh! Ms. Rosales! samahan mo si Av papunta sa clinic bilis!"

Hindi na ako umimik. Dinala ako ni Macky sa clinic. Agad namang ginamot ang sugat ko sa ulo ng school nurse. Pinapunta ko na si Macky sa klase dahil baka pagalitan pa siya ng teacher namin. Nung una'y ayaw pa niyang pumayag pero napilit ko rin siyang bumalik sa klase.

 Hinilot din ng school nurse ang natapilok kong paa. Hindi ko namang maiwasang hindi mapaluha sa sobrang sakit ng paa ko. "Aray!" nasigaw ko.

"Sorry pero tiisin mo lang. Sandali na lang to." sabi ng nurse.

Tumango lang ako sa kanya. Pasalamat ka gwapo kang nurse ka kung hindi! naku baka sinipa na kita! Ang sakit kaya!


Yan ang napapala! Hindi pa kasi nadala noon,.


Tumahimik ka na nga lang kung wala kang magandang sasabihin! 


At hindi na sumagot ang boses. Nakaupo ako sa gilid ng kama ng biglang bumukas ang pinto. Si Marco.

"Av!" dali-dali siyang lumapit sa akin. "Nalaman ko ang nangyari, ano ayos ka lang ba? Anong masakit sa'yo?" ang alalang alalang tanong niya,. Bakas sa mukha niya ang sobrang concern para sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

Natouch ako sa sobrang concern na ipinakita niya. Hindi ko namalayang bumagsak na pala ang luha ko. "O bakit ka umiiyak?" tanong niya. Pinunasan niya ang mga luha ko sa pisngi.

Hindi na ako sumagot at niyakap lang siya at umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, basta kusa na lang bumagsak ang mga luha ko. Siguro dahil sa sakit na nararamdaman ko dulot ng pagkatapilok ko at pagtama ng ulo ko sa sahig. Siguro rin dahil sa nahihirapan na ko sa sitwasyon ko ngayon. Sino ba naman kasi ang hindi maprepressure diba? Ikaw ba naman ang maging dahilan ng awayan ng dalawang tao na laging nauuwi sa sakitan, hindi ka mabobother? Ang hirap kayang isiping nag-aaway ang mga tao dahil sa'yo. Parang kapag sila yung nakikita mong nasasaktan dahil sa'yo, mas masakit ang dulot nito sa'yo.


Niyakap niya rin ako't hinimas himas ang aking likod. "Sige, iiyak mo lang iyan,. Nandito lang ang kuya Marco. hindi kita iiwan." sabi niya. Hinigpitan

Ang bait talaga ni kuya Marco. Lagi siyang nandiyan para sa akin..Whenever I'm with him, I feel so secured. Yung feeling na alam mong walang mananakit sa'yo dahil ipagtatanggol ka niya,.


So naiinlove ka na sa kanya?


Mabait si Marco. Sweet.. Naiinlove? Hindi ko alam..Parang...Ata..Baka..Maybe?.


Naku!


Hindi ko alam.,basta ang alam ko, I feel peace when I'm with him.


Simbahan teh?


Che! Pero alam mo, thankful ako na lagi siyang nandiyan para sa akin. Kahit na alam niyang mahal ko pa rin si Van, hindi siya sumusuko. Kung pwede nga lang na siya na lang ang mahalin ko. Kung pwede ko nga lang burahin sa puso ko si Van.


Pwede naman eh! You just have to try. Ang problema kasi sa'yo, masyado mo siyang minahal, kaya ayan, nasasaktan ka at nahihirapang makalimutan siya,.


Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa matanggal sa puso ko yang abnormal na mokong na Van na yan eh. 


Kaya mo naman eh! Ayaw mo lang!


Gusto ko kaya!


Kung gusto mo, edi sana, nakalimutan mo na siya ngayon,. eh hello? ang tagal na kaya nyong wala! Napagiiwanan ka na ng panahon!


Bakit? HELLO?????? 16 pa lang po ako, napagiiwanan ka dyan!


My point is, it's time to move on teh!


Nasa ganoon akong argument with the voice on my head ng biglang magsalita si Marco. "Sino ba sa kanilang dalawa ang gusto mong una kong bugbugin?" tanong niya.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tumawa. Pinunasan ko ang mga luha ko. "Kuya talaga." sabi ko.

"Seryoso ako Av." Seryoso ang mukha niya. "Patay sakin yang dalawa na yan." sabi niya.

"Kuya,." hinawakan ko ang pisngi niya. "I appreciate your concern. Pero please..wag na." sabi ko sa kanya.

"Pero Av, nasaktan ka! Tingnan mo oh, nagkaroon ka ng injury dahil sa dalawang." sabi niya.

"I know kuya..Pero ako rin naman ang may kasalanan kung bakit nangyari sakin toh..besides, ayoko rin namang madamay ka pa. at masira ang pagkakaibigan niyo dahil sa akin." sabi ko.

"Oo, kaibigan ko sila. Pero kapag ikaw na pinag-usapan. Walang kaibigan kabigan.." sabi niya.

Ang sweet naman! Mahal na mahal ka talaga!


Niyakap ko siya. Pagkatapos ay humarap muli sa kanya. "Thank you kuya. Pero please. Wag na nating palakihin pa ang gulo. Okay?" sabi ko sabay ngiti.

Hinalikan niya ako sa noo. "Ikaw lang naman ang iniisip ko Av. Pero kung yan ang gusto mo. Sige. Pero next time na saktan ka nila o kahit sino man, magbabayad sila." sabi niya habang nakalapat ang mga palad niya sa pisngi ko.

Nginitian ko siya at tumango. Pinauwi na ako ng nurse dahil mas makakabuti daw sa akin ang magpahinga na lang. Wala naman kaming teacher sa next class ko kaya okay lang na umabsent ako. Besides, kung may teacher man, excuse naman ako kaya okay lang. Nagpasundo ako sa driver namin. Unusual nga eh, hindi naman kasi ako nagpapahatid or nagpapasundo sa driver namin. Kahit kasi pinipilit ako ng daddy na magpahatid sa driver namin, lagi kong sinasabi sa kanya na gusto ko ring matutong maging independent. Matutong mabuhay ng walang luho. Maging normal teenager. Anyway, pagdating ko sa bahay, si manang lang ang tao. Nasa work pa sina mommy at daddy. Agad akong Umakyat sa aking kwarto at natulog. Paggising ko, nakita ko si kuya Marco na nakaupo sa couch sa kwarto ko at nanonood ng tv. "Kuya Marco?" tanong ko habang kinukuskos ang mata ko.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko sa kama. "Sorry nagising ba kita?" sabi ni kuya Marco.

"Hindi naman.. anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Tinawagan ko kasi ang mommy mo para sabihin ang nangyari. .Ipininakiusap niya rin sa akin na samahan daw kita dito sa bahay niyo at bantayan ka,." sabi niya.

Naku! oo nga pala! hindi ko pa sinasabi sa kanila! Patay ako kay daddy pagdating mamaya. Papagalitan na naman ako ni daddy pag dating nun! Arggh.


"Salamat kuya ah." sabi ko na lang.

Nginitian niya ako. Biglang may kumatok sa pinto. "Pasok!" sabi ko.

"Av, may bisita ka sa baba." sabi ni Manang.

"Sino daw po manang?" tanong ko.

"Si Van at Ram daw." sabi niya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Kuya Marco. Nagtataka ako kung bakit sila nandito. "Sige po manang susunod na po ako sa baba." sabi ko. Naghilamos ako ng mukha at sabay kaming bumaba ni Kuya Marco. Naabutan naming nakaupo ang dalawa sa magkabilang dulo ng couch.

"Anong ginagawa niyo dito?!" ang galit na tanong ni Kuya Marco.

Lalapitan na sana sila ni kuya Marco pero hinarang ko ang kamay ko."Kuya. please." sabi ko. Nakapagpigil naman si kuya Marco sa nais niyang gawin. "Anong ginagawa niyo dito?" ang mahinahon kong tanong sa kanila.

"Nandito ako para mag-sorry sa nagawa ko. Hindi ko sinasadyang masaktan ka Av." sabi ni Ram. Nagmamakaawa ang mga mata niya.

"Ako rin Av. Hindi ko sinasadyang manggulo. Ayaw lang kasi kitang masaktan. Pero, nasaktan pa rin kita. Kaya sorry." sabi naman ni Van. Malungkot din ang mukha niya.

"Pero sinaktan niyo pa rin si Av!" sabi ni kuya Marco.

"Kaya nga nagsosorry eh,." sabi ni Van.

"Bakit? sa tingin niyo ba magiging okay na ang lahat after niyo magsorry?" sabi ni Marco,.

"Teka nga, bakit ba nakikielam ka ha? Si Av ang pinunta namin dito. Hindi ikaw! Sino ka ba sa akala mo ha?" tanong ni Ram.

Biglang natahimik si kuya Marco. Napahiya siya. Naawa ako sa kanya. Ipinagtatanggol lang naman niya ako. Tumawa si Ram. I have to do something.

"Will you please stop it!" sabi ko. "Wala kang karapatan para pagsalitaan ng ganyan si kuya Marco!".sabi ko.

"Bakit? Kaano-ano mo ba siya? eh kaibigan mo lang naman yan." sabi ni Ram.

"Siya?".lumapit ako kay kuya Marco at umakbay sa braso niya. "Siya ang boyfriend ko." sabi ko.

Boyfriend?!?!.




-----------------------
Until the next episode,
Av.

Read more...

The Letters 9

Wednesday, August 24, 2011

WRITER:Unbroken

Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/

Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay pawang conincidental lamang.



September 17 2009,

Mabilis lumipad ang mga buwan. Napabayaan ko na din ang journal ko dahil sa trabaho. September na at natapos na din ang bday ko. Naging medyo abala ako sa trabaho. May bagong pasok sa barkada namin nila Allyna na si Rovi. Nagstart si Rovi nang June. Naging masyado akong busy nung mga nakaraang mga buwan. Nakakafrustrate.

Wala pa din namang pinagbago. Ganoon pa din ang buhay ko. Bahay,trabaho konting gimik. Kahit papaano ay nabawasan na ang paggimik ko sa Malate na halos weekly dati. Di ko alam kung bakit pero masasabi ko na ang barkadahan namin sa office ay isa sa mga dahilan kung bakit ako nagiging mas matino. Syempre.kahit wala syang sinabi o pinagbawal sakin,si George pa rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagbabago. Gusto ko,kahit papaano ay makita nya ako bilang isang responsableng tao. Ayokong isipin nya na wasted ako. Tingin ko di nya yun magugustuhan.

George. Si George na naman. Lagi namang si George eh. Nangungulit pa din naman si Hubby sakin pero ayoko na talaga. Wala na akong maramdaman eh. Alangan namang pilitin ko. Always remember not to stay whenever you find yourself unhappy,and that's what I did. Masaya naman ako sa nagiging takbo ng buhay ko as of the moment,with my friends around and George,undefined,with me.

Gumising ako ng maaga para sa araw na ito. Excited akong makita ang mga workmates ko. Ewan ko ba,the moment I opened my eyes,positivity seemed to run deep in me. I feel so positive today. I just hope na maging okay lahat sa akin. I hope all is well.

After pressing the clothes I usually wear,naramdaman ko ang aking phone na nagvavibrate sa aking bulsa. I instantly picked it and was a bit surpised to see that George was actually calling me.

“Hello”

“Chris nasaan ka?” sagot nito sa kabilang linya.

“Nasa bahay bakit?”

“Bakit di ka sumabay samin papalabas ng building? Ha?”

“Ang tagal nyo eh. Inaantok na ako.”

“Baka naman may katagpo ka?” may halo ng sarkasmo sa kanyang tono.

Napahinto ako sa sinabi ni George. I sensed something. Is he getting jealous?

“Ha? Sino naman katagpo ko ha?”

“Aba! Ewan ko sayo!” pagalit nitong sabi.

“Ano problema George? Nahihilo ako kagabi at ang tagal nyo pang bumaba. Kaya nauna na ako. Sorry kung di man lang ako nakapagpaalam.”

Natahimik si George sa kabilang linya.

“Ganoon ba?” halata ang pagaalala sa boses nito.

“Kamusta na pakiramdam mo?” dagdag pa nito.

Napangiti ako sa inaasal nya. Kahit papaano ay concern sya sakin.

“Okay na ako. Antok lang siguro yun.” sagot ko.

“Good.”

“Yep.”

“Ingat ka. See you later sa work.”

“Bye.”

“Bye.”

The line got disconnected.

* * *

Nakangiti kong tinapos ang pagpaplantsa.

Oh George. Nakakainis ka paminsan-minsan. Ang sarcastic mo sa akin pero kahit na ganun ka,sa t'wing magkakasakit ako,kahit nagsusungit ka,alam kong nagwoworry ka. Alam ko at nararamdaman ko na concerned ka sakin.

Ano na nga ba tayo George? Ano ba ako sa'yo? Kasi alam ko sa sa sarili ko kung ano ka sakin eh. I know na mahal kita. I really do love you. I knew it. Eh ikaw? After all the sarcasm you've shown and somewhat the concern you've let me feel? Ano ba talaga ako sa'yo? Do you need to clarify this? Do I have to clarify this? Rather,do we have to clarify this?

Buntong-hininga.

Naiinitan ako. Dapat na kong maligo.

I took a shower. The bathroom was a bit spacious para sa isang kwarto. Okay naman at tiles ang sahig maging ang mga pader nito. May isang life-sized mirror din na nakadikit sa pader. Nakakatuwa kasi you would be able to see your own body while giving yourself a bath. It was just wonderful. Habang nagsasabon ako,di ko maiwasang mapatingin sa katawan ko sa salamin.

Medyo nanibago ako sa nakita ko.

Am I actually losing weight?

Kita ko na ang collar bone ko. Di to maganda. Bakit ako nangangayat? Kain naman ako ng kain ah. Ang weird ng katawan ko.

Why do I have rashes sa may chest ko?

Saan na naman ako naallergy? Ano ba to.

After having a quick shower, I got myself dressed. Typical office boy get-up. Had my hair fixed. Went down. Hailed a cab.

* * *

“Chris kain na tayo.”

“Sure.”

Bumaba tayo at kumain sa isa sa mga fastfood sa ibaba ng building. Same set-up,magkatapat tayo sa upuan. Kumakain ng mga paborito nating pagkain. Iba nga lang ngayon dahil nakakabingi ang katahimikan natin. Nakakapanibago lang. May mali ba?

“Chris.”

“Bakit George?”

“Wala na kami ni Joy.”

Nagitla ako sa narinig.

“Ahhh.” tangi kong nasabi.

I saw how you sighed. Malalim. I know that you're really having a tough time.

“I know you're in deep sadness. If you feel like talking about it sa grupo sabihin mo lang. Makikinig naman kami.” sabi ko.

I was a bit confused sa inasal ko. Bakit kailangan pang sa grupo nya iopen? Bakit di nalang sakin? Oo nga? Bakit sinuggest ko pa na sa grupo nya na iopen? Kung tutuusin chance ko na yun para makausap sya about that eh. I think I've wasted my chance. Ayoko na naman bawiin baka sabihin nya eh inconsistent ako sa mga sinasabi ko. Di naman siguro tama yun,isa pa may pride ako. Ano ba yan.

“Salamat Chris.”

“No worries.”

I gave you a reassuring look that I would always be here for you. You stared at me as if you wanted to say something. Nagtitigan tayo. I just realized how handsome you are. I don't know,you may not be the man some people think of as handsome but to my heart you carry the key.

“Chris.”

Napapitlag ako sa pagkagulat.

I saw you smiled upon seeing that look on my face. I tried to bring my composure back as fast as I could.

“Oh?”

“Salamat sa lahat.”

“Ha?”

“Thanks for always being there for me. Paano ba ako makakabawi?”

“Wala yun George. Kaibigan mo ko.”

Kaibigan? Naitanong ko sa sarili ko.

“Oo nga Chris. Salamat.”

I smiled. Natapos na nating kainin lahat ng orders at naisipan na nating umakyat sa building.

We waited for the lift. We got in at tayong dalawa lang ang tao. I kept my distance,mga ilang tambling din ang layo ko sa'yo.

“Chris?”

“Oh?”

“Bakit ang layo mo? Tara nga rito.” pagaya mo sakin.

Walang salisalita ay agad mo akong hinatak papalapit sayo. Tinago ko ang pamumula ng aking mukha. Nanahimik ako,bigla mo kong inakbayan. Nakakagulat.

“Bakit natahimik ka?” tanong mo sakin.

“Ha?”

“Nanahimik ka Chris. Haaay. Ayoko na magmahal. Lagi nalang akong nasasaktan.”

“Di mo naman kailangang masaktan. Nandito lang naman ako,ayaw mo lang sakin.” nagulat ako at nasabi ko yun sayo.

Tumingin ka sakin,trying to weigh kung nagsisinungaling ba ako or hindi. Hinigpitan mo ang akbay mo sakin. Lalong gumulo ang nararamdaman ko para sayo. Hindi ko alam kung naging masaya ka ba sa narinig mo or what? Di mo man lang iconfirm kung masaya ka sa akin o hindi. Ano ba talaga?

Lalo mong hinigpitan ang akbay mo sakin.

“Chris? Ano yung sinabi mo? Pakiulit?”

“Wala George. Wala.”

“Gusto mo ba ko Chris?”

“Ha?”

At bumukas ang elevator. Sinagip ako ng elevator sa kapahamakan. Nagmadali akong bumalik sa station ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, Nagpapawis ako pero di ko alam kung bakit,ngayon ko lang napagtanto na umamin na pala ako sa'yo. Narinig mo ito pero umarte ka at nagbingibingihan. Di ko na alam kung paano ako aarte sa twing magkasama tayo.

Nakaramdam ako ng pagkailang sa nangyari kanina. Dapat nga maging okay na ako dahil nasabi ko na rin sa'yo na gusto kita. Pero bakit ganun? Nahihiya na akong tumingin at makipagusap sayo? I saw you looking at me,natetense ako. Di ko alam kung bakit.

“Chris? Bakit ganyan ka? What's wrong?” tanong mo sakin.

“Ha? Wala naman George. Di lang maganda pakiramdam ko.” pagpapalusot ko.

“Chris. Di mo naman kailangang magpalusot eh. Narinig ko. Gusto ko lang marinig ulit.”

“Ha?” I said,natameme.

“Chris,let's talk after shift. Let's have coffee.”

“Ha? George kkaa..siii..”

“I won't take no for an answer.”

Then you turned away.

Wala akong choice kundi sumama mamaya. I don't know if this is what I really want. I wanted to blame my stupid mouth for admitting that I do like you. Di ko alam kung bakit,bahala na nga mamaya.


Till next time,
Chris.


Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP