Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay pawang conincidental lamang.
September 17 2009,
Mabilis lumipad ang mga buwan. Napabayaan ko na din ang journal ko dahil sa trabaho. September na at natapos na din ang bday ko. Naging medyo abala ako sa trabaho. May bagong pasok sa barkada namin nila Allyna na si Rovi. Nagstart si Rovi nang June. Naging masyado akong busy nung mga nakaraang mga buwan. Nakakafrustrate.
Wala pa din namang pinagbago. Ganoon pa din ang buhay ko. Bahay,trabaho konting gimik. Kahit papaano ay nabawasan na ang paggimik ko sa Malate na halos weekly dati. Di ko alam kung bakit pero masasabi ko na ang barkadahan namin sa office ay isa sa mga dahilan kung bakit ako nagiging mas matino. Syempre.kahit wala syang sinabi o pinagbawal sakin,si George pa rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagbabago. Gusto ko,kahit papaano ay makita nya ako bilang isang responsableng tao. Ayokong isipin nya na wasted ako. Tingin ko di nya yun magugustuhan.
George. Si George na naman. Lagi namang si George eh. Nangungulit pa din naman si Hubby sakin pero ayoko na talaga. Wala na akong maramdaman eh. Alangan namang pilitin ko. Always remember not to stay whenever you find yourself unhappy,and that's what I did. Masaya naman ako sa nagiging takbo ng buhay ko as of the moment,with my friends around and George,undefined,with me.
Gumising ako ng maaga para sa araw na ito. Excited akong makita ang mga workmates ko. Ewan ko ba,the moment I opened my eyes,positivity seemed to run deep in me. I feel so positive today. I just hope na maging okay lahat sa akin. I hope all is well.
After pressing the clothes I usually wear,naramdaman ko ang aking phone na nagvavibrate sa aking bulsa. I instantly picked it and was a bit surpised to see that George was actually calling me.
“Hello”
“Chris nasaan ka?” sagot nito sa kabilang linya.
“Nasa bahay bakit?”
“Bakit di ka sumabay samin papalabas ng building? Ha?”
“Ang tagal nyo eh. Inaantok na ako.”
“Baka naman may katagpo ka?” may halo ng sarkasmo sa kanyang tono.
Napahinto ako sa sinabi ni George. I sensed something. Is he getting jealous?
“Ha? Sino naman katagpo ko ha?”
“Aba! Ewan ko sayo!” pagalit nitong sabi.
“Ano problema George? Nahihilo ako kagabi at ang tagal nyo pang bumaba. Kaya nauna na ako. Sorry kung di man lang ako nakapagpaalam.”
Natahimik si George sa kabilang linya.
“Ganoon ba?” halata ang pagaalala sa boses nito.
“Kamusta na pakiramdam mo?” dagdag pa nito.
Napangiti ako sa inaasal nya. Kahit papaano ay concern sya sakin.
“Okay na ako. Antok lang siguro yun.” sagot ko.
“Good.”
“Yep.”
“Ingat ka. See you later sa work.”
“Bye.”
“Bye.”
The line got disconnected.
* * *
Nakangiti kong tinapos ang pagpaplantsa.
Oh George. Nakakainis ka paminsan-minsan. Ang sarcastic mo sa akin pero kahit na ganun ka,sa t'wing magkakasakit ako,kahit nagsusungit ka,alam kong nagwoworry ka. Alam ko at nararamdaman ko na concerned ka sakin.
Ano na nga ba tayo George? Ano ba ako sa'yo? Kasi alam ko sa sa sarili ko kung ano ka sakin eh. I know na mahal kita. I really do love you. I knew it. Eh ikaw? After all the sarcasm you've shown and somewhat the concern you've let me feel? Ano ba talaga ako sa'yo? Do you need to clarify this? Do I have to clarify this? Rather,do we have to clarify this?
Buntong-hininga.
Naiinitan ako. Dapat na kong maligo.
I took a shower. The bathroom was a bit spacious para sa isang kwarto. Okay naman at tiles ang sahig maging ang mga pader nito. May isang life-sized mirror din na nakadikit sa pader. Nakakatuwa kasi you would be able to see your own body while giving yourself a bath. It was just wonderful. Habang nagsasabon ako,di ko maiwasang mapatingin sa katawan ko sa salamin.
Medyo nanibago ako sa nakita ko.
Am I actually losing weight?
Kita ko na ang collar bone ko. Di to maganda. Bakit ako nangangayat? Kain naman ako ng kain ah. Ang weird ng katawan ko.
Why do I have rashes sa may chest ko?
Saan na naman ako naallergy? Ano ba to.
After having a quick shower, I got myself dressed. Typical office boy get-up. Had my hair fixed. Went down. Hailed a cab.
* * *
“Chris kain na tayo.”
“Sure.”
Bumaba tayo at kumain sa isa sa mga fastfood sa ibaba ng building. Same set-up,magkatapat tayo sa upuan. Kumakain ng mga paborito nating pagkain. Iba nga lang ngayon dahil nakakabingi ang katahimikan natin. Nakakapanibago lang. May mali ba?
“Chris.”
“Bakit George?”
“Wala na kami ni Joy.”
Nagitla ako sa narinig.
“Ahhh.” tangi kong nasabi.
I saw how you sighed. Malalim. I know that you're really having a tough time.
“I know you're in deep sadness. If you feel like talking about it sa grupo sabihin mo lang. Makikinig naman kami.” sabi ko.
I was a bit confused sa inasal ko. Bakit kailangan pang sa grupo nya iopen? Bakit di nalang sakin? Oo nga? Bakit sinuggest ko pa na sa grupo nya na iopen? Kung tutuusin chance ko na yun para makausap sya about that eh. I think I've wasted my chance. Ayoko na naman bawiin baka sabihin nya eh inconsistent ako sa mga sinasabi ko. Di naman siguro tama yun,isa pa may pride ako. Ano ba yan.
“Salamat Chris.”
“No worries.”
I gave you a reassuring look that I would always be here for you. You stared at me as if you wanted to say something. Nagtitigan tayo. I just realized how handsome you are. I don't know,you may not be the man some people think of as handsome but to my heart you carry the key.
“Chris.”
Napapitlag ako sa pagkagulat.
I saw you smiled upon seeing that look on my face. I tried to bring my composure back as fast as I could.
“Oh?”
“Salamat sa lahat.”
“Ha?”
“Thanks for always being there for me. Paano ba ako makakabawi?”
“Wala yun George. Kaibigan mo ko.”
Kaibigan? Naitanong ko sa sarili ko.
“Oo nga Chris. Salamat.”
I smiled. Natapos na nating kainin lahat ng orders at naisipan na nating umakyat sa building.
We waited for the lift. We got in at tayong dalawa lang ang tao. I kept my distance,mga ilang tambling din ang layo ko sa'yo.
“Chris?”
“Oh?”
“Bakit ang layo mo? Tara nga rito.” pagaya mo sakin.
Walang salisalita ay agad mo akong hinatak papalapit sayo. Tinago ko ang pamumula ng aking mukha. Nanahimik ako,bigla mo kong inakbayan. Nakakagulat.
“Bakit natahimik ka?” tanong mo sakin.
“Ha?”
“Nanahimik ka Chris. Haaay. Ayoko na magmahal. Lagi nalang akong nasasaktan.”
“Di mo naman kailangang masaktan. Nandito lang naman ako,ayaw mo lang sakin.” nagulat ako at nasabi ko yun sayo.
Tumingin ka sakin,trying to weigh kung nagsisinungaling ba ako or hindi. Hinigpitan mo ang akbay mo sakin. Lalong gumulo ang nararamdaman ko para sayo. Hindi ko alam kung naging masaya ka ba sa narinig mo or what? Di mo man lang iconfirm kung masaya ka sa akin o hindi. Ano ba talaga?
Lalo mong hinigpitan ang akbay mo sakin.
“Chris? Ano yung sinabi mo? Pakiulit?”
“Wala George. Wala.”
“Gusto mo ba ko Chris?”
“Ha?”
At bumukas ang elevator. Sinagip ako ng elevator sa kapahamakan. Nagmadali akong bumalik sa station ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, Nagpapawis ako pero di ko alam kung bakit,ngayon ko lang napagtanto na umamin na pala ako sa'yo. Narinig mo ito pero umarte ka at nagbingibingihan. Di ko na alam kung paano ako aarte sa twing magkasama tayo.
Nakaramdam ako ng pagkailang sa nangyari kanina. Dapat nga maging okay na ako dahil nasabi ko na rin sa'yo na gusto kita. Pero bakit ganun? Nahihiya na akong tumingin at makipagusap sayo? I saw you looking at me,natetense ako. Di ko alam kung bakit.
“Chris? Bakit ganyan ka? What's wrong?” tanong mo sakin.
“Ha? Wala naman George. Di lang maganda pakiramdam ko.” pagpapalusot ko.
“Chris. Di mo naman kailangang magpalusot eh. Narinig ko. Gusto ko lang marinig ulit.”
“Ha?” I said,natameme.
“Chris,let's talk after shift. Let's have coffee.”
“Ha? George kkaa..siii..”
“I won't take no for an answer.”
Then you turned away.
Wala akong choice kundi sumama mamaya. I don't know if this is what I really want. I wanted to blame my stupid mouth for admitting that I do like you. Di ko alam kung bakit,bahala na nga mamaya.
Author's note: Again, maraming salamat po sa mga comments niu :) particularly to the following:
Jayfinpa
Darkboy13
MArc
wastedpup
Jack
and all the Anonymous lol
also, I would like to thank kenken ko :)
sana po subaybayan nio until the end hehe. eto na po ang episode 7! enjoy reading!
Episode 7 - Will You Be Mine?
--------------------------------
Kinabukasan, ginawa ko ulit ang everyday routine ko. Gigising, kakain, maliligo, magbibihis, tapos, papasok na. Pumasok na ulit kaming magkakaibigan pero hindi bumuka ang bibig ko at nagsambit ng kahit isang salita. Ewan ko pero, nafeel ko lang manahimik,. Napansin ito ni Marco. habang naglalakad papasok ng campus----
"Av, okay ka lang ba?" tanong niya.
Tumango lang ako sa kanya at binigyan siya ng isang pilit na ngiti. Habang naglalakad kami sa campus, nakatingin sa akin ang lahat ng tao. Ang iba'y nakangiti sa akin. Yung iba naman, talagang head-to-toe ang ginawa.
Tusukin ko mga mata niyang mga echoserang palaka na yan eh.
Hayaan mo na sila. Mga walang magawa sa buhay yang mga yan.
Tomo.
At dahil sa insidenteng nangyari kahapon, ako na ang naging headline sa Chismis bulletin sa school.
Taray teh! sikat! Bongga!
Sari-saring chismis ang nasasagap at naririnig ko. Iba-ibang headline pa. Meron nga eh, "A preggy tortured by a faggy". O diba? San ka pa?
At ikaw pa daw talaga ang nang-torture huh?
I know right?!
Pero meron din namang positive, like. "Av is for the people" Grabe noh? parang campaign motto lang hahah.
Tatakbong presidente?
Pwede rin.
Hindi ko naman siniryoso ang mga issue na mga yan. Hindi ko na lang pinansin. Basta ang alam ko, tama lang ang ginawa ko. Hindi naman ako nagsisisi sa ginawa ko. Siyempre kailangan ko rin namang ipagtanggol ang sarili ko diba?
Tama. Wala namang mali sa sinabi mo eh. Lahat naman ng sinabi mo totoo. Kaya hindi ikaw ang masama.
Naglalakad kami papunta sa klase namin. Ihahatid raw ako ni kuya Marco. Pumayag naman ako. Sa hallway---
"Gusto mo ba bugbugin ko yung mga chismosong mga yan?" tanong ni kuya Marco. Tumawa lang ako. "O, bakit ka tumatawa? Seryoso ako,.ano?" sabi niya.
"Wow! Bakit si Superman ka ba? lakas ng tama mo kuya ha." sabi ni Macky sabay tawa.
"More like..Knight in shining armor! Bongga!" sabi naman ni Coleen.
"Tumigil nga kayong dalawa!" sabi ko sa kanila na medyo natatawa.."Kuya Marco.." huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya..."Ayos lang ako.Hayaan mo na lang yang mga tao na yan, mga abnormal yang mga yan. Wag na lang natin patulan. Baka mapatungan pa ng ibang issue kapag pinatulan pa natin eh..okay lang ba?" sabi ko.
"Ikaw lang kasi Av ang iniisip ko.." sabi niya ng malungkot ang mukha niya. "Ayokong nahihirapan ka..ayokong nasasaktan ka.." hinawakan niya ang magkabila kong balikat..
"Ang cheesy!" sabi ni Coleen.
"Ang corny!" sabi ni Macky.
Natouch naman ako sa sinabi niya. Ang thoughtful talaga nitong mokong na toh..hindi talaga mahirap mahalin..
Hindi pala mahirap mahalin eh, bakit hindi na lang siya mahalin mo?
Ewan ko..basta.. Hindi kami ang para sa isa't isa.
Bakit mo naman nasabi yun?
Hindi ko alam..basta!
"Kuya Marco, thank you pero, okay lang po talaga ako..wag mo na kong intindihin.okay?" sabi ko sa kanya.
"Sigurado ka?" tanong niya.
Tumango lang ako. Nagulat ako ng hinalikan niya ako sa noo. Bigla ko na naman tuloy naalala si Van. Si Van lang kasi ang gumagawa sa akin noon. Kaya nabigla ako ng gawin niya iyon sa akin.
"B-bakit mo ko hinalikan sa noo?" tanong ko sa kanya.
"Hmm..di ba ang mga matatanda, hinahalikan sa noo ang mga bata..tanda ng pagmamahal,. ayoko namang halikan ka sa pisngi o sa labi..parang hindi naman ata tama yun since hindi pa naman tayo..pero darating din tayo diyan." at kinindatan niya ako't nagpakawala ng isang pilyong ngiti.
Tinulak ko ang noo niya. "Ummmm! Ambisyoso!" sabi ko at tumawa.
"Ayyy." mukhang nadisappoint siya sa narinig.. "so ibig sabihin...wala akong pag-asa sayo?" tumingin siya sa akin ng may malungkot na mukha,.
"Bakit sumusuko ka na ba?" tanong ko.
"Hindi! hindi ako susuko sa'yo.gagawin ko ang lahat, sagutin mo lang ako." parang pursigidong pursigido siya.
Mukhang malakas ang tama sa'yo nitong isa na to ah.
Nginitian ko lang siya. "Sige kuya, punta ka na sa class mo, baka malate ka pa. Papasok na rin kami."
"Sige." hinaklikan niya ako ulit sa noo at niyakap. Aaminin ko, iba ang naramdaman ko. Kaparehas ng naramdaman ko nung niyakap ako ni Van noon."See you at lunch!" at umalis na siya.
Bakit kaya ganun ang naramdaman ko?
Mukang nahuhulog ka na sa kanya ah.
hayy.ewan ko.ang gulo!
"Ang sweet huh!" sabi ni Coleen. "Ayiiiee! kinikilig siya!" at tinutusok tusok niya ang tagiliran ko.
"Tigilan mo nga ako!" sabi ko.
"Tigilan niyo na nga yan! Pumasok na tayo baka malate pa tayo, masermonan pa tayo." sabi ni Macky.
Pumasok na kami sa auditorium para sa acting class namin..Nagtaka ako dahil walang ilaw na nakabukas na auditorium. Ngunit nagulat ako ng biglang bumukas ang spotlight at itinutok sa akin. Nasilaw ako sa sobrang liwanag ng ilaw kaya nakaharang ang aking kamay sa bandang itaas ng aking mga mata.
"Ano to?" tanong ko. Pero paglingon ko, wala na sila Macky at Coleen sa harap ko. Lumingon akong muli sa harap ko. Biglang bumukas ang isa pang spotlight sa stage at nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa isang stool, at may hawak hawak na gitara at may nakatutok na mic. Nagulat ako ng maaninag ko kung sino ang lalaking nandoon. "Ram." ang nasambit ko. Nagsimula na siyang kumanta.
Kung ako ang may-ari ng mundo,
Ibibigay ang lahat ng gusto mo,
Araw-araw pasisikatin ang araw,
Buwan-buwan pabibilugin ko ang buwan
Para sa'yo, para sa'yo
CHORUS:
Susungkitin mga bituin, para lang makahiling,
Na sana'y maging akin,
Puso mo at damdamin,
Kung pwede lang, kung kaya lang,
Kung akin ang mundo,
Ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo...
Kung ako ang hari ng puso
Lagi kitang pababantay kay kupido,
Hindi na luluha ang 'yong mga mata,
Mananatiling may ngiti sa 'yong labi,
Para sa'yo, para sa'yo,
REPEAT CHORUS
Grabe ang ganda ng boses niya,.nakakainlove talaga!Grabe kinikilig talaga ako. Habang kumakanta siya, isa isang lumapit sa akin ang mga classmates ko na may dalang tigi-tigisang rose. Grabe para akong naiiyak sa sobrang kasweetan. Kilig to the max!
Bongga teh! grabe di ko makeri!
Lumapit na sa akin sina Macky at Coleen ng nakangiti. Hinila nila ako papuntang stage. "Oi! Anung gagawin niyo?!" sabi ko.
"Sumama ka na! akyat na sa stage dali!" sabi ni Coleen. Kinikilig din tong abnormal na kaibigan ko na to.
Eh sino bang hindi kikiligin?
Well may point ka jan.
Umakyat din naman ako sa stage.
Pakipot pa kasi eh! dali lapitan mo na!
Nilapitan ko siya at nagsimulang magtiliian ang mga kaklase ko. Feeling ko nagbblush ako ng bonggang bongga, parang nag-iinit kasi ang buong mukha ko eh. Kasalukuyan pa rin siyang kumakanta, nakatingin sa akin at nakangiti habang kumakanta. Sibayan na ng mga classmates ko ang pagkanta niya na mas nagdagdag ng kilig aura sa buong auditorium.
Grabe nakakakilig talaga! Kanina si Papa Marco, ngayon si Papa Ram naman!! Bongga!
Ng matapos ang kanta niya, nagtiliiang muli ang mga kaklase ko. Grabe hindi ko alam ang gagawin ko. hindi ko alam kung paano ako magrereact. Pano nga ba?
Edi kiligin ka! Yun lang ang magiging reaction mo!
Lumuhod siya sa harap ko. Bigla siyang may kinuha sa likod niya. Isang red rose na may kasamang note.
WILL YOU BE MINE??
Hindi ko alam ang isasagot ko. nagsalita siya at kinuha ang kaliwang kamay ko. "Av, will you be mine?" tanong niya. Nagtiliiang muli ang mga kaklase ko. Lahat sila, nagsisigawan ng "YES NA DALI!".
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hoy boses pano ba to? Nakakablanko ng utak!