Pag-ibig ng Walang Muwang

Sunday, July 17, 2011

Nakakailang storya na ba akong nilalathala sa blog na’to pero hindi ko pa nakukwento ang sarili kong kwento. Sa tingin ko kasi ay walang excitement ang sarili kong kwento, walang kilig, walang drama, walang kung anumang mga twists. Sobrang plain, sobrang simple at nuknukan ng babaw kaya malamang na walang magka-interes na basahin.

I believe that majority of you knows that I’m happily committed, yet hindi ko pa nagagawang magladlad ng sarili kong kapa. Yeah, at some point ang bahid dungis ko ay nakikita but nasa denial stage pa din ako sa mga nakakapansin. I am afraid to go out my shell and be proud and loud, kung sana ang sitwasyon ko ay kasing dali tulad ng sa mga naisusulat ko malamang matagal na akong out. I do fear the unknown, sobrang pressured para sa mga expectations, laging na-kukumpara sa mga ate kong high achievers (ikaw ba naman kasi ang magkaruon ng kapatid na accelerated, consistent honor students at mga summa cum laude).

Sa kung saan pa man, bakit ko ba naisipang isulat ngayon ang walang excitement kong kwento? Ang sagot ay dahil kahapon, July 16, 2011 ay namatay na ang unang taong nagbigay sa akin ng kahulugan sa salitang pag-ibig. Siya din ang ikalawang namatay sa mga dumaan sa buhay kong minahal ko.


Ito ang kwento namin ni Ryan –
“Class, pasabihan sila nanay na sa lunes ay sa labas na lang sila ng school maghintay.” sabi ni Ma’am Reyes ang aking teacher nuong Grade 1. Biyernes na at huling araw sa unang linggo nang pasukan kaya naman ipinagbabawal na ang pagpasok ng mga magulang sa loob ng eskwelahan.
“Opo!” koro naman naming tugon na animo mga mababait na bata.
“Excuse me Ma’am!” tawag ng isang mama sa aming gurong si Ma’am Reyes.
“Bakit po?” tugon ni Ma’am.
“Bakit po nasa section C si Ryan?” tanong ng lalaki sa aming teacher. “Ang sabi po ni Ma’am Lita ay sa pilot po isasama ang anak ko.” reklamo pa nito.
“Ano po ang pangalan Sir?” tanong ni Ma’am Reyes.
“Ryan!” tugon ng lalaki. “Ryan Cris Mendoza.” pagbubuo nito sa pangalan.
Sandaling bumalik ang aming guro sa kanyang lamesa at tila may hinahanap na pangalan sa master list ng aming section. Pagkatapos tingnan ay muli nitong binalikan ang lalaki sa pintuan –
“Isiningit nga ni Ma’am de Guzman ang pangalan niya sa master list ng I-A.” sagot ni Ma’am Reyes. “Sige na Ryan, humanap ka na ng upuan.”
Mula sa may gilid ng pintuan ay pumasok sa loob ang isang batang lalaki na chinito, Moreno at maayos at malinis tingnan. Ibang-iba sa ayos at bikas ko na maputi, almond shape ang mga mata, may katabaan (tatlo kasi ang lahing nasa ugat ko, half Filipino, fourth Chinese at fourth Spanish) at marungis at nanggigitata sa pawis. Hindi ko na alam kung ano pa ang napag-usapan ni Ma’am at ng tatay ni Ryan dahil napako na ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko alam ngunit sa pakiramdam ko ay may kung anung magneto ang kagwapuhan ni Ryan kaya naman nahuhumaling akong titigan siya, may kung ano din sa damdamin kong nagwawala ngunit hindi ko maintindihan. Bumilis ang tibok ng puso ko na nuong mga oras na iyon ay hindi ko pa alam ang ibig sabihin, walang malisya, walang kung anung kahulugan, basta nakakawili lang siyang titigan. Isa lang ang sigurado ko, nakaramdam na ako ng hiya ng lingunin niya ako at mahuling nakatingin sa kanya. Tanda ko pa, agad kong binawi ang titig ko sa kanya kahit na nga ba hindi ako sigurado kung sa akin siya nakatingin at kahit lahat kaming magkakaklase ay sa kanya nakatingin.
“Duon ka na lang umupo sa tapat ni Emilio!” kasunod na narinig ko kay Ma’am Reyes.
Kilala na ako ni Ma’am Reyes dahil dapat talaga ay nuong nakaraang taon pa ako Grade 1 dahil pasado at perfect ko ang tila entrance exam nang paaralan kong pinapasukan (Tanda ko pa, kasi naging usapan ako sa buong angkan namin kaya nag-eecho at paulit-ulit). Ngunit dahil sa 5-year old ako at hindi ako pasado sa age qualification na 7-year old, pinag-kinder na lang muna ako.
Nakayuko ako at hindi makatingin habang papalapit si Ryan sa akin. Hindi ko alam kung ngumiti ba siya sa akin o kung kinamusta ba at nagpakilala. Ang alam ko lang, nakakakabog ng dibdib ang presensya niya, nakakabagabag at nakakaloko.
Nagpatuloy ang klase, at nandito na, Math ang unang subject, oras na para mag-solve at magsulat (astig di ba! First week pa lang Addition agad ang tinira namin. Memorable sa akin ito kasi dito ko nalamang magaling sa Math si Ryan.) Ang siste kasi sa classroom nuong panahon ko ay mga long table lang at mga upuan ang nakaikot sa table, dahil nga katapat ko si Ryan, obvious na magkaharap kaming magsasagot.
Kamote ako sa Math, aminado ako dahil nakakatamad at wala akong tyaga sa pag-cocompute. Ang five items na seatwork ay madaling natapos ni Ryan, number three pa lang ang sinasagutan ko eh tapos na siya. Bumibilang pa ako sa kamay nuon at gumagawa ng stick para makapag-solve pero siya, walang kadumi-dumi ang papel. Siguro, naiilang din ako sa kanya kaya naging mabagal akong magsagot.
“Hindi ka pa tapos?” tanong ni Ryan sa akin. Naaalala ko pa kung gaano kaamo ang mukha niya nang itanong niya sa akin ito, ang matipid na ngiting mayroon siya na lalong nagpasingkit sa mga mata niya, ang labi niyang sa unang pagkakataon ay nakita ko.
Iling lang ang tugon ko, dahil mas pinagtuunan ko ng pansin ang magsagot kaysa sa lumandi, dahil nag-iikot si Ma’am Reyes.
Natapos ang klase, umuwi ako ng bahay at muling bumalik ng eskwelahan dahil maghapon ang klase. Dahil nga sa bagong pasukan ay wala akong kakilala o kaibigan man lang. Hindi din kasi ako ang tipong social animal dahil mahiyain ako at mababa ang confidence sa sarili. Ang gusto ko, ako ang unang nilalapitan dahil ayoko sa rejection na baka ma-out of place ako. That time, I’m contented with my neighborhood friends, and isa akong soloista na mas gustong nag-iisa.
Nakita ko si Ryan, mag-isa at sa pakiwari ko ay may sarili ding mundo na kagaya ko. Nasa sulok at nakatingin sa iba habang naglalaro.
“Emilio crush ka daw ni Eloisa!” bati sa akin ng isa kong kaklase sabay turo sa papalapit namang si Eloisa.
“Akala ko ba secret lang natin iyon?” inis na sabi ni Eloisa sa mga kaibigan niya. Malinaw pa sa utak ko ang pagkapahiya sa mukha ni Eloisa. “Huwag kang maniwala sa kanila!” sabi pa sa akin ni Eloisa saka tumakbo palayo.
Iyon ang panahon na napaisip ako sa salitang crush, unang beses ko kasing narinig. Inosente kasi ako kaya hindi ko alam ang kahulugan nuon, pero sigurado ako, Eloisa acted so weird that time kaya naging curious ako about that word. “Ano iyong crush?” tanong ko sa sarili ko at kailangan masagot ako kung ano ibig sabihin nun. Luminga-linga ako para humanap ng mapagtatanungan at nakita kong lahat ng mga kaklase ko ay naglalaro habang hinihintay na dumating si Ma’am Reyes.
“I-A pasok na kayo sa room!” sabi ng pinsan kong Grade V na that time. Katabi lang kasi namin ng room ang V-A kaya sila na din ang naging bantay ng section namin pag-nalalate si Ma’am Reyes.
Tila walang naririnig ang mga kaklase ko kaya tuloy lang sila sa paglalaro.
“Bahala kayo, lalabasin kayo ni Ma’am Almirante!” pananakot pa ni pinsan na running for Valedictorian sa batch nila (kitam, malaki ang pressure sa akin para mag-excel).
Kahit limang araw pa lang kami ay nakikita naman namin si Ma’am Almirante at itsura pa lang nito ay nakakatakot na. Mestisa, matanda, mataray, mataas ang kilay, at kahit ngumiti ay katatakutan mo pa din.
Dala ng takot ay mabilis na tumakbo papasok sa room ang mga kaklase ko, para silang mga langgam na ginulo.
Sa loob ay patuloy pa din akong ginugulo ng salitang crush. Kaya naman sa kati ng dila ko –
“Ano iyong crush?” tanong ko kay Ryan na sa unang pagkakataon ay kinausap ko.
“Crush?” tanong din na tugon ni Ryan. “Mahal mo na pag crush mo.” sagot ni Ryan. (Ito kasi ang alam naming kahulugan ng crush, iyong mga inosente at walang muwang. Hahahaha! Grade two ko na nalaman na ang crush pala ay paghanga)
“Nagka-crush ka na ba?” tanong ko. Hindi ko sigurado kung curiosity o follow-up question lang ito sa tanong ko o interesado lang talaga akong malaman, matagal na kasing panahon kaya mahirap nang alalahanin ang real and actual emotions.
“Wala pa!” sagot ni Ryan. (Sa ordinaryong nobela na katha ng isip malamang isang makahulugang ngiti o kaya naman ay oo ang sagot ni Ryan saka pipilitin ni Emilio si Ryan para sabihin)
Ito ang una naming usapan at dito nagsimula ang aming pagkakaibigan.
Matagal-tagal na din kaming magkaibigan ni Ryan at lagi din kaming magkasama. Sa tuwing maglilinis ng room pag-uwian ay harutan kami ng harutan. Habulan sa ibabaw ng table o kaya naman ay nag-iikutan kami sa table ni Ma’am. Lagi kasi kaming nagpapaiwan para maglinis, matagal pa kasing naghihintay ang service ko para sa uwian ng Grade VI kaya may oras pa kaming maglinis at makipaglaro madalas ay kasama namin ang anak ni Ma’am Reyes na naging kaibigan na din namin. (Naman! Dagdag sipsip points kaya to. Hahaha)
Sa tuwing tanghali naman ay lagi din kaming magkasama at maagang pumapasok. Natatandaan ko pa nga na 11:30 ang uwian ng Grade VI kaya 11:45 na akong makakauwi, tapos kakain saglit saka susunduin ng service ng 12:00 at nasa school na ako ng 12:15 and maghihintay ng 45minutes para sa 1 o’clock na klase. Lagi siyang nauuna sa aking pumasok sa tanghali, bakit nga hindi, may grocery store sila na hundred steps lang mula sa eskwelahan namin. (Iyon kasi ang sinabi niya sa akin nuong una niya akong ayain sa grocery nila. Tama nga naman, dahil binilang namin mula gate at 100 big steps nga talaga.)
Iiwanan namin ang gamit namin sa room saka kami pupunta sa grocey store nila, walang malisya kaming naglalakad na magka-holding hands at pa-sway-sway pa. Nabigyan ko lang ng malisya iyon nuong nasa high school na ako. Maganda naman ang pakikitungo sa akin ng mga magulang ni Ryan, lalo na ang tatay niya dahil naging adviser niya ang nanay ko nuong highschool. (Just this year, napagtanto kong 1/3 ng mga nakatira sa bayan ko ay kilala si nanay. Biro ko nga kay nanay na pag tumakbo siyang konsehal, hindi na kailangang mangampanya dahil tiyak na ang panalo.)
Pagbalik namin ng room ay lagi kaming may bitbit na yakult. Kahit na tig-isa kami ay nagsha-share kami at bubuksan lang ang isa pag ubos na ang isa. Bumibili ng cotton candy sa labas saka namin kakainin pagpasok. Pag-uwian naman sa hapon ay mangga ang titirahin namin pagkalabas ng school, at laging siya ang taga-lagay ko ng bagoong na umaapaw at lalagyan pa ng asin sa ibabaw. (Imagine the taste!)
Umabot din kami sa multiplication at akong si tamad mag-compute ay nagsimula nang magloko at bumagsak sa mga seatworks. Hindi pa iyan, mas nakakaloko ang division na nagpapasakit sa kamay ko. Laging and’yan si Ryan, laging bukas ang papel niya para sa akin. Madalas ding magkaroon ng mga meetings ang mga teachers kaya naman napakahahabang seatwork ang ipapagawa sa amin at walang bantay. Kahit hindi namin subject ang Math ay magbibigay ng addition at subtraction problems na may four digits at multiplication at division na two digits, minsan sasamahan pa ng problem solving. Sa ganitong panahon, hindi ipinagdadamot ni Ryan ang sagot niya sa akin, pero sa iba, ayaw niyang ipakopya.
“Di ka pa rin tapos?” tanong ni Ryan.
“Ang hirap kasi!” sagot ko saka bitaw sa lapis at bilang sa kamay.
“Kopya ka na lang.” alok niya sa akin.
“Ayoko!” tanggi ko na lagi ko namang ginagawa.
Kinuha niya ang papel ko at ang lapis saka siya nagsulat ng sagot.
“Akin na yan!” tutol ko saka kinuha ang lapis ang papel. “Magagalit si Ma’am!” dagdag ko pa.
“Wala naman si Ma’am!” sagot nito.
“Kahit na! Sabi ni nanay huwag akong kokopya!” sagot ko.
“Baka mawala ka sa section A!” sagot niya. Hindi ko na maalala kung may pag-aalala ba sa mukha niya, pero ang sigurado ako, nahiya akong bigla sa mga mata niya.
Nakaramdam ako nuon ng takot nang sabihin niyang mawawala ako sa pilot. Iyon kasi ang isang bagay na ayokong mangyari. Kilala sa eskwelahan ko ang mga ate ko at lahat ay First Honorable Mention nuong makatapos sila, sunud-sunod na taon. Consistent pilot sections sila at madalas ilabas ng eskwelahan para ilaban sa mga contest. Bata pa lang ako, may pressure nang matularan ko sila at ayaw kong masabihang hindi ako katulad nila.
“Fast reader kaya ako!” pagmamalaki ko na totoo naman talaga dahil nuong nakaraang nag-pabasa ay pumangalawa ako sa may pinakamabilis na bumasa at may comprehension sa English at nanguna sa Filipino.
“Lagi namang bagsak sa Math!” kontra ni Ryan.
“Pero hindi pa din ako mawawala sa A!” sagot ko saka muling nagsagot. (Last 2008 nang maglinis ako ng gamit ay nakita ko pa ang actual na papel na sinasabi ko, kaya naalala ko pa itong scene na’to. May nakita din akong mga papel niya sa GMRC at take note hindi pa burado ang mga nakasulat medyo malabo nga lang ang pencil lead.)
Madalas ding absent sa hapon si Ma’am Reyes kaya naman ang I-A ay hahatiin para i-distribute sa ibang section. Siyempre alphabetical ang ayos kaya naman si ako na delos Reyes at si Ryan na Mendoza ay napakalayo ng agwat. Sa section D ako laging inilalagay ay si Ryan ay sa section H. Sa section D ko nakilala si Efren, (at may love triangle na agad! Hahaha!) kapitbahay pala namin ang kumag and during my high school days, nalaman kong half-brother ko pala ang kuya niya (rumor lang pala! Come to think, mga kapatid na ni tatay ko ang nagsasabi sa amin ng mga ate kong kapatid nga namin, do you think rumor pa din ba?)
Mahilig mamikon si Efren at laging ako ang sentro ng pang-iinis niya at pang-aalaska kapag nasa section D ako. Lagi kasing sa kanya ako natatabi dahil absenera iyong seatmate niya. Maputi si Efren, singkit din at gwapo kung gwapo (last month nang mapadaan ako sa kanila nakita ko siya at halos hindi nag-iba itsura niya, patay na nga din pala si rumor half-brother ko).
Nang minsang absent si Ma’am Reyes na sa pagkakaalala ko ito na iyong huling beses na nalipat ako sa section D dahil malapit na din ang bakasyon –
“Emilio baboy!” pang-iinis ni Efren.
Siyempre dahil nagtuturo si Ma’am Rubiano nuon at bilang I-A dapat maging ehemplo kami sa pag-aaral kahit hindi naman sa totoong buhay ay nakikinig lang ako kay Ma’am at hindi siya pinapansin.
“Hoy baboy!” sabi pa ni Efren saka sinundot ang likod ko.
Siyempre no reaction pa din ako, dahil nga sa sanay na akong iniinis ni Efren at hindi naman ako masyadong pikon ay ayos lang sa akin.
“Efren! Huwag kang maingay!” sita ni Ma’am Rubiano habang nasa gitna ng klase.
“Bleh!” at dinilaan ko na lang si Efren dahil napagalitan na ito.
Recess, tulad ng mga nakakagawian ni Ryan sa tuwing magkaibang section kami napapadpad, dala nito ang lunch box at hinihintay ako sa tapat ng room samantalang ako ay may 10 piso sa bulsa para bumili ng lugaw na may straw at juice na dos pesos. Sa ilalim ng puno ng mangga kami kumakain ng magkasabay at lagi niya akong hinahatian sa baon niya. Dahil sandali lang ang recess na 15minutes ay babalik kami ulit sa room.
Naabutan namin ni Ryan si Efren kasama ang barkada niya na nasa harap ng pintuan at masama ang titig sa akin.
“Sige Ryan!” paalam ko sa kanya.
“Sumbong mo sa akin pag ininis ka ulit!” paalala naman ni Ryan sa akin bago umalis.
“Hoy!” harang sa akin ni Efren pagpasok ko ng pinto.
Kinabahan ako ng oras na iyon dahil sa buong buhay ko, ayokong mapatawag ang magulang dahil nakipag-away o nakipagbabag ako. May inaalagaang imahe kasi si ako na dapat ingatan at protektahan. Sa batang edad kong iyon ay ang nasa isip ko, ang imaheng iniingatan ng pamilya ko. Pakiramdam ko ay aawayin na talaga ako ni Efren, susuntukin at babangasan.
“Hoy Efren!” sabi ulit ni Ma’m Rubiano na sakto namang kasunod ko.
Nakahinga ako ng maluwag dahil andun na si Ma’am Rubiano at pakiramdam ko ay panatag ako at ligtas.
“Lampa!” pang-iinis ulit ni Efren.
“Who wants to read the direction?” tanong ni Ma’am Rubiano.
Tulad nang nakakaraang lipat ko dun, lahat nang galing sa I-A ay nagtaas nang kamay kasama ako at dadalawa lang sa Section D (ang isa sa dalawang iyon ay naging classmate ko nuong grade 2 hanggang grade six at batch salutatorian namin, partner ko sa mga singing contest at intermission number at naging GF ko.)
“Emilio!” tawag sa akin ni Ma’am Rubiano.
“Encircle the object that does not belong to the group.” diretso kong basa na sa kung tutuusin ay napaka-simple na nito para sa akin.
“Kala mo kung sinong matalino!” pang-iinis ni Efren pagkaupo ko.
“Lampa! Pakopyahin mo ako!” pamimilit sa akin ni Efren habang nagsasagot kami ng seatwork.
Ayos lang naman sa akin na magpakopya dahil lagi ko namang pinapakopya is Efren, pero hindi ko alam kung bakit ako tumalikod sa kanya at inilayo ko ang papel ko.
“Wuhahahahahaha!” malakas kong iyak na kumuha ng atensyon kay Ma’am Rubiano na may kausap na teacher sa labas. “Isusumbong kita sa tito kong pulis! Ipapapulis kita!” umiiyak ko pang banta, palibhasa pulis ang isa kong tito at Air Force ang isa pa at ang lolo kong pumanaw ay nagsilbi sa konseho at sa bayan kaya may yabang ako sa ganung bagay.
“Bakit?” nag-aalalang tanong ni Ma’am Rubiano saka tingin sa kamay ko. “Efren!” baling ni Ma’am kay Efren na nakitang may hawak na gunting.
Oo, tama nga! Ginupit ni Efren ang balat ko sa kamay at kahit na maliit lang ang sugat siguro 3cms lang, masakit iyon para sa isang batang lampa na tulad ko. Sa tuwing makikita ko ang peklat, natatawa na lang ako at siyempre naaalala ko si Ryan.
“Ayaw po kasing magpakopya!” paninisi ni Efren sa akin.
Maliit nga lang ang sugat pero mahirap patigilin ang dugo. Sa kaliwang kamay ako ginupit at kaliwang kamay din ang gamit ko pagsusulat.
Pagka-uwian ay tulad ng inaasahan, naka-abang na sa akni si Ryan sa tapat ng classroom ko at nakangiti.
“Bakit mukha kang umiyak?” tanong ni Ryan. “Napaano ‘to?” tanong pa niya habang hawak ang kamay ko.
Kasunod kong lumabas si Efren na kitang galit pa din sa akin.
Sa pagkakatanda ko nuon ay hinatak ko na si Ryan paalis pero nang lumingon ako ay nakikipagtitigan ito kay Efren.
“Lalaban ka!” huli kong narinig kay Efren saka sinugod ng suntok si Ryan.
Iyon ang unang beses na nakakita ako ng nag-aaway sa harap ko. Pinilit kong umawat at pumagitna pero maging si Ryan ay ayaw paawat dahil gumaganti din ng suntok at nakikipagbuno din kay Efren.
Maya-maya pa at dumating na si Ma’am Castillo, teacher ng I-E na katabi ng I-D. Si Ma’am Castillo na ang umawat sa dalawa. Naawa ako nuon kay Ryan dahil alam ko namang napasubo lang siya sa pakikipag-away at wala sa ugali nito ang basag-ulo pero higit pa ay naawa ako kay Efren na kahit na sinaktan ako ay naguguilty pa din ako dahil mapapatawag ang magulang niya dahil sa akin, at ngayon naman ay may bagong kaso.
“Ikaw Ryan! Section A ka pa naman din nakikipag-away ka!” unang sita ni Ma’am Castillo kay Ryan. “Ikaw naman Efren! Kung sinu-sino na lang ang inaaway mo. Kanina si Emilio ngayon si Ryan!” pagalit pa nito. (Hanggang ngayon nga ay nagtataka ako kung bakit kilala kami ni Ma’am Castillo.)
“Si Efren po ang nauna Ma’am!” singit nang isang umepal na kaklase ni Efren.
“Kahit sino ang nauna, dalin ninyo dito ang magulang ninyo bukas!” sagot ni Ma’am Castillo.
Sinamahan ko si Ryan hanggang sa grocery store nila at sa labas ay naupo muna kami habang inaayos ko ang suot niya polo.
“Bakit ka nakipag-away?” tanong ko kay Ryan.
“Sinaktan ka kasi.” sagot ni Ryan.
“Kahit na! Napasama ka pa tuloy.” sagot ko.
Tahimik ang pagitan namin at walang umiimik.
“Lagot ka kay Tito Phillip!” pananakot ko. “Saka dapat hindi mo na inaway si Efren.” paninisi ko pa.
“Dapat kitang iganti.” narinig kong sinabi ni Ryan.
“Bakit?” tanong ko naman.
“Di ba boyfriend kita.” sagot niya.
“Anung boyfriend?” inosente at walang muwang kong tanong. Sa totoong buhay, opo, wala akong ideya kung ano ang salitang boyfriend.
“Crush mo ako, crush kita kaya mag-boyfriend tayo.” sagot ni Ryan.
Natigilan ako sa sinabing iyon ni Ryan. Paano niya naramdamang crush ko siya? Oo, totoo naman kasi na nadevelop na ako sa kanya, bestfriends kami at totally attached ako sa kanya, ito ang unang beses na nakaramdam akong iba ako sa ibang lalaki d’yan. Ito ang panahong namukadkad ang pakpak ko bilang isang tutubi. Pero mas kinagulat kong malamang crush din niya ako.
Aha! Ito ang pangyayaring tumatak sa isip ko kaya naman sa tuwing makikita ko ang peklat sa kamay ko, naalala ko si Ryan dahil nalaman kong ang meaning pala ng boyfriend ay “crush mo ako, crush kita kaya mag-boyfriend na tayo.”
Hindi na namin naituloy ang usapan dahil sinundan na ako ni Tata Lito, ang service ko at sinusundo. Pumasok na din siya sa loob ng grocery store nila at hinintay akong makaalis bago tuluyang pumasok sa loob.
Fast Forward na tayo –
Tanging si Tito Phillip lang ang pumunta ng school at hindi kasama si Ryan. Hindi ko naman nagawang makausap si Tito Phillip dahil tinambakan kami ng seatwork ni Ma’am Reyes habang nakikipag-usap sa mga magulang. Tanging ang lola ko ang pumunta para sa akin dahil nga hindi pwede sina tatay at nanay. Mula nuon, hindi ko na nakita pa si Ryan at lumipat na siya ng ibang eskwelahan nuong grade 2.
Fast Forward ulit –
Muli kong nakita si Ryan nuong grade IV kami, ako ay IV-A at siya naman ay IV-C, pero ipinagtataka ko lang ay bakit tila ba hindi niya ako kilala at para bang wala siyang naaalala. Pag nginingitian ko ay hindi ako pinapansin at tumatalikod lang.
Nuong grade V naman ako ay muli siyang lumipat ng eskwelahan at nalaman kong naging estudyante siya ng Tita ko nang makita ko ang Annual Book nila at si Ryan Cris Mendoza ang Valedictorian nila.
Ngayong college ay nauso ang Friendster at Facebook at sinubukan kong makipaglapit ulit kay First Bestfriend na First Boyfriend na din pala. Pero ang nakakaloko sa lahat –
Base sa pagkakaalala ko sa PM namin sa Friendster –
Emilio: Salamat tol sa pag-add! Naaalala mo pa ba ako?
Ryan: Nope! Sino ka ba?
Emilio: Bien Emilio Aguirre delos Reyes. Classmate mo nuong Grade 1.
Ryan: Hindi talaga bro! Sorry.
Emilio: Ako iyong lagi mong pinapakopya sa Math.
Ryan: Sorry but I can’t remember.
Emilio: Okay!
At nireview ko ang profile niya at tumawag sa akin ng atensyon –
“I studied elementary in three schools: Montessori School of San Isidro from Grades 1-3; San Isidro Central School during Grade 4 and St. Luke Academy from Grade 5-6 and until High School.”
May palaisipan sa akin ngayon, totoo bang naging magkaklase kami at naging kami? Pero ako, sigurado akong oo, dahil ang mga papel niyang nakuha ko sa mga lumang gamit ko, ang sugat ko sa kamay, malinaw niyang itsura at ang alaalang naiwan niya sa akin, ang birthday niya, ang mga gusto niya at ayaw, mga strengths and weaknesses, (naging classmate ko nuong high school ang classmate niya mula grade 5-6 at lahat ng sabihin ko tungkol kay Ryan ay tumpak at sakto sa Ryan na kilala nila maliban sa kung saan siya nag-aral nuong grade 1) lahat iyon ay tumutukoy na totoo ang alaala ko. Pero bakit ganuon, iba ang nasa memorya niya sa laman ng memorya ko?
Sa ngayon, sana ay bumalik na ang alaala niya at maging maganda ang paglalakbay niya sa kabilang ibayo ng buhay. Maging mapayapa nawa ang iyong bagong lakbayin! (Pero umaasa akong hindi ikaw ang nakasama sa aksidente, makita lang kita na buhay ayos na sa akin kahit kalimutan mo ako habang-buhay.)

Read more...

DAGLAT presents: TEE LA OK part 2

Saturday, July 16, 2011

PIPZ! Salamat po sa lahat ng nag-iiwan ng comments..
Dagundong na dagundong po..

eto na po ang second part at sana magustuhan ninyo.. :-)




Daglat Series presents
Tee – La - Ok
Ikalawang Bahagi: /ee-ka-la-wa-ang/ - /ba-ha-gee/
Letter B
“Alis muna ako guys!” paalam ni Harold pagkatapos kumain ng tanghalian.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Kenneth.
“Basta, d’yan lang sa malapit.” sagot ni Harold.
“Saan eksakto?” pamimilit ni Kenneth.
“D’yan nga lang.” pacute pa ding sagot ni Harold.
“Maraming d’yan lang.” kontra ni Kenneth.
“Okay, lalakad ako papuntang kanto, tapos sasakay ako ng jeep tapos baba ako, saka sakay ng bus tapos baba na ulit.” sagot ni Harold.
“Umayos ka nga Rold!” singit ni Sean. “Tinatanong ka ni Kenneth ng maayos.” inis na sabi pa ng binata.
“Sa Divisoria lang!” pagsisinungaling ni Harold. “May bibilin lang ako para sa Humanities class ko.” sabi pa ng binata.
“Eh bakit sasakay ka pa ng bus?” tanong ni Kenneth na hindi naniniwala sa sinagot ni Harold.
“Siyempre joke lang un!” sagot ni Harold.
“Basta bumalik ka lang kaagad para sa meeting natin.” sabi ni Sean.
“Salamat buddy!” nakangiting pasasalamat ni Harold saka kinuha ang gamit.
“Nasan muna patak mo?” awat ni Sean sa nagmamadaling si Harold. “Patak patak muna tayo bago ka umalis! Tatakas ka na naman!” sabi pa nito.
“Sandali lang.” sabi ni Harold saka kumuha sa bulsa ng pera at inabot kay Sean.
Sa gate ng FabConCom –
“Sir, pwede po ba kay Mr. Gabby?” magalang na pakiusap ni Harold sa guard.
“Di ba isa ka sa rallihista kahapon?” tanong ng guard kay Harold. “Anung kailangan mo kay Sir Fabregas?” tanong pa nito.
“Pinapapunta po kasi niya ako ngayon.” sagot ni Harold.
“Ay wala siya! Umalis! Hindi mo pwedeng abalahin!” sagot ng guard.
“Manong naman! Sinabi niya sa akin 1pm, sa gate.” sagot ni Harold.
“Huwag mo nga akong pinagloloko! Manggugulo ka lang ulit!” inis na sabi ng guard.
“Kung ayaw mo nga ako na lang ang tatawag kay Gabby!” nainis na ding sagot ni Harold. Mataas ang sikat ng araw at labag sa kalooban ng binata ang pagpunta kay Gabby at heto’s ibibilad siya sa labas habang tirik na tirik ang araw at pagsusungitan ng hindi kagwapuhang guard. Kinuha ang cellphone at saka akmang nagdi-dial.
“Sige! Asa ka namang kausapin ka ni Sir Fabregas! Lokohin mo na ibang tao, huwag lang ako!” mayabang pang sabi ng guard saka pagsasara na sana ng gate. “Tumawag ka hanggang gusto mo!” sabi pa nito.
“It’s none of your business!” sabi ng isang tinig mula sa likod ng guard bago maisara ang gate. “Harold! You don’t need to call me!” sabi pa nito.
“Good afternoon Sir!” natigilang wika ng guard.
“Who told you na bastusin mo ang bisita ko?” sarkastikong sumbat ni Gabby sa guard.
“Sorry Sir! Akala ko po kasi manggugulo lang!” sagot ng guard.
“Joel!” tawag naman niya sa sekretarya. “Call the agency that we need a new guard!” utos pa nito.
“Sorry po Sir!” paumanhin pa ulit ng guard. “Hindi na po mauulit!” pagmamakaawa pa nito.
“Come in Harold!” aya pa ni Gabby na hindi pinansin ang guard.
“Sir Joel!” medyo alangang tawag ni Harold kay Joel.
“Yes Sir Harold!” sagot ni Joel.
“Tell the agency that they trained this guard excellently and you don’t need a new guard!” kontra ni Harold sa utos Gabby kay Joel.
“Kinokontra mo pa ako ngayon!” asar na sabi ni Gabby saka hinatak papasok si Harold.
“I can’t see any reasons to fire him.” paliwanag ni Harold. “In fact, ginawa lang niya ang trabaho niya.” sagot pa nito.
“But, binastos ka niya.” sagot naman ni Gabby.
“And I deserve it!” sagot ni Harold. “Tama nga naman, kahapon nanggugulo ako, then kaaway mo ako, so, how do you think na magtitiwala sa kin si manong? Ano iyon? Kaaway mo kahapon, friends friends na ngayon? So unusual!” litanya pa ng binata.
“Okay! Fine!” sabi ni Gabby. “Joel, do what he said!” sabi pa ng binata kay Joel.
Napangiti na lang sina Harold, Joel at ang guard sa sinabing iyon ni Gabby.
“Pumasok ka na!” asar na sabi ni Gabby. “Hayst!” napabuntong-hiningang tugon pa ng binata.
“Galing mo! First time na sumuko si Sir Gabby!” bulong ni Joel kay Harold.
Sa loob ng opisina ni Gabby –
“Okay Joel, sa labas ka na muna.” sabi ni Gabby.
“Anung meron at pinapunta mo ako dito?” tanong ni Harold.
“Wala lang!” sagot ni Gabby.
“Pwede ba iyong wala lang?” tanong ni Harold.
“Gusto lang kita makita.” sagot ni Gabby. “So, kailan mo ibibigay iyong 4thousand?” tanong pa nito.
“Talagang wala kang palalampasin!” sabi ni Harold. “Wala pa akong pambayad ngayon sa’yo.” sagot pa ng binata.
“So, ibig sabihin, hindi ko muna itutuloy iyong meeting namin. Kasi wala ka pang pambayad.” sabi ni Gabby.
“Naman!” sabi ni Harold. “Wala sa usapan natin iyang ganyan.” sagot pa nito.
“Pero wala din sa usapan nating magpapameeting ako hangga’t kulang pa ang bayad mo.” sabi pa ni Gabby.
“Ang sinabi mo magpapameeting ka na ngayong araw and you did not mention na hindi mo itutuloy pag kulang pa ang bayad ko.” sabi ni Harold.
“Well, I’m just doing you a favor kaya ko magpapameeting ngayon. So, kung wala kang pambayad, wala ding meeting.” nakangising sabi pa ni Gabby.
Nalukot bigla ang mukha ni Harold. Nawala lahat sa isip niya ang mga dahilan at pangangatwiran.
“But, pwede ko namang ituloy ang meeting kung pipilitin mo ako.” nakangiting nakakaloloko si Gabby.
“Talaga?” umaliwalas ang mukha ni Harold sa sinabing iyon ni Gabby.
“Yeah!” sagot ni Gabby. “Hindi naman ginagawa ng mga businessman ang ganito eh. So may malaking kapalit ang pabor na ibibigay ko sa’yo.” sabi pa ni Gabby.
“Sabi ko na nga ba eh! Hindi ka papayag na walang kapalit. Tulad ka din ng iba na profit-oriented.” sabi ni Harold.
“Ikaw, bahala ka! Mag-rarally kayo pero hindi ko naman papakinggan iyong sinisigaw ninyo sa labas and worst tanggalin ko sa trabaho lahat ng sumama sa inyo or andito na! Abot kamay mo na. Ikaw na ang susi para kausapin ko sila. Sa isang napakadaling bagay, hindi na kayo maiinitan, magsisisigaw and makukuha mo na iyong gusto ninyo.” pagbibigay ni Gabby kay Harold ng isang palaisipan.
Nanatiling tahimik si Harold sa sinabing iyon ni Gabby.
“So, ano na?” tanong ni Gabby. “Baka mainip ako at iyong unang option na ang gawin ko.” sabi pa nito.
“Wait! Nagpoprocess pa ang utak ko!” sagot ni Harold.
“Okay!” sagot ni Gabby. “At the count of three! One…” simula ni Gabby sa bilang.
“Two…” sa kasunod.
“Okay! May desisyon na ako.” sagot ni Harold. “I know how illogical your arguments are pero sige, I’ll take the risk.” sabi ni Harold.
“Excellent decision.” nakangiting tugon ni Gabby.
“You know what! This is against our principles at for sure, isusumpa ako ng mga kasama ko pag nalaman nila ito. But for the sake of the many, I’m willing to sacrifice myself!” sabi ni Harold na walang kasiguraduhan sa tumatakbo sa isip ni Gabby.
“Meet me at 7pm sa lugar na’to.” sabi ni Gabby saka abot kay Harold ng isang card na may address.
“Huh?” nagtatakang tanong ni Harold.
“Don’t ask any questions. Alam mo na ang nakasalalay sa’yo.” sagot pa ni Gabby. “You can go na!” utos pa nito.
“Pero…” tutol sana ni Harold.
“Sige na! Baka hindi mag-fit sa sched ko ang meeting kung hindi ka pa aalis. Basta pumunta ka d’yan mamaya.” sabi pa ni Gabby. “Saka nakita na kita kaya pwede ka ng umalis. Nakakasawa na kasing tingnan iyong picture mo sa cellphone ko eh.” sabi pa nito.
“Hay!” sabi ni Harold saka lumabas.
Sa eskwelahan nila Harold –
“Buddy!” sabi ni Harold kay Sean.
“Bakit?” tanong ni Sean.
“May pupuntahan kasi ako ngayon, emergency at very urgent lang.” sabi ni Harold. “Hindi ako makakapunta sa meeting natin.” sabi pa nito.
“Eh di magpaalam ka.” suhestiyon ni Sean.
“Alam mo namang kakalakalin pa ni Kenneth kung saan ako pupunta. Alam mo naman ding ayaw ko ng pagpapaliwanag ng detalyado at kay haba-haba.” sabi pa ni Harold.
“So, anung balak mo?” tanong ni Sean na tila naiintindihan si Harold.
“Pasabi na lang na masama ang pakiramdam ko, kailangan kong magpahinga para bukas sa mob. Tapos bahala ka ng mag-adlib.” sabi ni Harold.
“Mahirap yan!” sagot ni Sean.
“Please! Sige na buddy!” sagot ni Harold.
“Tsk!” napapalatak si Sean. “Sige na nga!” sang-ayon ni Sean.
“Salamat!” sabi ni Harold saka tapik sa balikat ni Sean.
“Malakas ka sa akin eh.” sagot ni Sean.
Isang ngiti lang ang pinakawalan ni Harold para kay Sean.
Kinagabihan –
“Nasaan si Harold?” tanong ni Kenneth kay Sean.
“Ah, nasa dorm, nagpapahinga.” sagot ni Sean.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Kenneth na lagi bang nagdududa.
“Kasi napagod ata kahapon tapos lumakad pa ngayon, ayun, medyo masama ang pakiramdam. Sabi niya kailangan niya ng lakas para may laban siya bukas.” sabi pa ni Sean.
“Okay, sige!” sabi ni Kenneth. “After ng meeting pupunta tayo kay Harold para kamustahin.” sabi ni Kenneth.
“Ay hindi, ayaw niya. Huwag nyo na raw siyang intindinhin.” tutol ni Sean na nahihirapang pagtakpan si Harold kay Kenneth. “Alam nyo na, mas kailangan niyang magpahinga.” sabi pa ni Sean.
“Umamin ka nga Sean, may tinatago ka bas a amin?” tanong ni Kenneth na pansin ang pagkabalisa kay Sean.
“Wala!” tanggi ni Sean. “Ano naman ang itatago ko.” sagot pa ng binata.
“Hindi ka magaling magsinungaling Sean kaya alam kong may hindi ka sinasabi sa amin.” sabi pa ni Kenneth.
“Naku! Mainit lang kaya ako pinapawisan.” sabi pa ni Sean saka pinunasan ang pawis sa noo.
“Aircon may pawis!” mahinang usal ni Kenneth. “Pag Sean nalaman kong may tinatago kayo ni Harold, lagot kayo sa akin.” sabi pa nito.
“Wala nga!” kontra ni Sean saka nakahinga ng malalim.
Si Harold –
“Nasaan ka na?” text ni Gabby kay Harold.
“Ewan ko sa’yo!” sabi ni Harold. “Kay aga pa naman.”
Ilang minuto pa lang at tumatawag na si Gabby kay Harold.
“Harold!” sabi ni Gabby.
“Bakit?” tanong ni Harold.
“Nasaan ka na ba?” tanong ni Gabby.
“Nasa dorm.” sagot ni Harold.
“Bakit andyan ka pa?” tanong ni Gabby.
“Maaga pa kaya.” sagot ni Harold. “For your information, 7PM ang usapan at 6pm pa lang.” sagot ni Harold.
“Basta! Pumunta ka na dito. May nakareserve for us.” sabi pa ni Gabby saka pinindot ang end call.
“Anung topak ba ang mayroong ang lokong iyon.” sabi ni Harold sa sarili saka umalis papunta sa sinabing lugar sa kanya ni Gabby.
Kaninang nagpunta siya sa opisina ni Gabby ay nakasuot siya ng school uniform, ngayon naman ay typical na jeans lang ang suot ni Harold, loose t-shirt na ordinary ang print, sandals, saka ang kanyang bag. Agaw atensyon si Harold pagpasok niya sa binigay na address sa kanya ni Gabby.
“Bistro pala to!” sabi ni Harold saka napayukong kakaiba at agaw pansin ang suot niya.
“Miss, reservation with Gabby Fabregas.” tanong ni Harold sa isang waitress.
“Here Sir!” sabi ng babae saka inihatid si Harold sa table ni Gabby.
Nakasuot si Gabby ng fitted na polo, dark colored jeans at black shoes na tinernuhan pa ng shades.
Unang nilapag ni Harold ang bag niya saka siya umupo sa katapat ni Gabby.
Biglang nalamukos ang kaninang nakangiting mukha ni Gabby sa nakitang bikas ng binata.
“Anung ayos yan?” tanong ni Gabby.
“Bakit? Anung mali sa suot ko?” tanong ni Harold.
Walang anu-ano ay hinatak ni Gabby sa balikat si Harold. Hinila niya ito palabas at sinakay sa kanyang kotse. Walang driver ang binata at walang Joel na kasama.
“Saan mo ba ako dadalin?” tanong ni Harold kay Gabby.
“Wala ka bang matinong damit at ganyan ang suot mo?” tanong ni Gabby kay Harold.
“Anung problema sa suot ko?” tanong ni Harold.
“So, nagpapanggap ka ngayong inosente?” tanong ni Gabby.
“Kay liit na bagay lang ang pinagpuputok ng butse mo.” asar na ding tugon ni Harold.
“Big deal na iyon Harold!” sabi ni Gabby. “Just imagine, a company president, makikipagdate sa isang gusgusin?” sabi pa nito.
“Date?” tanong ni Harold.
“Yeah! Manhid ka ba?” tanong ni Gabby. “Can’t you see, I’m attracted to you.” sabi pa ng binata.
“Tell me! Is this some sort of your joke?” tanong ni Harold.
“Do you think that I’m kidding?” balik na tanong ni Gabby saka hininto ang kotse. “Look Harold! Come to think of it! Bakit ako mag-iinvest sa’yo nang sobra kung alam ko namang malaki na ang lugi ko?” sabi ni Gabby na diretso ang mga mata niya kay Harold. “I’m attracted pero hindi ko sinabing, that I love you.” sabi pa nito.
“Come on!” hindi makapaniwalang sabi ni Harold.
Sa isang iglap pa ay inangkin ni Gabby ang mga labi ni Harold. Isang mainit na halik at mapusok na desisyon ang isinakatuparan ng binata. Naiwang tulala si Harold pagka-alis ng mga labi ni Gabby.
“Do you think my kiss will lie?” tanong ni Gabby saka muling pinaandar ang sasakyan.
Dahan-dahang tumulo ang mga luha sa mata ni Harold. Hindi niya alam kung ano ang dahilan niyon, ngunit sigurado siyang malaki ang naging epekto sa kanya ng halik ni Gabby.
“Hindi ko alam Harold, pero mula pa kahapon, hindi mabakante ang utak ko. Lagi ka na lang sumusunod! Lagi ka na lang sumisingit! Naiinis na nga ako kasi lagi ka na lang pumapapel.” sabi pa ni Gabby.
Maya-maya pa ipinark na ni Gabby ang kotse sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. Bumaba si Gabby saka ngayon ay hinahatak si Harold pababa.
“Bumaba ka d’yan.” pilit ni Gabby kay Harold.
“Aray! Sandali lang!” sabi naman ni Harold.
Sumakay ang dalawa sa elevator saka dinala si Harold sa isang boutique.
“Good evening Sir Gabby!” bati ng mga saleslady kay Gabby.
Walang sagot na galing kay Gabby at kita pa din sa mukha ng binata at pagka-asar kay Harold. Hatak ng isang kamay niya si Harold samantalang ang isa naman ay kumukuha ng mga damit at lahat ng magustuhan ay isinasakbit kay Harold.
“Ano bang drama ang alam mo Gabby!” anas ni Harold.
“Please shut up!” sabi ni Gabby. “Ipinahiya mo na nga ako kanina, so this time manahimik ka na lang.” sabi pa nito.
“Just to inform you, hindi kita ipinahiya kanina!” kontra ni Harold habang nakatayo lang malapit kay Gabby at hawak-hawak ang mga damit na pinapasa sa kanya ng binata.
“So, kung hindi mo kayang magsuot ng maayos na damit, pwes akong magbibihis sa’yo!” sabi ni Gabby saka patuloy pa ding hinahagisan ng damit si Harold.
“You’re making yourself a fool!” sabi pa ni Harold saka nasa aktong papalabas na.
“Dito ka lang!” naging maagap ang kilos ni Gabby para pigilan si Harold.
“Sir!” nag-aalalang awat ng saleslady sa kanila.
“Here’s my card! Kukunin ko lahat yan.” sabi pa nito saka abot sa card niya.
Pagkalabas ng mall –
“Ihatid mo na ako sa dorm!” utos ni Harold kay Gabby.
“Bakit hindi ka umuwi mag-isa?” tanong ni Gabby dito.
“Kung alam ko kung papaanong umuwi mag-isa sana kanina ko pa ginawa!” sabi ni Harold. “Mahirap maligaw, gabing-gabi pa naman.” asar na dugtong pa nito.
“Lalo kang nagiging cute pag galit ka!” nakangising sabi ni Gabby.
“Pwede lang Gabby, lubayan mo muna ako!” sagot pa ng binata.
“Ayan oh, nagsasalubong na naman ang mga kilay mo.” sabi pa ni Gabby.
Inilingon na lang ni Harold ang paningin sa labas ng kotse at minasdan ang daanan.
“Dito na lang ako!” sabi ni Harold kay Gabby.
“Ihahatid na kita sa dorm mo.” tutol pa ni Gabby.
“Dadaan pa ako sa loob! Hahabol pa ako sa meeting namin.” pagtutol ni Harold.
“Saan meeting na naman yan?” tanong ni Gabby. “Ganitong oras ng gabi?” tanong pa nito.
“May mob kasi bukas, kailangan kong makibalita sa napag-usapan.” tugon ni Harold.
“Mob? Ano un?” tanong ni Gabby.
“Mob, hindi mo alam?” nagtatakang tanong ni Harold. “Rally.” sagot pa nito.
“So, desidido ka talagang sirain ang buhay mo dahil sa pagsama-sama mo sa rally na iyan?” sarkastikong tanong ni Gabby.
“Hindi ko sinisira ang buhay ko!” sagot ni Harold. “Anyways, papaano mo ako maiintindihan eh wala ka naman sa kalagayan ko.” balik na tugon pa nito.
“Sinisira mo, I mean, hindi ka papasok bukas para lang makasali sa rally na iyan.” concern na tugon ni Gabby.
“For your information, wala akong pasok bukas and moderate ang pagsali ko sa rally. May qualifications akong ginawa bago ako sumama sa rally. Una, dapat isang matinding issue na nakakaapekto sa nakararami, pangalawa, free ang academic schedule ko or wala namang gagawin sa school kundi lecture, pangatlo, kung worthy naman ang ipinaglalaban.” sagot ni Harold.
“Kahit na!” tutol ni Gabby. “Sobra naman kasi iyang ginagawa ninyo. Nagkalat kayo sa kalsada, mabigat na traffic and pollution.” paliwanag pa nito.
“You know what, asa pa akong maiintindihan mo ako. Isa ka din sa napakaraming self-centered na taong nagkalat sa paligid. I think ikaw iyong walang puso para sa iba. Buti na lang iyong iba na ang concern eh umaabot pa sa puso kaso wala pa ding aksyon.” sabi pa ni Harold.
“Sige na! Ibaba mo na ang isang tulad ko na kalat sa kalsada at gumagawa ng pollution.” sabi ni Harold.
“No!” tutol ni Gabby. “Ihahatid kita hanggang dorm mo.” sabi pa nito saka lalong binilisan ang pagmamaneho.
Sa dorm ni Harold –
“Sige! Sana second to the last na nating pagkikita ito.” paalam ni Harold kay Gabby.
“Bakit second to the last?” tanong ni Gabby.
“Kasi, the next time na makikipagkita ako sa’yo, I’ll make sure makakabayad na ako para wala ng dahilan pang magkita tayo.” nakakalokong tugon ni Harold na may mga ngiting makahulugan.
“Then, prepare your 4thousand tomorrow!” sabi pa ni Gabby saka pinaandar ang kotse.
Sa kalagitnaan ng gabi sa bahay ni Gabby –
“Another day had passed by
Another memory to retain
Another you so insane
Another me to attain” bulong ng puso ni Gabby habang nasa veranda at nakititig sa mga bituin.
“Bwisit na Harold! Ang kulit! Sabing huwag na akong guluhin!” naiinis na saad ng binata saka kinuha ang cellphone at muling tiningnan ang picture ni Harold.
“Alam mo, napakakulit mo! Sabing patahimikin mo muna ako kahit ilang seconds lang. Please, kahit 10 seconds lang umalis ka muna sa isip ko.” naasar na pakiusap ni Gabby sa animo’y totoong-totoong Harold sa cellphone niya. Pagkasabi’y muling ibinulsa ang cellphone niya at pumikit.
“Bwisit!” sabi ulit ni Gabby saka muling kinuha ang cellphone at tiningnan ang picture ni Harold. “Sabi ko umalis ka muna sa utak ko kahit 10 seconds lang. Please, kahit 5seconds na lang pala.” pagmamakaawa pa ng binata.
“You’re the one that can’t be moved
And the one that cannot be removed
You’re the shiniest person ever told
From the narrowest door of cold. muling pagbulong ng puso ni Gabby.
“Harold!” bulong ni Gabby saka ipinikit ang mga mata.
Samantalang si Harold –
“Oh buddy! Ilang beses ka na bang nabibilaukan?” nag-aalalang tanong ni Sean kay Harold.
“Ewan ko.” sagot ni Harold. “Buti na lang talaga buddy dumating ka at may dala kang pagkain.” pasasalamat pa ni Harold sa kaibigan.
“Hinay-hinay lang sa pagkain buddy!” sabi pa ni Sean. “Sino ba kasi iyong nakakaalala sa’yo?” tanong pa ng binata. “Halos patayin ka na sa sobrang pag-alala sa’yo ah.” nakangising dugtong pa nito.
“Hay! Basta, gutom na gutom ako.” sabi ulit ni Harold. “Ano na iyong napag-usapan ninyo?” tanong pa niya dito.
“Tuloy na ang martsa bukas para sa mga magsasaka.” sabi ni Sean. “Ayaw ka nga nilang pasamahin na kasi masama nga di ba pakiramdam mo.” sabi pa ng binata.
“Buti na lang naniwala sila.” napabuntong-hiningang tugon ni Harold.
“Ayaw ngang maniwala ni Kenneth eh. Feeling ko hindi kumbinsido.” sabi pa ni Sean.
“Yaan mo na! Basta salamat talaga.” tugon ni Harold.
“Saan ka ba kasi galing?” tanong ulit ni Sean.
“May inasikaso lang ako.” sagot ni Harold.
“Ganun ba!” sabi ni Sean. Kabaliktara ni Sean si Kenneth. Kung si Kenneth ay angb tipong matanong at detalyado, si Sean naman ay sapat at kuntento na sa maiikling sagot at paliwanagan. Si Kenneth ay ang tipong hangga’t hindi kumbinsido ay hidi ka titigilan, samantalang si Sean naman ay tahimik na lang kahit may duda.
Ilang sandali pa at –
“Sige Rold! Alis na ako.” paalam ni Sean sa kaibigan.
“Ui, sige, salamat ulit sa pagkain.” pasasalamat ni Harold kay Sean.
Isang matamis na ngiti lang ang isinukli ni Sean dito.
Sa pagkakahiga ni Harold ay muli niyang naalala ang mga sinabi sa kanya ni Gabby.
“Seryoso kaya si Gabby sa sinabi niya kanina? Hindi naman halataing bakla siya, but why did he said that? Hay, I’m sure I’m not gay, pero bakit ba iniisip kong seryoso si Gabby? I’m sure I’m not gay pero bakit feeling ko affected ako sa sinabi niya? Am I sure na hindi nga talaga ako bakla? Baka naman denial lang ako? Anyways, hindi naman big deal sa akin ang sexuality ko, pero bakit ba dinedeny ko pa ang possibility if ever? Sobrang intellectual masturbation na’to, bakit ba naging interesado ako sa topak na yun?” laman ng isip ni Harold.
“Hay!” isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng binata.
“Pero may future nga kaya talaga kami? I’m not sure, pero sa tingin ko walang tumpak na tatahakin kung magiging kami nga. Posible nga bang maging kami talaga? Parang mahirap paniwalaan na may hahantungan kami.” laman ulit ng isip ni Harold.
“Hay!” yamot na sinabi ng binata saka ginulo ang buhok. “Kainis na!” sabi pa nito.
“Ano ba? Iyong ibang lalaki mag-iinarte pa, kokontrahin pa ang sariling hindi siya bakla, na straight s’ya, na lalaking-lalaki at barako siya kahit obvious na namang baliko na ang sexduality niya, pero ako, bakit iyong future with Gabby na ang iniisip ko? Try ko kayang mag-inarte din muna.” laman ulit ng isip ni Harold saka napapangiti.
“Shit! Gabby! Ikaw na naman! I really don’t know bakit ba winawalanghiya mo ang gabi ko!” sabi pa ulit ng isip ni Harold.
“Inhale! Exhale!” sabi at gaw ni Harold. “Excited ka lang na masabihang may nagkaka-crush sa’yo kaya ka ganyan!” sabi ni Harold saka unulit ang inhale-exhale exercise.
Kinabukasan –
“Sean, usap muna tayo!” aya ni Kenneth kay Sean.
“Bakit Kenneth?” tanong ni Sean dito.
“Please, ingatan mo si Harold! Huwag mong hahayaang nakakalat lang iyong bata.” sabi pa ni Kenneth.
“Sige ba!” may matipid na ngiting sinabi ni Sean. “Saka hindi ko na aalisin ang tingin ko sa lokong iyon!”
“Good!” nakangiti at napanatag na sagot ni Kenneth. “Alam mo naman di ba kung gaano kahalaga si Harold para sa akin.” sabi pa nito.
“Oo naman!” sagot ni Sean. “Di ba nga’t ako pa ang kausap mo nung naguguluhan ka?” tugon pa nito.
“Salamat pare! Sa ngayon hanggang tingin at sulyap lang ako kay Harold, pero alam mo naman kung gaano ko iniingatan iyong sira-ulong iyon.” sabi pa ulit ni Kenneth.
“Bakit hindi ka mag-akyat ng programa sa mga kasama para ligawan mo na si Harold?” tanong ni Sean na may sandaling kirot sa puso.
“Alam mo namang madami pa akong sinasaalang-alang.” sagot ni Kenneth. “Una, ngayon ko pa lang natatanggap na silahis nga ako, pangalawa, hindi ako sigurado kung papaano ako tatanggapin ng mga kasama natin, kung ano magiging reaksyon nila pag nalaman nilang hindi pala ako straight, pangatlo, may mas malaking hanay ang kailangang pagtuunan natin ng pansin, madaming tao at inaapi sa lipunan ang kailangan nating imulat at tulungan.” makahulugang sagot ni Kenneth.
“Naiintindihan kita Kenneth!” tanging nasabi ni Sean. “Pero kung hindi ko nalamang gusto mo din si Harold, malamang nag-akyat na ako ng programa para ligawan s’ya.” dugtong pa ng isip ni Sean.
“Sige na! Abangan mo na ang ka-buddy mo.” sabi ni Kenneth kay Sean.
Sa Mendiola, sa rally –
“Bayan, bayan, bayan ko!” sigaw ng lider.
“Hindi pa tapos ang laban mo!” sagot naman ng mga kasama sa rally.
“Ngayon ay lumalaban!” sigaw ulit ng lider.
“Iskolar ng bayan!” sagot nang mga kasama sa rally.
“Para sa mga magsasaka!” sabi ulit ng lider.
“Kami ay lumalaban!” sagot ng mga kasama.
“Para handugan tayo ng isang awitin, narito si kasamang Harold mula sa hanay ng mga estudyante!” sabi ng tila emcee ng programa.
Nagulat man ay taas noo siyang umakyat ng entablado –
Simoy ng bukid at hamog sa linang
Luntiang paligid ang aking kinagisnan
Mahal na magulang at mga anak ko
Dito isinilang sa lupang ito
Sa init na labis at salat na ulan
Dinilig ko ng pawis ang lupang tigang
Binhi ay sumibol, nag-usbong, nag-uhay
Nagbunga at bumuhay ng maraming buhay
Ngunit dumating ang araw
Ang lupa'y naagaw at nasiil
Ng mga dayuha't banyagang
May mahiwagang dokumentong papel
Ang aking paniwala magmula pa noon
Iba sa panukala na nakasulat doon
Ang sinabi ng pari ay di raw totoo
Na Dios ang may-ari ng lupang ito
Sa aking bulong at sigaw
Tangis at hiyaw at walang nakinig
Ngunit sa kataastaasan
Ang katotohanan kailanman'y di lingid
Ang Dios ng pag-ibig at kapayapaan
Dios din na hukom, Dios ng katarungan
Babalik na ang hari, magsusulit kayo
Sa tunay na may-ari ng lupang ito
(Ang Lupang Ito, by Gary Granada)
“Ipaglaban ang karapatan ng mga magsasaka sa lupa!” sigaw ni Harold bago bumaba sa stage.
“Ayos buddy!” sabi ni Sean na unang sumalubong sa binata pagbaba nito ng stage.
“Hindi mo naman sinabing may special song number pala ako dito.” sabi ni Harold sa kaibigan.
“Nalimutan ko lang kasi kagabi.” sagot ni Sean.
“Ihanda na ang combo (front ng mga aktibista pag may pisikalan nang laban, kadalasan mga lalaki ang bumubuo nito na kapit-bisig na lumalaban)!” biglang sigaw ni Kenneth.
“Buddy, dun ka na sa likod!” sabi ni Sean. “Sasama ako sa combo!” sabi pa nito.
“Hindi buddy!” tutol ni Harold. “Buddy tayo di ba? Sasama ako sa combo!” determinadong sagot ni Harold.
“Bago ka pa lang, hindi ka pa sanay sa sakit ng katawan.” sagot ni Sean.
“Walang baguhan kung may ipinaglalaban ka! Sa oras na’to, kailangan ng matibay na bisig para harangin ang sumasalag sa ating ipinaglalaban!” buong sinseridad na sinabi ni Harold.
Ngiti lang ang tinugon ni Sean sa sinabing iyon ni Harold.
Unang nagpakawala ng tubig mula sa bumbero ang dispersal unit, ngunit tila pader na hindi kayang tibagin ang lakas ng combo at patuloy nitong pinorotektahan ang pinaglalaban. Si Harold, kahit na nahihirapan ay buong lakas niyang sinasalag ang lamig ng tubig at pressure na humahampas sa kanyang katawan. Pinatibay ng paninindigan ang kanyang loob para harapin ang tubig na dinidilig sa kanila. Kasunod nito ay nakalapit na sila sa hanay ng mga pulis at matinding paluan ang naganap sa pagitan nila. Tinamaan si Harold sa braso na naging sanhi para maalis ang pagkakapit ng braso niya kay Sean. Ang unang tama ay sa kaliwang braso, sunod ay sa kaliwang kamay, sunod ay sa binti na nagin sanhi para mapadapa ang binata. Naging maagap naman si Sean kaya’t ang sumunod na palo ay kanya nang sinalo.
“Sean!” nag-aalalang sabi ni Harold.
“Sanay ako!” nakangiting sagot ni Sean habang patuloy pa din siyang napapalo.
Ilang sandali pa at nahinto na ang dispersal unit at nalinis na ang Mendiola. Masakit man ang katawan ay pinilit itago ni Harold ang lahat ng sakit.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Kenneth kay Harold na labis ding nabugbog saka tiningnan ang braso ng binata.
“Oo naman!” tugon ni Harold.
“Sorry Kenneth!” paumanhin ni Sean kay Kenneth.
“Wala iyon!” nakangiting tugon ni Kenneth kay Sean.
“Tara na! Balik na tayo ng eskwelahan.” sabi pa ni Kenneth sa mga kasama.
Samantalang –
“Sir Gabby, ano po ba ang ginagawa natin dito?” tanong ni Joel kay Gabby. “Baka po malate tayo sa meeting ninyo.”
“Do I tell you na pakialaman mo ang desisyon ko?” tanong ni Gabby kay Joel.
“Sorry Sir!” sabi ni Joel.
“Had you hear that? Did the host said Harold?” tanong ni Gabby saka binaba ang salamin ng kotse at sinilip ang pinagdadausan ng rally.
Napangiti na lang si Joel at Nick na makita kung sino ang pakay ng boss nila sa lugar na iyon.
“Maganda naman pala ang boses, kaso sinasayang lang niya.” komento ni Gabby.
Ilang sandali pa at –
“Sir! Nagkakagulo po!” sabi ni Nick at agad namang napatingin si Gabby sa mga nagrarally.
“Awtz!” reaksyon ni Gabby sa nakitang pagbomba ng tubig. “Masakit iyon for sure!” sabi pa ng binata. “Pustahan, aatras na yang mga iyan!” sabi pa ni Gabby.
“Ay hindi Sir!” tutol ni Joel. “Pustahan tayo Sir, may paluan pa iyan!” sabi pa nito.
“Really? As in papaluin sila?” tanong pa ni Gabby saka napatingin kay Joel na halos hindi makapaniwala.
Napatango lang si Joel bilang tugon.
“Sir! Paluan na po ata!” sabi pa ulit ni Nick.
“Aray!” napapangiwing sabi ni Gabby nang makita niya ang sinasabing paluan.
Ilang sandali pa at –
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Kenneth kay Harold na labis ding nabugbog saka tiningnan ang braso ng binata.
“Oo naman!” tugon ni Harold na nakasandal sa kotse ni Gabby.
“Sir, si Harold po ata!” sabi ni Joel kay Gabby.
“Alam ko, hindi ako bulag.” sabi pa nito.
“Tawagin ko na po ba?” tanong ni Joel.
“Mamaya na lang, hayaan mo na muna silang mag-usap.” sabi pa nito.
Paalis na sina Harold nang –
“Harold!” tawag ni Gabby pagkababa ng salamin ng kotse.
“Ikaw?” nasabi ni Harold.
“Di ba Rold, siya iyong boss nang FabConCom?” tanong ni Sean.
“Anung kailangan mo kay Harold?” agad na salag ni Kenneth nang marinig kung sino ang lalaki.
“Hindi kayo ang kausap ko!” sabi ni Gabby. “Wala akong interes na kausapin kayo, except kay Harold.” saad pa nito.
“Tinamaan ng lintik!” sabi ni Kenneth. “Kay yabang!” sabi pa nito.
“Kenneth, sige na mauna na kayo! Kakausapin ko lang itong topak na’to!” sabi pa ni Harold saka lumakad papunta kay Gabby.
“Sinong topak?” angal ni Gabby.
“Ikaw, sino pa nga ba!” sagot ni Harold saka muling isinandal ang katawan sa kotse ni Gabby.
“Sinabing umuwi na kayo di ba?” sigaw ni Gabby nang makitang palapit din sina Kenneth at Sean.
“Ang angas!” mahinang usal ni Kenneth.
“Kenneth, Sean!” baling ni Harold sa dalawa. “Mauna na kayo! Susunod na lang ako.” sabi pa nito.
“Pero, iyong mga tama mo?” nag-aalalang tanong ni Sean.
“Don’t worry! I can handle it!” nakangiting sabi ni Harold dito.
“Pero…” sabi pa ni Sean.
“Hayaan mo na si Harold Sean!” sabi ni Kenneth. “Nakaya nga niyang saluhin iyong mga pukpok.” awat pa ulit ni Kenneth kay Sean. “Basta alam mo kung anung oras ka nasa school.” baling naman ni Kenneth kay Harold.
“Salamat Kenneth!” nakangiting pasasalamat ni Harold.
Pagkaalis ng mga kasamahan ay binalingan naman ni Harold si Gabby.
“Anung ginawa mo dito?” tanong ni Harold kay Gabby.
“Napadaan lang.” sagot naman ni Gabby.
“So, pwede na akong umalis?” tanong ni Harold.
“Hmmm!” isang mahabang hmmm. “Hindi pa!” kasunod nito.
“So, ano na!” sabi pa ulit ni Harold na nasa ilalim nang matinding sikat ng araw.
“Gusto mong pumasok sa loob?” tanong ni Gabby. “Well, mali pala! Pumasok ka sa loob!” ulit na utos ni Gabby.
“Inuutusan mo ba ako?” tanong ni Harold.
“Oo!” sagot ni Gabby.
Bubuksan na ni Harold ang pintuan ng kotse ng biglang matumba ang binata.
“Harold?” nag-aalalang sabi ni Gabby saka nilabas si Harold.
“Pupunta tayo sa ospital!” sabi ni Gabby nang makitang may dugo ang umaagos mula sa balikat ni Harold.
Sa ospital makalipas ang ilang oras –
“Okay ka na ba?” tanong ni Gabby kay Harold hindi pa man nito naimumulat ang mga mata.
“Bakit ako nandito?” tanong ni Harold kay Gabby.
“Tanga ka ba? Siyempre dinala kita dito.” sagot ni Gabby.
“Nagtatanong ako ng maayos!” inis na sabi ni Harold.
“Sinasagot kita ng maayos!” tugon ni Gabby.
“Ewan ko sa’yo!” sagot ni Harold saka dahan-dahang bumangon.
“Bakit ba kasi nagpabugbog sa walang kwentang bagay?” tanong ni Gabby.
“Nabugbog ako para sa mga kasamang magsasaka!” sagot ni Harold. “Palibahasa kasi wala kang awareness sa ibang tao.” sabi pa ng binata.
“At least hindi martir na kagaya mo!” sagot naman ni Gabby.
“Kung hindi dahil sa mga mgasasakang iyon, sana, wala kang kanin sa pinggan.” sabi naman ni Harold.
“Well, I’m not eating rice. I prefer potato instead.” sagot pa ni Gabby.
“Hay! I’m talking with an alien!” napabuntong-hiningang tugon ni Harold. “Okay! I’ll take it slow para sa isang slow poke na kagaya mo.” sabi pa nito.
“Sinong slow poke?” kontra ni Gabby.
“Tumahimik ka na lang pwede!” utos ni Harold kay Gabby.
“I mean, you are enjoying the vegetables, rice, fruits and other crops but are you aware of the story behind it? Kung paano itinanim? Kung paano inani? Kung papaanong hirap at sakripisyo ang inilaan para d’yan? Aware ka ba sa ganuon?” tanong ni Harold. “Yeah! Stupid philosopher like you will say, it is through natural process, from seedlings to crops or through any other cycles available in nature. Kasi, iyon lang ang paliwanag na kaya ninyong intindihin! But, in deeper sense, iyon ang wala kayo, iyon ang madalas ninyong ma-left behind, iyon ang madalas na hindi ninyo naiisip!” sabi ni Harold.
“Anyways, I don’t really care about that! Buhay nila iyon, so wala akong pakialam!” sabi ni Gabby.
“Topak ka talaga!” sabi pa ni Harold saka dahan-dahang tumayo.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Gabby kay Harold.
“Uuwi na!” sagot naman ni Harold.
“Wait! Magkalinawan muna tayo.” tanggi ni Gabby. “I spent 10 thousand pesos for your bill kaya dapat bayaran mo din iyon.” sabi pa ni Gabby.
“10 thousand?” gulat na sinabi ni Harold. “Para sa bendang ito, tapos konting gamot 10k na agad.” paliwanag pa ng binata.
“Yeah!” sagot ni Gabby. “Alam mo, first class itong kwarto mo, tapos isang kilalang surgeon pa ang tumingin sa’yo, high quality ang mga gamot na pinalagay ko sa’yo. “Honestly, kulang pa ang 10thousand.” sabi ulit nito saka pakita sa bill.
“Sino bang maysabing dalin mo ako dito?” tanong ni Harold.
“At sino bang maysabing matumba ka sa harap ko?” balik na tanong ni Gabby.
“Hay!” anas ni Harold.
“Ano? So, kailan mo mababayaran ang 14thousand?” tanong ni Gabby kay Harold.
“Maghintay ka lang!” sagot ni Harold saka mabilis na lumakad.
“Ihahatid na kita. Madilim na sa daan.” suhestiyon naman ni Gabby.
Walang nagawa si Harold kung hindi ang pumayag na ihatid siya ni Gabby. Hindi naman siya ganuong ka-martir para tanggihan na ang tulong na kailang niya. Sa dorm ni Harold ilang oras matapos siyang ihatid ni Gabby –
“Are we looking on the same night star? Why do you keep on playing with me? Alam mo Gabby, isang suntok sa buwan na maging tayo. Daig pa natin ang papasok sa butas ng karayom nito!” laman ng isip ni Harold.
“Assuming ka masyado Harold!” sabi ni Harold saka tinuro ang sarili.
“Hindi tayo bagay Gabby! Bukod sa same sex tayo, ikaw mayaman ako isang dukhang taga-nayon. Madaming bagay tayong pinag-iba, iba ang prinsipyo ko sa pinaniniwalaan mo. Iba ang mundo ko sa mundo mo. Isang fairytale kung magiging tayo man and fairytales don’t exists kaya hindi tayo magkakatuluyan in the end.” sabi pa ni Harold sa sarili.
“Masaya na ako Gabby! Masaya na ako sa buhay kong ito kaya huwag mo nang ipagsiksikan ang mundo mo sa mundo ko.” sabi pa ulit ni Harold sa sarili.
Samantalang si Gabby –
“Twinkle twinkle little star
Harold shines brighter than you are
Up above the diamond sky
Harold’s no wonder the farthest high.” bulong ni Gabby sa sarili.
“Hay! Harold na naman!” sabi ni Gabby. “Lagi nalang Harold!” inis pa niya sa sarili. “Wala ka bang ibang alam na isipin Gabby!” sabi pa ng binata habang nakatingin muli sa langit at mga bituin.
“Are we looking on the same star
And wishing for the same desire?
Does your heart beat same to mine
And thinking the same with my mind?” sabi pa ulit ni Gabby sa sarili.
“Hello!” simula ni Gabby pagkatawag kay Harold. “Saturday bukas and I know wala kang pasok, prepare your things at susunduin kita bukas ng umaga.” sabi ni Gabby sa kausap.
“Paano mo naman naisip na papayag ako?” tanong ni Harold.
“Simple lang!” sagot ni Gabby. “Kasi may utang ka pa sa akin at ang trabahador ng FabConCom!” sagot nito saka binaba ang cellphone.
“Hays!” inis na anas ni Harold pagkababa ng tawag.
Kinaumagahan –
“Saan mo ba ako balak dalin?” tanong ni Harold kay Gabby pagkasakay nito ng kotse.
“Sa Baguio!” sagot ni Gabby saka pinaharurot ang kotse.
“Sa ganitong panahon?” nagtatakang tanong ni Harold. “Kay lamig na dito sa Manila, tapos magba-Baguio pa tayo.”
Tanghali na silang nakarating sa Baguio –
“Ayan, iwan ko na muna dito itong kotse sa rest house namin! Bitbitin mo iyang gamit mo at magcommute lang tayo papuntang Mountain Province.” utos ni Gabby kay Harold pagkakain nila ng tanghalian.
“Ano bang balak mo talaga?” tanong ni Harold.
“Sawa na kasi ako sa Baguio kasi weekly andito na ako. So, gusto ko naman sa Mt. Province para masaya.” sabi pa ni Gabby.
“Pwede, dito na lang?” tanong ni Harold.
“Sabi ko sa Mt. Province! Whether you like it or not, sasama ka!” sabi ni Gabby.
“Alam mo, ikaw na lalaki ka! Ang gulo ng tumatakbo sa isip mo!” sabi pa ng binata.
“Talagang ganun!” sagot ni Gabby.
Sa Mt. Province –
“Sure ka bang dito talaga iyong babaan?” tanong ni Harold kay Gabby.
“Oo naman!” sagot ni Gabby.
“Eh nasaan na iyon sinasabi mong palatandaan?” tanong ni Harold.
“Alam ko talaga nandito lang iyon.” paliwanag naman ni Gabby.
“Sabi kasing sa Baguio na lang eh!” sabi pa ni Harold.
“Sawa na nga kasi ako dun!” tutol naman ni Gabby.
“Sawa ka na nga pero atleast hindi tayo apat na oras palakad-lakad!” reklamo ni Harold.
“Four hours lang naman ah!” sagot naman ni Gabby. “Kung sa rally nga nakikipagpukpukan ka eh!”
“Loko ka ba?” saad ni Harold. “Madilim na kaya! Tapos wala pa akong makitang sasakyan na dumadaan. Saan tayo matutulog niyan?” tanong ni Harold.
“Eh di yayakapin na lang kita buong gabi!” nakangiting turan ni Gabby.
“Korni mo!” tutol ni Harold. “Nagugutom na kaya ako!” sabi pa nito.
“Bubusugin na lang kita sa pagmamahal ko!” sagot naman ni Gabby.
“Alam mo hinahangin na naman iyang utak mo!” sabi pa ni Harold saka lumakad pabalik.
“Hey Harold!” awat ni Gabby.
“May ilaw dun oh!” sabi pa ni Harold saka tinakbo ang sinabing ilaw na nakita.
“Hintayin mo ako!” sabi pa ni Gabby.
“Ah lolo!” bati ni Harold sa matandang naabutan niya sa labas ng bahay.
“Ano iyon hijo?” tanong ni Harold.
“Saan po ba dito ang papuntang Baguio?” tanong naman ni Harold.
“Malayo iyon mula dito.” sabi ng matanda. “Mabuti pa ay tumuloy muna kayo!” sabi nang matanda saka ipinaghanda ng makakain ang dalawang bisita.
“Sure ka bang mapagkakatiwalaan iyan?” bulong ni Gabby kay Harold.
“Kung mapagkakatiwalaan lang din naman, mas katiwa-tiwala ang itsura ni lolo kaysa sa’yo.” sabi ni Harold.
“Mabuti pa kung dito na kayo magpalipas ng gabi! Walang sasakyang dumadaan ng ganitong oras at mahabang lakaran pa para makarating kayo sa sakyan.” paliwanag ng matanda.
“Hindi po ba nakakahiya?” tanong ni Harold.
“Ayos lang iyon! Natutuwa nga ako at nagkabisita ulit ako.” sabi pa ng matanda.
“Salamat po lolo!” pasasalamat ni Harold.
Sa silid na nilaan para sa kanilang dalawa –
“Ayan kasi!” sisi ni Harold kay Gabby. “Masyado ka kasing maarte!” sabi pa nito.
“Ako na naman ang nasisi mo?” sabi ni Gabby.
“Oo, kasi naman kung pumayag kang sa Baguio na lang tayo sana hindi tayo maliligaw.” sabi pa ni Harold.
“Malay ko bang biglang mawawala iyong palatandaan ko?” tanong ni Gabby.
“So, isisi ba sa palatandaan?” tanong ni Harold kay Gabby.
“Oo! Kasi iyong mga nag-alis nun ang may kasalanan talaga.” sagot ni Gabby.
“Kung hindi ko nakita si lolo, malamang sa labas tayo natutulog ngayon.” sabi pa ni Harold.
“Mga hijo!” katok ng matanda sa dalawa.
“Ano po iyon lolo?” tanong ni Harold.
“Pagpasensyahan na ninyo, isa lang kasi ang kumot kong natatago.” sabi ng matanda saka abot sa kumot.
“Nag-abala pa po kayo.” sabi ni Harold.
“Malamig kasi, naisip kong wala kayong panakip sa katawan.” sabi pa ng matanda.
“Salamat po!” pasasalamat ni Harold saka humiga na at nagkumot.
“Ang lamig!” reklamo ni Gabby saka nakisukob sa kumot ni Harold.
“Naku Gabby! Sa susunod bahala ka na lang mag-isa.” sabi ni Harold saka pinikit ang mga mata.
Kinabukasan –
“Tiktilaok!” pang-umagang bati ng manok sa kanila. “Tiktilaok!”
“Haaah!” hikab ni Gabby saka iminulat ang mga mata.
Sandali niyang tinitigan ang kaharap at – “Ang gwapo ko palang talaga kahit tulog!” komento pa niya sa nakikita. “Ngayon ko lang na-realize, ang ganda palang talaga ng labi ko, kissable palang talaga.” sabi pa ng binata.
Samantalang ang imaheng kaharap ay nagbukas na din ng mga mata – “ang ganda din ng mga mata ko!” komento pa ulit ni Gabby.
“Ano ba yan, may bago na naman akong pimple!” unang komento ni Harold nang makita ang kaharap saka hinawakan ang pimple na sinasabi. “Gwapo pala ako kahit papaano.” sabi pa ng binatang si Harold.
Sabay na bumangon sa higaan ang dalawa na tila ba mga repleksyon nila ang isa’t-isa. “Good Morning Harold!” sabi ni Harold na kasabay ang “Good Moring Gabby” ni Gabby.
Sa katahimikan ng umaga ay isang nakakabinging sigaw ang narinig –
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh” sabay nilang hiyaw.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP