Ang Aral ng Isang Ibon

Wednesday, February 23, 2011

By Mike Juha
Official Entry 2010 PEBA


Palagi kong nakikita ang dalawang ibon na iyon sa malaking puno sa tapat ng aking maliit na tindahan.Hindi ko alam kung anong klase o anong tawag ngunit may brown na kabuuang kulay ang mga ito, may matingkad na dilaw ang kanilang mga tuka, at kapag lumilipad, makikita ang puting stripe sa kanilang mga pakpak.
Ngunit ang nakapagbigay-pansin sa akin ay ang pagiging palagi nilang magkasama na tila ang isa’t isa sa kanila ay hindi alam ang gagawin kapag wala sa tabi ang isa. Minsan nakikita kong mistula silang nag-uusap, o naghahalikan, o nagkikilitian. Kapag nanginginain sa damuhan sa ilalim ng malaking puno na iyon kung saan paborito din nilang pahingahan, ang isa’t isa ay nasa di kalayuan lang. Kapag lilipad naman, sabay din silang tutungo sa parehong direksyon at lugar.

Sobrang nakakaaliw silang pagmasdan. Pakiramdam ko ay nawawala ang pagod ko at naiibsan ang mga hinaing ko sa buhay kapag ganyang nasilayan ko ang dalawang ibong iyon.

Kada alas-tres ng hapon ay halos hindi sila pumapalyang dumadayo sa malaking punongkahoy. At araw-araw sa ganoon ding oras, lihim ko silang pinagmamasdan.

Isang araw, napansin kong iisang ibon na lang ang naglalakad, palundag-lundag na nanginginain sa damuhan. Laking pagtataka ko kasi hindi naman ganoon ang eksenang palagi kong nakikita. Noong lumipad ito patungo sa isang sanga, nakita kong may pugad na pala sila at habang ang isang ibon ay naglimlim, ipinagdadala naman ito ng pagkain ng isang ibon.

Napahanga ako sa ipinamalas nilang pagtutulungan. Para silang mga magsing-irog, o dalawang taong nagmamahalan. Iyong pagdadala ng pagkain para sa naglimlim na kapareha; iyong pagtutulungan nilang itayo ang pugad, at iyong pagbuo nila mismo ng isang pamilya kung saan katuwang nila ang isa’t isa… nakakaramdam din kaya ng awa at pagmamahal ang mga ibon?

Inamin ko; nainggit ako. “Bakit kaya hindi magawa ng ibang tao ang ginawa nila? Bakit sadyang may mga taong mapanlinlang, taksil, mapaglaro, manggagamit…?” ang naitanong ko tuloy sa sarili sabay bitiw ng malalim na buntong-hininga.

Oo, napakasimple ng buhay ng mga ibon at maituturing na mababa lang ang level ng kanilang mga utak. Ang sabi pa nga ng mga eksperto ay hindi nila kayang gamitin ito sa pag-iisip at wala silang kakayahang magmahal. Ngunit sa nakita ko, naipamalas nila ang kahalagahan ng pagtutulungan, ang pagbibigay-suporta, ang pagdadamayan, ang pagiging tapat, at ang pagpapahalaga….

May nabasa akong mga pagsusuri tungkol sa panghabambuhay na partnership o pagka-monogamous ng ibang mga ibon; na kapag nakahanap na ang mga ito ng partner, hanggang sa kamatayan na. May isang article din akong nabasa tungkol sa isang wild black swan na na-attract sa isang puting swan boat ng isang recreation park. Bagamat ilang doble ang laki ng swan boat sa kanya, hindi na umaalis ang maitim na swan sa gilid ng bangka. May ilang buwan din iyon, hanggang sa isang araw ay nakahanap din siya ng isang tunay na swan na siyang naging partner niya sa habambuhay. Nakakamangha. Nakakapagbigay ng inspirasyon. Nakakaantig ng damdamin.

Ano ang silbi ng katalinuhan kung sarado naman ang isip? Ano ang silbi ng pagiging tao kung ang isip naman ay mas mababaw pa kaysa hayop? Ano ang silbi ng kakayahang magmahal kung hindi naman kayang panindigan ito?

Minsan, nasabi ko sa sarili. “Sana ay naging ibon na lang ako. Nakakalipad, malayang napupuntahan ang mga lugar. At bagamat hindi taglay ng mga ibon ang katalinuhan ng tao, hindi rin kumplikado ang tinatamasa nilang buhay. Simple lang. Walang maraming iniisip, walang maraming iniintindi, walang maraming tanong….”

Kaya, hindi maitatago ang inggit ko sa dalawang ibon na iyon. Naikukumpara ko kasi ang mapait na karanasan ko sa pag-ibig na kabaligtaran sa nasaksihan ko sa dalawang ibon. Magda-dalawang taon na ang nakaraan, hindi pa rin ako makapag move-on sa naranasang sakit kung saan pinagtaksilan at hinudas ako ng taong aking minahal.

Si Lito… ang asawang tinutukoy kong nagtaksil sa akin. Tatlong taon kaming nagsama bago ako nangibang bansa. Kagaya ng ibang nagmamahalan, nagsumpaan kami na walang iwanan; na habambuhay kaming magdamayan at magtulungan upang makamit ang aming mumunting minimithing mga pangarap bilang isang buo at masayang pamilya. At sa tatlong taon naming pagsasama, biniyayaan kami ng isang malusog na batang lalaki - si Andy.

Masasabing kumpleto na sana ang pamilya namin at masaya na sana kami sa ibinigay na biyaya. Subalit walang trabaho si Lito at ang kita ko ay hindi sapat para sa aming lumalaking pamilya. Dahil dito napagdesisyonan kong mangibang-bansa dahil sa hirap ng buhay . Limang taon din akong nagtrabaho sa abroad bilang isang nurse.

Sa pangingibang-bansa ko naranasan ang matinding sakit at hirap na mapalayo sa pamilya. Mistula akong mababaliw sa sobrang pananabik, sa pakiramdam na nag-iisa lang mundo, walang karamay, nahihirapan sa trabaho… Ngunit tiniis ko ang lahat mabigyan lang ng magandang kinabukasan ang aking anak at upang matupad ang pangarap naming mag-asawa na magkaroon ng maliit na negosyo na siyang magpatatag pa sa aming pagsasama kapag ako ay titigil na sa pangingibang-bansa.
Ngunit kabaligtaran ang naging nangyari. Panlimang taon ko na sa abroad iyon at abot-kamay ko na sana ang katuparang ako ay uuwi na at hindi na muling babalik pa sa pangingibang-bansa nang isang masaklap na balita ang ipinarating sa akin ng aking kapatid: may ibang babae si Lito.

Mistulang gumuho ang mundo ko sa pagkarinig sa balitang iyon. Iyon ang pinakamasaklap na mensaheng narinig ko sa buong buhay ko. At kasabay noon ay ang pagkawasak ng aking mga pangarap. Hindi ko alam ang gagawin. Nanginginig ang buo kong katawan sa magkahalong poot at awa sa sarili. Maraming bagay ang pumasok sa aking isip, at kasama na dito ang pagkitil sa sarili kong buhay. Mabuti na lang at nanaig ang aking katinuan nang maalaala ko ang aking anak. At bagamat nag-iiyak ako, naghihiyaw, naglulupasay sa sobrang sakit na naramdaman, pinilit kong magpakatatag para sa aking anak.

Dali-dali akong nag-resign sa trabaho at noong makauwi, nakumpirma ko ang buong katotohanan. Tatlong taon na pala akong niloloko ni Lito at napag-alaman kong nagkaroon din sila ng anak ng babae niya. At ang masaklap pa, sinimot niya ang lahat ng savings namin sa bangko at ginastos ito sa pagpatayo ng bahay para sa bago niyang pamilya. Mabuti na lang at may ipinagkatiwala ako sa kapatid kong babae na isang maliit na sari-sari store. Ito ang naiwan sa akin at ito rin ang nagsilbing munting pag-asa ko na ipagpatuloy ang buhay at buuin ang pangarap ko para sa aking anak.

Pinanindigan ko na rin na pakawalan si Lito. Naisip ko na kapag idaan ko pa sa legal na proseso ang hiwalayan namin ay gagastos lamang ako ng malaking halaga na wala ring patutunguhan. Wala rin naman kasi akong mahahabol na financial assistance sa kanya dahil wala siyang trabaho at binubuhay lang ng kanyang babae. Pinilit kong magpakatatag; pinilit kong maging bato ang aking puso sa kabila nang pagtatanong ng anak ko kung nasaan ang papa niya at kung bakit ang ibang mga bata ay mayroon nito samantalang siya ay wala. Mistulang pinagsasaksak ang puso ko sa bawat pagbigkas niya sa tanong na iyon.

Lumipas ang isang taon at sa wakas, dumalaw din si Lito. Nagkataon namang ipinasyal ng kapatid ko ang anak naming si Andy kaya hindi rin sila nagkita.

Masama ang balita ni Lito. Sumama sa isang Amerikano ang babae niya at nagpakasal ang dalawa sa Amerika. Huli na noong malaman niya ito. Ang naiwan na lang sa kanya ay ang kanilang apat na taong gulang na anak na isinama pa niya sa pagdalaw niyang iyon sa akin. Ang masaklap, wala siyang trabaho at may iniindang karamdaman – diabetis. Putol na ang kaliwa niyang paa. Ito ang dahilan kung bakit siya iniwanan ng kanyang asawa. Wala na siyang silbi para sa kanya. At naibinenta na rin niya ang lahat ng mga ari-arian nila, kasama na ang bahay na nanggaling sa pera ko. At… ubos na rin ang lahat ng pera.

“Karma?” ang sarcastic kong paninisi sa kanya. “May Diyos pala talaga, ano? May kabayaran pala talaga ang mga ginagawa nating kababuyan sa kapwa ano? Pero alam mo, kulang pa iyan eh. Hindi pa iyan sapat kumpara sa sakit na naramdaman ko sa ginawa mong panloloko sa akin! Dapat sana ay natodas ka na!”

Hindi na magawang sumagot ni tumingin ng diretso sa akin si Lito. Tahimik lang siyang nakayuko hanggang sa nakita kong dumaloy ang mga luha niya sa kanyang pisngi at ang nasambit ay, “P-patawarin mo ako, Mira… alam kong matindi ang sakit na naramdaman mo sa ginawa kong panlilinlang sa iyo… Napakasama ko. Ngunit nagsisisi na ako. Gusto ko na kayong makapiling ng anak natin. Sana ay tanggapin mo ako.”

“Tanggapin? Baliw ka ba? Akala mo ganyan lang kadali iyon? Wala… wala akong patawad na maibibigay sa iyo. Nandito pa sa puso ko ang poot. At hindi kita mapapatawad hanggang buhay pa ako! Ngayon, kung nandito ka upang humingi ng tulong sa akin, pasensya na. Sinimot mo na ang lahat ng perang pinaghirapan ko! Wala nang natitira pa para ipamigay sa iyo!”

“K-kahit patawad na lang Mira… p-para sa ating anak. Iyon na lang. Sana bago ako mamatay ay may kapatawaran galing sa puso mo. Ramdam ko na ang maraming kumplikasyon sa sakit ko. May high blood ako, malabo pa ang paningin, at natatakot akong ang sunod na maapektuhan ay ang kidney ko.”

“Ang kapal mo talaga ano? Sa panahon ng aking pagluluksa at sakit na naramdaman sa ginawa mong pagtraydor, anong ginawa mo? Ni hindi ka man lang dumalaw o nagpaliwang o kahit na mag text man lang… Hindi kita naramdaman, alam mo ba iyon? Tapos ngayon…? Sorry, wala kang mapapala sa akin! At huwag ka nang bumalik pa dito dahil kinamumuhian kita! Mamatay ka na sana!” Bulyaw ko.

Iyon lang. Bakat sa mukha ang matinding kalungkutan, walang imik na itinukod ang isang kamay sa upuan samantalang ang isang kamay ay inarko sa dalang crutches at noong makatayo na, hinawakan si Junjun na ang pakilala pa sa akin ay Tita Mira, at tinumbok nila ang pintuan.

May kirot din sa puso ang tagpo na iyon. Nahirapang maglakad, ang damit na suot ay gusgusin na parang sa isang pulubi. Nakakaawang tingnan lalo na noong bago tuluyang lumabas sila ng bahay, lumingon pa sa akin si Junjun, na sa kabila ng kanyang musmos na pag-iisip ay bakas sa mga mata ang pagkalito at ang binitiwang tingin sa akin ay mistulang nagtatanong, “Bakit puno ng galit ang puso mo para sa papa ko?”

Ngunit, sadyang sintigas na ng bato ang puso ko. “Winasak na nga niya ang mga pangarap ko, hanggang sa kasiraan ba ng buhay niya, idadamay pa niya ako?” bulong ko sa sarili.

Iyon ang huling pagkikita namin ni Lito, tatlong buwan na ang nakalipas.

Alas-tres ng hapon at pinagmasdan kong muli ang dalawang ibon. Doon ko nadiskubre na inakay na pala ang mga nilimlimang itlog. Naririnig ko pa ang mga mumunting iyak ng mga ito kapag pasulpot-sulpot sa pugad ang mag-asawang ibon upang pakakainin sila.

Sa eksenang iyon, naihalintulad ko ang sarili. Naghahanap sila ng makakain para sa anak nila at ako, napadayo sa ibang-bansa, lumipad din kumbaga sa malayo, upang mabigyan ng magandang bukas ang aking anak. At kagaya ng pagtutulungan nila, ganoon din kami ni Lito. Bagamat sa simula nga lang… 

Habang nag-eenjoy akong pinagmasdan sila, nagulat naman ako sumunod na nangyari. Aksidenteng nahagip ng dumadaang sasakyan ang isa sa mag-asawang ibon habang lumilipad ito patungo sa kanyang pugad. Bumagsak ito sa damuhang parte sa ilalim ng puno, malayo-layo sa kalsada. Hindi na nito magawang lumipad pa.

Hindi ko alam ang gagawin sa nasaksihan. Nataranta na rin ako sa sobrang pagkabigla, hindi alam kung kukunin ko ba ito at gamutin, o hayaan na lang sa kinalalagyan. Ngunit napag-isip-isip ko na wild ito, at baka kapag kinuha ko, magpipiglas lang at lalong makasama.
At doon ako namangha at naantig ang damdamin noong makita ng kapartner ng ibong natamaan ang nangyari. Lumapit siya dito at mistulang pinapalakas nito ang loob ng kapartner na nasaktan, nag-iingay na parang nagsisigaw o may sinasabi, hindi niya ito iniwan. Noong makitang hindi na talaga ito makalipad, saka niya ito iniwan pansamantala at noong bumalik, dala-dala sa kanyang bibig ang pagkain.

Ngunit patay na ang partner niya.

Hindi ko alam kung ano ang tunay na naramdaman ng naiwanang ibon sa pagkakita niyang lugmok na ang kanyang kabiyak. Tinuka-tuka niya ang pakpak nito na pilit ipinabalik ang malay. Lumulundag-lundag paikot sa patay na katawan, patuloy ang pagtutuka dito hanggang sa marahil ay nawalan na ng pag-asa, huminto din siya. Ngunit patuloy pa rin itong nag-iingay na parang isinisigaw ang kanyang paghihinagpis.

Maya-maya, lumipad siya patungo sa isang sanga at humapo doon. Nagpalipat-lipat; hindi mapakali o ni makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.

Hindi ko lubos maisalarawan ang naramdaman. Isang hayop lang ito ngunit dama ko ang paghihirap niya. Alam ko ang tindi ng sakit ng mawalan ng minahal. Ramdam ko pa rin ito sa puso ko.

Naalala ko ang mga inakay niya; awa ang naramdaman ko para sa kanila sa pagkawala ng isa sa kanilang mga magulang.

Maya-maya din lang, lumipad ito at bumalik sa pugad, ipinagpatuloy ang pagpapakain sa kanyang mga inakay. Naantig naman ang aking damdamin. Sa kabila ng nangyari, instinct para sa kapakanan ng mga inakay niya pa rin ang sinunod. Nawala man ang partner niya, pilit pa rin niyang binuo ang pamilya niya, ipinagpatuloy ang pagtaguyod na mabuhay ang mga inakay na umaasa sa kanya.

Sobrang napa-“Wow!” ako sa ipinakita niyang kagandahang-loob. Oo nasaksihan ko ang masaklap na nangyari sa kanya, na maituturing na kasing sakit din ng naramdaman ko. Ngunit hindi ito naging dahilan upang magalit siya sa mundo; upang sirain niya ang buhay niya at ang buhay ng mga umaasa sa kanya…

Biglang pumasok sa isip ko si Andy at ang palagi niyang pagtatanong kung saan na napunta ang kanyang ama. Sumagi din sa isip ko ang inosenteng mukha ni Junjun at ang titig nitong binitiwan na mistulang may ibinatong tanong na kumurot sa aking puso, “Bakit puno ng galit ang puso mo para sa papa ko…?”

Isang munting hayop ang nagbukas ng aking mga mata sa kahalagahan ng pagmamahal; sa kahalagahan ng pagtaguyod at pagbuo ng buhay at pamilya.Hatak-hatak ang anak naming si Andy, agad kong tinungo ang address na binigay ni Lito kung saan sila nakatira. Alas-syete ng gabi noong matunton ko ang lugar na sinabi - isang squatter area. Tinahak ko ang makitid na eskinita at noong marating ko ang bahay niya, napansin kong madilim ang loob.

“Natutulog na po ang mag-ama!” sabi sa akin ng isang kapitbahay. “Madalas maagang natutulog ang mga iyan.” Dugtong pa niya.

“Lito!” Sigaw ko.

Maya-maya, lumabas si Junjun, kinuskos-kuskos ng isang kamay ang mga mata at noong makita ako, napasigaw ng “Tita Mira!” sabay takbo palapit sa akin at nagmano.

Ewan ko, ngunit sa inasal ni Junjun kung saan kusa na lang itong lumapit sa akin bagamat hindi pa niya ako lubusang kilala, pakiramdam ko ay lumambot ang puso ko. Alam ko na kung si Andy ay sabik na sabik na makita at makasama ang kanyang ama, si Junjun ay naghahanap din ng pagkalinga ng isang ina.

“O bakit hindi ka pa natulog?” ang tanong ko sa kanya.

“Hindi kasi ako makatulog e.”

“Bakit?”

“Nagugutom po ako. Sabi kasi ni papa, matulog na lang kami kasi wala kaming pagkain. Bukas na lang daw po maghahanap si papa…”

Mistulang namang piniga ang puso ko sa narinig. At nagisnan ko na lang ang sariling niyakap at kinarga ko ang bata sa aking mga bisig. At habang karga-karga ko siya, hindi ko maiwasang hindi pumatak ang aking mga luha.

“O… e… dapat lang na hindi ka pa matulog dahil kakain pa tayo kasama ang kuya Andy mo sa labas e!” Ang sambit ko.

“T-talaga Tita! Yeeeeeyyyy!” sigaw niya, ramdam sa boses niya ang sobrang kagalakan.

“Oo naman!”

Maya-maya lumabas naman si Lito, kitang-kita niya ang kasayahan namin ni Junjun.

Tinitigan niya ako. “N-napatawad mo na ako?”

Binitiwan ko ang ngiti bagamat dumadaloy pa rin sa pisngi ko ang mga luha. “Tinatanong pa ba iyan?” sagot ko. At sabay lingon sa anak aming si Andy, “Andy… siya ang papa mo. Naalala mo pa ba siya? Hug ka sa papa mo, dali!” ang paghikayat ko.

Hindi ko lubusang maisalarawan ang kasiyahang naramdaman sa pagkakita ko sa eksanang nagyakapan ang mag-ama, bakas sa kanilang mga mukha ang ibayong kaligayahan at kasabikan sa isa't-isa. Muli akong napaiyak.

“Anak, miss na miss ka na ni papa… Pa-kiss nga si papa.” sambit ni Lito sabay halik sa pisngi ng anak.

“Na-miss din kita papa…” ang inosenteng sagot din ni Andy.

At naalimpungatan kong nagyakapan na kaming apat.

Iyon ang simula ng pagkabalikan namin ni Lito at ang muling pagkabuo ng aming pamilya. Masayang-masaya ako dahil sa muli naming pagsimula, nadagdagan pa ito ng isang munting anghel – si Junjun. At dahil napalago ko rin naman ng paunti-unti ang sari-sari store ko, kahit papaano ay naitataguyod pa rin namin ang aming mga pangangailangan pati na ang regular na check-up at maintenance na gamot ni Lito.
Ngayon, sinimulan na naming muling buuin ang aming mga pangarap. Ipinangako rin namin sa isa’t-isa na kahit ano man ang mangyari, patuloy naming itaguyod at panatilihing buo at mas matatag ang aming pagsasama bilang isang pamilya. Hindi na namin hahayaang mawasak muli ang aming binuong mga pangarap, lalo na para sa aming mga pinakamamahal na supling na sina Andy at Junjun.

Alam ko na marami pang darating na bagyo at unos ang magtangkang sumubok sa aming pagsasama. Ngunit handa naming harapin ang mga ito; gaano man katindi, gaano man kahirap...

Hindi ko na nakita pang muli ang ibon at ang kanyang mga inakay sa puno na iyon. Ang taging natatanaw ko na lamang sa sanga nito ay ang kanilang pugad na nagsilbing ala-ala ko sa simpleng leksyon na natutunan ko sa buhay. Saan man sila napadpad, alam kong malaya na rin silang lumipad, tumahak, at humarap sa mga sariling pagsubok sa kanilang buhay.

Wakas.

Read more...

Someone Like Rhon 1

Tuesday, February 22, 2011

by Joshx
North Luzon - 20 September 2011

“Ingat ka sa Korea. Salamat din sa pagiging kuya mo sa akin all these years.”

Kahit na ilang oras na ang nagdaan, dinig ko pa din sa aking isip ang boses ng aking kapatid na si Rhett. Sa labas ng bintana ng sinasakayan kong commuter bus ay wala man lang akong makitang scenic view sa dinadaanan dahil malalim na ang gabi. Papunta na ako ng Diosdado Macapagal International Airport sa Clark Field, Angeles City, Pampanga.

Sa loob din ng ilang araw na feeling restless, iyon lang ang gusto kong marinig kay Rhett tanda na napatawad na niya akong tuluyan at para panatag na rin ang loob ko sa pag-alis mamayang alas-dos ng madaling araw pabalik ng South Korea.

By this time, siguradong nagkaliwanagan na sila Rhett at Brando at malamang baka nasa isang pribadong lugar na sila at this time consummating their love for each other.

Si Brando ang aking ex-boyfriend more than ten years ago. I broke up with him when I met his younger brother Stephen only to realize later that I still love him. Pero hindi na pumayag si Brando na balikan ko siya. Hindi rin naman niya ako napapayag na ipagpatuloy pa ang pakikipag-relasyon sa kaniyang kapatid na sa sobrang depression ay nag-suicide at namatay.

Several days ago, umuwi ako ng Pilipinas from South Korea to remind my brother Rhett who fell in love with Brando to stay away from him.

Read more...

Part 7 : Engkantadong Gubat

Sunday, February 20, 2011

By: Jayson
Genre: Homo-erotic, Fantasy
Note: Pasensya na po talaga at medyo natagalan bago ako nakapag post ng update sa kwento kong ito. salamat kay Mike Asfaq at  sa lahat ng nag email sa akin at nag request ng karugtong ng kwentong ito. At para doon sa sa mga mambabasa na nag request ding mabasa ang kabuuan ng kwento ni Fredo, wag po kayong mag alala, tatapusin ko ang kwentong iyon pagkatapos kong wakasan ang mahiwagang paglalakbay ng mga silahis nating bida. Malapit na po!

--ooOoo----ooOoo----ooOoo----ooOoo----ooOoo----ooOoo--


Kinaumagahan, sinlamig pa ng nyebe ang pakikitungo ng dalawa sa isat isa. Kumain sila ng agahan, nilinis ang sarili, nagbalot ng mababaon sa panibagong paglalakbay at humayo sa kweba. Ni hindi man lang nagkibuan o nag usap si Jed at Joseph. Nang sumapit ang tanghalian, nakaramdam na naman ng pamilyar na sensasyon sa katawan si Joseph, mainit at naglalaway siya habang tinitigan ang batang si Jed. Ang bata naman ay lalong naging mapang akit, nagpalitan lamang sila ng mga nakaw na sulyap ngunit hindi parin nag uusap.

“Ngayon munting nilalang, pagmasdan mong maigi ang susunod na mangyayari, sapagkat ang susunod na pagsubok ay sigurado akong kapana-panabik.”

“Paano pong kapana-panabik panginoon? Ano po ang ibig ninyong sabihin?”

“Ang nakatatandang lalaki ay napaka aktibo at malibog, marami na itong karanasan sa babae at sa lalaki. Kapag nahaharap ito sa sitwasyon kung saan susubukin ang pagpigil niya sa kanyang tawag ng laman ay sigurado akong mabibigo ito. Sapagkat mas makapapangyarin ang ibaba niya kaysa kanyang utak. Ngayong araw na ito haharapin nila si Lorena, ang pinaka magandang kataw at nakakaakit na espiritu ng tubig. At upang malagpasan ang pagsubok nito, dapat nilang labanan ang kalibugan at iwasan ang makipag talik sa kanya.”

“ano po ang mangyayari kung, isa sa kanila ay makikipagtalik sa kataw na si Lorena?”

“Iyan ang kapana-panabik munting nilalang sapagkat ang kataw na si Lorena ay magpapakita sa gitna ng lawa, ngunit may bantay itong lalaking espiritu ng tubig, si Agwador. Ang sinumang sumubok na lapitan ang kataw na si Lorena ay siguradong di na makakasilay ng umaga. Mararating lamang nila ang kinalalagyan ni Lorena gamit ang mahiwagang tungkod.”

“Sa tinging niyo po panginoon, tatablan sila sa awit at alindog ni Lorena?”

“Napakagandang tanong munting nilalang. Ang nakakatandang lalaki ay siguradong tatablan at di nito malalabanan ang pagnanasang makipagtalik kay Lorena; sigurado akong mabibighani siya sa awit ng kataw at hindi na makakapag isip pa ng matino. Ngunit ang bata, bagamat malibog din ito, wala pa naman itong karanasan sa mga babae kaya di ako sigurado kung tatalab sa kanya ang awit at alindog ni Lorena. Tingnan nalang natin.”

Gaya ng dati, walang hudyat ang pagdating ng susunod na pagsubok, Isang ikot pa lang sila sa tinhahak nilang daan ng matanaw nila ang isang malaking lawa at sa gitna nito ay isang malaking bato na mukhang maliit na isla. Sa ibabaw ng batong iyon, namataan nila ang isang nilalang, ang kalahati ng katawan nito ay isang nakakabighaning dalaga habang ang kalahati ang buntot ng isang isda na kulay ginto. Nang makita sila ng nilalang, bigla itong tumay at nagbagong anyo. Ang dating kulay ginto na buntot ay naging isang pares ng malalambot at mapuputing paa. Walang saplot ang dalaga at kahit mula sa malayo ay matatanaw ang isang napakagandang hubog ng katawan. Biglang binalot ang paligid ng isang mahika ng magsimulang umawit ang magandang nilalang. Isang awit na nakakapukaw ng nagsusumidhing damdamin at kalibugan. Nang marinig ito ni Joseph, napako ang mga mata niya sa dalaga, nagmistulang blanko ang mukha nito at dahan dahang tinungo ang lawa upang puntahan ang kataw na si Lorena.

Pinagmasdan ni Jed so Joseph habang nagsimula itong lumusong sa tubig, ang kamay  nito ay pilit na inaabot sa napakandang kataw. Biglang nahintakutan si Jed ng makita niyang nagsimulang umikot ang tubig sa paligod ni Joseph. Nilamon ng tubig ang lalaki at hindi na niya ato makita.Akala niya ay wala na ang lalaki ng bigla itong niluwa ng lawa sa may pang-pang, nagsusuka at halos di na makahinga, biglang may mataas na alon ang paparating na lalamon ulit sa lalaki ng dalidaling tumakbo si Jed, sinagip ang lalaki at dinala sa dalampasigan.

“Ano ang nangyari sayo?” tanong ni Jed, noong makaligtas na sila sa malaking alon.

“Lorena, Lorena ang kanyang pangalan. Hindi mo ba naririnig ang kanyang awit?”

“Narinig naman, pero ano naman ngayon? Anong mero sa kanyang awit”

“Kung ganun wala kapang karanasan sa babae?”

“Wala pa,” sagot ni Jed na medyo nahihiya, “May problema ba dun?”

“Syempre, si Lorena ay isang kataw, isang makapangyarihang uri ng serina; narinig ko na ang tungkol sa kanila noon kay Sir Jayson. Walang sino mang lalaki ang nakakalaban sa kanilang kapangyarihan, ang sino mang lalaking makarinig sa awit nila ay mahihipnotismo at tuluyang lalamunin ng tubig.”

“So, bakit wala man lang itong epekto sa akin?”

“Sapagkat, lalaki ang una mong karanasan at hindi ka pa nakaranas makipagtalik sa mga babae. Bilisan mo, hilingan mo sa tungkod mo na maging bingi ako ng sa ganun ay di ko marinig si Lorena kapag umawit itong muli!”

“Una, sabihin mo kung ano pa ang alam mo tungkol sa nilalang na ito.”

“wala akong masyadong alam, ngunit sabi ni sir Jayson, manghihina at tuluyang mawawalan ng kapangyarihan ang mga kataw kapag may isang lalaki ang makakalaban sa tawag ng laman.”

“Kung ganun, kahit mabingi kaman hindi pa rin mawawala ang kapangyarihan nito?”

“Sa tingin ko ay ganoon na nga.”

“Pero kapag makahanap tayo ng paraan na malaban ito, mawawala ang kanyang kapangyarihan tama ba?”

“Tama ka, pero imposible iyan, kailangan mong gamitin ang tungkod. Pwdeng hilingin mong maging bingi ako o gumawa ka ng isang malakas na ingay upang di ko marinig ang awit nito.”

“Per kapag ginawa natin yan, maaring malampasan natin ang kataw na si Lorena, ngunit papaano kapag may naligaw ditong ibang lalaki? Alam kong may iba pang paraan,” sabi ni Jed na nag-iisip.

Naupo si Jed sa tabi ni Joseph sa tabi ng dalampasigan ng lawa ng biglang may ideya siyang naisip. Sa punto namang iyon muling umawit si Lorena at si Joseph naman ay muling nahipnotismo at tumayo, blanko ang mukha at akmang lulusong ulit sa lawa. Biglang pinigilan ni Jed si Joseph, hinila nito ang soot na pantalon, kinapa ang alaga ni Joseph na sa puntong iyon ay tigas na tigas na. Blanko parin ang mukha ni Joseph at hindi man lang pumalag sa ginawa ni Jed. Tuluyang hinubad ni Jed ang pantalon ng lalaki at hinawakan ang matigas na laman sa loob nito. Sinalsal ng saglit hanggang sa tuluyan niya itong isubo. Nakaluhod si Jed sa harap ni Joseph habang ang kanyang ulo ay taas baba na nilalaro ang alaga ng lalaki. Ang blankong mukha ni Joseph ay biglang muling nabuhay at ang kanyang mga mata ay tuluyang pumikit sa kiliti at sarap na dulot ng mga dila ni Jed na dahan dahang humhagod sa ulo at sa kabuuan ng kanyang alaga. Lalo pang lumakas ang awit ni Lorena, ngunit tila nababaliw na sa sarap si Joseph at di na niya inintindi pa ang engkantadong awit ng kataw. Huminga siya ng malalim, hinawakan ang ulo ni Jed, nakapikit ang mata na nakatingala sa bughaw na kalangitan. Halos mabilaukan si Jed ng parang gripong dumaloy ang dagta ng alaga ni Joseph sa kanyang bibig, ngunit wala siyang sinayang at sinaid niya ang kahuli-hulihang patak ng dagta ng lalaki. Nanghina si Joseph at ng ibuka niya ang kanyang mata, napansin niyang napakahina na ng awit ni Lorena. Nakita nilang umikot ang tubig ng lawa palibot sa batong kinauupan ni Lorena at tuluyan itong lumubog sa tubig. Kasama sa paglubog nito ang isang babaeng may buntot.

“Hindi ko inakalang, sa ganoong paraan lamang matatalo si Lorena. Kahanga-hanga! Munting nilalang mukhang naubusan din ng lakas ang mga bisita natin, ihanda mo na ang kanila hapunan at magtatakip silim na rin.”

“Ano po ang iniisip nyo ngayon panginoon?”

“Paano kaya kung pagandahin mo ang kwebang matutulugan nila ngayong gabi, maghanda ka ng mas masarap na pagkain, naaliw ako sa magkaparehang ito at dapat lamang na komportable sila ngayong gabi.”

“Gaya ng inyong itos panginoon, masusunod po.”

Pagkgat ng dilim, gaya ng dati muling lumitaw sa isang pang-pang ang bunganga ng kweba. Agad nila itong pinasok at napanganga sila sa kanilang nakita. Imbes na mesa na may masasarap na pagkain ang una nila napansin ay ang isang tambak ng kayamanan na nakalatag lamang sa sahig ng kweba. Sa ibabaw ng kayaman ay may isang hayop na sinlaki ng kalabaw, may apat na paa, dalawng malalaking pakpak at ang ilong nito ay umuusok. Buti nalang tulog ang nilalang na iyon. Agad na lumabas ang dalaw sa kweba, dahan dahan upang di magising ang dragon na nakabantay dito.

“Hindi kapani-paniwala,!” sabi ni Jed.

“Hindi pa ako nakakita ng ganoon karaming kayamanan sa tanang buhay ko,” sabi naman ni Joseph. “Kung mananakaw ko lang  kahit ikasampong bahagi lamang ng kayamanang iyon, sigurado akong hindi na ako maghihirap.”

“Marahil ay tama ka, ngunit sa tingin ko di na rin magtatagal ang buhay mo kapag nagising mo ang bantay nitong dragon.”

“Tama ka Jed, pwede mo bang hilingin na magkaroon tayong muli ng dalawang espada upang mapatay natin ang halimaw na iyon?”

“Hindi na kailangan, hindi na kailangan. Hindi mo ba napansin na may dalawang espada sa kabilang dako kung saan nakalatag ang kayaman?

“Talaga meron?”

“OO meron, at sa tingin ko ay isanng patibong ang kayaman. Sadya itong pinakita sa atin upang magulihan tayo.”

“So, papasokin natin muli ang kweba ng dahan dahan, kuninnatin ang mga espada saka patayin ang dragon, pagkatapos iuwi na natin ang kayamanan.”

“Sa tingin ko ay hindi ganyan kadali ang lahat. Kahit pa na ipalagay nating pwede nating gawin yun, papano naman natin mabubuhat ang napakaraming kayamang iyon?”

“Eh di, kunin lang natin ang kaya nating buhatin, o ano, game ka bang subukan natin?”

“Joseph, sa tingin mo ay may pagpipilian kaya tayo?”

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Sa tingin ko ay kailangan talaga nating patayin ang dragon upang may matutulugan tayo ngayong gabi.”

“Bahala na, subukan nlang natin. Bakbakan na..”

-itutuloy-

Ano kaya ang susunod na mangyayari? i-koment lang po ninyo ang inyong opinyon...hehehe

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP