Author's Note: Sorry po sa sobrang tagal na update. Masyado lang po kasing busy sa school and sa pag-aayos ng mga requirements for college applications. Pasensiya na po talaga :(
Maraming salamat po sa mga nagbasa ng last episode. Again sorry po talaga.
Oh and btw, a quick recap: Jessa is Mr Santos' wife. Vincent is their son. The main character's name is Marvin Theopher,. Napansin ko kasing napapagbaligtad ng iba yung mga names hehehe.
Anyway eto na po ang Episode 14. Sana po magustuhan niyo. Just leave comments below.
Episode 14 - Forgive me
---------------------------------------------------
“Jessa? What are you doing here?” I asked her. What brings her here? How did she even know kung saan ako nakatira? And why is she crying? Did something bad happen?
“Marvin’s at the hospital..” she said.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung anung dapat kong maramdaman. Ayan na naman ako. Should I feel happy na kinarma siya? Or should I feel sad about it? Parang ang sama ko naman kung magiging masaya pa ako, nasaktan na nga yung tao. Pero teka, sinaktan din naman niya ako diba? Hindi ba pwedeng fair na kami ngayon?
“He wants to see you..” she said.
“Why?” tanong ko.. gusto niya akong makita? Baka naman kapag nagkita kami eh mapadali ang kamatayan niya.
“Please… this is his only wish before he…” she stopped for a while. “Before he dies…” she said.
“Before he what? What do you mean? He’s going to die?” I was shocked with what I heard. He’s going to die?
“He didn’t tell you?” she was surprised too.
“No..” I just said. Tell me about what? Is she telling me the truth? Or baka naman niloloko land din niya ako gaya ng panlolokong ginawa sa akin ng asawa niya.
“He has diabetes. He’s been better before.. pero nitong mga nakaraang linggo, bumalik ang panghihina niya, hindi namin alam kung bakit, kapag naman sinasabi namin magpatingin siya sa doctor, sinasabi niya pagod lang siya.. hanggang sa nitong mga nakaraang araw, palagi na lang siyang malungkot at umiiyak, hindi natutulog.. at ikaw lang ang hinahanap niya. lagi niyang ipinagpipilit na puntahan ka, gusto ka raw niyang hingan ng tawad..nung isang araw, nag-collapse siya at isinugod namin siya sa ospital. The doctors said that he can only be better if he helps himself, and I don’t think he’s considering on helping himself.. I don’t know what to do.. he doesn’t want to eat..he doesn’t wan to talk to anyone, not even to his own child..” pagsasalaysay niya. Nagsimula na siyang umiyak. “All he wants is to see you..”
Bigla akong napatulala. This is all because of me. He’s there in the hospital because of me, because I made everything worse, and his family is suffering because of me. And he will die if I don’t go to him..Pero hindi ko alam kung paano siya haharapin? Anung sasabihin ko sa kanya?
“I promised him that I will bring you to him. Please Theopher, you’re our only hope.. hindi ko alam kung anung gagawin ko kapag nawala siya. I don’t want to lose him. Paano na kami ng anak namin?” sabi niya.
Si Vincent, ang anak ni Jessa at ni Mr. Santos. Bigla kong naalala ang mukha ng bata. Ang bata pa niya para mawalan ng ama. Ang bata pa niya para pagdaanan ang lahat ng ito..
Biglang may tumusok sa puso ko. Now isn’t the time to be mean and heartless. Kahit na malaki ang kasalanan niya sa akin, hindi ko maiwasang isipin ang isang inosenteng batang masasaktan kapag pinairal ko ang pride ko.
So I decided to come with her. Hindi naman ako ganun kasama para tanggalin ang karapatan ng isang bata na ma-enjoy ang buhay kasama ng kanyang ama. Kung ako lang ang makakapagligtas sa kanya, kahit labag sa loob ko, gagawin ko.
“What hospital is he in?” I asked her.
And she told me what hospital his husband is admitted. Bigla namang lumabas si mommy sa likuran ni Jessa.
“Anak? What’s happening here? May problema ba?” tanong niya.
“Mommy!” sabi ko. “U-Uhhmm nothing mom..” I just told her.
Kaagad pinunasan ni Jessa ang mga luha niya at pinilit ngitian si mommy.
“Uhh mom, lalabas lang po ako saglit, sasamahan ko lang po itong kaibigan ko, nasa ospital po kasi yung asawa niya.” Paalam ko kay mommy.
“Ha? Bakit anung nangyari?” tanong ni mommy.
“Mahabang kwento po, kailangan na po namin umalis mommy, magpapahatid na lang po kami sa driver natin. At pakisabi na lang po kay Paul na aalis lang ako sandali.” Sabi ko na lang.
“O sige mag-iingat kayo ha.” Sabi ni mommy.
At umalis na kaming dalawa ni Jessa sa bahay namin. Hindi na ako nagpalit pa ng damit. Hindi kami nag-usap sa daan. And the silence started to creep me out. I became nervous all of a sudden. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kapag nagkita na kami.. Baka hindi ko mapigilan ang galit ko. Baka lumala lang siya kapag mali ang sasabihin ko. Pero nagtaka ako, alam na kaya niya and kung anu ang maeron kami noon ng asawa niya? Natatakot naman akong magtanong. Mukha namang hindi pa niya alam, dahil kung alam na niya, hindi siya pupunta sa bahay namin para kumbinsihin akong sumama sa kanya,. Kung alam niya kung anu yung nangyari, edi sana pinatay na niya ako kanina pa.
Mga ilang oras din ang nakalipas at narating din namin ang ospital. Mabuti na lang at walang traffic. Nagmamadaling naglakad si Jessa papasok ng ospital. Sinundan ko naman siya. We passed a dozen of rooms. May isa pa nga kaming nadaanan na isang kwarto na may nag-iiyakan. Bigla akong napatigil sa paglalakad. Nakadama ako ng matinding lungkot sa aking nakita.
“Itay!! Bakit mo kami iniwan?!” sigaw ng isang batang babae habang umiiyak sa harap ng bangkay ng kanyang ama.
“Roman!! Bakit?! Roman!” sigaw naman ng isang babae, marahil ay iyon ang asawa niya.
Patay na ang padre de pamilya. Lahat ng anak niya at ang asawa niya ay nasa paligid niya. Mas lalo akong nahabag ng makita ko ang isang batang umiiyak, nasa limang taong gulang pa lamang siya marahil. Nakita ko sa kanya ang anak ni Jessa. Iyak ng iyak yung bata. Hindi ko na napigilan na pumatak ang luha ko. Ng mapalingon ako sa kaliwa ko, nakita ko si Jessa na lumuluha habang nakatingin lang din sa pamilyang nag-iiyakan. Marahil ay nagtatanong siya sa sarili niya na, paano kung ganoon ang mangyari sa kanilang mag-ina? Paano kapag namatay ang asawa niya? Kakayanin kaya niya?
Bigla siyang napatingin sa akin at pinunasan ang mga luha niya. Tumango siya at nagsimula muli siyang lumakad. Tumingin akong muli sa pamilya bago sinundan si Jessa. Mga ilang kwarto rin siguro ang nilampasan pa namin at narating na namin ang kwarto ng asawa ni Jessa.
Nasa labas yung anak niya at may kasamang lalaki, marahil ay kapamilya nila. Umiiyak yung bata.
“Mama!” sabay takbo ng bata sa nanay niya. “Hindi na ako love ni Papa! Ayaw niya ko usap! Di na niya ko love!”
Parang may tumusok sa puso ko. Umiiyak ang batang ito at iniisip niya na ayaw sa kanya ng daddy niya at hindi na siya nito mahal. Kawawa naman siya.
Iyak pa rin siya ng iyak. Niyakap siya ni Jessa. “Anak, don’t say that.” Hinarap niya ito at hinawakan sa magkabilang pisngi. Pinahid ang mga luha niya ng kanyang ina. “Mahal na mahal ka ni Papa. Okay? Lagi mo yang tatandaan. Mahal na mahal ka niya. At mahal na mahal ka rin ni Mama. Okay?” sabi niya. Umiiyak na rin si Jessa.
“Vincent.” Sabi ko. Humarap sila sa akin. Umupo ako para magkalevel kami nung bata. Hinawakan ko ang mga braso niya. Nakatingin lang siya sa akin habang lumuluha pa rin.
“Tama ang sinabi ng Mama mo,. Mahal na mahal ka ng Papa mo.” Sabi ko.
“eh bakit ayaw niya usap sa akin?” sabi niya.
“May problema lang kasi ang Papa mo ngayon. Pero don’t worry, promise ko sa’yo, kakausapin ko ang daddy mo.” Sabi ko. “Tapos papagalitan ko siya kasi pinapaiyak ka niya.” Sabi ko sabay tawa. Natawa rin naman ang bata. I can’t take it when I see a kid crying. Kahit na hindi kami magkakilala, feeling ko kapatid ko yung bata, at sobra akong naaapektuhan kapag umiiyak sila.
“Talaga po?” sabi niya.
“Oo, promise ko sa’yo yan.” Sabi ko.
“Tenchu!” sabi niya sabay yakap sa akin. Niyakap ko rin naman siya. Napaluha naman ako. I have to do something. Kawawa naman itong batang ito, walang kamalay-malay, wala namang ginagawang masama, wala namang kasalanan, pero nagdudusa siya ng ganito.
Pagtingin ko kay Jessa, nakangiti lang siya sa akin at sinabing, “thank you.”
“O, wag ka na iyak ha.” Sabi ko sa bata. Tumango naman ito.
“O, Vincent, kay tito Mark ka muna ha. Pupuntahan lang namin si Papa mo sa loob” sabi ni Jessa. Sinunod naman siya nung bata.
Tumayo ako para sundan si Jessa papunta sa pinto ng kwarto ng kanyang asawa.
Binuksan ni Jessa ang pinto. Pumasok siya, ako nama’y tumigil sa harap ng pintuan. Parang may biglang pumigil sa akin. Parang hindi ko siya kayang makita. Hindi ko alam kung bakit.. Para akong estatwang nakatayo sa harap ng bukas na pintuan. Tumalikod si Jessa at niyaya akong pumasok. Nakatitig lang ako sa kanya. Parang gusto ko na lang umalis. I was about to run away when I heard a voice.
“Nandiyan na ba si Li-” napatigil siya sa pagsasalita. “Si Theopher?” tanong niya.
His voice was soft, like he’s whispering and trying to get some air to talk.
“Yes hon, he’s here.” Jessa replied. Pinuntahan niya ako sa pinto. “Theopher,” sabi niya at saka tumango.
Kinakabahan pa rin akong harapin siya. Sinubukan kong galawin ang mga paa ngunit parang ayaw nitong gumalaw. Nilapitan ako ni Jessa at saka kinuha ang mga kamay ko. Niyaya niya ako para pumasok sa loob. Wala nang nagawa ang mga paa ko kungdi ang sumunod kay Jessa.
I was shocked when I saw him. He looks different now. It’s only been days since the last time I saw him, and now look at him. He looks paler, his eyebags darker and his eyes are red, probably because of all the crying he did. He also looked thinner.
He smiled at me. I can’t help not to weep. A tear fell off my right eye. This is all my fault. He is here because of me and he’s dying because of me.
“Pwede mo muna ba kaming iwan dalawa dito? Gusto ko lang siyang makausap.” Sabi ni Mr. Santos sa kanyang asawa.
Tumango naman si Jessa at lumabas na ng kwarto. Pagkasara ng pinto, nanatili pa rin akong nakatayo at nakatingin sa kanya.
“Little Vinvin ko.” Sabi niya.
Sa pagkakarinig ko ng sinabi niyang iyon, biglang nagflashback sa isip ko ang lahat ng nangyari sa amin: the first time we met, the first time he made me feel like there are butterflies in my tummy, the first time I saw him in person, the first time I hugged him, and also the first time I realized that loving him is the biggest mistake I made. That even brought more tears to my eyes. But I can’t feel the anger anymore. All I have inside me right now is pity; pity on him. And also regrets. Nagsisisi ako naging harsh ako sa kanya. Kung alam ko lang..kung alam ko lang.
He stretched out his hand to reach me. I went near and sat beside him. I actually held his hand. It was cold. At first I don’t want to touch his hand, not because I’m not yet ready, but I was afraid that I might move the tube thingy of the dextrose connected to him. Speaking of ready, I don’t know what came in to me, maybe I was possessed by a “good” soul or something, but I suddenly felt like I have no grudges for him.
“I’m sorry..” he said. At nagsimula na siyang umiyak. It broke my heart even more to see him cry. “I’m sorry dahil nagsinungaling ako sa’yo, I’m sorry dahil nasaktan kita, I’m really really sorry.” Dagdag pa niya.
I don’t know what to say. Ilang beses na siyang naghihingi ng tawad sa akin. At hindi ko masabing, kalimutan na lang natin ang mga nangyari and move on. Dahil maski sa sarili ko, hindi ko alam kung napatawad ko na nga ba talaga siya sa nangyari. Kaya tinanung ko na lang siya, “Why didn’t you tell me about your illness?”
“Because ayokong kaawaan mo ko, ayokong maging mabait ka sa akin ng dahil lang sa may sakit ako. Gusto kong tingnan mo ako bilang isang normal na tao.” He said.
“I never looked at you as if you were different. Even if you told me about this, nothing will change.” I replied. Ganun naman kasi talaga ako, oo, siguro may konting special treatments like hindi ko siya papagurin and all that, pero sa ibang bagay, hindi ko naman siya pipigilan at huhusgahan ang isang tao ng dahil sa sakit niya.
Natahimik lang kaming dalawa. Mga ilang segundo rin siguro ang nakalipas ng magsalita siyang muli.
“Buti naman at pumayag ka na pumunta dito.” Sabi niya.
“Because it’s my fault kung bakit ka nandiyan.” Sabi ko.
“It’s not yours, it’s mine. Ako nga diba ang nanakit sa’yo?” sabi niya.
“Pero ako yung nagmatigas na wag kang patawarin sa ginawa mo.” I can’t help not to feel bad. And because of that, nagsimula na akong umiyak.
“Kung hindi lang ako nagsinungaling sa’yo, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kasalanan ko! Sana mamatay na lang ako. Para mapatawad mo ko..” sabi niya.
“Don’t say that!” sabi ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung magpapakamatay siya ng dahil sa akin.
“But if it is the only way, then I’ll” napatigil siya at napahawak sa dibdib niya. “Ahh!” sabi niya.
“Are you ok?!” nagsimula na akong mag-panic.
“Yeah, I’m okay,” he said. At medyo kumalma na siya. Kumirot siguro ang dibdib niya.
Natakot ako bigla, akala ko may masama ng nangyari. “Do you want me to call the nurse?” I asked.
“No. It’s okay, I’ll be fine.” He said.
Nagkatitigan lang ulit kami.
“Your wife…told me that you don’t want to talk to anyone, nor to eat.” Sabi ko.
Hindi naman siya sumagot.
“Your son is crying outside, he told me na ayaw mo raw makipag-usap sa kanya. Iniisip niya na hindi mo na siya mahal. Iyak siya ng iyak. Hindi ka ba naaawa sa kanya?” tanong ko.
Hindi siya sumagot.
“Don’t do this to yourself…kuya.” I said.
At sa pagkakarinig niya ng salitang “kuya”, his face lit up.
“You called me kuya…I miss you calling me that…” he said, and he started to cry again.
“You have to be strong… labanan mo tong sakit mo…wag mong hayaang maging hadlang ako sa paggaling mo…because, I…” napatigil ako…siguro nga ito na ang tamang oras para sabihin ko ito. “I forgive you.”
Napangiti siya ngunit lumuluha pa rin.
“But you have to forgive yourself too… Your wife needs you, your son needs you…” I said.
Siguro’y na-realize niya na tama ang sinasabi ko. Niyakap niya ako bigla. “Thank you..” sabi niya
Napatawad ko na siya. Besides, ako rin naman talaga ang may kasalanan, kung hindi ako nagpahulog, edi sana hindi mangyayari ang lahat ng to. Pero on the second thought, kung hindi nangyari ang mga bagay na ito, edi hindi ko malalaman na mahal pala ako ni Paul. Hindi ko masasabi sa kanya na mahal ko rin siya. Hindi magiging kami. Hindi ako magiging masaya ngayon, diba? So Kahit na ilang timbang luha ang lumabas sa mga mata ko, mero pa ring magandang kinalabasan. tama nga ang sabi nila, there’s a rainbow after the rain.
Napaluha na lang ako. Hindi dahil sa lungkot, kungdi dahil sa saya. Masaya ko ngayon kasi ang gaan gaan sa loob na wala nang galit, wala ng kahit anong hinanakit.
Napansin niya ang pagluha ko. “don’t cry, it reminds me of what I did to you. And it hurts me.”
“Shhh, I already told you. Wala na yun.. kalimutan na natin yun. Okay?” sabi ko.
At nagngitian kami.
“Promise me, you will do whatever it takes to feel better… okay?” sabi ko.
“I promise.” He said, at hinawakan niya ang kamay ko.
Bigla ko namang naalala yung anak niyang si Vincent. “Wait lang ha.” Sabi ko at pumunta sa pinto.
“San ka pupunta?” tanong niya.
“basta.” Sabi ko na lang.
Lumabas ako at nakita ko sina Jessa at yung Mark. Nakakandong naman si Vincent sa nanay niya. Napatingin sila sa akin.
“Vincent, halika tawag ka ni daddy mo.” Sabi ko.
Nanlaki ang mga mata niya at bumukas ang kanyang bibig at nagpamalas ng isang matamis na ngiti. Kaagad siyang tumakbo papunta sa akin.
“Talaga po?!” sabi niya.
Tumango naman ako habang nakangiti. Nakangiti lang naman samin si Jessa.
“Tara?” sabi ko at tumango siya.
Binuksan ko ang pinto at pumasok kaming dalawa.
“Papa?” sabi ni Vincent.
“Anak.” Sabi naman ng tatay niya.
“Papa!” sabi nung bata sabay takbo sa papa niya. Kaagad itong umakyat sa kama ng papa niya at niyakap siya. “akala ko di mo na ko love.” Sabi niya.
“Sorry anak.. sorry.. hindi na mauulit anak..sorry..” sabi naman ng tatay niya.
Naluha naman ako sa nakita ko. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na rin pala si Jessa. Pagtingin ko sa kanya, nagpapahid na rin siya ng luha. Niyakap niya ako at bumulong, “Thank you, thank you so much.. Ito na siguro ang pinakamagandang Christmas gift na natanggap ko, ang bumalik sa amin ang asawa ko… Salamat talaga Theopher.. maraming maraming salamat.”
“Wala yun.” Sabi ko na lang.
Napatingin kaming dalawa sa mag-ama.
“Anak, lagi mong tatandaan ha, mahal na mahal ka ni papa. Wag mong iisipin na hindi kita love. At pagpasensyahan mo na rin ang papa ha. Nagagalit man ako minsan, pero hindi ibig sabihin nun hindi na kita mahal.” Sabi ng tatay niya.
“I love you too papa!” sabi naman ni Vincent.
Nagstay muna ako sandali at pagkatapos ay nagpaalam na rin. Bago ako umalis,
“Salamat.” Sabi ng asawa ni Jessa.
Nginitian ko naman siya.
“Magkikita pa ba tayo ulit?” tanong niya.
“Oo naman.” Sabi ko.
Ngumiti naman siya. “Ingat ka dun ha. Sabihin mo sa akin kapag pinaiyak ka ng boyfriend mo, bubugbugin ko yun. Lalo na hindi pa ako nakakaganti sa ginawa niya sa akin.” Sabi niya.
Bigla ko naman naalala na halos bugbugin nga pala siya ni Paul noon.
“Sorry nga pala sa ginawa sa’yo ni Paul ha.” Sabi ko naman.
“Wala yun, tama lang ang ginawa niya.” Sabi niya sabay tawa. “Pinoprotektahan ka lang niya, dahil mahal ka niya.” Sabi niya.
Ngumiti na lang ako. “Magpagaling ka ha. At wag mo nang papaiyakin yang si Vincent, sige ka kapag nagsumbong na naman sa akin yan, naku!” pagbabanta ko sa kanya.
“Opo! Parang ikaw pa ang kuya sa ating dalawa ha.” Sabi niya sabay tawa.
Natawa na rin ako. Okay na nga talaga kami. Siguro hindi mo maiaalis sa memory ko kung anung nangyari noon, pero handa akong kalimutan ang pride ko para magpatawad, lalo na para sa kapakanan ng maraming tao.
“Pwede ba kitang yakapin ulit?” tanong niya.
“Sure.” Sabi ko.
Niyakap niya ako at pagkatapos ay nagpaalam na ako sa kanila.
Masaya ako dahil wala na akong iniintinding problema, except sa pagtatago ng relasyon namin ni Paul. Wala ng galit sa loob ko. At puro saya na lang ang nasa puso ko. Siguro dahil na rin sa Christmas spirit kaya ganito ang nararamdaman ko. Mabilis kaming nakarating sa bahay namin.
Mga ilang oras din siguro akong nawala. Naabutan kong kumakain na ng tanghalian ang pamilya ko.
Pumunta ako sa dining area.
“Oh kamusta na yung kaibigan mo?” tanong ni mommy.
“Okay naman po siya.” Sabi ko naman.
Napansin ko namang wala si Paul doon.
“Si Paul po?” tanong ko.
“Nasa kwarto mo pa.” sabi ni mommy.
“Kumain na po ba siya?” tanong ko.
“Hindi pa nga eh, sabi niya hihintayin ka daw niya. Sabi ko nga baka matagalan ka pa, pero sabi naman niya na tumawag ka na pauwi ka na.” sabi ni mommy.
Huh? Pero hindi naman ako tumawag sa kanya ah. Hmmm..
“Ah sige po tatawagin ko lang po siya para makakain na rin kami.” Sabi ko na lang.
Kaagad akong nagpunta sa kwarto. Naabutan ko siyang nakahiga at nakatingin lang sa kisame.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
“San ka galing?” tanong niya.
“Pinuntahan ko lang si..” napatigil ako. Hindi ko masabi sa kanya yung pangalan, baka kasi magalit siya.. “Yung asawa ni Jessa.” Sabi ko.
Tumingin siya sa akin. Pagkatapos ay tumingin na ulit sa kisame.
“Naku, nagtatampo ang labs ko.” Sabi ko. First time kong gamitin yung word na “labs.” He calls me that, I think it’s corny, pero ayan lumabas na lang sa bibig ko.
“Bakit ba kasi pumunta ka pa dun?” sabi niya.
I sighed. “Paul, gusto ko lang naman maging maayos na ang lahat. Besides, it’s Christmas, shouldn’t we just forget all the bad things and be happy?” sabi ko naman.
He sighed. “Nag-alala lang naman kasi ako sa’yo. Baka kasi may ginawa na naman sa’yo yung bugok nay un.” Sabi niya.
“Awwee ang sweet naman ng labs ko.” Sabi ko.
“Siyempre naman, ayokong iiyak ang labs ko, lalo na ng dahil sa lalaki.” Sabi niya.
Hinalikan ko naman siya sa pisngi. Napangiti naman siya sa ginawa ko.
“Sa pisngi lang?” sabi niya.
“Aba, demanding!” sabi ko naman.
“Hmp! Wag na nga!” sabi niya. Tumayo siya at tinungo ang banyo.
Tumayo na rin ako at hinatak ko ang kamay niya. “Naku, tampo na naman ang labs ko.”
Hinarap ko siya sa akin. Binilot ko ang mga kamay ko sa leeg niya, nilagay naman niya ang mga kamay niya around my waist.
Nginitian ko siya at hinalikan sa labi.
Hindi ko napansing naiwan ko palang nakabukas ang pintuan. Nagulat na lang ako sa pagpasok ni Daddy.
“Anak hali-” napatigil si daddy sa kanyang sasabihin.
Nanlaki ang mga mata ko. Bigla akong natakot. Nakita niya kaming naghahalikan ni Paul.
“Dad.” Ang nasambit ko na lang.
-----------------------------------------------
Until the next episode,
Vin.
Read more...