Exchange of Hearts 3

Tuesday, August 14, 2012


Hello po sa inyo lahat na patuloy na nagsusubaybay sa at tumatangkilik sa mga kwento ko. Unang una po nahihiya po ako ngayon sa inyo dahil ilang buwan na din ako naging inactive sa pag post nang mga kwento ko. especially po ang update nang Exchange of Hearts na napakarami nang tumatangkilik and it is so overwhelming to hear comments and violent reactions from my readers it really help me grow as a writer. 

Pangalawa po, ibibigay ko po ang rason kung bakit ako nawala nang matagal, I have been struggling with my studies and paperworks for my upcoming board exam and hindi ko madugtungan ang kwento dahil nagaaral pero i really try to put more inputs para maganda kaya medyo matagal talaga.

Sa ulit po I am very sorry! sana po ay patuloy niyo apng tangkilikin ang kwento... salamat po and enjoy chapter 3 of Exchange of Hearts. 

Chapter 3: Litrato

[Kurt]

“I was there when it all happened, the night of the tradgedy that happened to Carlsen… magkababata kami niyan, naalala ko noong nag kakilala kami sa school, binubuly kasi ako noon, lampa, payat, nerd… but he stood for me. Since then naging mag best of friends kami niyan. Parati kami magkasama, we play basketball together, lumalabas tuwing hapon, kasama nga rin niya ako nung niligawan niya yung classmate namin.

Until, one day nawala ang Daddy niya, ako ang taong palagi niyang tinatakbuhan noon, umiiyak siya, parati niyang sinasabi na miss na miss na niya ang daddy niya at ito raw ang tanging nagmamahal sa kanya nang lubos. I left for the States that same year, my mother married her business partner at that time and we all migrated there.

Di ako nakapagpaalam nang maayos, dahil alam kong it would be hard seeing him in that depressive situation, dahil dun I promised na when I return gagawin ko ang lahat para mapasaya ang kaibigan ko kaya sososrpresahin ko sana siya sa birthday niya… pero di ko akalaing yun na ang huling araw niya sa mundong ito.”

Maluhaluha akong nagsalita sa necrological service para kay Carlsen, di ko sukat akalaing din a kami nagkita muli pagkatapos nang matagal na panahon. Kinuha ko ang microphone at lumapit sa mga labi niya at maluhaluhang sinabi na

“Paalam aking kaibigan, hanggat magkita tayo ulit, and don’t worry the company that you have been saving for the last 5years… You will be my inspiration bro”

Natahimik ang lahat nang tao sa simbahan, araw ito nang kanyang libing pero puro pamilya lang niya ang nandoon at mga matatalik na kaibigan, ibang empleyado na forced pang pumunta. Alam kong hindi naging mabuting boss si Carlsen pero hindi nila alam ang dinaan niya bago pa siya nang president nang companya na pag-aari din niya.

Nang may nakaagaw nanag attensyon ko sa may bulwagan nang simbahan, isang lalaking nakaputi na namumukhaan ko, at nagtinginan kami mata sa mata, nang mamukhaan ko na siya ay gulat ang namuo sa aking mukha “It can’t be” at ang hawak kong mikropono ay nahulog at umalingaw-ngaw ang di magandang tunog dahil sa feedback, di ko ito pinulot dahil nakatunganga parin ako sa kinalalagyan nang lalaki na bigla namang umalis.

Humingi ako nang paumanhin kay Tita Luisa at nagdalidali akong lumabas nang simbahan para habulin ang taong yun, nang makita kong pumasok siya sa isang maitim na kotse na parng nagmamadali pero nakatingin pa siya sa akin…

“CARLSEN”

[Kahapon sa Villa Montenegro]

“CLARENCE” sabi ni yaya Glorya na namuti bigla sa kanyang kinatatayuan.

“Sino po si Clarence?” tanong naman ni Lance na nahihiwagaan sa mga kilos ni yaya Glorya.

“Hi- hindi… Carlsen ang sinabi ko, wala akong sinasabing Clarence anu ka ba” sabi ni yaya glorya na napalitan nang ngiti ang mga labi nito habang tinititigang mabuti si Lance.

“hali ka nga dito iho” dugtong pa niya. Lumapit naman agad si Lance at niyakap siya ni yaya Glorya nang mahigpit. Nang napakahigpit.

Gabi na nang nakapagpahinga ang kambal sa kwarto ni Carlsen. Di man sila sanay na magkatabi matulog ay kailangan kasi wala ni isang empleyado sa mansion ang may alam na nandoon sila maliban kay yaya Glorya.

“Carl… anu na ang plano mo ngayon?”

“Kailangan kong malaman ang may gawa nito Lance… at sa lalong madaling panahon, ayoko na may madamay pa sa mga pangyayaring ito, ayoko na pati si Mama ay madamay.”

Nang may kumatok sa may pinto, na nagbukas naman dahil ginamitan nang susi, si yaya glorya pala yun na may dalang pagkain.

“kain muna kayo mga anak” hindi mawala sa mukha niya ang ngiti.

“nabalitaan ko na gusto ni Tita Criselda mo na kunin ang pwesto mo sa pagka president” dagdag pa ni yaya glorya habang kumakain ang dalawa.

“Sabi ko na nga ba si Tita Criselda siguro ang may tangkang pumatay sakin dahil gusto niyang kunin ang pwesto ko sa Companya.” Sabi ni Carlsen na may halong galit.

“at least ngayon may lead na tayo tol, lets start there.” Sabi ni Lance.

“pero hindi siya nagtagumpay anak, yung anak ni Mr. Trinidad ang pumalit sa puwesto mo.” Sabi ni yaya Glorya. Nagtinginan lang ang kambal.

[Sa Montenegro Company]

9:00pm

“Mauna na kami umuwi Eunice” sabi nang isang katrabaho ni Eunice sa Companya.

“Sige tatapusin ko nalang itong financial statement para kay Mr. Trinidad bukas” Sagot ni Eunice.

Madilim na ang buong 35th Floor kung saan ang opisina nang president, akala ni Eunice wala nang tao at siya nalang ang nagtatrabaho nung mga oras nay un. Kaya tutok na tutok siya sa gawain. Nang bglang nag ring ang telepono.

“hello Dad?”

“Princess, buti naman sinagot mo na mga tawag ko”

“Dad, uulitin pa ba natin to? Di ako uuwi hanggang I can prove my worth to you and to be what I want to be”

“Alam ko naman yun princess,I Just want the best for you. Nagtatrabaho ka bilang secretarya na pwede ka namang maging Boss sa Marketing department natin. Anak Valderamma ka, hindi mo na gawain yan.”

“I told you, I can only live up to my Family name kung alam ko nang kayak o, ayoko mangyari sakin ang nangyari kay kuya. Never.” Sabi ni Eunice habang naglalakad papuntang restroom.

Lingid sa kaalaman niya basa ang sahig dahil kakamop lang ito nang janitor, at nung malapit an siya sa pinto ay nadulas ito buti nalng at may lalaking nakasalo sa kanya. Si Kurt.

Nahihiya man si Eunice eh tumayo siya nang matuwid at angpaumanhin sa kanyang amo.

“Sorry po talaga sir, hindi ko po alam na basa ang sahig” napayuko lang siya nang sianbi niya iyon.

Hinawakan ni Kurt ang baba niya at inangat ang ulo nito, at kitang kita sa mukha ni Kurt na natatawa siya, pero ang mga ngiti niya ang nagpahanga sa kay Eunice.

“It’s okey, at least no body got hurt.” Sabi niya. Pero di kumikibo si Eunice at nakastick lang talaga ang mata niya kay Kurt.

“next time be careful…” sabi ni Kurt habang pabalik sa opisina niya, pero napako parin ang tingin ni Eunice sa kanya.

Nilingon siya nito “and Eunice, Cancel all my meetings tomorrow and come with me.” Sabi niya.

“Ha? Sir?” mahinhin na sagot ni Eunice. Iniisip niya kung bakit siya niyayaya nito na lumabas sa susunod na araw.

“to the Funeral… remember?”

“ah, yes sir.” As a sign of relief.

“Good see you tomorrow then” he said entering the room.

[Villa Montenegro]

Nasa kusina si yaya Glorya nang tumunog ang telepono nito.

“Hello Glorya” isang lalaki na malalim ang bosses ang nagsalita sa kabilang linya, pamilyar ang boses niya.

“Sir Felix!” sabi ni yaya na may galak. Simula noong Nawala si Felix alam na ni yaya Glorya kung nasaan ito, may nagtangka din kasi sa buhay niya at kasalukuyan niyang iniimbestigahan ito, pero sampung taon na ay wala parin siyang nahanap.

“Nabalitaan ko ang nangyari kay Carlsen, di ako makapaniwala…” nang pinutol ito ni yaya.

“Buhay si Carlsen!”

“Ano? Buhay siya?”

“Oo, nandito siya sa Villa Montenegro, at ligtas siya dito Felix” at di naman makapagsalita si Felix sa kabilang linya.

“Hindi lang siya ang buhay…” dugtong pa ni yaya “… Pati si Clarence buhay din!”

“Wag kang magloko nang ganyan Glorya, kitangkita mo noon na walang buhay ang bata nung ipinanganak siya” galit an tugon ni Felix sa kabilang linya.

“Oo Felix, pero kahit ako hindi makapaniwala, pero tadhana na ang nagdikta nang mga pangyayari at nagkita na silang magkambal”

Samantala sa kwarto habang naguusap sila Lance at Carlsen, tinitignan nila ang mga photo album nila Carlsen.

“Yan yung time na nag waterslide kami ni papa… yan ang pinakamasayang araw nang buo kong buhay” sabi ni Carlsen habang tinuturo ang isang lumang litrato.

“I envy you, you had a good childhood.”

“Oh bakit naman?”

“Ampon lang ako Carlsen, limang beses ako nagpapalit-palit nang mga magulang, meron na inabuso ako, meron din namang gnawa akong alipin nang sindikato at nung huli kong pamilya ang siyang nagbigay sakin annag lahat lath ay kinuha din sakin dahil sa aksidente.” Maluha-luhang sabi ni Lance

“Wag ka nang umiyak tol, ako na ngayon ang pamilya mo, hinding hindi kita iiwan tandaan mo yan” napangiti lang ang dalawa sa mga pangayayari.

“eh sino naman tong katabi nang papa mo?”

“Yan si Mr. Tan, Bestfriend ni papa, siya ang may-ari nang Tang Kuang Mu Group of Companies”

“Yan yung Ospital kung saan gusto ni Dennis magtrabaho.” Nakangiting sabi ni Lance.

“Sino si Dennis?”

“Bestfriend ko, yung taong hindi pa ako iniiwan” napangiti naman si Lance.

“Ah, naalala ko sabi ni Tito sa akin noon, kung kakailanganin ko ang tulong niya, kahit ano puntahan ko lang daw siya”

Mahimbing muli ang tulog nila noong gabing iyon.

10:00am

Nagising si Lance na wala si Carlsen sa tabi niya. Pero nakatangap siya nang text galing dito.
Di ko kayang hindi makita si mama bago siya umalis papuntang amerika, I will go to my own funeral. At babalik din ako agad, may sasakyan naman ako. Ingat ka diyan kambal magkikita pa tayo.

Agad naman siyang tinawagan ni Lance.

“Tol? Nasaan ka?”

“Umalis na ako tol nakita ako ni Kurt, yung bagong president, di naman niya siguro ako isusumbong pero…” naputol ang salita ni Carlsen at may narinig si Lance na putok nang baril.

“Carlsen ano ang nangyayari?”

“May nagpapaputok sa akin. Di ko kilala” kasalukuyang nasa bundok na bahagi ni si Carlsen nang may nagpaputok na mga tao mula sa likuran niya. “Lance making ka, kahit anong mangyari magpakatatag ka”

“anung gagawin ko?”

“Tawagan mo si Mr. Tan, merong private number sa likod nang litrato nila ni dadi yung pinakita ko kagabi, yun ang gamitin mo para ma contact siya.”

“okey, eh pano ka?”

“Basta Lance, kahit anung mangyari sakin ngayon, Promise me. Ipaghiganti mo ako, ata ng pamilya natin”

Hindi na makaimik si Lance sa kabilang linya, at patuloy parin ang putukan.

“Alalahanin mo Lance, mahal na mahal ka ni Kuya” at biglang amy narinig siyang nabindol na parang metal at narinig din niya na gumugulong ang sasakyan nang kapatid niya…

“Carlsen, andyan kapa? Ano ang nangyayari sayo?... magsalita ka naman?”

Nang biglang BOOOOOOOOOOOOM! May sumabog at naputol ang linya.

Di maipinta sa mukha ni Lance ang nangyayari, Hindi siya makapaniwala sa mga narinig, at nanlumo talaga siya sa sitwasyon.

“Ipaghihiganti kita Carlsen, Ipaghihiganti kita!” nasabi iyon ni Lance na may galit, kirot sa puso.

Tinawagan niya si Mr. Tan doon sa telephone number na nakalagay sa likod nang litrato.

“Hello Mr. Tan?”

“ Sino to? Pano mo nalaman ang number na ito?”

“Di na mahalaga yun, ang mahalaga magkita tayo!”

“Di kita kilala iho, pano ko masisiguro na hindi ka masamang tao?”

“Wag kang magalala tungkol ito sa mga Montenegro, so kakausapin mo naba ako?”

“meet me at my office tomorrow morning…” pinutol ito ni Lance.

“Di na po mapapabukas to, Pier 28, 1pm, tayong dalawa lang” at bigla niya itong binaba.

1:05pm

[Pier 28]

Papasok si Mr. Tan nang namukhaan niya ang nagiisang tao doon sa lugar.

“Carlsen?” sabi niya nang may pagkabigla.

“Di po ako si Carlsen, Patay na po si Carlsen, at alam kong may pumatay sa kanya”

“eh sino ka? Paano nagkaroon nang kaitsura si Carlsen?”

“Di ko din po alam, and I am going to find out… kailangan kop o nang tulong niyo”

“Anung maitutulong ko ijo?” alanganin na sagot nito

“Gawin niyo akong anak ninyo, at dun na akong magsisimulang maghiganti” pero makikita talaga sa mukha ni Lance ang determinasyon sa kanyang mungkahi.

“Kaya mo ba maging anak nang isang Caleb Uriel Tan?” tanong niya ulit an may halong pangamba.

“Para sa kapatid ko, gagawin ko talaga ang lahat para sa kanya.”

Makikita mo sa mukha ni Caleb na kombinsido na siya nang binata. “Ano ang gusto mong bagong pangalan ijo?”

“CLARENCE… Clarence Alexander Tan!”

_itutuloy_

PS. Salamat po talaga sa pagtangkilik sa mga gusto pong mag share nang feeling nila meron pong comment box sa ilalim nang page nato o pwede niyo rin akong e add sa Facebook! Thank you!

2 comments:

Anonymous,  August 18, 2012 at 4:01 PM  

i have been waiting for this post.this is a very interesting story.i hope you could post the following chapters sooner.i would suggest to also post your story to other blogs so that others may be able to read this masterpiece.more powers author!

will

robert_mendoza94@yahoo.com August 31, 2012 at 6:45 AM  

at last ! nasundan na din e2. sana lage na may update. tnx!

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP