Wish Kiss : Chapter 1

Wednesday, February 8, 2012



Chapter 1


Years Earlier 
Nakainom na ang lahat, nagkakasayahan, nagkakantahan.

“Hhaaapppiii Beerrttt-deeyyyy toooo youuuu!!!” halos sabay sabay na kanta ng lahat habang itinataas ang kanikanilang hawak na bote ng beer. Nakakatuwaan na nilang kantahin ito kapag magkakasama silang nagiinuman kahit walang may kaarawan sa kanila.

Nakapalibot sila sa ginawang bonfire, si Ed ang may hawak ng gitara, sa tabi nito ay nakaupo ang kanyang pinsang si Carol na lihim na binabakuran ng isa nilang kabarkadang si Raffy. Sa kabila ay ang kabarkada nilang si Aki at ang dalawa nitong kaibigan na sumabit sa kanilang magbabakarda.

Nakaupo siya sa tapat nila Ed, ang bonfire sa gitna nila, kasama niya si Nel na tulad niya ay umiiwas ding uminom. Nakasandal sa kanya si Abby na katsismisan ni Judy at ang sabit ding kaibigan nitong si Marissa.

Malaki ang barkada nila at lalong lumalaki ito ngayong iba iba na sila ng Unibersidad na pinapasukan dahil na rin sa may mga bago silang nakikilala at isinasama sa lakaran.

Malalim na ang gabi at halos lango na ang lahat. Dahil hindi pa siya gaanong lasing ay inaya niya si Nel na maglakad lakad muna sa dalampasigan, maliwanag naman ang buwan kung kayat hindi siya nag aalala.
Nakakalayo na sila ng bahagya ng makaramdam siya ng lamig, mag aalas dos na ata ng madaling araw kung kayat malamig na ang simoy ng hangin.

“Karl, hintayin moko dito, kuha lang ako ng beer…malamigeh, para pampainit na din.” si Nel, habang humakbang pabalik sa grupo.

Naiwan siya at nakatitig lamang sa malawak na karagatan, ang tila pagsayaw at pagkislap kislap nito, repleksyong nagmumula sa liwanag ng buwan at mga tala sa kalangitan.

Ilang minuto din niyang pinagmamasdan ang karagatan habang yakap yakap ang sarili.

“Nag-iisa ka, pwede ba kitang smahan?” malamig at baritonong tinig ng isang lalaki sa kanyang likuran. Napalingon siya rito at nakaharap niya ang isa sa mga kaibigang sabit ni Aki.

“M-may hinihintay ako eh, k-kasama ko” nauutal niyang sagot.

“Ahaha…” mahinang tawa nito “siya ba ang tinutukoy mo?” nguso nito.

Tinanaw niya si Nel sa di kalayuan na abala sa pakikipagkwentuhan sa lalaking kasama ng lalaking kaharap. Napatiim bagang siya sa panlalaglag ni Nel at akmang aalis siya upang kumprontahin ang kaibigan.

“Don’t get mad at him…” agap ng lalaki, “ako talaga ang namilit sa kanya para ako na maghatid nito say o” iniaabot nito ang isa sa dalawang bote ng beer na hawak.

“A-at bakit mo naman ginawa ‘yon?” pasuplado niyang tanong.

“Let’s just say na… na gusto kitang masolo,” ngumiti ito, “kanina pakita pinagmamasdan… at kanina pa kitang gusting kausapin.”

Napatitig siya sa lalaki at sa liwanag ng buwan ay napagmasdan niya ang kabuuan nito.

Tulad niya ay matipuno din ang pangangatawan nito, naka cargo shorts lamang ito at walang saplot pangitaas. Napalunok siya ng makita ang magandang hubog ng katawan nito. How can he possibly endure the cold? Tila nililok ang prominente nitong mga dibdib na inenhance ga maputi at makinis nitong kutis.

Aaminin niya sa sarili na humanga siya sa lalaking kaharap, hindi niya napapansin ito kanina dahil sa abala siya ngunit ngayon ay nagsisisi siya dahil hindi niya nasilayan ang kagwapuhan nito sa liwanag. May kung anong damdamin ang ginising ng lalaking ito sa kanyang kaibuturan.

Naaaliw na pinagmamasdan ni Eli ang lalaking kaharap. Lihim niyang iniliyad ang dibdib ng mapansing titig na titig ito sa hubad niyang katawan.

Sa liwanag ng buwan na tumatama sa mukha nito ay nakita niya kung gano tila nabato balani ang kaharap, at ang makailang ulit na paglunok at pagbasa nito sa manipis at malambot niyang mga labi.

Sumasayaw ang may kaiklian niyang buhok na bumagay sa bilugan nitong mukha, singkiting mga mata na kanina pa niya pinagmamasdan habang nasa bonfire  pa sila kanina, tinabingan ito ng bahagyang kapal ng mga kilay at ang saktong tangos ng ilong na siyang nagpalambot sa snobbish nitong aura.

“Ehem…shall we?” nangingiting putol ni eli sa nakatulala at nakatangang si Karl.

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Karl ng marinig ang lalaki, nanlaki ang kanyang mga mata at salamat na lamang sa dilim at hindi nito nakita ang kanyang pamumula.

“A…e…I changed my mind, b-balik na lang ako s-sa grupo.”

“Ayaw mo akong makasama?” tila batang nagtatampong turan ni Eli.

Natigilan lamang siya at napatingin sa kanina pa nitong iniaabot na inumin. Inabot niya iyon at tumalikod, nagpatiunang naglakad, hindi pabalik sa grupo kundi papalayo.


“Matagal na ba kayong magkakabarkada nila Aki?...your group is just…amazing, nakakainggit ang barkadahan niyo.” Tanong ni Eli sa kanina pang tahimik na si Karl habang naglalakd sila sa tabing dagat.

“Since high school…” matipid na sagot niya. Kanina pa siya naguguluhan sa kanyang nararamdaman. Tila ba napakagaan ng loonb niya ditto, at nagiging mas masaya siya sa bawat minutong nagdaraan na kasama niya ito. Mayroon kung anong ligayang hatid sa kanyang puso ang simpleng presensya ng lalaki sa kanyang tabi habang naglalakad.

Nakakalayo na sila sa grupo at tanging ang liwanag na lamang galling sa bonfire ang nakikita nila mula sa kanilang kinatatayuan.

“Maupo muna tayo dun” si Eli.

Sumunod siya ditto, nakahanap sila ng isang driftwood na pwedeng sandalan, naupo siya sa buhangin at kumabog ang dibdib niya ng tabihan siya ng lalaki sa pag upo.

Nilingon niya ito at ngiti lamang ang iginanti niya rito, itinungga niya ang nalalabing laman ng kanyang beer na hawak upang hindi nito mapansin na kinakabahan siya.

“Akala ko driftwood patay na puno pala to” pansin ng lalaki sa sinasandalan nilang kahoy. Napansin nga ni Karl na may mga ugat ang punong iyon na nakatanim pa sa buhanginan.

“Pero mabuti na rin yu para matanaw natin ang langit at walang sagabal na tumatabing na dahon” pagpapatuloy ng lalaki.

Lihim lang na napangiti si Karl sa kaisipang magkasama sila ng lalaking ito sa ilalim ng bilog na buwan. Di man niya maamin ay kinikilig siya sa tila ba napapakanta ang kanyang puso sa saya.

Under the lovers moon…

“Did I properly introduce my self?” baling ni Eli sa tahimik na si Karl, “I’m Eli… Eli Marc Nolo” lahad nito ng kamay.

Inabot niya ang kamay nito, savoring the awkward moment between them.

“Ahmm..pero ‘Balong’ tawag sakin ng mga kaibigan ko…but I hate that alias. I just hope you won’t call me by that name” pagbiro nito.

“Balong…” mahinang anas niyang nangingiti, “Eli Marc ‘Balong” Nolo” ulit niya sa buong pangalan nito.

“Naks! Memorized  agad…kaso sana ‘di mo na dinagdag yung ‘Balong’” himig pagtatampo nito, “Ikaw, you’re Karl, ayt?”

Lihim siyang natuwa ng malamang kilala siya nito.

“Aki told me who you are…and I guess more than what he as allowed to say,” ngumiti ito ng may kahulugan, “he told me, you’re single…and ready to mingle?” dagdag nito at ngumit ng napakatamis.

Napahiya man, he made a mental note to scold Aki pag may pagkakataon.

“Hmmm.. Karl what?”

“Dapat mu pa bang alamain pati surname ko?” sagot patanong niyang nahihiya.

“I just want to know…b-because I might change it with mine” prangka at may himig pagbibirong sagot ni Eli.

Napamaang si Karl sa narinig “because I might change it with mine” tila ba ume-echo ito sa pandinig niya.

Kumabog ang dibdib niya at dumaloy ang kakaibang saya sa kanyang puso. Napalingon siya sa nakangiting si Eli at pilit niyang pinipigilan ang sarili na yakapin at siilin ito ng halik. Hindi siya makapaniwalang sa ilang minuto nilang pagsasama ay matutunan na niya itong mahalin.

“Oy, ano na?”

“Miing…Karl Miing” sagot niya.

“Ming?” amused na pagkaklaro nito.

Tumango siya, “sound as Ming, but it was spelled with a double ‘i’.”

“ahh… Mi-ing, Ming” patango tangong naaaliw na bulong nito. “I guess I’m right in saying that I will change it with mine.” natatawa ito, “How does it sounds with my surname, hah Mingming?” matunog na halakhak nito.

Nanlaki ang mga matang napatingin siya ditto, “Ming? Mingming?” tinawag siya nitong tila sa nagtatawag ng pusa?

Ngunit sa halip na mainis ay nawala ang lahan ng alalahanin ng marinig ang matututnog na halakhak nito.

“Oy akala mo naman ang ke ganda ganda ng apelyido mo! Hmmppp…balong.” Bawing biro niya.

Tila walang narinig si Eli at patuloy ito sa pagtawa. Nahiga ito sa buhanginan na hindi parin napapawi ang nakakalokong ngiti nito.

“Balong…Ming,” pagkuway wika nito, “kinda sweet ayt?”

Napangiti si Karl at ginaya niya ito sa pagkakahiga at huimarap sa kalangitan na tadtad ng mga nagniningningang mga bituin.

Lumipas ang mga sandali at tuluyan na silang nagkalagayan ng loob. Marami silang nalaman sa bawat isa, magkatabing nakahiga, na ang init ng kanilang pagkakadikit ang tanging panlaban nila sa lamig.

Eli humm a melody, naramdaman niya ang paggalaw ng mga daliri nito to the rhythm of his beating…then after a moment he sings a song that is new to his ears.

I am hanging on every word you say
And even if you don’t want to speak tonight
That’s alright, alright with me
‘Cause I want nothing more than to sit…

and listen to you breathing
Is where I want to be.

Malamyos ang mga tinig ni Eli, at dama ang emosyon sa kanyang pagkanta. He made a mental note to search for the song and to sing it one time…for him.

Lihim niyang pinagalitan ang sarili, God! Am I inlove with this guy? nunit napangiti siya at kinilig.

“A shooting star!” pabalikwas na bumangon si Eli. “come on Ming, lets make a wish” lingon nito kay Karl. Pinagtiklop niya ang mga palad, yumuko at pumikit at pagkuway umusal ng kanyang hiling.

Naaaliw siyang pinagmamasdan si Eli, para itong isang bata na taimtim na nagdarasal. Masarap sa pandinig ang pagbigkas nito ng bago niyang palayaw, hindi pa man ay may kung ano ng saya ang hatid nito sa kanyang puso.

“Nag wish kana ba?” maya’t maya ay baling sa kanya nito, “You don’t believe in wishing stars, are you?” seryosong turan nito.

“I do, I mean…nag-wish na ako.” tipid niyang sagot na titig na titig ditto.

“What’s your wish?” seryosong tanong nito na sinalubong ang kanyang mga titig.

“I…I w-wished…” hindi alam ni Karl kung ano ang nagtulak sa kanya upang ilapit nito ang mukha at gawaran si Eli ng isang mahinhing halik sa gilid ng labi nito, “…to kiss you” pagtatapos niya at agad na inilayo ang mukha.

Napatitig lamang si Eli sa kanya at pagkuway ngumiti ito ng napakatamis. Binawi kaagad ni Karl ang pagkakatitig at yumuko ng bahagya dahil sa pagkapahiya.

“I can’t see it but I know you’re blushing…” tudyo ni Eli, “and you know what? Ang lakas ko talaga kay Pareng Lord… ang bilis! My wish had been granted, agad agad.” Tumawa ito ng mahina at sinapo ng kanyang kanang kamay ang baba ni Karl at itinaas upang salubungin ng kanyang nanghahalinang mga titig.

“Y-You m-mean…?” pautal at kinakabahang turan niya, “I thought pulos pagbibiro lang ang mga pahaging mo kanina.”

Pagak na tumawa si Eli at mabilis na ninakawan siya ng halik sa ilong, “I wished for that kiss you know, and no, I’m serious, napansin na kita pagdating palang naming nila Aki, and I must say…you stole my heart the moment I laid my eyes on you.”

Speechless…tanging lunok lamang ang naging kasagutan niya. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Tila mga musikang nanghehele sa kanya sa sobrang kaligayahan.

Maingat na binawi ni Eli ang kamay at tumingalang muli, “I wish there’s more… because I want to wish the same wish again and again.” Ibinalik niya ang tingin kay Karl at muli ay ngumiti ito ng may pagmamahal.

Natawa si Karl sa narinig at buong puso niyang ginawaran muli ng halik si Eli.

Saksi ang buwan at mga bituin, ang mga alon ng dagat at himig ng mga panggabing ibon ang kanilang tanging musika, kaalinsabay ng pintig ng kanilang mga puso. Mga labing nasumpungan ang bawat isa, mga yakap na nagbubuklod sa mga katawang nilukob ng pag-ibig. Pag-ibig na tanging mga pusong nagmamahal lamang ang nakakaintindi, pag-ibig na hindi pa man lubusang tanggap ng lipunan ay kanyang handing ipaglaban, hahamakin man ang lahat. Pag-ibig na karapatan ng sinumang kayang magmahal.

2 comments:

Anonymous,  February 8, 2012 at 9:44 AM  

ang ganda ng pag kikita at pag kakilalahanan nila eli at karl.... parang kanta ng LOVERS MOON... sobrang sweet and romantic ang set up.... love at first sight....


ramy from qatar

--makki-- February 14, 2012 at 7:23 AM  

napakasenti yung moment nila! :) ang ganda!

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP