STRATA presents: This I Promise You - Part 2

Thursday, February 24, 2011

Luck and Charm

“Malapit nang mag-isang oras Russ!” bati ni Melissa sa kaibigan.

“Alam ko!” tugon ni Russel.

“Halos hindi mo man lang ginalaw iyang pinapagawa sa’yo ni Sir Ariel ah!” nagtatakang tugon ni Melissa dito.

“Don’t worry Mel! I know what I’m doing!” maikling sagot ni Ariel saka muling hinarap ang laptop at muling ginawa ang trabaho niya.

Kibit balikat na muling bumalik si Melissa sa cubicle niya na may paktataka pa din sa ginawang aksyon na iyon ng kaibigan. Sa totoo lang ay hindi niya mawari kung ano ba ang tumatakbo sa kukote nito o kaya naman ay kung ano ang balak nitong gawin ngayon.

“Hey Russ!” nakangising bati ni Ariel kay Russel. “Malapit ka na bang matapos?” tanong pa nito.

“Yes Sir Ariel!” tugon ni Russel saka tumingin sa binata. “Di ba magaling ako?” dugtong pa nito na wari ba ay may paghahamon sa tono nito.

“Good!” kahit nalamukos ang mukha ni Ariel ay pinilit pa din niyang ngumiti sa sagot na iyon ni Russel saka humakbang palayo.


“Anong malapit ng matapos?” lalong nahiwagaang pabulong na tanong ni Melissa kay Russel.

“Trust me Mel!” nakangiting sagot ni Russel sa wari bang nagsasaya na sa siguradong tagumpay. “He will always remember this day!” paninigurado pa nito.

“Kinakabahan ako sa plano mo Russ!” sagot ni Melissa. “Basta walang damayan!” habol pa nito.

“Nothing to worry!” saad ni Russel saka tumitig kay Melissa. “Kasama ka dito!” muling napangising dagdag pa nito.

“Naman!” pagrereklamo ni Melissa. “Sabi ko na nga ba.” habol pa nito.

“Just trust me Mel!” paninigurado pa ulit ni Russel.

“Do I have any choice?” sagot ni Melissa saka nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

“Wala!” madiin at natatawang sagot ni Russel kay Melissa.

Saktong isang oras ng katukin ni Russel si Ariel sa opisina nito dala ang mga trabahong pinatapos sa kanya.

“Natapos mo ba?” tanong ni Ariel saka inikot ang swivel chair paharap kay Russel.

“Yes Sir Ariel!” todo ngiting tugon ni Russel dito. “I did my best para matapos ko po iyan on time.” magalang na mapang-akit na matang habol pa nito.

“Damn so great!” mahinang usal ni Ariel pagkaharap niya kay Russel. “Nang-aakit ka ba ngayon Russel? Come here, kandong ka sa akin! Make my day hotter!” sulsol pa sa isip nang natutulalang si Ariel. “Shit! Sobra na Russel! Sobra kang mang-akit!” halos tumulo ang laway na tugon na wika pa din sa isipan ni Ariel.

“Sir Ariel! Sabi ko po tapos ko na!” paglilinaw pa ulit ni Russel. “This is just the start!” nagbubunying saad ni Russel sa sarili nang napansing napatulala si Ariel sa presensiya niya.

“Uuupo ka!” utal na tugon ni Ariel habang nakatitig pa din kay Russel.

“May problema po ba sir?” puno ng pag-aalalang tanong ni Russel kay Ariel.

“Wala!” tanggi ni Ariel. “Anong nakain mo at mabait ka ata ngayon?” puno ng pagtatakang tanong pa nito sa binata.

“Naisip ko lang po Sir, mas magiging maganda siguro kung magkakasundo na lang tayo.” nakangiting sagot ni Russel sa tanong sa kanya ni Ariel.

“Great at narealize mo iyan!” masayang tugon ni Ariel dito saka kinuha ang folder na pinagawa niya kay Russel.

Wala pang ilang saglit ay agad na nagsalitang muli si Ariel.

“Ano ‘to?” sarkastiko at asar na tanong nito kay Russel.

“Akala ko po ba ayos na tayo?” nagtataka at pa-inosenteng balik na tanong ni Russel dito.

“I told you to finish my report pero what have you done?!” galit at nanggigigil na tanong ni Ariel.

“I thought those were scratched papers and needed to be filed at the trash bin.” simpleng pa-inosente ni Russel na sa katotohanan ay sinadya niyang itapon ang mga iyon.

“Those are my reports!” giit ni Ariel.

“Sorry Sir!” paumanhin ni Russel na unti-unting pumapatak ang mga luha. “Akala ko pa kasi report ng elementary.” patuloy sa pagpatak ang mga luhang paliwanag pa nito.

Hindi maunawaan ni Ariel ang sarili. Gusto niyang magalit at maasar kay Russel dahil sa dahilan nito subalit may kurot sa puso niya para sa luha ng binatang si Russel.

“Russel!” nahahabag na wika ni Ariel. “Huwag ka nang umiyak!”

“Sorry po talaga sir!” paumanhin pa ulit ni Russel. “Akala ko po kasi elementary ang gumawa. Iyong kapatid ko po kasi na grade six, mas maganda pa po duon ang ginawa niyang narrative report. Tapos ang babaduy pa po nung mga proposed titles at slogans na nakalagay kaya akala ko po talaga scratched papers po iyong binigay ninyo.” paliwanag pa ni Russel.

Biglang nagpanting ang tenga ni Ariel sa sinabing iyon ni Russel. Kung kanina ay naaawa siya sa binata at nagawa niyang mahabag sa anyo at bikas nito, iba na ngayon, unti-unti nang umaakyat sa ulo ang dugo niya na tila ba ay nais niyang suntukin ito.

“Sorry po talaga Sir!” paumanhin ulit ni Russel. “Hindi ko naman po intensiyong sabihing pangit iyong ginawa ninyo pero iyon po talaga ang totoo. Kaya po tinapon ko kasi akala ko iyon ang pinapagawa ninyo sa akin.”

“Get out!” madiin, nakakatakot at pasigaw na utos ni Ariel kay Russel.

“Sir!” tututol pa sana si Russel.

“I said, get out!” mas malakas at mas madiing turan at utos ng binata.

“Sorry po talaga sir!” muling paumanhin ni Russel saka tumayo at lumakad palayo.

“Shit!” muling naibulalas ni Ariel. “I haven’t saved my presentation and I don’t have any copy in my laptop!” muling naibulalas ni Ariel nang mamatay ang personal computer niya sa table.

“Sorry po sir, hindi ko po sinasadyang mapatid!” muling paumanhin ni Russel.

“Lumabas ka na nga lang!” nagngingitngit na turan ni Ariel. “Baka kung ano pa ang magawa ko sa’yo.” saad pa nito.

Tinginan ang lahat nt empleyado pagkalabas ni Russel sa opisina ni Ariel. Lahat sila ay makikitaan nang awa para sa kalagayan niya. Patuloy pa ding dinala ni Russel ang karakter na binuo niya sa opisina ni Ariel pare makuha ang simpatya ng mga kasamahan.

“Ayos ka Russ!” mahinang bulong ni Melissa kay Russel na unang sumalubong sa kanya paglabas ng opisina.

“Hindi ko naman kasi sinasadya!” paliwanag ni Russel na patuloy sa pagdadala ng karakter niya.

Pagkalabas ni Russel ay agad namang pumasok si Ronnie sa opisina ni Ariel.

“Bro!” bati ni Ronnie. “What happened?” nag-aalalang tanong ni Ronnie sa kaibigan.

“That stupid Russel ruined everything!” sagot at paninisi ni Ariel.

“Anong nangyari ba?” muling tanong ni Ronnie.

“Biruin mo, laitin daw ba ang gawa ko?” asar at pikon na turan ni Ariel. “Parang nananadya at pati ang pc pinatid ang saksak.” gigil na habol pa nito.

“Kalait-lait naman talaga pare!” natatawang sagot ni Ronnie sa kaibigan. “Russel’s presentation is indeed better than yours.” paliwanag ni Ronnie sa kaibigan.

“Tumigil ka Ronnie!” awat ni Ariel sa kaibigan. “Hindi ko mo’t bossing kita dito lalaiitin mo na din ako. Tandaan mo magkaibigan tayo.”

“Only true friends can be rude fully honest!” paliwanag ni Ronnie.

“But not now!” saad ni Ariel. “Less than one hour na lang at kailangan ko na ang presentation ko para sa meeting and Russel ruined everything.”

“Chillax lang dude!” payo ni Ronnie saka lumabas sa opisina ni Ariel. “You can do it!” habol pa nito kay Ariel.

Mainam na lang at may soft copy pa si Ariel ng ginawa niyang report sa kanyang laptop kaya naman madali niya itong naprint ulit at naiayos. Sa katotohanan lang naman ay walang dapat ayusin sa binigay niya kay Russel, dahil bukod sa report niya ay mga lumang files iyon na nasa opisina niya, scratched na ngang maituturing na pinilit niyang ipareview kay Russel para inisin. Madali na din niyang natapos ang presentation para sa board meeting.

“That’s my proposal sirs and Mesdames!” pagwawakas ni Ariel sa presentation niya.

“It’s good but I think kulang pa siya.” sabi ng chairman ng board.

“I agree with you!” saad naman ng isa pa.

Pilit na ngumiti si Ariel sa sinabing iyon kahit na nga ba naiinsulto siya sa naging reaksyon at komento ng mga ito.

“I guess maganda naman po ang proposal ni Ariel.” pagtutol naman ni Ronnie.

“What do you think Russel?” baling naman ng presidente ng board kay Russel na kasama sa meeting dahil siya ang assistant ni Ariel sa kanilang department.

“I don’t want to be so antagonistic with my new boss but I guess, his proposal will not be that successful. We should think of catchy titles and slogans, not those that are stereotyped and very common that in some sense some sort of baduy.” sabi ni Russel saka tumingin kay Ariel.

“Humanda ka sa akin Russel ka!” bulong nang nagngingitngit sa galit na si Ariel.

“I’ve asked you this morning to prepare your presentation for this meeting. What have you prepared for us?” tanong pa ng presidente ng board.

Agad na tumayo si Russel saka sinimulan ang kanyang presentation. Nagbigay ng narrative report sa lahat at sa mismong tabi pa ni Ariel pumuwesto na wari bang nang-iinis.

“You never fail us Russel!” bati ng presidente pagkatapos ng report ni Russel.

“It’s better than the first one. This shows professionalism and creativity!” sang-ayon ng isa pa.

“Wala ka talagang katulad Russel!” bati pa ng isa.

“I think Ariel and Russel should work in pair!” suhestiyon naman ni Ronnie.

“What?!” sabay na naibulalas ng dalawa.

“Ayokong makatrabaho ang lokong iyan!” kontra ng utak ni Russel sabay tingin kay Ariel.

“Ayokong makasama iyang bekbek na yan!” tutol pa ni Ariel na waring alam din ang iniisip ni Russel. “Wait a minute! Magandang pagkakataon ito para mahulog ka sa akin Russel!” habol pa ni Ariel.

“Brilliant!” sang-ayon ng presidente.

“Pero Sir!” tututol pa sana si Russel.

“Talagang ganuon Russ!” putol ni Ariel sa dapat na pagtutol ni Russel. “We should be one, kasi under lang naman tayo sa isang department. Mas maganda kung magtutulungan tayo, since I’m not a bright as you!” paliwanag pa nito na may himig ng pang-aasar.

“Pero?!” hindi makapaniwalang kontra pa sana ni Russel.

“Clear na ang mga bagay-bagay!” tila pagwawakas ng presidente sa meeting nila. “Meeting adjourned!” saad pa nito.

“Maglipat ka na ng gamit sa opisina ko!” bulong ni Ariel kay Russel bago ito lumabas sa function room.

“Patay na!” naibulalas ng damdamin ni Russel.

“Ito na ang simula Russel!” nagbubunying saad ni Ariel sa sarili.

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP