Exchange of Hearts 4

Tuesday, September 11, 2012




Chapter 4: Lihim

Isang sasakyan na mabilis ang takbo ang kasalukuyang nagpapalitan nang putok sa sasakyan na humahabol sa kanya. Sugatan ang driver nang sasakyang ito at tila di na nakakapagmaneho nang maayos nang biglang nahulog ang sakayan sa bangin. May dalawang matandang magbubukid na nakakita sa nangyari at tinulungan agad ang taong nag drive nang kotse, nung dinadala nong isa ang tao sa malayong lugar naiwan ang isa upang maghanap annag mahahalagang bagay, nang biglang narinig nang matanda “iputok mu na at ipasabog yang sasakyan nang matuluyan na yan” at biglang sumabog na lang ang sasakyan habang nadoon pa ang matandang lalaki.

Ilang minuto na din ang nakalipas nang madala sa isang pampublikong ospital ang driver nang sumabog na kotse. “Nurse tulungan nyo po kami, nakita ko po siya sa isang accidente sa kalsada” sabi nang angdala sa kanya. Nang nakita ito nang isang estudyanteng nurse nagulat ito at namutla di alam ang gagawin, halos di makilala ang lalaki sa mga sugat nito sa mukha.

Nilapitan sila nang doctor habang pinapahiga nang ibang nurse ang pasyente sa higaan, nag assess ang doctor sa pasyente at wala namang nakitang malala sa bata maliban sa kanyang sugat sa noo, Nilapatan na nang lunas at oxygen ng mga Nurses ang pasyente nung kinausap nang doctor ang nagdala sa kanya, hinay-hinay na man na lumapit ang estudyanteng nurse sa pasyente para tignan ito nang mabuti nang malinis na ang mukha nito ay nagulat siya sa nakita.

“Lance!” Sigaw pa nito.

“Kilala mo ba itong lalaking to iho?” sabi nang doctor sa kanya.

“Opo, Bestfriend ko po ito, anu po ang lagay niya doc?”

“Stable pa naman ang lagay niya, humihinga siya nang normal pero ang kinakabahan ko if my internal injuries siya na di natin nalalaman kailangn niyang e CT scan na wala naman tayo dito, may contact ka ba sa mga magulang niya o kung sino man ang pwede nating makausap para sa costudiya niya?”

“Ulilang lubos na po siya, kapitbahay po kami at kami nlng po ang nagdadamayan sa kanya, pwede po akong immediate guardian, Refer nlng po natin siya sa ospital sa maynila, para po makakuha tayo nang magandang findings”

Pagkatapos nang paguusap nilang dalawa ay di na mapakali si Dennis sa nangyari sa kaibigan, pano humantong sa ganito ang sitwasyon? At mukhang kinakabahan siya sa mga susunod na mangyayari.

[Dennis]

Maaga pa nung na refer siya sa ospital malapit sa amin at pinagdaanan na niya ang mga test na kailangan niyang kunin, sa puntong ito di ko parin lubos naisip bakit nagkaganito siya? Nawala siya nang maraming araw tapos makikita ko siya ngayon nakaratay sa ospital na ito.

Nakatayo lang talaga ako sa paanan nang kanyang higaan nang dumating ang doctor na tumingin sa kanya, “Ikaw ba ang kapatid niya?” tanong nito sa akin na nakatulala lang sa kaibigan ko.

Nagulat naman ako pero malumanay ko paring na tanong ang doctor “Ah… Besfriend po niya ako, at guardian narin po, may resulta na po bah?”

“We found a epidural hemorrhage dito banda sa gitna nang frontal at parietal area niya, malala ang sitwasyon and we need to surgically remove the hematoma bago pa lumala ang kaibigan mo”

Nanlumo ako sa narinig ko, bilang nursing student alam ko na malala ang sitwasyon niya, and worst pwede niya talaga itong ikamatay.

“We have prepared the Operating Room and we need to subject him for craniotomy fast and…”

“Gawin niyo na doc” Pagbara ko sa doctor, “di na tayo magtagal pa, baka mas lalong lumala, ako nap o ang pipirma nang consent, gawin niyo lang po lahat para sa kaibigan ko…” maluhaluha kong sabi habang napatingin ako sa kanya. “… ayoko siyang mawala. Mahal na mahal ko po siya!” at dagling dumaloy ang tubig sa aking pisngi.

At inayos na nila ang lahat at dinala si Lance sa OR, habang nandoon lang ako nakatayo sa isang tabi. Hanggang sa may babaeng yumakap sa akin, dumating na pala ang kaibigan kong si Beth.

“Friend, I came here as soon as I heard, anong lagay niya okey nab a siya?”

“Na.. nasa OR siya ngayon, he is undergoing Craniotomy…” at napahagulgol na ako sa iyak habang yakap yakap ko siya. “Beth, bakit siya pa? bakit sa lahat nang tao siya pa?”

“Napakabait niya, matulungin, maalaga, lahat na siguro nang kabutihan nakuha na niya pero bakit sa kanya pa nangyari to? Sana ako na lang ang nasagasaan sana ako na lang ang nandoon ngayon at hindi na siya”

[Kurt]

Gabi na pero magisa pa rin ako sa opisina ko sa harap nang view ko nang buong Makati, hawak ang baso nang Scotch sa kamay ko. At naalala ko ang nakita ko kanina sa libing, Hindi ako makapaniwala pero alam ko buhay pa si Carlsen, buhay pa ang KAPATID ko.

Di ko man maamin sa lahat pero karapat dapat din ako sa companya dahil isa din naman akong Montenegro, anak ako ni Felix sa kasintahan niyang si Hera, di sila nagkatuluyan dahil na arrange na ang kasal nila ni Luisa. Di ko man sila nakilala nang lubos ay napamahal din ako sa mga umampon sa akin noong namatay ang nanay ko sina Don Diego Trinidad, alam nila ang tunay kong pagkatao, hinubog nila kung ano man ako ngayon at tinuring nila akong parang sariling anak.

“Buhay ang kapatid ko, pero nasaan siya? Kailangan ko siyang makita, kailangan niya akong makilala, ako na ang po-protecta sayo bunso, umuwi ka lang kay kuya” Isip-isip ni Kurt noong mga panahong iyon.

“uhhmm…” sabi nang isang pamilyar na tao na nilingon ko naman. Si Eunice pala yun.

“Gabi na po sir, bat po nandito pa kayo?” sabi niya na parang nahihiya pa. Tumalikod lang ako sa kanya makikita ko sa reflection nang bintana na mukhang nadismaya ito at nagbalak nang umalis “Samahan mo muna ako!” sabi kong bigla.

Pero lumabas pa din ito, napatingin naman ako sa kinatatayuan niya at nadismaya sa nakita. Mas lumalim ang naisip ko, mula noon hanggang ngayon mag-isa lang ako, mag-isang tumataguyod sa sarili ko. Napalapit ako sa desk ko at napaupo, at napatong ko ang manga kamay ko sa lamesa at hinigaan ito.

At ilang sagliut lang narinig ko na may pumatong nang baso sa lamaesa napaharap ako dito, si Eunice pala may dalang kape. Nang makita ko ang mukha niya nakita kong mabuti ang talagang napakaamo niyang mukha at ang mga ngiti niyang nakakaakit.

“Alam niyo po, di po dapat pinapansin ang problema, isa lang po itong pagsubok nang diyos…at wala po siyang pagsubok na binibigay na di natin kayang lampas an, ngiti na po kayo.” Sabi niya na parang wala lang dinadalang puot at galit.

“Alam niyo po, gawin niyo na po ang lahat nang bagay para maging Masaya ngayon, di niyo po alam baka magaya lang po kayo kay Sir Carlsen, nawala nang maaga, kaya wag niyo pong ituon sa problema lahat nang attension niyo, maging Masaya naman po kayo.”

At isang ngiti lang ang naibigay ko sa kanya. At biglang dumating si Valerie “uhgm Mr. Trinidad?” sabi niya na naka tayo sa may pintuan nang opisina ko “Matutuloy pa ba ang dinner natin?” tanong nito.

Tumayo ako at pinuntahan siya sa may pintuan, at bago umalis nilingon ko si Eunice.

“Thanks for the Coffee!” at binigyan siya nang malambing na ngiti.

{After 2 months}

Sumama narin si Criselda kina Elenor at Luisa sa states para pamahalaan ang ipapatayong expansion nang Montenegro companies sa New York. Matiwasay pa naman ang pamamalakad ni Kurt sa companya at mas lalong naenganyo ang mga trabahador nila dahil sa pamamalakad nito.

Umalis na din si Lance at pumunta sa Paris kasama si Caleb, doon siya huhubugin ni Caleb sa lahat nang kailangan niyang malaman para mag-umpisa nang isang negosyo, at doon din siya magpapatuloy nanag pag-aaral, nanibago man siya sa bagong sitwasyon ay tinatagan niya talaga ang loob niya para sa kakambal na akala niya noong patay na.

Habang si Carlsen na napagkamalan ni Dennis na si Lance ay nasa state of Coma parin pagkatapos nang kanyang sugery. Mahigit dalwng buwan na siya sa ganoong estado at hindi na alam ni Dennis kung magigising pa ang inakala niyang kaibigan.

[Dennis]

“Ilang araw ka nang nakaratay sa higaan na iyan” malungkot na sabi ko sa matalik kong kaibigan. Hawak-hawak ko ang kamay niya at hinihintay ko na magkaroon siya nang kahit anu mang reaction pero ilang araw na akong nabibigo.

“Miss na miss na kita Lance, alam ko naririnig mo ako… alam mo na Mahal na Mahal kita at di ko kayang mawala ka sa buhay ko Lance”

Hanggang sa tumulo na lang bigla ang mga luha ko at nakita kong gumalaw ang kamay niya.

“Lance!” parang nabigla ako na natuwa na ewan ang ambivalent nang feeling ko noong mga panahong iyon, pero biglang “toooooooot, tooooooooot, tooooooot” humuni yung cardiac monitor niya. Natarnta man ako ay natawag ko pa din ang nakatokang nurse sa station.

Pumasok sila pati ang mga doctor, at sinimulan nilang e CPR si lance, nataranta na talaga ako dahil nagiging flat line na kanyang cardiac monitor.

“Lance, nagkakamalay ka na, wag mo akong iwan” sabi ko na nagsimula nang mapaluha.

“Sir, sa labas nlang po muna kayo” sabi nang isang nurse sa akin. Sumama naman ako sa kanya at napaiyak na lang sa lobby, nawawalan na ako nang pag-asasa mga nangyayari.

Ilang minuto pa lang ang nakalipas ay lumabas na ang doctor at sinabing okey na ang lagay niya at nakita nila na gumana na ulit ang vital organs niya kaya kinuha nlng nila ang Mechanical ventilator at titingnan nila for 24hours kung may progress na ang kanyang lagay.

Bumili nalang ako nang kape at pagkain sa labas nang ospital, mga alas dos na nun nang madaling araw.

Nang makabalik na ako dire diretso akong pumasok at pinatong lahat nang mga pinamili ko sa lamesa.

“Lance ko, namili ako nang pagkain oh, yung paborito nanting Chicken Skin, miss ko na tong kainin kasama ka, kelan ka pa ba gigising?” Utal ko.

“Sino ka?” nagsalita ang lalaking nasa kama. Kinabahan ako pero parang natutuwa sa narinig ko, GISING na ang bestfriend ko.

“LANCE” napalingon ako sa tuwa.

“Lance ba pangalan ko? Nasaan ako? Anung nangyari sakin? Sino ka?” parang hindi magandang panghitain sakin ang pinagsasasabi ni Lance. Lumabas ako para tawagin ang doctor para maobserbahan nila ang mga nagyayari.

“I’m Sorry to say this but he has Post Traumatic Amnesia, normal sa mga may epidural hematoma tong kandisyon na ito, at hindi tannin malalaman kung babalik pa ba ang kanyang memorya. Ang kailangan niya ngayon ay ang pagmamahal at suporta galling sa mga nagmamahal sa kanya”

Umalis na ang doctor nang magpakilala ako sa kanya.

“Pwede mo nab a masagot ang mga tanong ko kanina?” tanong niya sa akin.

“Ikaw si Lance Mercado, 21 ka na, nandito ka dahil na aksidente ang sasakyan na minamaneho mo”

“eh sino ka naman?”

“Ako si Dennis, bestfriend mo…” sabi habang papalapit ako sa kanya.

“… at Boyfriend mo!”

_Abangan_

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP