My Life’s Playlist (Special Entry)

Monday, February 13, 2012

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works is purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains themes and scene that may not be suitable for your preference. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.






Ako si Lance, 21 years old.
Civil Engineering student.
Single since birth but by choice.
Wala pa kasi parang hindi ko pa nakikita si Destiny.
O baka naman di pa ako nakikita ni Destiny?





Ako si Martin, 20 years old.
Civil Engineering Student.
Campus crush.
Kilala ko ang kapwa ko sikat sa school.
Yung mga naiimbitang maging model para sa fashion show ng mga taga fashion and apparel na course.
Kahit marami na kong nagging girlfriend, parang wala pa yung feeling mababaliw ako sa pagkahumaling sa mahal ko.
Ewan ko ba.





Ako si Kian, 20 years old.
Computer Science student.
Matagal na na di naka move on sa huling kong minahal.
Nasa isang relasyong di ko sigurado kung mahal ko ba sya at mahal nya ba talaga ako.
Di ko man maamin may ibang ako mahal.
Pero natatakot ako sa mga bagay bagay na hindi ko maintindihan.




Ako si Rex, 21 years old.
Computer Science student.
Masayahin, maloko at lives life’s every moment to the fullest care-free.
Nagbago lahat ng masaktan ako.
Kala ko kaya kong makuha lahat ng madalian dahil dun ako nasanay, nagkamali ako.
Sya ang minamahal ko, pero kailangan kong magsakripisyo.




Ako si Kirk 20, years old.
Computer Science student.
Ang super GC(grade conscious) person.
Nagmahal ng totoo.
Nasaktan ng lubos.
Tumayo’t muling nadapa.
Pero this time sigurado na ko.
Sya talaga ang mamahalin ko habang buhay.

------

“Dre kumusta ka na?”

“Ok naman”

“Malapit na graduation ah”

“Oo, magkasabay tayong gagraduate.”

“Wow nice naman”

“Bakit ka nga pala napatawag?”

“Wala lang”

“Pwede ba yun?”

“O sige na nga. Laro tayo. Tapos na naman mga problema natin sa school eh”

“Yun yun eh! Libre mo?”

“Ok lang. Tawagan ko rin si Martin para may kalaro pa tayo.”

“O sige ok yun Lance.”

“Byeeeeee…”

“sige bye”


Badtrip! Bakit kabado ba ko?
15 year na kami magkakilala pero bakit ganun.
Bakit ganito ako ngayon sa kanya.

-----


Sh*t! May feelings na ba talaga para kay Lance?
Hindi ‘to pwede!
This so not like me!

“rrrrnnngggg”

“Hello! O Lance napatawag ka?”

“Laro tayo ng dota sa GameGodz ng dota.”

“Ayiiieee libre nya ko?”

“Hoy adik ka ba? Nagyayaya ako pero di ko sagot no!”

“Joke lang! O sige, sagot ko na lang”

“Wow mayaman”

“Syempre gagraduate ka na tapos ako nag-aaral pa. Parang despidida libre ko na sa ‘yo”

“Adik! Luge naman ako sa ganun!”

“ayaw mo?”

“Gusto! Thanks huh”

“Sige kita na lang tayo sa GameGodz.”

Wah shit hindi ko ‘to kaya.
Gagraduate na sya.
Magtatrabaho.
Magiging busy.
Di ko na sya makakabonding.
Sabihin ko na kaya sa kanya?
Hmmm bahala na.


-----


Malapit na birthday namin ni Lizzy ko.
4 months na lang 1st anniversary na namin.
Hay naku! Excited na talaga ako para sa outing namin nina Kirk at mga CS tropa.
Kung walang magiging problema sa ‘min ni Lizzy, wala na kong reason para isiping iwan sya.
Mahal nya ko.
Mahal…
Mahal ko sya.


-----


Malapit na ang byahe ko papuntang Head Office.
I guess magtatagal ako dun.
Ok!
It’s decided.
Spend each moment we’re together na parang wala nang bukas.
No.1 sa task bago ako umalis, mag-enjoy sa piling ni KIRK.

-----


“Malapit na graduation!”
At last.
No more Liezel.
No more Kian.
No more Zelian(Liezel and Kian).
No more gala with them.
No more paggawa ng project with them.
No more overnights with them.
Di ko na sila hate.
Pero di ko na mahintay makalaya ako mula sa araw araw na nakikita ko sila.

Buti na lang tumawag si Lance.
Nakakamiss makalaro si Lance ng dota.
Makaligo na nga.


-----





HAPPY VALENTINE'S Y'ALL!!!

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP