Hiling chapter 15: The White Knight’s Kiss

Thursday, December 8, 2011



Hiling chapter 15: The White Knight’s Kiss

-oO0Oo-

Felix Lim

Simula ng huli naming pag uusap ni Dre sa internet ay hindi na ako muli pang nagparamdam sa kanya. Masakit man para sa akin ang gawin iyon pero kailangan kong tiisin para na rin sa kapakanan ko at sa kanya.

Ilang lingo ako nangulila sa kanya di ko alam kung anu ang gagawin ko sa sarili ko na minsan nga umaabot pa sa puntong gusto ko na magpakamatay dahil sa sakit na nararamdaman ko. Di ko na kasi kaya pang paasahin pa siya lalo na ngayon na magkalayo kaming dalawa.

Para sa akin iyon ay ang matatawag kong 2 months of frozen love dahil sa may nagmamahal nga sa akin pero di ko ito maramdaman dahil sa natatakot ako at naduduwag sa kung anu ang pwedeng kahinatnan ng aming pagmamahalan na may malabong hinaharap.

Napag desisyunan kong ituon na lang ang lahat ng aking atensyon sa aking pag-aaral pati na rin sa aking napiling extracurricular. Lagi kong kasama si sarrah dahil sa siya ang una kong naging ka close sa buong organization at siyempre di mawawala si lance pero nasasaktan lang ako pag nakikita ko sila dahil kahit papanu parang nakikita ko sa kanila si Dre. Ni di ko nga alam kung anu ang dahilan kung bakit ganoon ang pangungulila ko sa kanya samantalang di nga kami nagkaroon ng oras para isa’t isa simula ng naging kami.

Lumipas ang panahon at halos kilala ko na ng lubusan ang kambal pero alam ko meron parin silang tinatago sa akin. Inisip ko na lang na wala akong karapatang manghimasok kung anu man iyon dahil sa alam ko kaibigan ko lang sila at hanggang doon lang “I have to set my boundaries ayaw kong manghimasok ng buhay ng may buhay” ang sabi ko sa sarili ko.

Lance Mendoza

Lumipas pa ang panahon at lalong nahulog ang loob k okay Felix at alam kong alam iyon ni sarrah since na kambal kami ay wala kaming tinatagong sikreto sa isa’t-isa. Pero kahit magkaganun pa man ay alam ko hindi kami pwede dahil sa may nag mamay ari na sa kanya, kahit kasi hindi niya sa akin sabihin iyon ay alam ko at ramdam ko na wala dito ang kanyang puso at iniwan niya ito doon sa pilipinas sa taong mahal niya.

Pero kahit na ganun ang aming situwasyon ay pinilit ko paring ipinadama sa kanya na andito lang ako para sa kanya sa anu mang oras. Maging si Sarrah ay nakakaramdam naman ng aking intensyon para kay Felix pero alam ko di niya ako kayang pigilan.

Gustuhin ko man na ipagtapat sa kanya ang aking tunay na nararamdaman ay di ko magawa dahil sa nangangamba parin ako na di niya ako matatanggap at baka itakwil lang niya ako, isa pa alam ko din naman kasing may mahal siyang iba kaya malabo na ang aking chansang mahalin rin niya ako.

Felix Lim

Sa pag lipas pa ng panahon ay natutunan kong balutin ng yelo ang aking puso para isara ito sa kahit na anung klaseng nararamdaman ko para sa iba, isinara ko na ang puso ko dahil para sa akin si Dre na ang una at huling taong mamahlin ko. Tama na sa akin sa ngayon ang magkaroon ng mga kaibigan pero beyond kaibigan ay di ko na ito mapapangako pang muli.

Di ko alam kung anu ang meron sa akin lalo na nitong mga nakaraang araw lalo na parang nararamdaman kong may kakaiba sa mga kilos at galaw ni Lance lalo na anjan ako malapit sa kanya.

Pero kahit ganoon ay patay malisya parin ako dahil iniisip ko lang na kinocomfort lang niya ako dahil sa kahit pilit kong itago ay alam ko kahit papanu ay naipapakita ko parin na hindi ako masaya at laging may malalim na iniisip.

Akala ko talaga hanggang pagkakaibigan lang ang gusto ni lance sa akin ako kasi sigurado akong hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya, pero nagbago ang lahat ng isang gabi habang gumagawa kami ni Sarrah ng plano para sa magiging mga activities ng club ay umuwing lasing si lance, maging si sarrah ay nabigla dahil sa ito ang unang beses daw ang unang beses na umuwi itong si lance na lasing, hindi naman daw niya alam na na umiinon ito kaya agad kaming lumapit sa kanya.

Hindi na ako magugulat kung anu pa ang sabihin niya pero ang ikinagulat ko sa lahat ay nag marinig ko siyang nag salita ng diretchong tagalog.

“Umalis ka nga sarrah ikaw ang kailangan ko at hindi ang taong ito” ang sabi niya

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig, kelan pa natutong mag tagalog si Lance, ni hindi nga niya sa akin sinasabi na Pilipino pala siya tapos ngayon malalaman kong marunong at magaling pala siyang mag tagalong. Para akong sinilaban sa galit dahil parang kahit anung gawin ko para makuha ang loob nila ay lumalabas lang na pinag laruan nila ako lalo na si Lance, to think na konting kalabit na lang ni lance ay pwede na ulit sanang bukasn ang puso ko para sa kanya pero bakit parang dahil sa natuklasan ko ay parang unti-unti na ulit itong nababalot ng mas makapal na yelo.

Di ko alam kung tama pa ang gagawin ko pero pakiramdam ko kasi mali na ang ginawa kong pag iwas sa mga tao sa paligid ko lalo na alam ko kahit anung gawin ko ay ako parin ang masasaktan sa huli.

Pinilit kong kausapin siya ng mahinahon kahit alam kong groggy siya ay gusto ko marinig mismo sa bibig niya kung anu ang hinanaing niya, mas naniniwala kasi ako pag nagsalita ang lasing dahil ito alam kong totoo kahit never pa akong nalasing ay marami na rin akong naririnig na ang mga tao pag nalalasing ay mas lumalabas ang totoong ugali at ang lahat ng nakatagong hinanaing nito.

“Lance tell me... anu ang gusto mong ipakita sa akin ngayon?” ang sabi ko sa kanya

“tell you what? Anu gusto mong marinig ang lahat?” ang matapang niyang sabi

Si sarrah naman ay halatang nanahimik lang at hindi magawang pigilan ang kakambal niya.

“Sarrah? Anung ibig sabihin nito?” ang mejo nagtataka kong tanong sa kanya.

“Sorry Felix, this is all lances’ idea... gusto niyang itago na pinoy kami dahil mejo natatkot daw siyang malaman mo ito baka daw kasi layuan mo kami pag nalaman mo iyon. Ang alam kasi Ni lance ay dahil sa isang tao sa pilipinas kaya ka nagpasyang lumipat dito, kaya ayaw Na ayaw niyang magyari iyon dahil sa ayaw niyang malayo sayo.” Ang mahabang paliwanag ni Sarrah

“bakit naman ako magagalit sa inyo kung pinoy kayo... what is the point na magkaganyan siya samantalang wala naman siyang ginawang mali sa akin ah” ang sagot ko kay sarrah

“meron felix... meron siyang mali, hindi nga niya ito sayo sinasabi dahil sa ayaw niyang layuan mo siya” ang mejo malabnaw na sabi ni sarrah sa akin
“anung ibig mong sabihin?”: ang nagtataka ko ulit na tanong sa kanya

“mas maigi kong siya mismo ang kakausapin mo, ayaw kong manghimasok sa buhay ng may buhay kahit na sabihin nating magkakambal kami, still we are two different person” ang sabi niya sa akin

Agad kong nilingon si lance na mejo groggy pa ang dating sa kanto ng kanilang bahay.

“anung ibig sabihin ni sarrah?” ang agad kong tanong sa kanya. Kahit na alam kong hindi ako makakakuha ng matinong sagot galing sa isang taong lasing ay ganun parin ang ginawa ko

“anu gusto mo malaman ang lahat?” ang mejo mapang asar niyang sabi sa akin

Agad kong lumapit sa kanya para mas maigi kong masabi ang sagot ko sa kanyang hamon. Yung tipong sobrang lapit na kulang na lang ay maghalikan kami tapos sabay sabi ng “try me...” sa tonong nag hahamon din.

Hindi ko na agad na sundan pa ang mga pangyayari dahil sa sobrang bilis, aktong lalayo na ako sa kanya ng bigla niyang sinunggaban ang aking mukha at saka siniil ako ng halik.

Hindi ko nagawang kumawala sa kanyang halik dahil sa parang bigla kong naalala si KM, ganitong ganito ang naramdaman ko ng hinalikan niya ako, pero meron parin sa loob ng feeling na naguilty ako dahil sa ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganito, at hanggang ngayon pala ay si Dre parin ang tinitibok nito.

Kumalas na siya sa pagkakahalik sa akin at saka siya tumayo at pinilit na maglakad papalayo patungo sa kanyang kwarto. Samantalang ako naman ay naiwang tulala at hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Akala ko makakaya kong isara ang puso ko sa lahat pero hindi pala. Isang halik lang pala ulit ang katapat ng yelo na nakabalot sa puso ko.

Itutuloy....

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP