Beautiful Andrew : Chapter 7

Sunday, December 18, 2011


Chapter 7

Madami ng tao ng dumating siya, hinanap niya Carl ngunit wala pa ito, nakita niya si Nel at tinanong, sinabi nitong nasa rooftop daw at malamang ay pababa na din ito.

Nagkakasayahan na ang lahat at maging siya ay hindi niya napansin ang pagdaan ng oras,nawala ang kanyang pag kainip sa paghihibtay kay Carl.

“Can I offer you a drink?” mula sa likuran ay tumambvad si Carl na may hawak na dalawang bote ng beer. Iniabot niya ang isa, napatitig siya ditto at natulala sa mala Adonis na mukha nito, bumagay ditto ang suot at naitago nito ang medyo namayat na katawan niya. 

“Ang susunod na kakanta ay walang iba kundi si Carl!” palakpakan ang mga naroroon na syang gumising sa tila ba nananaginip na si Andrew.

Itinaas lang ni Carl ang hawak na bote at umiling iling habang nakangiti… “they know that I don’t know how to sing…” nangingiting turan nito, at walang anu ano’y bigla uli nito tinaas ang kamay at itinuro si Andrew.
“I think you can do it for me…” kumindat ito sa kanya.

Aayaw sana siya lalo na ng tinawag ang kanyang pangalan ngunit napag isip isip niya na iyon na ang kanyang pagkakataon.

Umakyat sya sa pinagawang maliit na stage at kinuha ang mikropono.

“Ehem…” panimula niya, nakita niyang nakatawa si Carl, “bago ako kakanta, ay nais ko lamang pong iparating sa inyo lalo na sayo…Carl, na…” pambibitin niya, nakita niyang bahagyang sumeryoso ang mukha ni Carl “na kinausap ko na si dr, santos at nakaiskedyul na ako para sa aking pangalawang operasyon.”

Ngumiti siya at dinig niya na may mga nagsipalakpakan, nguinit kay Carl lamang nakatuon an kanyang mga mata, nakita niyang tumango tango ito at ngumiti sa kanya ng napakatamis kasabay ng pagtaas nito ng kanyang bote.

Pumailan lang ang malamyos na melodya ng kanyang awitin mula sa sound system…

“There are times,
When I just want to feel your embrace…
In the cold night…
There are times…”

Nakatanaw sa entablado ay halos sumabog na ang dibdib ni Carl, sari saring emosyon ang kanyang nararamdaman, kasabay ng malamyos na tinig Andrew ay ang unti unti pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata.

Sa entablado ay nakatuon lang ang mata ni Andrew kay Carl, mula sa malayo ay nakikita niyang may kung anong gumugulo sa isipan nito. At sa bawat titig nito ay ramdam niya ang pagmamahal na kahit kalian hindi inamin sa kanya ni Carl.

“You were just the dream that I once knew,
I never though I would be, right for you…
I just can’t compare you with
Anything in this world…

You’re all I need..
To be with, forevermore…”

Hindi na makayang pigilin pa ni Carl ang damdamin, tumalikod ito at hahakbang na lamang palayo ng marinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan mula sa mikropono..

“Carl, you have known from the very start that I love you. That you were the reason why I kept fighting at nangako sa sariling hindi kita bibiguin, na kaya kong labanan ang sakit na ito para sa iyo, para sa atin… Carl, I love it when you call me name, I love the way you touch me, the way you smile…everything about you..everything.” nangingilid na ang mga luhang nagpatuloy si Andrew, wala siyang pakialam na dinig ng lahat ang kanyang pagtatapat

“I’m sorry I can’t keep my promise, I just can’t live not loving you. Sorry dahil hindi ko kayang hindi ka mahalin, dahil sa simula palang alam kong minahal na kita. Carl, can we fight this illness together? Be with me, be my strength…I want you Carl…and I love you…”

Hindi na kaya pang pakinggan ni Carl ang mga sasabihgin nito, tuluy tuloy na ang agos ng luha sa kanyang mga mata, mabuti na lamang at nakatalikod siya, ngunit hindi niya mapigilan ang pagyugyog ng balikat sa mga impit na hikbi dahil sa sakit nanararamdaman.

Mabigat ang mga paang humakbang siya palayo, di niya alintana ang muli ay pagtawag sa kanya ni Andrew, ang nais lamang niya ay lumayo hanggat kaya pa niya.

Kitang kita ni Andrew kung paano hindi man lang sya nilingon ni Carl, nasaktan sya sa kaisipang hindi pinanindigan ni Carl ang kanyang nararamdaman. Sigurado siyang mahal din siya nito, hindi lang niya maintindihan kung bakit at kung ano ang pumipigil ditto upang kayaning tikisin ang kanyang damdamin.

Nakatulala siya sa stage at wala sa sariling bumaba siya, inalalayan siya ng isang lalaki at pinaupo, nakita niya na sumunod si Nel kay Carl. Sari saring tanong ang gumugulo sa kanyang isipan, tumulo ang mga luhang kanina pa ay gustong kumawala.

“Fuck Carl! This is what I fear the most!” sigaw ni Nel, “Kung nakinig ka lang sa akin noon pa edi sana hindi na umabot pa sa ganito?”

“I don’t need your preaching Nel, you know my reasons.”

“But he has the right to know!?” tila nanlalatang pilit ni Nel. “You should tell him the truth…”

“Masasaktan lamang sya.” sagot nito.

“Masasaktan? Ano sa tingin mo ang nangyayari ngayon Carlo? Hindi ba lahat tayo nasasaktan? Sinasaktan lang natin ang bawat isa, why not just tell him the truth?”

“What truth?” mula sa binuksang pinto ay sabad ni Andrew, sapat na ang kanyang mga narinig upang malaman niya kung anuman ang itinatago nina Nel at Carl.

Gulat at tila nabuhusan ng malamig na tubig ang dalawa.

“Ah..eh…its nothing.” Si Carl, kita sa kanyang mukha ang lubos na paghihirap.

“No its not nothing…I know may hindi kayo sinasabi sakin.” matigas ang boses na sagot ni Andrew.

“Andrew…please,..it’s just…”

“Carl and I are lovers.” Pagputol ni Nel sa pagpapaliwanag ni Carl.

2 comments:

Anonymous,  December 18, 2011 at 12:15 PM  

its hard to know the truth,,,, lalo na sa part ni andrew... masakit un.... bat d na lang sabihin ni carl ang katotohan para malaman ni andrew kung saan ba talaga sya lulugar sa buhay ni carl... dapat noon mo pa sinabi carl na may relasyon kayo ni nel.... ang sama mo carl..... ang daya mo....d m lang ba inisip ang kalagayan ni andrew.... ngayun papano mo sasabihn sa kanya na ikaw ang tutulong sa kay andrew....sana nilayuan mo na lang si andrew...

ramy from qatar

Joseph December 18, 2011 at 6:07 PM  

i feel the pain of Andrew...bakit ganun? huhuhuhuh i hate you CArl.....grrrr

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP