Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 15)

Saturday, November 12, 2011

Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:

Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, Erion, coffee prince( number one fan ng novel ko..) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin, don't worry, I'll text u if I have some spare time Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, Kuya Jayson ng LOL, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!

ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

------------------------------------------------

Part 15

"Nanalo kami!! Nanalo kami!" Sabi ni Shaine habang nakaupo akong nakatulala na wari'y hindi makapaniwala sa nangyayari.

Bigla akong tinayo ng dating Guinoong Lakandula na si Hiro na ka-year level ko ngayon.

"Congrats, bro! Sabi ko sa'yo gwapo ka din eh.." sabi niya sa akin habang ibinibigay ang hash na nakasulat ang title ko as Guinoong Lakandula.

Magkakilala kami ni Hiro dahil isa rin siya sa officer ng Library Club. Section 7 siya. Half- Japanese at Half Pinoy. Mas singkit ang mga mata nito kaysa sa akin at mapapansing makapal ang kilay nito na parang linta. Mas matangkad ako sa kanya kasi 5"6' lang siya.

Kinuha niya ang crown sa gilid at unti-unting kinabit sa ulo ko. Nagkasiya naman. Pagkatapos nun ay si Shaine naman. Parang wala lang sa kanya ang kanyang pagkapanalo. Sanay na kasi itong taong 'to lalo na sa mga beauty pageant na katulad nito.


Kinaway ko ang mga taong nakakakita sa akin. Kahit kina Cheney at Lei na nasa harapan.

"Ladies and Gentlemen, our new Mr.&Ms Lakandule├▒ans 2003! Ms. Shaine Anne Custudio and Mr. Mark Jacob Inocencio. Please give 'em a round of applause!!"

Tilian ang lahat ng mga babaeng kinakawayan ko. Nawala ang kaba sa dibdib ko. Ninamnam ko ang sandaling sa buhay ko, nagamit ko ang kakisigan ng pangangatawan ko, at ang husay sa pagsagot ko. Salamat na lang at nandiyan ang mga kaibigan ko at ang dalawang taong pinaka-espesyal sa akin. Si Lei at Cheney.

Natapos ang gabi na masayang-masaya ako. Naghiwalay na kami ni Shaine. Magaala-una na ng madaling araw nang natapos kami. Kinamayan ako ng mga hurado at may mga proposal sa amin for modeling. Ni-refuse ko iyon kasi bata pa ako, at 15 anyos lang ako. Tsaka na pag umedad ako ng kaunti. Marami ang nagpa-picture. Instant celebrity kaagad! Nagpa-autograph at hinalikan ang pisngi ko. Medyo pawis na pawis ako at hindi ko alam na naliligo na ang likod ko sa pawis. Nagdesisyon akong hubarin ang tuxedo ko at nilagay sa kanang kamay ko. Nasa akin pa yung korona.

Alas 2:45 na nang natapos na kaming lahat. Umuwi na kami. Sumama si Lei kina Nikol at Jayson samantalang kasama ko naman sina Cheney, Joseph at si Kuya Kenneth pauwi.
--------

Makalipas ang ilang araw, buwan at isang taon. Mas naging sikat ako. Hindi na ako tulad ng dati na ordinaryong tao lang. Naging ka-close ko si Hiro at tumaas ang ranggo ko as Business Manager ng Booklover's society ng school kung saan kagrupo ko si Hiro. Naging Campaign Manager ako ng isang party para sa eleksyon noon ng Ang Barangayette-SSG at lahat ng manok ko ay nanalo. Walang natalo kahit isa. Nang sumunod na huling linggo ng buwan ng September, 2003 ay bumalik si Kuya Kenneth sa Dubai para magtrabahong muli. Ayaw ko pang umalis nun si Kuya Kenneth pero nangako siya sa akin na pagka-graduate ko ng high school ay tsaka siya babalik, kaya pinanghahawakan ko, hanggang ngayon, ang pangakong iyon na sinabi niya sa akin. Mas lalong tumindi ang pagmamahalan namin ni Lei at medyo parang napapansin kong napapabayaan ko na si Cheney. Lagi nang sumasama sa barkadahan si Hiro. Hindi ko pala alam na bisexual pala siya kaso inside the closet pa lang. Alam na niya rin ang tungkol sa pagkatao ko noong bata ako, At talagang dun daw siya napahanga sa akin. Sana daw ay makahanap din siya ng one true love na tulad ko.

Hindi sa pagmamayabang, kapag lumalakad kaming magbabarkada sa buong Lakandula HS, lahat ng sumasabay sa amin ay napapahinto at napapatili. Para kaming F4 kaso me nadagdag lang na isa at si Cheney naman ay parang si Shan Chai.

Tumagal at parang solid ang pagkakaibigan naming anim. Natapos ang third year nang mayroon kaming natanggap na honors. Biruin mo naman ang panahon, magka-tie pa kami ni Lei as 2nd Honor, hanggang sa umabot kami ng fourth year. Senior na kami at nakakalungkot isipin, pero ga-graduate na kami. Naging section three si Cheney, samantalang naging section five si Hiro at kaklase naman ni Cheney sina Joseph, Nikol, at Jayson at, magkaklase pa rin kami ng Baby Bro ko. Noong dumating ang 16th birthday ko, niregaluhan ako ni Cheney ng isang asong shitsu samantalang aklat naman ang binigay sa akin ni Baby bro na talagang sapul na sapul ang storya sa karanasan ko sa first love ko na si Patrick. Oo, mahalaga ang binigay sa akin ni Cheney, pero mas binigyan ko ng importansiya ang regalong binigay sa akin ni Lei dahil sobra akong naka-relate sa istorya ng nobelang ibinigay niya. Mahal ko si Cheney, pero habang tumatagal ang panahon, mas lumalalim ang pagmamahalan namin ni Lei! Hindi alam ito ng barkada ko at lalo na ni Cheney sa paglipas ng panahon.

Magpapasko at medyo lumalamig ang panahon. Nang tumingin ako sa kalendaryo ay napansin kong December 15, 2004 at Martes na pala. Nangako ako kina Nikol at Hiro na pupunta kami ng SM Manila para tumingin ng ireregalo ko sa Christmas' Kris-Kringle. Napabangon akong bigla at naalala ko na may exam pala kami sa Basic Economics kaya nagmadali akong tumayo at nagbihis para pumunta sa eskwelahan.

Sakto at alas sais y media na ng umaga nang nakapunta ako sa School. Sa pagkakataong ito, medyo strict ang teacher namin ngayon sa Basic Economics at ayaw na ayaw niyang nale-late kami sa klase niya. Magaling siyang magturo, siguro dahil isa siya sa mga master teacher sa buong school.

Malapit na ang matapos ang flag ceremony at saktong nakita ko sa pila si Cheney. Hinalikan ko siya sa labi na tipong panakaw. Medyo mukhang male-late si Lei kaya nag-alala kong bigla siya. Lumipas ang flag ceremony at kaagad na kaming pinapanik lahat ng napansin ko na wala pa sa hulihan ng pila si Lei. Lumakas ang pag-aalala ko sa kanya. Nagdesisyon ako na mag-cutting class para puntahan si Lei sa bahay, kaso bigla kong naalala na exam pala namin. Kaya hinayaan ko ang aking mga paa na dalhin ako sa classroom ng nalulungkot.

Nakapasok na kami at tapos nang manalanging lahat. Nang papaupo na kami ay nakita ko si Lei sa labas ng corridor at nagrereview. Agad na nakita ito ni Ma'am Ortega (teacher namin sa Basic Economics) kaya sinita niya ito. Lumabas si ma'am at pinalabas si Lei at mamaya daw ay kakausapin niya ito pagkatapos ng exam. Nalungkot ako at nahabag sa kalagayan ng kinakapatid ko habang malungkot na nilalakad ang corridor papalayo sa classroom namin at mukhang tutungo ng library. Si baby bro, first time lang na nangyari sa kanya ang ganun, kaya feeling ko, dadamdamin niya iyon.

Natapos ang exam at naglecture ng kaunti si ma'am. Makalipas ang ilang oras ng pagtuturo niya ay lumabas akong saglit para puntahan siya sa library, at saktong naabutan ko siya. Inilagay ko ang shoerugs ko sa mga paa ko nang nagulat ako sa nakita ko na kasama niya. Si Hiro pala ang kausap niya habang nagbabasa. Pumunta ako at nagtungo sa kanila.

"Don't worry, Lei, malakas ako dun.. Tita ko kaya iyon, tutulungan kita!!" sabi ni Hiro Kay lei.

"Salamat, bro!"

Tumabi ako sa gilid ni Lei, samantalang nagsusulat si Hiro ng ipa-publish niya para sa Christmas Edition ng Ang Barangayette Newspaper. Umiyak si Lei sa harapan ko dahil iyon ang first time niya na mapahiya sa klase. Tanghali na kasi siyang nagising kaya na-late siya, at naintindihan ko iyon. Agad kong niyaya si Lei sa 4th Floor para makiusap kay Ma'am Ortega na bigyan siya ng another chance para makabawi sa exam.

Nasa itaas na kami at nakita ko si ma'am na nagche-check ng exams namin. Mukhang busy kaya nagdadalawang-isip kami tuloy na pumunta. Walang anu-ano ay bigla siyang tumingin sa harapan namin at sumenyas kay Lei para pumasok. Pumasok si Lei. Nanginginig ako sa mga susunod na mangyayari sa kanya, kaya napagdesisyunan ko na puntahan ang kinakapatid. Pagkapasok ay umupo siya sa isang tabi at nagtake na ng exam. Sabi ko na nga ba eh, sa kabila ng matapang at mataray na personalidad ni ma'am ay meron pala itong kabaitan sa puso niya.

Saglit lang na natapos ni Lei ang exam. Mukhang maning-mani at sisiw na sisiw sa kanya ang exam kaya wala pang 30 minutes ay natapos na siya. Feeling ko, parang na-motivate at na-challenge pa siya ng maigi nang nangyari sa kanya iyon. Wala siyang pagsisisi sa ginawa niya.

Lumipas ang mga oras at saktong alas-tres natapos ang klase namin ni Lei. Niyaya ko siyang sumama sa amin nila Nikol at Hiro na pumunta ng SM Manila at pumayag naman siya. Medyo naghintay lang kami ng kaunti sa kanila that's why we decided to wait them inside the library.

Kinuha ko ang CP ko at mukhang 3 messages agad ang bumungad sa akin. Ang una ay kay Hiro.

"Bro, w8 mo lng kmi ni Nikol sa library. Antgl kming plbsin ni sir eh. Sorry ah! Thnks..=)" text ni Hiro

Well, Hindi naman sila nagtagal at agad naman silang pumunta sa library after. Nakita kami nila na nagbabasa ng Bob Ong Series kaya agad nila kaming niyayang umalis at ayaw nilang magpagabi. Sumama kami ni Lei.

Nang nasa SM, pumunta muna kami sa Teriyaki Boy katabi ng National Bookstore sa ground floor para kumain. Doon kami sa gilid umupo. Nag-order ako ng chicken teriyaki at 4 na pirasong sashimi samantalang si Lei naman ay pork teppanyaki. Pina-upsize ko ang drinks naming dalawa ni Lei samantalang sila naman ay regular lang. Sarap na sarap kami sa kinain namin.

Nang natapos ang ilang ilang minuto, ay napagpasyahan naman naming pumunta ng American Boulevard at pumili ng mga ireregalo para sa Kris Kringle. Nagustuhan ko yung sombrero na pinauso ni Mao Ze Dong ng China at pumili na rin ng T-Shirt na inspired ni Bob Marley. Naka-400 din ako nang mamili ako kaya ok lang.

Wala silang napili sa American Boulevard kaya napagpasyahan nilang pumunta sa Bench para dun maghanap. Type pala ni Hiro yung muscle-type kaya iyun ang pinuntirya niyang bilhin. Simpleng kulay lumot na green na polo-shirt na muscle-type ang binili niya. Medyo nagulat ako noong nalaman kong mahal pala iyon. Mas mahal pa sa mga pinamili ko. Ok lang kasi me kaya naman siya kaya afford naman niyang bumili ng ganun.

Si Lei at Nikol naman ay pumunta sa Penshoppe at doon naghanap ng pangreregalo. Mukhang madaling mamili si Lei ng susuotin niya. Bagay pala sa kanya ang fitted na t-shit na kulay itim at na-emphasize pa lalo ang puting-puti at namumula nitong balat. Namili din siya ng pantalon para magamit sa Christmas Party fitted ang gusto niya, at bumagay naman sa kanya. Magaling talaga siyang mamili! Lahat bagay sa kanya. Mas lalo siyang gumuwapo at feeling ko ay mukhang magkakagusto pa ata si Hiro sa kanya, kaya pinagbantaan ko siya ng pabiro para iwasan ang ganung feelings sa kanya.

Nang natapos ang pamimili namin ay nagpasiya kaming pumunta sa Quantum. Ang daming estudyante!! Mga college student sa Intramuros. Naghanap kami ng available room para sa kantahan naming magbabarkada. Umupo muna kami sa isang sulok at kinuha ang music selection book at sabay naghanap ng kanta.

"Ako, Lei, lista mo... 098764 iyan ang kakantahin ko." Sabi ko sa kanya.

Kinuha ni Lei lahat ng kakantahin namin sa loob gamit ang ballpen at nilista nito sa papel. Hindi ko alam kung anong kakantahin nila kasi ayaw ipakita ni Lei yung listahan, kaya naisip ko na mukhang may gagawing kalokohan ang magbabarkada.

Medyo matagal kaming naghintay sa labas. Si Lei, panay ang kindat sa akin kapag hindi sila nakatingin sa amin. Pilyong lalaking ito!! Naghahanap ng tyempo para iparamdam sa akin na mahal niya ako. Samantala, sina Nikol at Hiro naman ay tinitignan ang mga bawat dumadaan sa kanila, pag babae sabay tingin sa boobs, at pag lalaki naman ang dumaan, ay yung umbok sa baba nakatingin. Parang mga hunghang!!

Sampung minuto ang nakakalipas at inip na inip na kami sa kakahintay sa labas.

"Putang Ina, bro, antagal naman!! Nakakabato na ah!! Ano sila, nagko-concert?" Pasigaw na sabi ni Hiro habang kinakamot ang buhok.

"Hindi bro, parang may ginagawa. Tignan mo..." Sabi ni Nikol habang tinitingnan ang isa sa mga videoke room.

Nakatitig ng mabuti si Nikol sa isa sa mga nagbi-videoke sa loob. Nang pumunta ako ay nagulat din ako sa ginagawa nila sa loob.

"Puta, bro, eh nanood ng bold sa cellphone eh.. Pano sila matatapos niyan. Mga malilibog!!" Puna ko habang tinuturo ko sa harapan ng barkada ko ang nakita ko.

Pahapyaw na sinisilipan namin ni Nikol ang bold na pinapanood ng mga kalalakihan sa loob. Sa isang sulok, nakita ko na may nagsasalsal na lalaki. Oo nag-eejaculate sa gilid ng upuan malapit sa videoke sa loob. Agad akong tumayo para tignan ang ginagawa ng lalaki sa gilid ng videoke room. Namangha ako! Parang ngayon lang ako nakakita ng ganung sandata bukod yung sa akin. Hindi ko nakita ang sandata ni Lei noong nagsex kami, kasi hindi ko tinanggal ang shorts niya. Ang ganda!! Ang haba!! Ang taba!!!

Hindi ko namamalayan na tinitigasan na ako kaya naisipan kong takpan ang harap ko sa baba ng Math Time na lagi kong dala para hindi mahalatang tumatayo si Dudong ko. Tumagal ng ilang minuto at napansin kong mabilis na binabalbal gamit ang kanang kamay ng lalaki ang kanyang mala-talong na alaga nito hanggang sa bumulwak ang mala-conditioner na kulay na dagta nito sabay punas sa panyo niya. Parang effortless lang para sa kanya. Tumayo siyang bigla at nanood ng bold. Bigla akong na-curious sa nakita ko. Ano kaya lasa ng sa kanya? Masarap ba na isubo ang alaga nito sa bibig?

Nakita ako ni Lei na parang napatulala sa nakita at sabay hinila niya ako pababa. Tinanong niya sa akin kung ano ang ginagawa ko.

"Hoy, anong ginagawa mo diyan?loko ka, Big Bro!! Para kang timang!!" sabi niya sa akin habang nakatitig sa dalawa kong mata.

"...Sight seeing?! Ang ganda kasi ng mga nakikita ko sa tv sa loob eh.. NAKAKAPANGHALINA!!" sagot ko na wari'y hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi sa kanya.

"Loko!!"

Sakto nang habang nag-uusap kami ni Lei ay may lumabas na sa dulo ng videoke room. Agad kong tinapik sa binti si Lei sa tabi ko sabay tayo pumunta sa na-okupang videoke room. Pinapunta namin yung staff ng quantum at sabay ibinigay ang sinulat ni Lei sa maliit na papel sa kanya.

Nang natapos ay biglang kinuha ni Nikol ang microphone sabay kanta sa napili niya. "On bended Knee" ng "BoyzIIMen" ang kinanta niya. Napamura kaming lahat nang inumpisa niyang kumanta. Ang sakit sa tenga! Kung alam ninyo lang!! Nang umalis si Hiro sa tabi ko para tumabi kay Nikol ay tyempong umupo sa tabi ko si Lei. Kinuha niya ang kamay ko sa kanan sabay ini-sway. Loko din tong lalaking to, pasimpleng chancing sa akin!

Natapos ang kanta ni Mokong, este ni Nikol pala, at ibinigay ang microphone kay Hiro.

"Hello fans!! This song is dedicated to my one and only love, Jacob!!! "

Isa rin sa mga loko-lokong ito si Hiro. Syempre, ano pa ba ang kakantahin niya na naa-associate sa kanya, kundi "Hero" ni Mariah Carey!! Tawanan kami ng malakas ng tumambad sa tv ang title ng kanta. Agad niyang kinanta iyon na ipit at boses babae. Habang kumakanta, naisipan kong batuhin ng papel na nakita ko sa sahig. Nasaktan siya kaya gumanti siya sa akin ng halik sa pisngi. Tumayo ako at nakipagharutan kay Hiro. Nang na-corner ay agad ko naman siyang inambangan ng halik na umaatikabo sa pisngi niya sabay tulak sa akin at napahiga sa binti ni Lei. Nagkatitigan kaming dalawa pero sa puntong iyon ay hindi na ako pinakialaman ni Hiro. Ang ganda ng mga mata ni Lei.. Me kung anong pumasok sa isip ko na halikan ko siya sa labi habang nakahiga sa mga binti niya. Pumikit ako at inilapit kong bahagya ang mukha ko sa mukha niya, nang me ginawa siya na kinamula agad ng ilong ko.

"Ano ka, sinuswerte. Ikaw Big Bro ah!!" sabi ni Lei sabay pisil sa ilong ko ng madiin.

"Aaaaaaarrrrrraaaayyyyy!!!!"

Napasigaw ako ng hindi oras. Sakto pa naman at may tigyawat ako sa ilong kaya dumoble ang sakit ng ilong ko dahil sa pagpisil nito sa akin. Biglang tumingin ang dalawa.

"Uiiiiii..... Ang sweet ng dalawa!! Magbestfriend lang yan ah!! Akala mo, mag-asawa na!! Nakakabakla kayo!!" Sigaw ni Nikol sa amin nang kami ay nahuli niya.

Natapos ang kanta ni Hiro na bagsak ang score nito. 77.. Better luck next time!! Hahaha!!! Pagkatapos ay binigay ni Hiro kay Lei ang mic. Tumingin si Lei sa akin at pabulong na nagsabing "I LOVE YOU" sa harap ko.

Remember me this way.. Iyan ang kinanta niya. Bigla akong napatayo at natulala sa napakinggan kong kanta. Walang anu-ano ay bigla akong lumuha. Lumuha ng lumuha at ng tumagal ay napagdesisyunan ko na tumakbong papalayo kay Lei sabay dampot sa mga binili ko at sabay sumakay sa escalator, bumaba at nagpasya na bumaba ng Mall. Hindi ko napansin kung nababangga ko na mga kasalubong kong maglakad sa mall at di ko na rin pansin na tuloy pa rin ang daloy ng aking mga luha. Pagkalayo ko sa mall ay saktong sumakay ako ng papunta sa Divisoria at nagpasiyang umuwi.

Walang pumigil sa akin na gawin iyon noong napakinggan ko ang kantang nagpaalala sa akin ng pagmamahal na nabahiran ng galit kay Patrick. Gusto ko pang mabuhay sa puso ko si Patrick, pero ang sakit sa damdamin ko na biglang bumalik ang naging dahilan para masaktan ako ng lubusan. Umiiyak akong inabot ang bayad ko sa jeepney driver. Hindi ko lubos maisip kung bakit sa dinami-damming pwedeng kantahin ay yun pang kinanta ni Lei! Pati tuloy siya ay nadamay sa masidhi kong galit sa aking nakaraan.

Umuwi akong nakita ako ni Cheney sa daanan na umiiyak. Agad niya akong niyakap at sinamahang umuwi. Sakto at wala si mommy at mukhang nagbabantay sa water station na family business namin kaya kaming dalawa lang ni Cheney ang nasa loob.

"Hey cakie, what's wrong? Bakit ka umiiyak habang naglalakad? What seems to be the problem, honey..?"

"The song... That song... Huhuhu!! Narinig ko ulit yung kanta!!" sabi ko sa kanya habang nakaupong nakayakap sa kanya.

"Hiss cakie, calm down. Kaya mo yan!! I do believe in you.. See mahal mo pa si Patrick, hindi ba?!"

"Oo.. Mahal na mahal ko siya, pero kapag naririnig ko ang kantang nagpapa-remind sa kanya, agad-agad bumabalik ang galit ko sa kanya..."

"Yeah, I know my cakie. Sige at iiyak mo lang sa harapan ko ang lahat-lahat.."

Iniyak kong lahat ang hinagpis ko kay Patrick. Hinimas ni Cheney ang likod ko sabay suyo sa akin na iiyak ko ang lahat. Nang medyo nahimasmasan ay tumayo ako sa kanya sabay yakap ng mahigpit. Agad na nagpasalamat sa kanya sabay dampi ng labi niya sa labi ko.

Bigla niyang inihinto pagkatapos ng ilang minutong paglalapat ng aming labi. Nagpasiya siyang dalhan ako ng sinigang na baboy na niluto ng mommy niya para sa hapunan nila.

Bumalik si Cheney after a few minutes. Binuksan ko ang gate at napansin ko na mayroon siyang dalang mainit-init na sinigang na nasa malukong na tupperware at agad kong kinuha iyon. Medyo mag aalas siyete y media na ng napansin ko ang oras. Anlamig ng simoy ng hangin at saktong magpapasko.

"Magmimisa de gallo ka mamaya, cakie?" tanong ko sa kanya habang papunta sa loob.

"I don't know, cakie. Maybe if my mom will call me up later to attend the mass, Baka makapunta ako." sabi ko sa kanya.

"I hope you'll do.. Kasi pupunta ako mamaya. I really want to spend Christmas Mass with you. Who knows, this might be the last?!" Sabi niya sa akin.

"Anong last?! Wait, do you mean aalis ka? Iiwan mo akong katulad ni Patrick? Please, wag mo naman akong gawing ganito!!" Pasigaw kong sinabi kay Cheney habang nakatingin ako sa kanya ng masama.

"Cakie, what I'm trying to say is, I just want to be with you this Christmas, tayo ni Lei! Tayong tatlo!! Gusto ko, tayo tayo lang magbe-bestfriend!!"

Sabay akong tumalikod pagkatapos niyang magsalita. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng pinggan namin ni Cheney at pitsel na may lamang iced-tea. Dinala ko Ito sa kanya habang may ka-text siya sa CP niya.

"Cakie, what gift do you want this Christmas?" tanong sa akin ni Cheney habang binibigay ko ang pinggan sa kanya.

"Kahit ano, I'm not choosy when it comes of everything. Basta I am prolly contented with what kind of gift you will give for me this Christmas." sabi niya sa akin habang nakatingin sa ginagawa ko.

Habang nilalapag ko ang pinggan sa kanya ay bigla niyang kinuha ang kamay ko. Tinitigan niya ako na parang may gustong ibig sabihin. Tumingin din ako sa mga mata niya. Hindi ko alam. Parang pinipilit ko ang emosyon ko sa kanya na dati ay hindi talagang ganun.

"Cakie, come what may, I will always love you!! Mahal na mahal kita, Cakie ko... You'll always be in my heart, forever!! Pahalik naman!!"

Hindi ko siya narinig sa mga puntong iyon. Marami akong gustong sabihin sa kanya sa mga nararamdaman ko ngayon. Mahal ko siya, Oo, pero hindi ko na ramdam iyon sa kanya. Feeling ko, isa na lang siya sa mga kaibigan ko na nagmamahal sa akin. Mahirap!! Talagang-talaga!!

Lumapit siya sa akin at sabay dinampian ang nanunuyot kong labi ng labi niya. Napapikit ako. Parang pumapasok sa isip ko si Lei. Parang feeling ko, siya ang kahalikan ko. Si Lei na minsan naging kaibigan ko, naging bestfriend ko,kinakapatid ko, at ngayon, ang aking SECRET LOVER.

Pinagsaluhan namin ni Cheney ang mainit na sinigang na bumabawi sa lamig ng panahon. Medyo maasim ang lasa pero nagustuhan ko naman. Pinunasan ko ang noo ni Cheney nang napansin ko na pinapawisan siya habang kumakain at nagpasalamat pagkatapos. Nang natapos kaming kumain ay napagdesisyunan kong paupuin si Cheney sa sofa habang nililigpit ko ang aming pinagkainan. Agad na lumapit ang alagang shitsu na ibinigay niya sa akin at pumunta kay Cheney. Patrick ang napili kong pangalan para sa kanya at agad niyang tinawag iyon sa pangalang ibinigay ko sa aso. Nang pumunta sa kanya ay agad niyang kinarga ito at hinalikan ang ilong. Natapos ang mga araw na iyon na marami ang nangyari sa akin na hinding hindi ko makakalimutan.

Itutuloy....

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP