The Best Thing I Ever Had - Season 2 Episode 7

Monday, August 22, 2011

Author's note: Again, maraming salamat po sa mga comments niu :) particularly to the following:
Jayfinpa
Darkboy13
MArc
wastedpup
Jack
and all the Anonymous lol
also, I would like to thank kenken ko :)
sana po subaybayan nio until the end hehe. eto na po ang episode 7! enjoy reading!

Episode 7 - Will You Be Mine?

--------------------------------
Kinabukasan, ginawa ko ulit ang everyday routine ko. Gigising, kakain, maliligo, magbibihis, tapos, papasok na. Pumasok na ulit kaming magkakaibigan pero hindi bumuka ang bibig ko at nagsambit ng kahit isang salita. Ewan ko pero, nafeel ko lang manahimik,. Napansin ito ni Marco. habang naglalakad papasok ng campus----

"Av, okay ka lang ba?" tanong niya.

Tumango lang ako sa kanya at binigyan siya ng isang pilit na ngiti. Habang naglalakad kami sa campus, nakatingin sa akin ang lahat ng tao. Ang iba'y nakangiti sa akin. Yung iba naman, talagang head-to-toe ang ginawa.

Tusukin ko mga mata niyang mga echoserang palaka na yan eh.


Hayaan mo na sila. Mga walang magawa sa buhay yang mga yan.


Tomo.


At dahil sa insidenteng nangyari kahapon, ako na ang naging headline sa Chismis bulletin sa school.

Taray teh! sikat! Bongga!


Sari-saring chismis ang nasasagap at naririnig ko. Iba-ibang headline pa. Meron nga eh, "A preggy tortured by a faggy". O diba? San ka pa?


At ikaw pa daw talaga ang nang-torture huh?


I know right?!


Pero meron din namang positive, like. "Av is for the people" Grabe noh? parang campaign motto lang hahah.


Tatakbong presidente?


Pwede rin.


Hindi ko naman siniryoso ang mga issue na mga yan. Hindi ko na lang pinansin. Basta ang alam ko, tama lang ang ginawa ko. Hindi naman ako nagsisisi sa ginawa ko. Siyempre kailangan ko rin namang ipagtanggol ang sarili ko diba?

Tama. Wala namang mali sa sinabi mo eh. Lahat naman ng sinabi mo totoo. Kaya hindi ikaw ang masama.


Naglalakad kami papunta sa klase namin. Ihahatid raw ako ni kuya Marco. Pumayag naman ako. Sa hallway---


"Gusto mo ba bugbugin ko yung mga chismosong mga yan?" tanong ni kuya Marco. Tumawa lang ako. "O, bakit ka tumatawa? Seryoso ako,.ano?" sabi niya.

"Wow! Bakit si Superman ka ba? lakas ng tama mo kuya ha." sabi ni Macky sabay tawa.

"More like..Knight in shining armor! Bongga!" sabi naman ni Coleen.

"Tumigil nga kayong dalawa!" sabi ko sa kanila na medyo natatawa.."Kuya Marco.." huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya..."Ayos lang ako.Hayaan mo na lang yang mga tao na yan, mga abnormal yang mga yan. Wag na lang natin patulan. Baka mapatungan pa ng ibang issue kapag pinatulan pa natin eh..okay lang ba?" sabi ko.

"Ikaw lang kasi Av ang iniisip ko.." sabi niya ng malungkot ang mukha niya. "Ayokong nahihirapan ka..ayokong nasasaktan ka.." hinawakan niya ang magkabila kong balikat..

"Ang cheesy!" sabi ni Coleen.

"Ang corny!" sabi ni Macky.

Natouch naman ako sa sinabi niya. Ang thoughtful talaga nitong mokong na toh..hindi talaga mahirap mahalin..


Hindi pala mahirap mahalin eh, bakit hindi na lang siya mahalin mo?


Ewan ko..basta.. Hindi kami ang para sa isa't isa.


Bakit mo naman nasabi yun?


Hindi ko alam..basta!


"Kuya Marco, thank you pero, okay lang po talaga ako..wag mo na kong intindihin.okay?" sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka?" tanong niya.

Tumango lang ako. Nagulat ako ng hinalikan niya ako sa noo. Bigla ko na naman tuloy naalala si Van. Si Van lang kasi ang gumagawa sa akin noon. Kaya nabigla ako ng gawin niya iyon sa akin.

"B-bakit mo ko hinalikan sa noo?" tanong ko sa kanya.

"Hmm..di ba ang mga matatanda, hinahalikan sa noo ang mga bata..tanda ng pagmamahal,. ayoko namang halikan ka sa pisngi o sa labi..parang hindi naman ata tama yun since hindi pa naman tayo..pero darating din tayo diyan." at kinindatan niya ako't nagpakawala ng isang pilyong ngiti.

Tinulak ko ang noo niya. "Ummmm! Ambisyoso!" sabi ko at tumawa.

"Ayyy." mukhang nadisappoint siya sa narinig.. "so ibig sabihin...wala akong pag-asa sayo?" tumingin siya sa akin ng may malungkot na mukha,.

"Bakit sumusuko ka na ba?" tanong ko.

"Hindi! hindi ako susuko sa'yo.gagawin ko ang lahat, sagutin mo lang ako." parang pursigidong pursigido siya.

Mukhang malakas ang tama sa'yo nitong isa na to ah.


Nginitian ko lang siya. "Sige kuya, punta ka na sa class mo, baka malate ka pa. Papasok na rin kami."

"Sige." hinaklikan niya ako ulit sa noo at niyakap. Aaminin ko, iba ang naramdaman ko. Kaparehas ng naramdaman ko nung niyakap ako ni Van noon. "See you at lunch!" at umalis na siya.

Bakit kaya ganun ang naramdaman ko? 


Mukang nahuhulog ka na sa kanya ah.


hayy.ewan ko.ang gulo!


"Ang sweet huh!" sabi ni Coleen. "Ayiiiee! kinikilig siya!" at tinutusok tusok niya ang tagiliran ko.

"Tigilan mo nga ako!" sabi ko.

"Tigilan niyo na nga yan! Pumasok na tayo baka malate pa tayo, masermonan pa tayo." sabi ni Macky.


Pumasok na kami sa auditorium para sa acting class namin..Nagtaka ako dahil walang ilaw na nakabukas na auditorium. Ngunit nagulat ako ng biglang bumukas ang spotlight at itinutok sa akin. Nasilaw ako sa sobrang liwanag ng ilaw kaya nakaharang ang aking kamay sa bandang itaas ng aking mga mata.

"Ano to?" tanong ko. Pero paglingon ko, wala na sila Macky at Coleen sa harap ko. Lumingon akong muli sa harap ko. Biglang bumukas ang isa pang spotlight sa stage at nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa isang stool, at may hawak hawak na gitara at may nakatutok na mic. Nagulat ako ng maaninag ko kung sino ang lalaking nandoon. "Ram." ang nasambit ko. Nagsimula na siyang kumanta.

Kung ako ang may-ari ng mundo, 
Ibibigay ang lahat ng gusto mo, 
Araw-araw pasisikatin ang araw, 
Buwan-buwan pabibilugin ko ang buwan 
Para sa'yo, para sa'yo

CHORUS: 
Susungkitin mga bituin, para lang makahiling, 
Na sana'y maging akin, 
Puso mo at damdamin, 
Kung pwede lang, kung kaya lang, 
Kung akin ang mundo, 
Ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo... 

Kung ako ang hari ng puso 
Lagi kitang pababantay kay kupido, 
Hindi na luluha ang 'yong mga mata, 
Mananatiling may ngiti sa 'yong labi, 
Para sa'yo, para sa'yo, 

REPEAT CHORUS


Grabe ang ganda ng boses niya,.nakakainlove talaga! Grabe kinikilig talaga ako. Habang kumakanta siya, isa isang lumapit sa akin ang mga classmates ko na may dalang tigi-tigisang rose. Grabe para akong naiiyak sa sobrang kasweetan. Kilig to the max!

Bongga teh! grabe di ko makeri!

Lumapit na sa akin sina Macky at Coleen ng nakangiti. Hinila nila ako papuntang stage. "Oi! Anung gagawin niyo?!" sabi ko.

"Sumama ka na! akyat na sa stage dali!" sabi ni Coleen. Kinikilig din tong abnormal na kaibigan ko na to.

Eh sino bang hindi kikiligin?

Well may point ka jan.

Umakyat din naman ako sa stage.

Pakipot pa kasi eh! dali lapitan mo na!

Nilapitan ko siya at nagsimulang magtiliian ang mga kaklase ko. Feeling ko nagbblush ako ng bonggang bongga, parang nag-iinit kasi ang buong mukha ko eh. Kasalukuyan pa rin siyang kumakanta, nakatingin sa akin at nakangiti habang kumakanta. Sibayan na ng mga classmates ko ang pagkanta niya na mas nagdagdag ng kilig aura sa buong auditorium. 

Grabe nakakakilig talaga! Kanina si Papa Marco, ngayon si Papa Ram naman!! Bongga!

Ng matapos ang kanta niya, nagtiliiang muli ang mga kaklase ko. Grabe hindi ko alam ang gagawin ko. hindi ko alam kung paano ako magrereact. Pano nga ba?

Edi kiligin ka! Yun lang ang magiging reaction mo!

Lumuhod siya sa harap ko. Bigla siyang may kinuha sa likod niya. Isang red rose na may kasamang note.

WILL YOU BE MINE??

Hindi ko alam ang isasagot ko. nagsalita siya at kinuha ang kaliwang kamay ko. "Av, will you be mine?" tanong niya. Nagtiliiang muli ang mga kaklase ko. Lahat sila, nagsisigawan ng "YES NA DALI!".

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hoy boses pano ba to? Nakakablanko ng utak!

Ewan ko, kinikilig ako hindi ako makapag-isip!

Arrrghh pano ba toh?!

----------------------------
Until the next episode,
Av.

2 comments:

Superman,  August 25, 2011 at 12:41 AM  

hahaha nakakatawa na nakakatuwa talaga ang kwento na to.. adik lang eh.. pagpatuloy mo lang yan.. :D

Coffee Prince August 25, 2011 at 8:45 PM  

ahahaha, HAVEY AH . .


kaw na . .


wawa naman c Marco kung makikita nya yang eksenang yan . . hehe . .


pero in fairness NAKAKAKILIG . .


>_<

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP