The Best Thing I Ever Had - (Part 3) Who's That Chick?

Saturday, July 23, 2011

Note: this is part 3 of The Best Thing I Ever Had
Enjoy reading! :)


by: Vince / ace.raven


-------------Back to the present--------------------



Nasa ganoon akong pag-i-imagine sa loob ng banyo nang biglang may kumatok.

(Knock.Knock.Knock)

"Bunso anu ng nangyari sayu? Kinain ka ba ng bowl? Nakatulog ka na ba sa bathtub? Nalunod ka na ba? Hahaha!" ang sabi ni kuya Van pagkatapos ay tumawa siya ng malakas.

Shakin my head. Tsk. Tsk. "Malapit na pong matapos, saglit lang po." ang sarcastic kong sagot. Buti na lang ay nadala ko na kaagad ang mga damit ko sa loob ng banyo kaya duon na rin ako nakapagpalit. Paglabas ko ng banyo ay nakabihis na ko.

"Wow! Fresh na fresh ang bunso ko! Pakiss nga!" sabi ni kuya.

"Yuck! Kiss-kiss mu sa pader!" sabi ko sa kanya sabay tawa.

Naku! kunyari ka pa eh! pakipot ka pa! eh gusto mo rin naman! hahaha., sabad ni kontrabida.

Tumigil ka nga! wag mo kong iladlad! gusto mo tadyakan kita jan?. sabi ko sa boses sa aking utak.

Sige try mu! kung kaya mo! hahah. 

Hayy nako.. Anyway, back to the real world.

"Kiss lang naman ah. Wala namang malisya, parang magkapatid naman tayu ah. Unless,." sabi niya sabay bitaw ng isang devilish smile.

"Unless ano? ano na naman?" sabi ko sa kanya na medyo may kaba inside of me.

"Unless hindi kapatid ang turing mu sakin." again, with the devilish smile.

"Tigilan mu nga ako!" sabi ko sa kanya at tumalikod sa kanya para humarap sa salamin. Kinuha ko ang clay doh at nag-ayos na ako ng aking buhok. Niyakap niya ako sa likod na ikinagulat ko naman. "Oh anu nanamang drama yan?"

Ayiiee! kinikilig siya! sabi ni maldita. Che! inggit ka lang! sabi ko naman sa kanya.

"Av, hindi mo na kailangan pang itago sa akin. Alam ko na." sabi niya na nakatingin sa salamin habang yakap pa ko at ngumiti sa akin.

"A-ano? anung pinagsasasabi mo?" Bumilis ang tibok ng puso ko. OMG! Don't tell me na alam na niyang ako'y isang girlalush?! No! baka pagnagkataon layuan na niya ko! OMG! gosh Lord, please wag naman sana.

Hahaha! Buking ka na! Lagot ka! 

"Alam ko na, na bakla ka. Matagal na.Pero wag kang mag-alala, ayos lang sa akin yun. Basta wag ka lang ma-i-inlove sakin." sabay tawa niya.

Humarap ako sa kanya at hinawakan ng isa kong kamay ang kanyang pisngi at ang isa namay inilapat ko sa kanyang machong dibdib. "Talaga? Alam mu na?", ang pag-lalanding sinabi ko sa kanya,.Hinaplos ko ang kanyang mukha at saka itinulak siya palayo sa akin. "Um! Bakla ka jan! Baka ikaw! hahaha"

Tumakbo ako papalabas ng kwarto at hinabol niya ako hanggang sa baba. Nakorner niya ako sa isang sulok kaya hindi na ako lumaban pa. 

"O-ok sige na, you win.a-ayoko na" hinahabol ko ang aking hininga.

"Haha! Lagot ka sakin ngayun!" he showed his devilish smile and then sinimulan niya akong kilitiin.

"Kuyaaaaaaaaa!!! Tama naaaaa! hahaha!"

Nilock niya ako gamit ang kanyang mga kamay. Tinulak niya ako sa pader at nagkaharp kami. hawak ng dalawa niyang kamay ang aking mga kamay at inilapat iyon sa pader."Umamin ka!"

"Ano...bang...aaminin...ko...eh hindi...naman...talaga!" na medyo pagalit na sabi ko sa kanya habang hinahabol ang aking hininga..

Nag katitigan kaming dalawa. Ang lapit lapit na ng mukha niya sa akin. Naamoy ko ang mabango niyang hininga. Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong halikan sa labi. Nakapikit ako nuon.

"Huy!", sabi niya sabay tulak sa aking noo. "Nagdday-dreaming ka na naman!"

Hahaha ambisyosa talaga tong bakla na to. sabi ni maldita.

Guniguni ko lang pala na naghalikan kami. Sayang! joke. sana hindi ako nagbblush! Hindi pa rin ako makaimik.

"Halika na nga! punta na tayo sa mall!" ang pangyayaya niya sa akin.

I still feel weak after what he did. Hinahabol ko pa rin ang hininga ko.

"O, kailangan mo ng tubig? Gusto mo uminon ka muna?" ang concern na tanong niya.

Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig, pagkatapos ay pumunta na ako pabalik sa kanya para kami'y makaalis na kami.

Sumakay kami sa tricycle. Habang nasa loob, tahimik lang kaming dalawa habang nakikinig sa aking iPod.Tig-isa kami ng earphone na nakalagay sa tenga. 

Ayiiieee! Ang sweet naman nila!

Shhh! Tumahimik ka!

Habang tumutugtog ang kantang to:


Bigla naman akong nakatanggap ng text message. Galing kay Coleen.

--------------------------------------------------------------
Coleen: Oi bes! busy ka? Labas tayo!

Me: Ah eh, papunta n kc aq ng mall ngaun eh kxma si kuya Van. Sowee pde nxt tym n lng? :(

Coleen: Ayiiiee! may d8 sila!! O cia cia, cge nxt tym n lng. enjoy sa date niu! :D

Me: IT'S NOT A DATE! lol. anyway, sowee tlga.

Coleen: Ok lng.cge! ingats!
----------------------------------------------------

"O sinu yang katext mu?" tanong ni Kuya Van.

"Ah. Si Coleen, may tinanung lang." sagot ko naman.

"Ah ok." sabi na lang niya.

Pumunta kami sa mall. Habang naglalakad kami ay naramdaman ko na lang ang pag-akbay niya sa akin. Nakakabit pa rin sa tenga namin ang mga earphones.

Ayiiiiee!!! Napakasweet niyo naman! Ang ganda niyung tingnan! Para talaga kayung Mag-jowa!

Which is totoo naman. Mukha naman talaga kaming mag-jowa sa set-up naming iyon.

"O anung drama to?" tanong ko sa kanya. nakatingala ako dahil mas matangkad siya saakin.

"Wala lang. Bakit hindi ba pwede?".ngumiti siya sa akin.

Hindi na lang ako sumagot.

Maya-maya'y nagulat na lang ako nang hinalikan niya ako sa noo.

"O para saan naman yun?"

"Wala lang din. Bakit hindi pa pwede?" nginitian niya ako.

Tinanggal ko ang pag-kakaakbay niya saakin at humarap sa kanya. "Kasi po Mr. Van Romero, inappropriate po yung ginagawa niyu sa akin. Ano ko? girlfriend mo? Hello?"

He gave me a sweet smile. "Ok po. Sige na halika na, baka nababagot na yung naghihintay satin."

"Naghihintay? sino?" tanong ko sa kanya because I really have no idea kung "sino" ung naghihintay sa amin,.

"You'll see." sabi niya at nag-umpisang maglakad.

Walang masyadong tao sa mall kaya hindi naman mahirap maglakad. Napansin ko rin ang mga taong nakatingin sa amin. 

Naririnig ko na lng ang mga tao na nagsasabi :

"Ang cute naman nung dalawang iyon, mukang mga artista!"

"Ang gwapo naman ng dalawang to!"

Nakarating kami sa second floor. Malapit na kami sa Mcdo nang naaninag ko ang isang pamilyar na babaeng nakatayo sa labas ng Mcdo. Kumakaway siya sa amin. Nang malapit na kami ay tsaka ko lang naalala kung sinu siya.

Si Jenny. 


---------------------------------------------------
Until the next episode,
Av.

4 comments:

Anonymous,  July 23, 2011 at 9:59 PM  

BITIN!!! HAHAHAHAHA :))
pero maganda to kuya ha!!! which leaves me thinking..Girlfriend ba un ni Van? hay!!!! wag naman!!!!!!!!!! nyahahahhaa :)) Nice job Mr. Author! Another point I would like to praise is your consistent updates for the story :)) More Power Mr. Author!!!!
-patrick :))

Coffee Prince July 24, 2011 at 3:24 AM  

AHA! who's that impakta?

joke . .


nice , kung ngayon todo kilig cya . im pretty sure na super jealous yan sa next part . . haha

Ü

Thanks kua Vince . .

[FLYING KISS]

ace.raven July 24, 2011 at 10:38 AM  

salamat po kuya patrick hehe. i'm really happy you like it hehe.
let's just see on the next part hehe.
thank you po ulit! :)

ace.raven July 25, 2011 at 8:40 PM  

hahaha slamat din kuya coffee prince. lol i should come up with a nickname for you.ang weird kasi pakinggan ng "kuya coffee prince" hahah.anyway, thanks ulit :)

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP