Terrified 2

Wednesday, April 20, 2011

Author:Unbroken/Rovi
FB:Iheytmahex632@gmail.com
BLOG:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/


✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖
“Nakikita kita Jared. Alam ko lahat ng sakit na dinaranas mo. Wag kang matakot sa bukas,kahit anong mangyari,andito ako. Ako ang kaisaisang taong hindi tatalikod sa’yo. Ganoon kita kamahal.”

✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖

Hindi ako mapakali. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Jared ang sinabi sa akin ng kanyang ina. Paano kung magalit sya? Paano kung bigla nya akong saktan? Paano kung masaktan ko sya sa mga itatanong ko? Hindi ko alam. Patuloy ang paghawak ko sa dulo ng aking palda na tila ba tinatastas ko ito. Nakita iyon ni Jared.
“Wifey? Bakit ganyan ang kamay mo? Kinakabahan ka ba?” malambing na tanong nito sa akin.
“Hubby,hindi naman.” sabay ngiti ng may halong kaba.
“Kilala kita Kath,ewan ko ba,alam ko na ganyan ang gawain mo pag kinakabahan ka. Ano bang nangayayari?”
“Wala naman hubby. Siguro stressed lang ako.”
Pagkasabi ko nito ay naramdaman kong inihilig ni Jared ang aking ulo sa kanyang balikat. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Nakakapaso ang sensasyong dala nito. Ang tagal na rin namang hindi kami nakakapagusap ni Jared ng maayos. Ngayon siguro ang tamang oras dahil mukha namang nasa mood sya. Umalis mula sa pagkakasandal sa balikat ni Jared at nagbuntong-hininga.
“Totoo ba?” tanong ko kay Jared.
“Totoo ang alin?” magiliw na sagot nito sa akin.

“I'm bothered kung ano na bang nangyayari sa'yo Jared eh,do you want us to see a doctor?” tanong ko dito.
“Kath? What for?” seryosong sabi nito.
Nakaramdam ako ng takot. Ang kaninang magiliw na Jared ay biglang nagiba. Kanina ay tumatawa ito habang nagkekwentuhan kami sa hardin ng kanilang bagong bahay pero ngayon ay iba na. Hindi ko na maipinta ang mukha nito. Tinitigan ako nito ng napakatalim,kung patalim lang ang mga titig nya,malamang duguan na ako. Biglang nagdilim ang mukha ni Jared. Halatang tinoyo na naman. Dali dali syang tumayo at agad na tinungo ang loob ng bahay. Maririnig mo ang malakas na pagbagsak ng main door na nagpapatunay kung gaano sya kagalit sa mga sinabi ko sa kanya.
Nagiba na nga si Jared. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Litong lito na ako.

✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖
“Nakikita kita Jared. Alam ko lahat ng sakit na dinaranas mo. Wag kang matakot sa bukas,kahit anong mangyari,andito ako. Ako ang kaisaisang taong hindi tatalikod sa’yo. Ganoon kita kamahal.”
✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖

Kailangan kong magmadali. Kailangan ko agad lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung tama ba ang aking kongklusyon pero kung hindi,alam kong masasaktan ng husto si Jared ng dahil lang sa isang maling akala. Hindi ko mapapayagan yun,ayokong masira ang tiwala sa akin ni Jared. Mas mabilis pa ako sa magnanakaw kumilos ngayong panahon na ito,kailangan kong magmadali,dapat makalabas ako ng kwartong ito na dala ang mga bagay na magpapatunay ng adiksyon ni Jared.
Hinalungkat ko ang kulay pilak na tukador na matatagpuan sa tabi ng kama ni Jared. Mabilis na hinatak at hinalungkat ang mga gamit. Bumulatlat sa aking paningin ang mga damit na nakaayos pati na rin ang mga underwear na nasa may ilalim na ng tukador. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa aking noo. Malamig ito. Kabado dahil kahit anong mangyari ay maaari akong mahuli ni Jared,pero hindi ko na kayang ipagpabukas ito,kailangan ko ng ebidensya.
Parang ito na ang pinakamahabang oras sa aking buhay. Ang paghahalughog sa kwarto ng aking anak. Paghalughog para makahanap ng depektos. Paghalughog para makakita ng balang magtutuwid sa lahat. Bilis Stella. Bilis. Patuloy ako sa aking ginagawa,hanggang sa naisipan kong silipin ang ilalim ng kama. Tama nga ang aking nakita,pinagbabawal na gamot nga ang nandon. Kahit na ineexpect ko na ang mangyayari,hindi ko pa rin maiwasan ang maging malungkot. Saan ako nagkulang sa pagpapalaki sa kanya? Bakit sya naging rebelde sa akin? Ano ba ang gagawin ko?
Tinago ko sa bulsa ang mga depektos na nakuha. Nakarinig ako ng malakas na kabog ng main door. Nakaramdam ako ng kaba. Dali dali akong lumabas ng kwarto. Nakalabas na ako at nakitang papasok si Victor sa aming kwarto. Nagulat syang lumabas ako sa kwarto ni Jared,mababakas sa mukha nya ang labis na pagtataka.
“Ma? Anong ginawa mo sa kwarto ni Jared?” nagtatakang tanong nito.
“Nakuha ko na ang mga depektos.” naiiyak kong sabi.
Agad akong niyakap ni Victor. Inalo ako na parang batang nawalan ng kalaro. Nagiging desperado na ako sa nangyayari. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin.
“Matatapos din lahat Ma,dapat maiparehab natin si Jared.” sabi nito.
“Anong rehab rehab?”
Napatingin kami ni Victor sa kung saan nanggaling ang sigaw na iyon. Nagulat kami sa nakita,pulang pula ang mukha ni Jared sa galit. Nakasarado ang kanyang mga kamao na parang handang handang umatake. Makikita mo sa kanyang bibig na ang mga panga nya ay nagpupuyos. Nanginginig ang kanyang buong katawan sa galit. Hindi ko na maipaliwanag. Parang demonyo si Jared,nakaramdam ako ng panghihilakbot at awa sa aking anak.
“Hindi ako Adik! Mga Puta kayo! Ako Adik?? Hindi ako adik! Hindi! Hindi! Hindi!”pasigaw na sabi nito.
Pagkasabi ng mga maanghang na katagang iyon ay agad syang tumakbo sa kanyang kwarto. Binalibag ang pinto at nakarinig kami ng tunog ng nababasag na mga gamit. Nakita namin na nakasunod si Kath na namumutla sa takot. Agad syang nilapitan ni Victor at dinala sa akin. alam ang gagawin. Lumuha kami na parang namatayan sa mga telenovela.
“Tita,ano na pong gagawin natin?” sabi nitong natatakot at umiiyak.
“Dapat madala na natin sa rehab hija. Hindi na dapat natin patagalin to.”
Nanatili kami sa kinatatayuan namin. Tila ba napako kami sa lahat ng mga nangyayari. Patuloy pa din ang pagbabasag ni Jared ng mga gamit sa kwarto. Maririnig mo ang pagsigaw nya na parang wala ng bukas. Maririnig mo ang paghiyaw nya kung kanikanino. Bigla syang magmumura at makakarinig kami ng kabog ng pinto. Tumagal ang ganoong eksena ng ilan pang mga minuto.
Huminto si Jared sa pagbabasag ng gamit. Hindi namin alam kung bakit,hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa kanya sa loob. Kinakabahan ako na baka sinaktan na nya ang sarili nya or baka nagpakamatay na sya. Naguunahan ang luha ko at ang pintig ng aking puso. Tinignan ko si Kath at namumutla pa rin ito. Si Victor naman ay halatang nagaantay ng susunod na mangyayari. Nakaupo ito at nakapangalumbaba,halatang may malalim na iniisip.
Ilang segundo pa ay narinig na naman namin ang hiyaw ni Jared. Ngayon ay mas malakas ito,naririnig ko na umiiyak ang aking anak. Agad akong tumakbo papalapit sa kwarto pero hinatak ni Victor ang kamay ko.

✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖
“Nakikita kita Jared. Alam ko lahat ng sakit na dinaranas mo. Wag kang matakot sa bukas,kahit anong mangyari,andito ako. Ako ang kaisaisang taong hindi tatalikod sa’yo. Ganoon kita kamahal.”
✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖

“Wag kang papasok doon sa loob,mapapahamak ka Ma.” ang pagpigil ko sa aking asawang si Stella.
“Hindi Victor,kailangan ako ni Jared sa loob.” pagmamatigas nito.
“Hindi Stella. Mapapahamak ka sa loob,naririnig mo naman na nagwawala si Jared diba? Baka mapano ka pa.” nagaalalang sagot ko.
Tumango sa akin ang aking asawa. Mukhang naiintindihan na nya ang ibig kong sabihin. Ilang segundo pa ay palakas na ng palakas ang sigaw ni Jared,may tinatawag syang pangalan. Hindi ko maintindihan kung ano. Palakas ng palakas. Palakas ng palakas. Palakas ng palakas.
“Raf!! ” sigaw ni Jared mula sa kwarto.
“Rrraaaffffff!” sigaw nito at kami'y muling nakarinig ng pagalabog ng pinto.
Tumitig sa akin si Kath at Stella. Halatang nagulat din sa narinig.
“Tita? Sino si Raf?”tanong sa akin ni Kath na nagtataka.
“Hindi ko alam hija. May kaibigan o kaklase ba kayo dating Raf ang pangalan?”
Napaisip si Kath sa tanong ni Stella. Nagtama ang aming paningin at muli itong bumaling sa una.

“Tita,wala po akong kakilalang Raf. Wala din kaming kaklase na Raf.”
Nakaramdam ako ng kakaiba sa pangalang Raf na iyon. Hindi ko alam kung bakit. Nakaramdam ako ng inis at di ko maipaliwanag. Ilang sandali pa ay narinig namin ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ni Jared. Nakaabang kami sa mga susunod na mangyayari. Lumakad si Jared papalabas ng kwarto,wala sa sarili,kaawa-awa ang pagmumukha at halatang may pinagdaraanan. Pinagmamasdan ko ang mukha nito,hindi ko maaninag dahil nakayuko,nagulat nalang ako ng biglang..
“Aaaahhhhhhhhhh!!!!!”tili ni Kath habang tinuturo ang sahig na nilalakaran ni Jared.
Nagulat at napaatras ako sa nakakita. Nakita kong yumakap si Kath kay Stella at bakas na bakas sa kanilang mukha ang sobrang takot. Nakita ko ang aking stepson na lumalakad sa kanyang sariling dugo. Nanatiling nakayuko si Jared,parang gripong mahina ang patak ang dugong nagmumula sa kanya. Nakaramdam ako ng labis na panginigilabot. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.Ramdam ko ang pamamanhid ng aking ulo na tanda ng sobrang kilabot.
Unti unting inangat ni Jared ang kanyang ulo. Tumitig ito sa akin at nagpakawala ng isang blankong ngiti. Patuloy sa pagtili si Kath at nanginginig na din sa takot si Stella. Maging ako ay napaatras papalapit sa kanila sa sobranga takot.
“Hubby! Ano bang nangyayari? Huminahon ka please?” umiiyak na sabi ni Kath.
“Wala. Wala namang nangyayari diba? Normal ako? See?” at ngumiti ito habang tumatagas ang dugo sa kanyang makinis na mukha.
“Anak,please. Huminahon ka. Please. Ibaba mo yang boteng dala mo. Maguusap tayo ng maayos. Anak please.” nagmamatapang na sabi ni Stella.
Nanatili akong nakatayo. Namumuo ang malamig at butil-butil na pawis sa aking noo. Lalo akong kinabahan ng humakbang si Jared habang hawak ang basag na bote ng Chivas. Tumingin ito sa akin at ngumiwi. Ilang segundo pa ay humakbang ito ng isa pa gamit ang kanang paa. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan. Nararamdaman ko ang kaba. Lumalabas ang puso ko sa aking dibdib sa lakas ng pintig nito. Ilang dangkal nalang ang pagitan sa akin ni Jared at ng hawak nitong basag na bote ng Chivas. Tumulo ang aking luha sa labis na takot.
Inangat nito ang kanyang mukha at tinapat sa akin. Bigla itong kumanta.
“I'll never talk again. Oh boy you've left me speechless. So speechless.”
Lalo akong nangilakbot. Pati boses ni Jared ay nagiba na. Parang nasaniban ng kung anong demonyo.
“Jared,anak,ibaba mo yang bote na dala mo. Kakausapin ka namin ng mom mo about dito sa bagay na to. Okay anak? Dahan dahan mong ibaba yan.” panguuto ko kay Jared.
Tumingin ito sa akin. Sinuri ako mula ulo hanggang paa.
“I'll never talk again. Oh boy you've left me speechless. So speechless.” Muli itong kumanta.
Tumingin ako sa likod at nakita kong magkayakap pa din si Stella at Kath dahil sa sobrang takot. Hindi na nila magawang makapagsalita dahil sa nangayayari. Nakita kong binaba ni Jared ang bote ng Chivas. Lumuwag ang aming paghinga. Kahit papaano ay nawala ang aming pangamba.
“Salamat anak at nakinig ka. Ngayon nak,umupo ka dito sa upuan. Maguusap tayo nila Mommy.” sabi ko kay Jared.
“Bakit tayo maguusap?May ginawa po ba akong mali Tito Vic?”malambing at parang batang sabi nito.
“Wala ka pong ginagawang mali anak. Gusto ka lang naming makausap ng mommy mo tungkol sa ibang bagay.”mahinahon at malambing kong sabi.
Parang batang napagsabihan,dahan dahang umupo si Jared sa upuan. Nakita ko ang pagasa sa mukha nila Stella at Kath. Naramdaman ko na humupa na ang kung ano mang epekto ng droga kay Jared. Agad na dinampot ni Stella ang basag na bote ng Chivas at tumakbo naman sa kwarto si Kath para kumuha ng first aid kit. Ilang segundo pa ay nagkumpol na kami sa dining table para kontrolin si Jared.
“Hubby,pupunasan ko lang yung mukha mo ha?” pangaalo ni Kath kay Jared.
“Sige wifey.” magiliw na sagot nito.
Nakaramdam ako ng relief kahit papaano. Bumalik na naman sa normal si Jared. Naging magiliw na naman ito at parang walang katarantaduhang ginawa kanina. Nakipagkwentuhan ito sa akin at kung ano-anong sinabi tungkol sa mga plano nya sa future,kasama na rito ang planong pagpapakasal nya kay Kath.
“Tito Vic,basta pag kinasal kami ni Kath kukunin ka namin na ninong ha?” magiliw na sabi nito.
“Oo naman Jared. Walang problema.” sagot kong natatakot pa rin.

Halata sa mukha ni Stella at Kath ang paghupa sa naging takbo ng utak ni Jared ngayon. Bumalik na naman ang maamong tupa. Pero sa loob ko ay nandoon pa rin ang malaking pangamba.
“Tito,inaantok ako,babalik na ako sa kwarto.” pagpapaalam nito.
“Nak,maguusap pa tayo.” biglang sabat ni Stella.
“Para san mom? Inaantok na ako.” biglang seryosong sabi nito.


Eto na naman. Mukhang sasapian na naman ang aking stepson.
“Anak,may nakita akong...”
“Ikaw ang pumasok ng kwarto ko?!!”Sigaw ni Jared.
“Anak,kumalma ka.”natatakot na sabi ni Stella.
Lumayo agad si Kath kay Jared at tumakbo ito papunta kay Stella.
“Punyeta ka! Ikaw pala ang magnanakaw na pumasok sa kwarto ko! Walang hiya ka!” bulyaw nito sa kanyang ina.
“Anak, you really need to see a doctor. Please.” sabi ni Stella'ng umiiyak.
“I don't need a fucking doctor. I don't need a fucking doctor. Pinagkakaisahan nyo ako!” sigaw ni Jared.
“Anak hindi,gusto naming umayos ang buhay mo. Please makinig ka.” daing ko sa kanya.
Hindi nakinig si Jared. Agad syang pumunta ng kusina at bumalik ito sa may sala dala ang isang gunting. Nagkumpol kumpol kami sa isang upuan at nanginig na naman sa takot sila Stella at Kath,maging ako. Tumingin sa akin si Jared at ngumiti ng nakakaloko. Dahan dahan lumapit sa amin at nagsalita.
“Bakit takot na takot kayo?”sigaw nito.
“Anak,ibaba mo yang gunting.”umiiyak na sabi ni Stella.
“Bakit ma?” tanong nito.
“Anak ibaba mo yan. Baka makasakit ka. Please ibaba mo.”
Imbis na makinig ay sumayaw ito na parang macho dancer na nangaakit. Nakataas ang dalawang kamay at hawak ang gunting habang sumasayaw. Nakatitig sya sa akin. Grabeng takot ang nararamdaman namin.
“Victor tara dito,party party tayo. Sayaw tayo. Dali.” sabi nito sabay tawa.
Patuloy sya sa pagsayaw kahit na walang tugtog.
“Victor sabi ko sayo tara rito eh,sasayaw tayo!” sigaw nito sabay akmang ibabato ang gunting sa akin.
“Oo. Oo. Sandali lalapit na ako.” natataranta kong tugon.
Dahan dahan akong lumapit sa tabi ni Jared.
“Ibaba mo yan Jared. Ibaba mo.” pakiusap ko sa kanya.
“Lumapit ka pa sa akin.” pasigaw na sabi nito.
“Ibaba mo yang gunting at tatabi ako sayo.” nagaalangan kong sagot.
“Sige ba. Ibababa ko to,tapos sasayaw tayo.”
Tango nalang ang naisagot ko sa kanya. Lumingon ako kay Stella at Kath. Kita ko ang grabeng takot na nararamdaman nila. Kailangan ng matapos to. Lumapit ako kay Jared at binaba nito ang
Hawak hawak na gunting. Agad na inangkla ang kanyang mga braso sa aking leeg. Tumitig ito sa akin gamit ang kanyang malamlam na mga mata na tila nangungusap. Tanaw ko ang reaction nila Stella at Kath sa nangyayari,binabalot sila ng pagtataka at takot. Ilang Segundo pa ay nilabas ni Jared ang dila nya habang nakaankla pa sya sa akin.


“Gusto ko ng ice cream!” sigaw nito.


Pagkasabi nya nito ay dinalaan nya ng dinalaan nya ang aking mukha. Dinilaan nya ito mula sa aking baba,papunta sa aking sideburns at at buong mukha. Nakaramdam ako ng matinding pandidiri at sobrang galit. Mula sa ganoong posisyon ay nakita ko ang reaction sa mukha ni Stella,nakikita ko ang sobrang pagkagulat at pagkadismaya sa nangyayari,si Kath naman ay napapikit nalang sa hindi ko malamang dahilan. Dinilaan ni Jared ang aking mukha na parang batang kumakain ng ice cream. Naramdaman ko ang pagtigas ng aking kalamnan maging ang aking braso,naramdaman ko ang pagtigas at pagsara ng aking kamao. Ilang Segundo pa…


“Arayyyyy!”sigaw ni Jared pagkatama ng aking kamao sa kanyang mukha.


Nakita ko ang pagtapon ni Jared sa sahig nang tumama ang nanggigil kong kamao sa kanyang mukha. Napabulagta ito. Pagbagsak nito ay nagpakawala ito ng isang ngiti at nagwika.


“Sinuntok mo ko? Aray naman. Eh diba gusto mo din naman na dinidilaan kita?”nangaasar na sabi nito.


Hindi ako nakapagpigil sa narinig. Agad kong pinatungan si Jared at sinakal. Agad na lumapit si Stella para pumigil.


✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖
“Nakikita kita Jared. Alam ko lahat ng sakit na dinaranas mo. Wag kang matakot sa bukas,kahit anong mangyari,andito ako. Ako ang kaisaisang taong hindi tatalikod sa’yo. Ganoon kita kamahal.”
✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖

Naramdaman ko nalang pare,heaven yung bigat ng dumagan sa akin. Pero bakit ganon? Ang sakit nung mukha ko? Natama ba ko sa bakal? Binuksan ko ang aking mga mata at nakakita ako ng isang lalaking nakadagan sa akin. May pagkabigotilyo ito at may pagkasingkit ang mata. Teka? Si Victor ata to? Ahhh. Ang sakit,dinidiin nya ang leeg ko. Demonyo lumayo ka sa akin.
Lumayas ka ako ang tagapagtanggol ng naaapi. Ako ang papatay sa’yo. Hayop ka. Hayop.


“Jared! Umayos ka na or else papatayin kita!” narinig kong sabi ng nagpupuyos na Si Victor.


“Demonyo ka! Umalis ka dito! Umalis ka! Wag mo kong patayin!” sabi ko habang umiiyak.


“Jared please! Magparehab ka na. Para maging ayos na lahat” narinig kong sabi ng mga babae sa paligid.


“Hindi ako adik! Hindi ako adik! Mga hayop kayo! Pakawalan nyo ako!”


“Jared! Magpapagamot ka! Stella! Tumawag ka ng tulong! Stella! Tumawag ka na agad ng tulong.” Narinig kong sabi ni Victor


“Hayop ka Victor! Bakla ka! Bakla ka! Bakla ka! AHHHHHHHH!!”


Pagkatapos kong sumigaw pare nakaramdam ako ng kamao sa mukha ko. Tapos hindi ko na alam yung sumunod. Basta nakakita ako ng kulay puti,teka? Ano to? Kinukuha na ba ako ni Lord? Wag po! Wag po! Wag po Lord! Magbabait na ako. Please Lord! Wag mo muna akong kunin. Magkikita pa kami ni Raf. Please lord.

✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖

“Tita,patay na ata si Jared,napalakas ata ang suntok ni Tito Victor.” Natatakot kong sabi.

“Victor! Pinatay mo si Jared!” Umiiyak na sabi ni Tita Stella.

“Ha? Hindi ko sya pinatay Ma. Tumawag kayo ng tulong.” Tarantang sabi ni Tito Victor

Dali daling pumunta si Tita Stella sa telepono at umiiyak na humingi ng tulong. Lumayo si Tito Victor sa nakahandusay na katawan ni Jared. Patuloy na ako sa pagluha ng Makita kong umubo si Jared ng may kasamang dugo. Buhay si Jared. Buhay si Jared!

“Tulungan nyo ko. Parang awa nyo na,ipagamot nyo ko.” Mahina at nagmamakaawang sagot nito.

ITUTULOY…

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP