Dreamer C16

Saturday, March 5, 2011

Chapter 16
New Pair: New Love

Credited to Kirby Gabriel
Hindi na nagtagal pa si Ken sa bahay nila Emil at umuwi na din ito ng Maynila. Si Benz naman ay bumalik na din sa condo nito. Nagkausap na din sila Mang Mando at Vince at nabigyan ng linaw ang lahat. Kahit na may sakit, pangamba at pag-aalinlangan sa puso ni Vince ay sinisimulan na niyang tanggapin ang katotohanan sa tunay niyang katauhan. Ilang minuto matapos ang huling tagpong iyon, nakaupo si Emil sa bangko na nasa tapat ng pintuan ng bahay nila, nakatingin sa mga bituing nasa langit na animo’y isang paslit na nangangarap. Tahimik ang buong kapaligiran, nakaikot na ng isang beses ang mundo at ilang oras na lang ay sisikat na ang araw. Tanging mga kuliglig lang ang maririnig habang ang lamig nang sariwang hangin ay dumadampi sa balat dala pa din ng hanging amihan.
“Emil.” mahinang tawag ni Vince sa kinakapatid.
Hindi naman napansin ni Emil na nasa tabi na pala niya si Vince dahil na din sa nahulog na ito sa malalim na pag-iisip at pangangarap sa ilalim ng mga bituin.
“Oh ikaw pala Vince!” may gulat na wika ni Emil. “Bakit gising ka pa?” usisa pa nito.
“Wala lang!” sagot ni Vince na umupo naman sa tabi ni Emil. “Ikaw? Bakit gising ka pa?” balik na tanong pa ni Vince.
“Wala lang din.” napapangiting sagot ni Emil.
“Huh!” pagdududa pa ni Vince. “Ano nga iyon?” pilit ni Vince. “Emil! Emil! Emil! Bakit ba ibang pakiramdam ang dala mo sa akin?” tanong ni Vince sa sarili. “Pakiramdam ko lalo kitang minamahal.” saad pa niya sa sarili habang nakatitig sa mukha ni Emil.

“Hoi!” gulat ni Emil kay Vince. “Nakatitig ka na naman sa akin!” kunot noong habol pa ni Emil.
“Ah, wala!” nag-aapuhap ng sasabihing tugon ni Vince.
“Nababakla ka na naman sa akin ano!” wika pa ni Emil kasunod ang isang mahinang na tawa.
“Sinong nababakla? Ako? Sa’yo?” alarmadong sagot naman ni Vince na nasukol ang tunay na laman ng puso niya. “Asa ka naman!” dugtong pa nito.
“Alam mo, dati pangarap ko lang na magkaroon ng isang pamilya.” pagkukwento naman ni Emil. “Hindi ko naman akalain na gigising ako isang araw na mahal na ako ni nanay at may bonus pa, may tatay na ako.” kwento pa din ni Emil saka tumingin kay Vince.
Bigla namang nahiya si Vince sa mga tingin na iyon mula kay Emil.
“Sobra nga tayong napaglaruan ng panahon.” wika ulit ni Emil. “Sino ba ang makakapagsabing darating ngayon si tatay, na nagising na lang ako na nag-aalala para sa akin si nanay. Dati, lagi akong malungkot pag nakatingin ako sa mga bituin, ngayon ang unang beses na nagkukwento ako ng masaya.” naluluhang saad ni Emil na ramdam na ramdam ang kagalakan sa nagiging takbo ng mga pangyayari.
“Sino din ba ang makakapagsabing ang dating sinungaling na si Emil ay isa na ngayong writer.” pabirong saad ni Vince.
“Sinungaling ba ako?” nagtatakang baling ni Emil kay Vince.
“Siyempre naman, joke lang iyon.” sagot naman ni Vince saka umakbay kay Emil.
“Nananyansing ka lang eh!” turan ni Emil. “Hilig mong mang-akbay!” habol pa nito.
“Para akbay lang eh!” reklamo ni Vince saka hinawakan ang palad ni Emil. “Oh, iyan para makumpleto ang tyansing!” saad pa nito kasunod ang isang mahinang tawa na may simpatikong ngiti.
“Loko!” wika ni Emil saka binawi ang mga kamay.
Hindi naman pinakawalan ni Vince ang mga kamay ni Emil, bagkus ay lalo pa niya itong hinigpitan sa pagkakahawak. Hinuli din niya ang mga mata nito at tinitigan na wari bang ang puso niya ang nangungusap sa binata.
Agad namang iniwas ni Emil ang mga mata dala ng pagkaasiwa. Hinayaan na lang din niya ang mga kamay na hawak ni Vince. Pinilit na din niyang ibahin ang usapan at natatakot siya sa baka kung saan humantong ang lahat.
“Dati ang pangarap ko lang naman maging isang magaling na kwentista. I want people to explore the world and I want the world to explore the people. Gusto kong mag-open ng awareness sa mga tao, kasi naniniwala akong literature is a form of art which is capable to expose societal problem, literature is a reflection of the society and of the reality, literature is an expression of emotion and is a powerful tool to conceal or to open up people.” kwento pa din ni Emil. “Dati pangarap lang, pero ngayon, napatunayan kong may saysay lang ang mangarap kung handa kang kumilos at gumawa ng aksyon para mabigyan ng katuparan.” matalinhaga pang pahayag ni Emil.
“I want to fill this world shades of black and white.” patuloy ni Emil sa pagkukwento.
“I love you Emil!” biglang singit ni Vince.
Biglang naumid ang dila ni Emil at bigla siya nahinto sa pagsasalita. Ito na ang oras na kinakatakutan niya. Ito na ang oras na pinakaayaw niyang mangyari. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Sa sobrang bilis ay hindi niya alam kung aabutan pa ba niya. Mabilis din ang mga pangyayari, nakakabigla, nakakagulat at nakakasira ng bait.
“Joker ka talaga!” saad ni Emil na tila pilit na binabago ang sitwasyon saka lumingon sa gawi ni Vince.
Isang pagkakamali ang ginawang iyon ni Emil dahil agad na nagtama ang mga mata nila at ang anyo ngayon ni Vince ang sasagot sa huling katagang lumabas sa bibig niya. Ang mga mata nitong buong sinseridad na nagpapahayag ng pagmamahal ay ngayong nangungusap sa kanyang kaibuturan at naghihintay nang sagot.
“I mean it!” tutol ni Vince sa pagkontra ni Emil na may simpatikong ngiti. “And I will always mean it!” saka inilagay ang mga palad ni Emil sa may bahagi ng puso niya.
“Vince…” bitin at nagugulumihanang wika ni Emil.
“Please tell me that you love me too.” pakiusap pa ni Vince na pinapungay pa ang mga mata.
“Pero…” bitin ulit na tugon ni Emil.
“Hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko para sa’yo. Mahal kita! Mahal na mahal kita!” buong katapatang pagpapahayag ni Vince ng pagmamahal. “Sa sobrang pagmamahal ko sa’yo ay kaya ko nang kalimutan ang lahat pero hindi ikaw!”
Tumulo na lang ang mga luha sa mata ni Emil. Hindi dahil sa masaya siya kung hindi ay hindi niya alam kung papaanong sasagutin ang tanong na ito sa kanya ni Vince. Mahal niya ang kinakapatid pero hanggang sa pagiging kaibigan at kuya na lamang ito. Hindi na niya kaya pang higitan ang maibibigay niyang pagmamahal para dito. Ayaw naman niyang masaktan din ang damdamin nito dahil sa tingin niya ay hindi niya kakayanin kung makikita itong nahihirapan higit pa at siya ang dahilan. Sa dami-dami ng dahilan ay nangingibabaw pa din ang pagmamahal niya para kay Ken at hindi niya magagawang ipagpalit ang nararamdaman ng puso niya para tanggapin ang inaalok na pag-ibig ni Vince.
Nanatiling nakatahimik lang si Emil. Ilang sandali pa at nagsisimula nang tumilaok ang tandang na alaga ni Mang Mando.
“Sige Emil!” wika ni Vince. “Hindi na kita pipiliting sumagot ngayon, pero sana sabihin mo sa akin ang sagot mo pag handa ka na.” may pilit na ngiting wika pa nito. “Kahit anong sagot mo tatanggapin ko.” pagwawakas pa ni Vince saka tumayo.
“Vince naman eh!” pilit na pilit na sagot ni Emil.
“Basta mahal na mahal kita. Hindi bilang kapatid o kaibigan. Mahal kita at gusto kitang makasama hanggang sa huli kong hininga.” pagkasabi ay lumakad na ito palayo kay Emil.
Si Emil naman ay naiwang nakatulala at nahulog sa mas malalim na pag-iisip.
“Emil!” bati nang nag-iinat pang si Aling Choleng. “Kay aga mo namang nagising.” turan pa nito.
“Wala po nay!” sagot ni Emil saka tumayo sa kinauupuan.
“Natulog ka bang bata ka?” nag-aalalang tanong ng matanda dito.
“Siyempre naman po!” sagot ni Emil.
“Lokohin ba ako?” tila nagtatampong wika ni Aling Choleng. “Iyang bagsak ng mat among iyan ba ang natulog?”
“Hala!” sagot ni Emil. “Natural na kaya to!” saad pa nito.
“Bakit hindi ka natulog? Ano ba ang iniisip ng mahal kong anak?” wika ni Aling Choleng saka nilapitan si Emil.
“Wala nga po!” sagot ni Emil. “Nag-iisip lang po ako ng bagong kwento na isusulat ko.” pangangatwiran pa ni Emil.
“Sige, kunwari naniniwala na ako!” wika ni Aling Choleng na may tampo sa tinig nito.
“Si nanay naman!” paglalambing naman ni Emil saka niyakap si Aling Choleng.
“Anong oras ka ba susunduin ni Kuya Benz mo?” tanong pa ni Aling Choleng sa anak.
“Mamayang gabi pa po iyon!” sagot naman ni Emil. “Si nanay oh, excited!” saad pa nito.
“Siyempre naman!” turan ni Aliung Choleng. “Ang anak ko yata ang nagpataas ng ratings nun tapos hindi pa makakasama sa celebration!” saad pa ng matanda.
“Ang nanay nagpapanggap!” wika pa ni Emil kasunod ang mahinang tawa.
“Ikaw na bata ka talaga!” ganting sagot ni Aling Choleng. “Matulog ka na nga lang!” suhestiyon pa nito.
“Opo!” sagot ni Emil. “Masusunod po!” dugtong pa nito.
Sinunod nga ni Emil ang payo ng ina. Pumasok ito sa kanyang silid at nagtalukbong ng kumot saka nagtutok ng electric fan sa sarili.
“Emil!” sabi ni Emil sa sarili. “Isipin mong gabi pa!” wika nito saka pumikit.
Kinatanghalian –
“Emil!” mahinang tawag ni Aling Choleng sa anak sabay ang mahihina yugyog.
“Bakit po nay?” tanong ni Emil.
“Mananghali ka na muna!” wika ni Aling Choleng. “Saka may gustong kumausap sa’yo.” wika pa nito.
“Sino naman?” nahihiwagaang sagot ni Emil saka bumangon at lumabas ng kwarto.
“Ken?” nagtatakang banggit ni Emil na pupungas-pungas pa.
“Kamusta ka na?” tanong naman ni Ken.
“Obvious ba?” sagot ni Emil. “Bagong gising.” turan pa nito.
“Ganyanan?” madiing tugon ni Ken. “Ginaganyan mo na ako?” wika pa nito.
“Naligaw ka?” tanong pa ni Emil.
“Dinalaw ko lang ang kuya ko kaya dumaan na din ako dito.” sagot naman ni Ken.
“Ayos ka din pala!” turan ni Emil. “Kakahiwalay lang ninyo kagabi kay aga mong bumalik! Umuwi ka pa no!” pang-iinis pa ni Emil.
“Talagang ganun!” sagot naman ni Ken. “Ikaw lang naman talaga ang pinunta ko dito!” bulong ni Ken sa sarili.
“Kumain na muna kayo!” aya ni Aling Choleng sa dalawa.
“Huwag na po tita!” tanggi ni Ken dito.
“Kay arte naman oh!” inis na wika ni Emil dito sabay hila sa kamay ni Ken papunta sa lamesa.
Hinila naman ni Ken pabalik ang kamay niya na naging sanhi para si Emil ay mapaupo sa hita niya. Naging malapit ang katawan ng dalawa. Si Emil ngayon ay nakaupo sa hita ni Ken habang ang isang kamay niya ay nakasampay sa batok nito. Si Ken naman ay nakahawak sa likuran ni Emil, salu-salo ito sa may likuran at ang isang kamay naman ay nasa may balikat nito. Malapit na malapit ang dalawa, maging ang kanilang mga mukha ay isang centimetro lang ang layo.
Sa pagkakadikit ng katawan nila ay kakaibang kiliti ang nararamdaman ni Emil. Lumulundag sa tuwa at ligaya ay puso niyang sabik sa isang Ken na matagal na nawalay sa kanyang piling. Sa pakiwari niya ay may kung ilang milyong langgam ang lumalakad sa buo niyang katawan na nagiging sanhi para kiligin ang buo niyang katauhan na sumasagad sa kanyang kaibuturan. Ang mainit na palad ni Ken na nasa likuran niya ay kakaibang saya ang naidudulot sa buo niyang pagkatao. Ang kamay naman nitong nasa balikat niya ay kakaibang gaan ang hatid at dulot sa kanya. Ayaw na niyang matapos ang sandaling iyon, mas nanaisin niyang manatili sa ganuong porma hanggang sa huling hininga niya.
Si Ken naman, bagamat hindi sinasadya ang nangyari ay natuwa na sa aksidenteng iyon. Ang bigat ni Emil na nasa hita niya ay baliwala lang kung ikukumpara sa ligayang mayroon ang puso niya. Nanginginig ang buo niyang katawan dahil sa kakaibang kabang dulot ni Emil, kaba na may halong ligaya at saya. Sa pakiwari ni Ken ay nais pa niyang mas ilapit si Emil sa kanyang katawan at yakapin ito ng buong higpit. Nais na niyang kabigin ang dalawang kamay upang nang sa ganuon ay mawalan na ng lugar maging ang hangin sa magiging pagdidikit ng kanilang katawan.
At nagtama ang kanilang mga paningin –
Kapwa sila nabalutan ng milyong boltahe ng kuryente. Nanunulay sa bawat himaymay ng kanilang katauhan ang mumunting kislap para mapahinto ang mundo sa pag-ikot. Sa pakiramdam nila ay sila lang ang tao sa paligid.
Dahan-dahang inilapit pang lalo ni Ken ang mukha sa mukha ni Emil. Wala siyang pakialam sa kung sino ang makakakita, ang nais lang niya ay angkinin ang mga labi ng minamahal na si Emil na tiniis niya sa mahabang panahon. Hibla na lamang ng buhok ang pagitan nang kanilang mga labi nang –
“Anak nang!” sigaw ni Aling Choleng kasunod ang pagbagsak ng plato.
Biglang nahulog si Emil sa sahig dala na ng gulat at takot.
“Aray!” sigaw ni Emil.
Waring binuhusan ng malamig na tubig si Ken at bumalik sa ulirat na tinulungan si Emil na tumayo.
“Pasensiya na kayo!” paumanhin pa Aling Choleng. “Dumulas sa kamay ko iyong plato.” paliwanag pa nito.
“Wala po iyon!” sagot ni Ken na hindi magawang tumingin ng diretso kay Emil at sa nanay nito.
Pagkatapos kumain ay naligo na si Emil dahil pinilit siya ni Ken sa sumama sa kanya. Inaya ni Ken si Emil na mamasyal na muna bago pumunta sa inihandang celebration ng LD.
“Saan mo ba ako balak dalin?” tanong ni Emil kay Ken pagkalabas nila ng NLEX.
“Basta quiet ka na lang!” saad ni Ken na may pilyong ngiti pagkadaka ay inihinto na niya ang kotse.
“Bakit ka huminto?” nagtatakang tanong ni Emil.
“Baba na!” nang-aakit na saad ni Ken na may isang napakatamis na ngiti.
Tumingin sa labas si Emil at nagulat siya sa nakita – “Motel?” nagtataka siyang humarap kay Ken. “Anong gagawin naman natin d’yan?” tanong ni Emil na nagbago ang timbre ng boses ngunit mababakasan naman ngayon ng kaba.
“Goodness! Anong balak ni Ken at dito siya huminto.” kinakabahang usal ni Emil sa sarili.
“Ano pa ba ang ginagawa sa loob ng motel?” tanong naman ni Ken kay Emil.
Lalong kinabahan si Emil nang makita ang pagkaseryoso sa mukha ni Ken at ngayon nga ay sigurado siyang hindi ito nagbibiro.
“Malay ko? Hindi pa naman ako napapasok sa ganyan!” nanginginig na sagot ni Emil.
“Malay ko daw oh! Bakit pawis na pawis ka?” saad at tanong naman ni Ken na may pilyong pagkakangiti. “Baba na!” malambing na utos pa nito saka inilapit ang mukha sa mukha ni Emil at hinawakan ito sa kamay.
“Emil! Emil! Emil!” tila pagbubuo ni Emil ng plano sa sarili. “Bababa ka ng kotse saka ka tumakbo ng mabilis.” sulsol niya sa sarili. “Huwag mo munang isusuko ang pagka-inosente mo.” depensa pa niya sa gagawing aksyon.
“Sige na! Baba na!” pamimilit pa ni Ken saka hinimas ng isa niyang kamay ang binti ni Emil at kumindat pa ito.
“Seryoso?” mas nanginig si Emil sa ginawang iyon ni Ken. Naging mas mabilis ang tibok ng puso niya at higit ang nararamdaman niyang pagkabalisa at kaguluhan.
“Mukha ba akong nagbibiro?” tanong ni Ken sa binatang scriptwriter saka lalong inilapit ang mukha niya dito at idinikit ang noo niya sa noo ni Emil at ang ilong niya sa ilong din nito.
“Seryoso nga! Takte ka Ken!” sigaw ng damdamin ni Emil habang nakatitig sa seryosong mga mata ni Ken.
“Bumaba ka na para makadami tayo!” wika pa ni Ken saka ngumiti ng pagkapilyo-pilyo at lalong itinaas ang himas sa binti ni Emil at pinisil-pisil pa ang mga palad nito.
“Tatakbo ka Emil.” saad nang kalooban ni Emil saka humarap sa pintuan ng kotse at nasa aktong bubuksan na ito.
Biglang start ni Ken sa kotse at pinaharurot ang patakbo nito.
“It’s a joke!” saad ni Ken saka tumawa ng malakas. “Naniwala ka no!” pang-iinis pa nito.
Nakahinga ng maluwag si Emil sa pahayag na iyon ni Ken. Wari bang isang napakalaking tinik ang nabunot sa kanya.
“Of course, I won’t do that unless ikaw ang magsabi!” saad naman ni Ken sa sarili.
“Akala ko talaga katapusan ko na!” mahinang usal ni Emil saka napadukdok sa bintana ng kotse.
“First time mo ba kung sakali?” sumeryosong tanong ni Ken sa binata.
“Naman!” wika ni Emil. “Kay tagal kong iningatan ito!” saad pa niya. “Ikaw ba?” balik na tanong pa ni Emil.
“Inosente pa din.” sagot ni Ken at nag-iwan ito ng isang makahulugan at simpatikong ngiti. “Ikaw lang kasi ang may karapatang umangkin sa akin! Sa puso ko at sa katawan ko!” dugtong na bulong naman ni Ken sa isipan.
“Change topic!” giit ni Emil. “Saan mo ba talaga ako dadalin?” tanong nito.
“Kahit saan!” sagot naman ni Ken saka muling inihinto ang kotse. “Nuod tayo sa i-max!” aya pa ni Ken kay Emil.
“Ano naman ang papanuorin natin?” sagot ni Emil.
“Siyempre kung ano ang showing!” sagot ni Ken.
“Loko ka!” balik na tugon ni Emil.
Sa loob ng sinehan –
“Mabuti at walang masyadong tao.” sabi ni Ken.
“Kasi naman ang pangit kaya ng movie na ‘to!” inis na wika ni Emil.
“Refund mo iyong pinambayad ko saka ilibre mo ko dun sa gusto mong panuorin lilipat tayo.” hamon naman ni Ken kay Emil saka nagbitiw ng isang pilyong ngiti.
“Sige na dito na lang!” asar namang sagot ni Emil.
“Good!” tugon ni Ken saka hinatak si Emil.
Ilang sandali pa at nakaupo sila sa pinakamalayo sa lahat, sa gawing kaliwa iyon ng sinehang iyon. Pinaupo ni Ken si Emil sa gawing kaliwa na malapit sa dingding samantalang siya naman ay sa gawing kanan.
“Si Mr. Ching!” wika ni Ken saka turo sa bandang kaliwa.
“Nasaan?” agad namang nilingon ni Emil ang tinurong iyon ni Ken.
“Wala naman eh!” saad pa ni Emil saka lumingon sa gawi ni Ken.
Sa paglingong ginawa na iyon ni Emil ay hindi niya inaasahan ang naganap. Inilapit ni Ken ang mukha niya sa may balikat ni Emil kung kayat sa pagharap nito ay naglapat ang kanilang mga labi. Nakakagulat! Nakakabigla! Mabilis ang naging takbo ng pangyayari.
Sa pakiwari ni Emil ay para siyang sinisilyaban dahil nanunulay sa bawat himaymay ng kanyang katauhan ang halik na iyon. Ang paglalapat nang kanilang mga labi ay muling bumilis ang tibok ng kanyang puso. Naging maingay din ang bawat pintig nito na tipong bumibingi sa kanyang buong pagkatao. Ramdam na ramdam ng buo niyang katawan ang init na dulot ng halik na iyon na tipong ipinagpapasa-pasahan ang maliliit na boltahe ng kuryenteng dumadaan sa bawat hibla ng kanyang katawan. Muling huminto ang mundo ni Emil habang ninanamnam ang sarap ng una niyang halik.
Si Ken naman ay nabigla sa hindi inaasahang pangyayari. Ang balak lamang niya ay mahuli ang mga mata nito subalit naganap ang isang bagay na matagal na niyang gustong mangyari subalit pinipigilan niya ang sariling gawin. Kakaibang damdamin ang inihatid nito sa kanya, sa tingin niya ay kinumpleto ng halik na iyon ang kayang pagkatao. Tila ba may maliliit na insekto ang gumagapang sa buo niyang katauhan na nagdudulot sa kanya ng kakaibang kiliti na labis niyang naibigan.
Marahang hinaplos-haplos ni Ken ang mukha ni Emil hanggang sa tuluyan na niya itong hawakan at sinimulang pagalawin ang mga labi. Binigyan niya si Emil ng isang marahan ngunit punung-puno nang pagmamahal na halik. Ipinaramdam na niya sa binatang minamahal ang tunay na laman ng kanyang puso sa pamamagitan ng mga halik. Maingat at buong pagmamahal na inaangkin ni Ken ang mga labi ni Emil. Dahan-dahan at masuyo niyang pinapagsawa ang sariling labi sa tamis nang labi ni Emil.
Hindi man marunong humalik ay unti-unti na ding natutuhan ni Emil ang bawat galaw at natutunang gantihan ang halik na ibinibigay sa kanya ni Ken. Hindi na niya alintana pa ang ibang tao dahil naging mas matimbang sa kanya ang pangungulila sa isang pag-ibig na matagal na nawalay. Masaya siya dahil sa ang unang nakaangkin na kanyang iniingatang labi ay ang taong tanging tinitibok ng kanayang puso.
Ilang sandali pa at –
“Sorry!” paumanhin ni Emil matapos unang bumitaw sa isang makamandag na halik na iyon.
Hindi magawa ni Emil na tumingin nang tuwid kay Ken kung kayat pilit niyang iniiwas ang sariling mga mata dito.
Iniangat naman ni Ken ang mukha ni Emil at –
“Thank you!” saad pa ni Ken saka muling hinuli ang mga mata ni Emil. “Sorry kung nabigla ka!” habol pa ng gwapong binata saka pinalamlam ang mga mata na animo’y isang magiting na mandirigma.
Ngiti lang ang sinagot ni Emil. “Ken! Is this real?” mahihinang panggigising pa ni Emil sa sarili.
“Bien! Binigyan mo na naman ako ng dahilan para mas lalo kang kasabikan!” bulong ni Ken sa sarili habang nakatitig kay Emil na ngayon ay nakatingin na sa screen.
Dahan-dahang hinilig ni Ken ang ulo ni Emil sa balikat niya, samantang hinayaan na lang ni Emil sa gawin ni Ken ang kung anumang gusto nito dahil sa katotohanan lang ay matagal na inaasama ang ganuong sitwasyon.
Tahimik lamang ang dalawa hanggang sa paglabas ng sinehan at pagsakay ng kotse. Habang nagmamaneho si Ken papunta sa venue ng party ng LD ay hindi nito matiis ang katahimikankg bumabaliot sa kanila.
“Emil!” simula nin Ken. “Iyong sa kanina.” saad pa nito. “Sorry ah!” paumanhi pa ulit nito. “Pero hindi ko iyon pinagsisisihan.” pahabol na tugon pa din ng kanyang isipan.
“Ayos lang iyon!” sagot naman ni Emil na may kalakip na mga ngiti.
“Sana hindi mabago ang pagkakaibigan natin!” pakiusap naman ni Ken. “Sana hindi magbago pakikitungo mo sa akin!” saad pa nito.
“Siyempre naman!” masayang tugon ni Emil. “Para iyon lang!” wika pa ni Emil. “Gusto mo ulitin pa natin?” biro pa nito kasunod ang isang pilit na pinalutong na tawa.
Nangiti lang si Ken sa pilyong sagot na iyon ni Emil.
Ilang sandali pa at –
“Kuya Benz!” masayang bati ni Emil sa kapatid niya.
“Yes bro!” sagot naman ni Benz. “Ang aga mo naman ata at” putol pa nito sabay tingin ng masama kay Ken “bakit kasama mo pa iyan?” habol pa nitong tanong.
“Kasi Kuya Benz pinuntahan ko lang si Kuya Vince kanina sa Bulacan, kaya isinabay ko na din papunta dito si Emil.” paliwanag naman ni Benz.
“Sabi ko si Emil lang ang pwedeng tumawag sa akin ng kuya!” may diing wika ni Benz. “Iyon ba talaga ang dahilan o iba ang ipinunta mo dun?” tanong pa ni Benz dito.
“Tara na kuya sa loob!” masiglang aya ni Emil sa kapatid papasok.
“Anong ginawa sa’yo ni Ken at ganyan ka kasaya?” tanong naman ni Benz sa kapatid.
“Wala!” maang na tugon ni Emil. “Ano naman ang gagawin niyan sa akin?” dagdag pa nito.
“Siguraduhin mo lang yang sagot mo!” madiing sagot pa ni Benz.
Sumunod na din si Ken papasok sa loob na kakamot-kamot sa ulo.
Sa loob –
“Vaughn!” tawag ni Benz sa isang pamilyar na itsura para kay Emil.
“Siya ba si Emil?” tanong ni Vaughn kay Benz.
“Yes!” sagot ni Benz. “My younger half brother.” saad pa ng binatang direktor.
“Siya di ba ung nameet ko sa bar.” paninigurado pa ni Vaughn.
“Yes, siya nga!” tugon ni Benz.
“Nice meeting you again!” nakangiting saad ni Vaughn saka iniabot ang palad nito kay Emil.
“Si Emil!” masiglang sigaw ni Mae saka tumatakbong lumapit kay Emil.
“Mae!” bati naman ni Emil.
“Si Ken! Si Ken! Si Ken!” sigaw pa ulit nito nang makita kung sino ang kasama ni Emil.
“si Ken nga!” sang-ayon naman ni Marcel na kakalapit lang kay Emil. “Ano naman ang ginagawa ng anak ng direktor ng KNP?” tanong pa nito.
“Wag naman ninyong ganyanin si Ken!” depensa ni Emil dito.
“At ang writer ng KNP ay dinedepensahan ang anak ng direktor nila.” mataray at pabirong turan ni Mae.
“Ginaganyan na ninyo ako ngayon?” wika naman ni Emil na naging sanhi para sa tawanan.
Kasama ni Emil si Ken na pumunta sa mga dati nitong katrabaho sa LD. Hindi na nga nagtagal pa at muling nagsalita ang host ng party na iyon.
“Sino ang gustong magvolunteer para sa isang intermission number?” tanong ni Marcel na siyang host ng celebration party nila.
“Emil!” sigaw ni Mae. “Emil! Emil! Emil!” kantyaw pa nito.
“Oo nga si Emil!” sigaw pa ng isa. “Go! Dreamer boy!” habol pa nito.
“Loko kayo ah!” bwelta naman ni Emil sa mga kantiyaw na iyon.
“Sige na Emil! Tara na dito sa stage.” aya sa kanya ni Marcel.
Hindi na tumanggi pa si Emil at nagpaunlak siya ng isang kanta –
“When you wish upon a star
Makes no difference who you are
Anything your heart desires
Will come to you
If your heart is in your dreams
No regret is to extrere
When you wish upon a star
As dreamers do.
Faith is kind she brings
To those who love
The sweet fulfillment of
Their secret longings
Like a bolt out of the blue
Faith steps and sees you true
When you wish upon a star
Your dreams will come true.”
Isang simpleng kanta ngunit lumalarawan sa isang simpleng si Emil.
“Yuhoo!” sigawan ng mga makarinig sa pagkanta ni Emil at nakatanggap pa ng standing ovation.
Pagkababa naman ng stage ay agad siyang sinalubong ni Ken duon at inalalayan pababa. Tiyempo namang hinatak ni Vaughn si Benz patungo sa kung saan para may ipakiusap kung kayat nakadiskarte si Ken kay Emil.
“Galing naman!” bati ni Ken dito.
“Salamat!” nakangitng tugon ni Emil.
Sa parehong bahagi ng Pilipinas subalit sa ibang tanawin naman –
“Banz sana naman pagbigyan mo ulit ako.” saad ni Vaughn. “Alam ko madaming beses mo na akong ginagawan ng pabor, pangako, pinakahuli na ‘to.” saad pa nito.
“Pero Vaughn!” pangangatwiran pa sana ni Benz.
“Huli na talaga ‘to!” pamimilit ni Vaughn. “Pangako!” paninigurado pa nito.
“Sige!” tila malungkot na pagsang-ayon ni Benz. “Dahil lang sa’yo kaya ko gagawin ‘to!” turan pa ulit ni Benz.
“Sandali lang! Tatawagin ko lang siya!” may pilit na ngiting sambit ni Vaughn saka tinakbo ang kung saan mang lugar.
“Vaughn! Bakit ba lagi na lang ganyan ang ginagawa mo!” bulong pa sa isip ni Benz.
Maya-maya pa ay bumalik na si Vaughn kasama ang isang pamilyar na anyo.
“Benz!” wika ni Julian saka niyakap si Benz.
“Julian!” malumanay sa saad ni Benz.
Lumakad naman sa may hindi kalayuan si Vaughn ngunit sapat na ang layong iyon para madinig niya ang kung anumang pag-uusapan ng dalawa. Lagi at lagi na siya ang nagiging tulay para magkaayos sina Benz at Julian sa tuwing may away ang mga ito. Lagi at lagi din siyang nakikinig sa kung anumang pag-uusapan ng mga ito sa hindi kalayuan. Lagi at laging kinikimkim niya ang sakit at pait na dulot niyon.
Ngayon nga ay kahit alam na niya na muling magkakaayos ang dalawa ay umaasa pa din ang puso niyang hindi iyon ang mangyayari at maririnig niya mula kay Benz na iba na ang mahal nito.
“Julian!” saad pa ulit ni Benz.
“I love you Benz!” simula ni Julian. “Hindi ko kaya namawala ka sa akin Benz!” wika pa ulit ni Julian. “Patawarin mo na ako!”
Nanatiling walang kibo si Benz.
“Please tell me you love me too!” nagmamakaawang turan ni Julian saka hinawakan sa pisngi si Benz. “Naman Benz!” anas pa ulit nito. “Please!” pakiusap ni Julian na kita sa mga mata nito ang sinseridad.
“I’ll do anything Benz!” si Julian pa din. “Basta be mine ulit.” pakiusap pa ni Julian. “Alam ko namang nagkamali ako at pinagsisisihan ko na lahat iyon!” ngayon nga ay nagsimula nang tumulo ang luha sa mga mata ng binata.
“Alam mo Julian!” sagot ni Benz. “I loved you and will always love you.” dugtong pa ng binata.
Sa narinig na ito ni Vaughn ay tila alam na niya ang magiging tagpo niyon. Hindi man niya kaya ay pinilit niyang ikilos ang mga paa para lisanin ang lugar na iyon. Ngunit tila may kung anung pwersa ang nagpipigil sa kanya para umalis at maglakad palayo.
“Come on Vaughn!” angal niya sa sariling paa. “Huwag mo nang saktan pa ang sarili mo!”
“I think there is someone who deserves to be love more than you do.” nakangiting turan ulit ni Benz.
Pagkakarinig na ito ni Vaughn ay lalo siyang napako sa kinalalagayan ay mas nabigyan siya ng pag-asang huwag lisanin ang kinaroroonan.
“Sino Benz?!” madiing tanong ni Julian na naigng sanhi para kumawala ang mga luhang nasa mata niya.
“Vaughn!” sagot ni Benz. “Siguro kung hindi ako pinagtulakan ni Vaughn sa’yo, siya ngayon ang kasama ko. Siguro kung hindi ka niya ipinagtulakan sa akin maligaya kaming dalawa ngayon. Pero hindi Julian, ipinagsama niya tayong dalawa.” kwento pa ni Benz.
“No Benz!” lalong dumalas ang pagtulo ng luha ni Julian. “It’s a joke, am I right?” paninigurado pa ni Julian.
“Sorry, but it is not.” wika pa ni Benz na sumasagot sa katanungan ni Julian.
“Benz!” wika pa ni Julian saka napaupo na sapo ng mga kamay niya ang mukha. “Please don’t do this to me!” pakiusap pa ni Julian.
“Vaughn’s presence is more than enough and Vaughn’s presence is my life!” wika ni Benz.
Samantalang si Vaughn na nakikinig lang sa may hindi kalayuan ay labis na lumigaya ang puso sa mga narinig na iyon mula kay Benz. Hindi niya alam kung papaanong unang magbibigay ng reaksyon. Hindi makapaniwala si Vaughn sa kung anumang narinig niya. Pinanawan siya ng diwa at hindi na niya alam kung ano pa ang nagaganap at kung ano pa ang pinag-uusapan ng dalawa. Sapat na sa kanya ang kung anumang narinig mula sa lalaking matagal na niyang pinaglaanan ng pagmamahal.
“Panaginip ba ito?” tanong ni Vaughn sa sarili. “Pwede bang hindi na ako magising?”
Ilang minuto ding nasa ganuong posisyon si Vaughn nang lapitan siya nang isang lalaki.
“Tara na!” aya sa kanya nito.
Dahan-dahan namang iniangat ni Vaughn ang mukha.
“Benz!” wika niya.
“Baka hinihintay na nila tayo!” nakangiting wika ni Benz.
“Benz!” wika ulit ni Vaughn saka dahan-dahang tumayo. “Ikaw nga Benz!”
“I love you Vaughn and I will always love you!” wika ulit ni Benz saka ginawaran ng halik si Vaughn.
Saksi ang liwanag ng buwan sa pagmamahalang iyon na kinimkim sa loob ng mahabang panahon. Isang napakasayang kwento ng pagmamahalang sa akala ng karamihan ay isang kasalanan.
“Ang pag-ibig na akala ko ay isang pangarap na lang, ngunit heto ka at binibigyan mo ng katuparan.” masuyong sinabi ni Vaughn saka ginawaran nang halik si Benz.
“Mahal na mahal kita Vaughn. Sorry kung ngayon ko lang narealize na mahal na mahal kita.” paumanhin ni Benz dito.
“Mahal na mahal din kita Benz at sorry kung hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin iyon sa’yo.” ganting sagot ni Vaughn.
“Ang saya naman ninyo?” nagtatakang usisa ni Emil sa Kuya Benz niya at kay Vaughn pagkabalik nito sa umpukan.
“May magandang bagay lang na nangyari!” sagot ni Benz.
“Asus!” pagdududa ni Emil sa sagot ng kapatid.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP