Think Outside the Box Series : The It Girl Murder Case

Saturday, January 1, 2011

"You really have the nerve to show your face and follow me here."

Naiinis na sabi ni Brenda sa lalaking nakatayo sa may pintuan. Ang kapal ng mukha nitong magpakita sa kanya na para bang wala itong ginawang masama sa kanya.

Lumapit ang lalaki sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha.

"Don't touch me." tabig niya sa kamay nito.

"What? You don't want to be touched now?" nang-iinis nitong tanong.

"Bastard." she hissed.

Muling lumapat ang kamay nito sa kanyang mukha ngunit hindi para sa isang haplos kung hindi sa isang sampal.



Nagulantang siya pero panandalian lamang iyon. Nangangalit ang bagang na itinulak niya ito at sinampal pero hinuli nito ang kanyang kamay saka siya isinalya. Napasadsad siya sa sofa.

"Walanghiya ka!"

"Ikaw ang walang hiya! Akala mo hindi ko alam na pinagsasabay mo kami ni Alfie? Ang kapal ng mukha mo!"

Natawa siya sa nakitang galit na galit na hitsura nito. SO iyon lang pala ang pinagpuputok ng butse nito?

"Eh ano ngayon kung alam mo na? As if naman sineseryoso ko kayo pareho. Pwede ba? Umalis ka na at huwag ka ng babalik dito."

"Brenda, mahal kita."

"Hindi kita mahal."

"Pagsisisihan mo ito."

"Newsflash! Ikaw ang magsisisi sa pananakit mo sa akin."

"Kulang pa yan. Ang dapat sa'yo Brenda pinapatay."

"Weh? Di nga? Matatakot na ba ako?"

"Dapat lang Brenda."




"What do we have here?"

Tanong ni SPO4 Aries Morallos sa mga SOCO Investigators na naabutan niyang busy na sa ginagawa. May natagpuan daw na isang babaeng nakahandusay sa likuran ng isang sikat na bar sa Tomas Morato.

"Sir Aries." Bati ng isang pulis na nauna sa kanya doon.

"Kamusta Suarez?"

"Mabuti naman Sir Aries. Kayo pala ang imbestigador."

"Oo. Wala naman akong ginagawa sa ngayon. Ako na hahawak dito."

"Ganun po ba? Dito po tayo." Nagpatiuna ito sa kanya sa mismong kinalalagyan ng babae. Nakasilid ito sa isang malaking itim na plastic na nasa loob naman ng malaking dumpster. Mukhang bata pa. Maganda ang hugis ng mukha na ngayon ay duguan na na. Maraming basag na salamin ang nakabaon sa mukha nito. Sinilip niya ang ilang bahagi ng katawan nito na maari niyang makita. May nakita rin siyang mga salamin sa braso nito. Kinunan niya ng litrato mula sa cellphone ang mukha nito.

"May nakita ba kayong pagkakakilanlan?"

"Wala po Sir Aries. Wala kaming nakitang id."

"Ganun ba?"

"Opo."

"Sino raw ang nakakita?"

"Yung isang crew ng Guilty Island. Magtatapon sana ng basura ng makitang may babaeng nasa loob ng basurahan."

"Nasaan siya?"

"Sandali po sir at tatawagin ko." Tinanguan niya lang ito.

Iginala niya ang paningin sa paligid. May kalayuan ang pintuan na patungo sa loob ng bar at may kadiliman ang lugar. Base sa hitsura ng babae ay mukhang ilang oras pa lang ito namamatay. May isang eskinita na nagdudugtong sa main road patungo sa dumpster. May kasikipan iyon. Tama lang sa isang tao. Kung itinapon lang ang biktima sa lugar na iyon ay mahihirapan ang gumawa niyon o ang mga gumawa dahil sa sikip ng dadaanan.

Tiningnan niya ang relos. Alas-kwatro ng madaling araw. Marami-rami pang tao sa loob ng bar pero ang mga tao sa labas ay panaka-naka lang. May pagkakataon nga ang suspek na madala ang biktima sa dumpster.

"Sir, ito na po yung nakakita sa biktima."

Kasama ni Suarez ang isang may katangkaran na lalaki. May suot pa itong apron. "SPO4 Morallos." pagpapakilala niya.

"Gelo po sir."

"Buong pangalan?"

"Godofredo Dela Bajan po." nahihiyang sambit nito.

"O sige Gelo na lang." natatawang sabi niya. Napakamot naman ito sa ulo.

"Anong oras mo nakita ang biktima?"

"Ah, bale mag-a-alas tres media yata sir."

"Ikaw lang ba mag-isa?"

"Opo. Natakot nga po ako. Kasi parang kakakita ko lang kay Ms. Brenda ng mga alas-onse."

"Huh? Ibig mong sabihin ay parukyano siya rito?"

"Opo. Suki po iyan dito."

"Sinong may-ari nito?"

"Iyong may-ari po nitong bar?" confused na tanong ni Gelo.

"Nariyan ba siya?"

"Ah... di ko po alam Sir. Nasa kusina po kasi ako madalas. Nadaanan ko lang po sa labas si Ms. Brenda kanina eh."

"Sige, ako ng bahalang maghanap sa amo mo. Isang tanong na lang."

"Sige po. Ano po iyon?"

"Wala ka bang nakitang ibang tao dito ng makita mo ang katawan ng biktima?"

"Wala po."

"Sige. Makakaalis ka na. Salamat."

"Walang anuman po Sir."

Pagkatapos makipag-usap kay Gelo ay napag-isip siya. May tatlong malabong eksena na siyang nabubuo sa isipan. Una, Maaaring ang suspek ay taga-Guilty Island din. Pero kung ganoon nga ay bakit dito lang sa likuran itinambak ang katawan ng biktima?

Pangalawa, kung ang babae ay suki ng bar, malamang na ang suspek ay isang masamang loob na naghihintay sa bibiktimahin sa labas at ang babaeng si Brenda ang minalas. Nawawala kasi ang mga gamit nito. Imposibleng wala itong dalang bag or kahit ano sa paglabas ngayong gabi. Pero bakit may mga salamin na nakabaon sa mukha nito? Kung isang simpleng kaso ng murder with hold-up ang isang ito ay bakit salamin ang gagamitin sa biktima? Usually ay mga patalim at baril ang ginagamit.

Pangatlo, Kung sa ibang lugar ito pinatay, bakit mag-e-effort ang suspek na dito sa likod ng bar itapon ang katawan ng biktima? Napatingin siya sa bar. Mukhang may kinalaman ang lugar sa kaso. "Suarez."

"Sir?"

"Naitanong mo ba kung nariyan ang may-ari?"

"Opo sir. Nariyan daw. Pero di raw muna siya magbibigay ng statement. Wala naman daw kinalaman ang bar kahit sa likod nito nakita ang biktima. Makakasira daw sa imahe ng business iyon sabi ng sekretarya ng may-ari."

"Nakaisip kaagad sila ng dahilan. Business sucks. Pero humanda sila mamaya."

"Bakit Sir? Anong gagawin mo?"

"Tawagan mo si Hepe. Magpahanda kamo ng warrant first thing in the Morning. May tatawagan lang ako."

"Yes Sir."

Nang makaalis si Suarez ay tinipa niya ang numero ng kaibigan niyang alama niyang makakatulong sa kanya.

"Pare! Alang-hiya ka nakabaon pa ako! Mamaya ka na tumawag." naiinis na sagot ng nasa kabilang linya.

"Huwag kang ungas Unabia. Kaya mong labasan kahit kausap mo ako."

"Tarantado. Tumawag ka after 10 minutes." at nawala ito sa linya.

Natatawang ipinasok niya ang cellphone sa bulsa. Kasalukuyan ng inilalagay ang labi ng babaeng si Brenda sa loob ng cadaver bag. Sa ngayon, pangalan lang ang meron siya nito. Naisipan niyang tawagan si Jerick na isa pang kaibigan na maraming alam kalkalin na files. Mapa-legal man or illegal.

"Pare." aniya pagkasagot nito sa kabilang linya.

"Uy! Morallos, anong sa atin?"

"Ganun pa rin. Teka, natutulog ba kayong mga taga-TFE? Si Cody nakabaon pa pagkatawag ko. May kinakana ang loko."

"Gago. Marunong naman kaming matulog 'tol. Ikaw ang dapat mag-aral nun."

"Hoy, kumpara naman sa inyo, kilala ko ang tulog sa gabi."

"Nagsalita ang santo. Sige, ikaw na. O anong atin?"

"Kaya mo bang i-check kung may membership list ang Guilty Island?"

"Yung bar?"

"Oo."

"Sandali lang tol." sambit ni Jerick. Nakarinig siya ng pagtipa sa keyboard.

"Walanghiya, nakakabit ba sayo yang laptop mo?"

"Oo. O eto, ungas ka. Nakapasok na ako. Anong meron sa site nila?"

"Narito kasi ako ngayon sa likod ng Guilty Island. May natagpuang patay. At ayon sa nakakita, customer daw ang babae dito. May nakikita ka bang Brenda ang pangalan?"

"Sandali, tingnan ko sa member list."

"Okay."

Ilang saglit lang ay nakabalik agad ito sa kanya. "May tatlong Brenda dito 'tol. Anong hitsura ng babae?"

"Sandali, may ise-send ako sayo."

Pinutol niya ang tawag at nag-send dito ng picture ng Brenda na biktima. Nang matanggap ni jerick iyon ay ito na ang tumawag.

"Pare, kilala ko na ang Brenda mo. Mukhang magkaka-brenda ka nga diyan sa isang yan."

"Hun? Bakit? See for yourself na lang. Send ko sa cellphone mo ang file."

"Okay."

Curious man ay hinintay niya ang sinasabi nitong file. Naglakad siya patungo sa harap ng bar. Pumasok siya doon at muling sinubukan kung makakausap niya ang may-ari pero tumanggi pa rin ang mga itong ipakiusap sa kanya ang lalaki.

Bumalik siya sa sasakyan ng makitang paalis an rin sila Suarez. "Sir, papagawan na raw ni hepe ng warrant. Makukuha mo daw iyon ng 9am."

"Salamat Suarez."

"Sige sir."

Pagsakay niya sa sariling sasakyan ay tumunog ang kanyang cellphone. Nang buksan niya ang file ay napailing siya sa nalamang file ni Brenda David. Anak ito ng isa sa most wanted drug lord na si Francisco David na pinaghahanap sa buong Asya at maging sa Pilipinas. Malaking problema ang nakikinita niyang dala nitong kaso na ito sa kanya.

Tinawagan niya si Cody ulit. Sinabi niya rito ang pakay. Kailangan niya ito sa pag-aaral sa katawan ni Brenda. Ang expertise nito ang sadyang nararapat sa kasong ito. Lalo pa at bigatin ang kalaban nila.


"Do you know Brenda David?"

Kausap niya ngayon si Larry Salazar. Ang may-ari ng Guilty Island. Nasa loob sila ng opisina nito. Isa itong gwapong lalaki na may kaliitan ang height. Nasa late 2O's lang ito.

"Nope."

"As the owner, don't you feel a little bit responsible that one of your club members died on your club's premise?"

"It's an unfortunate accident. And I don't have to feel responsible for that. Walang kinalaman ang club ko."

"Diya ka nagkakamali."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Dahil dito huling nakitang buhay si Brenda. Ayon sa statement ng nakakita sa katawan niya ay nadaanan niya sa labas ng mga alas-onse ang biktima bago niya ito natagpuang walang-buhay sa likuran. Ngayon mo sabihin na hindi ka responsable para doon."

Natigilan ito. Pero madaling nakabawi. "Still, wala akong kinalaman diyan. Hindi ako ang pumatay sa kanya."

"Wala kaming sinasabing ikaw ang pumatay sa kanya."

"Doon din patungo ang kongklusyon ng mga tanong niyo. I won't talk without my lawyer."

"Okay. That will give us a lot of time to search this place."

"Fine. Just let my crew clean this place. It's quite messy here."

"Oh don't worry. It's our job to clean messy things."

"Whatever."

Umalis ito ng opisina at hinayaan silang dalawa ni Suarez na maghanap-hanap sa paligid. Binuksan niya ang desktop nito at tiningnan ang mga files. Nakita niya ang membership ni Brenda David at ng ilan pang miyembro. Nang buksan niya ang ilang files ay natigilan siya ng makitang magkasama si Larry at nasa isang compromising na position.

Isinalang niya ang USB at kinopya ang pictures. Si Suarez naman ay natutuwang tinawag siya. "Sir Aries."

"Bakit?"

"Gusto mong manood ng movie?"

Nangungunot ang noong tiningnan niya ito. Na-gets niya kaagad ang ibig nitong sabihin ng makita ang CD na hawak nito galing sa nakabukas na surveillance video control booth.

"Mukhang may mga pag-aaralan tayo ng husto."

"Mukha nga Sir."

Pagkatapos sa opisina ay bumaba sila para tingnan ang mismong bar. Bakas doon ang iniwang kalat ng nagdaang gabi. Hindi pa nakakapagligpit ang mga crew dahil na rin sa utos niya. Nilapitan niya ang sinabing pinuwestuhan ni Brenda. Inilabas niya ang finger print kit at kinuhaan ang lamesa at upuan. Nang makakuha ng ilang sample ay umalis an sila doon.



"The victim is Brenda David. Daughter of Francisco David, Asia's Most Wanted. Tiyak kong malaking krimen ito. At hindi magugustuhan ito ng ama ng biktima."

Napatango siya sa sinabi ni Cody. Kasalukuyan nitong tinatanggal ang mga salamin sa mukha, ulo at braso ni Brenda. Mukhang hindi iyon sa alak. Masyadong malinaw iyon.

"May needle marks ang biktima sa braso. Sa mismong vein."

"Mukhang user ang isang ito. Look."

Sinundan niya ang itinuro ni Cody. "May mga puting residue sa ilong ng biktima. Must be cocaine."

"We have to test her blood."

"In a minute."

Kumuha ito ng sample ng white residue sa ilong ni Brenda at pati na rin blood samples sa braso nito.

"Hintayin mo na lang mamaya. Daan ka na lang ulit dito. In the meantime, pwede ba akong mag-lunch?"

Natawa siya. "Sige. Sabay na tayo 'tol."

"Pero itong mga salaming ito ay subukan mong ipaayos ang pattern sa lab."

"Sure. Tatawagan ko si Suarez."


"Nagsinungaling ka sa amin."

Nagtaas ng kilay si Larry sa pagbalik nilang iyon sa opisina nito. Napanood kasi nila ang videos at nakita nilang nagkausap pa ang biktima at ito nung gabing bago nangyari ang krimen. Nakita niyang ipinakaladkad ito ng lalaki sa isang bouncer. Nagwawala ang babae sa video na napatahimik lang ng lapitan ulit ni Larry at may ibinulong na kung ano na siyang nagpalabas ng tuluyan kay Brenda sa club.

"Kayo na naman?"

"Oo. Nakita namin sa CCTV mo na nagkausap pa kayo kagabi bago siya umalis. Anong sinabi mo sa kanya na nagpa-upset sa kanya?"

"Nakita niyong upset siya sa video?"

"Oo. What did you tell her?"

"Nothing. I told her I don't want to see her face again. It's bad for business and besides, malilintikan ako kay Francisco."

"Kilala mo ang tatay niya?"

"Sino bang hindi. Kaya nga hindi ko siya pinatulan sa pagwawala niya. Magagalit sa akin ang ama niya kapag pinatuloy ko siya dito at maglasing."

"But that didn't stop you from having an affair with her."

Nagkulay suka ito. Inilabas niya ang folder na mayroong larawan ng mga ito. Lalo itong pinagpawisan sa nakita.

"You sneaked into my desktop."

"You specifically said "Whatever." to us when we did our search."

"That's invasion of privacy." galit na sabi nito.

"And that's obstruction of justice. Kung ako sa'yo ay sasabihin ko na ang lahat ng alam ko."

Napabugha ito ng malakas na hangin.

"That bitch, she said she'll never come here again ng matuklasan ng ama niya ang relasyon namin. Nalaman kong pinagsasabay niya kami ni Alfie, iyong isa pa niyang boyfriend. I loved her, kaya naman nalungkot ako sa pagkamatay niya. At hindi ako ang pumatay sa kay Brenda."

Napailing siya. "We'll let the evidence speak. So far, wala namang nagtuturo sa'yong suspect. Saan ang address nitong Alfie na ito?"

"Sa Libis. May condo siya doon."

"Okay. I will need his full name."

"Alfie Quinita."


Nasa harap siya ngayon ng bahay ni Alfie Quinita dala ang isang search warrant. Madali lang para sa kanya ang kumuha nun dahil tutukan ang siya kung mag-solve ng kaso. Isang araw lang hangga't maaari.

Itinanong niya sa gwardiya kung saan ang unit nito pagkatapos magpakilalang pulis. Kumatok siya pagtapat nila ni Suarez sa pinto. Bumungad sa kanila ang isang medyo may edad ng lalaki. Sakto sa picture ng file na nakuha ni Jerick ng ipahanap niya ang pangalan nito.

"Alfie Quinita?"

"Oo. Bakit? Anong kailangan nila?"

Ipinakita niya ang badge. "SPO4 Morallos. QCPD Homicide Division. Magtatanong lang kami tungkol kay Brenda David."

Nagitla ito. "What about her?"

"She's dead. Natagpuan sa likuran ng bar ni Larry Salazar."

Nanlaki ang mata nito sa narinig. "Larry Salazar?"

"Why? Does it ring a bell?"

"He's Brenda's other boyfriend."

"So you knew."

"Knew what?"

"That she is a player."

Napatango ito. Biglang nagmukhang pagod.

"Nasaan ka ng mga bandang ala-una hanggang alas-tres y media?"

"Narito lang. Maaga akong natulog kagabi."

"Kailan ang huling pag-uusap niyo ng biktima?"

"Noong isang araw pa. Nanlalamig siya sa akin eh. Hindi na siya nagpupunta dito."

"Okay. So, do you mind if we take a look around?"

"What? I didn't kill her."

"Wala kaming sinabing ganyan."

"Wala kayong warrant."

"I thought you'd never ask." Inabot niya ang papeles na hinahanap nito. Sumusukong ibinalik nito iyon sa kanya.

"Okay. Just don't break anything."

"We'll be careful. Promise."

Umalis muna ito ng unit nito. Nakita niya ang cellphone ni Alfie na nakapatong sa ibabaw ng ref. Inabot niya iyon at pinasadahan ng tingin ang call register.

Bingo!

Nakarehistro doon ang pagtawag na naganap kagabi ng alas-dyes. Nagsinungaling ito sa kanya. Kinunan niya ng litrato ang nakalagay na impormasyon at saka pasimpleng ibinalik ang aparato sa pwesto.

Napatuon ang pansin niya sa center table. Parang may kulang doon. Napansin niyang malinis ang kapaligiran. Sumnghot-singhot siya.

"Bleach."

"Oo nga sir." sagot ni Suarez

"Padaanan mo ang center table ng blue light."

Tumalima ito at tama nga ang hinala nila. May blood splatter na marka doon. Kumuha ng buds si Suarez at ipinunas doon saka may ipinatak na solution. Nagkulay dugo ang tip ng cotton buds.

"Positive Sir."

"Sige, bumalik na tayo sa lab. Mukhang nakita na natin ang crime scene. Solidong ebidensiya at motibo na lang ang kailangan natin."


Pagbalik nila sa laboratoryo ay sinalubong sila ng nakasimangot na si Cody. Naiinis na ibinalibag nito ang report sa harap niya.

"Its contaminated."

"Ang alin?" nagtatakang tanong niya.

"The victim's blood."

"Paanong nangyari iyon? E di ba ikaw ang kumuha nun?"

"I know right? May nakita akong alien na blood components sa dugo niya. It's from an A+ male."

Napahalakhak siya. "Subukan mong kumuha sa ibang bahagi ng katawan niya."

"Ginawa ko na 'tol. Hinihintay ko na lang. "Alas-kwatro na. Merienda tayo."

"Susme, nagugutom ka lang palang ungas ka."

"Mas makakapagtrabaho ako ng maayos kung busog ako."

"Ulol. Sige na nga. Suarez, umorder ka ng pagkain. Yung pinapatapos kong project sa'yo?"

"Tapos na po siguro. Pinaayos ko kay Marco. Kunin ko na lang po ang report."

Inabutan niya ito ng pera at mabilis na nawala sa paningin niya. Sakto at lumabas na rin ang report ni Cody. "Oh my God!"

"Bakit?"

"You won't believe this. Ang ikinamatay ng biktima ay isang maling blood transfusion."

"What?"

"The victim's blood type is O positive. The unknown male donor is an A positive. The process killed her instantly. Mabilis ang reaction ng ganyang transfusion sa katawan ng biktima. That explains the needle marks."

"How about the white residue?"

"It's not just cocaine. It's laced with pesticide."

"What?"

"She definitely took a lot. But how can you explain the glasses on her face?"

"It's a fish bowl." si Suarez.

"Sigurado ka?" tanong niya.

"Opo sir. Marco studied the pattern at iyon ang nakuha niyang malapit na match sa mga bubog na nakuha sa biktima. May nakuha rin kaming prints. At iyon ay match kay Quinita."

"Good job Suarez. Ibigay mo rin nga yung nakuha nating sample na bahay ni Quinita. Pakitingnan pare kung match sa biktima." baling niya kay Cody.

Nang makuha ang blood sample sa buds ay tama nga ang hinala niyang kay Brenda ang dugo na nakamarka sa center table. Nakita niya ang scenario sa isip.

Nang ilagay niya ang inakala niyang cocaine sa lamesa at singhutin at nagkaroon siya ng reaksiyon sa utak. Malamang na kinumbulsyon ang biktima at naihampas ang mukha sa lamesa. Saktong naroon ang fishbowl. That explains the glass fragments on the victim's body.

Siguro ay isang attempt na pagliligtas sa male donor na iyon kung pagbabasehan ang ginawa nito. Iyon nga lang namali ito ng akala. Hindi ito nakatulong bagkus ay napahamak pa ang biktima.

"Pumunta ka kay hepe at magpahanda ng warrant of arrest para kay Alfie Quinita. Magpagawa rin ng Hold Departure order para dito. Pupuntahan ulit natin siya sa bahay niya." utos niya kay Suarez

"Sir, may tawag sa radyo, may nagaganap daw na barilan sa Guilty Island. Dalawang lalaki daw." singit sa kanila ng sekretarya ng hepe nila.

"Showtime guys!"

"Galingan mo 'tol." pahabol ni Cody.

"Inom tayo mamaya."

"Sige ba."

"Tara Suarez."

"Yes Sir!"


"Bakit mo pinatay si Brenda?" inabutan niyang sigaw ni Alfie kay Larry.

Nagpaputok ito ng ilang ulit. Hindi makalapit ang mga pulis dahil pinapaputukan dina ng mga ito ng dalawa.

"Hindi ko siya pinatay." sigaw ni Larry.

"Sinungaling."

"Mukhang kailangan ko ng tulong ni Cody dito." sabi niya. Akmang tatawagan niya ito ng marinig niya ang boses nito.

"Hinanap mo raw ako?" nakangiting sambit ng sira-ulo.

"Hanep, ang lakas ng radar."

"Curious ako eh. So paano. Papatulugin ko ba ang dalawang iyan. May baon akong dalawang vials."

Pampatulog ang mga iyon. Tinanguan niya ito at pumuwesto na. Ito ang sniper ng TFE kaya alam niyang kaya nito iyon. Though hindi lahat ay alam ang tungkol doon.

"Pwesto lang ako."

"Sige. Signal ka na lang kung kailan mo gagawin."

"Sure manure."

Kinuha niya ang megaphone. "Quinita. Sumuko ka na. Inaaresto kita sa pagpatay kay Brenda David."

"Hindi ako ang pumatay sa kanya. Itong ugok na ito iyon." ganting sabi nito.

"Nakuhanan namin ng dugo ni Brenda ang unit mo. Nagkalat iyon sa center table. Nawawala ang fishbowl mo di ba?" nang-aasar na sabi niya sa megaphone.

"Hindi ko siya pinatay. Patay na siya ng makita ko siya doon."

"Sa husgado ka magpaliwanag."

"Totoo ang sinasabi ko. Hindi ako ang pumatay sa kanya. Wala na siyang buhay ng abutan ko. Ang tanging mali ko ay itinapon ko siya sa likod ng bar ng tarantadong ito." tukoy nito kay Larry.

"Ulol. Huwag mo akong idamay. Narito lang ako sa bar ko buong gabi."

"Sumuko na kayo. Kung hindi..."

"Kung hindi ano? Papasukin niyo kami? Sige, magkamatayan na." galit na sabi ni Alfie.

Tumunog ang radyo niya. Ready na raw si Cody. "Sige, tol. Bibilang ako ng tatlo."

"Copy that."

"Sumuko na kayo. Bibilang ako ng tatlo. One. Two..."

Pagsambit niya ng three ay natahimik ang lahat ng umalingawngaw ang dalawang putok. Pinalipas niya ang ilang sandali at inutusan ang mga tauhan na pumasok. Pagpasok niya ng Guilt Island ay nagulat siya ng makitang sabog ang ulo ng dalawang lalaki. Tinawagan niya si Cody.

"Pare. Bakit mo dinale?"

"Ha? Hindi nga ako naka-tira eh. Nawala yung dalawa. Biglang tumumba si Quinita."

"Eto oh, dedbol na."

"Nakow... mukhang may iabng tumira diyan. Promise tol. Wala akong alam diyan."

"Punta ka dito. Dali."

"Sige wait."

Naiiling siyang lumapit sa katawan ni Alfie. Nagtaka siya ng walang makitang needle marks sa braso nito. Ilang beses niyang tiningnan ulit ngunit wala. Natatarantang lumapit sa kanya si Suarez.

"Sir. Tingnan mo si Larry."

Tumango siya at sumunod dito. Laking gulat niya ng makita ang markang hinahanap kay Quinita ay naririto pala. All along, nagsasabi ng totoo si Alfie.

"Namputsa. Mas sure shot sa akin ang tumira 'tol."

Si Cody iyon.

"Tama ka. Mukhang nabalitaan na ng tatay ng biktima ang pangyayari."

"Mismo."

Napapalatak na lumabas sila ng Guilty Island.

"Beer?" tanong niya kay Cody.

"Sure."


FIN

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP