Chapter 10 and 11 : THE MARTYR, THE STUPID AND THE FLIRT

Sunday, January 9, 2011

Photobucket


Here's how you can reach this beautiful one.
Blog:
http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com





Malungkot na tinatanaw ni Monty si Orly habang nagpapraktis ito sa field. Tatlong araw na ang lumipas ng magmakaawa siya rito para huwag siyang hiwalayan. After that fateful day, Orly was never the same. Although hindi siya nito tinataboy ay naroon ang manaka-nakang parunggit nito para sa kanya. Na kesyo ipinipilit bakit daw may ibang tao na ipinipilit ang sarili sa taong ayaw na sa kanila at iba pang masasakit na salita.

In short, napakalamig ng pakikitungo nito sa kanya. Hindi naman siya makaangal kasi mahal niya ito. Isa lang naman ang punto niya, gusto niyang ipadama rito ang pag-ibig na para dito. Na tanging siya lang ang kayang magmahal dito against all odds. Kahit ito pa mismo ang may ayaw sa kanya.


Kulang dalawang buwan na lang at matatapos na ang semester na iyon. Kaya naman todo-effort siya para iparamdam dito na mahal na mahal niya ito. Kahit minsan lang, gusto niyang ipadama kay Orly kung paano ang mahalin ng tulad niya. He was sure, it's just a matter of time. Magbabago rin ang isip at pakikitungo ni Orly sa kanya.

Sumenyas ito ng time-out at tinungo ang kinauupuan niya. Oh how his heart leaped to the very sight of him. Hinding-hindi niya ito ipagpapalit kahit sa isandaan Ronnie pa.

Weh? Banat ng atribidang bahagi ng isip niya.

"Why are you here?" bungad nito sa kanya.

Napalunok siya. Wala kasi siyang maisip na dahilan kung bakit siya naroroon gayong hindi naman siya dapat naroon. Alam kasi nitong may practice din sila sa teatro.

"I..." wala siyang maapuhap na sasabihin.

"You skipped your practice. Bakit?" putol nito sa kanya.

Napatango na lang siya. Hinubad ni Orly ang football uniform nito na agad niyang kinuha para isampay pansamantala sa bangko. Maagap niyang kinuha ang towel na pamunas nito.

"T-tumalikod ka." mahina niyang sabi.

Tumiim ang mata nito pero tumalima rin naman. He held his breath as he gently brushed the sweat off of Orly's' back. Napakaganda talaga ng katawan nito. Ang klase ng built na papangarapin ng kahit na sinong babae at bading na haplusin at pagpalain. Namuo ang luha niya sa mata ng maalala ang mga sandaling nakasandig ang kanyang pisngi sa likuran nito habang nagbabasa ito ng libro sa mismong bench na saksi ng pagiibigan nila.

"T-tapos na. Sa harap naman." aniya.

Bumugha ng hangin si Orly bago napipilitang humarap sa kanya. Napayuko siya para ikubli ang namuong luha. Marahan niyang pinunasan ang matipuno nitong dibdib. From his hard pecs down to his chiseled abdomen. Flashbacks of how he played with those perfect muscles gave him a stab on the chest. His heart constricted and his throat ached. Nanginginig na rin ang kamay niya na hindi rin naman nawala sa pansin ni Orly na mataman siyang tinititigan.

"What? Hindi mo na kaya?" tanong nito at hinawakan ang kamay niya.

He sobbed. Ang kanina pa pinipigilang luha ay naglandas na sa kanyang pisngi. itinaas niya ang mukha at buong sakit na tinitigan ito.

"Sinabi ko na iyo. W-wala akong hindi kakayanin Orly." he said almost whispering.

Marahang umiling si Orly. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang pero may iglap na sakit din ang bahagya niyang nakitang dumaan sa mga mata nito. Napakurap siya para kumpirmahan iyon ngunit naging blangko na ang ekspresyon ng mukha nito.

"Monty..." wika ni Orly. Tunog frustrated pero walang maaninag na ganoong emosyon sa gwapong mukha.

"What? Itataboy mo na naman ba ako? Sinabi ko na sa'yo..."

"Kaya ko na. Bumalik ka na sa practice niyo nila Dalisay. Naghihintay na iyon sa iyo." masuyong sabi nito.

Biglang nanubig na naman ang mata niya at sumakit ang panga sa pagpigil ng iyak. Ilang gabi niyang pinangarap na maging masuyo man lang ito ulit sa kanya kahit sandali lang at mukhang nangyayari na nga. Parang lokang ngumiti siya sa kabila ng pag-iyak.

"I-i will." he choked on his words. Sa sobrang saya niya dahil sa biglang pagbabago ng mood ni Orly eh halos di na siya makahinga at nagkakandasamid-samid na siya.

Pinunasan ni Orly ang luhang naglandas sa pisngi niya and looked straight in his eyes. The stare held him captive and immobile for a while. Na-miss niya rin iyon. Iyong buong suyo siyang tinitingnan ni Orly.

Bumaba ang tingin nito sa labi niya. Now he's anticipating if Orly would kiss him. Bahagya niyang inangat ang mukha at sinalubong ang tingin nito at ginaya ang pagtaas baba ng tingin sa mata at labi nito.

Dahan-dahan ang naging pagbaba ng mukha ni Orly sa kanya. Anong galak niya at parang narinig niyang bumukas ang pintuan ng langit at bumaba ang mga anghel at nagsi-awitan.

He didn't want to close his eyes but the emotions he's feeling right now made sure that he would savor the moment as if it was his last kiss from Orly. Anong saya niya ng dumampi ang labi nito sa kanya na iglap ding napawi ng matantong it was just a quick kiss. A smack actually.

Naguguluhan siyang nagdilat ng mata at naiwang nakaawang pang bahagya ang labi. Nakita na lang niyang tumatakbo na si Orly palayo sa kanya at pabalik na sa field para magpractice. Hindi makapaniwalang ganoon lang ang mangyayari. Hinayang na hinayang ang pakiramdam niya pero may bahagya ring kaligayahan.

Maybe hindi pa ready si Orly ulit. Sabi niya sa isip.

Hoping? Asaness teh! Sabi naman ni Rubi, este ng isip niya.

Itinaboy niya ang masamang naisip. Tama na ang mga pangyayaring iyon. At least, kahit paano ay medyo nagkakasundo na sila ulit ni Orly. Iyon na lang ang itinanim niya sa isip niya.

Sinipat niya ang relos. May oras pa para makapunta sa practice ng play. Bagaman nag-away sila ni Jordan ay hindi naman nito pinersonal ang pagiging miyembro ng teatro niya. May pagkakataon na kakausapin siya nito ng pormal pero hanggang doon lang yun. Walang parinigan. Walang away.

Lumapit siya ng bahagya sa field at sinigawan si Orly. Tumigil naman ito saglit ng senyasan niyang lumapit.

"What?" humihingal pa nitong sabi.

"I'll be at the auditorium. Pwede mo ba akong sunduin mamaya?" sabi niyang sobra ang pag-asa.

Saglit itong nag-isip.

"I can't promise. But I'll try." sagot nito.

Nalaglag man ang balikat niya sa sagot nito ay kinalma niya ang sarili. Tama na ang sinabi nitong susubukan nito.

"O-okay?" pinilit niyang ngumiti.

"Sige na." sabi nito. Dismissing him gently.

Nagpasya siyang puntahan ang practice nila. Nang makarating doon ay agad siyang humilera sa mga nagpapahinga pang kasamahan nila.

"Uy! Bakit ngayon ka lang?" sabi ni Freia. Ang baklang nambara sa inggiterang babae sa canteen.

"Hey! Nawala sa isip ko." tipid siyang ngumiti.

Sasagot pa sana si Freia ng putulin iyon ng talak mula kay Jordan.

"Lagi ka namang wala sa sarili. Kaya tuloy yung ibang bagay nababalewala mo."

Masama ang tingin na ipinupukol nito sa kanya. Napayuko na lang siya at nagsalita.

"Sorry."

"You should be. Dahil wala ka, napilitan kaming gumawa ng ilang eksena. Tapos na lahat ng mga kasama mo, ikaw na lang ang kulang. Kung anu-ano kasi ang naiisip mong unahin. Hindi naman importante." dire-diretsong talak nito.

Pinili niyang pigilan ang sariling sumagot at nginitian ito. "Kung pwede pa, gawin na natin ang mga eksena ko. Para naman makahabol ako."

Naningkit ang mata nito pero di na nagsalita. Naramdaman siguro na ayaw niyang makipagtalo. Nahihirapan din siya sa sitwasyon at tama naman ito para tumalak. Late siya. Kahit pa anong anggulo tingnan, mali siya.

"Okay! Guys! Yung eksena sa gubat ang gagawin natin. Kabisado mo pa ba yung linya mo? Baka di ka na nakakapag-kabisado kakaisip mo ibang "bagay"?" maanghang na tanong nito sa kanya.

Napalinga siya sa paligid. Nakita niya ang nakikisimpatyang tingin ng mga kasama. Muli, pinilit niyang ngumiti at huwag sumagot sa patutsada nito. Alam naman niyang ang ibang "bagay" na tinutukoy nito ay si Orly.

"Let's do this D. Kapag di ko nagawa ng maayos, saka mo ako pagalitan." kimi niyang sagot.

Umingos na lang ito at di na nagsalita pa. Sumenyas ito sa control room at inihanda na ang set para sa eksena niya sa gubat.

Sa eksena, siya si Althea, ang trans-gender na Dyosa na kapatid ng trans-gender ding Dyosa na si Yasilad. Spoof nila iyon ng Encantadia. Dangan nga lamang ay pang-beki talaga ang mga characters.

Ang kapangyarihan niya ay ang control niya sa mga halaman. Parang kay Kurama ng YuYu Hakusho. Ang kapatid niyang si Yasilad ay si Jordan ang gumaganap. Yelo at Niyebe ang kapangyarihan nito.

Kunwari ay mag-eemote siya sa batis na tahanan ng katotohanan. Walang kinikilingan. Walang pinoprotektahan. Serbisyong totoo lamang ang tema.

Iniwan kasi siya ng mortal niyang dyowa na si Coco Marvin at ipinagpalit sa isang mukhang kabayong bading. Ipinagluluksa niya ang pag-ibig niya para dito. Tamang-tama naman na nasa kondisyon siya para mag-emote. Inilagay niya si Orly at ang sitwasyon nila sa isip para mag-internalize.

Nang sumigaw si Jordan para sa take ay nagsimulang tumugtog ang background music na Saan Ka Na Kaya Ngayon at naging si Althea na siya.

Limang taong na simula ng hiwalayan siya ni Coco Marvin pero ang pakiramdam niya ay parang noong isang buwan lang iyon.

Nagsimulang umawit si Ana Fegi na feeling straight ang buhok.

Hanngang ngayon sariwa pa
Sugat na sa'kiy dinala
Sa puso kong limot mo na
Hindi matanggap mahal mo'y iba.

Masaya ka na ba sa piling niya?
Sa bawat halik ba'y mas kinikilig ka?
Isa 'tong na medyo presko,
Kahit minsan ba'y hinahanap mo ako?


Bago mag-chorus ay nagsimula na siyang mag-monologue.

"Mahal kong Coco Marvin. Nasaan ka na kaya ngayon? Hinahanap mo kaya ako? Naaalala mo pa ba kaya ang pagmamahalan nating dalawa? Miss na miss na kita. Sana naririto ka..."

Malungkot na hinaplos ni Althea ang gawa-gawang batis habang nakaupo sa gawa-gawa ring bato. Unti-unting pumatak na ang luha niya.

Nasa isip ang sakit na pinagdadaanan. Kahit kasi nandiyan si Orly, parang ang layo pa rin nito sa kanya. Hindi na niya ito maabot ngayon. Kaya naman sisiw lang ang pag-iyak sa kanya ngayon.

"Masaya ka ba sa tinamaan ng magaling na adik na baklang yan? Ako, babae na ako. Tinanggihan mo pa. Mas gusto mo yung may libre kang singhot sa nakakasulasok na usok ng shabu kaysa ang makipaghabulan sa akin sa paraisong ito." nananangis niyang sambit.

"Paano na ako ngayong wala ka na? Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka mahal kong Coco Marvin." saka siya nagtakip ng palad at humagulgol.

Nagtuloy ang chorus ni Ana Fegi na kanina pa nilalamok kakahintay na ituloy ang kanta.

Sino na kayang kasama mo?
Mas magaling ba siyang maglambing sa'yo?
Nais kong malaman kahit napakasakit para sa puso ko.

Hindi na ba magbabago ito?
Nagtatanong lang naman ako.

Saan ka na kaya ngayon?
Mahal pa rin kita.
Saan ka na kaya ngayon?


At muling binusalan si Ana Fegi ng mga kawal.

Nakaloop ang instrumental ng edited na kanta. Sakto sa oras para sa panibagong pag-e-emote niya. Muli siyang humikbi.

"Mahal kong Coco..."

"Ang OA ha." anang isang tinig.

"Huh? Sino ang nariyan?"

"Wala! Wala! Wala kang narinig." ang tinig ulit.

"Weh?" sabi niya.

"Kung maka-emote ka, akala mo bagong break lang kayo ng Coco Marvin na yan! Shutah ka! Limang taon na yon!"

"Sino ka ba? At nasaan ka? Magpakita ka kung hindi ay ipapakain kita sa mababangis na halamang alaga ko." galit niyang sabi.

"Echozera! I-try mo. Atashi pa ang piangbantaan nitong beking ito." anang tinig kasabay ng isang liwanag mula sa gitna ng batis.

Ang liwanag ay naging pigura ng isang tao hanggang sa maging ganap ang hitsura noon at lumitaw sa paningin niya ang Diwata ng Batis na tahanan ng katotohanan. Walang kinikilingan. Walang pinoprotektahan. Serbisyong too lamang. (Kapagod i-type ha!)Siyempre pa, effects lang iyon. Wala talagang ganoon.

"Diwatang Ivor!" gulantang niyang sabi. Ginanapan ni Freia.

"Walang iba!" nakangiti nitong sabi. Ang umiikot na tubig sa katawan nito ay talaga namang nakakamangha. At ang mga brilyante sa noo na kumikinang ng parang estrella ay tunay na kagila-gilalas.

"Ikaw ba ang nagsasalita kanina?" tanong niya.

"Oo Dyosang Althea. Paulit-ulit?" mataray na wika nito.

"Malay ko bang nandiyan ka?" umiismid niyang wika.

"Ah ganoon. Bet mong lunurin kita dito?"

"Huwag naman."

"Ano na namang drama ito Althea? Ang tagal mo ng wala sa piling ng hinayupak na Coco Marvin na iyon eh kung makapag-emote ka eh parang kahapon lang kayo naghiwalay. Di bale sana kung ang tagal niyo ring nagsama. Hello two-weeks lang ang relationship niyo no? On and off pa! Kaloka!" mahaba at detalyadong patutsada nito sa kanya.

Nagitla siya at napahawak sa pekeng dibdib. "Paano mong nalaman ang lahat ng iyan?"

"Hello again! For five years, iyon lang ang iniyak mo dito sa batis ko. Hindi na nagsilakihan ang mga karpa dito ng dahil sa patak ng luha mong may halong MSG."

"Paki-alamera ka Diwatang Ivor." nakalabi niyang sabi.

"Text MOVE (space) ON sa 2366. Umayos ka nga. Shutah ka!" iyon lang at nawala na ito.

Iniwan siyang hindi man lang nakaganti ng salita. Pero nagsalita pa rin siya dahil alam niyang nakikinig lang ito.

"Text INGGITERA (space) ON sa 8888. Para unlimited! Baliw!" galit niyang sabi.

Pagkatapos niyang sumigaw ay umihip ang hangin at nagsimula na uling kumanta si Ana Fegi na pumuti na dahil sa kakahintay ng turn niya.

Ooohh Oooohhh... Sino na nga ba?

Nais kong malaman, wala na bang pag-asa! Ooohh...

Saan ka na kaya ngayon? Mahal pa rin kita ah... Saan ka na kaya ngayon?...



Nang matapos ang take ay umani iyon ng palakpakan sa nanonood na estudyante at kasamahan. Kahit si Jordan ay may satisfied na ngiti sa labi. Pero ang mas ikinaloka niya ay ang malakas na tinig at palakpak na nanggaling sa isang tao.

Walang iba kung hindi si Ronnie na sumisipol pa at talagang tuwang-tuwa sa rehearsal nila. Pumapalakpak pa itong lumapit sa kaniya.

"Ang galing mo Monty. Ang galing!" niyakap pa siya nito sa gulat niya.

"Ah eh..." sabi niya habang nakaipit sa braso nito.

"Ronnie... di ako makahinga." ang totoo ay naguguluhan at kinikilig siya. Ewan ba niya. Hindi dapat ganoon ang nararamdaman niya di ba?

"Sorry." hinging paumanhin nito pero nakangiti pa rin.

"Bakit ka nandito?" tanong niya.

"Nanonood sa rehearsal niyo."

"Bawal kaya iyon."

"Well, may backer ako."

"Sino?"

"Si Dalisay."

Hindi siya nakaimik. Nakita niya ang nakataas-kilay na kaibigan na nakatingin sa kanila ni Ronnie.

"Ganoon ba?" sambit niya.

"Oo. Listen Monty. Date tayo mamaya. Third date na natin." sabi pa nito at sabay kindat.

Napasinghap siya ng gagapin nito ang kamay niyang biglang nilamig. May sasabihin sana siya ng marinig niya ang isang tinig.

"Sinong nagbigay sa'yo ng karapatan na hawakan ang kamay ni Monty?"

Si Orly! Mapanganib ang hitsura at talaga namang galit.

Si Ronnie naman ay tila nakakalokong ngumiti pa at itinaas ang kamay nilang magkahugpong pa. Natatarantang binawi niya iyon pero hindi ito binibitawan ng una.

"Ronnie..." nanghihinang sabi niya.

"Relax Monty. Wala namang masama sa paghahawak natin ng kamay di ba?" balewalang sabi nito.

Napapailing siyang tumingin kay Orly na palapit na.

"Nananadya ka talaga no? Bitiwan mo si Monty." mahina pero mapanganib na sabi nito.

"Kung ayoko?" si Ronnie na nagiinis pang ngumisi.

"Oh you're so getting this!" sambit ni Orly sabay bigwas kay Ronnie.

Dahil sa nakahawak sa kanya si Ronnie ay nahila siya ng wala sa oras at talagang nawalan siya ng panimbang dahil hindi nakaiwas agad si Ronnie. Parehas silang natumba at napadagan siya sa ibabaw nito.

Dagli siyang tumayo at hinarang ang sarili kay Orly.

"Tama na!"

Pero hindi ito nagpapigil. Nakatayo na rin si Ronnie at dahil sa siya ang nasa gitna, nang isalya siya ni Orly ay tumama siya sa kamao ni Ronnie na pabigwas kay Orly.

Next thing he knew, there were stars circling his head and then he passed out.


Itutuloy...


CHAPTER 11 (The Break-up)

"This is all your fault!"

"Ako pa ngayon ang sinisi mo? Ang kapal ng mukha mo."

"Ikaw ang sumuntok kay Monty."

"Na isang aksidente. Kung hindi ka sumugod sa akin hindi ihaharang ni Monty ang sarili niya. Ipinagtatanggol ko lang ang sarili ko."

"Self-defense my ass! Umalis ka na rito at baka kung anong magawa ko sa'yo."

"I'm not going anywhere. Besides, hindi ba at hindi mo naman talaga mahal si Monty?"

"Anong alam mo sa nararamdaman ko?"

"Alam ko ang utos ng frat sa'yo."

"Akala ko ba hindi ka makiki-alam sa mga activities ng frat?"

"Hindi ko kasalanan kung madaldal ang frat-master niyo at iginagalang niya ang posisyon ng tatay ko."

"Huh, always the daddy's boy. Grow up Ronnie."

"Tell that to yourself Orlando. Hanggang kailan ka makikipagpaligsahan sa akin? Kailan mo tatapusin ang kahibangan mong ito? Pati si Monty idinadamay mo."

"Hindi ko siya idinadamay. Kung magsalita ka parang ako lang ang nakikipagkumpitensiya dito. Hindi ba at ikaw ang nang-agaw ng girlfriend ko dati?"

"Matagal ko ng ipinaliwanag sa'yo ang tungkol diyan. Paulit-ulit ka na lang. Let Monty go. Hindi siya dapat makulong sa pag-ibig na hindi mo kayang ibalik."

"At ikaw ang makakapagbigay nun? Huwag mo akong patawanin. Akin si Monty. Ikaw ang humanap ng para sa'yo."

"Si Monty ang para sa akin. Ayaw mo lang pakawalan. Don't let him out of your sight. Kasi kapag nakalingat ka, aagawin ko siya sa'yo!"

"So inaamin mo ng mang-aagaw ka mahal kong pinsan?"

"Again, hindi sa'yo si Monty. Pakawalan mo na siya."

"Never."


Nananakit ang ulong dumilat si Monty. Iginala niya ang paningin sa paligid. Puting kisame, puting dingding, at amoy antiseptic ang buong paligid. Mukhang nasa clinic siya. Babangon sana siya ng sumigid ang kirot sa kanyang kaliwang pisngi.

"A-aray!"

Naalala niyang nasuntok nga pala siya ni Ronnie. Sa sobrang kaba niya na magpang-abot ito at si Orly ay hindi na niya naisip na pwede siyang masaktan sa gagawin. Nasapo niya ang makirot na pisngi. Siguradong nangingitim na iyon ngayon. Tiningnan niya ang relos. Alas-singko na pala. Hindi na siya nakapunta sa mga klase niya.

Hinanap niya ang gamit at nakitang nasa isang upuan iyon. Pinilit niyang tumayo at humakbang patungo sa mga gamit. Hustong pagkakipkip niya ng mga libro ay siyang pagbukas ng pintuan ng clinic at pumasok ang nurse kasunod si Orly at si Jordan.

"Gising ka na pala. Pwede ka ring lumabas dahil wala ka namang malaking pinsala. Basta next time, huwag haharang sa away ha." nakangiting paalala ng nurse sa kanya.

"Opo."

Tumingin siya sa dalawa, especially kay Orly. Nang bago siya magising ay nanaginip siya ng mga pag-uusap. Naririnig niya ang pangalan ni Ronnie, ng nobyo at sa kanya. Nagtatalo ang mga ito habang tulog siya. Ang hindi niya maintindihan ay parang totoo ang lahat ng narinig niya. Kahit anong tanggi ng puso niya ay ayaw itong sang-ayunan ng kanyang isip.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Jordan ng makalapit sa kanya. Marahang sinipat ang kanyang nasaktang pisngi.

Tumango siya. Nanakit na naman ang sulok ng mata niya. Mukhang ang resulta ng pagkakasapak sa kanya ay mauuwi sa maganda. Okay na sila ni Jordan. Na-miss na niya ang kaibigan niya.

"I'm okay friend."

"Good. Kung bakit kasi humaharang-harang ka pa sa away nila, tingnan mo tuloy ang nangyari sa'yo."

Natawa siya sa ginawi ng kaibigan. Napakataray talaga nito at kahit siya ay hindi pinaliligtas. But that's what he love about his friend. Walang hang-ups. Walang pagpapanggap. What you see is what you get.

"Hay naku friend. Wala ka talagang kupas."

Napatigil naman ito sa pagtalak. Nangingiting tumingin sa kanya saka siya niyakap.

"Na-miss kita friend. I'm sorry for not understanding you." nahihiyang sabi nito.

"Sorry rin friend. Nasampal kita." apologetic din niyang sabi.

"Keri lang teh. Huwag na nating pag-usapan yun. Nakapag-usap na rin naman kami nito ni Dyamante." sabay turo kay Orly.

Parang nanikip ang dibdib niya sa pagkakatinging iyon ng kasintahan sa kanya. Kasintahan. Isang napakasarap sa pakiramdam na salita. Pero parang may piping bulong ang hangin sa kanya upang salungatin ang anumang masasayang bagay na nararamdaman niya. Pinili niyang gawing blangko ang mukha ng anumang emosyon.

"H-hi... Kamusta ka na Pet?" nag-aalangang bati ni Orly sa kanya.

"Hindi okay." tapat niyang sabi.

"Masakit pa ba ang pisngi mo?" Bumilis ang pintig ng puso niya pagkarinig ng mapanganib nitong tono at ang kalakip na pag-aalala doon. Hindi niya akalaing ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. But they have to talk.

"I'll live Orly. Pasa lang ito. But I think we have to talk."

Biglang nalito ang ekspresyon na nakaguhit sa mukha nito. Siya naman, sa isang banda, ay inihahanda na ang sarili sa maaaring kahinatnan ng gagawin.


Hindi mapakali si Orly ng mga sandaling iyon. May mali sa pakikitungo sa kanya ni Monty sa kanya. Napakalamig ng tingin nito. Walang emosyon. At kinakabahan siya.

Kanina, ng makita niyang tinamaan ito ni Ronnie ay talaga namang nagwala siya. Napigilan lang siya ng mga tao at ng sigaw ni Jordan na nawalan ng malay si Monty. Agad nila itong itinakbo sa clinic. Nagtalo pa sila roon ni Ronnie. Natigil lang sila ng ipatawag na sila sa discipline room. Pinagkasundo lang sila at hindi masyadong pinagalitan. Kapwa kasi nagdo-donate sa SBU ang mga magulang nila ng pinsan.

Anong kaba niya ng makitang nakahandusay si Monty. Kahit pala anong gawin niyang kasamaan dito para lang layuan siya ay hindi niya kayang makita na nasasaktan ito. Halos liparin niya ang clinic habang buhat-buhat ito kanina. Binibulyawan niya rin ang mga nakahrang na estudyante sa daan.

Tama naman si Ronnie. Ito ang totoong may gusto kay Monty. Tagilid ang tawag niya sa sexual preference nito. Anong galit niya dito ng agawin nito ang first girlfriend niya. Hindi siya naniniwalang wala itong ginawa para agawin si Samantha sa kanya, pero ang mas ikinagalit niya ng makitang may kahalikan itong lalaki sa isang sinehan.

Isinumbong niya ang pinsan sa parents nito pero siya ang mas nagulat dahil alam pala ng mga ito ang ginagawa ng anak. Hayaan na lang daw niya si Ronnie dahil ang mahalaga ay masaya ito sa pagiging bisexual.

Kaya naman ng makita niya ang pasimple nitong pagtingin-tingin mula sa malayo kay Monty eh naisip niya ang plano na pwedeng gamitin laban dito.

Sumakto naman, ang naging utos sa kanya sa frat ay isang malaking excuse para maisagawa niya ang planong paghihiganti kay Ronnie. Dati rin itong miyembro ng frat pero dahil nga sa pagiging bisexual nito ay hindi ito masyadong naging aktibo gawa ng palagi lang itong napapaaway na sinasalo naman ng tatay nito.

Minalas lang na nadamay si Monty sa lahat ng ito. Kaya naman, sa durasyon ng pagsasama nila ay sinigurado niyang magiging paborable para rito ang bawat araw na lilipas. He was even willing to have sex with him para lang makabawi sa pagkakadawit nito sa awayang iyon.

Besides, hirap man siyang aminin. He found out that Monty's kisses are quite enjoyable. Bahagya pa siyang naiilang noong una pero ang ikinagulat niya ay ng mga sumunod na pagkakataon ay parang normal na lang para sa kanya ang halikan ito.

Hindi man nagtatanong ang mga ka-team niya sa football ay wala naman din siyang naririnig na pangangantiyaw sa mga ito tungkol sa pagpatol niya kay Monty. In fact, tuwang-tuwa pa nga ang mga ito sa nangyayari.

Ang hindi lang niya inasahan ay ang pagkakahulog ng loob ni Monty sa kanya. Hindi niya inasahan na ng malaman nito ang tungkol sa frat ay mas ninais pa nitong makasama siya. Na-guilty na siya doon kaya naman itinigil na niya ang paggamit dito pero ito ang mapilit. Sinusubukan niyang itanim sa isipan nitong hindi sila pwede. At least kahit doon man lang ay makabawi siya. Ang akala niya kasi noong una ay ang totoong dahilan na ng pakikipaglapit niya rito ang nalaman nito.

Nakarating na sila sa bench kung saan palagi silang nag-uusap. Katulad kanina, blangko pa rin ang mukha nito. Wala siyang maaninag na emosyon. Nakatitig lang ito sa kanya.

"Orly..."

"Monty..."

Katahimikan. Papadilim na. Parang nakikisabay pa ang hangin dahil napakalamig ng simoy nito. Mukhang nagdo-double time ang senses niya sa katahimikang iyon.

"Orly. Totoo ba ang narinig ko kaninang pag-uusap ninyo ni Ronnie?"

"Pet..."

"Stop calling me Pet. Saguti mo ang tanong ko." matigas pero salat sa emosyon nitong sabi.

Napabugha siya ng hangin. "Alin doon?"

"All of it. Are you cousins? Bakit di mo sinabi sa akin yan? At ano ang tungkol sa pagganti at kumpitensiya sa inyong dalawa?" mahina pero klarong sambit ni Monty sa bawat salita.

"Yes. Pinsan ko siya. At iyong pagganti, totoo rin. But..."

"Spare me the explanation Orly. Baka paniwalaan lang ulit kita. Alam mo kung gaano ako nagmahal sayo diba?"

"Pet..."

"Orly stop. Stop calling me Pet when all along, ako lang nagmamahal sa'yo. Wala akong ginawang masama sa'yo. Minahal kita Orly." pumiyok ang boses na sambit ni Monty.

Natataranta na naman siya pagkakita ng mga luha nito.

"Pet don't cry."

"A-akala ko. Wala akong hindi kayang gawin p-para sa'yo. P-pero, nagkamali yata ako. Kasi, kahit anong gawin ko pala. H-hindi mo ako mamahalin. At hindi mo ako kayang mahalin." tuluyan ng humagulgol na sabi ni Monty.

"Pet.." sabi niya at akmang lalapit dito ng pigilan siya nito.

"Tama na Orly. Huwag ka ng lumapit. Baka bigyan ko lang kasi ang sarili ko ng mas marami pang dahilan para hindi ka bitiwan. Maawa ka naman sa akin."

"Monty..."

"Isang tanong na lang Orly. H-hindi mo ba talaga ako nagawang mahalin kahit kailan?"

Napayuko siya. Hindi siya nakasagot. Wala siyang maisagot. Hindi naman kasi patas na magsinungaling siya rito para lang mapagaan ang kalooban nito. At matalino si Monty, hindi rin siya paniniwalaan nito.

"I'll take that as a yes."

Marahas na napaangat siya ng tingin dito. "Monty naman... Hayaan mo naman akong magpaliwanag." apela niya.

"No Orly. Tama na. Naiintindihan ko na. Ang tanga ko. Simula't sapol, ako lang pala talaga ang nagmamahal sa ating dalawa. Sabagay, may pagdududa na ako nun, hindi ko lang pinakinggan kasi mahal kita. At ang laki kong tanga para paniwalaan ka. But you know what?" pinutol muna nito ang pagsasalita at nagpahid ng luhang walang patid sa pagtulo.

"Monty..."

"You know what Orly? That punch was an eyeopener. Imagine, kung hindi pa umabot sa pisikalan ang away ninyo ay hindi ko malalaman ang totoo. That only proves na hindi mo ako kayang mahalin kasi kaya mong makita na nasasaktan ako."

Suminga ito sa panyong dala.

"Maybe I should thank Ronnie instead. Pero hindi. Magsama kayong magpinsan. Parehas kayong manloloko."

"Pet..."

"Drop the endearment. Hindi mo na ako Pet simula ngayon. Kasi suko na ako Orly. Hindi ko na kaya, kaya suko na ako. Isinusuko na kita." sambit ni Monty kasabay ng malayang pag-agos ng luha sa mata nito na kanina ay halos wala na.

Itinulos siya sa kinatatayuan niya. Parang may mabigat na bagay na biglang dumagan sa kanya pagkarinig ng mga salitang iyon. Parang may isang malaking kamay na dumakot at pumisil sa puso niya. Hindi siya makahinga. At ang paulit-ulit na salitang umaalingawngaw sa kanyang isipan ay ang huling salita ni Monty.

"Suko na ako Orly. Isinusuko na kita..."

Itutuloy

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP