Di na Ako Gaya ng Dati

Sunday, November 7, 2010

By: Marlon Alves
email: marlonalvesc@yahoo.com.ph
--------------------------------------

Di ko lubusang pansin na iba na pala ako
hindi na gaya ng dating ako
maraming tao na ang nakakapuna nito
pero ano ba ang tanging magagawa ko

Una hindi ko choice na maging ganito ako
naglaho nang di inaasahan ang dating ako
kung ako man ay tatanungin mo
mas gusto kong manatili ung dating ako na nakilala mo

Hindi ko lubos maisip na me natatabla na pala ako
sa chat, sa text o kahit sang usapang meron tayo
siguro ay sadyang di lang ako aware na nakakasakit na ako ng tao
peto kung iyon ang napuna niyo salamat sa pagiging totoo

Hanggang san pa ba ang pagtuklas ko sa sarili ko
ilang taong paglalakbay pa ba ang bibilangin ko
hanggang ngaun ang isip ko ay gulong gulo
pero ang tanging masasabi ko sa mga sandaling ito
salamat sa nag iwan at  patuloy na nanatiling nasa tabi ko

1 comments:

Jayson Patalinghug November 7, 2010 at 9:56 PM  

akala ko may kinalaman ito sa sekswalidad ng persona ng tula. May iba pala itong nais ipahiwatig.

Maganda tol...keep writing...

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP