Wish Kiss : Chapter 8 and 9

Sunday, February 19, 2012




Chapter 08

Ayaw tumigil sa pag ring ang kanyang telepono, masakit pa ang ulong iminulat niya ang mga mata, alas tres palang ng madaling araw. Si Carol, ang tumatawag.

“H-Hello Carol,” wala sa sarili ngunit kinakabahang sagot niya.

Sapat na ang mga narinig upang mapabalkikwas siya ng bangon, at ilang sandali lamang ay tinatakbo na niya ang pasilyo ng hospital.

Sinalubong siya ni Carol.

“Karl, I think you shouldn’t go inside his room, hindi mo magugustuhan ang makikita mo… he’s dying, Karl…and I think he can’t make it anymore. Pangatlong beses na niyang nag-arrest since yesterday, we didn’t call you because he didn’t want to” mahabang pagpapaliwanag nito, sa likod niya ay sina Aki at Raffy na inaalo ang umiiyak na sina Judy at ina ni Eli.

“What happened?” si Nel humahangos paparating.

Tila wala na siyang narinig ng bumukas ang pintuan ng ICU at iniluwa nito ang duktor.

“Mrs. Nolo, he’s stable for now…”  narinig niyang wika nito, “Misis pwede ko ho ba kayo makausap ng sarilinan?”

Tila pinipiga ang puso ni Karl habang hindi siya natitinag sa kinatatayuan, sapat na ang mga nakitang paghagulgol ng ina ni Eli at ang narinig mula sa duktor upang maintindihana niyang panahon na para pakawalan si Eli.

“DNR” tatlong letrang tila pumipigil sa pagtibok ng kanyang puso.

Gusto niyang sumigaw at sisihin ang Diyos sa nangyayari ngunit walang boses na lumalabas sa may bikig niyang lalamunan. Hindi parin kayang tanggapin ng kanyang puso ang katotohanan.

Inihakbang niya ang mga paa papalayo, sari saring emosyon ang nagaalinsabay na kanyang nadarama. Walang luha sa kanyang mga mata, tanging mapait na ngiti lamang ng ‘di pagtanggap ang namumutawi sa kanyang mga labi.

Ilang oras din ang nakalipas bago siya naglakas ng loob na bumalik sa loob ng hospital. Mabibigat ang mga hakbang na nilalakbay niya ang pasilyo na wari ba sa bawat hakbang niya papalapit sa ICU sy unti unti ring nawawala ang kanyang lakas.

Sa labas ng ICU ay ang mga kamag-anak ni Eli at kanyang mga kaibigan na inaalo ang isa’t isa.

Sinalubong siya ni Carol, “Nel’s inside…a-after him, it’s your turn” lihim siyang nainggit dito kung saan siya humuhugot ng lakas ng loob.

Gustong dayain ni Karl ang mga narinig, hindi niya sukat akalain na sa ganitong uri ng pamamaalam ang kanyang kahaharapin.

Tila robot na pinihit niya ang doorknob, hungkang ang kanyang pakiramdam, hindi pa man ay ramdam na niya ang puwang sa kanyang puso.

Nilingon siya ni Nel, pinahid nito ang mga luha at ngumiti sa nakatayong tila tuod na si Karl.

Tumango siya bilang sagot sa malungkot na ngiti nito, nilapitan siya nito at dagling niyakap.

“Ming, it’s time to let go…alam kong, i-ikaw na lang ang hinihintay niya.”

Lumunok siya sa kawalan ng masasabi at umiikot niyang mundo ay narinig niyang muli ang mga salita ni Eli, “Ming, promise me that you won’t be here when I breath my last…I am afraid of goodbyes.”

Naputol ang kanyang pagbabalik tanaw ng marinig niya ang sunud sunod na pagtunog ng respirator. Ramdam ng bawat tibok ng kanilang mga puso ang bawat isa, na tila ba iyon na ang huli. Rumehistro ang pag-aalala sa mukha ni Nel at tinakbo pabalik ang kama ni Eli.

Namumutlang nanigas ang mga pang napako si Karl sa kinatatyuan, sa utak niya ang pabalik balik na salita ni Eli at ng duktor, “DNR”

Nagkakagulo sa loob ng kwarto, pumasok ang kanyang mga kaibigan at pamilya ni Eli. Tila isang panaginip na malabo ang pagkakarehistro ng lahat sa kanyang utak, nakatayo siya sa dilim at tanging ang mga tibok ng puso lamang ang kanyang naririnig na papalayo ng papalyo sa kanya.

“Ming! Ming…!” yugyog ni Nel sa kanya. Natauhang bumalik sa realidad si Karl, inilinga niya ang tingin sa kama kung nasaan si Eli, wala na ng tunog at dagling nakabawi ito, dahil muli naging regular ang paghinga.

“Ming! The hell with what he said!” sigaw ni Nel, maliban kay Carol ay ito ang nakakaalam sa kahilingan ni Eli na dapat ay wala siya sa araw ng kamatayan nito. “..the hell with what he said! H-He needs you, he’s waiting for you!” hilam ng luhang bulyaw nito sa tila nananaginip na si karl. “you know what he really want? What he wished that night? Damn, karl! He wished that you’ll never leave him until his dying day!” desperadang pagtatapat nito.

Tila nailipad ang kanyang isipan sa gabing iyon.
“What’s your wish?”
“I wish you’ll get well…para matagal pa tayong magsasama”
“Ikaw ano hiniling mo?”
“Wag mo nang alamin… it won’t come true anyway”

Tila isang sampal sa kanya ang lahat.

Ming promise me that you won’t be here when…” a lie, he lied.

-----

Chapter 09

Tahimik at payapa ang paghinga ni Eli, hawak niya ang kamay nito. Ilang minuto siyang nakatitig rito at pilit tinitikis ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata.

His fingers filled the spaces between his’, the warmth radiating from him gives life to his marble cold hands, so stiff, lifeless.

Lumunok siya ng ilang ulit at sa garalgal na boses ay sinambit niya ang mga salitang minsang sinabi nito sa kanya.

“B-balong…If you get there before I do,
Don’t give up on me…
I’ll meet you there when my chores are through,
I-I just don’t know how long I’ll be.
A tear fell, I won’t gonna let you down,
Balong wait and see,
Coz between now and end
U-untill I-I see you again
I’ll be loving you…

“It’s time to go, Balong…m-magpahinga ka na.”
He shut his eyes tight, the pain is just so real.

I want nothing more than to sit
Outside Heaven’s door and listen to you breathing
Is where I want to be

“Until I see you again…” bulong niya at yumuko siya upang gawaran ito ng halik na ipinagkait na niya rito ng matagal na panahon.

A sweet passionate kiss, “I Love You…” he whispered. His tears fell on his cheeks as he painlessly breathed his last.


Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP