Wish Kiss : Chapter 2 and 3

Friday, February 10, 2012


Chapter 1 : http://bulonghangin.blogspot.com/2012/02/wish-kiss-chapter-1.html


Chapter 02


Naging masaya ang mga araw at buwan na nagdaan, lagi nang kasakasama si Eli sa lakaran ng barkada. Lumipas din ang halos tatlong lingo bago nila naipagtapat ang kanilang relasyon, na tinanggap naman ng lahat, lalo na ng kanyang pinsan na si Carol.


At sa pagdating ni Eli sa buhay ni Karl ay tila bang nabuhay siyang muli, bagong siya na puno ng pag-asa at pagmamahal. Bagong Karl… si Ming.


“Ming, need to see you there… I’ll b der b4 4pm, love you always –Balong” 


Text message ni Eli ng araw na iyon. Nangingiting naglalakad siya sa dalampasigan patungo sa kanilang tagpuan. Nakagawian na nilang maglakad lakad sa dalampasigan kapag papalubog ang araw at tumambay sa lugar kung saan sila unang nagtagpo at kung saan nabuo ang kanilang pagmamahalan.


Alas kwatro na at nakaupo siya sa pugad nila, sinipat niya ang telepono at may nakitang isang mensahe, napangiti siya ng makitang si Eli iyon.


“If you get there before I do,
Don’t give up on me.
I’ll meet you when my chores are through
I don’t know how long I’ll be.
But I’m not gonna let you down
Darling wait and see
‘coz between now and end
‘till I see you again
I’ll be loving you. Love, Me :>))”


Bahagya siyang natawa sa istilo ng mensahe nito, Kanta ba to? Tanong niya sa sarili. 
Naalala niya ang minsang pagkanta nito ng gabing iyon, kinikilig na ibinulsa niya ang telepono at tumayo siya at tinungo ang dalampasigan.


“I love you too, Balong…between now and end, forever…always” bulong niya sa hangin habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.


Pumulot siya ng isang patpat na naianod sa kanyang paanan na dinala ng alon, gamit ito ay nagsulat siya sa buhangin.


Karl Ming
Eli Marc ‘Balong’ Nolo


Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang sinulat, dinagdagan niya ito ng ‘forever’ at napalatak siya, “Cheezy!!!” pambabatok niya sa sarili.


Bumagsak ang isang malaking alon at dumausdos ang tubig alat sa kanyang mga paa hanggang sa mga pangalang sinulat niya.


Nabura ang pangalan ni Eli, napalis ang ngiti sa kanyang mga labi ng may kung anong kaba siyang naramdaman.


Naghintay siya ngunit walang Eli na dumating.


-----

Chapter 03 


“Bakit hindi ka dumating?” bungad kaagad ni Karl ng pagbuksan siya ni Eli ng pinto.


“Why are you here?” sa halip ay balik tanong ni Eli.


Natigilan siya sa narinig, “Balong, m-may problema ba tayo?” tanong niya ng mapagmasdang tila wala sa sarili ang katipan at lango ito sa alak. Mapula at mugto rin ang mga mata nito.


“I think you’d better go” pagpapalayas ni Eli.


“No! not unless you’re going to tell me what’s wrong?”


“W-walang problema Karl, I just need to be alone.”


“S-since when you started calling me with my real name?” nanggigilalas na tanong ni Karl, may kung anong kirot sa kanyang puso ng marinig niya ito.


“I think we better stop this Karl, we cant go on anymore." hirap na hirap na sagot ni Eli, sa kanyang mga mata ay ang pagbalong ng mga luha.


“I-I don’t believe you,” tila pinipiga ang pusong pagtatatwa niya sa mga anrinig, nahulog na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. 


“Tell me you didn’t mean it, you’re lying ayt, Balong?” 


“No Karl, hindi na dapat natin ipagpatuloy ‘to" hilam sa luhang bulong nito.


“H-hindi…’ isang hakbang at niyapos niya si Eli at siniil ng halik, madiin, marahas.


Hinugot ni Eli ang buong lakas bago pa man gapiin ng sariling damdamin, itinulak niya si Karl at napapikit na umatras.


Nagitla si Karl sa lakas ng pagkakatulak ni Eli.


“B-balong…?” puno iyon ng hinanakit. Nanlulumong tumalikod siya at tinungo ang pinto papalabas, nilisan niya ang humahagulgol na si Eli.


----
Chapter 4 and 5 : 
http://bulonghangin.blogspot.com/2012/02/wish-kiss-chapter-4-and-5.html

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP