Perfect Two - Episode 10

Monday, August 13, 2012

Author's Note: I apologize for the (superduper) late update. Alam ko pong mahabang panahon na rin ang nakalipas nung huli kong update. Sorry po talaga dahil na-disappoint ko kayung lahat..Hindi ko po maipapangako, pero ittry ko na po talagang maging active and mag-update more frequently. Again, I'm really really sorry.


(Ipinagdadasal ko rin po ang pagbuti ng kalagayan ng Pilipinas, sa mga nasalanta ng malakas na ulan..don't lose hope, we can get through this.)

This is episode 10 of Perfect Two, and I hope you'll like it. :) Yun ay kung may nagbabasa pa nitong series na ito heheh.. anyway, enjoy reading! Just leave comments :P

Episode 10 - Tears from the Sky
---------------------------------------
Biglang lumapit sa kanya yung bata kanina at yumakap sa kanyang hita.

Napatitig lang ako dun sa bata..Siya yung bata sa elevatoryung kasama nung babae…na nanay niya..at tinawag niyang papa si kuya Vinvin..so ibig sabihin…ibig sabihin….may anak na siya!!

Napatingin ako kay kuya Vin. Habang unti-unti kong inaabsorb ang mabilis na pangyayari, naguumpisa nang magtubig ang aking mga mata. Parang gusto ko siyang sampalin..Parang gusto ko siyang suntukin…Niloko niya ako..Akala ko totoo siya..hindi pala..

Hindi naman siya makaimik habang nakatingin lang din sa akin. Parang gusto niya akong lapitan at parang may gusto siyang gawin ngunit hindi niya ito magawa.

“Hi hon!” biglang lumapit sa kanya yung babaeng nakasabay ko sa elevator. Bigla siyang hinalikan sa pisngi.

And that killed me..Pumatak ang unang luha sa aking mata..hindi ako makagalaw, gusto kong tumakbo.. but it seems like my feet are glued to the floor..

Lumapit sa akin yung bata. “Bakit ka iyak?” tanong niya.

Kaagad kong pinunasan ang luhang lumabas sa aking kanang mata. “Oh no, I’m not crying..There was just something in my eye..” at nginitian ko siya. Ayoko namang ibuhos sa bata ang galit ko sa tatay niya.. Hindi naman fair yun diba?

Umupo ako para magka-level kaming dalawa. “Ang cute cute mo talaga!” at pinisil ko ng marahan ang pisngi niya. Tiningnan ko si Kuya Vinvin. Kamukhang kamukha niya talaga yung bata…But I gave nothing away..I tried to look as if nothing’s wrong with the situation.. as if I don’t feel any regrets..nor anger..nor pain..

“You know each other?” tanong ng asawa niya.

“Ah..Oo..” Yun lang ang tanging naisagot niya.Hindi natanggal ang tingin niya sa akin…His eyes are like penetrating through mine, perhaps seeking for my heart, trying to explain..trying to apologize.. Pero hindi niya kayang gawin.. Because I’m not letting him.

“How?” tanong ulit ng asawa niya.

Ako na ang sumagot sa tanong niya. “My parents know him. He’s a family friend.” I tried to speak as casual as I can. I don’t want my emotions to overcome me…

“Ahh..Hi, I’m Jessa, Marvin’s wife. And this is our son, Vincent.” Nginitian niya ako habang ipinakikilala niya ang kanilang anak.

“I’m M—”  I hesitated to say my name.. “I’m Theopher.” Ewan ko kung bakit ndi ako nagpakilala bilang Marvin..Maybe I felt na it’s just another way of connection sa asawa niya.. And I’m trying to get him out of my system na nga,.

But I don’t think I can handle it much further…As every second ticks on the clock, my feelings are starting build up, like boiling lava ready to burst out. So naisipan kong umalis na..Kunyaring tinignan ko yung relo ko, Although wala pa akong 10 mins dito, it felt like forever. “Uhhmm I have to go,. it was nice seeing you kuya,” I looked at him, gave away a fake smile, and moved on to the kid. “It was nice meeting you little kiddo!” Pinisil ko yung pisngi niya..Natawa naman siya.

I gave one last look to the family, and then I left.. Right at the moment when I turned my back to them, my tears rapidly burst out of my eyes. They’re like water trying to get out of a dam, and succeeded. My cheeks felt warm as tears continuously flow down. I reached the elevator, and luckily, no one’s there. So no one’s going to witness all my drama.. The elevator’s about to close, when someone manage to put his hand on the doors and stopped it.

It was him. The guy who lied to me. The guy who made me look like a fool. The guy who manage to manipulate me. The guy who crushed everything in me.

I didn’t dare look at him. It will only make me disgust myself. I fell inlove with a guy twice my age. I made myself believe that he loves me back. But I just turned myself into a fool. I’m so gullible. I’m such an idiot.

He went beside me, but kept a couple of feet away. Mga ilang Segundo rin sigurong naging tahimik ang loob ng elevator, nagtaka nga ako kung bakit ang tagal nmn naming dumating sa baba. I don’t know kung hanggang kailan ko matitiis na nandito siya ngayon, kasama ko..And that’s when I realized that we came from the 30th floor. So it’s a long way down.

“Little Vinvin— ” Hindi pa tapos ang sasabihin niya pero pinigilan ko na siya.

“Don’t even call me that name.” My voice was as cold as ice.

Naramandaman kong papalapit na sa kamay ko ang kamay niya. “Don’t even try to touch me.” Pero hindi niya ako pinakinggan. Sa halip ay hinawakan niya ang kamay ko. Dahil doon ay sinampal ko siya.

Hindi siya umaray, hindi siya nagalit. Because he has no right to. And I do. I have every reason to get mad. I have every reason to cry out loud. But I’m still holding myself.

“I’m sorry..” Ang tangi niyang nabanggit.

“You’re sorry?!” At doon nag-init na dugo ko. “You lied to me! You made me look like a fool!”

Natahimik lang siya. Napansin kong lumuluha na rin siya. But I don’t feel any guilt nor pity on him. He’s the one who needs to feel guilty for what he did.

“I didn’t mean to hurt you..” sambit niya.

At nakatikim siya muli ng isa pang sampal. “You didn’t mean to hurt me?! Eh kung ganon ano?! Gusto mo kong mapasaya?! Mukha ba kong masaya?!!”

“I’m sorry..” sabi niyang muli.

“I believed you when you told me you love me. I thought you we’re telling the truth. Pero niloloko mo lang pala ako all this time..”

“That’s not true.. Minahal kita..” sabi niya.

“Minahal mo ko? Hindi mo ko minahal! Niloko mo lang ako!”

And the elevator bell rang. Nasa ground floor na kami. Kaagad akong lumabas at hindi na siya hinintay pang makapagsalita.

“Marvin wait!” sinubukan niya akong pigilan ngunit tuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad palabas.

Biglang dumami ang mga tao. I took this as my advantage, the more the people, the less chances na maabutan niya ako. I tried to squeeze between the people rushing through the doors as I make my way out of the building. I finally got out. That’s when I realized why people are streaming into the building.. It’s raining.

Mukhang hindi na ako naabutan nung lalaking yun. Hindi ko na rin kasi naririnig yung boses niya.. maybe dahil na rin sa lakas ng ulan, or sa mga taong nagsisigawan dahil nababasa sila ng ulan. Hindi ko na inindang mabasa, basta lumabas na lang ako, at hinanap kung saan kami nakapark kanina. Nakita ko naman ito kaagad at tumakbo papunta doon. Mukhang nakita na nila ako dahil binuksan kaagad nila ang pinto ng makalapit na ako sa kanila.

“Anak! Bakit ka sumugod sa ulan? Sana tinawagan mo na lang kami..Ayan oh, nabasa ka pa tuloy.”

“Okay lang po ako mommy.” Pero hindi naman talaga. Buti na lang nabasa ako, kung hindi, mapapansin ni mommy ang mga luha ko.

Kumuha ng towel si mommy sa bag namin at pinunasan ang ulo ko. Pagkatapos ay iniabot niya sa akin ang isang T-shirt. “Oh magpalit ka muna,..Ikaw talaga Marvin Theopher Castillo. Mamaya maagkasakit ka pa niyan! Paskong pasko magkakasakit ka!”

Oo nga pala.. Dec. 19 na ngayon.. Winter Vacation namin kaya kami nakauwi. Gusto rin kasi namin magpasko dito. Sa makalawa naman ang dating nila daddy at ng mga kapatid ko, may naiwan pa kasing trabaho si daddy kaya nagpahuli na siya..At para may kasabay na rin umalis si daddy, nagpaiwan na rin muna yung dalawa kong kapatid.

Kinuha ko yung T-shirt at nagpalit na ako. “Uwi na po tayo, mejo pagod na rin po kasi ako eh.”

“Talagang uuwi na tayo..”

Sinubukan kong itulog na lang ang lahat. Siguro dahil na rin sa pagod sa byahe kaya ako nakatulog. Pag-gising ko, malapit na kami sa bahay namin. Ilang oras rin ang nagging byahe namin mula sa Manila. At di katulad sa Maynila, dito’y maliwag na maliwanag ang araw.

“Anak malapit na tayo ha, wag na nang matutulog.” Sabi ni mommy.

“Matutuwa po silang lahat pag nakita kayo Ma’am” sabi ng driver namin.

“Wala ka namang pinagsabihan na darating kami diba?” tanong ni mommy.

“Wala po.Sabi ko po sa kanila na hihiramin ko muna itong kotse dahil may ihahatid akong kamag-anak na pupunta sa Maynila pra magpagamot.” Sagot naman ng driver namin.

Mga lang minuto lang ay nakarating na rin kami.

Hindi naman kalakihan yung bahay namin. Tama lang para sa amin. May 3 floors. Pagpasok mo ng bahay nasa gitnang floor ka kaagad, so may isang floor sa taas, may isang floor sa baba. Nasa itaas yung mga kwarto, nasa ground floor yung living and dining, tapos nasa ibaba yung playing area, study area, kitchen then may extension na ginawa para sa kwarto ng mga kasambahay at driver. Also, may garden sa harap, garage sa gilid ng bahay, and pool sa likod.

Pagbukas ng main door, nakita kaagad namin ang lola ko.

“O! Annie, anak!!!” sabay yakap sa nanay ko. “Apo!” niyakap din ako ng lola ko. “Bakit hindi man lang kayo nagpasabing uuwi kayo?”

“Ma, gusto kasi namin ikaw supresahin.” Sagot ng mommy. Ngumiti na lang ako.. Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam, parang hindi ko pa kaya.

“O halina kayo sa loob at ipaghahanda ko kayo ng makakain.” Niyaya kami ng lola ko sa loob.

“Welcome back po Ma’am, Sir!” bati sa amin ng mga kasambahay namin.

Nginitian ko naman sila.

“Salamat.” Sabi naman ni mommy.

“Mom, can I go to my room? I’m tired and sleepy.” Tanong ko sa nanay ko.

“Ha? Hindi ka ba nagugutom?” tanong niya.

“Hindi po..” sagot ko naman.

“O sige, pero pag nagutom ka bumaba ka lang ha, nandito lang kami ng lola mo.”

“Ok po.” At umakyat na ako. Pagdating ko sa kwarto ko nandoon na ang mga gamit ko, marahil ay naiakyat na kaagad ni Kuya Joseph, yung driver namin. Nilock ko yung pinto.

Kaagad akong humiga..hindi na ako nakapag-pay attention sa mga bagay sa paligid ko, kung may nagbago ba or may nagalaw.Basta ang nasa isip ko lang ngayon, I was a fool..I was stupid..

At habang nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko, muli nanamang pumatak ang mga luha sa aking mga mata..Napakatanga ko..Naniwala ako na mahal niya ako. Naniwala ako na totoo siya sa akin..sinabi ko sa sarili ko na hindi niya ako lolokohin..Pati mga kaibigan ko hindi ko pinakinggan.. Nagpakatanga ako.. nagpakabobo..nagpakabulag.. At anong napala ko? Ayan, puro luha..puro sakit…puro pagsisisi.. Sana nakinig ako sa mga kaibigan ko..Sana hindi ako nagpadala..sana hindi ko na lang siya minahal…

At humagulgol na ako..Bakit kasi napakatanga ko? Arrghhhh!!!!!

Niloko niya ako..tapos sasabihin niya sa akin na minahal niya ako? Eh gago pala siya eh! And he expect me to believe him? After all that happened? Argghhh!!!!!

Asar na asar ako sa sarili ko..Kaya naisipan kong mag-shower,.

I stripped off my clothes and went in front of the rushing cold water, hoping that the water washes off everything..all the anger..all the memories..all the pain..I realized na mas lalo akong naiiyak sa ginagawa ko..the more I try, the more it’s coming back, the more it hurts.. I quickly finished off and rushed into my bed, without even wearing anything but my boxers.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Pag-gising ko, umaga na ng sumunod na araw. Tumayo ako para maghilamos. Pagkatapos ay lumabas sa balcony ng kwarto ko. The sun is starting to leave the horizon. I sat down on the floor and watch the beautiful sunrise..I watched the rays of sunlight slice through the sky of darkness. Kung gaano kaganda ang view, ganoon naman kalungkot ang nararamdaman ko.. Tumulo nanaman ang luha ko..nagtataka na nga ako eh, hindi napapagod ang mga mata ko..Naasar na nga ako kasi hindi ko pa rin makalimutan..Palagi na lang bumabalik..Prang hindi ko na talaga maiialis..

Hindi ko napansin ang pagdilim ng langit..Naramdaman ko na lang ang mga patak ng ulan sa aking likod. Parang nakikiramay sa akin ang panahon..Inangat ko ang aking ulo para tignan ang langit..Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaang dumaloy ang tubig-ulan sa aking mukha. Tumayo ako at lumapit sa edge ng balcony.

Gusto kong makalimutan ang lahat..gusto ko siyang makalimutan..gusto kong matanggal lahat ng sakit..gusto kong matanggal na lahat lahat….Pero bakit ayaw pa rin??

Parang gusto ko na lang tumalon mula sa balcony ko. Parang gusto kong magpakamatay..Pero natatakot ako..takot na takot..

Napaluhod ako at napauko.Magkasabay na tumutulo ang aking mga luha at ang ulan. Mga ilang minuto rin siguro akong nasa ganoong posisyon ng bigla na lang may nagtapal sa aking ng twalya o kumot.. hindi ko alam..basta medyo makapal na tela.

Ng iangat ko ang ulo ko’y bigla na lang itong sumakit at ako’y nahilo. Marahil dahil sa tuloy tuloy kong pag-iyak, at pati na rin sa pagbababad ko sa ulan. Sinubukan akong itayo ng taong nasa likod ko ngunit bigla na lang akong hinimatay..At iyon na ang huli kong naaalala.

Pag-gising ko, nasa kama ko na ako at nakasuot ng ibang damit. Sinubukan kong tumayo ngunit biglang kumirot ang ulo ko.. Sinubukan kong alalahanin ang lahat ng nangyari..umiiyak ako, umuulan, may dumating, itinayo ako, hinimatay ako.. Yun lang…Pero sino kaya yung tao na yun?? Si mommy kaya?? Baka si mommy nga, siya lang naman ang makakapasok sa kwarto ko..

Napansin kong may isa pang maleta sa tabi ng pinto ng closet ko. Kanino kaya iyon? Baka kay mommy.. Ayoko nang mag-isip pa dahil baka mas sumakit lang yung ulo ko.

Sinubukan kong tumayo. Medyo kumirot muli ang ulo ko, pero tiniis ko muna, tumingin ako sa labas, palubog na ang araw. Mukhang mahaba rin ang itinulog ko. Simula kahapon, halos isang buong araw na akong tulog. Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong bumaba.

Habang pababa ako, narinig ko ang mga tawanan ng mga tao. Parang narinig ko ang boses ng daddy ko. Kaya kaagad akong bumaba para tignan kung siya nga ito..

“Oh anak! Gising ka na pala.” Lumapit ako para yakapin ang tatay ko.

I wanted to hide everything that happened. Ayokong makita nila akong may problema, dahil ayoko ng mag-alala ang mga magulang ko.. So I acted casually. “Kailan pa kayo dumating?” tanong ko.

“Kaninang umaga lang kami dumating nila kuya mo.” Sabi niya.

“Nasaan sila kuya?” tanong ko dahil hindi ko sila napansin.

“Naku, pagdating na pagdating dumiretso na sa kwarto nila, mukhang napagod sa biyahe.” Sabi ni daddy.

Biglang nagtinginan ang mga magulang ko at nag-ngitian. Nagtaka naman ako sa ginawa nila. Pagkatapos ay tumingin sila sa akin ng nakangiti. “Anak, may bisita ka nga pala.” Sabi ni mommy.

“Bisita?” Nagtaka ako. “Sino po?”

“Nasa baba siya sa study room. Hinihintay ka niya dun.” Sabi ni mommy ng nakangiti.

Sino naman kaya yung bisita na sinasabi ni mommy? There’s only one way to find out. I went downstairs to see who’s my mysterious guest is. Sabi ni mommy nasa study room daw siya. So dun ako pumunta. Pagbukas ko ng sliding door, inikot ko ang mga mta ko, ngunit walang tao doon. Pumasok ako at pumunta sa couch baka kasi nakahiga siya ngunit wala pa rin.

Nagulat na lang ako ng biglang may nagtakip ng mga mata ko..Pamilyar ang mga kamay niya. Could it be? Pero pano?

“Paul?” tanong ko.

Tinanggal niya ang mga kamay niya at humarap ako sa kanya.

“Surprise!” sabi niya ng nakangiti.

I knew it..My bestfriend and I know each other too much para magkamali sa mga ganyang bagay.Kahit nakapikit kami, alam namin na siya yun kahit sa hawak lang ng kamay, dikit ng katawan, or minsan pa nga kahit sa paghinga lang.. Alam naming dalawa kung may problema yung isa, kung natatakot ba siya..kung umiyak ba siya.. or nagsisinungaling..Ewan ko ba kung panu namin nalalaman yung mga ganun..basta ganun kami ka-close..

Napatitig lang ako sa kanya. At bigla na lang siyang niyakap ng mahigpit.

“Oh mukang namiss mo ko ah.” Tumugon naman siya at niyakap niya rin ako..Hindi na ako nagsalita..

This is what I needed…someone to hold on to.. Someone who I really trust.. Someone who makes me feel secure.. Someone who makes me feel safe..Hindi ko na napigilan ang mga luha kong pumatak sa aking mukha.

“O, bakit ka umiiyak..nandito na nga ako diba?” sabi niya.

Kumalas ako sa kanya at pinahid ang mga luha ko..Hindi niya dapat mahalata..kaya binago ko ang topic.

“Pano? Bakit ka?.”

At sinagot na niya kaagad ang tanong ko bago ko pa man masabi ng maliwanag ang tanong ko. “Nabalitaan ko kasing umuwi ka,..Ikaw hindi mo man lang sinabi sa akin..nagtatampo na ako sa’yo ha..Hindi na nga tayo lagging nagkakasama, tapos hindi ka pa nagpaparamdam..” sabi niya.

“Sorry..” yun lang ang nasabi ko.

Plano ko na rin kasing umuwi ng Pinas para sa Pasko. Nakapagpa-book na kami noon, kaya lang biglang hindi pwede si mama at papa, i-cacancel na dapat namin..tapos nalaman ko nga na uuwi din sina Tito, yung dad mo, kaya naisipan kong sumabay na sa kanila,.pinayagan naman ako ni mama since kilala na naman nila kayo.” Paliwanag niya.

So kung kasabay siya nila daddy, marahil sa kanya yung maleta sa kwarto ko.. At baka siya rin yung taong tumulong sa akin…Nakita niya kaya akong umiiyak? Sana hindi.. Kasi hindi titigil si Paul hangga’t hindi ko sinasabi sa kanya kung bakit ako umiiyak, pipilitin niya ako ng pipilitin hanggang umamin ako.

“Teka, kumain ka na ba? Sabi ni tita hindi ka pa rin daw bumababa ng kwarto mo since yesterday..”

“Medyo nagugutom na nga ako eh..” sabi ko.

“Saktong sakto! Nagugutom na rin ako! Tara kain na tayo! Lalo na masarap palang magluto yung lola mo!” sabi niya habang abot tenga ang kanyang ngiti…

At umakyat na kami para kumain. Nagluto ng kare-kare ang lola ko. One of my favorites. Besides Calderetang Manok, Pork Steak, at marami pang iba!

Naabutan naming nakaupo na silang lahat at kami na lang ang hinihintay.

“O anak, halina kayo’t kakain na tayo. Nagluto ang mama ng kare-kare.” Paanyaya sa amin ni mommy.

Umupo kaming magkatabi ni Paul. Pero hindi kami nag-usap..Nagngingitian pero walang salita.. Nakikinig naman ako sa mga pinag-uusapan nina daddy. Dahil nga sandali lang kami dito, pinagpaplanuhan nila ang mga gagawin namin para masulit ang bakasyon. Merong suggestion na pumunta sa Boracay, sa Baguio, Palawan, Mindoro, Cebu, Bohol,. Gusto ko na ngang sabihin na bakit hindi namin ikutin ang Pilipinas para mas masaya.

At ayon, napagdesisyunan na nga na bukas, pupunta kami sa isang beach resort sa Palawan, then babalik ulit kami dito sa 24, para dito magcecelebrate ng Christmas Eve. So 3 nights and 4 days kami dun..

Mukha namang excited silang lahat. Pati si Paul abot tenga ang ngiti,. Nakingiti na lang din ako sa kanila, para naman hindi ako panira sa mood diba?

Pagkatapos kumain, umakyat na kaagad ako sa kwarto ko at dumiretso sa balcony. Sumunod naman sa akin si Paul.. Umupo kami sa sahig, at sumandal sa nakasarang sliding glass door na nilabasan namin galling sa kwarto ko. Magkatabi kaming nakaupo.. Hindi nagsasalita, hindi nagtitinginan.. Basta nakatingin lang sa kawalan, habang umiihip ang hangin.

Bigla niyang ginalaw ang kanang kamay niya at inakbay sa akin.Hindi ko naman siya pinigilan.. Pagkatapos ay isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya.

“Sige na, ilabas mo na yan,.” Sabi niya.

Pero wala pa rin akong ginawa..Nakatulala lang ako habang nakahiga sa balikat niya.

“Wag nang mahiya..tayong dalawa na lang oh..Wala namang makakakita..sige na..” sabi niya muli.

Pero wala pa ring epekto sa akin..siguro nagging manhid na ako…

“I’m here for you..” bulong niya.

At dun na ako nag-umpisang umiyak.. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit.. “Ang sakit sakit…ang sakit sakit Paul..”

“Minahal ko siya…sabi niya mahal niya rin ako…pero hindi pala…niloko lang niya ko…niloko lang niya ko…” at patuloy pa rin ang pagiyak ko..

“Ang tanga tanga ko,.ang tanga tanga ko!” sinubukan kong wag ilakas ang boses ko dahil baka may makarinig sa amin.

“Shhh…wag mong sabihin yan…hindi ka tanga…nagmahal ka lang…yung gago nay un ang tanga..gago siya..gago siya..pag nakita ko pagmumuka no papasabugin ko mukha nun!” galit na sambit niya..

Patuloy naman ang pag-iyak ko.. Mga ilang Segundo rin siguro kaming nagging tahimik at nanatili sa ganoong posisyon. Ng bigla na naman umulan..Lagi na lang…Pangatlong beses na to ha..Parang gusto talaga akong basain ng langit..parang sinasabi sa akin na “Maligo ka na! ang baho baho mo!” joke.

Napatingin kami sa isa’t isa. Nginitian niya ako.ngumiti naman ako pabalik..

“Salamat nga pala sa pag-buhat sa akin kanina ha.” sabi ko. Alam kong siya yung bumuhat sa akin kanina..nararamdaman ko..

Ngumiti lang siya. “Wag na iyak ha? He’s not worth it.”

Nginitian ko naman siya pabalik. Tama si Paul, he’s not worth the tears. Bakit ko iiyakan ang isang lalaking manloloko? Isang lalaking walang kwenta.. isang taong nananakit ng iba..Hindi..hindi ko siya iiyakan...maaring umiyak ako kahapon..pero hinding hindi na ako iiyak..malulungkot ako..pero hindi ako iiyak..alam kong hindi ko siya makakalimutan kaagad..pero kailangan kong gawin..para sa sarili ko..ayoko ng umiyak..ayoko na..

Pinahid niya ang magkahalong tubig ulan at luha sa aking mukha..And what happened next surprised me..and it will surprise you too..

He kissed me..


--------------------------------------------------
Until the next episode,
Vin.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP