Wish Kiss : Chapter 6 and 7

Wednesday, February 15, 2012




Chapter 06

Hindi naging madali ang mga nagdaang araw at buwan sa buhay nina Karl at Eli. A roller coaster of emotions, napag-alaman nilang negative si Karl at mula noon ay mas naging maingat si Eli. Maging ang halik ay ipinagkakait na nito kay Karl. 
"I can’t afford to share this curse with you, Ming” paliwanag nito. Hirap man sa kalooban ay naiiintindihan ni Karl iyon, at alam niyang hindi lamang sa halik naipapakita o naipaparamdam ang tunay na pagmamahal.

“Can you promise me one thing Ming” isang araw ay turan ni Eli, habang nakaratay sa hospital. Humina na ang katawan nito at madali ng kapitan sakit at impeksiyon.

“Do I have a choice?” nangingiting sagot niya, habang hinahaplos nito ang likod ng palad niya habang hawak hawak.

Humugot ito ng malalim na paghinga, “When I die, I want you to find someone new.”
Napatigil si Karl sa ginagawa, “I don’t want to lock you up on our memories… I don’t want you to live alone.”

Tahimik lamang si Karl dahil alam niyang kahit isang salita niya lang ay bibigay na siya.

“Ming,” mahinang wika ni Eli, “You’ll find someone, ayt?” ngumiti ito, malalim at wala na ang dating kislap ng mga mata nito.

“H-how can you say that? Sino b-ba ang nagsasabi sayo na iiwan mo ako?” an obvious lie, dahil alam niyang maging siya ay hindi niya pinaniniwalaan ang mga sinabi.

“Ahaha…gaya nga ng sabi mo, Ming, you don’t have a choice.” Pagak na pagtawa nito “Just promise  me…and youll know when you’ve got my blessings” matalinghagang pagpapatuloy nito.

“Will you stop it, Balong?!” nanlalaki ang mga matang napatitig siya kay Eli, “Ayoko nang makinig sa mga sasabihin mo.”

Sumilay lamang ang ngiti sa mga labi ni Eli, and he started humming their song, at times he heard him singing some lines.

‘Cause I am hanging on every word you say
And even if you don’t want to speak tonight
That’s alright, alright with me…

Pinagmamasdan ni Karl si Eli, nangingilid ang mga luhang dinala niya ang kamay nito sa kanyang pisngi at dinama ang init nito, ginawaran niya ng mahinhing halik.

‘Cause I want nothing more than to sit
Outside your door and listen to you breathing…

He humm. Is where I want to be…

After a while he whispered again, “There’s more,” he paused, “Ming, promise me that you won’t be here with me when I breathe my last. I don’t want you to see me die, I-I am afraid of goodbyes.”

“How could you say such things?!” gitlang sagot ni Karl, hindi siya makapaniwala sa kahilingan nito.

“And remember the first time we met?” ngumiti ito ng malamlam at animoy bumalik sa nakaraan, “I want you to remember me that way. Sitting beside you…inlove, happy…healthy. I want you to remember our kiss, the first time I reached through your soul. R-remember me that way, Ming. Remember the moment we were living in a dream…in a wishful night…in love.”

“S-Stop it, Balong!” nanginginig ang mga boses na pagtutol ni Karl.

“Just promise me…” mahinang pagsasawalang bahala  nito sag galit niya. Pumikit siyang muli and again he humm their song hanggang sa gapiin na siya ng antok.

-----

Chapter 07

Hindi naging madali para kay Karl ang lahat, sa bawat araw na lumilipas ay para bang unti unti ding namamatay ang kanyang puso. Napabayaan na niya maraming bagay, maging ang sarili ay hindi na niya naaasikaso.

Tanging ang mga kaibigan at pamilya niya at ni Eli ang siyang nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya upang hindi siya bumitiw.

Ilang linggo din siyang walang pahinga, pinauwi siya nila Carol at Raffy upang makabawi ng tulog at lakas. Umayaw man ay si Eli na mismo ang humiling na magpahinga naman siya.

Pangatlong araw na niyang hindi dumadalaw sa hospital, sinadya din nila Carol na hindi siya tinetext sa mga nangyayari, ngunit alam naman niyang ipapaalam sa kanya kung mayroon mang mangyayari na dapat niyang malaman.

Dalawang gabi ngunit tila napakatagal na ng wala si Eli sa tabi niya, dalawang gabing hindi rin nagagapi ng pagtulog ang mga sakit at agam agam niya sa kalagayan ng lalaking pinakamamahal.

Nakaupo siya sa veranda ng kanilang bahay at nakatanglaw sa mga bituin, ilang bote na rin ng beer ang nauubos niya ngunit sadyang hindi siya dinadalaw ng antok. Hindi rin niya mapigilan ang pagbalong ng mga luha sa tuwing inaaalala ang mga nakaraan nila ni Eli, the stars are the living witnesses of their love, the love that is on the edge of falling… tila sasabog ang puso sa damdaming kanina pa gustong lumabas.

“W-Why?” mahina at puno ng pait ang boses niya, “Ang d-dadaya niyo!” pagkuway pasigaw niyang turan habang nakatinagla sa langit at hilam ng luha ang mga mata.

“Di-diba…d-dapat tinutupad niyo ang mga kahilingan? B-bakit ganon, Why?..bakit niyo pa siya binigay sa akin kung kukunin niyo lang din naman!? Madaya k-kayo…” napahagulgol siyang sinapo ang mukha habang nakaluhod.

“H-Hihi-..ling a-ako…at p-pangako, huling kahilingan na lamang. I-ibalato niyo na siya sa akin, parang awa niyo na, k-kunin niyo na ang lahat…lahat lahat…w-wag lang siya, ‘wag lang si B-Balong.” 
Basa sa pawis at luha habang nakikiusap siya sa mga tala.

The stars just reflected their glow on his tears, na tila ba nakikidalamhati ang mga ito sa kanyang paghihirap.
Ipinikit niya ang mga mata, inusal ang dasal at ang hiling na kahit sa konting pag-asa na maaring ipagkaloob sa kanya ng mga bituin ay kanyang panghahawalan.


2 comments:

Anonymous,  February 15, 2012 at 11:19 AM  

grabe talaga ang sakit na nadarama ni ming .... tagos sa puso.... lalot na ngayun na any time pedeng mawala na si eli sa kanya....ang masaklap ay ang mga habilin ni eli sa kanya...hu hu hu hu...

ramy from qatar

--makki-- February 15, 2012 at 5:37 PM  

ang hirap naman yung feeling na ganun no lalo na't alam mong mawawala na ang taong mahal na mahal mo..

sana nga ang huling hiling mo ay matupad! miracles do happen. naniniwala ako dun. :)

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP