Daglat Presents: TEE LA OK III - part 5 (END)

Saturday, January 7, 2012

I AM ASKING FOR YOUR FORGIVENESS IN ADVANCE!

SALAMAT PO SA INYONG LAHAT NA WALANG SAWA SA PAGSUPORTA SA AKING MGA ISINULAT..

Mula kina:
Nicco, Andrei at Andrew ng No Boundaries

Alexis at Rico ng My All
Adrian at Mikko ng Forbidden Kiss
Kenneth at Emil at Benz at Vaugh ng Dreamer

JC at Marco ng Kulay ng Amihan
Russell at Ariel ng This I Promise You
Phillip at Arman ng Bulong ng Nakaraan (mga lolo nila Harold at Gabby)

Fierro at Martin ng See Lau
(xncia na, Tee La Ok seems to be my last story at baka hindi ko na maituloy ang naka-line up kong projects kaya roll call muna sa mga naisulat kong kwento)

LABIS PO AKONG NAGPAPASALAMAT.. Sa mga tumangkilik sa kwento nila Gabby at Harold na sa simula ay kasama na nila sa paglalakbay, nawa'y lagi tayong maging masaya at pinagpapapala..






Ikalimang Bahagi: /ee-ka-lee-mang/ - /ba-ha-gee/

Titik E, Bilang 5

“Sigurado ka na ba Rold?” tanong ni Joseph kay Harold na nakatingin sa labas ng bintana ng opisina niya.

“Kung hindi ngayon, kailan pa?” sagot ni Harold. “Six years! Sapat na naman siguro ang six years.” dugtong pa ng binata.

“Handa ka na ba?” kasunod na tanong ni Joseph.

“No choice na ako kung hindi maging handa.” sagot ni Harold.

“May thirty minutes pa, pwede pang magbago ang isip mo.” komento ni Joseph.

“Wala ng atrasan Joseph!” nakangiting tugon ni Harold.

“Basta pinsan, pag kailangan mo ng tulong andito lang ako.” pagdamay ni Jospeh sa pinsan niya.

“Salamat tol!” sagot ni Harold saka nagbitiw ng isang malalim na buntong-hininga saka muling lumingon sa bintana.

“Gabby! Ang unang taong minamahal at pinag-alayan ko ng buhay, ng lahat. Tinalikuran ko ang sarili kong prinsipyo para bigyang daan ang akala kong happy ending na matutupad. Nabigo ako, nabigo tayo, nasira ang lahat ng plano natin ang lahat ng pangako mo, ang lahat lahat sa pagitan natin. Gusto kitang balikan, yakapin at sabihing buhay na buhay ako, pero anim na taong lipas iyon, natatakot na akong muling mamatay, masiraan ng bait at mapahamak dahil sa pagmamahalan. Hindi ko kayang mamahay sa puso ko ang galling sa pamilya nang taong walang awa at walang puso. Hindi ko na kaya pang ipaglaban ang pagmamahal ko para sa’yo. Mahirap man pero nakalimutan ko na kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal, salamat sa’yo at sa pamilya mo.” bulong ni Harold sa sarili.

Samantalang –

“Good afternoon Mr. Fabregas!” simulang bati ni Joseph kay Gabby.

“Good afternoon Mr. Collantes.” tugon ni Gabby. “I heard you visited my restaurant at Tarlac.” tila pagsisimula ng kwentuhan ng binata. “And Luis told me that you’re his regular customer.” saad pa nito.

“Yeah! My brother really loves your chicken clucks and fountain of youth soft tea.” sagot naman ni Joseph.

“Honestly, it is my former fiancée’s recipe and he also loved it.” sagot ni Gabby na may matamis na ngiti dahil muli niyang naalala si Harold. “Speaking of your brother, will he come today?” pag-iiba naman ni Gabby sa usapan.

“Yeah!” sagot ni Joseph. “He also requested for a closed door meeting.” tugon ni Gabby.

“That’s okay with me! Only my fiancée and I will see you.” tugon ni Gabby.

“Sorry to interfere on your plans but he wishes to meet only you and remain his privacy to others.” paumanhin naman ni Joseph.

“Well…” nag-iisip na saad ni Gabby saka tiningnan si Riza na naka-kapit pa sa braso niya.

“It’s okay with me.” sagot ni Riza.

“I really wish Andrew Collantes to see my Riza.” malungkot na pahayag ni Gabby.

“Well, one of these days. Maybe after your wedding.” sagot ni Joseph.

Gumamit ng elevator paakyat saka huminto sa sixth floor at –

“Future wife of Mr. Fabregas, you can stay inside our office with your staffs.” sabi ni Joseph saka binuksan ang opisina nila ni Harold.

“Thank you Mr. Collantes.” nakangiting pasasalamat ni Riza pagkapasok.

“Let’s go to the conference room!” aya naman ni Joseph kay Gabby.

Hindi mawari ni Gabby ngunit naging mabilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay may isang hindi inaasahang mangyayari na gugulo at maghahatid ng pangamba at kaguluhan sa kanya. Lalong naging mabilis ang tibok ng puso ni nang pinihit na ni Joseph ang knob ng pinto.

“You can seat wherever you wish.” saad ni Joseph. “To tell you honestly, my family owns the ancestral house in front of your restaurant.” simula pa nito ng usapan.

“Oh!” nasabi ni Gabby. “For what I know, it is owned by my ex-fiancée named Harold and he legally inherited it from his parents.” sagot ni Gabby na medyo nabigla sa sinabi ni Joseph.

“I forgot to tell you that Harold is my cousin. It only happened that my father is Harold’s mom’s half brother that’s why I don’t have same pendant Harold has.” sagot pa ni Joseph saka abot kay Gabby nang kape.

“What a surprise?” nagulat na sinabi ni Gabby na hindi pa din kumbinsido sa sinabi ni Joseph. “Are you sure your brother will come? He’s fifteen minutes late.” komento pa ni Gabby na iniba na ang usapan dahil ayaw niyang pabola pa sa kausap.

“I’m sorry I’m late.” pambungad ni Harold pagkapasok ng pinto. “Let’s start our business.” aya pa nito.

“Harold?!” gulat na nasabi ni Gabby saka nabitawan ang hawak na tasa ng kape. Diretso tingin at wari bang nakakita ng multo, tulala, hindi makapaniwala.

“What’s the problem Gabby?” tanong pa ni Harold.

“I really thought you changed your mind Andrew!” pahayag ni Joseph.

“Sabi ko sa’yo, Harold is back!” tugon ni Harold. “Tara na Gabby, simulan na natin ang meeting.” aya pa nito kay Gabby.

“Harold? Is that really you?” ulit na tanong ni Gabby saka napatayo at lumapit kay Harold. Maluha-luha niyang hinaplos sa mukha ng binata at tinitigan ito sa mga mata. “Tell me, am I dreaming?” tanong pa ulit ng binata na may kakaibang ngiti sa nakita.

“Oo naman!” sagot ni Harold saka bitaw sa haplos na iyon ni Gabby at iwas din sa titig nito.

Muling nagbalik ang dating pakiramdam, ang nakaraan. Muling tumibok ang puso ni Harold, mabilis na mabilis at ngayon niya lang ulit ito naramdaman sa loob ng anim na taon. Pakiwari niya ay kinukuryente siya ng titig na iyon ni Gabby na nanunulay sa mga mata niya at kinikiliti ang kanyang kaibuturan. Ang haplos naman ng binata ay tila ba isang haplos nang hangin na nag-iiwan at nagdudulot nang kakaibang ligaya. Ito ang mga bagay na sa loob ng anim na taon ay ninais niyang maranasan muli, ito at ilan pang mga damdamin ang unti-unting nabubuhay ang gusto niyang ulitin at damhin, ito ang mga bagay na kinasabikan niya sa loob ng anim na taon na tanging ang isang Gabby lang ang may kayang gumawa.

“Let’s start our meeting.” wika pa ni Harold saka tinalikuran si Gabby.

“Harold!” masaya at nagagalak na wika ni Gabby saka niyakap si Harold mula likuran. “I miss you!” wika pa ng binata saka hinalik-halikan sa buhok ang binata.

Tumalon sa tuwa ang puso ni Harold dahil muli niyang naranasan ang makulong sa bisig ni Gabby. Anim na taon siyang nangulila sa init ng ganuong yakap, humulagpos ang mga luha sa mata ni Harold, muling bumabalik ang dating pagmamahal na pinilit niyang kinalimutan. Hindi niya inakalang madali lang na bibigay ulit ang kanyang puso para kay Gabby. Naramdaman din niya ang pagluha ni Gabby dahil ramdam ito ng kanyang batok. Umaagos din ang luha ni Gabby at ito ay tumutuloy sa kanyang batok.

“I’ll sign up the contract.” nakangiting balita ni Gabby saka humarap kay Joseph na may hindi maipintang ngiti. Iba ang kasiyahan ni Gabby, sa pakiramdam niya ay muli din siyang nabuhay, pakiramdam niya ay muli siyang nabuo, nakumpleto at bumalik ang dating sigla, ang dating siya. Iba – mas matimbang sa kasiyahang nararamdaman niya kay Riza at mas higit na pagmamahal pa kaysa sa dalaga.

“Pero hindi pa natin napag-uuspaan iyong plans at deals.” kontra ni Harold saka pinahid ang luha sa mga mata.

“There’s no need for that.” sagot ni Gabby saka pinirmahan ang kasunduan at ni hindi man lang binasa.

“I won’t sign in it.” sagot ni Harold saka buong lakas ng loob na humarap kay Gabby, puno ng determinasyon. “Joseph, don’t sign in it yet.” pakiusap naman niya sa pinsan.

“Harold, I trust your proposals and of course you.” sinserong sagot ni Gabby saka hawak sa kamay ni Harold.

“Let us be professionals.” pakiusap ni Harold.

“Joseph, paki-iwan mo naman kami ni Harold.” pakiusap pa ni Gabby kay Joseph.

Hindi naman pinigil ni Harold si Joseph dahil iyon ang plano nila. Hayaang makapag-usap silang dalawa ni Gabby ng sarilinan.

“Besides ang taong pinakamamahal ko ang makakasama ko sa project kaya wala akong dahilan para tumanggi.” sabi pa ni Gabby saka hinalikan sa labi si Harold. “Hindi ko na din kailangang maglatag ng proposal kasi mas mahalaga sa akin na makasama ka ulit Harold.” dugtong pa ng binata.

Ramdam na ramdam ng puso ni Harold ang pagmamahal sa halik na iyon, subalit patuloy pa ding tumututol ang kanyang utak.

“Wake up Gabby!” sabi ni Harold. “Ikakasal ka na bukas.”

“Madali na iyong i-cancel.” mabilis na sagot ni Gabby na hindi naisip ang dilemma na kinakaharap.

Isang sampal ang ibinigay ni Harold kay Gabby. “Ang selfish mo pa rin!” wika pa nito.

“Harold.” tanging nasabi ni Gabby at tila ginising siya ng sampal na iyon ni Harold. Naguluhan na naman ang mundo niya dahil sa pagbabalik ni Harold. Naalala niya si Riza at ang kasal nila bukas, ang mga ngiti ng dalaga, ang kasiyahan nito at ang pag-asa sa isang pagsasamang habang-buhay. Pero mas nanaig sa kanya ang pagmamahal kay Harold.

“Bukas na ang kasal mo at I don’t want to be part of Riza’s misery. Kaya lang ako nagpakita sa’yo just to let you know that I’m alive.” paliwanag naman ni Harold.

“I love you more than Riza!” sagot ni Gabby.

“But you love Riza right?” balik na tanong ni Harold. “Ayokong isumpa ka ulit ng mama mo pag nalaman niyang hindi mo itutuloy ang kasal dahil sa akin.”

“Pero hindi na iyon tututol! Ngayon pa at isa ka na ding kilala sa business world.” kontra ni Gabby na patuloy na na-set aside si Riza.

“I am here hindi dahil sa’yo o makipag-balikan sa’yo.” sagot ni Harold. “Gusto kong patunayan sa iyo na hindi totoo si Snow White na kayang alisin ang lason sa pamamagitan lang ng isang halik ng Prince Charming dahil hanggang ngayon patuloy akong pinapatay ng lason na kagagawan nang pamilya mo. Gusto kong patunayang hindi totoo si Aurora na ang pagmamahal ay natutulog lang at kayang mag-alis ng sumpa sa pamamagitan ng halik dahil sa pagmamahalan na natin mismo ay isang sumpa na pilit akong inihimlay sa walang-hanggang paghihirap. Gusto kong patunayan sa’yong hindi totoo si Ariel na kayang ipagpalit ang sarili niyang mundo, ang buntot niya para lang sa lalaking minamahal dahil ibinigay ko na sa iyo ang lahat at ipinagpalit ang sarili kong prinsipyo para mabigyang katuparan ang happy ending, pero mali, kabaliktaran ang nangyari. Gusto ko ding patunayan sa’yo na hindi totoo si Belle. Tama, kayang pagbaguhin nang pagmamahalan ang isang tao, pero sa pagbabago ko ng pananaw sa pag-ibig, hindi ako sa kabutihan dinala, sa kapahamakan. Pero higit sa lahat! Hindi totoo si Cinderella dahil ako, pinilit kong pakibagayan ang mundo mo dati, pero ang mundo mo ang nagsuka sa akin pabalik sa lusak.” pagpapatuloy ni Harold.

“Kaya naman, hindi ako tumuntong sa lugar na’to para maging bagay tayo o makibagay sa’yo. Andito ako para patunayang kagaguhan ang fairytales. They are giving us false beliefs, illusions and a step back away from reality.” mabigat na sinabi ni Harold kay Gabby.

“Pero Harold! Mahal mo ako di ba? Can’t it be enough reason para bumalik ka sa akin?” pamimilit ni Gabby na ayaw nang pakawalan ang tyansang makasama ulit si Harold at muling lumigaya.

“Oo! Mahal kita Gabby!” sagot ni Harold. “But it does not mean na kakalimutan mo na ang kasal ninyo ni Riza and you love Riza right?” balik na tanong ni Harold.

“But Harold…” pamimilit pa din ni Gabby. “It will be unfair for Riza kung papakasalan ko siya pero ikaw naman ang mahal ko.”

“Mas unfair kay Riza na umaasang matutuloy ang kasal pero she’s waiting for nothing. Unfair kay Riza na minahal ka na at mahal mo din.” tutol ni Harold.

“Are you sure na magiging unfair iyon?” tanong ni Gabby.

“Kasi ginawa mo lang siyang panakip butas!” sagot ni Harold. “You’re only confuse Gabby! Confuse ka sa pagbabalik ko.” tugon pa ni Harold na pilit pinagtatabuyan si Gabby.

“Minahal ko siya at hindi siya naging panakip butas. It’s not a big deal for her kung mamahalin ko siya or hindi. She’s taking marriage as part of business.” paliwanag naman ni Gabby.

“Are you sure na hindi big deal iyon sa kanya?” tanong ni Harold.

“Sabi niya dati.” sagot ni Gabby.

“Dati! Pero hindi ngayon. Dati siguro hindi ka pa niya mahal, pero ngayon mahal ka niya!” pagtutumbok ni Harold.

“Umamin ka nga!” wika ni Gabby saka hinawakan sa dalawang balikat si Harold. “What makes you think that way?” tanong pa nito.

“Coz I’m concern for Riza!” sagot ni Harold. “Saka masaya ka lang kasi for a very long time akala mo patay na ako pero ngayon ay buhay na buhay. Akala mo mahal mo ako ng higit kay Riza dahil duon.”

“Ironical ka na namang mag-isip. Be in my shoes so you will understand what I am feeling.” sagot ni Gabby. “Saka kung concern ka kay Riza, either or matagal ka ng nagpakita sa akin or hindi ka na magpapakita pa or maybe hahayaan mo muna kaming ikasal.” dugtong pa ng binata. “There is deeper reason Harold.” paniniyak ni Gabby.

Natahimik si Harold, iniisip kung itutuloy ba niya ang orihinal na plano ngayong pinagtaksilan na siya ng sariling damdamin o papadala na lang sa agos nang pangyayari.

“Kahit six years kang hindi nagpakita, kilala kita Harold! Alam ko kung kailan ka may tinatago o inililihim at sigurado akong may gusto kang sabihin na ayaw mong sabihin.” wika pa ni Gabby saka niyakap ang binata.

Pinatatag ni Harold ang sarili, desidido na siya, itutuloy ang orihinal na plano at sasabihin niya ang buong katotohanan.

“The truth is…” biting wika ni Harold na patuloy pa ding kumukuha ng lakas ng loob.

“Tell me.” sinsero ang mga matang wika ni Gabby.

“I really hate what I’m feeling right now!” madiing simula ni Harold.

“Why?” napuno ng pangambang tanong ni Gabby.

“Ayokong mahalin ang taong apo ng pumatay sa lolo ko, ayokong mahalin ang apo ng taong pumatay sa nanay ko at higit sa lahat ayokong mahalin ang taong anak ng taong dahilan ng muntikan ko nang pagkamatay.” litanya ni Harold.

“What are you saying?” tanong ni Gabby na labis na natakot sa sinabing iyon ni Harold.

“Sa mga nangyari sa lolo at nanay ko kaya kitang patawarin at umaasa akong magbabago din ang mama mo, but with what she did to me? Napatunayan kong she’s a hopeless case and helpless creature kaya kahit ang ipapatay ako ayos lang sa kanya.” tugon ni Harold nang buong tapang.

“Pero di ba ang mga military ang humuli sa’yo?” tanong ni Gabby na ayaw tanggapin ang kwento ni Harold.

“Militar nga!” sagot ni Harold. “Why don’t you try asking your mother?” balik na tanong ni Harold. “Maybe Joel is enough to prove you what I am saying.” dugtong pa ng binata.

“Harold…” wika ni Gabby.

“Your mom sent my pictures and personal information sa kampo ng military and according sa sulat na kasama, isa akong NPA. She asked Joel to deliver it at ang walang kaalam-alam na si Joel ay agad namang sinunod ang mama mo.” simula ni Harold.

“But how will she know about it?” tanong ni Gabby.

“And how will she know na ako ang apo ng pinatay na kaibigan ng papa niya?” balik na tanong ni Harold. “The answer would be, she hired a private investigator para sundan ako and to tell you, nahanap ni Tito Jonas iyon. “She grabbed the opportunity nang malaman niyang aktibista ako kaya naman she sentenced me na NPA ako. Madali nang palabasin iyon para sa may perang kagaya ninyo.” kwento pa ulit ni Harold.

“But…” tutol pa sana si Gabby na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala.

“To make sure everything is according to her plan, she asked Joel para tumawag sa army para i-confirm na NPA nga ako kahit hindi naman totoo. Pinagbataan si Joel na sisirain ng mama mo ang buhay ni Joel kung hindi siya susunod. Of course natakot si Joel ginawa na lang niya ang utos ng mama mo.” kwento ulit ni Harold.

“Bakit hindi niya sinabi sa akin?” nanginginig na tanong ni Gabby sa sarili.

“Because the time na ma-aksidente ang mama mo, si Joel ang kausap niya sa phone. Lalong natakot si Joel at sabi niya, hindi na siya nakapag-isip pa kaya naman sinunod na lang niya ang mama mo.” sagot ni Harold.

Nanatiling tahimik ang pagitan nilang dalawa. Nagsimula ulit pumatak ang luha sa mata ni Gabby dahil sa isinawalat ni Harold. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya sa mga nalaman. Masakit iyon para sa kanya na ang ina niya ang dahilan ng muntikang pagkamatay ni Harold.

“Wala na akong reason para mahalin ka.” wika ulit ni Harold saka tumalikod at nagpakawala ng mga pigil na luha.

“I’m sorry Harold!” paumanhin ni Gabby.

“Hindi ikaw ang may kasalanan!” sagot ni Harold. “Pero sana naiintindihan mo kung bakit hindi na pwedeng maging tayo.” dugtong pa ng binata saka humakbang palabas.

“Please don’t leave me! Hayaan mo nang ang salitang mahal mo ako ay maging sufficient na para mahalin ako.” pamimilit ni Gabby.

“Invalid argument! Iisa lang ang subject ng main at supporting argument mo.” sagot ni Harold.

“Di ba illogical naman pag pagmamahal ang usapan.” tugon ni Gabby.

“Can’t you understand? Galit ako sa sarili ko for making me feel this way! Galit ako sa sarili ko kasi pinipilit akong maramdaman ang kinaiinisan kong maramdaman.” sagot ni Harold saka bumitiw sa hawak ni Gabby at mabilis na lumabas ng pintuan at mabilis na tumakbo papunta sa opisina niya.

Wala na duon si Riza dahil tulad ng plano ay aayain ni Joseph ang dalaga para kumain muna at sa baba na lang sila magkikita ni Gabby.

Samantalang si Gabby naman ay naiwang walang imik sa conference room at patuloy sa pagluha. Hindi niya kayang tanggapin na muli siyang iniwan ng taong pinakamamahal.

“I don’t know if life will be happier again,

Or forever I will be in deepest pain:

My solitude bets all the gain,

My shadow respects all the vain,

My weakness surrenders all the slain,

My emotion turns out to be plain.

Apparently I was lost in this seasons’ crazy change,

Somewhere in the night, night so strange:

Strange somehow to question,

Strange sometime to talk on,

Strange something to point out,

Strange someone to smile out.

I am someone who falsely, mistakenly got all,

But you is the everything is am wishing for,

Your eyes so admirable,

Your nose so adorable,

Your ears so lovable,

Your lips so inviting,

Your chick so charming,

Your smile so alluring,

Your touch so affectionate.

You in a million faces

Struggle for someone in somewhere,

Struggle for something in sands,

Struggle for signs for significant.

Pearl of my shelter,

Making my soul sings solidarity,

Making my heart host humid,

Making my creep crazier creek.

I am alone! I am alone! I am alone! I am alone!

Will never be home, for my home ran away from,

Whole, pieces, part, portioned: my identity so poisoned,

I am alone! I am alone! I am alone! I am alone!

Alone with none to look upon, to hold on.

My lullaby will never sing more.

Good bye! This is for real, but my heart says,

Goodbye! This is another test, new days ahead.

Sadly, it will never be true.”

ito ang tugmang pinaglalaro ni Gabby sa sarili na patuloy pa ding umiiyak sa pamamaalam ni Harold.

Ilang sandali pa at inayos din ni Gabby ang sarili. Pinilit ngumit kahit nagmumukmok na ang kanyang puso sa pagkabigo. Hindi alam kung papaano haharapin ang mga tao, ngunit ang gusto niya ay lisanin na ang lugar dahil lalo at higit lang niya nararamdaman ang sakit. Bumaba at agad na inaya si Riza para umuwi. Umuwing mabigat ang loob at puso –

Samantalang si Harold –

“Tilaok: tee-la-ok, clucks in English, huni at tunog ng tandang na mas kilala nang mga Pilipino bilang unang sumasalubong sa araw. Tulad nang tilaok nang manok, ang pagmamahal ang unang bagay na sumasalubong sa dalawang taong pinagbibigkis nang panahon. Hindi mo alam kung kailan ngunit nasisigurado mo namang may panibagong araw na darating, parang sa bawat pagtilaok ng manok, ikaw ay magigising mula sa pagkakatulog para sumalubong sa bagong araw. Ang pagmamahal ay panibagong araw na nagtatakda para sa bagong kaligayahan at tulad ng tilaok nang manok ay kaya nitong gisingin ang matagal nang nahihimbing at nahihimlay na puso. May umagang maganda ang gising mo, at may araw na tila ayaw mo pang bumangon at pakalulong sa pagkakatulog, parang sa pagmamahal, isang araw ay puro sarap at tamis, may araw na nakakainis, ngunit madalas ang araw na ayaw mo nang bumangon dahil sa hinahanap-hanap na paggiliw. Ano pa man ang maganap sa buhay, tandaan laging andyan ang tilaok na nagsasabi sa ating bagong araw na para umibig.” lahad ng diwa ni Harold habang nakatitig sa bintana ng kanyang opisina.

“Gabby! Paalam na! Salamat sa napakatamis na alaalang ibinigay mo sa akin, pero kailangan na nating gumising. Tapos na ang gabing nagdaan sa ating buhay, dapat na nating harapin ang umaga: ang umagang hindi tayo ang magkasama. Gabby! Maging masaya sana ang gising mo sa bago mong araw at bagong umagang pinagkaloob sa’yo.” bulong ni Harold saka tumulo ang luha habang pinagmamasdan si Gabby na nakatingin sa gawi niya habang si Riza naman ay nakakapit sa braso ng binata.

“Harold! I am hoping that you will receive my message of love that can travel even in silence. I love you and I will always do. You’re the only one that my heart will shelter, pero ibibigay ko na muna kay Riza ang kalahati at hindi ko kayang ibigay ang buo, dahil sabi ng puso ko, hindi kita pwedeng alisan ng pwesto dahil ikaw and dahilan sa pagpintig nito.” bulong ni Gabby sa sarili habang nakatitig sa glass na opisina ni Harold sa sixth floor. Hindi man niya nakikita ng malinaw ay batid niyang lumuluha din ito katulad ng puso niyang nagdurugo.

sa-bagong-umaga----tee-la-ok---END---tee-la-ok----sa-bagong-umaga

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP