Beautiful Andrew : Chapter 11

Sunday, December 25, 2011


“H-he’s gone, Andrew…Carl’s gone” halos pabulong na sagot ni Nel.

Nakakabingi ang kabog ng kanyang dibdib, alam niyang hindi nagsisinungaling si Nel, ayaw tanggapin ng kanyang isipan ang narinig, para siyang tuod na nakatayo at nakatitig lamang kay Nel, sari saring emosyon ang gustong kumawala ngunit alam niyang sa isang salita lamang niya ay tuluyan siyang gagapiin kanyang emosyon.

Hindi rin niya napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng kanyang mga luha, “H-ho..how? pa-panong…?” garalgal na boses, nagmamakaawa ang kanyang mga mata upang sabihin sa kanya ni Nel na nagbibiro lamang ito. ngunit nanlulumong napayuko lamang si Nel dahil hindi niya kayang makita ang paghihirap ni Andrew.

“L-like you, he had been diagnosed to have a c-cancer… a tumor in his brain” panimula ni Nel, gayung hirap na hirap ito sa kanyang emosyon,

“…kinukundisyon lamang niya ang katawan para sa operasyon niya,” nilingon siya ni Nel at pag kuway sumilay ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi “remember the day when you first met him?” tanong nito.

Napapikit si Andrew sa alaalang iyon.


“He’s supposed to meet Dr. De la Cruz, para sabihing handa na siya sa operasyon…but,” muli ay sumilay ang mapait na ngiti “but he met you,” nababanaag sa mga mata ni Nel ang pait at pagsisisi, “he said he loved you at the very first time he laid his eyes on you, at the very moment he called you Beautiful Andrew” sandaling tumahimik si Nel, tanging mga hikbi na hindi niya mapigilan ang pumapailanlang sa katahimikan ng silid.

Nakagat ni Andrew ang pangibabang labi upang pigilan ang paghagulgol, ngayon ay malinaw na sa kanya kung bakit pinutol ni Carl ang sanay buong pagpapakilala sa kanya ni Nel, ayaw nitong malaman niya ang kanyang sakit. “Beautiful Andrew” sariwa parin sa kanya ang mga alaalang yon.
“But why?...bakit hindi niya itinuloy ang operasyon?” tanong ni Andrew, na para bang tinatanong niya ang sarili, dahil bukod kay Carl ay alam niyang siya mismo ang mas higit na nakakaalam sa pakiramdam ng kawalan ng pag asa…pag asa, natigilan siya dahil alam niyang kung inihahanda lang si Carl ay may tyansa itong magapi ang sakit nito.

Ang sagot sa kanyang tanong sa sarili ay nasumpungan niya sa mga sumunod na salita ni Nel.

“Wala kaming relasyon ni Carl bukod sa magkaibigan,” pinunasan nito ang basang pisngi, “bukod sa kanya ay ako at si Dr. De la Cruz lang ang nakakaalam ng kanyang sakit, ako na kanyang kaibigan at private nurse at si doc na matalik na kaibigan ng kanyang ama”  dagling tumatag ang boses ni Nel habang inilalantad niya ang katotohanan tungkol sa kanila ni Carl.
“when he met you, he suddenly called off the operation…”

“Why?” putol ni Andrew.


“Because of you, Andrew!” matigas ang salitang bigkas ni Nel, “because he fell in love with you, because he doesn’t want to forget you, he doesn’t want his memory of you to be lost forever…” humina ang boses niya at gumaralgal muli “the operation can take out part of his memory, maaring mawala ang mga alaala niya kapag naoperahan siya, and perhaps his eye sight too.” rebelasyon ni Nel.

Napamaang si Andrew, hungkag ang pakiramdam niya, hindi siya makapaniwala sa mga narinig.

“Ilang bese ko siyang pinagsabihan, ilang beses kong sinubok na sabihin sayo, na ipagtapat sayo…because I knew, from that day minahal mo na rin siya. Andrew, forgive me but that’s what he wanted, ayaw niyang ipaalam sayo..d-dahil ayaw ka niyang masaktan, ayaw niyang mawalan ka pag asa upang lumaban sa sakit mo.”

Pilit inaalala ni Andrew ang mga sandaling nahuhuli niyang nagtatalo sina Carl at Nel, maging ang huling komprontasyon nila noong Christmas party nila.

“I’ve done my part, Andrew…now its your turn to do yours,” mula sa kanyang bulsa ay may inilabas itong putting sobre at iniabot sa kanya, “pareho nating minahal si Carl, magkaiba lang tayo ng pamantayan, ako bilang kaibigan at ikaw bilang umiibig…”

Pinihit ng mga maputik na kamay ni Nel ang door knob at humakbang palabas, ngunit bago ito tuluyang nakalabas ay lumingon itong muli kay Andrew at garalgal na tinig ay nagiwan ito ng mga salita na alam niyang galing mismo kay Carl.

“Andrew, when the stone falls…it doesn’t mean that the flower will fall too.” Isinara niya ang pinto at naiwang mag isa si Andrew sa kwartong iyon.


Pinindot ni Andrew ang play botton sa video cam na nakakabit sa tv, wala na si Nel at mula sa binigay nitong sobre ay ang video tape. Bago pa man pumailanlang ang boses ni Carl ay hilam na ng luha si Andrew habang nakatitig sa mukha ng taong minahal at minamahal niya sa screen.

Mula sa screen ay si Carl, kapansin pansin ang humpak ng kanyang mga pisngi, wala na ang dating buhay sa kanyang mga mata bagkus ay napalitan ng paghihirap at lungkot. Halatang hirap na hirap ito sa simpleng pagupo lamang at ang panginginig ng kanyang mga kamay ay sinusubukan nitong itago sa camera. Nang maayos na ito sa pagkakaupo mula sa kanyang kama ay tumitig ito sa camera at sa paos na boses na tila ba hindi kanya ay nagsalita ito.

“A-Andrew, Beautiful… Andrew.” panimula nito, sa pagkarinig nuon ay napasinghap at yumugyog ang balikat ni Andrew sa walang kapantay na sakit na nararamdaman.

“…before I start, I want you first to forgive me.” Tumigil ito saglit at tinitigan ang camera, na animoy tumatagos sa screen. “…forgive me for lying, forgive me for not showing you how much I love you.” pumatak ang unang luha sa kanyang mga mata, sa nanginginig na kamay ay pinunasan niya agad ito.

Nananatiling natitig si Andrew sa screen, gusto niyang yakapin ito ngunit alam niyang hindi na niya kahit kailanman mararamdaman ang init ng mga yakap nito.

“kapag napanood mo ito ay alam kong magaling kana, I asked Nel to give it to you when you’re free from your illness, even if I die first.” Alam niyang hindi ito sinunod ni Nel dahil hindi pa nito alam na magaling na siya.

“Andrew, hindi ko man nasabi sayo pero mahal na mahal kita…it’s ironic right na ayaw kong magpaopera pero ipinipilit ko sayo na gawin mo ito” pagak siyang natawa “life is beautiful, ngunit mas nanaisin ko pang mamatay na kasama ang mga alaala mo sa aking isipan… mga alaalang alam kong hindi ko kilanman pagsisihan…your face Andrew,” inabot ng kanyang kamay ang lens ng kamera, pinadaan niya ang mga nanginginig na daliri sa kabuuan nito, napapikit si Andrew, tila ba nararamdaman niya ang pagguhit ng mga maiinit na daliri ni Carl sa kanyang mukha tulad ng lagi nito ginagawa sa tuwing binibigkas niya ang Beautiful Andrew…nagpatuloy ito makalipas ang ilang saglit.

 your beautiful face, how can I let them operate me and soon will forget the way you look? Everything about you, every single memory we’ve shared. They are not sure na babalik pa ang mga ito, papaano kung kapalit ng paggaling ko ay hindi ko na makikita ang iyong mukha at hindi ko na maalala na nakilala kita, maaring makalimutan ko rin na mahal kita at iyon ang hindi ko kayang ipagsapalaran..
Mas nanaisin kong mamatay kasama ang iyong mga alaala at mamatay na minamahal kita than to live yet we’re strangers towards each other…” ngumiti ito ng may kahalong pait.

Remember the night of our Christmas Party, the night after you sung your song? If you could just know how how happy I am when you announced that youre going to do the operation…kung alam mo lang kung gaano ang pagnanais kong hagkan ng mga oras na iyon, but… but you broke your promise there and then… I don’t want you to love me Andrew, yes I am selfish… but I want you to continue life as beautiful as who you are…” huminto sandali si Carl at hinabol niya ang paghinga, hirap na hirap ito kahit sa simpleng pagpapakita lang ng emosyong hindi niya mapigilan.


“Nel asked me to reveal our secrets to you, but I’m afraid you’ll let yourself die too…” tila may kung anong inalala si Carl “remember when you equated me to that stone where that plant grow?” wala sa sariling napatango si Andrew bilang kasagutan sa tanong nito “it was then I knew that you love me, and that you’ll die too when that stone falls…but Andrew, when the stone falls, the flower wont have to die. Ipagpatuloy mo ang mabuhay at tuparin mo ang pangako mo sa akin…”

“When I saw you kissing that guy in ‘your’ room…” saglit na natigilan si Andrew, lingid sa kanya ay nakita pala ni Carl ang tagpong iyon. “I fallowed you there to tell you the truth, but when I saw you kissing him… when I saw you kissing him, it dawned on me that I can’t give you everything you want because I’m dying. Doon ko napagisip isip na may mas higit pang darating sa buhay mo, higit sa anumang kaya kong ibigay, na makaksama mo hanggang sa pagtanda… the thing that even in dream ay hindi ko maibibigay sayo… kaya ako lumayo, habang kaya ko pa.” hindi na mapigil ni Carl ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan “habang kaya ko pa, habang sariwa pa sa alaala ko ang mga bagay na nagpapatunay na hindi kita mapapaligaya, habang napipigilan ko pa ang sarili ko upang hindi sabihin sayo ang totoo.”

“Andrew… Beautiful Andrew, ipagpatuloy mo ang buhay…para sa akin, para sa atin.”

Ilang saglit pa ay blangko na ang screen ng tv, hilam ng mag luhang nakaluhod si Andrew sa harap ng screen, sapo ang kanyang dibdib ay impit ang kanyang pagiyak, pilit niyang pinipigilan ang paghagulgol kung kayat makailang ulit ang pagyugyog ng kanyang balikat. Tinitikis niya ang paghiyaw, walang boses na paulit ulit niyang binibigkas ang panglan ni Carl, at ang tila pagsabog ng kanyang dibdib dahil sa sakit nanararamdaman…

“Madaya ka Carl…” sa kaibuturan ng kanyang puso ay kinakausap niya si Carl “madaya ka…bakit mo ginawa ito sa akin? Bakit mo ipinagkait sa akin ang mga sandaling alam kong maaari pang gawan ng masasayang alaala… ikaw na nagbigay ng lakas ko upang labanan ang sakit na pareho nating iniinda, bakit sa atin pa nangyari ito, bakit? Mahal na mahal kita at baka hindi ko makayanang mabuhay ng wala ka…”

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP