Beautiful Andrew : Chapter 8

Tuesday, December 20, 2011


“Carl and I are lovers.” Tila bombang sumabog sa kanyang pandinig, ayaw tanggapin ng kanyang utak ang katotohanang nahuhumiyaw sa kanyang harapan. Kaya pala, ang mga halik nila, mga yakap na ang buong akala niya ay yakap kapatid o halik kaibigan…kaya pala lagi silang magkasama…kaya pala…tila mga kutsilyong paulit ulit na tumutusak sa kanyang puso sa bawat kaisipang iyon.

“Carl and I are lovers, before even we met you.” Ulit ni Nel, matigas at walang emosyon ang kanyang boses. “we’ve been lovers for years, and we l-love..e-each other.”

Tila nabibingi si Andrew sa katotohanan, naguunahan ng bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata.

“L-lovers?...a-ahhh, i-is it t-true…C-carl? Tumingin siya ditto, nagsusumamo na sabihin s akanya na kasinungalingan lang ang lahat, na nagkakamali lamang si Nel, ngunit imbes na pagtanggi ay pagtango ang naisagot ni Carl.

Parang sumabog ang buo niyang pagkatao, hindi niya maipaliwanag ang sakit.


“You’re lying…” pagtatanggi niya sa katotohanang narinig “I know you’re lying Carl, you love me diba? Ako ang mahal mo…a-at papanong nagging kayo, di bat magkaibigan lang kayo?” palipat lipat ang tingin niya sa dalawa, nagsusumamo umaasang nagbibiro lamang ang mga ito.

“I-Im sorry Andrew, nagsasabi ako ng totoo… ang relasyon naming ang dahilan kung bakit sa simula palang ay hindi mu sya dapat mahalin” paliwanag ni Nel.

Hinuli niya ang mga mata ni Carl, napapikit ito ng magtama ang kanilang mga mata kasabay ng pagdaloy ng luha nito, puno ng paghihirap ang mga matang iyon at hindi makayanang tingnan ang mga nanguusig na mata ni Andrew. 


Hindi na mapigilan ni Andrew ang pagdaloy ng mga sariling luha, kahit anong pagpipigil ay kusang sumungaw ang mga ito. 


“Why Carl? Bakit mo ako pinaglaruan, bakit mo ako pinaasa?” hindi nawawala ang pait sa kanyang boses.

“S-sinabi ko na sa simula palang d-diba? Andrew you can’t love me, b-because I…I c-can’t love you the way you want me too.” 


Tila isang malakas na samapal ang naramdaman ni Andrew sa mga salitang iyon ni Carl, “I can’t love you the way you want me too” sandali siyang napamaang, at bago niya nilisan ang kwartong iyon ay tiningnan niya si Carl na puno ng hinanakit, tila sumpang nanguusig sa kaibuturan ng kanyang kunsensya.

Pumasok siya sa kwartong dati ay kanyang inookupa, alam niyang walang pasyente doon ng mga sandaling iyon. Gusto niyang maramdaman ang tila’y protektang naibibigay ng kwartong halos inari na niya, dito niya nararamdaman na kanya ang mundo at ditto niya mailalabas ang lahat ng sama ng loob.

Hilam ng mga luha ay napasubsob siya sa kama, hindi niya aakalain na tatraidurin siya nina Nel at Carl. Sila na itinuring niyang mga kaibigan, pinagkatiwalaan…si Nel, kaya pala mabait ito sa kanya dahil alam niya ang panlalarong ginagawa sa kanya ni Carl…si Carl, ramdam niya ang kirot sa kanyang puso maisip lang niya ang pangalan nito, si Carl na minahal niya, si carl na nagging dahilan upang lumalaban siya, siya na tanging lakas niya…bakit siya nito niloko, ano ang nagawa niyang kasalanan?

Impit ang pagiyak niya kahit gustuhin na niyang sumigaw at magwala.

“Is there anything I can do to lessen your grief?” mula sa likuran niya ay dinig niya ang isang boses, noon lamang niya napagtanto na hindi siya nagiisa sa kwartong iyon, inilinga niya ang paningin at laking gulat niya ng mapansing may mga gamit na hindi pagaari ng hospital sa paligid, may tao palang umookupa sa kwartong iyon.

“S-sorry…” aniyang humarap sa may ari ng boses at walang pakialam kung anuman ang itsura niya.

Tumayo siya at papaalis na sana ng hinawakan ng lalaki ang kanyang braso, napatingin siya ditto.

“I can listen if yu want to talk.” mahinhin ang boses nito, maamo at ramdam niya ang kabaitan ng puso nito.

Sa simpleng pagpapakita ng lalaki sa kanya ng pagpapahalaga ay sapat ng dahilan upang muli ay bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata.

Inakay siya nito pabalik sa kama at pinaupo, hinaplos haplos nito ang likod niya at nagpatianod na siya sa kabutihan ng lalaking ito. impit ang mga hikbi na ipinagpatuloy niya ang pagiyak, inaalalayan lang siya ng lalaki at lumipas pa ilang saglit ay halos niyayakap na niya ito dahil sa hindi parin siya tumitigil sa pagtangis.

Nakakagaan ng loob ang mga haplos at yakap na nito, ng mahimasmasan ay tumingala ito at natitigan. Maamo ang mukha ng lalaki, isang mukhang madaling mapagkakatiwalaan, mula sa bandang kanan ng kanyang noo ay may nakadikit na plaster at ang bakas ng dugo mula rito, doon niya napagtanto na maging ang isang braso nito ay naka cast at may mga ibang galos pa ito sa ibang bahagi ng kanyang leeg at braso. Iginawi niya ang tingin sa mga mata nito, kumabog ang kanyang puso dahil nakatitig sa kanya ang mga matang kawangis ng mga mata ni Carl, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay inilapat niya ang kanyang mga labi sa mga labi nito, “Carl…” anas niya, sabay ang pagdampi ng kanyang mga labi sa labi ng lalaki. Masuyo ang halik na kanyang iginawad, pumikit siya at ang puso na niya mismo ang siyang bumihag sa kanyang kahibangan, alam ng utak niya na hindi si Carl iyon ngunit nagpupumilit an gang kanyang puso upang mapawi ang uhaw na kanyang nararamdaman.


Hindi gumalaw ang lalaki, hindi rin ito umiwas, nagparaya lamang siya ngunit hindi siya gumawa ng kahit na anong hakbang upang pagsamantalahan ang kahinaan ni Andrew.

Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Andrew, bigla siyang lumayo at naipinta sa kanyang mga mga mata ang pagsisisi sa kapangahasang ginawa. 


“It’s okay, naiintidihan ko.” ngumiti ang lalaki “…I am not Carl, and I can’t give you what you want.”


“I-I w-want not-thing,” pautal niyang sagot. “I’m sorry, I thought you for someone else.”


Ngumiti ang lalaki, at naramdaman niya ang sinseridad nito.


Sa corridor mula sa kwartong iyon ay nanlulumong naglalakad palayo si Carl, hilam ng mga luha ang mata sa panibagong sakit na kanyang nasaksihan. Sino ang lalaking iyon, halos magunaw ang kanyang mundo ng makita niyang naglapat ang kanilang mga labi, hindi na niya hinitay na makita pa siya, at ayaw niyang masaksihan ang maaaring mangyari sa pagitan ng dalawa. Isa lang siguradi siya, tagos sa puso ang sakit nanaramdaman niya ng makita niya si Andrew sa piling ng iba. 


Mula sa dulo ng corridor ay nadoon si Nel, nakatayo at hinihintay siya. Nababanaag sa kanyang mga mata pagkalito at pagkaawa. Sumabay siya sa lulugo lugong si Carl, alam niyang may luha sa mga mata nito dahil umiiwas ito ng tingin, ng pumasok sil sa elevator ay hinawakan ni Nel ang kanang kamay niya at masuyong pinisil,yumugyog ang mga balikat ni Carl at dinig ang mga impit niyang hikbi.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP