Beautiful Andrew : Chapter 4

Saturday, December 10, 2011


“Do you believe in miracles?” walang anu ano’y tanong ni Carl habang naglalakad sila pabalik sa gazebo.

Napatigil saglit si Andrew sa paglalakad at tiningnan kung seryoso ito, “oo naman…bakit ikaw, naniniwala ka?” sagot niya.

“Oo…I do believe in miracles, everyday is a miracle, life is a miracle itself…” sagot nitong malamlam ang mga mata “even you, Beautiful Andrew…you’re a miracle.”

Ngumiti siya sa tinuran nito, “Have you found your miracle, Carl?” tanong niyan muli.


“Probably…” biglang lumungkot ang mukha nito at iniiwas ang tingin, “Have you seen my miracle?” halos kasabay din nitoy ang muling pagsaya ng kanyang boses.


“You have miracles, huh? Ano yun aber?”


“That’s for you to find out, you’ll know it’s my miracle when you saw it…” tumigil ito saglit at sumeryoso ang mukhang tinitigan siya nito, “Andrew, I want you to live… I want you to live and see my miracle.”
Naaaninag sa mga mata nito ang tila pa paghihirap ng kalooban.

Nais niyang yakapin ito sa mga sandaling iyon, nais niyang ipagtapat na dito ang nararamdaman, ngunit tulad ng dati ay parang naramdaman ito ni Carl at umiwas.


“Sa..sandali l-ang, ibabalik ko lang ‘tong tabo, at…at the cottage,”

“Sama na ko, isa pa gusto ko ring makita ang loob niyan,” inginuso niya ang cottage.

Sumunod sya rito, pinagbuksan siya ng pinto at pinatuloy


“Dito ako mas lumalagi pag wala ako sa kwarto ko sa 2nd floor, this is my resting place, when I want to unwind, to relax…”

Simple ang loob ng cottage,sa gitna ay may isang kama na kasya ang dalawa, sa tabi nito at side table na may lampshade, nakaharap ito sa isang tv at dvd set. Sa bandang kanan ay may pinto patungo sa isang maliit na cr. Sa kaliwa ay may isang malaking bintanang natatakpan ng malambot na puting kortina, nakaharap sa may kanluran kalinya sa may gazebo, kita ang halos buong garden, dito ay may maliit na mesang salamin at dalawang bakal na upuan na may dalawang kulay pulang throw pillow. Sa mesa ay may nakapatong na orchid sa isang maliit na paso, may pulang bulaklak din ito. Simple ngunit parang napakasarap tirhan kung masasabi na bang tirahan ang cottage na yon.


Lumapit siya sa may bintana at hinawi ang putting telang nakatabing, malapit ng lumubog ang araw, at halos anino na lamang ng lahat ng bagay ang naaaninag, napakaganda ng tanawing kanyang nakikita, hindi nakikita ng buo ang papalubog na araw dahil sa puno sa may gazebo ay natatakpan ng mga dahon nito. …mga dahon… napasinghap sya. Parang kanina lamang ay patay ang punong iyon.


Natawa si Carl, kanina pa pala ito sa tabi niya at pinagmamasdan siya, may hawak iton dalawang bote ng San Mig.Light. marahil ay nabasa nito ang iniisip niya, iiling iling na ipinahawak nito sa kanya ang isang bote at ipinatong ang sa kanya sa mesa, may kung anong inabot ito sa gilid ng bintana.

“Tirador?” manghang tanong ni Andrew, talagang may sayad na ata ang lalaking ito, sa isip isip niya.

Mula sa may mesa ay pinulot ni Carl ang tansa, niyupi niya ito sa gitna gamit ang mga daliri at walang imik na ibinala sa tirador, itinutok niya iyon sa puno at pinakawalan ang bala.

Parang sumabog ang paligid, dahil ang katahimikan kanina ay binulabog ng mga pakpak na nagpapagaspas, halos limampung ibon ang nagsiliparan mula sa patay na puno sa may gazebo. Hindi mapigilan ni Andrew ang mamangha, dahil bukod sa mga ibon ay tumambad sa kanya ang papalubog na araw na na-accentuate ng mga sanga ng patay na puno, na tila ba mga ugat na nananalaytay sa kabuuan ng papalubog na araw, mga aninong nagpabitak bitak sa araw, at tuluyang umagos ang maladalandang sinag nito sa kabuuan ng silid.

“Hindi talaga ako magaling na shooter, too bad not a single one fell” si Carl, abot tenga ang ngiti.


“It’s beautiful… the sun, the tree…”


“Yup, that was not intended, I used to watched the sunset d’yan sa gazebo kasi hindi ko nakikita ng buo mula rito, but when the tree died, ditto ko na lagi pinagmamasdan ang araw sa kanyang pamamalam…” tila may kung anong bikig sa kanyang lalamunan ng bigkasin niya ang mga salitang iyon, “then the birds came…” 


“Yeah…the birds, unbelievable…and the tree.” ulit nito.


“Even death has its own beauty…” wala sa sariling sagot ni Carl, seryoso ang mukha nito at sa mga mata ay nagngingilid ang mga luha, iyon ang kauna unahang nakita ni Andrew ang lungkot sa mga mata ni Carl “that tree, though dead, adds beauty to the sunset, it adds beauty to every goodbyes.”

Mataman niyang tinitigan si Carl, “C-arl…” anas niya.

“I want you to live, Andrew” mahina ang salitang iyon, “be like those birds, they fly, they sing and they can make that tree spring to life again, every after goodbyes, every after sunset.”

Pumatak ang unang butil ng luha sa kanyang mga mata, hindi sya makaimik, tinanggap na niya na hindi na sya gagaling, tinanggap na niya na tanging himala lamang ang makakapagpagaling sa kanya. Paano niya sasabihin sa kanya na kaya ayaw niyang magpaorera ay dahil takot na siyang baka paggising niya ay magbabago ang lahat, paano kung hindi na sya magising at magiging pasanin na lang bilang lantang gulay?

Muntik na niyang ikamatay ang unang operasyon, mas nanaisin na laman niyang hayaang gapiin ng cancer ang kanyang katawan kaysa madiliin niya ang kanyang kamatayan.

Lumabas sa banyo si Carl at mukha na itong nahimasmasan, nakalahati na niya ang iniinom niyang beer sa kahihintay dito. Umupo siya sa isa sa mga silya, madilim na ng mga oras na iyon tanging ang liwanag galing sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa loob ng cottage. Sa garden nakabukas ang mga ilaw doon ngunit hindi parin ito kasing ganda sa tuwing umaga.

“Andrew, can you promise me one thing?” seryoso si Carl, at napakislot si Andrew sa tinuran nito, hindi na sya nasasanaw na tawagin ito sa pangalan lamang niya.

“Yes, Carl?” pagdidiin nito.

“C-can you promise me that you’ll never fall inlove with me?” tumitig sya sa kanya, binabasa ang kanyang reaksyon.

“Ah-..wha..t?...” pautal na tanong ni Andrew, gayong dinig na dinig niya ang sinabi nito.


“Promise me not to love me, that you won’t fall…”


Paano ba niya sasabihin kay Carl na nahulog na siya ng husto, na mahal naa mahal na niya ito. Heto sya ngayon at pinapapangako niya siya upang waag siyang mahalin, ngunit bakit? Bakit ayaw niyang siya ay mahalin, alam niyang nagsisinungaling lamang ito dahil ramdam niya mahal rin sya nito.

“What if I can’t?” mapaghamong sagot niya.


“Then perhaps, we should stop seeing each other…” seryosong tinitigan sya nito.


Sinalubong niya ang mga titig na iyon at sarisaring emosyon ang kanyang nararamdaman. Halos sumabog ang dibdib niya sa lakas ng kabog ng kanyang puso, at may kung anong pwersa ang nagtulak sa kanya upang ilapit ang mukha niya at dampian ng halik ang mga labi ni Carl. Malambot ang mga labi nito kahit hindi ito gumanti, bagkus ay napapikit lang si Carl at hinintay ang paglayo ng halik niya. Dumilat ito, sa kanyang mga mata ay nababanaag ang labis na paghihirap sa pagsikil sa kanyang damdamin.

“Promise me, Andrew…” halos pabulong na wika nito. “Don’t fall inlove to me…don’t love me, say it…promise me.” sa kanyang mga mata ay ang pagsusumamo.


Sa halip na sagutin ay nagtangkang halikan niyang muli ito ngunit umiwas si Carl.


“Say it… promise me.”

“P-pro…mise.” At iyon ang nagsilbing hudyat upang muli ay maglapat ang kanilang mga labi.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP