Daglat: TEE LA OK: Ang Ikatlong Umaga

Saturday, October 22, 2011

Sa bawat pagsasara ng telon ay mayroong bagong yugtong naghihintay,
Sa bawat pagtatapos ng libro, ay may mga bagong pahinang isusulat,
Sa bawat katapusan ay may bagong simulang dapat na abangan,
At sa bawat gabing daraan ay may bagong UMAGANG sisimulan.



ABANGAN ang TEE LA OK: Ang Ikatlong Umaga



"Fairytales are social opium giving us false beliefs on reality. This is an escape to what really exists! Kaya Gabby, gumising na tayo, masyado ka lang nalalango sa opyo ng kasinungalingan."

--Harold

Read more...

The Best Thing I Ever Had - Season 3 Episode 8

Author's Note: : Maraming salamat po sa mga nagbabasa nito.. Sorry po dahil naghintay kayu ng mejo matagal...busy po kasi sa school..sorry po talaga..


I would like to thank the following :
russ - salamat din po! :)
MArc - malakas po talaga ang kamandag niyang si Sam! Parang cobra lang! lol. I'll try to update it more often.
Jayfinpa - sino po hula niyo? Hindi ko rin alam kung bakit ganun si Sai eh! ang lakas ng tama! hehehe
Rue - hahaha! baka nga ayaw niya ng may naglalakad na mirror, xD
R3b3L^+ion - thank you for that wonderful comment! thank u thank u po! :D
Roan - tama! insecure lang yan! hahaha
zenki - thank you rin po!
jm - hahah, bad po ang pumatay! hahaha.anyway salamat po :)
dada , Roan , Darkboy13 , Mars , Jack , jm , wastedpup , kushu , Ace , mhei , jojie (and ur friend hehe) , royvan24 , mc , warren , patrick , Icy , Jasper Paulito , Mark Gonzales , superman , kenji , -SLUSHE_LOVE- , -jj- , -RL , John143 , Jaceph Elric , mcfrancis , eman_cruz , xndr , allan , joed , alejandro, senn. At sa lahat ng anonymous and silent readers ng MSOB and LOL. :)
Siyempre I would like to thank my kuyas : 
kuya kenji - kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! di ko pa rin nakakalimutan un! i'm gonna getchu! watcha back! lol. :P miss you!
kuya jamespot - ayan na po si Sai! hahaha
kuya Win - eto na kuya! luto na! xD
kuya kambal ko - :P
kuya dendenpot - salamat po sa advice kuya!
kuya jennor , kuya Xander , kuya Jeffrey, kuya jm , kuya Liger , kuya Harvey , and kuya Vince ko. :) And lastly, I would like to thank the 2 persons who made all of this possible, kuya mike and kuya jayson :).
Para sa mga hindi ko po nabati, eto na lang, MWAH! :)

Anyway, eto na po yung episode 8! Enjoy! :)

Episode 8 -  Jealou-Sai?

"Hey Sam!" nakangiti niyang bati sa akin.

"Oh Harvey! Ikaw pala iyan!" sabi ko.

"Mind if I join you?" tanong niya.

"No, soothe yourself." tugon ko naman ng nakangiti sa kanya..

Bakit kaya siya pumunta dito?

Umupo naman siya sa tabi ko..which is unexpected..I was expecting na sa harap ko sita uupo, but instead, he sat right next to me..

Naku! kunyari pang ayaw eh! Gustong gusto naman!


Gaga! May boyfriend na ko no!


Hmmp! Whatever!

"So what's up? Why aren't you with Sai?" tanong niya.

"Well, hindi naman kailangan lagi kaming magkasama diba? Magkasama na kami sa bahay..and I think he doesn't want me to be around, so might as well do things on my own.."

Mukhang hindi naman niya kasi ako talaga gustong makasama, kasi ba naman, lagi niya akong iniisnob, laging matulis ang tingin niya sa akin..At ramdam ko ang kaplastikan niya kapag naguusap kami kaharap nila mama..

"Are you having problems with each other?"

"I think we're still in the stage of knowing each other.." sabi ko sabay ng maigsing tawa. "We're still adjusting with our situation.." Tumigil ako sandali at nag-isip ng ibang topic na mapag-uusapan.. "Anyway, nakita ko yung mga pictures niyo ni Sai sa bahay ah..Mukhang magbestfriends kayo.." May mga pictures kasi silang dalawa sa sala..Simula nung bata pa sila hanggang sa tumanda na..Kung titingnan mo yung pictures nila, makikita mo talaga na magbestfriends silang dalawa.

"Used to be.." sabi niya ng may disappointment ang tone ng boses niya.

"Used to be? Bakit? Anung nangyari?" tanong ko,.

"It's a long story.." sabi niya.

Bigla naman akong nagkaroon ng eagerness na malaman kung ano ang nangyari sa kanila.. "Sige na! Kwento mo na!" pagpupumilit ko sa kanya..

Feeling close teh?!


Oo! At wala kang pakielam! Kaya tumahimik ka na lang jan!


Che!

Hindi siya sumagot.."Please.."

Natawa siya..Nagtaka ako kung bakit sia tumatawa.

Aba, at pinagtatawanan ako nitong mokong na to?


Kahit naman wala ka pang gawin eh, nakakatawa na yang mukha mo! Kaya wag ka nang magtaka kung bakit siya tumatawa!


Gaga! Cute kaya ako!


Conceited much?!


Nagsasabi lang ako ng totoo! Kung hindi ako cute, bakit naiinlove sakin yung mga lalaki?


Kasi nga ginayuma mo sila!


Hindi ako mangkukulam no! Baka ikaw!


Naku kunyari pa eh!


Whatever!

"Why are you laughing?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Magkakambal talaga kayo..Parehas kayung makulit!" sabi niya at pinisil niya ang pisngi ko.

Kinilig naman ako sa ginawa niyang iyon.. Teka, bakit ako kinikilig? Hindi pwede to!

"Ganun?"

So may similarity rin pala kami ni Sai, besides the appearance..

"Oo." sabay ngiti sa akin..

"Anyway, Anu na? Sabihin mo na.."

Nagbuntong hininga muna siya bago muling nagsalita.."Ok, but promise you won't tell anyone, and also, don't judge me.."

"I promise!" itinaas ko ang kanang kamay ko.


Ano naman kaya ang sinasabi niya na wag kong sasabihin kahit kanino? Hmmm...

"Magkababata kami niyang kakambal mo..Magkaklase since kinder and hanggang ngaun..magbestfriends kami...NOON..Ang saya saya namin noon..Parang magkapatid na nga rin ang turingan namin niyang si Sai..Habang lumilipas ang panahon, lalong gumagaan ang loob ko sa kanya...until sa hindi ko na namalayan....na..." bigla siyang tumigil..parang bigla siyang nahiya na ipagpatuloy ang sasabihin.

"Na?"

"Na...."

I think I know where is this going..Are you thinking what I'm thinking?


Confirmed!


So tinulungan ko na siyang i-open up ito sa akin..Sana lang tama ang hinala ko..dahil kung hindi, mapapahiya ako at baka magalit pa siya sa akin dahil ganun ang tingin ko sa kanya..."Na nahulog ang loob mo sa kanya?" tanong ko.

Tiningnan muna niya ako..pagkatapos ay tumingin sa baba, at saka tumango..

Confirmed indeed. Grabe bakit hindi ko siya naamoy kaagad? Kalahi ko pala ito. 


Hindi naman kasi siya malansa katulad mo!


Ahh ganon?!


Oo! isa kang malansang sirena!


Ikaw naman, isa kang masangsang na shokoy!


Che!


Che ka rin!


"Nakakahiya.." bulong niya..

Bakit naman siya nahihiya? Wala namang masama sa ganun ah? Ako nga eto oh, hindi naman ako nahihiya sa iba..Wala naman kasi dapt ikahiya..Wala namang ginagawang masama..wala rin namang natatapakan na tao, kaya go lang dapat!

Hinawakan ko ang balikat niya,. "You don't have to be ashamed of anything Harvey..Wala namang masama kung ganyan ka..kung ganito tayo.."

Bigla siyang napatingin sa akin.."You mean,...you're...."

"Yes..I am.." sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"T-talaga?"

"Oo nga!" at tumawa ako..

"Alam ba nila tita na ganyan ka?" tanong niya.

Tumango ako..Alam nilang lahat kung ano ako..At tanggap naman nila, even si Papa..Kaya nga nung hiniling niya sa akin na etong course na to ang kunin ko, hindi na ako nagdalawang isip na pagbigyan ang hiling niya..Siyempre, since tanggap naman nila, I have to do my part rin naman, at iyon ang pagsunod sa magulang ko..Swerte ako na tanggap nila ako..Bihira ang mga ganyan..yung iba nga, pinapalayas sa bahay nila,..itinatakwil ng tatay nila..Pero ako, ayan, tanggap na tanggap..Kaya kailangan ko ring suklian yung kabaitan nila.

Nagkwentuhan pa kami tungkol sa kanila ni Sai..Matagal na pala niyang gusto si Sai, simula pa nung highschool sila..natatakot lang itong sabihin, dahil baka raw layuan siya nito..Dahil alam niyang lalaki si Sai..Pero nung nalasing sila isang beses, nung birthday ni Sai, hindi na niya napigilan ang sarili niya at nasabi niya kay Sai ang kanyang nararamdaman..

"Galit na galit siya sa akin noon..I've been taking advantage on him daw..Pero kahit kailan, I never took him for granted...Hindi ko siya inabuso..I tried to act just like a normal bestfriend would..Kahit nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang may kasama siyang iba..Kahit na nahihirapan ako na hindi ko siya mayakap at mahalikan..Tiniis ko lahat ng yun..wag lang siya lumayo sa akin.." sabi niya.

Ang martyr pala nito! Parang ikaw lang!


"Mahal mo talaga siya no?" tanong ko..

"Minahal ko siya...Pero natutunan ko nang kalimutan ang nararamdaman ko...Since hindi rin naman magiging kami, might as well move on.."

"Hindi ako naniniwala.." sabi ko.

"Hindi ka naniniwala na???"

"Na hindi mo na siya mahal...Alam ko, mahal mo pa rin siya..." tugon ko ng nakangiti.

"And how can you be so sure? Nababasa mo ba kung ano ang nasa isip at puso ko Mr. Sam Wilson?"

"Nope..pero nararamdaman ko.."

"Malay mo, I've found someone else na.."

"Hindi, mahal mo pa rin talaga siya.."

"Hindi nga ih!"

"Mahal mo siya!"

"Ang kulit!!!!!" sabi niya sabay tawa..

Tumawa rin ako,."Aminin mo na kasi!!"

"Ano bang aaminin ko? Eh hindi naman talaga!"

Hindi ko na siya kinulit pa..baka kasi magalit pa siya.."Ok..basta..." sabi ko..Tumawa siyang muli..

Bigla kaming natahimik dalawa..Nilingon ko siya..Pagkalingon ko, nakita ko siyang nakatitig sa akin..

Shoot! Why is he staring at me?!Hala? Nabighani sa taglay kong kagandahan?


Ang kapal! Nastiff neck lang yan kaya hindi na maigalaw yung ulo!


Gaga! Stiff neck ka jan! Abnormal!


Mas abnormal ka!

"Why are you staring at me like that? Do I have something on my face?" tanong ko..Hindi pa rin siya sumasagot.

Infairness, gwapo talaga tong si Harvey..Kung wala lang akong boyfriend!


Aba! Ang landi talaga! Lagot ka kay Van!


Joke lang to naman!

"Harvey?" inuga ko siya.

"Oh, I'm sorry what?" tanong niya bigla ng parang bumalik siya sa kasalukuyan.

"Nakakalusaw yang titig mo!" biro ko sa kanya.

"Oh, I'm sorry,." sabi niya sabay tawa. "Magkamukhang magkamukha talaga kayo.."

"Ahh eh siguro dahil po magkakambal kami?" sarcastic na tugon ko sa kanya.

"Hmmmmm!!! ang cute mo talaga!" sabay pisil sa pisngi ko.

Kinikilig ako! Wait, hindi pwede to! Bakit ako kinikilig!Kainis!


Ang landi mo talaga!


Arrrghh, kainis naman kasi, bakit ang daming gwapo sa balat ng lupa!


Edi try mong pumunta sa ilalim ng lupa!


Gaga!



Pagkatapos naming kumain, pumunta na kami sa next class namin..Kapag naman pinaglalaruan ka talaga ng tadhana oo..Magkaklase pa rin kami! Parang highschool lang ang dating sakin!


Baka naman kasi meant to be!

Meant to be ka jan! May Van na ko! Hindi ko na kailangan pang maghanap ng iba! Which reminds me, ano na kaya ang ginagawa nun ngayun?

Wala pa naman yung professor namin kaya tinext ko muna sa Van.

-> Hi kuya! What gawa mo ngayun?

Kaagad naman siyang nagreply.

+> Hi bunso ko! Eto iniisip ka..ikaw? I miss you. :(

Bigla naman akong kinilig sa text niyang iyon..

-> awwwe :) parehas po pala tayu ng ginagawa.. i miss you too po!

+> Cge bunso ko, dito na prof ko, usap na lang tayu ulit mamaya..i love you!

Narinig ko sa mga kaklase ko na paparating na rin daw yung prof namin.

-> Cge po kuya ko! Dito na rin prof ko eh,..i love you more!

+> I love you morER! :P

-> I love you morEST! :P

+> Cge na, baka hindi pa kita mapakawalan,.i love you! Mwah!

-> hehehe, I love you too! Mwah!

Nasa ganun akong state of kakiligan ng biglang nagsalita si Harvey..Katabi ko lang siya.."Sino yang kausap mo? Mukhang kinikilig ka ah!"

"Ahh, wala ito.." palusot ko.

"Naku! Boyfriend mo no?" sabi niya..Buti na lang at sa likod kami nakaupo, at walang tao sa row sa harap namin.

"Ah eh..Oum." sabay tango sa kanya..

"Ahh so may boyfriend ka na pala..." sabi niya..ewan ko kung tama ang pandinig ko, pero narinig kong binulong niya na, "wala na pala akong pag-asa.."

"Anu yon?" tanong ko.

"Hmmm? May sinabi ba ko?"

"Parang may narinig lang kasi ako..Oh well.." sabi ko nalang. Pero I swear, promise talaga! Narinig ko talaga yun!

Naku! Ayan na naman tayo sa kakapalan ng mukha mo!

Ayan na naman tayo sa sobrang kaepalan mo!

Whatever!

Inggit ka lang!

Inikot ko ang mga mata ko sa buong class..Nagbabakasakaling may iba pa kong kilala, like classmate ko sa morning class ko..Pero nagulat ako kung sino ang makita ko sa class na iyon..Si Sai!!!

"Kaklase rin pala natin si Sai?" bulong ko kay Harvey..

"Oo,." sabi niya.

Nagsimula na ang klase,..naging active naman ako sa pagsagot sa mga tanong ng prof namin.Bilib na bilib naman sa akin si Harvey, ang galing galing ko raw..Nung napalingon naman ako sa direksyon ni Sai, matulis ang tingin niya sa akin pagkatapos ay inirapan ako..

Aba! At ang taray!

Anong drama nun?!

Insecured..

Hindi naman siguro..matalino rin naman daw siya sabi ni Harvey. Hay nako..Yamu na nga siya!

Tama, dedma na lang.

Natapos ang buong araw..okay naman ang first day ko..I met some new friends..including Harvey..Ang bait nga eh, hinatid pa ko pauwi.. Pagpasok ko sa bahay, dumiretso na agad ako sa kitchen para kumuha ng maiinom..Wala sa bahay sina mama, papa at sina kuya..Nasa trabaho silang lahat..naabutan kong naroon din si Sai, umiinom ng juice naroon rin ang isang katulong..Nginitian ko lang siya pero inisnob pa rin niya ako. 

Aba! At ano nanamang problema nito?! Hay nako!

"May kailangan po kayo sir?" tanong ni manang Betty.

"Ahh tubig na lang po, salamat." sabi ko naman..kaagad akong kinuha ng tubig ni manang..Umiinom na ako ng biglang nagsalita si Sai.

"Mukhang magkaibigan na kayo ni Harvey ah.." sabi niya.

"Oo, magkaibigan na kami..Ang bait pala nun..Diba magkaibigan rin kayo?" sabi ko na lang at nginitian siya..

Mga ilang segundo rin bago siya nakasagot.."Used to be.." maikling tugon niya.."Hindi kasi ako nikipagkaibigan sa mga taong manggagamit,."

Wow! Ang lakas naman makapintas nito! Akala mo kung sino siyang perpekto!

Ou nga!

Hindi ko na lang siya sinagot..

"Ang galing mo rin kanina ah..nasasagot mo lahat ng tanong ng prof natin..nagpasikat?"

Waaa! Ako? nagpapasikat??

"Excuse me??"

"You heard me,.Nagpapasikat ka! Nagmamayabang! Gusto mo ikaw ang magaling! gusto mo ikaw ang sikat!" sabi niya.

Aba! Away na to!

Shhh!

"That's not true Sai!" depensa ko.

"Talaga lang ha? Alam mo, bagay kayo ni Harvey. Parehas kayung plastik!" sabi niya.

Nag-umpisa na lang akong maglakad papunta sa labas ng kusina..Ayoko nang makipagtalo sa kanya. Baka kung ano pa magawa ko sa kanya..

"Hey! I'm yet finish talking to you!" hindi ko na pinansin iyon at dumiretso na lang sa kwarto..

Kainis yang Sai na yan ha..Ang yabang yabang!!! arrghhh!

Wag mo na nga lang siyang pansinin..Papansin lang yan!

Arrrghh Kainis kasi eh!! Kala mo kung sino siya!!

Tinry kong tanggalin ang inis ko sa kanya sa pamamagitan ng pagtulog..Napagod rin kasi ako sa unang araw ng school..Nagising akong katabi ko si kuya Max sa higaan..Nakatitig lang siya sa akin..

Nginitian ko siya.."Bakit ka nakatitig sakin ng ganyan kuya?" tanong ko habang kinukuskos ko yung mga mata ko.

"Ang cute kasi ng bunso ko, lalo na pag natutulog.." sabi niya.

"Bolero ka talaga kuya.." sabay bato ko sa kanya yung isang unan.. tumayo ako.."Ano nga palang ginagawa mo dito kuya?"

"Kakain na kasi tayo ng dinner."

"Eh bakit di mo na lang po ako ginising?"

"Ang himbing kasi ng tulog mo, kaya hinintay na lang kita magising.." tugon naman niya.

"Ahh..sige kuya, maghihilamos lang ako tapos bababa na rin ako.."

"Sige, hintayin na kita.."

At naghilamos ako..Pagkatapos ay pumunta na kami sa baba..naabutan namin na nakaupo na silang lahat..

"Goodevening anak.." bati sa akin ni mama.

"Good evening po mama." sabay beso kay mama.

Nagsimula kaming kumain. Tahimik lang ako..Ganun rin si Sai..pero kapag nababaling ang tingin ko sa kanya, nakikita kong matulis ang tingin niya sa akin.

"Tumawag nga pala kami ng papa mo sa school niyo..Para kamustahin ang naging performance mo sa first day mo dun.." sabi ni mama.

"You're professors told me that you're doing great..they say you're a smart kid..Keep up the good work Sam.." sabi naman ni Papa..

"Very good anak! Alam kong kayang kaya mo ito anak.." sabi ni mama.

"Thank you po, ma, pa." tugon ko ng nakangiti,.

"Ou nga naman Sam,.Congratulations! Ang galing galing mo." said Sai, with sarcasm.."Next time, gagalingan ko rin para naman matuwa sina mama and papa sa akin..Oh wait, actually ginalingan ko..I think it's just not good enough." sabi niya.

Bigla akong natahimik sa sinabi ni Sai.

"Sai!" sabi ni kuya Ken.

"What? Totoo naman ah! When I graduated salutatorian last year, naging ganyan ba kayo kahappy? Hindi!" sabi niya..

"Sai stop it!" sabi naman ni papa.

"No!" sabi niya sabay tayo.."I did everything! Pero bakit parang kulang pa rin?! Bakit si Sam?" at tinuro niya ako.. "Ang saya saya niyo para sa kanya!..Eh ako?!! You never became happy for me! That's because you don't love me! Siya lang ang mahal niyo!" nakita kong pumatak ang luha niya.

Nilapitan siya ni mama.."Sai, anak.." ngunit itinaboy siya nito.

"No Ma!" sabi ni Sai..Tinignan niya ako..Punong-puno ng galit ang kanyang mga mata..Akala ko'y may sasabihin siya, ngunit nagwalk-out lang siya..

Bakit sayo siya nagagalit? Ano bang ginawa mo sa kanya? Wala ka namang ginagawa sa kanya ah..


Hindi ko rin alam..

Natulala lang ako.. "Bunso, wag mo nang isipin yung sinabi ni Sai.." sabi ni kuya Ken habang nakahawak siya sa braso ko.

Binigyan ko na lang siya ng pilit na ngiti..Feeling ko tuloy, ako ang may kasalanan ng lahat ng to..Dumaan ang mga araw, at hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo sa akin ni Sai..Para ngang hindi ako nag-eexist eh..Hindi  ko na lang siya pinansin..Mas minabuti ko na lang na magfocus sa pag-aaral..Pero sa tuwing nagkikita kami sa school, parang may nagtutulak sa akin na lapitan siya at ayusin kung ano mang gusot ang meron sa amin..

Hayaan mo na nga lang siya!


Hindi pwede, kapatid ko siya..Kakambal pa nga eh! Hindi ko siya kayang tiisin, lalo na't hindi ko alam kung bakit siya ganun sa akin..gusto kong ayusin kung ano mang problema namin..

Napagdesisyunan kong kausapin siya..Isang araw, sa school,.Lunch na noon.Naglalakad kami papuntang cafeteria.

"Sai!" sabi ko habang hinahabol ko siya,."Sai sandali lang!" hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya.

"Ano ba?!" tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya.."Ano ba ha?! Tigilan mo nga ako!" sabi niya sabay talikod.

"Sai wait! I just want to talk to you." sabi ko..hinawakan ko ang balikat niya.

"Hindi ka ba titigil ha?!" galit na galit siya..tumalikod siyang muli.

"Sai!"

Sa pagharap niya muli, ay sinuntok na niya ako sa mukha.. Tumumba ako sa lakas ng suntok niya..Nagulat ang lahat ng tao sa nakita nila..Masakit yung suntok niya..Naluha nga ako sa sakit.

"Sam!" sigaw ni Harvey..tinulungan niya akong tumayo.."Ayos ka lang ba?"

Tumango na lang ako..

"Ano bang problema mo?! Bakit mo siya sinuntok ha?!" sabi ni Harvey.

"Yan ang problema ko!" sabay turo niya sa akin..

"Wala naman akong ginagawang masama sa'yo ah! Gusto ko lang makipag-usap! Hindi ko nga alam kung bakit ka galit na galit sakin eh!" sagot ko naman..

Hindi na nagsalita pa si Sai at umalis na ito..Kaagad naman akong dinala ni Harvey sa clinic.

"Bakit mo ba kasi nilapitan yun? Ayan tuloy, nasaktan ka pa.." sabi ni Harvey.

"Harvey, gusto kong malaman kung bakit siya galit sa akin dahil wala naman akong nakikitang dahilan kung bakit siya ganun sa akin..Gusto ko na lang wag pansinin pero, hindi ko matiis..magkapatid kami Harvey..Magkakambal pa..hindi ba mas maganda na magkaayos kami?"

"Pero nasasaktan ka na Sam.." sabi niya.

"Kung ito lang ang paraan para magkaayos kami, kahit suntukin pa niya ako ng ilang beses, ayos lang..ang mahalaga, magkaayos na kaming magkapatid.."

Hindi na nagsalita pa si Harvey..Sa halip ay nginitian na lang niya ako..

Bakit ba kasi ipinagsisiksikan mo yang sarili mo kay Sai? Nakita mo namang ayaw ka niya eh!


Sabi ko nga, magkapatid kami..At hindi ko siya kayang tiisin.


Eh bakit ikaw natitiis niya.


Porket ba ganun siya sa akin ay ganun na rin dapat ako sa kanya?


Oo ah! Kung ayaw niya sa'yo, wag ka nang magpumilit pa.


Hindi pwede..kapatid ko siya..Malay mo, mapalambot ko rin ang puso niya.


Ang tanga mo talaga!


Tanga na kung tanga..Mahal ko lang yung kapatid ko..

Pag-uwi ko ng bahay, kaagad napansin ng mga magulang ko ang pasa ko sa mukha..Nagpalusot na lang ako na nadulas ako sa banyo at tumama ang mukha ko sa sahig..Ayoko na kasing mas magalit pa sa akin si Sai kung sasabihin kong siya ang may gawa sa akin noon..

Dumaan ang mga araw, wala pa ring nagbabago..ganun pa rin si Sai sa akin..hindi ako pinapansin..Kaya mas minabuti ko na lang munang magfocus sa aking pag-aaral..Mas napapalapit naman kami ni Harvey sa isa't-isa..Unti-unti ko siyang mas nakilala..Mabait talaga siya, lagi kaming sabay umuuwi, kumakain sa labas, magkasamang gumagawa ng projects and assignments..Okay naman ang relationship namin ni Van..Nag-uusap naman kami araw-araw..Parang wala namang nagbabago saaming dalawa.. Isang araw, may dumating sa bahay..

"Sir Sam, may bisita po kayo.." sabi ni manang.

"Sino daw po?" tanong ko.

"Ako." sabi nung boses na nanggaling sa likod ni manang.

Halos abot tenga ang ngiti ko ng makita ko siya..Kaagad akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit..Namiss ko siya ng sobra..

"Kuya!" sabi ko..


---------------------------------
Until the next episode,
Sam.


contact me @: 
fb: vince_blueviolet@yahoo.com
ym : binz_32@yahoo.com

(message na lang po kayo, say your blogger name or sabihin niu n lng po na nabasa nio tong story na ito sa site na ito. thanks!)

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP