The Best Thing I Ever Had - (Part 6) Lonely

Thursday, July 28, 2011

Note: Eto na po ang part 6 ng TBTIEH! Sorry po kung mejo na-late ang update, nagkaroon lang po kasi ng kunting issues lol. I would like to thank my friend Macky and Coleen for helping me to write this part. Thanks!

Enjoy reading!

Ralph Alexander Michael Chua o mas kilala sa tawag na Ram.

Grabe ha! ang hilig mo sa mahaba ang pangalan!

Anyway. Ka-batch lang namin siya. Tulad ni kuya Van, isa rin siyang varsity sa basketball team sa Dickinson University, ang school namin. Isa siya sa mga basketball hotties. Magaling siyang magbasketball gaya ni kuya Van. Sila ngang dalawa ang pinakamagagaling sa team nila. Pero pag nasa court na, mas nag-shi-shining shimmering splendid si kuya Van kaysa kay Ram. Siguro dahil sa mas cute si kuya Van sa kanya or mas hot or somthing. Ewan ko. Kasi sa tingin ko naman eh parehas lang silang gwapo. Ayun, dahil nga sa "inggit" daw, naging no.1 enemy ni kuya Van si Ram. Kumbaga super villain ang set-up. joke.

Over! Grabe!

Anung over ka jan?

Over! ang Chismosa mo, lahat alam mo! haha.

Che! Hindi ako chismoso no! Naririnig ko lang yan!

Anyway, back to the real world. Nadulas nga ako, nasapo niya ko.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin, habang nasa braso pa rin niya ang mga katawan ko.

"O-oo. salamat." tumayo na ko at nag-ayos ng sarili.

"You're welcome..Av, right?" sabi niya.

"Yep. and you are?" siyempre kahit alam ko yung pangalan niya, parang gusto ko na magpakilala siya sa akin. Ewan ko kung bakit, siguro malakas lang trip ko or malakas lang talaga tama ko.

Pagpasensyahan ninyo na po, kalalabas lang ng mental.

Shh! Shut up!

"I'm Ram." ngumiti siya sa akin at iniabot ang kanyang kamay.

"Nice to meet you Ram. Salamat nga pala sa..uhmm...pag-sapo mo sakin." sabi ko sa kanya, at inabot ko ang kamay ko sa kanya. Habang nasa ganoon kaming situation, tinawag ako ni kuya Van mula sa aking likuran.

"Av! Halika na!" ang mejo mataas na tono ng boses ni kuya Van.

Tumingin ako sa likod ko at nakita kong nasa kabilang dulo ng aisle si kuya Van pero mukhang galit siya.

"Uhhm..opo! nanjan na po!" sagot ko naman. 

Humarap ako kay Ram at nakita ko na masama ang tingin niya kay kuya Van."Uhmm Ram, salamat ulit ha? I have to go. See ya around! Thank you ulit!" at naglakad na ako papunta kay kuya Van.

Nginitian naman niya ako. Habang naglalakad ako patungo kay kuya Van, hindi pa rin maalis sa kanilang mga mukha ang masamang tingin sa isa't isa.

Anung meron sa dalawa na to? Ganito ba talaga sila? talagang nemesis talaga ang turingan sa lahat ng bagay at kahit saan?

Read more...

STRATA presents: Bulong ng Kahapon 2

STRATA presents

BULONG NG KAHAPON

PART 2 – Ang Kasunod ng Simula

“Mercedes?” nagulat na wika ni Arman nang makita kung sino ang nasa kwarto niya.

“Arman!” hagulgol ng dalaga saka patakbong niyakap ang binata.

Inaasahan na ni Arman na sa kanya unang lalapit ang dalaga. Alam na niyang siya ang unang pagsasabihan nito ng problema dahil siya ang pinakamatalik nitong kaibigan. Kanina pa nga niya pinaghahandaan ang pagkikita nila ni Mercedes at sa buong akala niya ay matatag na siya para harapin ito subalit pilit siyang pinapahina ng kanyang kunsensya.

“Mercede…” pang-aalo ni Arman.

“Iniwan na ako ni Phillip! Ayaw na niya sa akin.” sagot ni Mercedes.

“Sige lang!” wika ni Arman saka hinagod sa likod ang kaibigan.

“Hindi na niya ako mahal. Ayaw na sa akin ni Phillip, iba na ang gusto niya.” iyak ni Mercedes.

“Ayos lang iyan.” sagot ni Arman na nais na ding mapaiyak at sabihin kay Mercedes kung ano ang tunay na dahilan ni Phillip.

“Ano ba ang mali sa akin? Ano ba ang kulang sa akin? Ano ba ang ayaw niya sa akin?” sunud-sunod na tanong ni Mercedes kay Arman.

“Walang mali sa’yo, wala ding kulang o dapat ikaayaw.” pang-aalo ni Arman.

“Bakit niya ako iniwan?” tanong ni Mercedes.

“Sapagkat may mga bagay na tanging ang panahon lang ang makakasagot.” walang maisip na dahilang tugon ni Arman.

“Ayoko ng mabuhay!” wika pa ulit ni Mercedes. “Papakamatay na lamang ako.” sabi pa ng dalaga.

“Huwag na huwag mong gagawin iyan Mercedes!” pigil ni Arman na biglang nakaramdam ng pagkabahala. “Kasalanan iyan! Ang pagkitil sa sarili mong buhay.” paliwanag pa ni Arman.

“Ito lang ang paraan para makalimutan ko ang lahat.” sagot ni Mercedes.

“Hindi iyan ang tamang solusyon Mercedes!” sagot ni Arman. “May mga bagay na hindi mo makukuha sa isang iglap. Kagaya nang sakit na nararamdaman mo, hindi yan panandalian lang.” sagot ni Arman. “Tulad nang sakit na nararamdaman ko, kung paano ako usigin nang sarili kong budhi, na hanggang ngayon ay patuloy pa ding ipinaparanas sa akin ang sakit.” bulong naman ni Arman sa sarili.

Nanatili sila sa ganuong posisyon hanggang sa –

“Arman!” tawag ni Phillip mula sa pintuan.

“Sssh!” sabi ni Arman. “Baka magisisng si Mercedes.” wika pa ng binata.

“Ilapag mo na iyan d’yan!” sabi pa ni Phillip. “Halina muna sa labas. Ibilin mo na lang din iyan kay manang Juana.” habilin pa nito.

“Saan ba tayo paparoon?” tanong ni Arman.

“Lalabas lang tayo sandali.” sagot ni Phillip. “Ito naman, parang may bago pa duon.” dugtong pa ng binata.

“Hindi ko ata kayang iwan si Mercedes na mag-isa.” sagot ni Arman.

“Arman naman!” may himig nang tampo sa tinig ng binata.

“Sige na nga!” tugon ni Arman na may pilit na ngiti saka inilapag si Mercedes sa higaan.

Sa may liwasan –

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Arman.

“Mamasdan natin ang paglubog ng araw.” sagot ni Phillip.

“Kanina pa nakalubog ang araw.” kontra ni Arman.

“Papasikatin ko ulit para ating sabay na masilayan.” sagot ni Phillip.

“Ano ba talaga ang nais mong mangyari?” tanong ulit ni Arman.

“Ang makasama ka ngayong gabi.” sagot ni Phillip.

“Kung maaari sana ay sabihin mo na sa akin kung ano ba talaga ang plano mo?” pamimilit ni Arman.

“Iyon ring malalaman sa oras na mapunta tayo sa sinasabi kong lugar.” sagot ni Phillip.

Maya-maya pa at –

“Ano to?” tanong ni Arman nang bigla siyang piringan.

“Magtiwala ka lang.” sagot ni Phillip.

“Ano ba kasi ang dahilan nito?” tanong pa ni Arman.

Ilang saglit pa at –

“Ano yun?” hindi maidilat ni Arman ang mga mata dahil sa pagkasilaw.

“Di ba sabi ko ay muli kong pasisikatin ang araw?” tanong ni Phillip.

“Phillip! Anung kalokohan na naman ito?” tanong ni Arman. “Saka nasaan ba tayo?” tanong pa ulit ng binata.

“Labis labis ang pagtatangi ko sa iyo Arman. Ikaw ang liwanag na matagal ko nang hinihingi sa Maykapal, ikaw ang gabay na laging laman ng aking dasal. Simula nang araw na makilala kita, unti-unti kong nakita ang sarili kong ikaw ang kasama.” saad pa ni Phillip.

Sa wakas ay nagawang maidilat ni Arman ang mga mata at nalaman niya ang dahilan kung bakit siya silaw na silaw, dahil halos naka-ikot sa kanya ang spotlight na siya lang ang pinapatamaan.

“Handa ka na bang tanggapin ako ng buung-buo Arman?” tanong ni Phillip kay Arman saka nito nilapitan ang binata.

“Malaking iskandalo ito sa iyong pamilya sa oras na malaman nilang ganito ang ginagawa mo.” saad ni Arman.

“Huwag mo na muna silang alalahanin dahil sa oras na ito, ang pagmamahalan na muna natin ang bigyang daan.” pahayag ni Phillip.

“Phillip…” tugon ni Arman. “…sa dami ng pinagdaanan natin, ang pinagdaanan ng lihim nating pagmamahalan ay bakit ko naman tatanggihan ang isang tulad mo.” sagot ni Arman.

“Salamat Arman!” napayakap na tugon ni Phillip.

“Ngunit hindi ko maatim na habang nasasaktan si Mercedes nang dahil sa akin, ako naman itong nagpapakasaya.” tutol ni Arman.

“Nuong una ay nakukunsensya ka dahil kinakaliwa ko si Mercedes, ngayon namang nakipaghiwalay na ako sa kanya ay puno ka pa din nang pag-aalala.” wika ni Phillip. “Panahon naman para isipin mo ang sarili mo.” paalala pa nito.

“Ngunit Phillip…” pagtutot ni Arman.

“Walang masama kung hahayaan mong lumigaya ka naman.” tugon ni Phillip. “Ako, tulad mo ay nalulungkot para kay Mercedes ngunit pasasaan ba at ako’y kanya ding malilimutan. Para saan ba at makakakita din siya nang bagong giliw. Piliin mo munang maging makasarili, dahil si Mercedes ay malalagay din sa wasto.” pang-aalo ni Phillip.

“Ano? Ayos na ba?” tanong pa ni Phillip nang makitang natahimik na lang si Arman.

“Sige! Tinatanggap na kita nang buung-buo.” sagot ni Arman na may mga ngiti sa labi.

“Salamat Arman! Labis ang aking kaligayahna.” sagot ni Phillip saka niyakap si Arman.

“Ngunit nakahanda ka ba talaga sa maaring kahantungan nang ating pagsasama?” tanong ni Arman.

“Alisin mo na ang lahat nang pag-aalala sa iyong isipan Arman!” wika ni Phillip. “Dahil hangga’t sumisikat ang araw ay may bagong umagang darating para tayo ay harapin.” wika ni Phillip.

“Umaasa ako Phillip. Higit pa at isang kasumpa-sumpa ang mga katulad natin sa paningin nila. Natatakot akong dahil dito ay layuan ako ng pamilya ko, ng mga kakilala at kaibigan ko. Natatakot akong ituring nilang salot o kaya naman ay pandirihan na tila may nakakahawang sakit.” paglalahad ng takot ni Arman.

“Hangga’t wala tayong sinasaktan, tinatapakan, wala tayong dapat alalahanin. Tayo lang, ang mga katulad lang natin ang nakakabatid na hindi masama ang ating ginagawa.” tugon ni Phillip.

“Ngunit si Mercedes?” tanong pa ulit ni Arman.

“Si Mercedes ay hindi natin sinaktan, dahil maging tayo man ay nahihirapan sa kanyang dinadanas. Si Mercedes ay naunang dumating ngunit dahil sa pagkakaila ko sa damdamin ko sa’yo, pilit kong sa kanya ibaling ang lahat subalit isang pagkakamali ang aking nagawa.” paliwanag ni Phillip.

“Phillip.” tanging nasabi ni Arman. “Mali! Nasaktan pa din nating si Mercedes at hindi ako magiging masaya hangga’t alam kong may kirot at sakit pa din siyang dinarama.” sa isip ni Arman.

“Sa ngayon, ituon muna natin ang lahat para sa ating kinabukasan.” saad ni Phillip.

Read more...

STRATA presents: Bulong ng Kahapon 1

STRATA presents

BULONG NG KAHAPON

PART 1 – Ang Simula

Tag-araw ng taong 1940, patapos na ang buwan ng Mayo at ilang araw na lang ay magsisimula na ang unang araw ng pasukan. Masayang nagbakasyon si Phillip sa probinsya nang kanyang kaibigang si Arman nang nang kanyang kasintahang si Mercedes. Nakilala ni Phillip si Mercedes dahil kay Arman na kanya namang kaklase at matalik na kaibigan –

“Phillip!” simula ni Arman sa sasabihin. “Hindi na kayang dalin nang aking kunsensya ang ginagawa natin.” dugtong pa ng binata. “Sa tuwing masisilayan ko si Mercedes ay inuusig ako ng aking damdamin dahil sa ginagawa nating kalapastanganan.” paliwanag pa nito.

“Ngunit Arman…” tututol pa sana si Phillip nang muling magsalita si Arman.

“Hindi ko na nagagawang matulog ng mahimbing sa gabi dahil sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay ang lihm nating pagsasama ang aking naaalala. Hindi ko na magawang mahimbing dahil lagi at laging binabagabag ako sa mabilis na pagbalik ng karma. Hindi ko magawang makatulog nang maayos sa gabi dahil hindi ko lubos maisip na nakagawa ako ng kapangahasang makakasakit sa aking pinakamatalik na kaibigan.” muling pagpapaliwanag ni Arman.

“Unawain mo naman ako Arman! Labis-labis ang pagtangi ko sa iyo, ang pagmamahal ko para sa iyo. Huwag mo naman sanang baliwalain lahat ng pagtinging iniuukol ko para sa iyo.” pakikiusap naman ni Phillip. “Ayaw kong mawala ka sa akin sapagkat labis na kalungkutan ang idudulot nuon sa aking damdamin.” habol pa nito.

“Unawain mo din sana ako Phillip! Tila tinatarakan nang balisong ang aking puso sa tuwing makikita kong masaya si Mercedes, habang nakangiti at maligaya niyang sinasalaysay kung gaano ka niya iniirog, kung gaano ka niya kamahal.” paliwanag ulit ni Arman. “Ngunit higit pa ang sakit nararamdaman ko sa tuwing ilalahad niya ang mga bagay na ginagawa mo sa kanya.” dugtong pa nito.

“Arman, handa akong iwanan si Mercedes at ikaw ang piliin ko. Handa akong ipakilala ka sa buong mundo, handa akong ipaglaban ka, ang kaligayahan, ang buhay ko.” sagot ni Phillip saka hinawakan sa mga kamay si Arman.

“Kahit isumpa ka ng pamilya mo? Kahit itakwil ka ni Senyor Fabregas?” tanong ni Arman.

“Oo!” sinserong sagot ni Phillip.

“Natatakot ako.” pahayag ni Arman.

“Ano ang dahilan nang pagkatakot mo?” nag-aalalang tanong ni Phillip kay Arman saka hinaplos ang mukha nito.

“Natatakot ako Phillip sa lahat ng maaaring mangyari.” tugon ni Arman. “Hindi ko alam ngunit sa pakiramdam ko ay mali ang tinatahak nang pagmamahalan natin.” komento pa nito.

“Akala mo lang iyon Arman, dahil ang totoo sinusunod lamang natin ang musikang ibinibigay sa atin ng ating mga puso.” sagot ni Phillip.

“Phillip.” tanging naisagot ni Arman.

“Oo Arman, ako ang bahala sa lahat.” paniniyak ni Phillip kay Arman saka niya niyakap ang binata.

Kinahapunan –

“Nandito lamang pala kayo.” bati ni Mercedes sa dalawa nang makita niya ito sa ilog.

“Ah, kararating lang din naman namin dito. Kanina ay naglibot kami sa plaza at tumingin-tingin na din nang maaring dalhin sa Maynila sapagkat nalalapit na naman ang pasukan natin.” sagot ni Arman.

“Nagpasama na din kasi ako kay Arman para mamili ng pasalubong kay Papa.” singit naman ni Phillip.

“Bakit naman hindi ninyo ako sinama?” may himig nang pagtatampo kay Mercedes saka kumapit sa bisig ni Phillip.

“Hindi ko na kasi nais pang ikaw ay abalahin. Alam ko namang matapos ang bakasyon ay matatagalan ka na bago muling makauwi.” katwiran ni Phillip.

“Alam ninyo, kung hindi ko lamang kayo kilala nang lubusan ay iisipin kong may pagtangi kayo sa isa’t-isa.” pahayag ni Mercedes.

“Papaano mo naman iiyon nanasabi?” utal na tanong ni Arman.

“Sa ikinikilos ninyo ay tila ba mas magkatipan kayo ni Phillip kung ihahambing sa akin.” sagot ni Mercedes. “Kung hindi ko lang talaga batid na malalim ang naging samahan ninyo ay iyon nga ang iisipin ko.” dugtong pa ng dalaga.

“Halina kayo at tayo at itigil na iyang usapang iyan.” pag-awat naman ni Phillip.

Lalong inusig na kanyang kunsensya si Arman sa mga narinig kay Mercedes. Lalo niyang ginustong itigil na nang tuluyan ang namamagitang ugnayan sa kanila ni Phillip, ugnayang higit pa sa pagiging magkaibigan.

Sa bahay nila Arman –

“Ayoko na Phillip!” pahayag ni Arman. “Hindi ko na talaga kaya.” dugtong pa nito.

“Bakit Arman?” tanong ni Phillip.

“Hindi mo na dapat pang tanungin kung bakit sapagkat ilang beses ko na bang sinasabi ang sagot sa iyo.” turan ni Arman.

“Kung ito ay tungkol na naman kay Mercedes, huwag kang mag-aalala, gagawa na ako nang paraan.” sabi ni Phillip.

“Hindi ka ba nakukunsensya?” tanong ni Arman. “Nililinlang natin si Mercedes, niloloko at sa tingin ko ay pinaglalaruan.” paliwanag pa ng binata.

“Pagbalik natin ng Maynila, makikipag-hiwalay na ako sa kanya.” sagot ni Phillip.

“Bakit hindi pa ngayon?” tanong ni Arman. “Dahil ba natatakot kang sugurin ng kanyang ama?” kasunod na tanong ni Arman.

Nanatiling tahimik si Phillip –

“Alam mo naman kung gaano ka kamahal ni Mercedes, alam mo naman kung hanggang saan ang pagtangi niya sa iyo at inaasahan niyang ikaw ang maghahatid sa kanya sa dambana.” wika ulit ni Arman.

“Hindi ko naman inaasahang mas mamahalin kita kaysa sa kanya. Hindi ko naman inaasahang ang damdamin ko para sa iyo ay mas matimbang sa nararamdaman ko para sa kanya. Oo, sininta ko siya subalit higit ang naging pagtingin ko sa iyo.” paliwanag ni Phillip.

“Paano kung tanungin ka niya kung bakit ka makikipagkalas? Ano ang sasabihin mo? Ano ang idadahilan mo?” balik na tanong ni Arman.

Nanatiling tahimik si Phillip humugot nang isang malalim na buntong-hininga saka – “hindi ko ipagkakait sa kanya ang totoong dahilan.” sagot nito.

“Hah?” nagulat na ekspresyon ni Arman.

“Bakit? Anung masama? Huwag mo sa aking sabihing naduduwag ka?” tanong ni Phillip.

“Hindi naman sa ganuon, subalit naisip mo nab a kung ano ang kahihinatnan pag sinabi mo iyon?” balik na tanong ni Arman na hindi makapaniwala sa sinabi ni Phillip.

“Wala akong pakialam sa kung ano ang mangyayari dahil mas mahalaga sa akin ang makasama ka. Ayokong mawalay ka sa akin, ayokong magkalayo tayo, hindi ko kakayanin ang oras na dumating iyon.” tugon ni Phillip. “Kung nais mo ay ipagsisigawan ko pa sa buong daigdig ang pag-irog ko sa iyo.” habol pa ng binata.

“Phillip…” biting turan ni Arman.

“Wala akong pakialam sa pangungutya ng iba, handa akong ipaglaban ka sa harap ng madla.” turan ni Phillip saka hinaplos ang mukha ni Arman.

“Bahala na!” tugon ni Arman na may mga ngiting puno ng pangamba at alalahanin.

“Asahan mo, kung kailangan kong gumawa ng bagong mundo ay gagawin ko para lang makapiling kita.” wika pa ni Phillip saka hinalikan sa noo si Arman.

Mabilis na lumipas ang bakasyon at heto, bibiyahe na sila pa-Maynila dahil kinabukasan ay simula na nang unang araw ng kanilang klase. Huling taon na nila sa kolehiyo at talaga namang pahirapan ang makakuha ng diploma, kung gaano kahirap ang mag-aral ay doble pa nuon ang makatanggap ng minimithing diploma. Iilan lang ang may kakayahang makapag-aral dahil tanging mayayaman at iilang may kaya sa buhay lamang ang nagagawang papag-aralin ang kanilang mga anak.

Sa unang araw ng klase –

“Bakit Phillip?” umiiyak na tanong ni Mercedes kay Phillip, dinig na dinig ni Arman ang usapan nang dalawa mula sa punong pinagtataguan.

“Ipagpaumanhin mo Mercedes.” paumanhin ni Phillip kay Mercedes. “Hindi ko na talaga magagawang ipagpatuloy pa ang namamagitan sa atin.” paliwanag pa nito.

“Bakit nga Phillip? Ano ba ang dahilan? Ano ba ang naging pagkakamali ko? Ano ba ang naging pagkukulang ko?” sunud-sunod na tanong ni Mercedes.

“Wala kang pagkukulang, wala kang pagkakamali, ako ang may kasalanan.” turan ni Phillip.

“Ipaliwanag mo sa akin Phillip! Bakit mo ako iiwanan?” pamimilit ng dalaga.

“Hindi ko maaaring sabihin.” maikling tugon ni Phillip.

“Masakit Phillip! Napakasakit!” wika ng dalaga saka humakbang palayo sa binata.

Hindi alam ni Arman kung ano ang gagawin; kung lalapitan ba si Phillip, o hahabulin si Mercedes o mananatili sa pagkukubli sa likod ng puno.

“Alam ko Arman na nandiyan ka!” wika ni Phillip ilang minuto pagkaalis ni Mercedes.

“Bakit mo sinaktan si Mercedes?” simulang tanong ni Arman.

“Dahil kailangan kong gawin Arman!” sagot ni Phillip.

“Hindi mo na inisip kung ano ang maaari niyang maramdaman.” tugon ni Arman.

“Sa simula lamang iyon dahil darating din ang takdang oras para mawala ang sakit.” sagot ni Phillip.

“Paano mo nasigurado?” tanong ni Arman.

“Alam kong makakakita din siya ng lalaking para sa kanya at nababagay sa kanya.” sagot ni Phillip.

“Sana nga Phillip dahil hindi ko kayang makitang nasasaktan si Mercedes.” tugon ni Phillip.

“Huwag na nating alalahanin muna si Mercedes! Sa ngayon, mas mahalagang malaman mong malaya na ako at maaari na nating ipagpatuloy ang damdamin natin sa isa’t-isa.” saad ni Phillip.

“Hindi ko ata kayang maging masaya dahil alam kong nakasakit ako ng ibang tao.” tugon ni Arman.

“Isipin mo na lang Arman, kung hindi ko gagawin iyon habang-buhay tayong magtatago.” pahayag ni Phillip.

“Wala ding pinag-iba dahil ang sitwasyon natin ay habang-buhay din tayong magkukubli sa mata ng ibang-tao.” sagot ni Arman.

“Arman! Mahalaga kung gaano kita kamahal.” sagot ni Phillip saka niyakap si Arman.

“Phillip!” tugon ni Arman saka niyakap din si Phillip.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP