Monday, August 22, 2011


just wanna share lang ung mga katagang bumuo sa isipan ko haha thx XD


=================================================================

Ang sarap balikan ng Kamusmusan

Mga hindi paawat na tawanan

Mga sandaling nagbigay sa atin ng dahilan

upang ipagpatuloy ang ating nakagisnan


Ang sarap balikan ng kahapon

mga sayang di mawari ba kung nabaon

Nang mga mahal nating nalimutan na din ba ng panahon?


Ang sarap balikan ng mga ala ala

Mga senaryong nagbigay sa ating ng ngiti at tawa

Mga dahilan ng pagiyak at pagbangon

Mga eksenang di mabubura ng ilang libong taon


Ang sarap balikan ng lahat ng meron ka

pagtawa, pagluha, pag iisa at pagdurusa

mga damdaming bumuo sa kung sino ka

at malilimot ba ang abakadang turo ng iyong ina?


Ang sarap isulat ng lahat ng meron ka

gamit ang lapis at papel na kupas na

mistulang pagbabahagi ng isang kabanata

Nang nagdaang buhay na maaring maging isang nobela.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP