Hiling Chapter 9

Sunday, August 7, 2011


heto na po ang chapter 9 ng Hiling.. sorry po kukng inabot ako ng 2 weeks para makapag update... i have been very besuy these days.. at saka bigla pang nagraoon ng duty until saturday kaya every sunday na lang ang freeday ko.. kaya sorry po talaga ulit at natagalan ang pag update ko nito...

sa mga readers and active na nagbibigay ng kailang mga comments na sila

Gel
Erick vladd
MJ
matyu
mars
emray08
patrick
Nikkos
coffee prince
wastedpup
MC
mico
mcfrancis
flashbomb
wastedpup
Jay
Zenki
ash
roan
marclestermanila
wyne
Aerbourne14
ace.raven
sana wala na po akong nakalimutan... pati na rin po sa mga anonymous readers and silent readers out there ng HILING maraming salamat po....

so eto na po ang kwento sana po ay magustuhan ninyo....

~3rd/Roj~

Blog: http://bloodillusion.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/rojer.sawada



Hiling Chapter 9: I love you Goodbye

-oO0Oo-

DJ Fernandez

Nasa bahay na ako at nakatulala di ko alam kung anu ang pumasok sa isip ko at ninakawan ko ng halik si Felix. Pero talagang di ko na kaya pang pigilan ang aking nararamdaman para sa kanya. At least kahit na magalit siya sa akin ay nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko.

Nasa ganoon akong oras ng bigla akong nakatanggap ng text mula kay Felix. Para akong nabuhayan ng loob pero di ko alam kung bakit ganun samatalang di ko pa naman binabasa ang kanyang text sa akin. Pag bukas ko ng message na “sorry about sa naging reaction ko kanina... please let me explain a week after now we will be leaving and sana gusto ko pumunta ka sa airport para maihatid kami... i have something to give din naman to you” nagulat ako dahil sa kanyang message na yun. Gusto kong puntahan siya ngayon din sa kanilang bahay pero di ko magawa dahil sa siya na mismo ang nagsabi na gusto niya lang ako makita sa araw ng kanyang pag alis. Masakit man para sa akin yun pero kailangan kong gawin at titiisin ko dahil mahal ko siya.

Naging pala isipan para sa akin kung anu ang kanyang ibibigay sa akin. Nasa ganuon akong pag iisip ng nakatangap ulit ako ng isa pang text mula kay Rina. Damn it after a month ng walang pasabi oh kung anu bigla lang siyang mag text sa akin anu nanaman kaya ang gusto ng babaeng ito.

“babe please come here I need you... please....” ang sabi niya sa akin sa text. Shit naman after 3 years ngayon ko lang naman narinig or nabasa mula sa kanya ang tawagan naming noon. Noong una niya akong sinagot noong matino pa siyang tao.

Tumayo ako sa pagkakahiga ko at saka nag ayos para puntahan si rina. Gusto ko nang tapusin ang namamagitan sa aming dalawa. Isang buwan siyang naging malamig sa akin. Yun lang ang kailangan kong panahon at oras para tuluyan akong makalaya mula sa kanya. Akala ko tuloy tuloy na ang kalayaan ko yun pala patikim lang kaya ngayon gusto ko nang tapusin ang lahat para na rin sa ikabubuti ko at para na rin sa kanya.

KM Del Rosario

I was in my room thinking of the pro’s and con’s of my action and revelation for Felix. It has been a while since that scene and still every detail is as clear as crystal in my memory like it just happened yesterday.

Nasa ganoon akong situation when suddenly tumunog ang cellphone ko. Natuwa ako ng malaman kong si Felix ang nag text at saka ko nabasa ang kanyang text na “KM.. about your request.... please give me time... you know that a week from now we will be leaving... so can I ask you to be at the airport.... I will show you the signs you were asking me there....” i don’t know if matutuwa ako or malulungkot dahil sa kanyang sinabi pero I think I just have to wait for that day. Like the way I promised to him I can wait.

Rina Merioles

It has been a month since sinimulan kong maging malamig kay DJ, pero there is something inside me na nagsasabign itigil ko na ang kalokohan kong ito at bumalik na ako sa dati. Ang dating Rina  na mapagkumbaba at palakaibigan.

There is something with DJ that makes me do all this mean and crazy stuff just to keep him. Alam kong sobrang lumaki ang ulo ko simula ng naging kami ni DJ. I was just a regular girl before but simula ng naging kami ay unti-unti kong minahal ang pagiging miss popular and di ko na ata kayang bumalik sa pagiging regular and unknown.

There is something in me that doesn’t want lose him pero there is still something in me na nag uudyok na gawin ang lahat ng ito para lang mapansin niya ulit ako at para di siya mawala sa akin.

About the new guy KM yes I do like him pero hindi tulad ng kay DJ. I feel like gusto ko lang paglaruan si KM at ipamukha kay DJ na kayak o siyang palitan pero it is too imposible na mapalitan ko siya dito sa puso ko dahil kahit na naging nganito ako ay mayroon paring kauting nananatiling katinuan sa loob ko pag si DJ na ang pinaguusapan. I just hope na pumunta siya dito ngayon.

I am willing to everything to keep him even in desperate measures to the extent na kahit na i-seduce ko siya at makipag sex ulit sa kanya kahit na mabuntis niya ako ok lang para mas tumubay ang karapatan ko sa kanya.

DJ Fernandez

Nasa loob ako ng aking kotse ng muling pumasok sa isip ko si Felix. Laging siya ang laman ng isip ko nitong mga nakaraang araw at mas tumindi pa lalo na ipinagtapat ko na sa kanya ang aking nararamdaman.

-rina’s house-

Dahil sa kilala nanaman ako sa kanila ay agad din naman akong pumasok at dumiretcho sa patungo sa kanyang kwarto. Pag lapit ko pa lang sa kanyang kwarto ay agad niya itong binuksan ang kanyang pinto at saka hinila niya ako sa papasok ng kanyang kwarto.

Sa loob ng kwartong iyon na kung saan ay maraming kamalian na ang nangyari maraming beses nang pagtatalik ang nangyari. Naulit ang mga iyon agad niyang siniil ng halik ang mga labi ko at saka unti-unting binubuksan ang botones ng aking damit. Nasa ganoong situwasyon ng natauhan ako at saka ko siya naitulak papalayo para mapigilan ang kanyang balak.

“anu ba Rina!!! 1 bwan kang di nagpraamdam sa akin akala ko wala na talaga tayo!!! Akala ko malaya na ako!!! Rina!! Ayaw ko na sa ganitong situwasyon!! Pumunta lang ako dito para sabihin sayon ayaw ko na!! Pabayaan mo na ako!!!” ang bulyaw ko sa kanya sabay hawak sa kanyang mga braso para ipamukha sa kanya na seryoso ako at ayaw ko na talaga.

Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa kanya tapos saka ako tumalikod para lumabas ng kanyang kwarto ng biglang may tumama sa aking matigas na bagay na dahilan ng pagkawala ng aking malay.

Rina Merioles

Para akong batang nawalan ng candy dahil sa kanyang mga sinabi. Ng binitiwan niya ako at saka tumalikod ay agad kong inabot ang gold vase sa aking side table at saka inihampas ko sa kanya na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang malay tao.

Nag panic ako at di ko alam ang gagawin sa oras na iyon. Agad kong tinext si Byron para pumunta sa bahay oras na para isagawa ang plan B. Hinila ko ang katawan ni DJ na walang malay at pilit na inilapag sa aking kama saka hinubaran ko siya. Nang natanggal ko  na lahat ng saplot niya sa katawan ay siya namang oras ng pag dating ni Byron.

DJ. Fernandez

Nagising na lang ako na nasa kwarto parin ako ni Rina. Pero laking gulat ko ng pag gising ko ay nakita kong katabi ko sa kama si Rina walang saplot pati ako ay wala rin akong saplot sa katawan.

Di ko na siya ginising pa at agad akong nag bihis para makaalis na ako sa bahay na iyon.

Nang maka-alis na ako ay agad akong tumungo sa dating bahay na inuupahan ni Felix. Doon ko sinariwa ang lahat ng mga kalokohan ko sa tuwing kinukulit ko siya. Siguro nga ay noon ko pa talaga mahal si Felix pero nagugulahan lang ako kaya di ko magawang aminin sa kanya ang nararamdaman ko.

sa loob ng halos isang linggo ay halos doon ako nanatili sa bahay na iyon. buti na lang nga at wala nang ibang umupa sa bahay na iyon.

ganoon ang naging routine ko hanggang sa dumating ang araw na itinakda ng kanilang pag alis.

Alas 3 ng hapon ang flight nila kaya di na ako nagpatumpik-tumpik pa at sa alas 11 pa lang ng umaga ay sa airport na ako naghintay ng kanilang pagdating.

Halos 1 oras din naman akong naghintay at doon ay nakita ko ang pag dating ng kotse ni Prof. Cruz sa pag bukas ng mga pinto nito ay agad akong nabuhayan ng loob ng si Felix ang una kong nakita. Agad ko siyang sinalubong ng mahigpit na yakap. Iyon ang gusto kong ipabaon sa kanya ang yakap ng pagmamahal ko para kahit na Malabo na kaming magkita pa ay kahit papanu naiparamdam ko sa kanya na talagang siya ang mahal ko at wala nang iba pa.

Makalipas ang ilang minute ay may isa pang kotse na pumarada katabi ng kotse nila Prof. Cruz at doon ko nakitang lumabas pa ang dalawang lalaki na kung titingnan mo ay pawang mga ka-edad nila Prof. Cruz at saka sumunod na lumabas ng kotse ay si KM.

Para akong nag init at agad na nakaramdam ng selos nang nakita ko si KM at ang sing-sing na suot ni Felix sa kanyang leeg na parang ginawang kwintas.

Felix Lim

Natuwa ako dahil kahit papanu ay andun ang dalawang taong mahal ko si DJ at KM tulad ng hinihinging senyales si KM ay pinanatili kong kwintas ang kanayang sing-sing bilang tanda na maypag-asa pa siya samantalang si DJ naman ay dala ko ang isang Red Tulip flower na ipinaloob ko sa samalin na nagmistulang crystal iyon ang gusto kong ibigay sa kanya bilang tanda na siya ang pinipili ko.

Nito talagang nakaraang mga araw ay talagang tinimabang ko silang dalawa at doon ko nga naramdamang may nanaig ang nararamdaman ko para kay DJ.

Una kong nilapitan si KM at sa pag lapit ko sa kanya ay agad ko siyang niyakap at saka ko ipinakita ang kanyang sing-sing at saka sinabing “you have been a good friend to me KM.. if it wasn’t for you siguro I would have died that day so I owe my life to you” sabay yakap sa kanya at sa bulong ng “I love you to KM....but I love him more.... so please can we still be friends?” sabay kalas sa pagkakayakap ko at saka abot ng kamay ko para makipagkamay.

Natuwa ako ng tinanggap niya ang aking kamay para sa akin iyon na ang tanda at ang simula ng isang matibay na pagkakaibigan na kahit ilang milya pa ang layo sa isa’t-isa ay mananatiling matatag at matibay.

Sunod kong nilapitan si DJ at saka iniabot ang bagay na iiwan ko sa kanya tapos ang sulat ko na naglalaman ng aking saloobin para sa kanya. Pag ka abot ko noon ay agad ko siyang sinabihan ng “Please read it pagnakasakay na kami... and this.... keep it....” sabay labas ng Crystallized Red Tulip at saka abot nito sa kanya sabay sabi ng “sorry about my reaction... pero please keep it as a sign na ikaw ang pinili ko sa inyong dalawa... I love you DJ but it think this is goodbye for now.... kung dumating man ang araw na bumalik ako ng Pilipinas gusto ko sana pag nagkita tayo walang magbabago... mahal kita at gusto ko... ipakita mo sa akin ito bilang tanda ng walang magbabago sa atin kahit na magkalayo tayo... konting tiis lang ito DJ.... 2 taon.... yun lang... after nun siguro ay nakapagtapos na rin ako... at makakabalik na ako ng bansa kaya please... hold on...” di ko na napigilan pa ang pagpatak ng aking luha sa mga oras na iyon naramadaman ko na lang ang pag pahid niya ng aking mga luha at saka pinaharap niya ako sa kanya tapos ay binigyan ng isang mariing halik. Ramdam ko sa oras na iyon parang biglang tumigil ang oras para sa aming dalawa.. ayaw ko nang umalis pero kailangan...

DJ Fernadez

Sinulit ko na lang ang nalalabing oras na magkasama kami... kung bakit ba naman kasi naging kami kung kalian pa siya aalis.. inihatid parin naming sila at kahit bakas sa mukha ni KM ang lungkot ay pinilit parin niyang magpakatatag para na rin sa hiling ni Felix sa kanya.

Ako ay di ko maitago ang kalungkutan ko sa pag pasok nila sa waiting area dahil alam ko iyon na ang magiging huling sulyap ko sa mukha ng aking nobyo gusto kong makabisa ang bawat detalye ng kanyang mukha.. 2 taon ang hihintayin ko bago ko ulit siya makita pero kung tutuusin ay pwedeng 1 taon lang dahil sa graduating na rin naman dapat kami so pwede ko siyang sundan sa states.

Nang makapasok na talaga sila ay nagpasya nakaming lahat na umalis si KM kasama ang dalawang lalaki kanina at ako naman ay umalis na rin.

Sa loob ng aking kotse ay doon ko binuksan ang sobre at doon ko nakita na ang laman pala ng sobreng iyon ay ang huling pag review naming dalawa na kung saan ay pinaglaruan ko siya at kinunan ng litrato habang tulog na tulog. Sa likod ng larawan ay doon ko nakita ang kanyang liham

“matagal na akong mayraramdaman para sayo... pero binalewala ko iyon dahil sa alam kong imposible ito at saka bawal pero nitong nakaraang linggo lang akala ko wala na akong nararamdaman sa iyo pero nang pinagtapat mo sa akin ang iyong tunay nararamdaman ay biglang bumalik sa akin ang pakiramdam na iyon.. naguluhan ako at di makatulog ng mabuti dahil doon pero salamat dahil doon ay nalaman kong meron palang taong nagmamahal sa akin... kung ilalagay ko sa listahan ko ng pinakamasayang araw ng buhay siguro mailalagay ko sa pinaka unang listahan ang araw na natanggap ko na talagang may-nararamdaman ako para sayo at ganun ka rin sa akin... kaya sana ito ang magsilbing tali na magbibigkis sa atin kahit na magkalayo tayo ay gagawin ko ang lahat para ipadama sayo na mahal kita... konting tiis lang DJ... matatapos din ito.... konting sakripisyo.... ika nga nila lahat ng bagay ay may kapalit... kailangan nating magsakripisyo para makuha natin ang ating gusto kaya itong munting sakripisyong ito ang kapalit para tuluyan tayong maging masaya...  I LOVE YOU DREAM JUSTIN FERNANDEZ....”

Gusto ko siyang habulin at pigilan pero alam ko huli na ang lahat at alam kong nasaloob na sila.... aalis na sana ako ng muli ay tumunog ang cellphone ko at pag bukas ko noon ay si Felix... saka nabasa ko ang kanyang text na “Dre.... diba yan ang tawag ko sayo pag may gusto akong ipagawa sayo... sana yan na rin ang itawag ko sayo ngayong tayo na... at siya nga pala pumapayag na akong tawagin mo akong Lix.... sige sasakay na kami ingat ka lagi Dre....” natuwa ako dahil doon at saka ko napag pasyahang umuwi na ng bahay...

Sa loob din ng sobre ay may nakasama pang CD. Di ko alam kung anu ang laman ng CD na yun pero naka marker lang na mp3...so guessing audio music lang siya.. agad kong isinalang ang CD sa player ng kotse ko at sa pag play ko nun ay agad tumugtog ang kantang



Jewel - I\'m Leaving On A Jetplane
Mp3-Codes.com


All my bags are packed I'm ready to go
I'm standin' here outside your door
I hate to wake you up to say goodbye
But the dawn is breakin' it's early morn
The taxi's waitin' he's blowin' his horn
Already I'm so lonesome I could die

So kiss me and smile for me
Tell me that you'll wait for me
Hold me like you'll never let me go
Cause I'm leavin' on a jet plane
Don't know when I'll be back again
Oh babe, I hate to go

There's so many times I've let you down
So many times I've played around
I tell you now, they don't mean a thing
Every place I go, I'll think of you
Every song I sing, I'll sing for you
When I come back, I'll wear your wedding ring

So kiss me and smile for me
Tell me that you'll wait for me
Hold me like you'll never let me go
Cause I'm leavin' on a jet plane
Don't know when I'll be back again
Oh babe, I hate to go

Guitar Solo

Now the time has come to leave you
One more time let me kiss you
Close your eyes I'll be on my way
Dream about the days to come
When I won't have to leave alone
About the times, I won't have to say

Oh kiss me and smile for me
Tell me that you'll wait for me
Hold me like you'll never let me go
Cause I'm leavin' on a jet plane
Don't know when I'll be back again
Oh baby, I hate to go

Cause I'm leavin' on a jet plane
Don't know when I'll be back again
Oh babe, I hate to go

But I'm leavin' on a jet plane
leavin' on a jet plane (X7)
leavin' on a jet plane......
Itutuloy.....

2 comments:

Coffee Prince August 7, 2011 at 7:28 AM  

nice kua 3rd . .

paganda ng paganda etong story . .

sinusubaybayan ko talaga from the beginning . .


Thanks for not failing us with your stories kua 3rd . .

Ü

ace.vince.raven August 7, 2011 at 7:58 PM  

love it :) thanks for the update mr. author :)
can't wait for the next one. :D

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP