The Best Thing I Ever Had - Season 2 Episode 4

Tuesday, August 16, 2011

Author's Note: Sorry po kung uber late ang update.. enjoy kasi ang vacation hehe..grabe, prang nkakapangliit, ang gagaling kc ng ibang writers,.anyway.. This is, the new episode of The Best Thing I Ever Had Season 2! lol thank you po sa lahat ng walang sawang nagtitiyagang magbasa ng story na to..thank you thank you po!

Episode 4 - One is Good, Two is Better, Three is the Best!


--------------------------------

"Ahh ehh".. hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Cge na! Manliligaw lang naman eh! Hindi naman sa mag-yeyes ka na gusto mo na siyang maging bf or anything.

Well yeah your right. But still, I'm still not ready to get in a relationship. Ayoko siyang paasahin.

Come on! He's hot, cute, rich, nice. what more could you wish with a guy like that?

*sigh.

Give the guy a chance! Kung hindi man kayo mag-work-out, then wag siyang sagutin para maging bf mo, but still, bigyan mo naman siya ng chance kahit ligaw lang.

Fine..ugggh.

"S-sure. I g-guess there's nothing wrong w-with that.." sabi ko.

"YES!" ang maligayang sigaw ni Ram. Parang sobrang happy niya sa sagot ko. Grabe, sinabi ko lang na pwede siyang manligaw pero parang ang reaction niya, sinagot ko na siya bilang bf ko.

----------------------------------------------------------------------

It has been 2 weeks. 2 weeks na niya akong nililigawan. So far, he had been a sweet guy to me. Lagi siyang dumadaan sa bahay if he have free time. One time nga, binigyan niya ako ng flowers and chocolates. Hindi na ako magsisinungaling sa inyo, kinilig ako nung time na yun. Siyempre, sino naman ang hindi kikiligin kung may isang gwapong manliligaw sa'yo with matching flowers and chocolates pa. Para ngang isang fairytale eh. Lagi niya akong tinetext. Everytime I wake up in the morning, the first thing I'll see on my phone is his name, saying I got a message from him. Pati bago matulog. Aaminin ko, sweet siya.

So ano? Is he the one? Sasagutin mo na ba siya?

Well I'm not sure yet.

What do you mean you're not sure yet?

I'm not sure kung mahal ko na siya. Actually, hindi naman siya mahirap mahalin eh, mabait siya, sweet,.gwapo. Nasa kanya na ang lahat sa listahan ng mga qualities ng ideal boyfriend.

O, so what's stopping you then?

I'm just not sure if he's the right one for me.

If you're still thinking about Van, would you please forget him already? Move on!!

I am not thinking about him! I have totally moved on.

Weh? Di nga?

Arggh. Ok fine! Yes, I haven't move on na todo todo as in wala na talaga. But I'm gettin there!

Well you should do it fast before your prince charming find another princess.

Edi maghanap siya ng iba. Kung mahal talaga niya ako, tulad ng sinasabi niya, he's going to wait for me.

Hayy nako whatever.

---------------------------------------
Classes had began. I still went to the same University. As a freshie, I didn't find it hard to blend in with the people. It's like everyone know me, maybe because I was the president of the student council in the HS Dept. last year. And some of my classmates last year, ay classmates ko pa rin sa mga classes ko ngayon. I decided to take performing arts. Dahil na rin siguro sa punung-puno ng drama ang buhay ko, madali na lang sa akin ang pag-arte. And I like acting, dancing, and singing rin kasi, kaya ito ang nag-push sa akin to take the course. Bata pa lang ako, dream ko nang mapasama sa isang musical. Pare-parehas kami ng course nila Macky and Coleen. Marco,Ram and Van naman took civil engineering.

Sa Canteen-------

"Ui Av, kamusta na kayo ni papa Ram?" ang panunukso ni Coleen.

"Oo nga. Kayo na ba? Ayiiee!" dagdag pa ni Macky.

"Tigilan niyo nga ako. Hindi ko pa siya sinasagot noh." sagot ko naman.

"Bakit naman? Gwapo naman siya, mabait," sabi ni Coleen.

"Oo nga naman. Ano pa bang hinihintay mo? Sige ka aagawin namin ni Coleen yan sa'yo." sabi ni Macky sabay tawa nilang dalawa.

"Edi sainyo na lang. Sainyong sainyo na." sabi ko.

Nasa ganun kaming pag-uusap ng biglang sumulpot si Kuya Marco.

"Hi Av!" umupo siya sa tabi ko. "Hi Coleen! Hi my annoying little sister!"

"Oh well hello my obnoxious big brother." sagot naman ni Macky. Tumawa lang kami ni Coleen.

"So what brings you here Marco?" tanong ni Coleen.

"Wala lang. Na-miss ko lang tong si Av." inakbayan niya ako.

"May ganon?" tanong ko.

"Bakit? di mo ba ko na-miss?" tanong niya habang nakatitig sa akin.

Kumuha ako ng icing sa cake na kinakain ko at ipinahid sa ilong niya. "Ummm..Abnormal ka talaga no? Magkapatid talaga kayo nitong si Macky,. At bakit naman kita mamimiss?" sabi ko at tumawa.

"Ahay! Ah ganyanan pala huh. sige." kumuha din siya ng icing at ipinahid sa pisngi ko.

"Waaaah! Bakit mo ginawa yun?"

"Eh ikaw nauna eh. Ano gusto mo pa?" sabi niya sabay tawa.

"Tigilan niyo nga yan! Kadiri kayo!" sabi ni Macky.

Nagtinginan kami ni Kuya Marco. Nag-ngitian. "Kadiri pala huh!" Tumayo kami at pinahiran din si Macky ng icing sa mukha. I was aiming for her forehead pero dahil pumiglas siya, napunta sa pisngi niya ang icing. Sa baba naman nilagyan ni Marco

"Ahhhh!" tumili si Macky at tumawa lang si Coleen. "Ang mean mean niyo talaga!" Nagtawanan lang kami. "Pero siyempre, unfair naman kung tayong tatlo lang ang meron diba?" sabi niya at tumingin kaming lahat kay Coleen na nakangiti.

"No!!!!!" sigaw ni Coleen. Hinawakan ni Kuya Marco ang mga kamay ni Coleen para hindi niya ito maiharang sa kanyang mukha. "Waaaa!" sigaw ni Coleen. Nilagyan namin ni Macky si Coleen ng icing sa ilong at sa pisngi. "Ang bad bad niyo! pati ako dinadamay niyo sa mga trip niyo!"

Napuno ng tawanan naming apat ang area na inuupuan namin. Nakatingin ang mga tao sa amin at nakangiti. Siguro sinasabi nila na malakas ang tama naming apat. Pero ignore lang kami. Walang basagan ng trip! Kung naiinggit kayo, gumaya kayo! hahah

Umupo kami't nagpunas ng mga mukha.

"Av, may anu ka pa sa mukha." sabi ni kuya Marco.

"San?" tanong ko. Nagulat ako ng siya mismo ang nagtanggal ng icing sa labi ko. Naramdaman ko ang daliri niya na dumulas sa labi ko nung tinanggal niya ang icing. At eto pa, imbis na ipahid niya sa tissue ung daliri niya, nashock ako ng isinubo niya ang daliri niya at nginitian ako.

"Yuck!" sabay na sabi ni Coleen at Macky.

"Hmmm. Strawberry.." sabi ni kuya Marco ng nakangiti at umakbay sa akin.

What's up with him??

Oh ano, diba sabi ko naman sa'yo, may gusto sayo yang Marcong mokong na yan eh.

Could it be??

Could it be could it be ka jan! Arte mo teh! English english ka pa.

Nasa ganoon kaming pag-uusap ng biglang dumating si Ram.

"Hi Ram!", sabi ni Coleen.

"Ehem ehem. Pare, parang sa akin yang akbay-akbay mo ha." sabi ni Ram na masama ang tingin kay kuya Marco.

"Bakit? Hindi ba pwedeng umakbay sa kaibigan ko." at inilapit pa niyang mabuti ang katawan ko sa kanya. Inaasar talaga niya si Ram.

"Bok, walang talo-talo!" sabi ni Ram.

Wow! Gerald Anderson and Jake Cuenca? taray!

So I'm Kim Chiu? 

Oo, ikaw si Kim Chiu..Kim Chiu-gi! Dahil Chuchugiin na kita! KFC!

KFC? ano ko? fried chicken?

KFC. Kapal ng Face Chaka!

Anyway, mukhang nagkakainitan na ang dalawa. Nagkatinginan lang kami nila Coleen. Parang sinasabi nila sa akin na, "Yo! Do something!!!".. tinignan ko ang relo ko at sakto naman ang oras sa naisip kong palusot. "Oh look at the time. Malapit na ang next class namin,. We better go now. Macky, Coleen tara na baka mapagalitan pa tayo ni Miss Minchin este ni Miss Barcelos." Tumayo kaming tatlo.

"Hahatid na kita Av." sabi ni Marco.

"Hindi, ako ang maghahatid sa kanya." sabi naman ni Ram.

"Ako!" sigaw ni Marco.

"Ako!" sabi naman ni Ram.

"Stop!" sigaw ko naman. Nakakairita yung pagtatalo nila, para sing mga batang nag-aagawan sa lollipop.

Pero todo kilig ka naman kasi pinag-aagawan ka ng mga papa.

Shut up!

"Why don't you two just go to your own classes na lang. Kaya ko naman pumunta ng klase ko eh. Besides, kasama ko naman sila Coleen and Macky. Kaya please, tigilan niyo na ang pagtatalo."

"Pero Av.." sabi ni Ram.

"No more excuses! Now get your asses up and go to your classes!" sabi ko.

Nagulat sina Macky sa sinabi ko. Well pati ako nagulat pero hindi ko na kasi napigilan eh. "I-I'm sorry." nasabi ko na lang,. hiyang hiya ako sa sinabi ko, I was rude dahil nasigawan ko sila ng ganun.

"Kami dapat ang mag-sorry sayo.. sige, pupunta na ako sa klase..See you later.." sabi sa akin ni Ram at niyakap niya ako.

Hindi rin naman nagpahuli si Marco, niyakap niya rin ako at hinalikan sa noo. Isang bagay na ikinagulat ko. Dahil si Van lang ang gumagawa sa akin nuon.

May gusto ba talaga sa akin to?

Hay nako bahala ka na, tutal ayaw mo rin namang maniwala sa akin.

Argggh..

-----------------------------
Natapos ang klase namin at umuwi na ako. Sabay-sabay kaming umuwing tatlo nila Coleen and Macky. Pagdating ko sa bahay, pumasok ako kaagad sa kwarto ko't nahiga,. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako sa ring ng cellphone ko. Si Marco ang tumatawag sa akin. Sinagot ko ang tawag niya.

"Oh kuya Marco, napatawag ka." sabi ko.

"Ayy natutulog ka na ba Av? sorry kung naistorbo kita, sige next time na lang." sabi niya.

"Hindi okay lang.. bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko.

"Ahh ehh.. may sasabihin kasi ako sa'yo." sabi niya.

"Anu yun?" tanong ko..

"Hindi ko alam kung papaano ko to sasabihin sayo. Pero eto na.." sabi niya..

---------------------------------
Until the next episode,
Av. :P

2 comments:

Coffee Prince August 17, 2011 at 8:46 AM  

, I'm BACK!!! . .

ngaun lang nkpgcomment kc nwlan ng net sa bhay , , SORRY kua Vince aa . .


GOOD JOB! . .

IKAW NA! ikaw na pinag-aagawan ng dalawang pogi . .


Thanks kua Vince . .

Ü

Anonymous,  August 20, 2011 at 8:36 AM  

pag talunan bah ^^

ang haba talaga nang hair abot hangang tawi-tawi

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP