STRATA presents: Bulong ng Kahapon 5

Friday, July 29, 2011

STRATA presents
BULONG NG KAHAPON

PART 5 – Ang Wakas

“Gising ka na pala hijo!” nakangiting bati ng isang hindi pamilyar na mukha kay Arman.
“Sino po kayo?” tanong ng binata sa kausap.
“Ako’y nagligtas sa’yo mula sa bangin.” kwento nang matanda.
“Bangin?” tanong ni Arman.
“Nakaligtaan kang iligtas mula sa nabanggang bus dahil nagtuloy-tuloy ka sa bangin na malapit sa kubo ko.” sagot ng matanda. “Alam mo bang hindi ka na halos humihinga nang makita kita.” pagbabalita pa nito.
“Salamat po kung ganuon.” sagot ni Arman at muli niyang naalala ang pakay sa lugar na iyon.
“Huwag ka na munang bumangon. Hindi ka pa lubusang nakakabawi sa sinapit mo.” tutol nang matanda ang makitang nagpupumilit umayo si Arman.
“May kailangan po akong hanapin.” sagot ni Arman.
“Tutulunga kita hijo, ngunit hayaan mo na munag makabawi ka ng lakas para naman hindi ka kung mapaano na lang.” wika nang matanda.
“Salamat po.” sagot ni Arman. “Arman nga pop ala.” pakilala pa ng binata.
“Tawagin mo na lang akong Lolo Mencio.” sagot nang matanda.
“Kailangan ko po talagang hanapin si Mercedes.” saad pa ni Arman.
“Matutulungan kita hijo at mabilis mong mahahanap si Mercedes basta ba’t hayaan mo munang dito ka mamalagi. Hindi pa lubusang gumagaling ang mga bali mo sa katawan at mahihirapan kang bumiyahe at lumibot.” paalala pa ng matanda.
“Pero Lolo Mencio…” tututol pa sana si Arman ngunit biglang nanakit ang likod niya. “Aray…” pagdaing pa ni Arman.
“Sabi ko sa iyo!” sabi nang matanda. “Huwag lang mag-alala dahil may ituturo ako sa iyo para naman hindi ka mainip.” lahad pa nito.
Namangha si Arman nang makita niyang kausapin ni Lolo Mencio ang alaga nitong pusa. Manghang-mangaha ang binata dahil totoong kapani-paniwalang nagkakaintindihan ang tao at ang pusa.
“Bakit ganyan ka makatingin sa akin apo?” tanong nito kay Arman.
“Nauunawaan po ba talaga ninyo ang pusa?” hindi makapaniwalang tanong ni Arman.
“Oo naman hijo! At iyan ay isa lang sa mga bagay na ituturo ko sa iyo.” saad nang matanda.
Hindi alam ni Arman kung ano ang magiging reaksyon. Halu-halo na ang problema niya ay idadagdag pa niya si Lolo Mencio kung totoo ba ang sinasabi ng matanda.
“Phillip! Hindi kita kayang iwanan at ayokong magkahiwalay tayo pero ayoko namang itakwil ako ng pamilya ko dahil sa pagsama ko sa iyo. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko sa lahat, ang pagdating ng araw na ito.” bulong ni Arman sa sarili saka napabuntong-hininga.
“Bakit apo?” tanong ni Lolo Mencio.
“Wala po.” sagot ni Arman. “Mercedes! Saan ka naman ba nagtungo? Pinag-aalala mo ako. Hayaan mo, hahanapin kita sa oras na umayos ang pakiramdam ko.” wika ng diwa ni Arman.
Kinagabihan –
“Lolo, wala po ba kayong kasama dito?” tanong ni Arman habang kumakain sila ng hapunan.
“Ako lang ang mag-isa sa buhay.” wika nang matanda.
“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Arman.
“Oo apo!” sagot ng matanda. “Buhat nang maligaw ako sa bundok Banahaw ay hindi na ako umalis pa dito. Paminsan-minsan nama’y lumalabas ako para magtungo sa bayan subalit babalik din naman ako kaagad.” kwento pa ng matanda.
Isang buwan na nanatili si Arman sa kubo ni lolo Mencio at hindi niya lubos maisip na matututo siya ng mga mahikang akala niya ay sa mga nababasang kwento lang mangyayari. Hindi niya lubos maisip na totoo pala ang sinasabi ng matanda sa kanya. Ngayon nga, tulad nang pangako nang matanda ay tutulungan niya si Arman na hanapin si Mercedes at sa tulong nang mahika ay madali niyang natunton kung nasaan ang dalaga. Nalaman niyang nasa kalapit na nayon lang nila ito nagtatago.
“Sige po Lolo Mencio.” paalam ni Arman saka nagmano sa matanda.
“Mag-iingat ka apo.” wika ng matanda saka may ibinigay kay Arman.
“Ano po ito?” tanong ni Arman.

“Nakikita kong may darating na bago sa bundok na ito at sa kasamaang palad ay hindi ko na aabutan pa ang lalaking iyon. Sa nakikita ko ay Ronnie ang pangalan nang susunod na tagapag-ingat nang mutyang ito. Hasain mo siya at ituro mo ang laaht ng itinuro ko sa iyo at mga bagong malalaman mo. Makakatulong din siya sa iyo sa hinaharap.” paglalahad pa ulit ng matanda.
“Opo Lolo Mencio.” sagot ni Arman at nakahandang gawin ang sinabi sa kanya ng matanda bilang pagtanaw ng utang na loob.
Pagkabalik niya ng probinsya –
“Alam ko na po kung nasaan si Mercedes.” simulang pagbabalita ni Arman sa ama ni Mercedes.
“Saan?” tanong nito.
“Sa bahay po ni Elisa.” sagot ni Arman.
Natunton nga nila si Mercedes at nakapag-usap na din nang masinsinan ang dalawa. Napapayag ni Arman si Mercedes na pakasal sa kanya at naitakda na ang petsa kung kailan sila mag-iisang dibdib. Nalaman ni Arman na katulad niya ay may pagtingni na din sa kanya si Mercede smula nuong nasa mataas silang paaralan. Nasaktan lamang siya nang malamang may ugnayan sila ni Phillip ay dahil muling umuusbong ang damdamin niya para kay Arman.
“Patawarin mo ako Phillip! Hindi ko kayang ipaglaban ang pagmamahal ko sa iyo. Sana maintindihan mong naduduwag ako at natatakot.” wika ni Arman sa sarili.
Bago nagpakasal ay nakipagkita muna si Arman kay Phillip –
“Totoo pala.” malungkot na wika ni Phillip.
Tango lang ang tugon ni Arman saka pagpatak nang mga pigil na luha.
“Patawarin mo ako Phillip! Labis lamang akong duwag para ipagpatuloy ang ugnayan natin.” wika ni Arman.
“Alam mo bang nasasaktan ako?” tanong ni Phillip.
“Oo, batid ko dahil nasasaktan din ako sa naging pasya ko.” sagot ni Arman.
“Bakit Arman?” tanong ni Phillip.
“Dahil duwag ako! Dahil hindi ko kayang panindigan ang pagmamahalan natin.” sagot ni Arman.
“Bakit ka naduwag Arman?!” pigil ang mga luhang tanong ni Phillip.
“Hindi ko alam Phillip! Basta nakaramdam ako ng takot, mga takot at bangungot na ayokong mangyari.” sagot ni Arman.
“Arman.” wika ni Phillip saka pumatak ang mga luha sa mga mata.
“Patawarin mo ako Phillip.” paghingi ulit ng kapatawaran ni Arman.
“Mahal mo ba si Mercedes?” tanong ni Phillip.
Ayaw na lalong masaktan ni Arman si Phillip kaya naman isang tahimik na tango lang ang tugon niya kasunod ang pagpatak ng masagang luha.
“Arman…” naiiyak na saad ni Phillip saka niyakap si Arman.
“Patawad Phillip.” muling paghingi nang kapatawaran ni Arman.
“Sige, pipilitin kong maging ayos ang lahat.” sabi ni Phillip.
“Ayokong may magbago sa atin.” pakiusap ni Arman.
“Hindi ko masisigurado ngunit pipilitn ko.” sagot ni Phillip na may pilit na ngiti.
“Salamat Phillip! Asahan ko ang mga sinabi mo.” tugon pa ni Arman.
“Iingatan mo ang sarili mo.” wika ni Phillip saka tumalikod.
“Siguro ay hindi pa angkop sa panahon natin ang uri ang damdaming mayroon tayo, maaring naduwag lang ako o natakot. Gayunpaman, umaasa akong sana’y nauunawaan mo ako at hayaan na lang na ang mga apo natin ang magpatuloy sa pagmamahalan hindi natin naituloy, hayaan natin silang ipagpatuloy kung ano ang hindi natapos, baka sa panahon nila, kung pareho man sila ng kasarian ay mas matanngap sila nang mga tao, baka mas matapang sila para ipaglaban ang hindi ko nagawa at kayang gawin.” winika ni Arman bago tuluyang makaalis si Phillip.
Masakit ang damdaming nagpaalam sa isa’t-isa. Ang pagmamahalang biglang naramdaman ay ang damdaming pilit nilang kakalimutan. Biktima sila ng nakaraan, nang panahon at nang kanilang sariling takot at alinlangan. Ang ganitong uri nang bangungot ay patuloy pa ding nangyayari sa kasalukuyan na tipong ang kahapon ay bumubulong lang sa bawat puso ng mga nagmamahalan sa kaparehong dahilan at sitwasyon. Ang bulong ng kahapon ay nagpapatuloy na magpasakit at sugatan ang puso nang mga tapat na nagmamahalan dahil ang pagtigil nito ay hindi tiyak kung kailan.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP