The Best Thing I Ever Had (Part 2) The First Encounter

Friday, July 22, 2011

Note: eto na po yung part two :) i hope you'll all like it. :)

Thanks nga po pala ulit kay Coffee Prince for the comment and thank you po ulit kay Kuya Jayson for giving me a chance to share my story. :)

Enjoy reading po!

by: Vince / ace.raven


-----------MEMORY RECALL-------

4th year highschool na ako nuon. Ilang buwan na lang ay ggraduate na ako. President ako ng Student Council sa aming paaralan. Matalino, cute, at mabait. Yan ang mga salitang ginagamit ng mga tao sa pag-dedescribe sa akin. Syempre kahit totoo, hindi ko namn iyon pinagmamayabang.

Naku! eh panu kasi hindi ka gwapo! maganda ka! singit ni Amor Powers, este yung isang boses sa aking isip.

Tumigil ka nga! Bakit ka nga ba nasa loob ng utak ko? sabi ko na lang.
Ngunit hindi naman ulit sumagot si Amor este ang boses.


It was a hot day. Unusual ang araw na ito dahil kahit December na ay biglang uminit. Epekto siguro ito ng tinatawag nilang climate change. Nagmamadali akong naglalakad sa hallway nuon ng aming building sa second floor papunta sa office ni Mr. Philip Maglaque, ang adviser ng Student Council. May mga isusubmit kasi akong mga files tungkol sa huling project ng Student Council bago mag-graduation and end of school year.
Sa pagmamadali ko'y hindi ko napansin na basa pala ang sahig at bigla naman akong nadulas.

"Ay sh*t!" ang bigla kong sigaw. Tumilapon ang mga hawak kong files sa sahig.

Nagulat naman ako dahil may nakasapo sa akin. Nang tingnan ko kung sinu ang nakasapo saakin, nakita ko si  Van, ang sinasabi nilang campus crush at basketball hunk superstar. Bigla naman akong napatitig sa mga gray na mata niya na napakaganda.

"Ok ka lang?" ang sinabi niya na mapapansin ang paghabol ng hininga niya na sa tingin ko ay dahil sa mabilis niyang pagkilos para masapo ako.

Ambisyosa! singit naman ng boses sa ulo ko na panira talaga ng moment.

"O-okay lng n-naman ako." hindi ko alam kung nanginginig ako sa takot o dahil nanginginig ako sa kilig.

Tinulngan niya akong makatayo. "Ikaw naman kasi , hindi ka tumitingin sa dinadaanan mu. Yan tuloy nadulas ka, buti na lang nasapo kita kaagad." sabi ni Van sabay bitiw ng isang makapanlaglag ng underwear na ngiti.

"S-sorry, and thank you na rin sa tulong mo." Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso, chaka ko pinulot ang mga nakakalat na files sa sahig. Buti na lang ay hindi ito bumagsak sa basang parte ng sahig. Whew! pinaghirapan ko ito buong gabi. Buti na lang hindi nasira.

"Tulungan na kita." sabi niya na nakingiti sa akin. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya ng diretso.

"O-ok s-salamat". Napangiti na rin naman ako sa kanya na may halong kaba sa aking loob. hindi ko naman maintindihan kung bakit ganoon ang aking nararamdaman.

Nalove at first sight ka teh! sabi ng boses.

Tumahimik ka nga! ang tugon ko naman. Ang hindi ko alam ay nasabi ko pala iyon ng totohanan.

"Hah?" tanong ni Van na may lito sa kanyang mukha.

"W-wala. sorry. and thanks". palusot ko na lang.

"Vince!" napalingon naman kaming dalawa papunta sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. Si Coleen. Siya ang bestfriend ko.

"Yes?" sabay naman naming tugon ni Van. Nagkatinginan kaming dalawa na may pagtataka. 

"Uhmm sorry Van nakalimutan ko Vince nga rin pala pangalan mo." ang sabi ni Coleen na medyo kinikilig pa. "Etong bestfriend ko ang tinatawag ko. I'm Coleen nga pala." sabay abot ng kamay niya kay Van. Kinamayan naman siya ni Van.

"I'm Van, nice meeting you." sabi niya.

Natulala naman si Coleen na parang statwa na nakatayo sa hallway.

Bigla ko namang naalala na may isu-submit pa kong files kay Mr. Maglaque at baka mapagalitan pa ako nuon kapag hindi ko naisubmit agad. "Ay bes(Coleen) halika na pala kailangan ko pang ipasa tong mga files na to kay Sir Philip. Halika na wala na kong time."sabi ko kay Coleen.

Hinila ko na kaagad si Coleen at kaagad kaming naglakad. Lumingon ulit ako at sumigaw, "Thank you nga pala ulit!" sabay ngiti at tumalikod na patungong office ni Sir Philip. Naipasa ko naman ang files namin at bumalik na kami sa classroom ni bes. 

Pagkaupo namin sa upuan, bigla akong kinurot sa tagiliran ni Coleen. "Aray! Para saan yun?!" ang sabi ko na may halong pagkainis. 

"Ikaw bes ha, hindi mu sinasabi." ang pang-aasar niya.

"Ano? ano bang hindi ko sinabi sayo? alam mu kaya ang lahat ng tungkol saakin." ang tugon ko sa kanya.

"Anong meron sainyu ni papa Van ha? Ikaw ha? ayiiie!" 

"Abnormal ka! kanina ko pa nga lang nakilala yung tao eh! ano ka ba! tumahimik ka nga baka may makarinig sa'yo niyan eh!" ang mejo pagalit na sabi ko sa kanya.

"Ashhooo! ay teka nga pala, napansin ko,." sabi niya,.

"O anu nanaman?"

"Parehas kayung Vince! Ayiiiee! meant to be!" sabay tawa niya at kinikilig kilig pa.

Hindi ko na lang pinansin ang kanyang sinabi. Naku kunyari ka pa eh kinikilig ka rin naman! sabi ng boses. Hay nako, ewan.whatever.

Natapos ang klase namin na tinutukso pa rin ako ni Coleen sa pag-lilink niya sakin kay Van. Hindi ko naman iyon pinapansin. Palabas na kami sa gate nuon may tumawag sa aking pangalan.

"Vince!" napalingon ako at nagulat ako nang makita ko kung sinu ang tumawag saakin.

"Van!" excited na pasigaw ni Coleen.

"Yes? Can I help you with something?" ang pormal na pagbati ko sa kanya.

"Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa iyo. Ako nga pala si Vince Alastair Nathaniel Romero, but you can call me Van for short" sabay abot ng kanyang kaliwang kamay at nakangiti sa akin,.

Para naman akong napako sa pagkakatayo ko at buti na lang napansin iyon kaagad ni Coleen at siniko niya ako ng marahan sa tagiliran.

"A-a I'm Ace Vince Raven Lopez, nice to meet you." sabay abot sa kanyang kamay at ngumiting pabalik sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kuryente akong naramdaman nuong hinawakan ko ang kanyang kamay na imbis na masaktan ako ay nakaramdam pa ako ng kiliti. "You can call me Av for short."

"Nice to meet you too Av."

 At tinanggal ko na ang pagkakahawak niya sa aking kamay. "Sige Van, see you around!" Ngumiti naman siya at tumango siya.

At iyon na pala ang simula ng isang magandang pagkakaibigan,.


--The next day, sa lunch room---

Nakaupo kami ni Coleen sa isang rectangular table na pang-apatan malapit sa bintana. Ako ang pumili ng lugar na iyon dahil sa gusto kong kumbaga isolated sa iba.

Ang arte ha.may isolated pang nalalaman. Landi mo teh!

Shut up!

Anyway, habang kumakain kami, nagulat na lang ako ng lumapit sa amin si Van. Nakita ko na siyang papalapit sa amin pero hindi ko siya pinansin and hindi ko naman inaasahang pupunta siya sa amin.


"Hi! Pede makiupo?" ang nakangiting tanong niya sa amin.

Hindi naman ako nakasagot agad.

"Sure!", sagot ni Coleen na abot tenga ang ngiti.

Nagulat ako ng tumabi siya sa akin dahil inaasahan kong kay Coleen siya tatabi. Napatitig tuloy ako sa kanya habang ibinababa niya ang kanyang tray ng pagkain. Napansin naman niya ang pagtitig ko.

"Oh, may dumi ba ko sa muka Av?" tanong niya.

"W-wala wala." sabi ko na lang.

Nagkakwentuhan kaming tatlo. Nag-usap usap ng mga kung anu-anu. Eto namang si Coleen, parang gustong isulat ang biography ni Van dahil sa lahat ng bagay ay tinatanong niya. Para ngang autograph book eh, mula sa name, hanggang sa favorite color at define love. charot. haha.

Naging close kami sa isa't isa dahil sa nagkakasabay kaming kumain sa lunch. 

Which makes me think, bakit nga ba parang biglang nakipagkaibigan sakin este samin, tong mokong na to? Ang dami dami namang tao, bakit kami pa?

Alam mo, blessing yan kaya wag mu nang tanggihan! Jojombagin kita jan eh!

Gaga! siyempre curious lang ako.

Isang araw, napag-isipan ko na lang na wag mag-lunch sa canteen at magstay sa isang park malapit sa school. Nakaupo ako sa isang bench habang kumakain ng french fries at pinapanood ang mga batang naglalaro doon. Sobrang naaaliw ako sa mga batang naglalaro doon. Ang cute kasi nila. Napansin ko rin ang mag-kuyang nagkukulitan sa isang bench malapit sa akin. Naisip ko tuloy,

Ang sarap siguro ng feeling kung may kuya ka noh? haay.

Sige mangarap ka lang.

Haaay.

Habang nasa ganoon akong moment. Nagulat ako ng may tumapik sa aking balikat. Si Van.

"Huy! Mukang seryosong seryoso ka jan ah. hehe." sabi niya.

"O, ikaw pala Van. Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"Hinahanap kasi kita. Eh sabi kasi ni Coleen, nandito ka daw. Kaya pumunta ko dito." sabay ngiti.

"Bakit mo naman ako hinahanap? Namiss mo ko?" sabay tawa. Hindi ko alam kung bakit pero parang kinilig naman ako nung sinabi niyang hinahanap daw niya ko.

Assuming! Conceited much?

"Hmm..parang ganoon na nga.hehe." sagot niya sabay bitaw ng makapanlaglag underwear niyang ngiti.

Ayiiiiee!!! kinikilig siya! Ikaw na! sige na!

Anu raw? OMG, sana hindi ako nag-bblush!

Tahimik.

"Uhhmm. Van, may tatanong ako sa'yo." ang pambasag ng tahimik na tanong ko sa kanya.

"O anu yun?"

"Bakit, bakit sa dinami daming tao sa school, bakit ako ang kinaibigan mo? Sikat ka naman,habulin ng babae, maraming mga taong mas ok kaysa sakin,.pero bakit ako?" tanong ko sa kanya.

"Bakit mo tinatanong yan? Ayaw mo ba kong maging kaibigan?"

"Hindi naman sa ganoon,. Nacurious lang ako."

"Hmm..Wala lang. Kasi iba ka. iba ka sa mga tao sa school. Mayroon kang isang bagay na marami sa kanila ang wala." sabi niya sa akin.

"Anung bagay?" ang curious na tanong ko sa kanya.

"Basta. Iba ka. yun na yun. ok?" tugon niya ng nakangiti.

"Ok". yun n lng ang nasagot ko.

Napatingin ulit ako sa mag-kuyang nagkukulitan. Napatingin din si Van sa kanila.

"Nakakainggit sila noh? Sana may kapatid din ako." sabi niya. Naalala ko na naikwento niya sa amin na nag-iisang anak din siya. Tulad ko. Nangungulila din pala siya sa isang kapatid.

"Oo nga eh." sabi ko na lang.

Tumingin siya sa akin. "Oh bakit ka ganyan makatingin?" tanong ko sa kanya. Nakakatunaw ang mga tingin iya kaya hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

"Gusto mo ng kapatid diba?" tanong niya ng nakangiti.

"O-oo.Sana. Bakit?" sabi ko.

"Edi ako na lang. Tutal wala din naman akong kapatid. Edi tayo na lang." Nakangiti siya sa akin.

Well wala namang masama diba? Why not?

Naku! Kunyare pa, gusto mo naman kasi mas magiging close kayo.

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Yes!" ang tuwang-tuwa niyang pagkakasabi. Inakbayan niya ako. "Simula ngayon, magkapatid na tayo. Kuya na ang tawag mo sa akin dahil mas matanda ako sa'yo at ikaw naman ang bunso ko." Nakatingin siya sa akin at nakangiti.

"Opo kuya." tumawa na lang ako. At iyon, officially, magkapatid na kami. hahaha.

Sabay rin kaming umuwi dahil sa napag-alaman naming on the way pala papunta sa bahay nila ang bahay namin. Lagi niya akong hinahatid sa bahay na parang isang napaka-thoughtful na kuya.

Isang araw nga ay noong magkasabay kaming umuwi ay nakita siya ng aking mommy nang papasok na ako ng gate sa aming bahay.

"O anak nandito ka na pala" ang pambungad sa akin ni mommy.

"Hi mommy," hinalikan ko si mommy sa pisngi at napansin ko na napatingin ito kay Van. Si Van kasi ang pangalawang kaklase ko na dinala sa bahay. Ang una ay si Coleen. "Ay mommy, si kuya Van nga pala, kaibigan ko po.schoolmate ko rin po siya sa school,."

"Good Afternoon po Mrs. Lopez!" ang bati ni Van.

"Tita na lang. Tita na lang ang itawag mo sa akin. Magkaibigan naman kayo ng anak ko kaya parang anak na rin kita. Good afternoon din anak,." sabay ngiti nito kay Van."Halika at pumasok ka sa loob."

Napatingin sa akin si kuya Van na parang tinatanong sa akin kung ok lang ba saakin. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin at tumango naman ako.
Pumasok kami sa loob ng bahay. Nagpaalam naman ako kay mommy na pupunta lang ako sa aking kwarto para magbihis. Niyaya ko rin naman si Van para na rin makita niya ang kwarto ko.

Nang makapasok na kami sa kwarto ay agad kong ibinaba sa isang tabi ang aking mga gamit at kumuha ng mga pamalit na damit sa cabinet.
"Ang yaman niyo pala bunso!" ang sabi saakin ni kuya Van na may pagkamangha sa kanyang mukha.

"Hindi naman po. kunti lang" saka ko binitiwan ang isang ngiti. "Sandali lang kuya ha? maliligo lang ako saglit."

"Ok" ang tugon ni Kuya Van.

Pagkatapos kong maligo, nagpalit na ako at niyaya ko na siya sa baba dahil tinawag kami ni mommy at kakain na daw. Kumain kami sabay sabay. Ipinakilala ko na rin si Kuya Van kay Daddy. After namin kumain ay nagpaalam nang umuwi ni Kuya Van.Hinatid ko siya papalabas ng gate.

"Ingat ka kuya ha?" ang sabi ko sakanya.

"Sige, sabi mu eh." sabay bitaw ng kanyang killer smile.

Para naman akong mamatay sa kilig nang nakita ko iyon. Buo na kasi ang loob ko na lalaki talaga ang nagpapatibok sa aking puso kaya hindi ko na maikakaila na kinikilig talaga ako.

Ambisyosa! echoserang frog! sabi ng boses sa aking utak. 

Whatever. sabi ko na lang.

"Sige bbye na at baka gabihin pa ko ng tuluyan. Bye bunso."

"Bye Kuya".

Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap. Nang kumalas kami sa pagkakayap sa isa't isa'y napangiti na lang kami at nagsabihan ng "Good night!"

Tuluyan nang umalis at umuwi si kuya Van.

Hindi pa rin ako makatulog ng gabi na iyon dahil iniisip ko pa rin ang pagyakap sa akin ni Kuya Van. Naramdaman ko ang mga muscles niya sa katawan nuong niyakap niya ako.

Ang sarap palang yumakap ni Kuya! ang sigaw ko na lang sa loob ko.

-------------------------------------------------------------

Until the next episode :)
Av.


5 comments:

Coffee Prince July 23, 2011 at 8:28 AM  

"conceited much"

> natawa ako sa line na yan aa . . Ü


IKAW NA! kua Vince . .
kaw na ang lucky boy este girl , hindi boy . . aa ewan Ü PEACE!

instant campus sweetheart kn nyan , , JOKE! [assuming teh?]

Ü

Thanks for the update kua Vince . .

[FLYING KISS]

John143 July 24, 2011 at 12:39 AM  

nkktawa naman ang mga lines... hehehhe

ace.raven July 24, 2011 at 12:21 PM  

hahaha.thank u rin po kuya coffee prince :P
at dahil jan, may prize kang hugs and kisses! hehe

salamat po kuya John143. :)

Coffee Prince July 25, 2011 at 10:09 AM  

ngayon ko lang 'to nbasa . . ahaha

Thanks for the hugs and kisses . .

baka kung SAAN na mapunta yan aa . . kua vince . .


bata pa po ako , , JOKE!


Love Ü Kua Vince . .

ace.raven July 26, 2011 at 8:15 AM  

hahaha bata pa rin po ako kaya wala pa sa isip ko ang gumawa ng mga kababalaghan LOL.

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP