The Best Thing I Ever Had - (Part 8) Headache

Sunday, July 31, 2011

Note: Hey! This is TBTIEH part 8! maraming maraming salamat po talaga sa lahat ng bumabasa sa story ko po. Thank you po talaga. Hindi niyo po alam kung gaano ako ka happy everytime na nababasa ko ang mga comments ninyo, na kahit nahihilo ako at masakit ang ulo, kahit na abutin pa ko ng midnight, kahit kainin na ko ng monster dito sa kwarto ko(joke!), pinipilit ko pa rin pong i-update ang story na to para lang po sa inyo. thank you thank you po talaga. :)


I hope you'll like it. Enjoy reading!


-------------------------------------------------

I woke up with a headache. The worst one ever. The first thing went onto my mind was that weird dream I had. Nag-away daw si Van and Ram tapos tinamaan daw ako ng suntok ni Ram tapos nag-collapse ako tapos..arrrghh! this headache is killing me!

Gaga! totoo lahat ng nangyare! Tumingin ka nga sa paligid mo!

So tumingin naman ako sa paligid ko. Nakita ko na nakahiga ako sa isang kama na may puting bedsheet at puting unan. Nakita ko rin ang mga simple medical equipments like thermometer, stethoscope, etc. Naramdaman kong malamig ang noo ko, may ice pack palang nakalagay. So I'm in the clinic. 

Hinde, nasa heaven ka na! Bugak! edi syempre nasa clinic ka! Bakit san mo ba gusto? sa sementeryo? grabe ka! kaloka ka teh!

Tigilan mo nga muna ko,masakit pa ulo ko kaya wag ka munang mambwisit please.

Okay! Fine!

So there I was, sa clinic ng baranggay namin. Sinubukan kong tumayo ngunit bigla akong bumagsak. Medyo nahihilo pa ako kaya hindi ako makalakad at makatayo ng maayos. Sinubukan ko pa ring tumayo pero, BOOM! bagsak ulit. Sa ikalawang bagsak ko, narinig ko ang mga nagmamadaling paa mula sa labas ng kwarto papasok ng clinic. Habang nakadapa ako sa sahig, hawak hawak ang aking noo, may lumapit na tao.

"Av! Bunso! Bakit ka tumayo agad? Dapat tinawag mo na lang ako." itinayo niya ako at inalalayan paupo sa kama."Kamusta na yang ulo mo?" tanong ni Kuya Van habang kinukuha ang ice pack at inilagay sa aking noo."Kawawa naman ang bunso ko." Hinaplos niya ang mukha ko at isinandal ang ulo ko sa kanyang balikat. "Wag kang mag-alala, gugulpihin ni kuya yang Ram na yan." sinarado niya ang kamay niya na parang may gustong suntukin.

Hinawakan ko ang kamay niyang iyon at ibinukas ang palad. "Kuya..." biglang kumirot ng ulo ko. "Kuya..please..wag..hindi naman niya sinasadyang masuntok ako..ako ang may kasalanan,..ako yung humarang sa gitna,..kaya please..wag na..okay kuya?" tiningnan ko siya ng seryoso pero cute na parang bata.

"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan." sabi niya sa akin at tumingin sa ibang direksyon.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Alam mo namang, I can't resist to anything you say kapag ganyan ka tumingin sa akin eh." sabi niya.

Ngumiti lang ako sa kanya. "Thank you kuya." niyakap ko siya.

Habang nandun kami sa posisyong iyon, biglang may pumasok sa pinto. Si Ram.

Biglang tumayo si Kuya Van. "Bakit ka nandito? Ang kapal rin naman ng mukha mo no?"

"G-gusto ko lang makausap si Av. wala akong planong makipag-away sa'yo." sagot naman ni Ram.

"Kuya!.. arrrrghhh!" biglang kumirot ang ulo ko. "please kuya,..iwanan mo muna kami.."

Tumingin sa akin si Kuya Van. Tiningnan ko ulit siya nung sinasabi niyang face ko na "he can't resist".

Ay wait teka. bakit parang may kulang? hello? boses? nandiyan ka ba?

OO! nandito ko bruha kang malandi ka! meron ka pang face "he can't resist" na nalalamang kaartehang kaokrayang kachuvaness! 

bleh! :P

Anyway, so nagwork naman ang powers ko kay kuya Van, napalabas ko naman siya ng kwarto. Pero masama ang tingin niya kay Ram nung papalabas siya. Nang makalabas na si kuya Van,

"Uhhmm..Av..I-I'm sorry." nakayuko niyang sinabi.

"Okay lang yun, hindi mo naman kasalanan." tumawa ako ng kunti, " ako tong tangang humarang sa gitna, kaya ayun. heheh. pero kalimutan mo na yun." 

"S-sorry talaga." lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

Agad kong binawi ang aking kamay sa kanya, "Ano ka ba, sabi ng okay lang yun eh." tumawa ulit ako.

Ngumiti siya sa akin. "Babawi ako sa'yo.uhhmm..gagawin ko lahat ng iutos mo sa akin. lahat ng chores mo ako na gagawa, lahat lahat, kahit ako pa magpaligo sa'yo, gagawin ko, makabawi lang ako sa nagawa ko." sabi niya.

"Naku wag na! Okay lang, wag mo na intindihin ang pag-bawi mo sa akin. ayos lang." ngumiti din ako sa kanya.

"Ang bait mo talaga." sabi niya.

IKAW? MABAIT? Grabeh! maldita ka kaya! sinungaling pa! mabait ba tawag mo dun?

Shhhhh! Tumigil ka nga!

"Hindi naman, konti lang." biro ko pa sa kanya.

"Cute pa, matalino. swerte ang taong mamahalin mo." hinawakan niya ulit ang kamay ko.

Oh my gosh.bulag ba toh? cute? ikaw? please,.

Binawi ko ulit ang aking kamay. "Ahhh eh Ram. uhmm.may sasabihin ka pa ba?" sabi ko na lang. Baka kasi kung saan pa mapunta tong usapan na to.

Nakuha naman niya ang gusto kong mangyari.."W-wala na. yun lang. s-sorry ulit ha." tumayo siya at humarap sa pinto. Bago siya lumabas, nginitian muna niya ako at tuluyang lumisan.

Pumasok naman bigla si Kuya Van right after Ram left. 

"Kuya..uwi na tayo." yaya ko sa kanya.

"Okay. kaya mo na bang maglakad?" tanong niya.

"Uhmm.medyo, sakay na lang tayo sa tricycle." sabi ko.

"Hmmm..I have a better idea." ngumiti siya sa akin at lumapit. umupo siya patalikod sa akin. "Pasan ka na lang kay kuya." yaya niya.

"Huh? ayoko nga! chaka mabigat kaya ako! baka hindi mo ko kaya! mahulog pa ko jan! tricycle na lang tayo." sabi ko.

Naku! ayan na naman si pakipot queen. kunyare ayaw pero sa loob, sumisigaw na, "Sige kuya Van! pasan mo ko! Halika na!".

Well, hindi ko naman talgang makakaila na gusto ko talaga pero, nahihiya naman ako kay kuya.

"Sige na! Wag nang umarte pa! gusto mo bang umuwi or hinde?" pananakot niya sa akin.

"Gusto... pero."

"wala nang pero pero! halika na! nangangawit na ko o!" sabi niya.

haayy, bahala na!. Pumasan ako sa likod niya. Nakapalupot sa leeg niya ang aking mga braso at hinawakan naman niya ang dalawa kong hita. Nun ko lang napansin na nakajersey pa rin pala siya.

"Pasensiya na bunso ah. amoy pawis si kuya driver mo." sabay tawa.

"okay lang manong driver." tumawa din ako.

I really don't mind if may pawis pa siya. Hindi naman mabaho, actually mabango pa nga ang pawis niya dahil sa humalong amoy ng pabango niya.

Wow! aso ka na pala ngayon ha? umaamoy ka na ng mga bagay bagay! may future ka teh!

Gaga!.

"Teka. Higpitan mo naman ang hawak mo, baka malaglag ka niyan eh." ang concern na tanong niya.

At hinigpitan ko naman.magkalapit na halos magkadikit na ang mga mukha namin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. OMG. Ok, Av, relax.

Grabe! kinikilig ako!

"Okay, ayan." Lumingon siya sa akin at halos magdikit ang mga labi namin. Tiningnan niya ako at ngumiti. Ngumit na lang din ako. Grabe! hindi ko na talaga ma-take to!
Nag-umpisa na siyang lumakad papalabas ng kwarto. Paglabas ng kwarto'y nakita namin ang doctor at nagpasalamat kami. Malapit lang ang bahay namin sa clinic kaya pwede lang talagang lakarin. Bago kami umalis sa clinic, nakita ko pa si Ram na nakatingin sa amin ni kuya Van na mukhang malungkot. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, bigla siyang ngumiti ng pilit. 

O bakit ganito na naman to? anong meron sa kanya?

Oh ano? sasabihin mo na naman na nagseselos siya ha?

Ehh hindi mo naman ako masisisi kung yun nga ang iniisip ko,.

Anyway.

7 o'clock na ng gabi at madilim na ang langit, pero maliwanag ang kalsada dahil sa mga ilaw sa poste. Para akong batang nakasabit sa likod ng kuya niya. Ang cute naming tingnan. 

"Kuya, sila Macky nga pala?" tanong ko.

"Pinauna ko na sila para sabihin sa mommy mo kung anong nangyare sa'yo." sabi niya.

"okay." sabi ko na lang.

"Okay ka lang ba baby ko?" sabi niya habang naglalakad.

Nagulat ako sa sinabi niya. "baby?!" tanong ko.

Ayiiieee! baby daw! nakakaloka kinikilig na talaga ako ng bonggang bongga grabe!

"Ahh eh, b-baby bro. baby brother. diba?" sabi niya.

"ahh ok..hmm.ok lang naman po ako kuya..ikaw hindi ka ba nahihirapan sakin? sa tingin ko kaya ko ng maglakad, kaya pwede mo na ako ibaba." sabi ko na lang. alam kong nagpalusot lang siya.

At pano mo naman nalaman yon aber?

Hello? nakalimutan mo na ba? expert ako sa pagpapalusot kaya lahat ng style alam ko.

So anong gusto mong palabasin? na baby talaga ang gusto niya itawag sa'yo? grabe teh ha, ang lakas ng hangin dito.

Ewan ko.basta..

haayy.whatever.

"Hindi na, malapit na tayo o. hayaan mo na kong ipasan ka hanggang sa bahay." sabi niya.

Malapit na nga naman kami sa bahay. "Okay sige, ikaw bahala." sabi ko.

Nakarating kami sa bahay. Nakapasan pa rin ako sa kanya nung pumasok kami. Ibinaba niya ako sa sofa at tumabi siya sa akin.

"Naku anak! Okay ka lang ba?" nag-aalalang sabi ni mommy habang papalapit siya sa amin.

Sige nga! ikaw suntukin, sa tingin mo magiging okay ka lang? hayy nako mommy mo talaga.

Shut up!

"Okay lang po ako mommy. wag na po kayo mag-alala." sabi ko na lang. 

Niyakap ako ni mommy. "Sigurado ka anak?" tanong niya habang hinahaplos ang mukha ko.

"Opo mommy." sagot ko.

"Sino may gawa sa'yo niyan? Ipapabugbog ko! Sabihin mo!" sabi ni daddy.

"Dad, wag na po. ako po ang may kasalanan sa nangyari, and okay na naman po ako kaya po dad, please." sagot ko kay daddy.

"Sigurado ka anak? kayang-kaya kong ipabugbog sarado yung gumawa sa'yo niyan.dila lang niya ang walang pasa." dagdag pa ni daddy.

"Dad.please."tumingin ako kay daddy ng may pagmamakaawa.

Nag-buntong-hininga si daddy. "okay sige. magpahinga ka na sa taas para hindi na sumakit yang ulo mo." 

"Okay po, goodnight." humalik ako kay mommy at humalik naman si daddy sa aking ulo. Umakyat na ako sa kwarto ko. At tinumbok ang higaan. Hindi na ako nakapagpalit ng damit dahil sa gusto ko na talagang magpahinga. Nakatulog ako kaagad.

Paggising ko, naramdaman kong kumirot muli ang ulo ko. At napansin kong mayroon akong katabi sa higaan. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil sa madilim ang kwarto. Nakapatong ang kanang kamay ko sa kanyang dibdib at hawak hawak ito ng kanyang kaliwang kaway. Nakapatong din ang aking paa sa kanyang tiyan. Nakapatong naman ang akong ulo sa kanyang braso na parang unan. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko siyang halikan. Pamilyar ang init ng katawan niya, ang pagkakahawak niya sa aking kamay, at ang amoy ng kanyang hininga. Ilang inches lang ang agwat ng mga labi namin. 

Sino kaya itong tao na to? Wala naman akong naaalalang katabi ko kagabi. Siguro panaginip lang to. Oo, tama. panaginip lang to.

Naka-set na sa mind ko na panaginip lang ang lahat. Kaya wala naman sigurong epekto kung hahalikan ko ang lalaking nasa harap ko. Hinalikan ko siya. Gumanti naman ito ng halik sa akin.

Ang weird.bakit parang totoo? it feels real. hayy nako. basta.panaginip lang to Av. it's just a dream so it's ok.

Kumalas ako sa halikan naming dalawa. Hinalikan niya ako sa noo. ngunit hindi ito nagsalita. Ipinikit kong muli ang aking mga mata at natulog muli.

Laking gulat ko ng magising ako. katabi ko pa rin ang lalaking nasa panaginip ko. 

So ibig sabihin, hindi panaginip yon? so ibig sabihin totoo lahat ng nangyare? pati yung..halik? OMG. this can't be.

Napalunok na lang ako. Nakatitig lang siya sa akin at nakangiti.

------------------------

Until the next episode,
Av. 두통

Read more...

DAglat presents: TEE LA OK part 4

Saturday, July 30, 2011

Daglat Series presents
Tee – La - Ok
Ikaapat na Bahagi: /ee-ka-a-pat/ - /na/ - /ba-ha-gee/
Letter D
“Sige, dun ka na sa loob matulog.” suhestiyon ni Harold kay Gabby. “Samahan ko na sina Sean dito sa labas.” habol pa ng binatang nasa katawan ni Gabby.
“Pero…” tanggi sana ni Gabby.
“May electricfan dun sa loob, kesa dito sa labas na sa lupa ka hihiga at malamok.” sabi pa ni Harold.
“Remember you have my body so, dapat ingatan mo iyan sa mga kagat ng insekto and huwag mo masyadong pinapapawisan at pinapabaho.” paalala ni Gabby kay Harold.
“Anung pinapalabas mo?” tanong ni Harold.
“Tabi na tayo sa loob matulog.” diretsong sagot ni Gabby.
“Alam mo, sa lahat ng mga kasama, ikaw lang ang matutulog sa loob ng bahay. Paano mo naman naisip na kasya tayo sa loob? Ikaw nga ipapasiksik na lang kita duon tapos mag-iinarte ka pa.” sabi ni Harold.
“So, kung ayaw mo eh di sasamahan kita magdamag!” sabi pa ni Gabby.
“Bahala ka nga!” asar na sabi ni Harold.
Hindi nagawang makatulog ni Gabby sa buong magdamag. Kinabukasan ay maagang naghawalay sina Gabby at Harold, pumasok na sa opisina si Harold na nasa katawan pa din ni Gabby at si Gabby naman na nasa katawan ni Harold ay pumasok na sa eskwelahan.
“Kamusta na Harold?” simulang bati kay Harold pagkadating niya sa classroom. “Talagang nagiging socialite ka na dude!” sabi pa nito.
“Yeah! I really need transformation!” sagot naman ni Gabby.
“And look! Spokening dollar ka na ah!” komento pa ng binata na nakangisi.
Hindi alam ni Gabby kung bakit magaan ang pakiramdam niya sa kaklaseng ito ni Harold. Iba kasi ang dating at angas nito kung ikukumpara sa iba. Simple manamit pero may dating, calm ang personality at may itsura din naman.

Read more...

The Best Thing I Ever Had - (Part 7) Two Is Better Than One

Friday, July 29, 2011

Note: Thank you po sa mga nagbabasa ng story na to. :) Eto na po yung part 7. Sorry po kung mejo maikli lang. hindi po kasi ako makapag-isip ng mabuti.anyway, sana po nag-eenjoy kayo while reading the story. sana po magustuhan niyo. enjoy reading!

두 사람은보다 나은


---------------------------------------------------

Nag-umpisa ng ipakilala ang dalawang team. Palakpakan at hiyawan ang mga tao. Nasa black team si Ram. Nakita ko pa siyang kumakaway at tumingin sa akin ng nakangiti.

Assuming ka talaga teh! feeling mo naman sa'yo nakatingin!

Che!

Mukha namang magagaling yung mga teammates niya. Hindi ko alam kung bakit pero may parte sa sarili ko na gusto silang manalo.

Grabe ang landi mo talaga teh!

Tumigil ka nga! Inggit ka lang!

Hoy excuse me, mas marami akong papa sa'yo.

Oh talaga? Sige nga isa-isahin mo.

Hindi na nakasagot ang boses. Tumawa ako. Napansin ito ni kuya Marco.

"Oh bakit ka tumatawa?" ang pagtatakang tanong ni Marco.

"Ah eh, wala, may naalala lang ako." palusot ko na lang.

Nginitian na lang ako ni Kuya Marco.

Ipinakilala na rin ang kabilang team. 

"And here's their opponent! The White Team!" sabi ng announcer.

Hiyawan ulit ang mga tao pati na sina Macky at Marco.

"Go Van!" sabi ni Macky.

Nagtaka naman ako bigla. Van? Sinong Van ang tinutukoy nito? Agad kong tiningnan ang mga players ng white team at laking gulat ko ng makita ko ang isa sa mga players.

Si Kuya VAN! Nanlaki ang dalawa kong mga mata ng makita ko siya. Naka jersey siya na white and then basketball shoes.

Parang may hinahap siya sa mga audience.

"Van! Nandito siya!" sigaw ni Kuya Marco sabay turo nilang dalawa ni Macky sa akin.

Huh? Anung nangyayare?

Nagkita ang mga mata namin at parang nabuhayan ang istura ng mukha niya nung makita niya ako.

Conceited much??? grabe ang kapal mo talaga teh!!

As I've said earlier, inggit ka lang!

O sige na! Ikaw na maganda! Ikaw na!

Tumakbo si Kuya Van papunta sa kinaroroonan namin. "Bunso! Buti naman dumating ka!" ang masayang masaya niyang bati sa akin. Binigyan niya ako ng mahigpit na hug.

Wow! Kilig to the max ka na naman! Ang haba talaga ng hari mo teh!wait lang aasug lang ako baka matapakan ko hair mo.

Hindi na ko magsisinungaling, kinilig nga ako. Pero slight lang huh!

Naku! Slight pa raw kunyari! Eh halos mamatay-matay ka na sa sobrang kilig jan!

"Salamat Marco, Macky!" sabi ni Kuya Van.

"Wala yun, sabi ko sa'yo eh, sasama samin yan!" sabi naman ni Macky.

"Huh? Wait lang" tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin. "Bakit ka nag-th-thank you sa kanila?" ang tanong ko na may bonggang pagtataka.

"Kasi, nakiusap sa amin si Van na isama ka daw namin dito. Buti na lang pumayag ka kaagad kung hindi kakaladkarin kita papunta dito. joke!" sabi ni Macky sabay tawa ng dalawang mokong.

"Ah so kakunchaba pala kayo ng mokong na to. Lagot kayo sakin mamayang dalawa." ang mataray na sabi ko sa kanila.

"Mokong na cute." sabay pa-cute ni Kuya Van.

"Cute? ang sabihin mo, pa-cute! Nakakata-cute ka kaya!" sabay tawa ko ng malakas.

Pinisil niya ang pisngi ko. "Ummm! ang cute cute talaga ng bunso ko! Pakiss nga si Kuya!" 

Akala ko nagjo-joke lang siya nun. Pero HINDE! hinalikan niya ko sa pisngi!. Nagulat talaga ako sa ginawa niyang iyon. Buti na lang, walang nakakita kungdi si Macky lang at Marco. Hindi ako makapag salita. Nakangiti siya sa akin. Tumingin ako kila kuya Marco. Nakangiti lang si Marco at Macky nama'y parang kinikilig na hindi ko malaman.

Grabe teh!!! I'm gonna die! OMG! OMG! OMG!!!!! grabe! IKAW NA TALAGA!

Grabe hindi ko alam ang gagawin ko! Hindi ko alam kung paano ko magrereact. Baka pag mali ang reaction ko, baka kung ano isipin nila. bahala na!

Tinulak ko ang noo ni kya Van. "Umm! Bakit mo ginawa yon?" sabi ko sa kanya.

"Ewan. Hmmm..lucky charm I guess??" sabi niya.

"Abnormal ka talaga kuya Van hanu?" tumawa na lang ako kunyari. Syempre hindi ko dapat ipakita na naapektuhan ako kasi baka kung anung isipin nila Marco.

Patay ka sakin Kuya Van mamaya.

Ayyiiiee!! anung gagawin mo? gagantihan mo rin siya ng halik?! sa lips?!

Gaga! tumigil ka nga!..On the second thought,.Pwede rin!. ayy! ano ba tong sinasabi ko? arrggghh! erase erase!

"Tol tara na magsisimula na yung game!" ang pangyayaya ng kateam-mate ni kuya Van.

"O sige," aalis na sana si kuya Van, "Ay teka lang pala." Tinanggal niya ang singsing niya sa kamay niya at kinuha niya ang kaliwang kamay ko. Isinuot niya sa daliri ko ang singsing.

Wow! Kasalan na!

Bugak! Kasalan? Ni hindi pa nga nag-po-propose kasal na agad? and isa pa, hindi pa nga nanliligaw kasal na agad?

Ewan ko.pero alam ko, kinikilig ka na ng bonggang bonggang major major!

Shhh! Wag mo ko ilaglag!

"Ano to?" tanong ko sa kanya.

"Uhhmm. Sa'yo muna para hindi mawala." Ngumiti siya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo. "Wish me luck bunso." at umalis na siya para pumunta sa team niya.

Habang tinitingnan ko siya papunta sa team niya, bigla kong napansin si Ram. Masama ang tingin niya kay kuya Van. Pagkatapos ang tumingin siya sa akin at malungkot ang mukha niya.

Bakit ganun siya makatingin? Nakita kaya niya na hinalikan ako ni Kuya Van? Nagseselos kaya siya?

Nagseselos?Grabe! Eh Bakit naman siya magseselos? Ang kapal mo talaga teh!

Ayy oo nga noh. sorry naman. eh bakit ba kasi ganun siya makatingin. Tuloy ang iniisip ko, parang nag-seselos siya.

Anyway, so the game started. Sa first quarter, lamang ang team nila Ram. Sa second, lamang naman ang team nila kuya Van. Sa third, tie na ang scores nila. Now, sa fourth quarter, 6 seconds na lang nang natitira. lamang ng 2 points ang team nila Ram. Sa team nila kuya Van ang bola. Kinakabahan ako dahil baka matalo sila. Nagsimula na silang gumalaw muli. Pasa dito, pasa don. 5 seconds na lang. 4..3..2. nagshoot si kuya Van..1...

"3 POINTS!" sigaw ng announcer.

Naka 3 points si kuya Van. Hiyawan lahat ng tao. Nag puntahan na lahat sa gitna para mag celebrate. Nagkamayan ang mga players ng magkabilang team. Ng sina Kuya Van na at si Ram ang magkakamayan, bigla akong kinabahan. Iniabot ni Kuya Van ang kamay niya. Nagulat ako ng biglang suntukin ni Ram si Kuya Van. Biglang nagkagulo ang mga tao. Gumanti ng suntok si Kuya Van. Tumakbo ako papunta sa kanila. Sinubukang awatin ng mga tao ang dalawa.

"Kuya tama na!" sigaw ko.

Naipaglayo silang dalawa, katabi ko si Kuya Van. "Ano bang problema mo ha?" ang galit na galit na tanong ni kuya Van kay Ram.

Hawak hawak ng dalawang ka-teammate ni Ram ang kanyang mga braso. In a split of a second, biglang nakawala si Ram at akmang susuntuking muli si Kuya Van. Hindi ko naman alam kung bakit pero bigla akong pumagitna sa kanilang dalawa. Tinaamaan ako sa gilid ng noo ko. Ang lakas ng suntok ni Ram at dahil sa lakas ng suntok niya, bumagsak ako sa sahig at tumama ang ulo ko dito. Naririnig ko pang tinatawag ni kuya Van ang pangalan ko pero bigla na lang nag-black ang paligid.

At iyon ang huli kong naalala.

----------------------

Until the next episode,
Av.

Read more...

STRATA presents: Bulong ng Kahapon 5

STRATA presents
BULONG NG KAHAPON

PART 5 – Ang Wakas

“Gising ka na pala hijo!” nakangiting bati ng isang hindi pamilyar na mukha kay Arman.
“Sino po kayo?” tanong ng binata sa kausap.
“Ako’y nagligtas sa’yo mula sa bangin.” kwento nang matanda.
“Bangin?” tanong ni Arman.
“Nakaligtaan kang iligtas mula sa nabanggang bus dahil nagtuloy-tuloy ka sa bangin na malapit sa kubo ko.” sagot ng matanda. “Alam mo bang hindi ka na halos humihinga nang makita kita.” pagbabalita pa nito.
“Salamat po kung ganuon.” sagot ni Arman at muli niyang naalala ang pakay sa lugar na iyon.
“Huwag ka na munang bumangon. Hindi ka pa lubusang nakakabawi sa sinapit mo.” tutol nang matanda ang makitang nagpupumilit umayo si Arman.
“May kailangan po akong hanapin.” sagot ni Arman.
“Tutulunga kita hijo, ngunit hayaan mo na munag makabawi ka ng lakas para naman hindi ka kung mapaano na lang.” wika nang matanda.
“Salamat po.” sagot ni Arman. “Arman nga pop ala.” pakilala pa ng binata.
“Tawagin mo na lang akong Lolo Mencio.” sagot nang matanda.
“Kailangan ko po talagang hanapin si Mercedes.” saad pa ni Arman.
“Matutulungan kita hijo at mabilis mong mahahanap si Mercedes basta ba’t hayaan mo munang dito ka mamalagi. Hindi pa lubusang gumagaling ang mga bali mo sa katawan at mahihirapan kang bumiyahe at lumibot.” paalala pa ng matanda.
“Pero Lolo Mencio…” tututol pa sana si Arman ngunit biglang nanakit ang likod niya. “Aray…” pagdaing pa ni Arman.
“Sabi ko sa iyo!” sabi nang matanda. “Huwag lang mag-alala dahil may ituturo ako sa iyo para naman hindi ka mainip.” lahad pa nito.
Namangha si Arman nang makita niyang kausapin ni Lolo Mencio ang alaga nitong pusa. Manghang-mangaha ang binata dahil totoong kapani-paniwalang nagkakaintindihan ang tao at ang pusa.
“Bakit ganyan ka makatingin sa akin apo?” tanong nito kay Arman.
“Nauunawaan po ba talaga ninyo ang pusa?” hindi makapaniwalang tanong ni Arman.
“Oo naman hijo! At iyan ay isa lang sa mga bagay na ituturo ko sa iyo.” saad nang matanda.
Hindi alam ni Arman kung ano ang magiging reaksyon. Halu-halo na ang problema niya ay idadagdag pa niya si Lolo Mencio kung totoo ba ang sinasabi ng matanda.
“Phillip! Hindi kita kayang iwanan at ayokong magkahiwalay tayo pero ayoko namang itakwil ako ng pamilya ko dahil sa pagsama ko sa iyo. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko sa lahat, ang pagdating ng araw na ito.” bulong ni Arman sa sarili saka napabuntong-hininga.
“Bakit apo?” tanong ni Lolo Mencio.
“Wala po.” sagot ni Arman. “Mercedes! Saan ka naman ba nagtungo? Pinag-aalala mo ako. Hayaan mo, hahanapin kita sa oras na umayos ang pakiramdam ko.” wika ng diwa ni Arman.
Kinagabihan –
“Lolo, wala po ba kayong kasama dito?” tanong ni Arman habang kumakain sila ng hapunan.
“Ako lang ang mag-isa sa buhay.” wika nang matanda.
“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Arman.
“Oo apo!” sagot ng matanda. “Buhat nang maligaw ako sa bundok Banahaw ay hindi na ako umalis pa dito. Paminsan-minsan nama’y lumalabas ako para magtungo sa bayan subalit babalik din naman ako kaagad.” kwento pa ng matanda.
Isang buwan na nanatili si Arman sa kubo ni lolo Mencio at hindi niya lubos maisip na matututo siya ng mga mahikang akala niya ay sa mga nababasang kwento lang mangyayari. Hindi niya lubos maisip na totoo pala ang sinasabi ng matanda sa kanya. Ngayon nga, tulad nang pangako nang matanda ay tutulungan niya si Arman na hanapin si Mercedes at sa tulong nang mahika ay madali niyang natunton kung nasaan ang dalaga. Nalaman niyang nasa kalapit na nayon lang nila ito nagtatago.
“Sige po Lolo Mencio.” paalam ni Arman saka nagmano sa matanda.
“Mag-iingat ka apo.” wika ng matanda saka may ibinigay kay Arman.
“Ano po ito?” tanong ni Arman.

Read more...

STRATA presents: Bulong ng Kahapon 4

STRATA presents
BULONG NG KAHAPON

PART 4 – Ang Malapit sa Wakas

Mabilis na lumipas ang araw, ang panahon at ang mga buwan dahil sa wakas ay kanila nang makakamit ang pinaka-aasam na dimploma para ibitn sa harapan ng kanilang bahay at ipangalandakan sa mga bibisita na nakapagpatapos sila ng anak. Sa magkaibang paaralan nag-aral sina Mercedes at Arman ngunit magkalapit lang ang kanilang inuuwian kaya nagagwa pa din nilang makapagkita araw-araw.
“Ang aking pagbati Mercedes!” simulang bati ni Arman sa kaibigan.
“Walang anuman!” sagot ni Mercedes. “Binabati din kita sapagkat sa wakas ay nakuha mo na ang minimithi mo.” tugon pa nito.
“Ano na ang mga balak mo?” tanong ni Arman.
“Papasok akong guro sa ating bayan.” sagot ni Mercedes. “Iyon naman ang tinapos ko, ang pagguguro. Pipilitin ko ding makapagpatayo ng pampublikong elementary sa ating nayon para naman iyong malalayo sa bayan ay may malapit na mapapasukan.” saad pa nito.
“Mainam kung magkaganuon.” sagot ni Arman.
“Ikaw? Itutuloy mo bas a pag-aabogasya ang tinapos mo?” tanong ni Mercedes.
“Alam mo namang mahirap ang pag-aabogasya at higit sa lahat mahirap din iyon sa bulsa kaya malamang ay hindi na lang muna.” sagot ni Arman.
“Ano na ang plano mo?” tanong ni Mercedes.
“Tatanggapin ko na muna ang alok sa aking makapagtrabaho sa pamahalaan.” maikling tugon ni Arman.
“Mainam naman at may plano ka na.” tugon ni Mercedes.
“Arman!” tawag ni Phillip mula sa likuran.
“Phillip! Ikaw pala.” sagot ni Arman.
“Phillip.” nagulat namang tugon ni Mercedes saka umakmang tatalikod.
“Sandali lamang Mercedes.” awat ni Phillip.
Natuwa naman si Arman dahil sa wakas at sa unang pagkakataon ay magkakausap na ang dalawa.
“Bakit?” maikling tanong ni Mercedes.
“May nais lamang akong ipagtapat sa iyon.” tugon ni Phillip.
Hindi mawari ni Arman subalit naging mabilis ang tibok ng kanyang puso ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Phillip subalit nakakasigurado siyang hindi maganda ang sasabihin nito kay Mercedes.
“Ano iyon?” tanong ni Mercedes.
“Si Arman ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa’yo.” turan ni Phillip.
“Phillip!” madiing pagtutol ni Arman.
“Anung ibig mong sabihin?” tanong ni Mercedes.
“Mahal ko si Arman nang higit sa pagmamahal ko sa iyo.” wika ni Phillip. “At una ko siyang minahal. Sana Mercedes, ngayon ay nauunawaan mo na ang dahilan kung bakit ako nakipagkalas sa iyo.” wika ni Phillip na muling nalumbay ang tinig.
“Hindi ito totoo!” saad ni Mercedes saka tumakbo palayo.
“Mercedes!” hahabulin sana ito ni Arman –
“Huwag na Arman!” tutol ni Phillip.
Iwinasiwas lang ni Arman ang kamay ni Phillip saka mabilis na hinabol si Mercedes.
“Arman!” pigil ni Phillip saka hinabol na din niya ang binata.
Kahit na anung hanap ay hindi nagawang makita ni Arman si Mercedes. Nagalit din ito kay Phillip dahil sa ginawang hindi man lang siya kinukunsulta.
“Malamang ay pauwi na iyon sa inyo.” saad ni Phillip.
“Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo?” tanong ni Arman.
“Sinabi ko lamang ang totoo.” wika ni Phillip.
“Ngunit bakit ngayon pa at sa tono nang pananalita mo ay parang hindi mo siya minahal.” sagot ni Arman.
“Malinaw ang sinabi kong mas minahal kita ngunit hindi ko sinabing hindi ko siya minahal.” sagot ni Phillip.
“Ganyan ka ba takaga mag-isip?” tanong ni Arman. “Wala ka na ba talagang puso para kay Mercedes. Kung saktan mo siya ay ganun na lang na tila ayos lang ang lahat.” paninisi pa ni Arman kay Phillip.
“Ngunit karapatan niyang mabatid ang katotohanan.” giit ni Phillip.
“Mali ang pamamaraan mo Phillip at iyon ang ikinagagalit ko.” sagot ni Arman saka lumakad nang mabilis palayo sa binata.
“Arman sandali lang!” pigil ni Phillip saka hinabol si Arman.
“Ano na naman ang sasabihin mo? Igigiit mo na namang tama ka at ako ang mali?” tanong ni Arman.
“Patawarin mo ako.” sinserong paumanhin ni Phillip. “Hindi ko sinasadyang masaktan ka.” dugtong pa nito. “Ayokong magkahiwalay tayo ngayong araw na may sama ka ng loob sa akin.” turan pa ng binata.
“Sa susunod ay iisipin mo kung ano ang sasabihin mo.” turan at pagpapayo pa ni Arman.
“Pinapatawad mo naba ak sinta?” tanong ni Phillip.
“Oo naman!” maikling tugon ng binata.
“Salamat! Pangako, hindi ko na uulitin.” masayang reaksyon at pangako ni Phillip saka niyakap si Arman.
Sa probinsya nila Arman naman ay agad na nagtungo ang pamilya nila Arman sa bahay nila Mercedes. May maliit kasing salu-salo na inihanda ang pamilya ni Mercedes dahil nakapagtapos na ito sa pag-aaral. Hindi magawang magtinginan nang dalawa dahil nagkaka-ilangan pa ang mga ito dahil nga sa hindi inaasahang pangyayaring kagagawan ni Phillip.
“Arman at Mercedes” simula ng ama ni Arman nang makaalis na ang mga bisita ng dalaga. “Alam naman nating mula pagkabata pa ay lagi na kayong magkasamang dalawa.” dugtong pa ng ama ni Arman.
“Napagkasunduan naming bakit hindi nalang kayo ang ipakasal para naman lalong tumibay ang samahan nang dalawang pamilya.” dugtong naman ng itay ni Mercedes.
“Hindi po maaari!” tutol ni Mercedes na biglang napatayo.
Agad namang nakadama ng kaba si Arman at batid niyang may panibagong problema siyang dapat harapin at may mas malaking unos na darating.
“Bakit hindi?” tanong ng itay ng dalaga. “Hindi ba’t hiwalay na kayo ni Phillip.” dugtong pa ng itay ng dalaga.
Tinitigan naman ni Arman si Mercedes at tila may pagmamakaaawa sa mata nitong huwag sasabihin ang tungkol sa lihim nilang relasyon.
Tumingin naman si Mercedes kay Arman at sa mata nito. Hindi niya kayang tagalan ang titig nang binata na animo nakikiusap sa kanyang huwag sasabihin ang kanyang lihim.
“Dahil si Arman at Phillip ay may pagtangi sa isa’t-isa.” nawika ni Mercedes saka ito tumakbo palabas.
“Mercedes!” awat ng ama ng dalaga.
“Hintayin mo ako!” tumayong habol ni Arman.
“Dito ka lang!” pigil ng ama ni Arman.
“Hhabulinn ko ppo ssi Meerceedees.” nanginginig na usal ni Arman.
“Gaano katotoo ang sinabi ni Mercedes!” nabigla subalit nananaig ang galit sa tinig ng ama niu Arman.
Nanatiling tahimik lang si Arman.
“Sumagot ka!” sigaw ng ama nito.

Read more...

STRATA presents: Bulong ng Kahapon 3

STRATA presents
BULONG NG KAHAPON

PART 3 – Ang Gitna

“Bakit malungkot ka na naman?” tanong ni Arman kay Mercedes.
“Sa tingin mo ba ay ganuong kadali kalimutan ang lahat?” balik na tanong ni Mercedes sa kaibigan.
“Mercedes.” tugon ni Arman na muling binagabag nang kanyang kunsensya.
“Arman! Hanggang ngayon ay nanunuot sa aking kaibuturan ang sakit. Sa bawat umaga ay hindi ko mapigiling pumatak ang aking luha dahil naaalala ko ang apat tatlong taong pinagsamahan namin ni Phillip.” tugon ni Mercedes.
“Ngunit Mercedes, isang buwan na ang lumilipas nang magkahiwalay kayo ni Phillip. Pinabayaan mo na ang iyong sarili, dapat ay isipin mo naman ang kapakanan mo, ang makakabuti sa iyo.” pagpapayo pa ni Arman. “Pumanhin Mercedes, dahil sa akin ay nararanasan mo ito.” bulong ni Arman sa sarili.
“Mahirap kalimutan Arman! Madali lang sa iyo ang sabihin iyan dahil hindi mo nararamdaman ang sakit na mayroon ako. Madali lang sa iyon iyan dahil hindi ikaw ang iniwan. Papaano ko kakalimutan ang lahat kung sa loob ng tatlong taon ay sa kanya ko inilaan ang buhay ko? Kung si Phillip na ang aking naging buhay?” sagot ni Mercedes. “Alam mo bang maging si itay ay nalulungkot dahil sa kinahinatnan nang pagsinta ko kay Phillip? Patuloy nila akong tinatanong kung anung dahilan daw.” dagdag pa ng dalaga.
“Mercedes, lalo akong inuusig nang aking kunsensya. Lalo mo akong pinapahirapan, higit mong pinapabigat ang aking nararamdaman. Hindi ko magawang maging masaya dahil sa wakas ay kasama ko na si Phillip at dahil binigiyan mo ako ng dahilan para makadama nang pagkabalisa.” bulong ni Arman sa sarili. “Ngunit Mercedes, alalahanin mong mayroon ka ding sariling buhay bago dumating sa piling mo si Phillip.” paliwanag ni Arman.
“Batid ko ang nais mong ipahiwatig Arman!” sagot ni Mercedes. “Hindi ganuon kadaling kalimutan ang lahat.”
“Mercedes…” nabanggit ni Arman. “Patawarin mo ako Mercedes nang dahil sa akin ikaw ay nagbabata ng hirap.” pahayag ng damdamin ni Arman.
“Sige na! Ako’y mauuna na!” wika ni Mercedes saka tumayo.
“Sandali!” awat ni Arman.
“Ano ang iyong dahilan?” tanong ni Mercedes.
“Matagal ko nang nais ibigay sa iyo ito.” wika ni Arman saka may kinuha sa kanyang lamesa.
“Ano ito?” tanong ni Mercedes.
“Plaka iyan na binubuo ng mga paborito nating awitin sa probinsya.” nakangiti nitong tugon. “Dalawang taon ko na iyang nabili sa may Quiapo at nais ibigay sa iyo subalit lagi kong nakakalimutan dahil lagi kang nagmamadaling umalis.” paliwanag pa ng binata.
“Naririto ba ang paboriton kong kanta sa opera?” tanong ni Mercedes.
“Oo!” sagot ni Arman. “Kasama diyan ang paborito mong Granada at O Sole Mio na una mong napakinggan sa mga nagtatanghal nuong unang beses tayong tumuntong ng Maynila.” saad pa nito.
“Salamat Arman!” pasasalamat ni Mercedes saka niyakap ang binata. “Hindi ka pa din nagbabago.” wika pa ng dalaga.
Totoo naman, dalawang taon na iyong nakatago sa kanyang lamesa hindi dahil nakakaligtaan niya, bagkus ay nahihiya siyang iabot sa dalaga. May lihim kasi siyang pagtingin dito mula pa nuong pumasok sila sa mataas na paaralan ngunit hindi niya magawang ipagtapat dala ng karuwagan. Hindi din niya nagawang ibigay iyon kay Mercedes dahil nuong araw na binili niya iyon ay ang parehong araw na nagtapat sa kanya si Phillip nang tunay nitong damdamin para sa kanya. Alam niya sa puso niya na may pagtangi din siya sa lalaking iyon subalit dala nang mas mabigat na takot ay ayaw niyang ipaalam kahit na kanino.

Read more...

The Best Thing I Ever Had - (Part 6) Lonely

Thursday, July 28, 2011

Note: Eto na po ang part 6 ng TBTIEH! Sorry po kung mejo na-late ang update, nagkaroon lang po kasi ng kunting issues lol. I would like to thank my friend Macky and Coleen for helping me to write this part. Thanks!

Enjoy reading!

Ralph Alexander Michael Chua o mas kilala sa tawag na Ram.

Grabe ha! ang hilig mo sa mahaba ang pangalan!

Anyway. Ka-batch lang namin siya. Tulad ni kuya Van, isa rin siyang varsity sa basketball team sa Dickinson University, ang school namin. Isa siya sa mga basketball hotties. Magaling siyang magbasketball gaya ni kuya Van. Sila ngang dalawa ang pinakamagagaling sa team nila. Pero pag nasa court na, mas nag-shi-shining shimmering splendid si kuya Van kaysa kay Ram. Siguro dahil sa mas cute si kuya Van sa kanya or mas hot or somthing. Ewan ko. Kasi sa tingin ko naman eh parehas lang silang gwapo. Ayun, dahil nga sa "inggit" daw, naging no.1 enemy ni kuya Van si Ram. Kumbaga super villain ang set-up. joke.

Over! Grabe!

Anung over ka jan?

Over! ang Chismosa mo, lahat alam mo! haha.

Che! Hindi ako chismoso no! Naririnig ko lang yan!

Anyway, back to the real world. Nadulas nga ako, nasapo niya ko.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin, habang nasa braso pa rin niya ang mga katawan ko.

"O-oo. salamat." tumayo na ko at nag-ayos ng sarili.

"You're welcome..Av, right?" sabi niya.

"Yep. and you are?" siyempre kahit alam ko yung pangalan niya, parang gusto ko na magpakilala siya sa akin. Ewan ko kung bakit, siguro malakas lang trip ko or malakas lang talaga tama ko.

Pagpasensyahan ninyo na po, kalalabas lang ng mental.

Shh! Shut up!

"I'm Ram." ngumiti siya sa akin at iniabot ang kanyang kamay.

"Nice to meet you Ram. Salamat nga pala sa..uhmm...pag-sapo mo sakin." sabi ko sa kanya, at inabot ko ang kamay ko sa kanya. Habang nasa ganoon kaming situation, tinawag ako ni kuya Van mula sa aking likuran.

"Av! Halika na!" ang mejo mataas na tono ng boses ni kuya Van.

Tumingin ako sa likod ko at nakita kong nasa kabilang dulo ng aisle si kuya Van pero mukhang galit siya.

"Uhhm..opo! nanjan na po!" sagot ko naman. 

Humarap ako kay Ram at nakita ko na masama ang tingin niya kay kuya Van."Uhmm Ram, salamat ulit ha? I have to go. See ya around! Thank you ulit!" at naglakad na ako papunta kay kuya Van.

Nginitian naman niya ako. Habang naglalakad ako patungo kay kuya Van, hindi pa rin maalis sa kanilang mga mukha ang masamang tingin sa isa't isa.

Anung meron sa dalawa na to? Ganito ba talaga sila? talagang nemesis talaga ang turingan sa lahat ng bagay at kahit saan?

Read more...

STRATA presents: Bulong ng Kahapon 2

STRATA presents

BULONG NG KAHAPON

PART 2 – Ang Kasunod ng Simula

“Mercedes?” nagulat na wika ni Arman nang makita kung sino ang nasa kwarto niya.

“Arman!” hagulgol ng dalaga saka patakbong niyakap ang binata.

Inaasahan na ni Arman na sa kanya unang lalapit ang dalaga. Alam na niyang siya ang unang pagsasabihan nito ng problema dahil siya ang pinakamatalik nitong kaibigan. Kanina pa nga niya pinaghahandaan ang pagkikita nila ni Mercedes at sa buong akala niya ay matatag na siya para harapin ito subalit pilit siyang pinapahina ng kanyang kunsensya.

“Mercede…” pang-aalo ni Arman.

“Iniwan na ako ni Phillip! Ayaw na niya sa akin.” sagot ni Mercedes.

“Sige lang!” wika ni Arman saka hinagod sa likod ang kaibigan.

“Hindi na niya ako mahal. Ayaw na sa akin ni Phillip, iba na ang gusto niya.” iyak ni Mercedes.

“Ayos lang iyan.” sagot ni Arman na nais na ding mapaiyak at sabihin kay Mercedes kung ano ang tunay na dahilan ni Phillip.

“Ano ba ang mali sa akin? Ano ba ang kulang sa akin? Ano ba ang ayaw niya sa akin?” sunud-sunod na tanong ni Mercedes kay Arman.

“Walang mali sa’yo, wala ding kulang o dapat ikaayaw.” pang-aalo ni Arman.

“Bakit niya ako iniwan?” tanong ni Mercedes.

“Sapagkat may mga bagay na tanging ang panahon lang ang makakasagot.” walang maisip na dahilang tugon ni Arman.

“Ayoko ng mabuhay!” wika pa ulit ni Mercedes. “Papakamatay na lamang ako.” sabi pa ng dalaga.

“Huwag na huwag mong gagawin iyan Mercedes!” pigil ni Arman na biglang nakaramdam ng pagkabahala. “Kasalanan iyan! Ang pagkitil sa sarili mong buhay.” paliwanag pa ni Arman.

“Ito lang ang paraan para makalimutan ko ang lahat.” sagot ni Mercedes.

“Hindi iyan ang tamang solusyon Mercedes!” sagot ni Arman. “May mga bagay na hindi mo makukuha sa isang iglap. Kagaya nang sakit na nararamdaman mo, hindi yan panandalian lang.” sagot ni Arman. “Tulad nang sakit na nararamdaman ko, kung paano ako usigin nang sarili kong budhi, na hanggang ngayon ay patuloy pa ding ipinaparanas sa akin ang sakit.” bulong naman ni Arman sa sarili.

Nanatili sila sa ganuong posisyon hanggang sa –

“Arman!” tawag ni Phillip mula sa pintuan.

“Sssh!” sabi ni Arman. “Baka magisisng si Mercedes.” wika pa ng binata.

“Ilapag mo na iyan d’yan!” sabi pa ni Phillip. “Halina muna sa labas. Ibilin mo na lang din iyan kay manang Juana.” habilin pa nito.

“Saan ba tayo paparoon?” tanong ni Arman.

“Lalabas lang tayo sandali.” sagot ni Phillip. “Ito naman, parang may bago pa duon.” dugtong pa ng binata.

“Hindi ko ata kayang iwan si Mercedes na mag-isa.” sagot ni Arman.

“Arman naman!” may himig nang tampo sa tinig ng binata.

“Sige na nga!” tugon ni Arman na may pilit na ngiti saka inilapag si Mercedes sa higaan.

Sa may liwasan –

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Arman.

“Mamasdan natin ang paglubog ng araw.” sagot ni Phillip.

“Kanina pa nakalubog ang araw.” kontra ni Arman.

“Papasikatin ko ulit para ating sabay na masilayan.” sagot ni Phillip.

“Ano ba talaga ang nais mong mangyari?” tanong ulit ni Arman.

“Ang makasama ka ngayong gabi.” sagot ni Phillip.

“Kung maaari sana ay sabihin mo na sa akin kung ano ba talaga ang plano mo?” pamimilit ni Arman.

“Iyon ring malalaman sa oras na mapunta tayo sa sinasabi kong lugar.” sagot ni Phillip.

Maya-maya pa at –

“Ano to?” tanong ni Arman nang bigla siyang piringan.

“Magtiwala ka lang.” sagot ni Phillip.

“Ano ba kasi ang dahilan nito?” tanong pa ni Arman.

Ilang saglit pa at –

“Ano yun?” hindi maidilat ni Arman ang mga mata dahil sa pagkasilaw.

“Di ba sabi ko ay muli kong pasisikatin ang araw?” tanong ni Phillip.

“Phillip! Anung kalokohan na naman ito?” tanong ni Arman. “Saka nasaan ba tayo?” tanong pa ulit ng binata.

“Labis labis ang pagtatangi ko sa iyo Arman. Ikaw ang liwanag na matagal ko nang hinihingi sa Maykapal, ikaw ang gabay na laging laman ng aking dasal. Simula nang araw na makilala kita, unti-unti kong nakita ang sarili kong ikaw ang kasama.” saad pa ni Phillip.

Sa wakas ay nagawang maidilat ni Arman ang mga mata at nalaman niya ang dahilan kung bakit siya silaw na silaw, dahil halos naka-ikot sa kanya ang spotlight na siya lang ang pinapatamaan.

“Handa ka na bang tanggapin ako ng buung-buo Arman?” tanong ni Phillip kay Arman saka nito nilapitan ang binata.

“Malaking iskandalo ito sa iyong pamilya sa oras na malaman nilang ganito ang ginagawa mo.” saad ni Arman.

“Huwag mo na muna silang alalahanin dahil sa oras na ito, ang pagmamahalan na muna natin ang bigyang daan.” pahayag ni Phillip.

“Phillip…” tugon ni Arman. “…sa dami ng pinagdaanan natin, ang pinagdaanan ng lihim nating pagmamahalan ay bakit ko naman tatanggihan ang isang tulad mo.” sagot ni Arman.

“Salamat Arman!” napayakap na tugon ni Phillip.

“Ngunit hindi ko maatim na habang nasasaktan si Mercedes nang dahil sa akin, ako naman itong nagpapakasaya.” tutol ni Arman.

“Nuong una ay nakukunsensya ka dahil kinakaliwa ko si Mercedes, ngayon namang nakipaghiwalay na ako sa kanya ay puno ka pa din nang pag-aalala.” wika ni Phillip. “Panahon naman para isipin mo ang sarili mo.” paalala pa nito.

“Ngunit Phillip…” pagtutot ni Arman.

“Walang masama kung hahayaan mong lumigaya ka naman.” tugon ni Phillip. “Ako, tulad mo ay nalulungkot para kay Mercedes ngunit pasasaan ba at ako’y kanya ding malilimutan. Para saan ba at makakakita din siya nang bagong giliw. Piliin mo munang maging makasarili, dahil si Mercedes ay malalagay din sa wasto.” pang-aalo ni Phillip.

“Ano? Ayos na ba?” tanong pa ni Phillip nang makitang natahimik na lang si Arman.

“Sige! Tinatanggap na kita nang buung-buo.” sagot ni Arman na may mga ngiti sa labi.

“Salamat Arman! Labis ang aking kaligayahna.” sagot ni Phillip saka niyakap si Arman.

“Ngunit nakahanda ka ba talaga sa maaring kahantungan nang ating pagsasama?” tanong ni Arman.

“Alisin mo na ang lahat nang pag-aalala sa iyong isipan Arman!” wika ni Phillip. “Dahil hangga’t sumisikat ang araw ay may bagong umagang darating para tayo ay harapin.” wika ni Phillip.

“Umaasa ako Phillip. Higit pa at isang kasumpa-sumpa ang mga katulad natin sa paningin nila. Natatakot akong dahil dito ay layuan ako ng pamilya ko, ng mga kakilala at kaibigan ko. Natatakot akong ituring nilang salot o kaya naman ay pandirihan na tila may nakakahawang sakit.” paglalahad ng takot ni Arman.

“Hangga’t wala tayong sinasaktan, tinatapakan, wala tayong dapat alalahanin. Tayo lang, ang mga katulad lang natin ang nakakabatid na hindi masama ang ating ginagawa.” tugon ni Phillip.

“Ngunit si Mercedes?” tanong pa ulit ni Arman.

“Si Mercedes ay hindi natin sinaktan, dahil maging tayo man ay nahihirapan sa kanyang dinadanas. Si Mercedes ay naunang dumating ngunit dahil sa pagkakaila ko sa damdamin ko sa’yo, pilit kong sa kanya ibaling ang lahat subalit isang pagkakamali ang aking nagawa.” paliwanag ni Phillip.

“Phillip.” tanging nasabi ni Arman. “Mali! Nasaktan pa din nating si Mercedes at hindi ako magiging masaya hangga’t alam kong may kirot at sakit pa din siyang dinarama.” sa isip ni Arman.

“Sa ngayon, ituon muna natin ang lahat para sa ating kinabukasan.” saad ni Phillip.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP