Task Force Enigma: Cody Unabia 5 to 7

Sunday, May 15, 2011


CHAPTER 5

Parang timang na sinundan ni Kearse si Cody papasok ng bahay. Hindi pa rin ito kumikibo ng maayos kahit ilang sorry na ang ginawa niya. Lalo tuloy siyang kinain ng pagka-guilty. 

Tse! Inaway-away mo tapos magi-guilty ka?

Dinedma niya ang pasaway na isip niya. Kung iintindihin niya kasi iyon ay hindi siya lalong makakagawa ng tama. Nilapitan niya ang walang kibong si Cody na nasa pinto na ng silid niya.

"Cody..." sambit niya.

Lumingon ito at bahagyang ngumiti. Hindi nga lang kasing-kislap ng mata nito ngayon ang mga nakaraang kislap nun.

"Ahm... pwede bang humiram ng cellphone Kearse? Tatawagan ko na lang yung mga kaibigan ko para magpasundo." 

"Huh?" he was stunned by the softness of his voice. Parang hindi ito yung Cody na makulit. Medyo nakilala naman na niya ito kahit saglit pa lang silang nagkakakilala.

"Pwede ba? Wala kasi akong pamasahe eh, nakalimutan kong wala nga pala akong wallet o kahit na ano. Patawag na lang para maka-uwi na ako at wala ka na ring aalalahaning kahina-hinalang tao dito sa bahay mo." 

Aray!

Sapul na sapul siya dun. Napangiwi tuloy siya ng lihim.

"Eh Cody, di mo namang kailangang umalis eh." naiinis nang sabi niya. Ganun siya kapag napu-frustrate.

"Mas mabuti ng ganun Kearse. Maraming salamat sa abala, pero hindi ko rin gustong hindi kayo makampante na may aali-aligid na kahina-hinalang tao dito." malamig pa ring tugon ni Cody pero may bigat sa kanya ang dating ng bawat salita nito.

"Sobra ka naman!" his temper finally snapped. "Sorry na nga ako ng sorry dito eh, pero wala ka pa ring tigil sa pagpapa-guilty sa akin!"

Tiningnan lang siya ni Cody ng parang balewala ang pagkaasar niya ng tuluyan.

"O sige, bahala ka! Iyan ang phone ko!" sabay abot niya rito ng aparato. "Mabuti pang umalis ka na kasi ayaw mo namang tanggapin ang sorry ko!" asar na asar na talagang tugon niya.

Mukha namang nainis na rin ito at hindi binitawan ang cellphone niyang nasa kamay niya pa rin hanggang ngayon. Hindi kasi nito binitawan ang kamay niya ng iabot niya iyon dito.

"What's eating you? Aalis na nga ako di ba? Ikaw pa ang nagagalit?" sabi ni Cody.

"Eh ikaw naman kasi eh, ayoko sa lahat ay yung pinagmumukha akong tanga Cody. Kung ayaw mo ng sorry ko, sabihin mo, mas mauunawaan ko pa iyon!" galit na talaga niyang sabi.

"Argh, aren't you a work of art? Eh kung ginaganito kaya kita?" gigil na gigil na rin nitong sabi.

Kasabay ng pagkasabi nito niyon ay ang pagkabig nito sa kanya ng tuluyan saka sinakop ang kanyang labi.

Napatulala siya.
Nanglaki ang mga mata.

Naging mapaghanap ang mga labi ni Cody. Tumitikim. Inaakit siya. Nang-aangkin. Nahulog tuloy ang cellphone sa sahig pero dedma lang siya. Nakalimutan na niya ng tuluyan ang pinag-uusapan nila ng dahil sa mapaghanap na halik na iyon.

Nang mapaghiwalay sila ay inakala niyang katapusan na. Hindi pa pala. Mabilis nitong hinubad ang kamiseta at siya ay naiwang nakamasid lang. Halos tigagal sa napakabilis na pangyayari.

Bago pa siya makabalik sa katinuan at makaisip ng paraan para tumakas sa nakangingilong sitwasyon na iyon ay sinibasib na naman nito ang kanyang labi.

Cody was only kissing his lips yet Kearse felt like he was coming down with a fever already. Init na init siya. Hinahabol niya ang bawat galaw ng labi nito. Never in his wildest dreams that he would be kissing somebody in such intense passion. 

Dumako ang labi nito sa kanyang leeg, pa puno ng kanyang tainga habang ang kanyang kamay ay naglalakbay sa matipunong likod nito. Hindi pa ulit nagkakalapat ang mga labi nila pero dama niyang hingal na hingal siya sa sitwasyon at antisipasyon.

Hinaklit nito ang suot niyang poloshirt. Muntik na iyong masira pero wala pa rin siyang paki. Ang mahalaga ay ang init na pinagsasaluhan nila ni Cody.

Cody grabbed his buttocks to make him aware of his steely maleness inside his jeans. Na-shock siya sa intensidad na naramdaman niya. Bigla ang pag-ahon ng excitement sa buong katawan niya. 

Napasinghap siya when Cody's lips touched his bare chest and sucked hungrily on one nipple. All he could do was place his trembling hands on his head and breath heavily. Nangangapos ang hininga niya at nararamdaman niyang tila nalulusaw ang buto niya sa tuhod. Making him unable to stand. But Cody held him still.

Muling nagtagpo ang kanilang tila mga uhaw na labi. Kearse decided to finally give in. He was now kissing Cody hungrily as well. Noon niya naunawaan kung gaano kasidhi ang pagnanais niyang magkaroon ng katuparan ang lahat ng iyon sa pagitan nila ni Cody.

Cody pulled him near him and again, he gasped as he felt his obvious arousal. Hindi niya alam kung paano niyang nagagawang iparamdam ang ganoong bagay dito but Kearse felt his pride went haywire. A shiver ran up his spine. Nagsimulang maglakbay ang kamay nito sa katawan niya habang ang labi ay patuloy sa pagpapaligaya sa kanya.

Ginagap ni Cody ang kamay niya and placed it on his throbbing shaft covered by his jeans. Nagmamadali niyang hinagilap ang zipper nito when he came to realize one thing. He was wearing Jaimes' button fly jeans. Medyo pahirapan ang suot nito pero keri niya. Kakayanin niya! Ngayon pa ba?

Hindi niya alam kung hihimatayin ba siya o matutumba kaya pinili niyang lumuhod na lang. Pero parang may pwersang pilit siyang ibinabalik sa katinuan and he felt Cody shaking him. Hard. Like he was on a trance or something.

Nagulat pa siya ng makitang nakadamit si Cody. Nakakunot ang noo at matamang nakatitig sa kanya.

What happened? Tanong niya sa isip.

Nararamdaman pa niya ang init ng kamay ni Cody sa balikat niya. Hindi pa rin ito tumitigil sa pagyugyog sa kanya. Nahihilo na tuloy siya.

Panaginip lang ba ang lahat ng iyon?

Wala siyang maapuhap na sasabihin. Kahit ang itinatanong ni Cody ay hindi niya maintindihan. Wala. Disoriented yata siya.

"Are you okay Kearse?" tanong ni Cody. Bakas ang maliit na pag-aalala sa tinig.

"Huh?! Where am I?" sa wakas ay sambit niya.

"Ah... sa tralala?" 

"Huh? Bakit nakadamit ka? Di ba nakahubad ka?" nagtatakang tanong niya.

"Eh, malamang nagbihis ako. Kasi pinapaalis mo na ako di ba?"

"H-hindi!" malamya niyang tugon.

Shit! Nagday-dream siya talaga. At sa harap pa ni Cody. Ganun ba talaga ang epekto nito sa kanya?

"Ano, pwede na bang hiramin ang cellphone mo?" tanong nito.

"Ah oo. Pero bakit ganon?" nahihiwagaan pa rin niyang sabi.

"Anong bakit ganoon?" anito ng abutin ang cp niya.

"You were kissing me..." mahina at wala sa loob niyang sambit.

Nanlaki ang mata ni Cody sa narinig.

"Tama ba ang narinig ko? You said I were kissing you?" amused nitong tanong.

Napatampal siya sa noo. 

OMG! Kearse!!! Nakakahiya ka!!! Nahihiyang tili niya sa isip.





CHAPTER 6

"HELLO !!! Bakit ko naman susundan ang lalaking iyon ? Eh hindi naman kami talaga close !" pangangatwiran ni Kearse sa sarili habang tinatanaw ang bus na sinakyan ni Cody.

Nang makatawag ito sa kaibigan nitong ‘Perse’ daw ang pangalan ay nanghiram na lang ito sa kanya ng pamasahe. Kailangan na raw nitong makaalis at may importante itong gagawin. Nainis siya sa sarili niya dahil ayaw niya pa itong umalis. Pero hangga’t nandoon naman ito sa bahay nila ay malamang na pagpantasyahan lang niya ng pagpantasyahan ito ng harapan. Worse, make himself drool over him.

Napabugha siya ng hangin. Curious lang siguro siya talaga dito. Kasi naman, hindi araw-araw na may makikita siyang duguang lalaki sa daan, dadalhin niya sa bahay, pagpapalain, at pagpapantasyahan ? Err… este hindi iyon kasama sa agenda. Bonus na lang siguro na ang gwapo nito at ang sarap pa ng katawan.

Pinaandar niya ang sasakyan at wala sa loob na nag-drive. Hinatid niya lang sa terminal si Cody kaya siya naroroon. Nagulat pa siya ng makitang sinusundan na pala niya ang bus na sinasakyan nito.

Okay ! Siguro ay gusto niya lang talagang ma-satisfy ang curiosity niya sa binata.

Binata ? Teh, baka may asawa na yun. Singit ng malditang bahagi ng isip niya.

‘Wala akong nakitang wedding ring !’ parang timang na pakikipag-usap niya sa sarili. 

Fine ! Echozerang tugon pa nito. 

Wala. Malala na siya. Kinakausap na niya ng literal ang sarili niya. Alam niyang inaagiw ang utak niya minsan pero not to the point of having discussion with himself.

Mabilis ang takbo ng bus kaya naman may ekstrang bilis rin siyang effort sa pagda-drive. Nakadama siya ng kakaibang excitement habang nagmamaneho. Never pa niyang nagawa ito kaya naman kakatwa ang excitement niya.

Nasa Maynila na sila ay nakabuntot pa rin ang sasakyan niya sa bus. Nang huminto ang sasakyan sa Buendia ay nakita niyang bumaba si Cody. Huminto ito sa tapat ng isang establisyemento na waring may hinihintay.

Inihinto niya ang sasakyan sa may hindi kalayuan dito pero hindi pinatay ang makina. Nag-signal lang siya ng hazzard para hindi siya turetehin ng mga nagkalat na traffic enforcers doon.

Habang pinagmamasdan si Cody ay hindi niya maiwasang hangaan ito ng lubusan. Simpleng puting t-shirt lang ang suot nito na pagmamay-ari pa ng kapatid niya at isang kupasing maong. 

Malaking lalaki rin ang kapatid niya pero parang nagmukhang fit dito ang suot nitong hiram na damit. Why, Cody is a big man. Lampas siguro sa anim na talampakan ang taas nito kumpara sa kanya na hindi pa umabot ng lima at sampung pulgada.

May point of comparison ? Para saan ? Iyon na naman ang epal na bahagi ng isip niya.

‘Wala ! Shuta ka !’ gigil na sagot niya.

Nasa ganoong eksena siya ng may lumapit na motorsiklo kay Cody. Isang lalaki ang sakay nun. Nanghubarin nito ang helmet ay napanganga siya. 

Oh my gulay ! Ang gwapo naman nun. Iyon ba ang kaibigan nito ? Well di na nakapagtataka kasi birds of the same feather, flocks together. Hindi niya maatim na ang papangit ng kaibigan ni Cody.

Me ganun ? Close kayo ? singit na naman ng bahagi ng isip niya na bida yata sa Malparida.

Hep ! Plugging yan ! Magbayad ka ! singit ng author ng kwentong ito sa kanya. 

‘Sorry naman Miss Author. Ang epal kasi niya eh.’ Sagot niya sa author. Oo. Sa author. Hindi sayo na nagbabasa nitong kwentong ito. Okay ?

‘Gets niya yan. Kasi matatalino ang readers ni Miss Dalisay.’ Pagtatanggol niya pa sayo. Oo, Ikaw. Ikaw na nakaharap sa monitor at binabasa ang 2nd installment ng Task Force Enigma Series ni Dalisay Diaz.

Bago ka pa tuluyang mabaliw sa pakikipag-usap ng author sa bida at ng bida sa author ay ibabalik ko na ang kwento sa mga tunay na kaganapan.

Hayun na nga at nakikipag-usap ng seryoso si Cody sa lalaking nakamotor. Parang hindi ito ang lalaking kwela na nakakausap niya pa nitong mga nakaraang araw. As a writer, ugali na niyang mag-observe. At ayon sa kanyang henyong obserbasyon ay nakita niyang may bahid ng panganib ang ibinabadya ng gwapong mukha nito.

The other man’s face reflected nothing. Pero hindi maitatangging gwapo rin ito. Napaka-serious nga lang ang mukha.

Nasa mataman siyang pag-oobserba ng may kumatok sa bintana ng salamin niya. Nagulat pa siya ng makitang isa iyong traffic enforcer. Nagtatakang ibinaba niya ang salamin ng sasakyan.

‘Good Afternoon po Sir. May problema po ba ?’ magalang na tanong nito sa kanya.

‘Ha, eh wala naman po. N-naghahanap lang ako ng cd na patutugtugin.’ With that being said agad niyang binuksan ang glove compartment para kunwari maghanap ng cd sa mga cd na naroroon.

‘Eh kasi sir… nasa no parking area po kayo.’ 

‘Huh ?’ gulilat na sabi niya. Agad ang pagbaling niya sa side ng kalsada na mayroong nakalagay na karatula. NO PARKING.

Nilingon niya uli ang traffic enforcer at alanganing napangiti. ‘Ah S-sir… Manong Bossing… Pasensiya na po . Hindi ko napansin.’ Umaasa siyang palalagpasin na siya nito.

‘A-aalis na lang po ako. Nakita ko naman na po ang CD na hinahanap ko. Ayoko lang kasing maaksidente habang naghahanap ng mapapatugtog. Tama naman di ba Sir, Manong Bossing ?’ pang-uuto pa niya rito saka itinaas ang kung ano mang CD ang nakuha niya.

‘Ang galing naman Sir. Kahit pala mayaman Idol si April Boy.’ Nakangiting sabi nito sa kanya habang nakatingin sa iwinawasiwas niyang CD.

April Boy ? Yuck ! Batikos sa kanya ng maldita niyang isip.

Nagugulumihanan siyang napatingin sa cd na hawak. At ngek ! Kay April Boy nga iyon. Kaninong CD ito ? Litong tanong niya sa isip.

Anyway. Kung si April Boy ang makakapagligtas sa kanya sa pagkakahuli ng dahil sa illegal parking then so be it. Salamat ng marami April Boy.

‘Ah o-Oo nga manong. Magaling kasi siya.’ Nakangiwing ngiti niya pa dito. 

‘Oo naman Boss.’ Excited na sabi pa ng traffic enforcer. ‘Peyborit ko ang kanta niyang ‘Di ko kayang tanggapin ! Na mawawala ka na sa akin !’ Biglang birit ni Kuyang traffic enforcer. 

Napangiwi na siya ng husto. Nag-aalala siyang baka may makakuha ng atensiyon sa mga tao sa paligid habang nagko-konsiyerto si Manong. At iyon na nga ang sinasabi niya, napansin na sila nila Cody. 

Nakakunot ang noo nitong inaninag siya sa loob ng hindi tinted na sasakyan niya. Pilit naman siyang yumuyuko habang wapakels si Manong sa labas ng sasakyan niya at nag-a-ala Idol.

Hindi siya pwedeng makita ni Cody at ng kasama nito. Nakakahiya !

Haller ! Yun lang sundan mo yung bus na sinasakyan niya hanggang Maynila eh nakakahiya na. Nakakapagtakang nakakadama ka ngayon ng hiya. Kilala mo naman na siguro kung sino nagsabi niyan ? Okay. Let’s proceed.

Shutang author na ito. Are you ignoring me ? imbernang sagot ng bahagi ng isip niya kay Miss D. 

I’m not ignoring you. You’re just insignificant. Mas mataray na sabi ni Miss Dalisay. 

Bumaligtad na yata ang kwento. Siya na si Kearse Allen Concepcion na siyang bida sa kwentong ito ang naging narrator at naging bahagi na ng kwento si Miss D at ang bahagi ng isip niya.

Matagal na akong bahagi nito noh ? Echozera ! patutsada nito sa kanya.

Oo nga eh, hindi ko alam kung bakit sa lahat ng kwento ko buhay ka at nagmamaldita. Sagot ni Miss D.

So malamang naloloka ka na habang nagbabasa nito kaya ibabalik ko na ang kwento sa totoong mga bida. Sorry for the inconvenience.

Nataranta na siya ng husto ng lumapit si Cody sa kotse niya at kinatok ang kabilang bahagi ng bintana.

Napilitan siyang harapin ito at ibaba ang salamin sa bahaging iyon. Nagtatakang binati siya nito.

‘Kearse ?’

‘Ah—Hi Cody ! Fancy meeting you here.’ Aniya saka ngumiti. Patay ! 


Aliw na aliw si Cody habang kausap niya si Cody sa loob ng kanyang bahay sa parteng iyon ng Taft. Isa iyong apartment na minana niya pa sa mga magulang. Nagulat siya ng makita ang sasakyan nito sa kalye habang may nagko-concert na traffic enforcer sa tabi nito.

Nahuli raw ito sa salang illegal parking pero buti na lang at mabait ang sumita rito kaya hindi na ito tuluyang hinuli. Alam niyang sinundan siya nito base sa pagkakataon ng pagkikita nila sa Maynila.

Nag-convoy na lang sila ni Perse na siya sanang susundo sa kanya pagkababa niya ng bus. Hindi niya maiwasang ma-cute-an sa paraan ng pagku-kwento ni Kearse sa mga pangyayari.

‘Hay nako, buti na lang at nandoon kayo kung hindi, magdamag akong kinantahan ni Manong traffic enforcer doon.’ Naka-emote pa nitong sabi kay Perse na poker faced lang sa harap nito.

Nang makitang walang natanggap na anumang reaksiyon sa kaibigan at kasamahan niya sa TFE ay nahihiyang tumahimik ito. 

Natatawang nilapitan niya ang kaibigan saka sinagot si Kearse. ‘Pasensiya ka na dito sa kaibigan kong Major, Kearse. Hindi kasi marunong maki-ride on ito sa mga biruan. Ito ang taong-tuod. Next to Lt. Col. Rick Tolentino.’ Nakatanggap siya ng malakas na suntok sa braso na hindi niya agad naiwasan.

‘Arekup, Pare naman. Kagagaling ko lang sa bugbog sa mga tauhan ni Alexa. Hindi pa ako lubusang nakaka-rekober.’ Reklamo niya.

‘Ako pa ang ginawa mong tuod. Si Rick lang iyon. Hindi ako.’ Walang-emosyon na sabi nito.

Lumayo na siya rito bago pa siya bigyan ng jab. Umupo siya sa tapat ni Kearse. Nasa mukha nito ang pagtataka at galit ? Bakit galit ito ?

‘Hey ! Bakit galit ka ?’ sabi niya rito.

‘Eh paano akong hindi magagalit ? Pinaghirapan kang pagalingin ng mga kapatid ko. Tapos susuntukin ka lang ng walang emosyong lalaking ito ? Hindi ka pa lubusang magaling !’ galit na galit na sabi nito at balewala lang na dinuduro ang kaibigan niya.

‘Ah… Kearse ang walang emosyong lalaking iyan ay walang iba kung hindi si Major Perse Verance. Ang aming assistant team leader sa TFE.’ Paliwanag at pagpapakilala niya rito.

‘At ako si Queen Elizabeth !’ asar na sabi ni Kearse. Obviously, walang paki-alam sa ginawa niyang pagpapakilala sa kaibigan.

‘Pulis ka ba ?’ tanong nitong bigla sa kaibigan niya. Parang nahulasan at nag-sink in na ang lahat ng sinabi niya rito. Nakahinga siya ng maluwag.

‘Oo.’ Matabang na tugon ni Perse.

‘Eh… peace tayo Officer ha ?’ naka-peace sign pa na sabi ni Kearse. 

Natawa siyang bigla. Matalim naman ang tingin na ibinaling sa kanya ng huli. Dagli siyang umayos, kunwari.

‘Kasi naman, bakit mo sinasaktan ang kaibigan mo. Saka mo na bugbugin iyan kapag nakapagpagaling na ng husto.’ Ani pa ni Kearse na tila biglang naging maamong tupa.
Tao nga naman. Kapag nalamang pulis ang kaharap eh lumalambot ang buto-buto.

‘Pulis siya. Kaya nga Major eh. At ang totoo niyan, ako rin. Pero sa Marines ako. At dati pa iyon. Doctor na ako ngayon.’ Singit niya sa usapan ng dalawa kahit wala naman talagang matinong pag-uusap sa paligid nito.

‘Doktor ka ?’ baling sa kanya ni Kearse. Ang cute na mukha nito ay puno ng pagkagulat.

‘Yup !’ 

‘Eh bakit di mo sinabi ?’

‘Eh di ka naman nagtanong eh.’

‘Kahit na.’ Inis na sabi nito.

‘Okay. Sorry.’ Sabi na lang niya para tumigil na ito. ‘Sorry kung di ko nasabi. Hindi ko naman kasi alam na dapat ko palang ipagsabi iyon. Saka magagaling naman na nurse ang mga kapatid mo.’ Pagpapaliwanag pa niya and that seemed to pacify him.

Nakatitig lang ito sa kanya. Para siyang inaalisa. For the first time in Cody’s life, parang gusto niyang mailang sa titig ng isang tao. Nakipagtitigan na siya sa mga taong may pinakamasamang intensiyon na manggulo sa mundo pero hindi sa klasa ng titig na ibinibigay sa kanya ni Kearse. 

Feeling niya, isa siyang specimen sa laboratoryo. Eh di ba siya ang nag-eeksamin ng mga tissue samples ? Lang’ya. So ganun pala feeling ng mga samples na iyon kapag tinitingnan niya.

‘Okay.’ Anito kapagkuwan.

‘Okay ?’ tanong niya.

‘I believe you.’ Saad nito saka ngumiti.

Ewan lang ni Cody pero talagang iba ang dating ng cute na cute na ngiti na iyon ni Kearse.

Hindi ito ang typical na lalaking magugustuhan niya. Actually, ayaw niya sa mga tipo nito. Maiingay. Madadaldal. At masyadong out.

Ang mga past boyfriends niya, lahat iyon, katulad niya. Straight kumilos. Masculine. Pero iba si Kearse. Ang cute ng pagka-chubby nito. Sapat lang sa height nito ang sukat ng katawan. Pasable na para sa iba.

But what differs Kearse from others is the way he talk. Parang lahat ng bagay ang gaan-gaan at may solusyon agad. 

Siya man ay masayahin din but it was just a facade. Something to cover up his dark past. Bilang isang doctor ng mga patay ay doon siya nararapat. Dahil matagal ng patay ang anumang kakayahan niyang magbigay ng halaga sa ibang tao. Maliban siyempre sa mga kaibigan niya sa TFE na itinuring na rin niyang kapatid.

‘So, you’re a doctor na dating member ng Marines. At itong kaibigan mo na si Perse ay isang Major naman.’ Anito sa tonong mas nagsasabi ng nalaman kaysa nagtatanong.

‘Ano naman itong TFE ?’

Napa-angat ang kilay ni Perse sa tanong na iyon. Nakatingin ito sa kanya. Hinahamon siya kung sasagutin niya ang tanong ng buong katotohanan.

‘Remember what you promised me Cody ?’ Kearse asked hastily, as if he felt that he is hesitant to answer.

‘Ah yeah.’ Aniyang nag-alis ng bara sa lalamunan.

‘That once you’re healed. Sasabihin mo sa akin ang circumstances ng pagkakatagpo ko sayo sa kalsada ng gabing iyon.’

Naalala niya iyon. Marahan siyang tumango.

‘I want to know the truth now.’ 

Nasa tinig ni Kearse ang paki-usap. Pwede siyang magtahi-tahi ng istorya pero parang hindi niya maatim na maglihim dito.

‘I’m waiting Cody.’

‘Tell him Pare.’ Sabat ni Perse.

Iyon lang ang hinihintay niya para sabihin ang lahat kay Kearse. As he went on the process of telling him the truth about him and the group ay palaki ng palaki ang mata ni Kearse, as if discovering worlds’ wonders bit by bit.

Nang matapos siya magkwento ay nanghingi ito ng tubig. Mas ito pa ang hiningal sa mga ikinuwento niya imbes na siya dahil siya ang nagkwento.

Pagkainom nito ng tubig ay inabot niya ang isang daang piso rito na hiniram niya. Tinanggap naman nito iyon ng walang tanong-tanong.

‘Salamat.’ Aniya rito.
Tumango lang ito at saka tumayo.

Parang robot nitong tinungo ang pinto.

‘Kearse ? Saan ka pupunta ?’ tanong niya rito kahit pa may hinala na siyang iiwas na ito sa kanila.

Not everyone can easily accept and understand that they were a part of a demolition team once.

Parang kahoy na estatwa itong bumaling sa kanila.

‘Ahmm… I need a breather.’ Iyon lang ang nasabi nito saka lumabas.

Maya-maya pa ay nagkatinginan na lang sila ni Perse ng marinig ang tunog na makina ng sasakyan ni Kearse.

Cody smiled bitterly.

‘Goodbye Kearse…’





Chapter 7


"Papaanong nakatakas ka kamo sa mga tauhan ni Alexa? At Bakit ka naman niya dudukutin? Paanong nalaman nila ang plano natin noon na hulihin ang drug-trafficking operation nila?’

Iyon ang sunod-sunod na tanong sa kanya ni Perse pagkatapos ng pagbubulgar nila ng kanilang katauhan sa harap ni Kearse. Hindi nila basta-basta sinasabi kung sino talaga sila sa kung kani-kanino pero kagaya nga ng nasabi na niya, iba si Kearse.

Yun nga lang, hindi na siya umaasa na magpapakita pa ito sa kanila pagkatapos ng nalaman. Hindi rin naman birong tanggapin at lunukin na lang lahat ang mga sinabi nila rito.

"Sisiw lang iyon Pare. Hindi lang ako maka-galaw ng maayos doon agad kasi marami sila. Pero siyempre, nung makahanap na ako ng tiyempo, hindi ko na pinakawalan pa. Kawawang nilalang nga lang yung nakalapit sa akin. You know naman na ayokong pumapatay hangga’t maaari.’ Paliwanag niya.

Ganun lang yun kasimple. Hindi na kailangan ng maraming salita dahil parehas nilang alam ang kakayahan ng bawat isa. Kumbaga, kaunting kwento lang ay kaya na nilang basahin ang lahat ng pangyayari or hulaan ang mga maaaring nangyari sa pamamagitan lang niyon.

Sa isang banda, totoo rin ang sinabi niya. He may be a certified and a dangerous marksman, a one-of-a-kind assassin enough for the terrorist groups to shiver when they heard the name Agent Cody, the Doctor-Sniper, but the biggest contradiction to that? Surprise! Surprise! He is a pacifist.

Hangga’t maaari. Hangga’t maiiwasan. Hindi siya kikitil ng buhay ng mga kalaban niya. He’s famous for leaving his enemies immobile by shooting them straight to their knees –even from the most impossible location—or if by fate, and he was left with no choice. Shoot them straight to their head. Between their eyes. That was his trademark. And he was not comfortable with it. Maybe, never will.

Tiningnan niya si Perse na matamang nakatitig lang din sa kanya. Ito ang second-in-command sa kanilang covert operations group na matagal ng nalansag. Ang Task Force Enigma. Kinabibilangan ng mga top caliber police, marines and army officers na nakapasa sa pinakaimposible at patayang training na maaaring maranasan ng gugustuhing sumali sa grupong iyon.

Back then, ng magsimula ang sikretong organisasyong iyon na binuo para labanan ang mga pinaghihinalaang tiwaling opisyal ng pamahalaan na maaaring magpasimuno ng gulo sa bansa at sa mga hinihinalang terrorist groups na nagkalat sa bansa ay isa siyang doktor sa Marines.

Sa batang edad na bente-sais ay doon siya agad sumabak dahil sa tingin niya ay magkakaroon siya ng silbi kung ang malalapatan niya ng kanyang kaalamang medikal ay ang mga nagpoprotekta sa bayan.

Little did he knew that the Marines was in turmoil, as well as the Philippine Army and Air Force at nakaamba ang isang malawakang military coup’ de tat. Napigil lamang iyon ng magladlad si General Luther Mariano at hinikayat ang mga bading sa sandatahang lakas na magladlad at sumama sa kanyang bubuuing organisasyon.

The admission seemed to brought the supposed coup into waste. Pinagpiyestahan iyon ng media. He was hesitant at first. But since naroroon na rin lang naman ang kanyang pagdududa sa pinagsisilbihang grupo ay umalis siya at pinuntahan ang sikretong meeting place na idinaan ng heneral sa isang bugtong.

Only those who are able to decipher the riddle were able to come to the said meeting place. Marami-rami rin sila. Pero sinala silang lahat at mula sa singkwenta mahigit na dumalo ay sampu ang natira sa kanila. Kabilang na sila Perse, Rick, Jerick at Rovi and the rest was history.

Ngayon, kapag may mga opisyal na nangangailangan ng kanilang tulong ay ginagawa nila iyon. Pero siyempre, may karampatang bayad na. Mahirap ang ginagawa nila at sinisigurado nilang 99% ang linis ng trabahong iyon.

Napansin niyang malungkot ang mata ni Perse. At kahit na tutok ito sa kanya ay tagusan din ang tingin nito. Parang wala siya doon. Wala sa loob na binato niya ito ng ash tray sa center table pero sinalo nito iyon at tiningnan siya ng masama.

²Chill pare !’ aniyang nagtaas pa ng kamay.

Tatawa-tawa siyang tumayo palayo rito. Baka kasi batuhin din siya nito. "Anong problema dude? Come on, spill it.’ Pangungumbinsi niya rito ng makapwesto siya malapit sa bintana.

"Wala ito. Huwag mo akong intindihin.’ Paiwas na sagot ng kaibigan niyang Major. Sa kanilang mga taga-TFE ay ito, si Rovi at si Rick lang ang nanatiling nasa serbisyo. Siya kasi ay nagtrabaho na lang sa ospital bilang resident Pathologist. Pero ang ospital na iyon ay may koneksiyon pa rin sa kanilang sikretong organisasyon. Si Jerick ay naging resource person nila pagdating sa mga impormasyon.

"Sure ka? ‘Tol, kung ano man iyang problema mo ay may solusyon diyan. Pwede mong i-share kung gusto mo.’ Sabi pa niya.

"Eh kung ito ang i-share ko sa’yo?’ umang nito sa kanya ng kamao.

"Relax.’ Natatawang sambit niya.

"You’re so worked-up pare. Nakakapag-good time ka pa ba?’ dugtong niya.

"Wala akong panahon sa ganyan.’ Malamig nitong sabi.

"Ow come on Ayhian!’

Tiningnan siya nito ng masama. Nag-peace sign siya. Nadulas kasi siya at nasabi niya ang tunay nitong pangalan. Ngumiti pa siya ng matamis.

"Sorry ‘tol. Alam mo naman na kapag di ako naniniwala sa’yo eh iyon ang nababanggit ko. Pasensiya na.’ Kulang sa sincerity niyang sabi.

²Buti at wala ang iba kung hindi ay bumagsak ka na diyan.’

Napalunok siya. Sa totoo lang, kaya niya itong labanan pero duda siya kung makakatagal siya dito lalo pa at galing din siya sa matinding pahirap ng katawan. He would probably last about ten minutes or so, pero sa diperensiya niya ay malamang wala pa siyang three minutes ay bagsak na siya ng husto kung lalabanan niya ito. Lalo na sa taijutsu. Doon ito magaling.

"Cool ka lang pare. Putsa, nasabi ko  na yata lahat ng salitang synanimous sa kalma eh busangot pa rin yang mukha mo. Bahala ka, magiging pangit ka niyan.’ Pagpapakwela na lang niya.

"Umayos ka kasi ‘tol. Kita mo ngang wala ako sa mood eh.’

"Okay.’ At hindi na nga siya umimik. Baka kasi kung ano pang kalungkutan ang maisip nito at karnehan siya bigla nito. It’s not that Perse is a very violent man. Ayaw niya lang na mapag-initan nito kapag nagkataon. Ibang klase rin naman kasi ang topak ng isang ito. Well, lahat naman sila ay topakin. Lalo na si Rick. Mas malakas ang toyo nun.

"Kamusta na nga pala ang tropa?’ pag-iiba na lang niya ng usapan.

"They’re okay. Alam na rin nilang naka-uwi ka na. Nag-send na ako ng SMS sa kanilang lahat. Expect them to be here any moment now.’ Sagot ni Perse.

As if on cue ay naulinigan nila ang mga sasakyang pumaparada sa tapat ng apartment niya. Hindi na niya inabalang tingnan kung sino ang mga iyon dahil sinabi na rin naman ni Perse na ang mga ito ang parating.

Kaya naman, hindi na siya nagulat ng bumulaga sa pintuan niya ang ever-geeky na si Jerick –hawak ang pinakamamahal nitong laptop at si Rick na kaparehas ni Perse ng hilatsa ang mukha –seryoso-, at si Rovi na siyang nagpalaki ng mga mata niya. Paano ba naman ay kasama nito ang isang lalaing kahawig ni Rico Yan at naka-akbay sa kaibigan niya ang gwapong lalaki.

"Hey! Doctor Kwak Kwak! Saang lupalop ka ba naglalagi? Aba’y hindi ka namin mahanap ah?’ sugod sa kanya ni Jerick para sa isang pabirong head lock.

Kinutusan naman siya ni Rick kaya naman napakamot siya sa ulo ng wala sa oras. Unpredictable talaga ang kumag na Lieutenant Colonel na ito at walang kupas ang pagka-sadista. Kapag nakakita ng pagkakataon na saktan sila sa malalambing na ‘biro’ daw nito ay hindi nito iyon pinalalampas.

"Aray ko naman Rick.’ Reklamo niya.

"Bakit? May reklamo?’ maaskad na tanong nito sabay salampak sa isa sa mga sofa. Binitiwan naman siya ni Jerick bago ito tumabi sa kanya at isiniksik ang katawan sa pang-isahang sofa na kinauupuan niya.

"Wala. Nakita mo naman. Walang namutawing reklamo sa henyo kong labi.’ Nakasimangot na sabi na lang niya kay Rick.

"Very good. Because it wouldn’t be good for your health kung sumagot ka pa.’ Anitong tila-balewala lang kung naalog man ang utak niya sa kutos nito.

"Wuuu! Salamat sa concern!’ sarcastic niyang balik dito.

Ibinaling niya ang tingin sa naglalambingang si Rovi at Rico Yan look-a-like. Bigla siyang nanrimarim sa nakikita niya. Iniligid niya saglit ang tingin sa mga kasama na ganun din ang hitsura pero naroroon sa mga mata ang acceptance sa kaligayahang naka-reflect sa mukha ni Rovi.

"Hoy Sarhento Yuno! Anong kablbalan iyan?’ singit niya sa paglalambutsingan ng mga ito.

"Hu u?’ dedma sa bangang sagot nito.

"Aba! Aba! May dedma effect na ang nagmumurang kamatis na si Sarhento Pulpol. Saan mo nabingwit iyang si Rico Yan look-a-like?’nang-iinis na tugon ni Cody sa balewalang sagot ng kaibigan.

Doon ito  lumingon ng maayos sa kanya. Na para bang may malaki siyang kasalanan na ginawa. Nginitian niya lang ito ng matamis. Ng sobrang pagkatamis-tamis. Yun bang ang tooth decay niya ay magkakaroon ng sariling decaying agent. Ganun katamis.

"Umayos ka Doktor Kwek Kwek. Huwag kang istorbo sa lovelife ko.’ Iyon lang ang sinabi ni Rovi pagkatapos siyang sibatin nito ng tingin.

"Kayo na may lovelife. Paano kang nagkaroon ng pandama eh isa kang reptilya. Wala kang pakiramdam!’ Sigaw niya.

"Oo nga! Huwag kayong mang-inggit dito!’ gagad ni Jerick na nasa tabi niya at kinukutingting na ang laptop nito.

²Kung naiinggit ka, why not make lambing to your not-so-bitter ex na itago natin sa pangalang Rick Tolentino.’ Hindi lumilingong sagot ni Rovi.

Cody felt Jerick stiffened. It was then he realized that Rovi hit home. Pero dedma lang sa sinabing iyon ni Rovi si Jerick. Sa halip na sumagot ay mas sumubsob ito sa laptop. Natatawang inginudngod niya ang mukha nito doon.

"Aray ano ba!’ reklamo nito.

"Sagutin mo ang hanging question Jerick.’ Sabi niya.

"The only hanging question hanging here is the one Jerick asked you awhile ago.’ Si Rick na patamad na ipinatong ang binti sa center table. Naalala niyang bigla ang ibinungad na tanong sa kanya ng katabi.

"Oo nga no? Hindi ko pa pala nasasagot.’

"Korek.’ Si Perse na bigla na lang nagsalit out of nowhere. Nagulat tuloy siya.

"Pare, mag-buzz ka naman.’ Singhal niya kunwari dito.

"We’re waiting Cody.’ Sabi ni Rick.

Bigla siyang natigilan. Parehas na question iyon na ibinato sa kanya sa loob lamang ng ilang oras na pagbabalik Maynila niya. Naalala niya ang cute na chubby na unang nagtanong ng tanong na iyon.

"I was abducted.’ Panimula niya.

"Really?’ si Rovi na inaya ng umupo ang kasama.

"Yes.’ Sagot ni Cody rito. "Hi I’m Cody. Doc Cody na lang for short.’ Pakilala niya sa lalaking kasama nito.

"Bobby.’ Medyo nahihiyang sagot ng gwapong lalaki.

"Aba. At kamukha mo pa si Rico Yan habang kapangalan mo ang kapatid niya. How nice.’ Sambit niya.

"Salamat.’ Nahihiya pa ring sabi ni Bobby.

"Then what happened?² Rick asked. Halata ang pagkainip sa boses.

"Sandali lang naman. Pressure?’ naiinis niyang tugon. Inaantala kasi nito ang obvious na pag-iiba niya ng usapan.

Huminga muna siya ng malalim bago ikinuwento kung paano siya nakuha ng mga tauhan ni Alexa at kung saan siya dinala ng mga ito para pahirapan.

"I don’t think na mapapagkatiwalaan mo pa ang babaeng iyon Rick. What if may nangyaring hindi maganda sa akin?’ pagsusumbong niya rito.

"Eh di ililibing kita.’ Balewalang sabi nito.

"Ang sama mo. Salamat ha.’ Inis niyang sabi.

"Eh kasi naman ‘tol. Ang hirap mong paki-usapan na huwag tanggalin ang tracking chip na nasa balikat mo. Ayan tuloy.’ Si Jerick na nagtitipa na naman ng kung anu-ano.

"Well, siguro nga. I’m partly to blame. Pero ang di ko maintindihan ay ang motibo niya para kidnapin ako.’ Nagtataka talaga niyang sabi.

"To extract her revenge ‘tol.’ Si Rick.

Nanahimik ang lahat maliban kay Rick na mararahas ang paghinga.

What do you mean ?’

"She’s my agent. Silang dalawa ng kakambal niyang si Apple. But they’ve help us to bring Gyul Ho down. Alam ko ang motibo ni Alexa sa pangingidnap sa’yo. Ang makaganti sa akin dahil sa pagkawala ng anak niyang pinangalanan niyang Felicitas. Buntis pala kasi siya nun ng bigyan ko siya ng delikadong assignment. Nakunan siya at pinangalanan niya ang batang iyon ng Felicitas. Since then , she’s been secretly hating me na hindi naman talaga secret dahil nalaman ko ang lahat ng iyon mula kay Apple na mas loyal sa akin.’ Mahabang paliwanag ni Rick sa kanila.

Muli ang pananahimik nila. Napagtahi-tahi na niya ang mga istorya. Mukhang kung pumalpak ang operation kay Gyul Ho ay siya ang gagawing pananggalang ni Alexa kay Rick para makaalis mula sa mga kuko nito. Napapalatak siya ng malakas.

"Putsa! Muntik na ako dun ah. Pero teka, paano nila nalaman ang operation natin na iyon?’ nagtataka pa rin niyang tanong.

"Well, siya ang nag-tip nun sa atin. Ipinadaan niya sa mga informers natin para hindi siya mahalata. Kaya nga laking gulat ko ng makita ko siya sa parking lot na iyon.’ Sagot ni Rovi.

Medyo kumalma na ang inis niya. At least, kapag nagkita sila ni Alexa ay may isasampal na siya sa pagmumukha nito. Trained din naman ito kaya okay lang. Hindi naman pwedeng ‘thank you’ na lang ang pagpapahirap nito sa kanya.

"Asan nga pala itong si Alexa?’ sabi niya kay Rick.

"Paano mo nga palang nalaman na sa akin siya nagta-trabaho ?’ tanong nito.

"She told me. Hinamon pa nga niya ako na tanungin ka.’ Sagot ni Cody sa nakakatakot na lider nila. Gwapo ito. Pero nakakatakot. Mukhang kakarnehin ka ng buhay.

"Yes. She is working for me. Pero dahil siguro sa ginawa niya kaya siya tumakas kasama si Apple pagkahuli nila kay Gyul Ho. Mukhang natakasan ka na niya parekoy.’ Rick said with an obvious mocking smile. As if he was glad about the whole thing.

Naiiling na nagsalita siya.

"Bwisit na babae yun. May pagka-palos. Duda ko ring sinadya niyang bawasan ang tao sa pinagtaguan niya sa akin para masiguro na makakatakas ako.’

"Well, since okay ka na. Can you take another assignment?’ tanong ni Rick imbes na magbigay kumento sa sinabi niya.

"Huh? Kakagaling ko lang ‘tol.’ Reklamo niya.

"This one's very easy.’ May iniabot na folder sa kanya si Perse.

"Thanks man.’ He scanned the document para lang mapataas ang kilay sa nakitang larawan doon. Kamukha iyon ng nasa Mac Notebook ni Kearse.

"Kilala mo?’ tanong ni Rick.

"Not really. Pero nakita ko na ang mukha niya. Siya yung nasa San Marino Corned Tuna.’ Sa halip ay naging sagot niya.

"Right. He’s the famous travelling painter Jhay-L Lagman. Sangkot siya ngayon sa drug trafficking. You wouldn’t mind tailing him, would you?’ said Rick.

"Okay.’ Bahagya pang nagulat ang mga ito sa naging sagot niya.

"Talaga ‘tol?’ diskumpiyado siyang nilingon ni Jerick.

"Oo naman. As long as you guys wouldn’t mind me going back to Laguna.’ Nakakalokong sabi niya.

²Nakow! Mukhang may agenda ka na namang hindi maganda.’ Saad ni Rovi. Hind itinago ang pagdududa sa mukha.

"Trust me on this guys. I know a person na pwedeng makalapit sa subject nating ito ng hindi ako nahahalata.’ Aniya.

"And who is this person?’ Rick asked. His complete attention were glaring at him.

"I think I know who that is.’ Si Perse.

"Tama ka pare.’ Sabi na lang niya. He then again put on his mischievous smile. Tingnan mo nga naman ang kapalaran. Mukhang may malaking maitutulong sa kanya ang taong naiisip niya ng makita ang picture ni Jhay-L Lagman.


SAMANTALA…


Patuloy lang si Kearse sa pagmamaneho ng tila wala sa sarili. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking tinulungan nila ni Earl ay hindi pala ordinaryong kaso ng sumablay na pagsa-salvage. Mas kumplikado pa pala sa inaasahan niya ang bagay na iyon na kinasangkutan ni Cody.

Ang akala niya talaga ay nabiktima lang ito ng hold-up at nabugbog lang at hinubaran para hindi makapanlaban. Malay ba niyang kinidnap pala ito ng isang kalaban sa pagiging alagad ng batas. Na nakatakas lang ito sa kamay ng mga kumidnap dito na nagrehistro sa pagkakatagpo nila ng kaibigan dito.

Nangingilabot pa rin siya. Sa tanang buhay niya ay hindi pa niya naranasan na mapagbuhatan ng kamay kaya naman nanglamig siya ng ikwento sa kanya ni Cody kung paano nito nakuha ang mga sugat ng gabing iyon.

May mga tao palang kayang gawin sa kanilang kapwa ang ganoong klase ng pagpapahirap. Ng pagpapasakit. He can’t believe how cruel men can get. It was actually his first time to see so many wounds in only one person. Dati, kapag nagkakasugat siya tuwing nadadapa sa kalsada noong bata pa ay naloloka na siya. Kaya naman hindi niya ma-imagine kung paanong hindi niya inintindi ang sariling takot sa dugo at sugat ng makita niya ang nakahadusay na katawan ni Cody ng gabing iyon.

Hindi niya namamalayang naka-park na pala siya sa harap ng Coffee Haven. Thank God dahil kahit halos wala siya sa sarili habang nagmamaneho kanina ay nagawa niyang makapag-park sa harap ng paborito niyang coffee shop. Nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan para maikalma ng kape ang nararamdaman niya. Para kasi sa kanya, matatanggal ng kape ang anumang problemang kinakaharap niya.

Diretso siya sa paborito niyang spot ng maka-order. Mabuti na lang at bakante iyon kaya dedma lang siya sa paligid at sumalampak agad doon. Nasa malalim siyang pag-iisip ng makaramdam ng ibang presensiya. Pag-angat niya ng paningin ay nakita niyang nakatitig sa kanya ang lalaking umaway sa kanya noong nakaraan. Si Jhay-L.

"You’re sitting on my spot.’ The man said coldly.

"Ah… I’m sorry. I didn’t see any names written here.’ He retaliated.

"That’s not very original, man.’ Iiling-iling na sabi nito bago umupo.

"And so are you.’ Inis niyang sabi.

Sino ba ito sa akala nito. Hindi porke’t gwapo ito eh may karapatan na itong mang-asar no? Hindi excuse yun. Hindi makatarungan iyon. Choz!

Tinaasan niya ito ng kilay ng makitang prenteng-prente na itong naka-upo. Mukhang nang-aasar talaga ang kumag at may balak ng matulog na naman. Pinagmasdan niya ito ng husto. Gwapo nga ang kumag. In a very rugged way. May mga stubbles pa rin ito at ang may kahabaang buhok ay nakatali ng kung paano na lang.

Pero kahit ganoon ang hitsura nito ay inaasulto naman ang senses niya ng panlalaking pabango nito. Very manly. His musky scent sent his sense of smell in haywire. Ngayon niya lang napag-aksayahan ng panahon ang mga bagay na iyon dahil ng unang magtagpo sila ay nagka-asaran lang sila.

Ayun! Porke’t natitigan mo lang siya ng malapitan sa computer mo eh nagbago na ang tingin mo sa kanya. Hindi ba at ipapangalan mo dapat siya sa lider ng mga terrorista? Singit na naman ng ma-epal na bahagi ng isip niya.

Gaga! Lider ng sindikato. Pabulyaw na sagot niya sa isip. Wala na namang magawa siguro ang bahaging ito ng pagkatao niya kaya umeepal na naman. Natatakot kasi siya baka sumagot rin ang author maya-maya.

Busy ako.

Ayun, sabi na nga ba.

Naaaliw na naman siya sa sagutang iyon ng isip niya at ng author ng series na ito kaya bahagya na niyang nakalimutan ang mga bagay-bagay. Naulinigan na lang niya ang eksaheradong pagtikhim ng nasa harap niya.

"You’re smiling.’ Anito.

"Huh?’ gulilat na tanong niya kay Jhay-L.

"I said you’re smiling.’

Napataas ang kilay niya.

"Excuse me? Close ba tayo?’ mataray na sabi niya.

"No. But I don’t want these people to think that I’m with the company of a deranged faggot.’ He said with equal mockery.

Napasinghap siya sa tinanggap na insulto. The nerve of this man insult him. Napabayo siya sa lamesa.

"How dare you! How dare you insult me!’ magbubunganga na sana siya ng makita niyang nakatingin na ang mga tao sa kanila. Nang makita iyon ay naka-isip siya ng paraan ng pagganti.

"Insult you? I think it should be called truth?’ sarcastic pa rin ang loko.

Naningkit na naman ang magagandang mata niya (ahem!). Kinalma niya ang sarili para maisagawa ang kanyang binabalak. Huminga siya ng malalim bago nag-internalize ala Ate Vi.

"Ganoon na lang ba iyon, ha?’ malakas-lakas niyang sabi. Nakuha niyon ang atensiyon ng iba.

"What are you talking about fag?’ kunot-noong wika ni Jhay-L.

Just wait and see, asshole! 

"So ganoon na lang iyon? Pagkatapos mong makuha ang lahat sa akin at pakinabangan ang mga gusto mong pakinabangan eh faggot na lang ako sa iyo ngayon? Ganoon ka ba kasama Jhay-L’ nagsisimula ng mamasa ang mata niya.

Huh! Kung inaakala ng lalaking ito na makakalusot ang mga pang-iinsulto nito, he had another think coming. Wala sa bokabularyo niya ang ‘thank you’ na lang sa insulto. Never.

"What?’ naguguluhan ng tanong nito.

"Ganoon ba talaga kayong mga lalaki? Pagkatapos ninyon lustayin ang pera naming mga bakla eh aasta kayong para na lang kaming balewala sa inyo porke’t wala na kaming maibigay? How dare you insult me this way Jhay-L. Wala akong ginawang masama sa’yo. In fact ibinigay ko pa ang lahat-lahat. Pera, sasakyan, condo, at kung anu-ano pang hilingin mo including my sexy and voluptouos body.’

Nakarinig siya ng pagsinghap sa mga nasa paligid. Mga Pilipino talaga usisero at usisera. Pero teka lang? Paano ka naging sexy? –tanong iyan ng author sa’yo Kearse. Pero saka mo na sagutin.

"Oo nga naman. Ang kapal ng mukha mo para iwan siya porke’t wala ng maibigay.’ Narinig niyang sabi ng isang customer.

"Tama. Ang kapal ng fez mo kuya.’ Sabi pa ng isa.

"Hey. Stop it. Huwag mo akong idamay sa kalokohan mo.’ Ani Jhay-L na napatayo na. Hindi makapaniwala ang hitsura. Naguguluhan at nagugulumihanan. "And you.’ Turo nito sa nagsalitang customer. ²Huwag mo akong tatawaging Kuya. Hindi kita kapatid.’ Nagtitimping sabi nito saka nagmamadaling kinuha ang gamit at tinungo ang pinto.

Pero bago pa nito magawa iyon ay sumigaw ulit siya. "Minahal kita Jhay-L. Ang dami kong isinakripisyo para sa’yo pero ito lang ang igaganti mo? Kung ayaw mo na sa akin, ibalik mo ang lahat ng ibinigay ko. Hindi iyong ganitong iiwanan mo ako kasi wala na akong silbi sa’yo.’ Aniyang lumuluha talaga ng todo. Humagulgol pa siya at nanlulumo kunwaring napaupo to complete the effect. Nagtakip pa siya ng mukha pero nakasilip din sa lalaki.

Nakita niyang pulang-pula ang mukha nito sa pagkapahiya. Nandun na naman kasi ang mga epal na miron sa paligid.

"Wuuu, ang kapal ng mukha mo. Ibalik mo na ang lahat ng binigay niya.’

"Oo nga. Ibalik mo.’

"Walang utang na loob.’

"Binihisan ka na, ikaw pa may ganang mang-iwan. Kapal ng apog mo pare. You’re not good for him. You don’t deserve all of the things that he has given you.’

"Woy pare english yun ah. Sino naman ang deserving?’

"Wala. Trip ko lang mag-english.’

Sigaw iyon ng ilang customer sa loob ng Coffe Haven

 "Shut up!’ malakas na sigaw ni Jhay-L sa mga makukulit at concerned citizen na customer ng Coffee Haven. Nanahimik naman ang lahat ng ito at bumalik kunwari sa mga ginagawa.

Tinapunan siya ng matalim na sulyap ni Jhay-L at bago ito tuluyang lumabas ng cpffee shop ay nag-iwan ito ng isang banta.

"You’re gonna pay for this. I swear.’ Saka ito nawala sa paningin niya.

Siya naman ay itinigil na ang pagiyak kunwari at nagpahid ng nabasang pisngi. Napahalakhak siya sa isip niya. Malkas na malakas. For revenge is sweet.

Akala siguro ng kumag na iyon ay naisahan na siya nito. Pwes! Nagkakamali siya. Hindi pa isinilang ang magpapatumba sa kahenyuhan ni Kearse Allen Concepcion.


Itutuloy…

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP