Parafle na Pag-ibig (1-5)

Friday, May 6, 2011

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com


Chapter 1


aka Boss Aljun

“Jun! Jun!” ang sigaw ng best friend kong si Fred habang nagtatakbo itong lumapit sa akin, bakat sa mukha ang ibayong saya. Nasa library ako noon, nagbabasa ng libro. Dahil sa di napigilang pagsigaw niya sa pangalan ko, lahat ng tao sa loob ng library ay napalingon.

Si Fred ay ang ang kauna-unahan kong kaibigan sa school na iyon. Transferee lang kasi ako at nasa first year ng kursong Liberal Arts. Confirmed gay si Fred ngunit acting straight naman bagamat paminsan-minsan ay lumalabas din ang tunay na kulay. 

“Hinaan mo nga ang boses mo! Ano ka ba? Nakakahiya sa mga taong nag-aaral!” ang pigil na boses kong sagot sa kanya.

“Nakabili ako ng raffle ticket! Heto o, tig-iisa tayo!” sagot niyang pinigilan na rin ang pagsigaw.

“E, ano ngayon? Ano ba ang mayroon sa mga tickets na iyan at para kang natatae na hindi makahanap-hanap ng kubeta?” ang sagot kong pigil din ang boses.

“Doon na nga tayo sa botanical mag-usap para hindi tayo nakakaistorbo rito!” Mungkahi niya.

“Sige nga, sabihin mo sa akin kung ano ang mayroon sa ticket na iyan kung bakit para kang inaatake ng kalandian sa inasta mo?” ang tanong ko kaagad noong makaupo na kami sa damuhan sa lilim ng malaking mahogany ng botanical garden.

“May narinig ka ba tungkol sa taonang pinakaaabangan at kinababaliwang paraffle dito sa campus?” tanong niya sa akin.

“Hindi. Bakit? Ano ba ang nakakabaliw sa paraffle na iyan?” ang sagot kong may kaalituhan sa ibinigay niyang trivia.

“Hindi mo alam talaga? As in virginly innocent ka kung ano ito? As in wala talagang nakapagsabi man lang sa iyo kung anong klaseng paraffle mayroon ang campus na ito taon-taon?”

“Wala nga at hindi ko alam, ano ka ba? First year college pa lang ako, ngayon pa lang nakatungtong sa college na ito, ikaw pa lang ang kaibigan ko dito at wala namang tsismoso na lumapit sa akin, ikaw p lang! Ano yan?”

“Ay oo nga pala. Wala ka pala talagang kamuwang-muwang. O sige, ito, sasabihin ko na at huwag kang mabigla ineng ha? Itong paraffle na ito ay paraffle ng mga… lalaki!” napahinto siya at pinagmasdan ang aking reaksyon.

Syempre, lumaki ang mga mata ko sa gulat, hindi malaman kung matawa o mainis sa iniisip na niloko lang ako ng kaibigan. 

“O ano? Nagulat ka…” sabi niya sabay tawa. “

“Ibig mong sabihin totoo talagang lalaki ang papremyo sa paraffle na iyan?” tanong ko uli.

Tumango siya, bakat sa mukha ang pigil na pagtawa, ang mga mata ay nakatutok sa akin. 

Syempre naman, hindi ko lubos maisip na mayroon palang ganyang klaseng pa-raffle. Sa biro lang naman nangyari ang ganyan kasi, gaya ng “umulan ng mga lalaki”, “bumaha ng mga tite”, at ngayon pala, “parafle ng mga lalaki!” Parang weird. “Sandali, paano nangyari iyan? At sino ang may pakana niyan?” tanong ko uli.

“Sabi ko na nga bang magka-interes ka eh.” Ang biro ni Fred.

“Hindi ako interesado ah! Nawiweirdohan lang ako!” ang bigla ko ding pagtutol.

“That is exactly the point! Iyan ang purpose ng grupo ng mga estudyante na ito – isang activity na bago, non-traditionl, attention-grabber, weird; something that astounds the mind. At ito ang mensheng gustong iparating nila sa mga kapwa kabataan: huwag matakot mag-innovate, huwag matakot mag-experimento, huwag matakot gumawa ng hakbang na bago at naiiba… Sa taon na ito, nag tema nila ay ‘Magpapansin sa pagtulong’. O di ba bongga? At ang grupo ng mga guwapong mga estudyante na iyan ay ang makalikom ng sapat na pera para sa mga sinusuportahan nilang scholars na anak ng mga mahihirap na pamilya. Iyan ang taonan at kinababaliwang fund-raising na inaabang-abangan ng lahat! Isang henyo ang nakaimbento niyan!”

At napa-“Wow!” naman ako. Naiiba kasi talaga ang approach nila at napakaganda rin ng hangarin. “At ano naman ang gagawin ng mga nanalo sa kanila?”

“Hmmmm! Malisyoso ang tanong mo ano?” Ang biro naman ni Fred na pabirong inismid ang mukha.

“Syempre naman may malisya talagang naglalaro sa utak ko. Kahit sino naman siguro ang makakarinig niyan, ang iisipin ay may bahid malisya. Ikaw ba naman ang manalo ng lalaki, ano ba ang gagawin mo sa lalaki?” Ang pabalang ko ring sagot sabay tawa g malakas.

“Ganito iyan, hija, este hijo pala… halimbawa, may ipapagawa kang assignment sa school, gusto mo ng bodyguard, gusto mo ng kasama at makausap, gusto mong magpaturo ng kung anu-ano sa kanya, gusto mong may magbasa ng novel sa iyo, may magmasahe sa iyong katawan, maghihilod sa iyonog likod sa paliligo mo, houseboy, maglinis ng iyong kwarto, kubeta, bahay, magtanim ng saging sa iyong bakuran, mag-ani ng mais o palay, magbungkal ng lupa, magpakain sa iyong mga alagang baboy, driver, o escort, kahit mag strip tease pa at pasayaw-sayawin mo sa iyong harap… bahala ka. Kahit ano basta hindi masama o nakakasakit. Slave mo siya kumbaga. Ngunit may kontrata iyan, may mga limitations din upang klaro ang arrangement. Kagaya ng dapat ay walang illegal na ipagagawa o labag sa batas ng bansa at eskwelahan, walang ipagagawang malalagay sa peligro ang buhay. At heto ang nakakaloka, ‘…tasks which are intimate, personal, or adult in nature must be consensual. And any emotional or romantic attachments arising out of the stint shall be borne by the parties involved without prejudice to the school or the organization.’ Ibig sabihin, kung may kahalayan ang ipapagawa, depende na kung payag ang prize-boy mo. Otherwise, illegal na iyan.” 

“Waahh! So talagang ina-anticipate nila na may mangyaring something!”

“Siguro! At… malay natin.” sabay bitiw naman ni Fred ng nakakalokong tawa. 

Parang may excitement din akong naramdaman. Iyong bang ang isip na naglalaro at nagtatanong kung ano ang mangyayri kung sakali… lalo na sa side ko na confused pa sa aking sexuality at hindi pa naka-experience ng sex sa kahit kanino. “M-marami bang bumibili ng tickets? O mga estudyante lang?”

“Maraming-marami, grabe, palaging nagkaka-ubusan ng tickets. Kaya nga tuwang-tuwa ako na naka-kuha eh kasi naubusan na nga. Kasi, kahit sino, pwedeng bumili. Open ito sa lahat basta may perang pambili lang, kahit out-of-school pa, senior citizen, lalaki, babae… Iyong iba nga may mga asawa na, tulong na lang at suporta sa fund raising. Kapag nanalo sila, ang lalaki nila ay gawin nilang house boy or utusan… or katuwaan na lang.”

“Ganoon ba? E… gaano naman katagal ang serbisyo ng prize-boy?”

“365 hours lang naman! Di ba may 365 days ang isang taon, pedeng one hour per day or pwedeng mas mahigit pa hanggang makumpleto ang 365 hours. Kung straight 24 hrs per day ang serbisyo, tatakbo ng two weeks and 2 hours lang iyan. Pero lugi ka kung sa gabi ay tulogan ka lang niya, hehe. Basta depende na iyan sa usapan ninyo.”

“Waaahhh!” Lalo tuloy akong na-excite at nag-iinit. “S-sinu-sino naman ang mga pa-premyo nilang lalaki?” 

“Hay naku, sampu ang kanilang napili ngayon at puro guwapo at yummy! Puro kasi nag-gigym, kasi required sa grupo nila. At bago sila nagpalabas ng desisyon kung sino sa kanila ang ipa-premyo, gumawa muna ng campus survey ang grupo. At ang pa-premyo nila ngayon ay ang top ten na lumabas sa ginawa nilang survey. Pero ang jackpot prize nila ay laging top secret na hindi kasama sa grupo. Last year ay ang anak ng mayor ang jackpot prize. At isang buwan na tinapos niya ang ‘task’.”

“Talaga? Mabuti at game din sila ano?”

“Oo. Malakas at sikat na kasi ang grupong iyan dahil may mga political connections. At dahil na rin sa kanilang magandang advocacy at tapang na gumawa ng kakaiba at kakwela-kwela, kaya pumatok talaga at tinangkilik ng masa.”

“Ayos din iyong naisip nilang concept ano?” 

“Oo. Kaya pili ka na! Malayo ang maaabot ng perang ibinili natin sa mga tickets na iyan. At malay mo, makakatikim ka na rin ng lalaki sa wakas!” Sabay bitiw uli ng nakakalokang tawa.

Alam kasi ni Fred na naguguluhan pa ako sa sexuality ko. At palagi niyang sinasabi sa akin ang kanyang “EEE” advice - Explore, Experiment, Enjoy. Kasi, wala naman daw mawawala sa akin kapag nag-eexplore ako, o nag-iexperiment. Kasi nga hindi naman ako mabubuntis, at bagkus, ay madagdagan ko pa ang experience. Tama nga naman. Kaya kapag may nakita siyang lalaking guwapo, sikretong ituturo kaagad niyan sa akin at sasabihin, “Ayan, na-aatract ka ba d’yan?” o “Naga-gwapuhan ka ba sa taong iyon?”

Iniabot ni Fred ang dalawang ticket sa akin. Binunot ko ang isa at binasa ang number nito: DOC-098238171.

**************************
Chapter 2

Sa ilang linggo ko pa simula noong tumungtong ako sa eskwelahan na iyon, nalaman ko ang mga sikat na estudyante at guro sa campus. Maliban sa exclusive na grupo ng mga estudyanteng “Cool Guys, Inc.” na sinabi ni Fred, nalaman ko rin ang iba pang sikat sa campus gaya ng mga magagaling na varsity players ng basketball, mga pamatay sa honor’s list, mga matitinik na dancers, mga matitinding student leaders, etc.

At isa sa mga sikat na ito ay si Si Aljun Lachica. Campus crush at hinahangaan ng lahat. Paano ba naman, gwapo, matangkad, matalino, president ng student council, at sports-minded pati, magaling sa basketball, malakas ang dating, maganda ang PR, at regional champion pa sa lawn tennis. Para bang noong magsaboy ang Diyos sa mundo ng mga mgagandang katangian, siya ang nakasalo sa lahat ng mga ito.

Bukambibig na ang pangalan na Aljun lalo na sa mga babaeng estudyante. Siya ang laman ng kanilang mga kwentuhan at bangkaan. Kaso, hindi siya kasali sa exclusive na grupong nagsponsor ng paraffle. Ang sabi ni Fred base sa narinig niyang tsismis, matagal na nirirecruit si Aljun ng grupo ngunit umaayaw lang ito gawa ng priority daw kasi niya ang pag-aaral at ang student council.

Pero, talbog ang karamihang myembro ng exclusive na grupo sa tindi talaga ng appeal ni Aljun. At napatunayan ko ito isang beses na nagmeeting kaming mga Liberal Arts students. Bago kami dinismiss ng aming dean, pinapaghintay pa kami at may sasabihin pa raw ang presidente ng student council na si Aljun nga. Hindi ko pa nakita ng personal si Aljun noon ngunit doon ko narealize kung gaano katindi ang kamandag niya sa mga babae noong ang isa sa kanila na kasama namin sa Liberal Arts ay nagtatakbong pumasok ng room galing CR, at nagsisigaw. “Nand’yan na siya! Nad’yan na siya!” At nagsimulang magtitili na ang mga babae na mistulang pinagssaniban ng masasamang espiritu. At noong makarating naman sa bungad ng pintuan si Aljun, bigla rin silang natahimik; iyon bang sa sobrang tahimik ay tila marinig mo pa ang ingay ng isang karayom na nalaglag sa sahig. Nangingiti-ngiti na lang kaming mga lalaki.

Pero, sa sarili ko lang, talagang makalaglag-panty at brief ang kapogian ni Aljun. Pati mga lalaki kong ka-klase ay napahanga din sa kanya, di lang dahil sa matinding appeal niya kundi pati na rin sa kanyang talino at kabaitan at pagdala sa sarili. Chest out, confident na confident, cool kahit pinuputakte ng mga tanong na minsan ay nakakainis ngunit nakangiti pa rin... Ang ganda pa ng hubog ng katawan! Syempre, pati ako ay nabighani.

Kahit nga sa meeting na iyon bago siya nagsalita, may mga narinig akong mga estudyanteng antagonista na putak ng putak, reklamo ng reklamo. Noong magsalita na si Aljun at pinagtutulungan nila ng mga tanong, cool pa rin ang dating at ang ganda ng explanations na diplomatic ang dating, walang mkikitang bahid na pagkagalit. At imbes na aawayin pa nila siya, wala silang magawa kasi, hindi naman nagalit iyong tao sa kanila at sila ang nagmukhang kontrabida. Para tuloy silang nabusalan. At simula noon, iyong mga reklamador na na iyon ay naging masugid na niyang taga-suporta.

Ganyan kalakas ang karisma at kamandag ni Aljun. Ang mga babae at bakla ay nababaliw at ang mga kalaban sa politika naging kakampi.

Alam ko, marami ang naloloko sa kanya – babae, bakla, at may ibang mga lalaki na rin sigurong nalilito na sa kanilang sekswalidad dahil kay Aljun. At ewan ko rin ba, hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit nakisawsaw pa ako sa mga naaattract sa kanya. I’m sure naman kasi na hindi lalaki ang gusto niya kundi babae… at sigurado din ako, marami ang nakapila sa kanya.

May isang beses, nagkasabay kami sa CR. Nauna akong umihi at noong nilingon ko ang tumabi sa akin, hala... siya pala. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan. Ngunit nagkunyari pa rin akong dedma lang sa kanya, nakatutok ang utak sa pag-iihi. At pinauna ko talaga siyang matapos. Noong naghugas na ng kamay, sinundan ko siya, naghugas din ako ngunit dedma pa rin ako kunyari. Pareho kaming nakaharap sa salamin tinitingnan ko kung may dumi ang mukha ko bagamat sa kanya nakafocus ang aking atensyon.

Noong nilingon ko siya, nagkasalubong ang aming mga tingin. At aba... tumango siya sa akin at pinakawalan ang isang ngiti, sabay labas ng cr at dere-deretso na.

“Waaaahhh! Ano iyon?” Tanong ko sa sarili habang hindi ko lubos maintindihan ang sobrang pagkabog ng aking dibdib.

Sinundan ko siya. Ngunit mabilis siyang nakalayo.

Isang buwan ang nakalipas at ginanap na ang pinakahihintay na paraffle, sa gymnasium ng eskwelahan kung saan ito ang ginawang highlight sa disco na iniisponsoran din ng nasabing grupo.

Masaya ang sayawan at punong-puno ng mga balloons at iba pang mga palamuti ang lugar. Ang stage naman ay may dekorasyon at sa gitna ay may nakasulat na – Cool Guys, Inc. at ang tema nilang, “Magpapansin sa pagtulong!”

Maraming professors at administrators di ang ang nag-attend. May mga raffle tickets din pala ang mga ito. Game na game din sila kumbaga. At ang nakakaaliw ay ang isang dalagang professor namin na malapit din sa mga estudyante bagamat mahigit 50 na ang edad. Noong biniro namin na kung ano ang gagawin niya sa lalaki kapag nanalo siya, ang sagot niya ay, “Siya na lang ang tanungin ninyo kung ano ang gagawin niya sa sariwa at wala pang kamuwang-muwang kong kagandahan! I’m ready! Overripe na nga lang pero, uhmmmm, may asim pa rin!!” Tawanan kaming lahat.

Alam naman namin na nandoon lang ang mga faculty at administrators na iyon upang magbigay suporta sa fund raising ng grupo. Yearly na kasing ginagawa nila ang activity na iyon kaya hindi na naiilang o naninibago pa ang mga tao. Noong nakaraang taon nga daw, may nanalo ding professor na babae at ang ginawa niya ay pinaraffle din niya sa kanyang mga estudyante ang lalaking napanalunan upang ibigay ito. Tuwang-tuwa naman ang mga estudyante.

At sikat na din sa buong syudad ang tradisyon na ito ng grupo. Maliban kasi sa pagtulong, ang isang side advocacy nila ay ang healthy lifestyle. Habang ipinapakita nila ang kanilang mga magagamdang katawan, ipinaalala nila sa mga tao, lalo na sa kabataan ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa kalusugan at pag-iingat sa katawan. At ipinakita nila sa kanilang mg sarili ang resulta ng desiplina, exercise, at maingat na nutrisyon. Kaya maraming humahanga sa kanila. Tambak din ang gustong sumali. Iyon nga lang, marami din ang hindi pumasa dahil kulang sa desiplina. Six months kasi ang pre-qualification/initiation na dapat naggigym ang applicant, nagpapaganda ng katawan at within 6 months ay dapat na may maipakitang improvement. Kapag pasado na, makapasok na sa grupo at patuloy pa rin ang regimen ng desiplilna, healthy lifestyle, at pagmaintain sa isang well-built at physically-fit na katawan dahil kung hindi niya ma maintain ito, tatanggalin siya sa grupo.

Anyway, may sampung give-away prizes ang pasiunang niraffle. Natatawa ako dahil mga alagang hayop pala ang mga give-aways. Ang una ay isang daga, pagkatapos ay love birds, parrot, aquarium fish, pusa, aso, may isang sawa, hanggang sa nag inannounce na ang mga major prizes. Syempre, ang mga lalaki na iyon.

Isa-isang nagsilabasan ang mga nasabing papremyong mga lalaki na nag catwalk muna sa ginawa nilang rampa na parang mga modelo.

Nagsimula nang magtilian at maghiyawan ang mga tao.

Pagkatapos ng kanilang rampa, isa-isa rin silang nagsibalikan sa likod ng stage.

Natahimik ang mga tao. Tinawag na ang pinakaunang papremyo.

Lumabas ang nakahubad pang-itaas na papremyo boy, ang jeans na puti ay kumpletong nakabutones pa with matching itim na belt na tamang-tamang lapat na lapat lamang sa walang kataba-tabang waistline. Nakapaa.

Nanluluwa naman ang mata ng mga kababaihan at kabaklaan sa ganda ng walang saplot na pang-itaaas na katawan at ang bato-batong muscles at mga hugis pandesal na abs. In fairness, maganda talaga. May taas na 5’9, maputi, clean-cut. May hitsura.

Nakakabingi ang palakpakan, hiyawan at sipulan ng mga tao.

Tumungo siya sa harap ng stage at nagsalita, “Ako po ay si Alvin, 19 years old, at nasa third year ng kursong Information Technology. Ang expertise ko po ay ang tumugtog ng gitara. Kung sino man po ang makakuha sa akin, maari po niya akong paggitrarahin, haranahan siya, o kung sino mang iuutos niyang puwedeng haranahin ko.

Palakpakan uli ang mga tao. Hiyawan, sipulan.

Pagkatapos ay tumayo siyang naka military “tikas hinga”.

Tinawag ang isang administrator ng college upang hugutin ang winning number. Inannounce ito at noong makumpleto ang pagbigkas sa lahat ng digits, isang bakla na naglupasay sa tuwa.

Palakpakan at hiyawan ang lahat. Wala namang sinayang na oras ang maswerteng estudyante at nagtatakbo itong papunta sa stage at noong makaakyat na, agad-agad ding pinapirma sa kontrata, at pagkatapos ay ipinosas ang tig-iisang kamay nila ng papremyo boy atsaka ibinigay sa kanya ang susi, pahiwatig na nakatali na at pag-aari na niya sa loob ng 365 hours ang binatang napanalunan.

Agad silang bumaba ng stage, magkadikit ang mga katawan gawa ng pagkaposas sa kanila.

Tinawag ang sunod na papremyo. Naka-hubad ding pang-itaas at kagaya ng naunang papremyo boy, hindi din papadaig ito sa kaseksihan ng katawan. Makisig, may magandang ngiti, may 5’10 ang taas.

Hiyawan uli ang audience. Sipulan, plakpakan.

“Ako po si Sammy, 20 years old at nasa 4th year ng kursong mechanical engineering. Ang expertise ko po ay ang pagkanta. Hindi po ako propesyonal na singer at ang totoo, sa banyo lang po ako kumakanta. Ngunit maswerte pa rin ang makakuha sa akin dahil sa kanyang paliligo, sasabayan ko siya sa banyo kakantahan habang marahang hihilurin gamit ang aking mga palad ang mga libag sa kanyang likod...”

Hiyawan uli ang mga tao. Sipulan palakpakan.

Humugot muli ng number ang isang administrator at binasa ito. Isang grupo naman ng kababaehan ang matinding naghihiyawan habang ang isang barkada nila na siyang nanalo nahihiya at mistulang nagtatago. Pinilit nilang hilahin siya patungong stage. At noong nasa stage na, hindi naman magkamayaw ito sa pagyuyuko at pagtatakip ng mukha dahil sa matinding hiya.

Muli pinapirma siya ng kontrata at pagkatapos ay pinosasan.

Sunod na papremyong tinawag ay ganoon din ang pormang nakahubad pang-itaas. At kagaya noong dalawang mga naungang papremyo, hindi rin ito patatalbog sa ganda ng katawan, tangkad at kapogian.

“My name is Adrian, 18 years old lang po, at nasa second year ng kursong kumersyo. May paalala lang po ako sa sinu mang makakuha sa akin, please handle me with care. Baka po kasi mabasag ninyo ako. Nakita naman po ninyo sa aking pagmumukha na tunay na wala po akong kamuwang-muwang sa mundo. Ako po ay never been touched, never been kissed and never been damaged. Noong sumali po ako sa cool guys, inc., wala po akong talent. Ngunit dahil kailangan daw magkaroon nito kaya pinilit kong matutong magluto. Hindi nga lang ako sigurado kung masarap. Ngunit wala pong problema dahil kapag hindi po siya masarapan sa niluto ko, pwede pong ako na lang ang kanyang papakin. D’yan po... nakakasiguro po ako, na masarap po ang templada ko...”

Grabe, halos hindi matapos-tapos ang hiyawan at palakpakan ng mag tao. Lalo na sa dating ng pangatlong papremyo na mukhang inosente talaga, babay-face, at kung titingnan mo ay parang hindi makabasag-pinggan. Lalo tuloy nag-iinit ang mga audience at mistulang nagwawala na ang mga ito.

“Huh! Grabe!’ sambit ko sa aking kaibigan. Nakakaaliw pala ang mga activity ng grupong ito. Ang saya-saya pa! At nakakapag-init ng katawan”

“Sabi ko na sa iyo eh!” sagot ng best friend ko.

So iyon ang mga banat ng mga papremyo boys. Mga witty, nakakaaliw, nakakapag-init bagamat puro lang naman biro ang lahat.

Euphoric talaga ang audience sa bawat paglabas ng mg papremyo boys. Nagwawala, parang sinasaniban ang lahat sa magkahalong kaseksihan nila at pagka-witty at may bahid panunuksong mga salita.

Subalit doon na sobrang nagwala ang audience noong ipinakilala na ang jackpot prize. “Ladies and gentlemen! It is cool guys, inc’s privilege that this year we were able to convince one the most sought-after bachelor of this planet to be our top prize boy. It a great honor to introduce to you, Mr. Aljun Lachicaaaaaaaaaaaaa!! Wooooohhhhhhh!!

Halos babagsak ang bubong ng gymansium kung saan ginanap ang activity sa lakas ng hiyawan ang palakpakan ng audience. At lalo na noong lumabas na si Aljun.

Noong nasa gitna na ito ng stage, dahan-dahang tinanggal niya ang kanyang t-shirt noong tumambad ang kanyang pang-itaas na katawan, nakakabingi ang ingay ng audience. Itinapon ni aljun ang kanyang t-shirt sa mga tao at lalong nagkakagulo at naghihiyawan.

Pagkatapos niyang maitapon ang t-shirt, dahan-dahan naman niyang tinanggal ang kanyang belt.

Hiyawan uli ang mga tao.

Noong tuluyang matangagl na ito, inihagis din niya ito sa mga tao.

At doon na nagsisigaw na parang nagdedeliryo ang mga tao noong game na game nitong ibinaba ang zipper ng kanyang maong pants, sapat upang tumambad ang kanyang puting brief at ang kanyang bukol.

Grabe ang ingay. Parang sumabog ang buong gymnasium sa lakas ng tili at palakpakan ngmga tao.

Rumampa si Aljun na patuloy pa ring nanunukso. Habang binaybay niya ang rampa, nandyang isiksik niya ang kamay niya sa ilalim ng brief na para bang inayos ang kanyang pagkalalaki. Nandyan iyong hihimasin niya ang kanyang dibdib pababa sa kanyang abs at harapan, at ang nakakabaliw niyang ginawa bago bumalik sa likod ng stage ay isinukbit niya ang isang kamay sa ilalim ng kanyang brief, habang ang isang kamay ay itinaas sa kanyang bibig at nilawayan ito. At noong malawayan na, ang mga daliring nilawayan ay inihimas-himas niya sa kanyang utong, sabay bitiw ng isang nakakalokong ngiti at nanunuksong tingin.

Grabe talaga ang hiyawan. “Aljun1 aljun! Aljun! Aljun!”

Hanggang sa nakalabas na ng stage si Aljun at dumeretso sa likod nito kung nasaan ang dressing room.

“Thank you Aljun! You will have more of Aljun when we come back. Maestro... music pleaseeeee!!!” ang sigaw ng emcee pahiwatig na ituloy muna ang disco bago ang final raffle para sa jackpot prize.

*********************************
Chapter 3

May isang oras din na tumugtog. Sayawan. Disco. Syempre, nakisayaw na rin ako bagamat puro kaliwa ang aking mga paa sa pagsasayaw...

Maya-maya... “Ladies and Gentlemen! It’s my pleasure to bring back to you this year’s jackpot prize in the person of---yes you know what I mean.......... Mr. Aljun Lachicaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!”

Hiyawan, palakpakan. Nagkagulo na naman ang buong gymnasiium.

At lumabas si Aljun sa huli niyang suot lang na jeans. Rumapa sa gitna ng satage, nagpose sandali, hinaplos ang hubad at matipunong dibdib pababa habang ang mga mata ay nang-aakit, kagat-kgat pa ang kanyang labi na mistulang sa isang taong nasaarapan o nag-iinit.

Noong ang kamay na humaplos sa kanyang dibdib ay nakababa na sa kanyang pusod, sinalap nito ang butones ng kanyang pantalo at muling binuksan ang zipper ng kanyang pantalon.

Naghiyawang muli ang mga tao.

Rumampa muli si Aljun sa pahabang rampa, galing sa stage patungo sa mga audience. Hindi pa rin matigil-tigil ang hiyawan ng mga tao. Kitang-kita ang kanyang bukol sa ilalim ng kanyang puting underwear. At ang lalo pang nakadagdag-kilig at aliw sa mga tao ay ang nakitang kahit alam niyang hindi siya sanay sa ganoong pagrarampa, panunukso at pagdisplay sa kanyang katawan, sige pa rin siya, at kitang-kita din ang kanyang pagtatawa sa sariling kabulastugang pinaggagawa sa harap ng mga tao. Kaya lahat ng mga tao aliw na aliw sa ipinakita niyang pagka-sport.

“Grabe! Ang cute naman niyang tingnan!” Sigaw ko na lang sa sarili, hindi maikubli ang excitement at paghanga at naki-hiyaw at nakipalakpak na rin.

Pero sobrang wild ang hiyawan ng mga tao noong di namin inaasahang hubarin niya ang kanyang pantalon at noong mahubad na ito, inihagis niya ang pantalon sa gitna ng mga kababaihan. Nagkagulo ang parte kung saan hinagis ni Aljun ang kanyang pantalon at mistulang naghihilahan pa sila.

At ang sunod na tumambad sa aming mga mata ay ang halos hubad na na katawan ni Aljun. Grabe, Parang isa siyang model ng underwear kung saan ang litrato ay nakadisplay sa cover ng brand. Proportioned ang katawan, ang ganda ng abs na pansin ang mga linya ng packs, ang chest ay mistulang sculpted at kung titingnan mo ang mukha napakaguwapo. Isang Adonis na lahat ng babae at bakla ay magpapantasya!

Dagdagan pang naka-paa lang sya… parang iba ang dating, parang wild… handang makikipagbakbakan!.

Ngunit ang mas nagpapainit sa aking katawan ay ang bukol na nasa ilaim ng kanyang boxers short. Bakat na bakat. Bagamat pansin sa kanyang namumulang mukha ang pagkahiya, game na game pa rin siyang nanunukso, kahit napuputol-puto ito sa paminsan-minsan niyang pagtatawa sa sariling kagaguhan..

Sipulan ang mga lalaki, tilian at hiyawan ang mga babae, tawanan naman ang mga guro at administrator na nadoon.

“Bro... I love you na!” Hiyaw ng isa sa mga barkada niya.

“Bro... pa-kiss nga dyan!” Biro din ng isa pa.

“Pare... Syeeettttt! Ansarap mo pala!” dagdag pa ng isa.

“Tol... mamaya, date tayo ha?” hirit din ng isa pa.

“Brod... pahipo naman!” hirit pa ng isa....

At lahat ng ito ay tinawanan lang ni Aljun, sabay muestra sa kanila sa kanyang mga daliri ng “I Love You” sign at iginiling-giling pa ang katawan sa harap mismo nila. Minsan naman, pabiro at patago niyang ilalabas ang dirty-finger niya sa mga barkadang nangangantyaw. Pagkatapos, iginapang ang isang kamay niya sa kanyang dibdib pababa sa kanyang umbok habang ang isang daliri sa kabilang kamay naman ay iginuri-guri sa kanyang labi at ang mga mata ay nanunukso.

“Wooohhhhhhh!!!” sigaw ng mga barkada niya na nasa gilid ng rampa. Moral support kumbaga.

Noong matapos na si Aljun sa pagrampa, bumalik na uli ito sa likod ng stage.

Nagsalita muli ang emcee. “Ladies and gentleman... Cool Guys, Inc president will have a very special announcement o make before we proceed with the raffel on the Jacpot prize boy. Please welcome, Troy De Mesa!!!!”

Palakpakan ang mga tao at syempre, nagtatanong ang mga isip kung ano kaya ang announcement na iyon.

Nagsalita siya, “This may be a good news for everyone who wants to take a share of our top prize boy. Just a few minutes ago, the board of directors of the CGI had a brief and unscheduled meeting and decided, with the consent of course of our top prize boy, that whoever wins the raffle, Aljun starts his “slavery” four days form now, or four days after the proclamation of the winner. This is because tonight someone will go home and enjoy a 24-hour service from our top prize. We will have an auction for Aljun!”

Hiyawan uli ang mga tao.

“Waaahhhh! Ibang kunsepto!” sigaw ko sa sarili. “May ganoon talaga?” ang sambit ko sa kaibigan ko.

“Sabi ko sa iyo, kakaiba ang grupo na ito e... masaya liberal ang approach ngunit malalim. Imagine, mas madagdagan pa nila ang kanilang malilikom na pera para sa kanilang mga charity projects.”

At lumabas uli si Aljun, nakangiti, pumuwesto sa gitna ng stage at nagsasayaw-sayaw, hinayaang nakabukas ang kanyang zipper bagamat minsan napapatawa rin sa kanyang pinaggagawa. “Hayyyy. Ka-cute naman!” sigaw ng isip ko.

Nagtake over ang announcer. “Let’s start with 100. Any takers?”

May sumigw kaagad ng, “One thousand pesos!!!”

Na singaot ng, “Five thousand pesos!”

Hanggang sa umabot ang presyo ng twenty thousand pesos.

“Someone says twenty-thousand pesos!” any more takers?

At may sumigaw ng, “Twenty-five thousand!”

“Waahhhh! Grabe naman.” Sabi ko. Laha tay naglilingunan sa dirksyon ng nagbigay ng price. Hindi ko rin makita kung sino dahil sa dami ng tao kaya hindi ko na inalam.

“So wala nang takers of more than 25 thousand?” sabi ng emcee. Noong wala nang sumagot, “Ok! I now declare Aljun Lachica auctioned off!”

Hiyawan ang mga tao at pinaakyat kaagad sa stage ang nanalo sa auction. Noong makita naming lahat, ang isang mayamang fashin designer pala ito na nagmamay-ari ng isang malaking boutique na kumuha lang ng ilang subjects sa Business Management.

“Ano kaya ang gagawin niya kay Aljun?” tanong ko sa kaibigan.

“Fashion designer iyan. Baka gagawing modelo sa mga gawa niya. Andami kayang pwedeng ipagawa niya kay Aljun. Pictorials, endoresements, modelling... Hindi siya lugi sa 25 thousand niya!” sagot ng kaibigan ko.

At pinosasan na si Aljun at ang baklang fashion designer na iniinggit pa ang audience noong hipu-hipuin niya ang dibdib ni aljun at iginapang ang mga daliri sa papuntang puson ng binata. Tawa lang ng tawa si Aljun. Lalo tuloy akong nkukyutan sa kanya at parang nalilibugan din sa sobrang pagka game niya. Pakiramdam ko tuloy ay may umusbong na pagnanasa sa aking katauhan. Naiimagin na ako ang nanalo at ako iyong humaplos sa kanyang dibdib at iginapang ko ang aking kamay hanggang sa umbok mismo ng kanyang pagkalalaki.

“Haizzt!” sa isip ko lang sabay bitiw ng buntong-hininga.

“And now... let us proceed with the lottery!” ang sunod na sabi ng emcee.

Natahimik na ang lahat ng tao noong mismong ang vice mayor ng syudad ang umakyat sa stage upang humugot ng ticket. Syempre, pigil-hininga ang karamihan, hawak-hawak pa ang kanilang tickets, kasama na ako doon.

Noong makahugot na, ibinigay ito sa emcee at inannounce ang winning number. DOC-098238251.

At syempre, dahil isa lang naman ang manalo, halso lahat din ang disappointed. At napa-“Whoaaaaa!” na lang ako. Malapit kasi ang number ko sa nabasa..

Hinintay namin na may aakyat at ipresenta ang kanyang ticket. Ngunit walang sumulpot. Naglingonan ang mga tao sa paligid ngunit wala pa rin.

“Ok...” ang pag annunce ng emcee. “If no one shows up until tomorrow at noon time, we will have to pick another number bukas na rin at 12 noon sa student center.”

Iyon na ang huling pag-announce ng emcee at ipinagpatuloy na muli ang sayawan. “Napaka-malas naman ng may hawak ng ticket na iyon...” sabi ni Fred. “Nasa kanya na sana ang jackpot.”

Umuwi kaming bagamat hindi nanalo, enjoy naman sa sayawan at syempre sa mga hiyawan at higit sa lahat, sa mga palaban na mga lalaki ng CG-Inc.

“O, sa iyo na yang ticket ko!” ang sabi ko sa kaibigan ko sabay abot sa kanya ng ticket.

“Tange! May di pa tapos ang laban! May raffle pa bukas! Malay mo hindi sisipot iyong nanalo kagabi.”

“Kung hindi sisipot. Pero kung sisipot man din siya, hindi rin naman ako mananalo d’yan. Hindi ako maswerte sa mga paraffle.”

“O sige na nga! Ako na lang ang magtago nito.” Sagot naman ng kaibigan ko.

Hapon na kinabukasan, nasa library ako noong nagtatakbo papunta sa inuupuan ko ang kaibigan ko na parang hinahabol, hingal-kabayo. “Jun! Jun!” sigaw niya.

“O. ano na naman! HInaan mo an gboses mo nakakahiya sa mga nag-aaral eh.” Ang sagot ko noong mapansing nagsitinginan na naman ang mga tao sa amin.

“Wala akong paki sa kanila. Ticket mo ang nabunot sa jackpot friend!!!!!!” sigaw uli niya.

***********************************
Chapter 4

“Ha?!!!” ang sagot kong napasigaw na rin at biglang nawala sa isip na naroon kami sa loob ng library.

“Oo!!! Ikaw ang nanalo!!!!” ang sigaw pa rin ng kaibigan ko.

Pinindot ng librarian ang maliit na bell sa counter pagpahiwatig na may nag-iingay sa loob ng library, at kami iyon.

Agad kong dinampot ang aking mga notebooks at gamit sa ibabaw ng mesa at lumabas ng library buntot-buntot ang kaibigan.

“Anong sabi mo? Nanalo ang ticket ko?” sambit ko kaagad noong makalabas na kami ng library at naglalakad papunta sa botanical ng school.

“Oo!”

“Paano nangyari iyon? Imposible naman!”

“Ay malay ko ba kung paano. At wala akong pakialam. Pero anong imposible ba doon? May ticket ka, niraffle nila, syempre naman may mananalo no? Kung ako ba ang nanalo ay magiging posible? Ganoon?” ang tanong ni Fred.

Di na ako nakakibo. Di ko kasi din maintindihan ang sarili. Parang may excitement na parang nahihiyang di maintindihan. Syempre, magtatanong ang mga tao kung sino ang nanalo at siguradong mabunyag sa lahat na ako iyon. At dahil hindi naman ako bakla, magtatanong talaga sila kung ano ang gagawin ko o ipapagawa kay Aljun. Intriga na to!!!

“Eeeeeeeeeeeeee! Magkakaroon na ng lalaki ang buhay ng aking kaibigan! Grabe, hearthrob pa! Campus celebrity at pantasya ng bayan! Maraming maiinggit sa iyo friend!”

“A-ano ba ang gagawin ko sa kanya?” tanong ko kay Fred noong makaupo na kami sa isang upuan sa park sa lilim ng malaking puno ng mahogany.

“Kung ako? Una, papasukin ko sya sa aking kuwarto at habang naliligo ako sa shower, tatawagin ko siya, uutusan kong maghubad na rin dahil siyampre, mababasa siya sa aking ipapagawa sa kanya. Pagkatapos, uutusan ko siyang hilurin ang aking likod at sabunin ang buo kong katawan... and what happens next is up to him – ahihihihihihihihihihih!” ang malakas niyang tawa, na kinilig.

“Grabe naman to. Hindi ko kaya yan. At bawal iyang mga ganyan.”

“Anong bawal doon? May physical or sexual abuse ba? Nalalagay ba sa siya sa isang unsafe na sitwasyon? Ikaw pa nga ang dapat na matakot kasi nalalagay sa unsafe na sitwasyon ang iyong puri! Baka bigla niyang sakmalin!” at tawa na naman.

“Ikaw talaga... puro ka kalokohan.” Sagot ko na lang. “Sandali... naibigay mo na ang ticket ko?”

“T-ticket mo? Di ba nasa iyo?”

“Huh! Ibinigay ko sa iyo ah!” ang gulat kog sabi, tumaas ang boses.

“Kailan? Saan?” sagot naman ni Fred.

“Noong gabi, pagkatapos ng raffle!”

“OMG! Nawala ko friend!”

“Huwag kang magbiro ng ganyan, susuntukin na kita.” Banta ko.

“Woi... joke jok jok!!! Excited na talaga siya. Ibinigay ko kaagad fwend. At ang ipinakilala kong may-ari ng ticket ay ako. Syempre, upang maprotektahan naman kita. Alam ko, hindi ka pa sure sa iyong seksuwalidad. Baka kasi kapag nalaman ng mga estudyante, lalo na mga ka-klase natin na ikaw ang nanalo, iisipin nilang bakla ka. Unfair naman iyon sa iyo, di ba? At least ako, alam na ng iba na ganyan ako. Ok lang ba sa iyo?”

“Ok ang ginawa mo, Fred. Naapreciate ko. Salamat.”

“Anong salamat ka d’yan? Hati tayo kay Aljun no...” biro niya. “Hindi ah, nakasaad sa rules na hindi puwedeng i-share. Pweding ilipat pero bawal dalawa ang master. Kawawa naman ang prize boy kapag nangyaring marami ang uutos sa kanya, hehehe.” Ang bawi din niya.

“O di ilipat natin sa iyo kung gusto mo?”

“Ayoko nga! Gustuhin ko man pero alam kong mas kailangan mo siya; upang malaman mo na ang katotohanan friend, at mamulat ang iyong mga mata sa mundo kung saan ka nararapat!” sabay tawa.

“Tado!”

At pinanindigan naman ni Fred ang sinabing aangkinin niya sa mga tao na siya nga ang nanalo sa jackpot. Kapag may lumapit sa kanya at magtanong, i-confirm kaagad niya na siya nga. At kapag may nagko-congratualte, tinatawanan na lang namin. At nang-iinggti pa kamo siya.

Ngunit syempre, habang palapit ng palapit ang takdang araw na magsimula na ang serbisyo ni Aljun sa akin, parang patindi nang patindi din ang excitement na aking nadarama bagamat hindi ko ipinahalata ito sa aking kaibigan.

“Friend... bukas na daw magsimula ang serbisyo ni Aljun!” sabi sa akin ni Fred.

“O, e di ok... walang problema.” Ang casual kong sagot.

“Ano ba talaga ang plano mo sa first day ninyo?”

“Ano ba? E di mag-usap. Makipagkaibigan. Tanungin ko kung ano ang mga plano niya sa student council, mga projects, mga laro niya sa basketball at tennis.”

“Iyon lang? Sasayangin mo ang oras sa mga walang kabuluhang tanong na iyan, na pwede naman itanong kahit ng mga musmos?”

“Oo naman. Bakit? Ano ba mas maganda?”

“Landiin mo sya eh. Utusan mong magmasahe, o kaya ay kumanta at magsasayaw-sayaw sa harap mo na naka-brief lang!”

“Hahahaha!” Tawa lang ang isinagot ko.

“Bakit ka tumawa?! Amfffff naman nito ah! Huwag mong sayangin ang pagkakataon!”

“Hindi naman ako ganyan eh. Di ako bakla friend!” ang deretsahan kong sagot.

“Asusssss! Nasa denial stage ka friend. Kailangan mo talaga si Aljun upang magising ka sa katotohanan. Hmpt!” sagot ng kaibigan ko.

Lampas alas 7 ng gabi, nasa flat na ako. Hanggang 6:30 ng gabi lang kasi ang pasok ko from Monday to Friday. Nag-iisa lang ako sa inuupahang flat. Medyo maselan kasi ako pagdating sa mga makakasama. Kaya imbes na sa dorm, nirequest ko sa mga magulang ko na isang buong kuwarto talaga ang tirhan ko. May sariling banyo at kusina, may maliit na sitting room may isang kama. Bagamat maliit ang flat, ako lang naman mag-isa at may privacy pa. Tamag-tama lang iyong para sa akin. At ang maganda sa aking napiling flat ay walking distance lang ito papuntang eskuwelahan.

Alam kong sa araw na iyon magsimula si Aljun sa kanyang serbisyo sa akin. Ngunit ang buong akala ko ay sa umaga kami magkita o sa school ba... Kaya naisip kong baka hindi siya magsimula sa araw na iyon dahil gabi na ay hindi pa siya nagpakita. Syempre, hindi naman ako ganyan ka atat para magtatanong sa kaibigan na siyang kumausap kung saan ako nakatira. At lalo ding ayokong isipin ni Fred na bumigay na ako. Ang totoo, ayokong maging bakla. Kasi, alam ko ang hirap nito, lalo na sa pag-ibig. Una, hindi kayo puweding magpakasal. Pangalawa, hindi pa tuluyang tanggap ng society ang kabaklaan. Pangatlo, hindi ka magkakaroon ng isang normal na pamilya, at anak. At pang-apat, ang mga naririnig kong kuwento na kadalasan, ang mga relasyong lalaki sa lalaki ay walang tumatagal. Karamihan kasi ng mga bakla, lumalandi pa rin kahit may karelasyon na. At dahil dito, hindi rin sila siniseryo sa relasyon… Kaya, ayoko.

Subalit, gusto ko ring mas maintindihan ang sarili. Kaya nakikiride on lang ako kay Fred.

Bagamat nilinis ko ang buong flat ko sa paghahanda na baka darating si Aljun, ikinondisyon ko na ang utak ko na hindi na sya darating. Ayokong mag-expect din.

Ngunit may nagdoorbell. Biglang kumabog ng malakas ang aking dibdib. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa aking mga mata si Aljun. Nakaputing polo shirt, itim na pantalon. At ang hindi ko inaasahan ay ang mga malalaking bulaklak na dala!

“Ay... sorry pare!” ang bigla niyang sambit noong makita akong nagbukas ng pinto. Kahit papaano kasi, dahil sa nagji-gym din ako kaya may maipagmamalaki ding porma ng katawan. “Nagkamali yata ako ng pindot ng doorbell. Mali lang siguro ang naibigay sa aking address!” dugtong niya ang mukha ay naguluhan.

“Bakit bro? Saan ka ba sana pupunta? Di ba ikaw ang prize boy ng paraffle ng CG Inc?” sagot ko.

“Ako nga pare. At magsimula na ngayon ang aking serbisyo...”

“Ahhh! Sabi ko. Pwes sa akin ka magserbisyo pare!”

“Hahahaha! Hindi tayo talo pare. Teka lang ha? Hahanapin ko pa ang aking magiging master seserbisyuhan.” sabi niyang tatalikod na sana.

“Pare. Walang biro, ako ang master na hinahanap mo!”

“Huh! Sure ka?” ang sagot niya ang mukha ay namula.

“Sure na sure pare.”

At nakita kong napakamot na lang siya sa kanyang ulo. “Dyahe. Mga bulaklak ang dala ko pare. Akala ko kasi, si... Fred ba iyong pangalang nanalo na sabi ng CG Inc ay bakla daw? Kung alam ko lang sana e... beer pala dapat ang pasalubong ko.” sabay tawa.

Na sinagot ko naman ng, “Pwede ring siopao o doughnut.” Lalo namang lumakas ang kanyang pagtawa.

“Oo nga pala. Sino iyong nagpresent ng ticket at nagclaim na siya ang nanalo?”

“Ah... kaibigan ko iyon. Siya lang ang nag-front sa akin.” Ang paliwanag ko. “Halika, pasok sa loob!” pag-anyaya ko.

“Buti na lang ikaw ang nakapanalo sa akin, hehehe” ang sabi niya noong makaupo na sa sofa.

“Bakit naman?”

“Kung bakla kasi o babae, baka may mangyari” ang biro niya sabay bitiw ng tawa.

“Hahahaha!” ang tawa ko rin. “bakit pare, pumapatol ka ba sa bakla?”

“Hindi naman. Kaso kung darating ang pagkakataon na magkagipitan at umaandar ang libog, hindi na natin masabi, hehehe” Sagot niya. “First time ko kasi ang sumali sa ganito kaya di ko talaga alam ang gagawin.”

“Ako rin first time na nanalo sa ganito kaya di ko alam kung ano ang gaawin sa iyo eh.” Sagot ko rin.

Tawanan.

“Sandali... gusto mo ng mainum? Ikukuha kita para mas ok siguro, mawawala ang hiya ko sa iyo.” Ang mungkahi ko.

“Nahihiya ka pa niyan? Ang ganda nga nitong flat mo, nasa poder mo ako. Dapat ako ang mahiya, hehehe”

“Ibig mo bang sabihin, gatas na lang ang ihanda ko para sa iyo?” ang biro ko.

“Hindi ah? Ano ako, baby?” Ang pagbawi din niya. “Ok… inum tayo. Ako na ang kukuha...” At tumayo siya sa kinauupuan na parang alam na alam kung saan nakatago ang maiinum.

Hindi na ako nakakilos ni makapagtutol sa bilis niyang pagtumbok sa refrigerator.

Noong mabuksan na ang ref, “Waaahhhh! Johnny Walker Black Label?”

“Sensya na... hindi ako nagprepare ng beer. Nawala sa isip ko eh.” Sabi ko.

“Ayos lang.” sagot naman niya. “Hindi ako umiinom ng ganito pero para sa master ko, gusto kong subukan...” ang sabi niya sabay kuha niyon sa ref. Kumuha na rin siya ng dalawang baso, ice bucket atsaka dinala ang mga ito sa kinaroroonan ko.

“Waaahh! Sweet ng mokong!” Sa isip ko lang.

Tumayo din ako at kumuha ng de lata sa ref at binuksan iyon, ginawang pulutan at bumalik sa pagkaupo sa sofa.

Nagtagay siya sa dalawang baso. Nilagyan iyon ng ice atsaka umupo na sa tabi ko. “I-set pala natin ang gagawin ko pare para sa duty ko. Atsaka ‘boss’ ang gusto kong itawag sa iyo.”

“Bakit boss? Dapat tol o pare na lang.” ang pagtutol ko.

“Protocol daw sa ganito na Maam o Sir ang itatawag sa aming magiging master. Pero gusto ko boss na lang...”

Nag-isip ako. “O sige, pero ‘boss’ din ang tawag ko sa iyo...”

Nag-isip din siya. “Ah... Ok...”

“At simula na ngayon... boss?”

Napangiti siya. Tumango lang ako.

Tahimik.

Kinuha ko ang isang baso na may lamanng Johnny Walker at ininum iyon. Uminum din siya.

“So, ang routine ko ay ihahatid-sundo kita sa school? At ilang oras per day ako sa iyo at kung anong mga araw ako na dapat magpunta sa iyo...” Tumingin siya sa akin. “...Boss?” sabay ngiti.

Napangiti na rin ako. Syempre, parang awkward kasi. Noon lang kami nagkasama, nagkakita, tapos may tawagan na kami.

Anyway, nagset kami ng schedule. Bale three hours a day ang duty niya sa akin from Monday to Friday sa oras na 7 – 10 pm at kapag Sabado at Linggo, either 12 hours or 6 hours depende sa kanyang availability at may one day prior notice siya na i-inform ako kung ilang oras ang i render niyang duty sa Sabado at Linggo. Napagkasunduan din naming huwag na akong ihatid sa school bagamat kapag galing sa school at 6:30pm ay sabay na kaming uuwi sa flat ko para magsimula siya sa tatlong oras na daily service. Naawa kasi ako sa kanya na pupunta pa sa flat ko sa umaga upang ihatid lang ako sa school.

“At kung maari, kasama natin ang kaibigan kong si Fred kapag magkasama tayo sa labas, say sa school. Ok lang ba? ...Boss” sabi ko.

“Walang problema. Pero bakit kailangan pa siya?” tanong din niya.

“Baka mamaya, pagdudahan pa akong bakla eh” sabay tawa.

“Hahaha! Mas macho ka pa ngang tingnan kaysa sa akin eh” sagot niya sabay din tawa. “Pero no problem Boss. You’re my master. Whatever you say!”

Pagkatapos naming ma-settle ang routine niya sa akin, tuloy kami sa inuman. At dahil 7:30 na siya ng gabi dumating, 10:30 na dapat ang off niya.

Habang nag-iinuman, kuwentuhan kami sa nangyari sa nakapanlo sa kanya sa auction, iyong baklang fashion designer na nauna niyang sinerbisyuhan.

“Ahhh! Talagang banat din ako ng buto dun. May fashion show pala iyon at ako ang ginawang main model niya. Tapos, pictorials at, would you believe, ginawa din akong manniquin sa kanyang showroom?” ang sabi niya sabay tawa.

“Mannequin? Paano?”

“Nasa loob ako ng glass na display tube at nakatayo, o nakaupo, depende sa posisyon na gusto niya, nakasuot ng kanyang mga gawa at hindi gumagalaw ng isang oras. Tapos, 15 minutes break,ibang posisyin at suot naman… Ang nakakatawa ay noong last one hour ay hubot-hubad na akong pinaupo-upo sa isang bench at ang nakatakip lang sa aking alaga ay isang kamay…

“Hahahahahaha!” tawa ako ng tawa. “E di andaming nanunod sa iyo?”

“Oo, dinayo ang showroom niya. Nagkataong nag-advertise pa pala siya sa mga radio…Pero ok naman siya. Mabait din at pagkatapos ng aking serbisyo sa kanya, may party kami kasama ang lahat ng mga straff niya at iba pang mga kaibigan niya at kasosyo sa negosyo nya t inalok din akong mag parttime model.

“Ayos naman pala... at pumayag ka namang mag model sa kanya?”

“Oo. Pero hindi pa ngayon. Loaded masyado ang schedule ko, hehe”

Gusto ko pa sanang itanong kung walang ibang indecent proposal sa kanya ang bakla o kaya ay may nangyari… kagaya ng sinabi niyang kapag naagay siya sa alanganin ay hindi na siya sigurado kunghindi papatol. Ngunit hindi ko na tinanong pa iyon. Nahiya ako.

Alas 9:30 ng gabi noong naramdaman kong nalasing na si Aljun at halos maubos na rin namin ang isang bote ng Johny Walker. At pati ako ay umiikot na rin ang paningin.

“Boss… mukhang grabe pala ang tama nitong alak na ito. Umiikot na ang paligid. Shiitttt! Di na ako makalakad ng maayos.” Ang sabi ni Aljun ang pagsasalita ay halatang lasing na lasing na.

Tumayo siya, sinubukang maglakad. Ngunit natumba ito at pagkatapos ay nagsusuka na.

“Boss… kaya mo pa ba?”

“K-kaya pa siguro boss…”

Subalit hindi pa rin niya magawang maglakad ng hindi natutumba. Kaya ang ginawa ko ay sa kama ko na siya idineretso.

At dahil sa nasukahan niya ang kanyang polo shirt at pantalon, tinangk kong hubarin ito ang mga butanes nito. “Boss… tanggalin ko ha? Bibihisan kita.”

“Boss… huwag na. Nakakahiya. Uuwi na lang ako.” Sabay hawak sa aking mga kamay upang huwag kongituloy ang pagtanggal ang butones.

Tinangka niyang tumayo uli. Subalit natumba na naman siya at nagsusuka uli.

Inalalayan ko na namn pabalik sa kama at pinahiga. “Boss… hindi mo na kaya. Kaya huwag ka ng tumutol, ok?” At hinubad ko na ang damit niya. Hindi na niya magawang pumalag pa. Inihagis ko ang polo niya sa lagayan ko ng mga labahan.

Tumambad sa aking mga mata ang napakagandang hubog ng kanyang pang-itaas na katawan. Nalala ko tuloy ang kanyang pagsasayaw sa ganing iyon at ang paghahaplos niya sa kanyang dibdib, pababa sa kanyang umbok. Naalala ko rin ang paglaway niya sa kanyang daliri at inihimas-himas iyon sa kanyang utong.

Napalunok ako ng laway. “Tanginaaaaaaaaa!” Sigaw ko sa sarili. “Nalilibugan ako!!!”

Ngunit syempre, todo kuntrol ako sa sarili. “Ayoko!” sigaw naman ng isang parte ng aking utak.

At dahil nasukahan din ang kanyang pantalon, syempre, dapat ko ring hubarin iyon upang linisin ko ang katawan niya gamit ang isang towel at mainit natubig.

Dahan-dahan kong tinanggal ang butones niya. Noong nasa aktong hinawakan ko na ang zipper ng pantalon niya upang buksan ito, ramdam ko ang panginginig ng aking buong kalamnan, lalo na noong tumambad sa aking mga mata ang puting brief niya na at ang bukol sa ilalim nito…

***************************************

Chapter 5

Nilabanan ko ang aking sarili at itinuloy ang paghila sa kanyang pantalon upang tuluyang matanggal na ito. At noong tanging ang puting brief na lang niya ang natirang saplot sa kanyang katawan, hayun na naman; mistulang may koryenteng dumaloy sa aking kalamanan sa nakitang kaakit-akit na tanawin. Hindi ko maiwasang hindi maapektuhan, mamangha, matulala.

Napabuntung hininga ako. Noon ko lang napagmasdan ng maigi at malapitan ang kanyang hubad na katawan bagamat nakita ko na ito sa pagrampa niya sa stage noong gabi ng paraffle. At sobrang napahanga ako sa angkin niyang kakisigan at flawless na katawan. Pakiramdam ko ay natuyuan ng laway ang aking lalamunan at nawala ang aking kalasingan.

Na mesmerize? Awestruck ba? Napako ako sa aking kinatatayuan at ang mga mata ay nakatutok na lang sa nakalatag niyang katawan. Nakatihaya siya, ang isang braso niya ay ipinatong sa ibabaw ng kanyang noo. Inikot ng aking mga mata ang kabuuan ng kanyang katawan. Makinis ang kanyang balat, walang kataba-taba ang tiyan, may matipunong dibdib, pronounced na parang inukit at sa gitna ng dalawang umbok ay ang tig-iisang dark brown na mga utong na kasing-liit ng butil ng mais. Sa ibaba ng kanyang dibdib ay makikita ang mga linya sa kanyang six-pack abs na tumataas-baba sa bawat pagpasok at paglabas ng hangin sa kanyang baga. At sa gilid ng may bandang garter ng kanyang brief ay bakat ang kanyang oblique muscles na mistulang mga diagonal na mga litid patungo sa kanyang harapan.

“Arrggghhh!” sigaw ko sa sarili sa hindi maipaliwanag na matinding magkahalong paghanga at pag-iinit ng aking katawan sa nasaksihan.

Hanggang sa narinig ko na lang ang marahan niyang pag-ungol. “Uhhmmmm!” na sa tingin ko ay ininda ang tindi ng pagkahilo.

Mistula akong nabuhusan ng malamig na tubig. May takot akong naadarama. Bigla akong tumalikod at tinumbok ang kusina. Doon, kumuha ako ng maliit na palanggana, nilagyan ito ng maligamgam na tubig. Kumuha na rin ako ng maliit na tuwalya atsaka bumalik sa kuwarto kung saan nakahiga si Aljun.

Tinanggal ko ang pagkapatong sa kanyang noo ang isa niyang braso. Marahang inilipat iyon sa kanyang gilid. Binasa ko sa maligamgam na tubig ang tuwalya atsaka idinampi sa kanyang noo. “Uhhhhhh!” ang ungol niya muli noong lumapat ang mainit-init na tuwalya sa kanyang noo at mukha.

Napahinto ako, inexpect na tutulan niya ang aking ginawa.

Ngunit hindi na siya muling gumalaw.

Ipanagpatuloy ko ang pagpunas sa kanyang mukha. Dinig na dinig ko ang kanyang malalalim na paghinga habang patuloy kong pinunasan ang kanyang mukha. Alam ko, hilong-hilo pa siya at hindi pa tulog.

Hindi pa rin humupa ang naiibang kiliting naramdamn ko sa aking katawan sa bawat pagdampi ko sa maligamgam na tuwalya sa kanyang balat. Hindi ko maiwasang hindi mapansin ang kanyang matangos na ilong, ang makinis na mukha, ang magandang bibig. Parang ang sarap niyang halikan...

Hininto ko ang pagpunas. Pinagmasdan kong maigi ang kanyang nang-aakit na mga labi. Nalala ko kasi noong rumampa siya sa gabi ng paraffle na habang nang-aakit at hinihimas-himas niya ang kanyang utong, kinakagat-kagat niya ang kanyang labi. Iyona ang isang bagay na nagustuhan ko, nakukyutan ako sa kanya.

Habang nasa ganoon akong pagpapantasya, naramdaman ko na lang ang biglang paglakas ng kabog sa akign dibdib. Nabuo sa aking isip na halikan siya, iyong panakaw lang.

Grabe. Para akong isang taong mag-aatempt pa lang na magnakaw at hindi mapakali sa takot na baka mahuli. Inilapit ko na ang aking bibig sa kanyang mga labi upang kahit maidampi ko man lang ito noong bahagya naman siyang gumalaw. At ito ang dahilan upang lalo akong matakot at nanaig muli ang matino kong pag-iisip.

At ipinagpatuloy ko na lang uli ang pagpunas. Sa leeg... sa dibdib... sa abs... sa pusod... at sa ibaba pa nito hanggang sa may garter ng kanyang brief...

At doon na ako pinawisan ng todo noong napansin ko ang ulo ng kanyang pagkalalaki na umusli sa garter ng kanyang brief at tigas na tigas ito, pumupintig pa!

Bigla na naman akong napahinto, kinutuban, kinikilabutan...

Itinuloy ko pa rin ang pagpunas, pinilit na huwag pansinin ang pagwawala ng kanyang alaga, isiniksik sa isip na hindi puwedeng may mangyari dahil malaking bawal iyon...

Punas uli ako... sa kanyang kaliwang hita, pababa sa kanyang binti at paa. Pagkatapos ay sa kabila naman. Nanginginig ang aking kalamnan...

Ngunit lalo lamang akong nalibugan noong patuloy ko pa ring napapansin ang pagwawala ng kanyang pagkalalaki na tila nanunukso, nang-imbita. Hindi ito maalis-alis sa aking isip.

Kaya’t noong matapos ko nang punasan ang kanyang dalawang paa, ibinaling ko na naman ang paningin ko sa kanyang harapan. Mistulang may malakas na kapangyarihang nag-udyok sa akin na hawiin ang brief niya at punasan na rin ang kanyang puson at ang parteng paanan ng kanyang pagkalalaki.

Hinawi ko ang brief at tuluyang kumawala ang kanyang alaga. Nanggalaiti ito sa galit. Dali-dali kong hinawakan iyon habang ang kabilang kamay ko ay patuloy pa rin sa pagpupunas sa mabalahibong parteng paanan nito. Parang gusto ring magwala ng aking isip habang hawak-hawak ko ang matigas at pumupintig-pintig niyang sandata. Mataba ito, at may habang nasa halos 7 pulgada.

Ramdam ko ang udyok ng aking isip na itaas-baba ang aking nakahawak na kamay sa kanyang ari.

At iyon ang aking ginawa. Ang sarap ng aking pakiramdam habang ginagawa ko iyon. Napahinto ang aking isang kamay sa pagpunas at doon na nakasentro ang aking isip sa pagtaas-baba ng isa kong kamay sa kanyang ari. At lalo pa akong nag-iinit noong mapansing marahan niyang sinabayan ng pagindayog ang pagtaas-baba ng aking kamay sa kanyang harapan.

Ngunit wala pang 30 segundos, bigla din siyang umungol atsaka dumapa...

“Wow! Bad trip!” sigaw ng isip ko. At napatigil ako. Syempre, hindi ko na maabot pa ang kanyang pagkalalaki na naipit. At hindi ko rin alam kung gising ba ang diwa niya at hindi niya nagustuhan ang ginawa ko, o baka rin na ang pagtagilid niya ay dala lang ng kanyang hilo kaya siya dumapa.

Nalito ang isip ko. Gusto kong manuntok. Hindi ko maintindihan kung bakit nakikiliti ako sa ginawa ko, dagdagan pa ng hiya sa sarili dahil hindi ko matanggap na may ganoon akong naramdaman.

Para rin akong binatukan sa bigla niyang pagdapa, natauhan, at bumalik sa tamang pag-iisip. Pilit kong itinaas uli ang brief niya, inayos, pinilit na iwinaglit sa isip ang naramdamang init. Tinapos ko ang pagpunas sa katawan niya atsaka binalutan na siya ng kumot. Hindi pa rin siya gumalaw.

Ibinalik ko ang maliit na palanggana at tuwalya sa kusina at dumeretso sa shower. Naligo... at doon ipinalabas ko ang tinitimping init sa sariling katawan...

Noong matapos na akong maligo, bumalik na ako sa higaan at tumabi kay Aljun. Naka brief lang din ko, walang damit pang-itaas. Hindi kasi ako sanay matulog na may damit pang-itaas. At dahil queen size ang kama ko kaya maluwag pa rin ito kahit dalawa kaming nagtabi.

Hindi ako mapakali. Hindi dalawin ng antok. Pabaling-baling... Tatagild sa kaliwa, tatagilid paharap sa kanya, titihaya... babalik na naman sa pagtatagilid, iuunat ang mga paa, ang mga kamay... nag-iisip kung idadantay sa kanyang katawan ang aking paa, o tatagilid ba sa kanya at yayakapin siya...

Wala... Inatake ng matinding insomnia at pagkatuliro ang aking utak. At ang kalampag ng aking dibdib, nakakabingi.

Maya-maya, nagulat na lang ako noong siya mismo ang tumagilid paharap sa akin. Idinantay niya ang isa niyang kamay sa aking dibdib habang ang isa niyang paa ay idinantay din sa ibabaw ng mismong umbok ng aking pagkalalaki!

“Waaaaahhhhh!!!!!!” sigaw ng utak ko. Hindi ako nagpahalata. Hindi gumalaw...

Dahil sa pagtagilid niya, ang kanyang mukha ay halos madampi na rin sa aking leeg. Dinig na dinig ko pa ang kanyang paghinga at naaamoy ko ang alak na galing sa kanyang bibig.

Pinagmasdan ko siyang maigi kung gising ba siya. Ngunit nakapikit ang kanyang mga mata na tila himbing na himbing, inosenteng tingnan ang mukha.

Iginalaw ko ang aking kaliwang braso upang isingit iyon sa ilalim ng kanyang ulo. Noong isiniksik ko na ito, bahagya naman niyang inangat ang kanyang ulo upang bigyang daan ang aking braso. Gising ba siya o unconscious lang ang pagpaubaya niyang isingit ang aking kamay sa ilalim ng ulo niya? Ang katanungang iyon ang nagpadagdag lang sa aking pagkatuliro.

Ngunit ano pa man, may dalang tuwa pa rin ito sa akin...

“Syeeeetttt!” Para kaming mag-asawa sa aming posiyon sa higaan. Inilingkis ang isa niyang kamay sa ibabaw ng aking dibdib, ang paa niya ay nakapatong sa umbok ng aking pagkalalaki samantalang ang aking braso ay ginawa niyang unan. Ansarap ng pakiramdam!

Hindi ko mapigilan ang sariling hindi tigasan. Gustong kumawala ang aking pagkalalaki na dinaganan ng kanyang paa.

Subalit... dedma lang siya. Himbing na himbing sa sobrang kalasingan.

Iyon na ang huli kong natandaan.

Alas 7 na noong magising ako. Nasa ganoon pa rin kaming posisyin ni Aljun. Himbing na himbing pa rin siya. Tinitigan ko ang kanyang mukha. Na-mesmerize na naman ako. Napaka-guwao talaga niya. Ang ganda ng mga kilay na mistulang ang bawat hibla ng buhok ditto ay isa-isang ina-arrange upang maporma ang isang linyang nagpapatingkad sa ganda ng kanyang mga mata.

Muli na namang nag-init ang aking katawan. Subalit bago pa man ako alipinin muli ng matinding libog, ako na ang gumawa ng paraan. Dahan-dahan akong bumalikwas sa higaan, nagsuot ng short, at dumeretso sa kusina.

Kumuha ako ng hotdog sa ref, at ipinirito ang mga iyon. Nagprito na rin ako ng itlog. Isusunod ko na sana ang pagprito ng kanin noong sa likod ko ay, “Ako na ang magpatuloy niyan, Boss...”

Napalingon akong bigla. Nasa likod ko na pala siya. “Syetttt!” Sigaw na naman ng isip ko. Nakabrief lang siya at bakat na bakat ang malaking bulol sa kanyang harapan. Marahil ay tinigasan din siya habang nagising at hindi pa ito humupa. Napakaganda ng kanyang tindig, hunk na hunk at perfect ang proportion ng kanyang katawan. Nakakalibog!

“Huwag mo akong titigan boss! Matutunaw ako niyan!” ang dugtong niya noong mapansing natulala na ako.

“G-ginulat mo ako ah!” ang sambit ko na lang. “Kanina ka pa ba d’yan?”

“Ngayon lang, kagigising ko lang po. Naamoy ko ang niluto mo at nahiya naman ako. Sorry, hehehe. Nagulat kita.”

“Ok lang… Kala ko may multo” Biro ko din. “Musta ang kalasingnan mo? Walang hang-over?”

“Masakit ang ulo at katawan ngunit ok lang. Kaya ko pa naman.” Ang sagot niya. “Ako na d’yan. Maligo ka na.” dugtong niya sabay tumbok sa kaldero at sinandok ang laman niyon, inilagay sa malaking bandihadong inihanda ko na.

“Ako na...” ang pagtutol ko. “Maligo ka na at hintaying matapos ako sa paghanda ng almusal atska sabay na tayong kumain. Malapit na ito.”

“Hindi. Ako ang dapat gumawa nito para sa iyo e. Bahagi ito ng assignment ko.”

“No-no-no-no-no! Hindi ito kasali sa schedule. Bisita kita ngayon. Remember? Sa gabi ang duty mo sa akin. At huwag mong kaltasan ang oras mo sa akin! Malilintekan ka!” ang biro ko sabay hablot sa bandehadong hinawakan na niya...

Natawa na lang siya ngunit hindi pa rin binitiwan ang bandihado. “ako na nga ang magprito eh…”

Kaya hinila ko ito. “Ako sabi. Akin na to!”

Ngunit hinila rin niya. “Hindi nga. Ako na ang gagawa nito…”

Nag-hilahan kami hanggang sa biglang, “Oppsssss!!!”

Nadulas ako at sa pagnanais niyang saluhin ako, niyakap niya ako at pareho kaming bumagsak sa sahig, nakatihaya siya at ako ay nakapatong sa katawan niya. Lapat na lapat ang aming mga balat, ramdam ko ang ang init ng kanyang katawan, at halos naririnig ko na rin ang kabog ng kanyang puso.

Gusto kong matawa ngunit pinigilan ko ang sarili sa nakitang ang mga kanin ay nagkalat sa sahig at sa mga katawan namin pati na sa mukha at buhok niya.. Ngunit siya pa itong sinisi ko. “Ikaw kasi eh.. ang kulit mo!”

“Ako pa ngayon ang makulit. Ikaw nga itong ayaw paawat e... Kung hinayaan mo na lang sana ako, e hindi sana nasayang ang pagkain.” sagot naman niya.

“E... paano na yan, wala na tayong pagkain?” tanong ko.

“E, di pulutin na lang natin. Tayong dalawa lang naman ang kakain e.”

Tawanan.

Tahimik. Nagtitigan kami. Isang minuto, dalawang minoto, tatlong minuto, apat, lima...

“Shiitttttt!” sigaw ko na naman sa sarili. Para akong matutunaw sa kanyang mga titig. “Huwag mo akong akitin, tangina ka!!!” sigaw ng isip ko. Iba kasi ang titig niya. Parang may malalim na katanungan, parang may ibig ipahiwatig.. “Bakit ganyan ka kung makatitig?” ang naitanong ko na lang.

“W-wala....” sagot niyang nakangiti.

“Anong wala? Mayroon e.”

“M-meron nga...” ang pag-amin din niya.

“Huh!” ang gulat ng isip ko. Baka kasi tinablan na siya sa akin at magpahayag na sa kanyang naramdaman! “A-ano iyon?” ang sagot ko. Excited!

“W-wala ka bang balak na umalis d’yan sa pagkakadagan mo sa akin?”

“Toinks!!!” Parang iyan ang narinig ko bigla sa aking isip. Feeling ko pulang-pula ang aking pisngi. Parang hinataw ang aking ulo. Oo nga naman. Akala ko nakyutan siya sa pakikipag eyes-to-eyes sa akin habang ako ay nakapatong sa kanya. At ang nasagot ko na lang ay, “Ay... sorry!” At agad din akong tumayo.

Wala... Biglang bumaba ang excitement meter ng aking puso. Pinulot na lang namin ang kanin na nagkalat sa sahig, pati sa mukha niya at ibinalik ang mga iyon sa bandihado. Hinayaan ko na ring siya ang magprito nito habang ako ay naghanda sa lamesa.

Parang hindi ako makapaniwala sa mga pangyayari. Naninibago ako sa routine... at sa nangyaring iyon. Kung dati ay nag-iisa lang ako at pabalikbalik ang routine ngunit kontento na ako, sa araw na iyon, parang hindi lang ako kontento kundi may dulot pa itong extra saya at excitement.

“Ang sarap pala ng mga pulot na kanin at ipinirito no?” biro niya noong makakin na kami. Hindi pa rin kami nakadamit, siya ay naka-brief pa rin. Cowboy ba ang dating. Parang mga barakong gutom na gutom at walang paki sa mga courtesy sa hapag-kainan. Pati mga paa naming ay nakaangkas sa upuan. Kamayan pa sa pagkain.

Nagmamadali din kasi kami gawa nang may klasae ako sa umaga at siya ay may meeting sa mga school administrators daw sa alas 8:30.

Bagamat Masaya ang setup naming pero sa loob-loob ko, kinabahan ako na baka natandaan niya kung ano ang aking ginawa sa kanyang pagkalalaki at biglang buksan niya iyon sa usapan.

Hanggang ang usapan ay napunta nga sa nangyari sa nakaraang gabi. “Boss... sorry talaga kagabi ha? Ang totoo, hindi ako umiinum ng hard drink e. Iyon pa lang ang pinakauna kong pag-inum, at dahil sa iyo. Akala ko kasi kaya ko, ang tindi pala ng epekto ng Johnny Walker black label! Pasensya ka na talaga...”

“Ah... talaga? First time? Ibig sabihin niyan hindi mo na ako malilimuitan...”

“Natawa siya. Paano ba kita malilimutan. Heto ang pinakauna kong maging ‘slave’ at marami pang oras na bubunuin ko sa iyo...”

“Ako din naman. First time kong maging master. Ansarap pala. Pero huwag kang mag-alala, mabait akong master.”

Tiningnan niya ang mukha ko at binitiwan ang isang pamatay na ngiti. Napa-“Shitttt!” na naman ako sa isip lang. Ang ganda kasi ng ngiti na iyon. Parang may dalang mensahe.

Tahimik.

Yumuko na siya at ipinagpatuloy an gpagkain. “Nakakahiya iyong nangyari sa akin kagabi... tapos ikaw pa ang nagpunas sa akin... Dapat ako ang mas matatag, ang nag-aalaga sa iyo...”

“S-sandali…” ang pag react ko kaagad. Kinabahan kasi ako. “A-alam mong pinunasan kita?”

“Oo naman. Hilong-hilo lang ako noon ngunit nahirapan akong makatulog. Umiikot ang aking paligid at latang-lata ang aking katawan”

Tahimik uli. Sumingit kasi sa aking isip ang aking ginawa sa kanya sa gabing iyon, lalo na iyong paghawak at ang tangkang paglaro ko sa kanyang pagkalalaki. Hiyang-hiya ako sa sarili, Nakonsyensya sa aking ginawa.

“Ba’t bigla kang natahimik?” tanong niya.

“Wala... may naalala lang ako” sagot ko.

“Ah... Ok.”

Noong matapos na kaming kumain, nauna na siyang naligo. “Boss... wala kang maisusuot ngayon dahil puro suka ang t-shirt at pantaloon mo. Isuot mo na lang itong t-shit ko at pantalon. May brief din ako, slightly used kung ok lang gamitin mo.” Biro ko

“Second hand brief?” Natawa siya. “Ok lang iyan basta galing sa master ko” bawi din niya.

“Hmmmm! Bolero ka! At dalian mo d’yan dahil ako ang susunod. Ma-late na tayo.” Sambit ko. Ngunit may pahabol pa ako. “Nagjakol ka d’yan ano?”

“Paano mo nalamang nagjakol ako? Ang alam ko may nagjakol dito kagabi eh... Joke!!!” Bawi niya.

“Amffff!!!” Sa isip ko lang. “Hindi na magandang biro iyon huh!” Narehistro na tuloy sa utak ko na 100% alam nga niya ang aking ginawa sa kanya sa nakaraang gabi at ang pagpaparaos ko sa bathroom.

Hindi na ako umimik. Iyon bang parang napikon.

“O... ba’t di ka na sumagot?”

“Dalian mo, late na tayo! Maliligo pa ako” sambit ko na lang.

“E di halika na! Sabay na tayo para makatipid sa oras!” sigaw niya.

“E... dalian mo lang hihintayin kitang matapos!!”

“Awts matagal akong maligo! Lika na!!! Ma-late na tayo! Huwag kang mahiya.”

“Ayoko nga!”

“Bat ka mahihiya? Pareho naman tayong lalaki?”

“Amffff talaga ng taong ito!” sa isip ko lang. Ngunit nagdadalawang isip man, sumunod na rin ako sa bathroom. Ewan, hindi ko rin kayang labanan ang makapangyarihang udyok ng aking isip.

At wala na akong nagawa kundi ang hubarin ang lahat ng saplot sa aking katawan at pumasok na ng shower.

Noong makita niya ang pagpasok ko, nagbigay daan siya para ako ang mabuhusan ng tubig. Pumuwesto siya sa gilid, kinuha ang sabon at ikiniskis iyon sa kanyang katawan.

Walang imikan. Para kaming dalawang Adan sa aming postura... tanging ang ingay ng pagbagsak ng tubig lamang ang aking narinig. Parang hindi magkakilala. Nagkahiyaan.

Maya-maya, nagsalita siya. “G-gusto mo hilurin ko ang likod mo? Boss...?”

Itutuloy......

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP