"Pick Up"

Wednesday, April 6, 2011

Author:Unbroken
Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
FB:iheytmahex632@gmail.com

Please follow my blog!



I've been walking for an hour now. I've got nowhere to go. I'm helpless. I need to sleep.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi to maganda. Sa lahat ng di maganda,ito ang pinakapangit.

Okay. Nilalagnat ako. I feel terribly sick. This is just not right. Naguunahan ang sipon ko s pagbagsak. Ang bigat din ng mata ko. I feel so sleepy. I feel undone. I feel like shit. This is not just the right time for breaking-up. I wish he could have been more lenient.


* * *

Patuloy ako sa paglakad sa kahabaan ng West Ave. Malakas ang sundot ng hangin sa aking balat. Buti nalang nagjacket ako,kahit papaano hindi lalala ang lagnat ko dahil sa lamig.

I kept thinking why our relationship ended and why does it have to end this way. I apologized for the wrong things I've done but I guess it's already the end for him. Yes,I'm wrong. I always had my youth as a reason whenever I practice Infedelity,that I know,was never right.

I love Mel. I must admit that he's not perfect (but who is?) , he tends to have lots of mood swings and he's really a boring guy. He's not that showy or even that affectionate. He never showed me his love in public,which I always demand him to do. He never gave me any of those fantastic things other guys could offer. But I stayed,because he made me feel loved. He loved me unconditionally. He loved me in his own way.

Naiiyak na naman ako. I must stop crying.


* * *

This all happened when I met Jeff.

Feeling sick and all,dahil wala si Mel sa bahay naisipan kong lumabas. Pakiramdam ko mas magkakasakit ako kapag nagstay ako dito sa bahay. Sabi naman sakin ni Mel lalabas sila ng mga barkada nya so malamang umaga pa uuwi yun.

Kahit na may sakit ako,I took a bath at gumayak papunta sa isang bar somewhere in Morato. Mabilis pa sa alas kwatro,agad agad kong narating ang bar na tinatambayan ko paminsan-minsan.

Hindi pa rin nagbabago,masaya pa rin ang ambiance ng bar. Malilikot at malalamlam ang ilaw. Maganda ang beat ng mga kantang pinapatugtog,napakaconducive sa pagpaparty. Ramdam mo ang tamang timpla ng treble at bass,nagproproduce ito ng magandang bounce na nagpapasayaw sa mga tao.

I stood there sa isang corner ng bar and moved my body in accordance to the beat of Keyshia Cole's I Remember. Gazing at the crowd,they seemed to get the mood of the song. Couples are dancing slowly,with the guys having their arms at the waists of their girls. Some single people or people that don't have companion are simply moving along with the song,including me.

Patuloy ako sa pagsayaw,dahan-dahan. All of a sudden,I felt something behind me.

“You alone?”

“Huh? Yeah.” nagulat kong sagot.

“Cool. Cute.” sabi nito sa akin.

Clueless kung sino ang nagsasalita,I suddenly faced him.

“I'm Jeff.” he said while insisting a handshake.

“Levi.” I grabbed his hand and gave him a firm shake.

Ngumiti ako. He smiled. Then there's an awkward silence.

Seconds after, he tried to break the silence by asking a question that got me thinking.

“You're single?”

I looked at him for a moment. He's a bit shorter than me. He probably stands 5'6 or even 5'5. He's just an average guy. He's got some extensions sa buhok nya. May kulay din to,I think may pagkablond? Not so sure. For some unknown reasons, I told him a lie.

“Yes. I'm single.”

“Oooh. Interesting.” sabi nito.

I just winked at him. He held my hand and we danced. He asked for my number.


* * *

“Levi may nagtext sayo.” sabi sa akin ni Mel.

“Ha? Sino?” nagtataka kong tanong.

“Jeff?” sabi ni Mel.

Namutla ako sa narinig. Di ko inaasahang itetext pa nya ako makalipas ang isang linggo. Akala ko di na nya ako itetext kaya kampante na ako. Tumingin sa akin si Mel with his usual quizzical look at inabot sa akin ang aking cellphone.

“Salamat Bhe.” sabi ko kay Mel.

“Sino yan?” tanong nito sa akin.

I tried to calm myself. I looked at him,met his eyes and said:

“Ah,kaibigan ko. Kilala to nila Kuya Rovi.” pagsisinungaling ko.

“Ah ganun ba? Okay.” sagot nito sabay kuha ng damit sa drawer.

“Saan ka pupunta? Anong oras na Bhe ah? May gala kayo ulit?' tanong ko.

“Yep Bhe. Gimik daw kami sa Ortigas ng mga barkada ko. Sama ka?” tanong nito sa akin.

“Hmmmm. Wag nalang siguro. Nakakahiya sa mga kaibigan mo.” sabi ko.

“Anong nakakahiya don? Parang kang ewan. Alam naman nila na tayo.” sabi nito sa akin.

“Kahit na,masyadong matured yung mga kaibigan mo. Aasarin ka na naman nila na Pedophile ka.”

“Ikaw talaga. Oh sige,pero pag gusto mong sumunod itext mo lang ako agad. Babalikan kita dito sa bahay.” sabi nito sa akin sabay tuloy ng kanyang pagbibihis.

Nalungkot kasi ako nang minsang sinabihan si Mel ng mga barkada nya na Pedophile,dahil nga masyado akong bata para sa kanya. He's 40 and I'm just 19. Di ko malaman kung bakit pangit ang tingin nila sa ganun. Mula noon,di na ko sumama sa twing may lakad sila ng barkada nya. Ayoko lang masaktan twing inaasar nila na ang bata ko masyado para kay Mel.

I looked at the text message Jeff sent me. He was asking me out tonight. Seconds after,there was a triumphant smile that showed on my face.

“Oh bakit nangingiti ka?” Tanong ni Mel na tapos ng magbihis.

“Wala naman. Sige na,dito nalang ako sa bahay.” sabi ko.

“Lalabas ka ba?” tanong nito.

“Hindi po. Dito lang ako sa bahay.”

“Sige sige. Basta pag gusto mong sumunod text mo ko agad.” sabi nito.

“Sige Bhe.”

“Aalis na ako Levi.”

At ginawaran ako nito ng isang matamis na halik.

“I love you Levi.”

“I love you too Mel.”

Then I was left alone.

* * *

“Sorry,nalate ako.” natataranta kong sabi kay Jeff.

“Oo nga. Pero okay lang yun, tara pasok na tayo sa loob?” tanong nito sa akin.

Tumango ako bilang sagot.

Sinalubong na naman ako ng maligalig na atmosphere ng bar. Hinatak ako ni Jeff sa gitna para sumayaw. Walang kahirap hirap,isinasabay ko lang ang aking katawan sa beat ng kanta. Hinahawakan ako ni Jeff sa baywang at napapansin kong dinidikit dikit nya ito sa kanyang kaselanan. Di ko pinapahalata pero kahit papaano ay naeenjoy ko ang ganoong bagay.

Pasikip ng pasikip ang dance floor. Painit ng painit,hinarap ako ni Jeff sa kanya at sumayaw kami. He was flirting with me. Ginagamit nya ang kanyang mga mata para rito. Ilang segundo pa,hinalikan nya ako sa labi. Hindi ako nagpatalo,lumaban ako sa halikan.

Lumayo kami sa crowd at pumunta sa sulok ng bar kung saan ako nakatayo dati. Sinandal nya ako sa pader at siniil ng halik. Nagtutungali ang aming mga labi. Mas naging intense ang labanan ng aming mga labi,hinakawakan ko sya sa ulo at dinidiin ko ito papalapit sa akin. It actually felt so good. Di ko maipaliwanag ang thrill na nararamdaman ko sa ginagawa namin,this is something different sa usual na ginagawa namin ni Mel.

“Do you like it?” sabi ni Jeff na tila nangaakit.

“Oo.” bulong ko.

Muli,nagtama ang aming mga labi. For an instance,naisip ko si Mel. Paano kung malaman ni Mel to? Paano na ako? Di ko kayang mawala si Mel sakin. Pero di ko din mapigil ang sariii ko sa mga ginagawa ko ngayon. Patuloy kami sa aming ginagawa nang..

“Akala ko ba sa bahay ka lang ngayon at magpapahinga ka Levi?”

Pamilyar ang tinig na yon. Napahinto kami ni Jeff sa ginagawa namin at nakita ko kung sino ang nagsalita. Nagunahan ang aking mga luha sa pagtalon sa aking mga mata.

“Mel,I'll explain. Please.” sabi ko sabay tulak kay Jeff papalayo.

“No need Levi.”

Nakita ko ang reaksyon sa mga mata ni Jeff. Takang-taka ito sa mga nangyayari, He was dumbfounded.

“Akala ko ba single ka Levi?” sabi ni Jeff.

“Levi? Kailan ka pa naging single?” tanong ni Mel.

“Mel,I'll explain please.” pagmamakaawa ko.

“No need. Just get your things sa bahay. I don't want to see you there anymore.” matapang na sabi nito.

Nanghina ang tuhod ko sa narinig. Parang gulaman na malambot. Walang lumalabas na boses sa akin. Patuloy ang pagtulo ng aking luha. Tumakbo ako papalayo sa kanilang dalawa. Umuwi ako ng bahay na umiiyak.

* * *

“Mel sorry. Please? Di na mauulit.” pagsusumamo ko kay Mel.

“Levi,hindi na. I siad grab your things now.” sabi nito,matigas,with a sense of authority.

“Parang awa mo na Mel. Paano na ako? Saan na ako tutuloy nyan Mel? Please!” sabi ko.

“Puro nalang ikaw Levi! Paano naman ako? Inisip mo man lang ba ako nung lumalandi ka dun sa bansot na yon? Inisip mo man lang ba ako bago ka makipaglaplapan don?” sigaw ni Mel sa akin

“Sorry Mel.” umiiyak kong sabi,

“Leave Levi. Leave!”

Umiiyak kong kinuha ang aking gamit,nagempake at nagayos. Bago ako lumabas sa bahay,tumingin ako kay Mel at nagwika.

“I love you Mel. Sorry sa lahat.”

“Leave Levi.”

Kinuha ko ang aking jacker at ako'y umalis na.


* * *

Ang bigat ng pakiramdam ko. Dumaan ako ng Mister Kabab sa West Ave. para kumain. Para kong lalagnatin. Kumain ako ng madalian at lumabas na agad ng restaurant.

Patuloy ako sa paglakad sa kahabaan ng West Avenue. Di ko alam kung saan ako pupunta. I'm homeless and heart broken. Naglalakad ako pero wala akong sense of direction. Di talaga maganda to. Walang pumapasok sa utak ko. Di ko alam kung saan ako pupunta,I need a miracle.

I tried to call Jeff pero di nya sinasagot.

I dialled his number again pero this time,unattended na.

Pati si Jeff na may kagagawan ng lahat ng to ay wala na din.

Habang naglalakad ako ay may humintong itim na Ford Expediton sa akin. Binaba ng driver ang salamin ng sasakyan at tumingin sa direksyon ko. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang kanyang mukha,may edad na eto at medyo napapanot na. Sya ay nakasalamin.

“Saan ka pupunta?” tanong nito sa akin.

“Hindi ko po alam.” mahina at humihikbi kong sagot.

“Sakay na.”

“Ha? Bakit po?” umuubo kong sagot.

Tumitig lang sa akin ang lalaki at ngumiti ito.

Ang bigat ng ulo ko at inuubo ako. I feel completely restless.

Binukas ko ang pinto ng kotse. Humakbang at sumakay sa loob ng kotse. Sinara ng lalaki ang bintana at pinaharurot ang sasakyan.

W A K A S

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP