I Don't Wanna Be Your Friend: Part 2

Friday, April 29, 2011

For every person who's had their hearts broken, there is alway someone with a glue gun.

Sa aming apat, mas close kaming dalawa ni Matt. Sa kadahilanang, alam niya kung gaano kahirap ang sitwasyon ko. Kaya nga ganoon nalang kung makapag-alok ng tulong si Matt eh. Halos kupkupin na nga rin ako ng pamilya niya. Pero dahil sadya akong ma-pride, hindi ako tumanggap ng tulong niya. Kahit mula pa kay Jason o Andrew, wala akong tinanggap. Natatakot kasi ako na baka ang pagtikim ko ng kaunti ay mauwi sa pag-asa ko na may darating naman na tulong. Ayokong mabuhay nang umaasa na lang sa iba. Kaya nga kahit mahirap, nagpursige ako. At hindi naman ako nabigo.


Magtatanghali na nang magising ako. Kung hindi pa nga ako natamaan ng sikat ng araw eh, hindi pa ako magigising. Nang buksan ko ang mga mata k, tiningnan ko si Matt pero wala na siya sa tabi ko, at napansin ko ring nasa loob na ako ng flat at nakahiga sa sofa. Sinubukan ko ring alalahanin kung paano akong nakapasok doon, pero hindi ko maalala.

Nagdesisyon akong bumangon. Syempre pa, ang unang destinasyon ko pag nagigising - CR. Naging ugali ko na kasi ang maghilamos at magsipilyo pagkagising sa umaga. At dahil sa regular naming tambayan ang flat ni Jason, mayroon na rin kaming mga toothbrush at ilan pang personal na gamit na iniwan doon.

Kusot kusot ko pa ang mata ko nang pumasok ako sa CR, pero muntik na akong madulas nang makitang may tao pala sa loob, - si Matt.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!" sabay naming sigaw.

Napatda ko naman ang bibig ko. Naalala kong natutulog pa pala ang dalawa sa kwarto.

"Sorry!" sabi ko at dali-daling isinara ang pinto. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko noon. Hindi ko naman maipaliwanag kung bakit. Siguro dahil ito ang unang pagkakataon kong makita ang buong kahubdan ng isang lalaki.

Pinilit kong iwaksi sa isip ang nakita ngunit parang nakaglue na yata. Ayaw matanggal eh. Hindi ko tuloy maiwasan ang pamulahan ng pisngi.

I never really noticed it before pero, maganda pala ang pangangatawan ni Matt. Buong buo ang mga muscles pero hind ito yung tipo na yung parang sa wrestlers na uber sa laki, it was just right. Maganda ang pagakakukit ng katawan niya. From his shoulders down to his buttocks. (Shit! Ano bang pinag-iisip ko!)

Mabuti nalang at nakatalikod siya sa akin noon. What a relief.

Maya-maya pa ay lumabas na si Matt sa CR.

"I-ikaw naman." sabi niyang hindi makatingin ng deretso sa akin. Naramdaman ko ang tensiyon sa pagitan namin. It was heavy.

"Sige." sabi ko naman at bago pumasok ay nagsalita akong muli. "Hey, it's ok. Pareho naman tayong lalaki eh. Nagulat lang talaga ako. Di kasi naka-lock kaya akala ko walang tao."

"Ahh. Yun ba? Ayos lang yon. Ako rin nagulat lang." sabi niya sabay tawa. Medyo nawala naman ang tensiyon sa pagitan namin kaya ayun, ok na.

Nang makapasok ako sa CR ay agad kong kinuha mula sa cabinet sa taas ng sink ang aking toothbrush at nagsimula nang magsipilyo. Nang matapos, ay naghilamos naman ako para matanggal ang kung ano mang nakasabit sa mukha ko kagaya ng muta o kulangot. Nang matapos naman ay syempre, umihi na ako. Naka-attention kasi si pareng Junjun eh. Pagkatapos mag-flush ay lumabas na ako. Naabutan ko namang palabas ng kwarto si Jason at umiinat inat pa.

"Gising ka na pala." sabi ko.

Humikab muna ito bago sumagot.

"Sa lakas ba naman ng tili mo, who wouldn't be awake?" sabi nitong nang-aasar.

"Hahaha! Narinig mo pala 'yon?" sabi ko namang nakatawa. Sakto namang lumabas si Matt sa kabilang kwarto na nakabihis na ng low rise na black jeans pero wala pang damit.

"O, bakit nakabihis ka?" takang tanong ni Jason.

"Kasi po, magla-lunchtime na. At wala po tayong kakainin dahil walang laman yang ref mo." sagot naman ni Matt. Napakamot naman ng ulo si Jason.

"Magtoothbrush lang ako tas aalis papuntang minimart sa kanto. Bibili ako ng kakainin natin. Saka deretso na rin ako sa kalapit na palengke. Para naman makakain tayo ng gulay." si Matt uli.

"Teka Matt, sama na ako sa'yo." presenta ko naman. "Magbibihis lang ako sandali." dagdag ko pa at dali-daling tinungo ang kwarto upang magbihis.

Isang black na sando ang napili ko at isang semi-fit na pantalon. Nagtsinelas nalang rin ako. Nang maghubad ako ng suot kong pantalon ay bigla namang pumasok si Matt sa kuwarto. Natigilan naman ako at napaharap sa kanya. Nagkatitigan kami. Unang bumawi ng tingin si Matt, ako naman ay nagmamadaling isuot ang napiling damit. Nang matapos ay napansin kong nakapagsuot na rin ng damit si Matt. Isang yellow shirt na mejo manipis ang napili niya.

Umalis na nga kami at nagpunta ng minimart. Habang naglalakad, wala kaming imikan. Hindi ko naman na pinilit pa siyang makipag-usap. Kahit kasi ako, sobrang hiya.

"HOY!" basag niya sa katahimikan.

Napatingin naman ako sa kanya. Medyo nagulat rin, pero hindi ko lang pinahalata.

"Weh?! Nanggugulat ka? haha!" pang-aasar ko.

"Loko! Kanina ka pa walang kibo diyan eh. Parang ikaw pa tong nawalan ng girlfriend!" sabi niya sabay tawa.

"Iyan, yan ba ang nawalan ng girlfriend, wagas kung makatawa?" sabi ko naman at nakitawa na rin. Napansin ko namang nag-iba ang aura ni Matt. Muli kaming nanahimik.

"Alam mo ba Bry, (short for Bryan, siya lang tumatawag sa akin ng ganyan.) ang hirap palang itago ang nararamdaman mo no?" simula nito. "Kasi, kanina ko pa pinipilit maging masaya pero, hindi ko yata kaya." seryosong sabi nito.

"Seryoso ka? Dito ka talaga magdadrama ha? Matthew?! Iiwan kita." sabi ko naman. Hindi kasi talaga ako magaling magcomfort eh. Kaya dinadaan ko nalang sa biro. At mukhang nabenta naman ang biro ko at ngumiti si Matt. Kahit pa alam kong pilit lang iyon.

Mabilis kaming nakapamili ng lulutuin at mga chichirya dahil kakaunti lang ang tao sa minimart. Ganoon rin sa palengke kung kaya nakabalik rin kami kaagad sa flat ni Jason. Pagpasok namin ay narinig naming nagtatawanan ang dalawa sa loob. Dere-deretso naman ang pasok namin ni Matt.

"Dito na kami!" sigaw ko at pumasok. Sumunod naman si Matt. Ngunit natigilan kami sa nakita. Si Jason at Andrew, magkayakap at walang damit pang-itaas!

"Wha---?!!"

ITUTULOY.... :)
------------------------------------------------------------------

by JiJei (kiLL_joy145@yahoo.com.ph)

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP