Dreamer C17

Saturday, March 12, 2011

iam.emildelosreyes@yahoo.com
annexb.wordpress.com


Chapter 17
Vaughn is to Benz: Ken is to Bien?

(photos courtesy of Mr. Neil C.)
hahaha.. hindi niya alam na dito ko gagamitin
 picture niya.. hahaha..
“Hatid na kita pauwi.” anyaya ni Ken kay Emil matapos ang party.
“Kaya ko ang sarili ko!” tanggi naman ni Emil dito.
“Please!” pangungulit ni Ken saka hinawakan sa mga kamay si Emil at tinitigan sa mga mata.
“Sige na nga!” biglang sambit ni Emil saka iniwas ang mga mata sa titig ni Ken.
“Ano na naman ba yan?” biglang singit ni Benz sa dalawa.
“Kasi kuya nagvovolunteer si Ken na ihatid ako sa Bulacan pauwi.” tila pagsusumbng ni Emil sa kapatid niya.
“Ihahatid ka lang pala eh!” sagot naman ni Benz. “Pumayag ka na!” pahabol pa nito.
“Talaga Benz?” sumiglang singit ni Ken. “Pumapayag ka?” paninigurado pa ng binata.
“Kanina kuya ang tawag mo sa akin, ngayon Benz na lang.” reklamo naman ni Benz dito.
“Sorry Kuya Benz!” paumanhin naman ni Ken kay Benz.
“Sige na, umuwi na kayo at baka nag-aalala na si Tita Choleng.” turan pa ni Benz.
“Ayan Emil!” wika ni Ken saka hinarap ang binatang scriptwriter. “Sa harap ng kuya Benz mo, may basbas niya ang paghahatid ko sa’yo pauwi.” may simpatikong ngiti mula sa binata.
“Sana ang susunod niyang bigyang basbas ay ang pagmamahal ko sa’yo. Bigyang basbas niya na maging akin ka na ng tuluyan.” saka napangiting naisip ni Ken ang ganitong mga bagay.
“Halika na nga at makauwi na!” asar na tugon ni Emil na sa pakiramdam niya ay pinag-lalaruan siya ni Benz at ni Ken.
Sa loob ng kotse –
“Kakaiba ngayon si Kuya Benz ano?” simula ni Ken ng usapan sa pagitan nila ni Emil.
“Oo nga eh!” matipid na sagot naman ni Emil.
“Galit ka ba?” usisa ni Ken kay Emil.

“Bakit naman ako magagalit? Anong dahilan?” sarkastikong sagot ni Emil.
“Aba at!” sibad ni Ken saka walang kaabog-abog at walang pasabing inihinto ang sasakyan.
“Sabi na kasing umuwi ka na at huwag mo na akong ihatid napakakulit mo naman kasi!” inis na turan ni Emil.
“Ano bang masama kung ihatid kita pauwi?” ganti naman ni Ken na pinipilit pa ding maging mabait kay Emil kahit na sa totoo ay naasar na siya sa inaasal ng scriptwriter. “Masama bang mag-alala sa’yo, na baka kung mapaano ka sa daan? Na baka may masamang mangyari sa’yo.” tumaas na tonong tanong ni Ken. “Masama ba kung maging concern ako sa’yo? Sige nga sabihin mo!”
“Masama din bang mag-alala sa’yo pag-uwi mo? Hindi na kita kasamang babalik nang Maynila pagkahatid mo sa akin, mag-aalala ako sa’yo na baka kung mapaano ka!” ganting tugon ni Emil dito. “Sige nga, masama din ba ‘yun?” tanong pa ni Emil sa gwapong artista.
“Sorry Emil!” paumanhin ni Ken saka hinawakan sa mukha si Emil na nagpipigil ng mga luha. “Sorry na!” nakangiti nitong ulit sa sinabi saka tiningnan ang maamong mukha ni Emil.
“Walang masama dun!” turan pa ni Ken saka niyakap si Emil. Ikinulong niya ito sa kanyang mga braso at inaalo-alo na tila isang bata na inagawan ng laruan. “Mag-iingat naman ako pagbalik!” pagpapatahan ni Ken kay Emil na may kasiguraduhan sa tinig nito.
Labis na kaginhawahan ang nararamdaman ni Emil ngayon yakap siya ni Ken. Langhap na langhap niya ang mabangong amoy ng binata at damang-dama din niya ang init ng katawan nito at rinig na rinig niya ang tibok ng puso nito.
“Sige na!” saad ulit ni Ken. “Magmamaneho na ulit ako.” wika pa nito saka inihiga si Emil sa balikat niya at muling pinaandar ang kotse.
“Kung alam mo lang Emil ang kaya kong isuko para sa’yo! Malalaman mong kulang pa ang buhay ko kung ihahambing sa pagmamahal ko para sa’yo.” bulong ni Ken sa sarili.
“Salamat Ken at muli mong ipinapadanas sa nahihimbing na puso ko kung papaano ang lumigaya.” saad naman ni Emil sa sarili.
“Mahal kita! Mahal na mahal!” halos sabay nilang nausal sa sariling mga isipan.
Sa kabilang panig na ulit ng Pilipinas –
“Salamat Benz!” pagbasag ni Vaughn sa katahimikang namamayani sa pagitan nila ni Benz.
“Ako ang dapat na magpasalamat sa’yo!” tugon naman ni Benz dito.
Muling nanaig sa pagitan nila ang katahimikan. Isang nakakabinging katahimikan subalit nagagawa pa ding makapag-usap ng kanilang mga puso.
“Akala ko hanggang sa pangarap na lang na mahalin mo ako.” pagbasag ni Vaughn sa katahimikan. “Hindi ko naman inaasahan na ngayon na matutupad ang pangarap na iyon.” masayang wika ni Vaughn saka tumingin kay Benz. “Salamat ah!” pasasalamat pa nito.
“Ako nga ang dapat magpasalamat sa’yo.” tutol naman ni Benz. “Dahil sa’yo, biruin mo, sa dinami-dami ng tao sa paligid, kung sino pa iyong hindi ko inaasahan, siya pa pala ang pinakamahalaga sa lahat.” saad pa ni Benz. “Sorry Vaughn kasi hindi kita napagtuunan ng pansin kaagad. Hindi ko kaagad nakita ang tunay mong liwanag.” paumanhin pa ni Benz.
“Basta ako masaya na ako!” sabi pa ni Vaughn saka humiga sa damuhan. Pinalipad sa alapaap ang paningin habang minamasdan ang bituin at ninanamnam ang sarpa ng hangin habang nasa tabi niya si Benz. “Masaya na ko kasi dumating ka na sa buhay ko! Masaya na ako kasi natupad na ang isa sa pinakamataas na pangarap ko sa buhay. Masaya ako kasi ang isang pag-ibig na binubulong ko sa mga bituin ay narito na at pag-aari ko.”
“Mas masaya ako!” hindi papatalong tugon ni Benz saka naman humiga din sa damuhan at inunan ang dibdib ni Vaughn. Nakatingin sa mga bituin sa langit at masaya ding inaaliw ang sarili sa piling ng kanayang mahal na si Vaughn. “Nagpapasalamat ako sa bituin dahil ako ang binigay niya sa;yo at tinupad niya ang pangarap mo!” wika pa ni Benz.
“Mahal na mahal kita Benz!” turan ni Vaughn.
“Mahal na mahal din kita Vaughn!” tugon ni Benz saka iniangat ang katawan at humarap kay Vaughn at ginawaran ito ng matamis na halik.
Ang isang masuyong halik ay nagsimula nang gumaslaw ang kilos subalit puno pa din ng pagmamahal. Sa pakiwari ni Vaughn ay handa na siyang tanggapin ang huling hininga matapos ang tagpong iyon.
“Now I’m sure!” saad ni Benz matapos bumitaw sa halik na iyon. “I can’t loose you!”
Ngiti – ngiti lang ang naging tugo ni Vaughn na sapat na para ipakita ang tunay niyang nadarama para sa binatang iniirog.
“Tara na nga!” wika ni Vaughn saka inakbayan si Benz.
“I wanna know what love is
I want you to show me
I wanna feel what love is
And I know you can show me”
Pagkanta pa ni Benz habang naglalakad silang dalawa. Nakaakbay sa kanya si Vaughn habang siya naman nakahawak sa may baywang nito. Binabagtas nila ang daan ng pag-ibig patungo sa isang maligayang bukas na sila ang magkasama. Natatanglawan sila ng buwan na siyang piping saksi sa pag-ibig nila para sa isa’t-isa.
“Ang pag-ibig kong ito
Luha ang tanging nakamit buhat sa’yo
Kaya’t sa maykapal dinadalangin ko
Sana, kapalaran ko’y magbago.”
Ganting kanta naman ni Vaughn para kay Benz.
“Loko ka!” wika ni Benz kasabay ang isang malakas na batok kay Vaughn.
“Bakit?” tanong ni Vaughn. “Anong ginawa ko?” maang pa nitong habol.
“Anong luha ang tanging nakamit ka d’yan!” tugon ni Benz.
“Totoo naman kay!” sagot ni Vaughn. “Luha naman talaga ang dinanas ko dahil sa pagmamahal ko sa’yo.” saad pa nito.
“Sige nga!” tila hamon ni Benz dito. “Ipaliwanag mo nga kung bakit masaya ka ngayon?”
“Luha, kasi dati iniiyakan kita, hanggang ngayon iniiyakan kita at umiiyak naman ako kasi masaya ako sa piling mo.” saad ni Vaughn na may simpatikong ngiti saka humarap kay Benz.
“Ganun pala ‘yun!” nakakalokong sagot ni Benz na may nakakalokong ngiti.
Walang pagdadalawang-isip na niyakap ni Benz si Vaughn. Mahigpit na mahigpit na tila ba wala ng kinabukasan pa. Isang yakap na nagpapadama sa kung hanggang saan nila kayang ipaglaban ang isa’t-isa. Mga yakap kung saan ang kanilang mga puso ay nangungusap sa bawat isa at sabay na pumipintig para sa isa’t-isa.
Balikan natin sina Ken at Emil –
“Hoy Ken!” sigang tawag ni Emil sa binatang artista na nagmamaneho.
“Bakit po?” malambing na sagot ni Ken dito na may kalakip na simpatiko at nang-aakit na ngiti saka tumingin kay Emil.
Nahiya si Emil sa ginawang iyon ni Ken. Hindi niya mawari subalit sa tingin niya ay nahihiya siya sa inasal at sa ginawang pagtugon ng binata.
“Wala!” hiyang-hiyang sagot ni Emil sabay yuko ng kanyang ulo. “Mag-iingat ka mamaya.” saad pa ni Emil.
“Asus!” kantyaw ni Ken. “Iyon lang pala eh!” saad pa ng binata. “Para sa’yo Emil ko mag-iingat ako.” lalong napangiting dugtong pa ni Ken na lalong nakaramdam ng ligaya.
Biglang napakunot ng noo si Emil at saka tumingin kay Ken. “Emil ko ka d’yan!” sarkastiko subalit kinikilig na turan ni Emil. “Ken, inaangkin mo na ako! Inaari mo na nga ba ako? I can’t believe this! Ayiee! Lumalampong!” panunudyo pa niya sa sarili.
“Bakit masama?” tugon naman ni Ken. “If I know tuwang-tuwa ka at gustong-gusto mo!” walang prenong habol pa nito. “C’mon! Say yes! Say yes! Say yes! Mahahalikan kita!” pagsagot naman ni Ken sa sariling tanong.
“Ano naman ang dahilan para kiligin ako? Aber!” tugon ni Emil sa pagsukol na iyon sa kanya ni Ken.
“Halikan kita d’yan eh!” ngingiti-ngiting tugon ni Ken dito.
“Sige nga!” tila paghahamon ni Emil kay Ken. “Hindi mo kaya ‘yun!” tudyo pa ni Emil dito.
Walang anu-ano ay inihinto ni Ken ang kotse saka hinawakan sa mukha si Emil. Inilapit ang mukha niya sa mukha ng binatang scriptwriter, dahan-dahan, paunti-unti.
Napahinto na muli ni Ken ang mundo ni Emil sa tagpong iyon. Muling bumilis ang tibok ng kanyang puso na wari bang hinahabol ng ilang milyong kaba at ang buong katawan niya sa tipong sinugob ng ilang libong batalyon ng mga langgam.
Hibla na lang ng buhok ang pagitan ng mga labi nila sa isa’t-isa lalong naging mas marubdob ang pinitg ng puso ni Emil. Malapit na malapit na nang biglang pakawalan ni Ken ang mukha ni Emil saka niya inilayo ang mukha sa mukha ng scriptwriter.
Nakahinga ng maluwag si Emil subalit may panghihinayang sa puso niya. Inaasahan niyang mangyayari ulit iyong naganap sa sinehan kani-kanina lang, subalit heto’t malapit ng maulit ay saka pa binawi ng kapalaran.
“Sabi ko na nga ba!” simula pa ulit ni Emil ng mabalik sa ulirat. “Hindi mo kaya!” tudyo pa nito na pilit pinapasigla ang aura at itinatago ang kaninang damdamin at panghihinayang.
Isang halik ang biglang pumutol sa dapat sasabihin pa ni Emil dahil walang anu-ano at sa isang napakabilis na pangyayari ay inangkin ni Ken ang kanyang mga labi.
Hindi inaasahan ni Emil ang ganuong aksyon mula kay Ken. Nagulat? Oo. Labis na pagkagulat ang naramdaman niya at kahit nakawala na siya sa labi ni Ken ay hindi pa niya makuhang makapagsalita.
“Huwag mo akong hamunin Bien ko! Dahil kahit anong para sa’yo gagawin ko!” turan ni Ken sa sarili. “Binitin lang kita kanina!” habol pa nito.
“Goodness!” usal ni Emil sa sarili. “Can’t believe!”
“Natahimik ka?” tanong ni Ken na wari ba nanaunudyo kay Emil. “Sabi naman kasi sa’yo, may isang salita ako!” dugtong pa ni Ken. “Gusto mo ulitin ko?” tanong pa nito saka nagbitiw nang isang makahulugang ngiti.
“Sige na, umuwi na tayo.” natutulalang wika ni Emil.
Hindi na napansin ni Emil na napangiti lang si Ken sa naging reaksyon niya sa ginawa nito.
‘Hindi ko alam Emil, pero pakiramdam ko iba ka sa lahat!” lahad ni Ken saka pinatakbong muli ang kanyang sasakyan.
Sina Benz at Vaughn naman ang ating pakinggan –
Nakaupo sila ngayon sa gilid ng pool, nakasawsaw ang mga paa nila sa tubig ay ang hanging banayad na dumadampi sa kanilang balat. Ang matimyas na ugong ng mga puno sa pagsasayaw nito sa hangin at lagaslas ng tubig ang mga tanging bagay na kanilang naririnig.
“Alam mo Benz” sambit ni Vaughn “isa lang ang kinatatakutan ko na mangyari.” tila lumungkot na saad ni Vaughn.
“Ano na naman iyon?” nag-aalalang tugon ni Benz.
“Na magkahiwalay tayo balang araw!” saad ni Vaughn.
“Hindi mangyayari iyon, lalo na pag matindi ang kapit natin sa isa’t-isa at sa pagmamahal natin para sa isa’t-isa. Hindi din mangyayari iyon, lalo na at magbibigay tayo ng tiwala at katapatan. Hindi din iyon mangyayari kung maaalagaan natin ang isa’t-isa.” pangangalma ni Benz dito.
“Hindi lang iyon Benz!” tila tutol ni Vaughn. “Ako sigurado ako sa ganyang bagay at sigurado ako sa laman ng puso ko.” saad pa niya. “Ang mag kinatatakutan ko ay papaano na lang kung paglayuin tayo ng mga magulang natin? Paano na lang kung ang lipunan natin ang magpumilit na paglayuin tayo?” puno ng pangambang sagot pa ni Vaughn.
“Aysus!” napangiting tugon ni Benz. “Futuristic kaagad.” dugtong pa nito. “Alam mo, normal na iyon para sa pamilya natin kasi nga ang gusto nila ay ang kung ano ang sa tingin nila ang makakabuti para sa atin. Hindi natin sila masisisi kung sa una ay paglayuin nila tayo dahil sa tingin nila, base sa kinalakihan nilang pamantayan at paniniwala ay hindi tama ang pagmamahalan natin, pero para saan ba at pwede naman nating patunayan sa kanilang mali iyon, na wala naman talagang masama kung magmahalan tayo. Natatakot din sila para sa atin, natatakot din sila na baka kung ano ang danasin natin, pero tandaan mo, balang araw matatangap din nila tayo at higit pa ay dapat malakas ang kapit natin sa isa’t-isa, huwag tayong bibitiw sa pagmamahal na nasa puso natn.” sagot ulit ni Benz.
“Pero paano naman ang lipunan natin?” tanong pa ni Vaughn.
“Ikaw talaga, masyado mo ng pinoproblema iyan! Hindi nga ba’t ikaw ang nagbukas ng paniniwala kong ito, ikaw ang nagbigay sa akin ng ganitong mga kaisipan. Bakit ikaw pa ang mas natatakot ngayon?” pabirong usal ni Benz.
“Iba pala talaga pag ikaw na ang nasa ganitong kalagayan. Dati kasi madaling magsalita kasi hindi ko pa nararanasan.” sagot naman ni Vaughn.
“Ikaw talaga!” turan ni Benz saka pinisil ang pisngi ni Vaughn.
“Subukan natin ang lahat ng paraan para matanggap nila tayo at kung hindi tayo matatanggap ng lipunan, lumayo tayo sa kanila, iwanan natin sila. Kung hindi nila tayo kayang yakapin, hayaan mo sila! Hindi naman natin kawalan iyon, sila ang may kawalan dahil pinalagpas nila ang isang pagkakataon para sa atin.” makahulugang sagot ni Benz. “Bakit ka matatakot? Mas mahalaga na kasama natin ang ating pamilya at may matinding kapit sa salitang pagmamahal.” tila pagwawakas ni Benz saka ginawaran ng halik si Vaughn sa noo.
“Kaya wala ka ng dahilan pa para matakot.” pagpapakalma ni Benz sa nararamdaman ni Vaughn.
Labis na kaginhawahan ang mayroon ngayon si Vaughn dahil sigurado siyang hanggan’t may pagmamahal, kay nilang lagpasan ang lahat ng mga bagay.
Samantalang si Ken at Emil naman ay sa wakas nakarating na sa Bulacan at sa bahay nila Emil.
“Sige na!” saad ni Emil saka aktong bubuksan ang pinto. “Huwag ka ng bumaba at umuwi ka na!” pag-uutos pa nito.
“Sandali lang!” pag-awat ni Ken saka hinawakan sa kamay si Emil.
“Bakit?” nakramdam nang kabang tugon ni Emil.
“Mag-iingat ka!” buong sinseridad at pag-aalalang sagot ni Ken. “Hindi na kita kasama kaya hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa’yo. Hindi mo na ako kasama kaya hindi na kita maipagtatanggol.” may kalungklutan subalit puno ng pag-aalalang saad pa ni Ken.
Napangiti na lang si Emil sa sinabing ito ni Ken. sa kalooban niya ay labis na pagsasaya dahil sa nabatid na pag-aalala sa kanya ng binata.
“Mas ikaw nga ang dapat mag-ingat!” sabi naman ni Emil. “Kasi ikaw bibyahe ka pa, ako nasa bahay na!” masuyo pa niyang turan. “Gusto mo dito ka na lang matulog?” anyaya pa ni Emil.
Napangiti naman si Ken sa imbitasyong iyon ni Emil, ngunit agad ding napawi dahil –
“Gusto ko sana, kaya lang may lakad pa ako mamaya.” malungkot na sagot ni Ken.
“Basta, lagi mo akong itetext at itext mo ako pag nasa bahay ka na!” tila pag-uutos pa ni Emil.
“Sabi ng Emil ko eh!” malambing na tugon ni Ken.
“Ayan na naman! Emil ko ka d’yan!” saad ni Emil bago bumaba.
Ilang sandali pa at nakaalis na ang kotse ni Ken. Papasok na sa loob ng bahay si Emil nang –
“Emil!” tawag ni Vince mula sa pintuan nila.
“Anong ginagawa mo d’yan?” tanong ni Emil dito.
“Hinihintay ka!” sagot nito. “Masama ba?” dugtong pa ng binata.
“Ayos ah!” saad pa ni Emil. “Salamt sa paghihintay!”
“Sino ang naghatid sa’yo pauwi?” tila galit na tanong pa ni Vince.
“Si Ken!” may ngiting sagot ni Emil.
“Bakit ang tagal mo bago bumaba?” madiin tanong pa ni Vince.
“May pinag-usapan lang kami.” sagot pa ni Emil.
“Hindi ba sapat ang mahabang biyahe ninyo para mag-usap kayo?” sarkastikong tanong ni Vince dito.
“Aba Vince!” tila may pagka-inis na sa boses ni Emil dahil sa usisa na iyon ni Vince.
“Matulog ka na!” tila may paumanhin na sa tinig na iyon ni Vince.
Nilapitan naman ni Emil si Vince at niyakap.
“Salamat po!” saad ni Emil saka pumasok na sa kanyang silid.
Natuwa si Vince sa ginawang iyon ni Emil. Hindi niya inaasahan na yayakapin siya ng taong iniibig. Selos man siya kay Ken subalit mas nanaig ang tuwa at ligaya niya sa pamamagitan ng mainit na yakap na iyon ni Emil.
“Emil! Hihintayin kita hanggang sa kabilang buhay!” saad ni Vince sa sarili.

7 comments:

Anonymous,  March 13, 2011 at 5:13 AM  

aw! 1st pala ako hhehehhe...

Great story emil ehhehe...
Nakakainis ang mga "imaginary lines" na part ehhehe d masabisabi hehehe...

Pero I like it!

GOD BLESS!

-mars

Anonymous,  March 13, 2011 at 5:14 AM  

naku hindi po ako un.. hahahaha true to life story ba to??? wahahahha..

galing nakakatawa sila.. next na po...

- Mico

Anonymous,  March 13, 2011 at 5:15 AM  

nakakaaliw naman... parang mga dalaginding ang drama ng mga tauhan sa kwento! hahahahahaha

etong si emil, gusto lang makaisa kay ken kaya may dare pa syang nalalaman! hahahahahaha

EMRAY, medyo natagalan ang pagpost mo ng bagong chapter. lagi akong nag-aabang! hehe

thanks!

>adik_ngarag

Anonymous,  March 13, 2011 at 5:16 AM  

ganda! next chapter na! >:P
tgal nito bago pinost x

-RussJumz

Anonymous,  March 13, 2011 at 5:17 AM  

Nice po!

For some quite time, tagal din ng next chapter...

Well, let's wait until the end... n___n

-Aerbourne14

Jayson S Patalinghug March 13, 2011 at 5:18 AM  

I posted them here from BOL para malaman ng mga LOL readers ang comments ng ibang readers mo...

I must say marami ka nang tagahanga Emil...hehe

emray March 13, 2011 at 6:28 AM  

talagang from bol to lol.. hahaha.. salamat kuya jayson sa sobrang effort mo po para sa mga kwento ko!! hehehe..

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP