Chapter 7 - 9 : Si Utol at ang Chatmate ko

Saturday, March 5, 2011

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
Note: Thank you Mike for sharing your stories in LOL. 

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

******************************************************

This photo is credited to Vin Cri. He is the MSOB
official model of Enzo
At talagang tuloy-tuloy lang si Zach sa pag walk out, pansin ang galit sa kanyang kilos.

Hinabol ko siya, “Hoy! Hindi mo lang ba hintayin iyong tao na mag-explain sa iyo kung bakit hindi siya nakasipot? Anong klaseng kaibigan ka?”

Huminto siya, humarap sa akin at tinitigan ang mukha ko. “Ok… kailangan kong mag-explain siya kung bakit dalawang beses na hindi niya ako sinipot at ikaw ang palaging nad’yan. Weird?” buminto siya sandal, ini-empahsize ang salitang “weird” sa mukha ko, pinalaki ang mga mata niya. “Baka may kasagutan ka. Ikaw ba ang chatmate ko? Sabihin mo lang para klaro… di ako magagalit. Sa lahat ng ayaw ko ay ang niloloko ako.” 

Para akong nasuntok sa mukha sa narinig kong iyon, hindi makasagot sa sobrang kaba na parang natunugan na niya ang modus ko.

“O… hindi ka makasagot? Ikaw ang chatmate ko ano?”

“H-hindi ah!” sagot ko na lang. “B-bakit hindi mo siya bigyan ng chance at para naman masagot iyang mga katanungan sa malisyoso mong utak?” ang banat ko naman sa kanya. 

Nag-isip siya. “OK… bigyan ko siya ng last chance. Bukas. Sabado, same venue, same time. Siguro naman ay nad’yan na siya. Kapag pumalpak pa siya at uli, ikaw ang sisipot, sorry… ayoko na. Sa sinabi ko, pinagbigyan ko lang naman ang kuya mo dahil siya itong pm nang pm sa akin… Ok ba? Well, kung siya nga iyon at hindi ikaw.” pananakot niya sabay talikod at diretso nang lumisan.

Natulala naman ako sa binitiwan niyang salita. “Nagduda talaga ang kumag!” sigaw ko. Syempre, natakot ako. Ayaw ko kasing mawala siya sa akin. Mahal ko na kasi ang mokong. 

Sa sama ng loob ko, tinumbok ko na lang ang mesa namin sa loob ng restaurant bagamat sumagi din sa isip na sana ay tawagin niya ako, pasakayin sa kanyang motor at ihatid pauwi.

Ngunit hindi niya ginawa iyon. 

Sa gabing iyon, umuwi akong luhaan at nanggagalaiti sa galit kay Kuya Erwin.

Alas onse na ng gabi noong dumating ng bahay si Kuya Erwin. Kumatok agad ito sa kwarto ko. “Tol… sensya na hindi ako nakarating. Birthday pala ng mama ni Lani at hindi ako pinauwi agad…” paliwanag ni kuya.

Pinagdabugan ko naman siya. “Anong paki ko sa birthday ng mama niya! Buti pa sila pinaunlakan mo samantalang ako… ipinahiya mo!” sabay tumbok sa kama, ibinagsak ang katawan at tinakpan ng kumot ang mukha.

Sumunod siyang pumasok sa kwarto ko. “Promise tol... sa sunod nating eyeball sa chatmate mo, nandoon na talaga---”

“Bukas daw uli!” ang pabulyaw na pagputol sa sagot niya.

“Bukas? A, e…” Nag-iisip siya ngunit bigla ring dugtong ng “O, e… di sige, bukas na kung bukas.”

Syempre nabuhayan na naman ang loob ko. Ngunit hindi ako nagpahalata. “Tapos niyan… sisingit na naman ang kontrabidang Lani na iyan!” sagot ko.

Hindi na Tol… promise. Sa chatmate mo na ako magpapakita. Basta... kapag na-inlove sa akin iyon, hindi ko na kasalanan ha?” ang may halong pagbibiro niya.

“Hmmpttt! Kahit ma-in love pa sa iyo iyon, alam kong hindi mo siya magugustuhan.” Bulong ko sa sarili. “Basta bukas..” ang sabi ko na lang.

At tinupad naman niya ang kanyang pangako. Sa pagkakataong iyon, wala nang Lani na nanggulo pa sa lakad namin. 

Alas 5:30 ng hapon at nandoon na kaming pareho ni Kuya sa restaurant na nasabi. Dahil sa sobrang kaba ko, nag-order ako ng beer habang hinintay ang pagdating ni Zach. Delikado kasi ang kalagayan ko. Para akong na-hostage ng kilabot na kidnapper habang parating ang militar na siyang tutugis dito. Either papatayin ako ng kidnapper o gawin akong panagga sa mga bala. Imagine, sa unang pagkakataon ng buhay ko, mabubuking na ang pinakatago-tagong lihim ko dahil kay Zach na noon ko lang din na-realize na sa lalaki pala ako mai-inlove. Ewan, para akong may typhoid fever, di malaman kung mabubuang o mamamatay.

In fairness, noong pinagmasdan ko si Kuya, ang ganda ng porma niya. Halatang pinaghandaan talaga ang okasyon na iyon. Suot niya ay ang bago at mamahaling t-shirt na kulay blue na may tatlong stripes na yellow sa balikat, ang pantalon ay maong na faded at may butas-butas sa tuhod, naka-gell ang buhok, mabango. Noon ko palang nakitang isinuot niya ang t-shirt at pantalon na iyon. Sa tingin ko, binili talaga niya ang mga iyon para lang sa makasaysayang eyeball na magaganap ano mang oras sa lugar na iyon. Hayup sa porma! Daig pa ang isang artista! Hay naku… Kung hindi ko lang siya kuya siguradong na-in love na rin ako dito.

Ramdam ko, excited si Kuya, hindi lang ipinahalata iyon sa akin. Naamoy ko iyon dahil sa tahimik siya at nag-iinum lang. Kuya ko ata siya, alam ko kapag may milagro itong ginagawa, kung masaya siya, kung malungkot, kung tensiyonadao, kung may itinatagong kabulastugan. 

Alam kong napupulsuhan din niya ang nararamdaman ko sa tagpong iyon. Iyon nga lang; ang buong akala niya, mamatay-matay ako sa excitement na makita siya ng ka-chatmate ko at kung ano ang magiging kahinatnan sa pagpapanggap niyang siya nga ang tunay na ka-chatmate. Ang hindi lang niya alam ay na mas malalim pa ang naramdaman ko – natatakot ako sa nakaambang mangyayaring bukingan sa tunay kong pagkatao, na noon lang din niya malalaman sa tanang buhay niya. 

“Dyos ko po! Tulugnan po ninyo ako! Tanggapin ko po ang ano mang parusang ibigay ninyo, huwag lang ang pag-iinarte ni Kuya kapag nalaman niyang dalaga pala ang kanyang kapatid at hindi binata!” Ang sigaw-sigaw ng isip ko. At lahat na rin ng pangalan ng mga santo ay nabanggit ko na sa aking mga dasal na sana ay hindi tataas ang cholesterol at blood sugar ni Kuya kapag nalaman niya ang lahat, at na pareho ko pala silang dalawa ng ka-chatmate ko na niloloko ko. Awwwtttts!!! To the highest level talaga ang kaba ko! Grabe!

Hay naku, ang pag-ibig nga naman. Gagawin ang lahat, susuungin ang lahat ng hirap, katarantaduhan, kabulastugan, pagsisinungaling, pagbabakasakali, walang pakialam sa magiging kahinatnan nito mairaos lang ang kalandian...

So, inum, inum, at inum pa. Pareho kami ni Kuya, tila sa pag-iinum ibinuhos namin ang magkaibang excitement na naramdaman. Pakiramdaman sa kilos ng bawat isa, ngunit walang imikan. 

Maya-maya, heto na. Ang posisyon kasi ng lamesa namin ay paharap sa entrance mismo ng resto at magkatabi kami ni Kuya. Sinadya kong tumabi kay Kuya upang kapag dumating na si Zach, makita ko kaagad siya. 

Heto na. Umentra na ang leading man ng buhay ko at akmang papasok na sa entrance ng restaurant. 

“O my God, heto na siya! Heto na sya!!!!!! Arrgggggghhh!” sigaw ng utak kong talipandas, hindi ipinahalata kay Kuya na nakita ko na si Zach. Siyempre, hindi naman ako pwedeng tumayo na lang at salubungin siya ng yakap at halik. Pakiramdam ko kasi ay nawalan na ako ng ulirat at parang umikot ang buong paligid sa sobrang magkahalong excitement, kaba, at takot. Para akong mapapraning! Kaso, hindi ko rin lubos maintindihan ang naramdaman. Kasi nga naman, ang alam ko, ang gusto niya ay si kuya. Tapos, heto namang si kuya, babae ang gusto. Ewan hindi ko talaga maintindihan. Kaka-sad, di ba? Pero kahit papaano, may saya din akong naramdaman na sa wakas ma-prove ko na kay Zach na hindi ako ang ka-chatmate niya taliwas sa kanyang hinala. At dahil ditto, hindi na siya lalayo pa sa akin.

“Waaahhh! Grabeh!” sigaw ng utak ko. Lalo yata siyang gumuapo sa pagkakataong iyon. Para bang gaya ni kuya ay pinaghandaan din niya ang makasaysayang eyeball na iyon. Naka-body-fit na puting t-shirt, sinadyang ang dulo nito sa harapan ay ipinaloob sa ilalim ng itim at stonewashed straight cut na jeans, inilantad ang buckle ng belt niya at ang umbok ng kanyang harapan. Hayup din sa porma! Pamatay sa kaseksihan! “Arrgggghhhh!” Sa isip ko lang. Umandar na naman ang aking insecurity. Bagay na bagay kasi sila ni kuya at para akong naa-out-of place!

Kunyari ay wala pa rin akong nakita. At bagamat mistulang puputok na sa matinding pagkakabog ang aking dibdib, kalmante pa rin ako, demure-looking baga at inum lang nang inum. 

Nilingon ko si Kuya na panay pa rin ang inum, hindi alintana na palapit na nang palapit ang nakatakdang pag-krus ng kanilang mga landas. Bagamat nagkita na sina Zach at kuya noong una naming “date” ni Zach, hindi na niya ito natandaan pa dahil wala naman kasi siyang interes dito; o di kaya ay sadyang hindi lang niya napansin si Zach sa gitna ng maraming tao dahil ang nakatatak sa isip niya ay isang magandang babae ang darating.

At hindi ko rin pinansin si Zach. Hindi na kasi nakayanan ng powers kong harapin siya dahil nanlalambot na ang pakiramdam ko, iniisip na maaring iyon na ang huling sandali na masilayan ko ang naggagwapuhang mga nilalang na si kuya ko at si Zach dahil sa papatayin na ako ni kuya sa bukingan na magaganap sa tagpong iyon.

At wala pang isang minuto heto na. Huminto sa harap namin si Zach! Syempre, dahil hindi alam ni Kuya na iyon na pala ang ka-chatmate niya, inosenteng patuloy pa rin itong umiinon, ang mga mata ay nagmamasid sa mga taong papasok pa lang, sinasala ng kanyang mga mata ang isang babaeng maganda at mestisa. Ako naman, kahit mistulang puputok na ang dibdib sa sobrang kaba, ay kunyari nakatingin sa malayo, ibayong pagkokontrol sa sarili ang ginawa. 

“Kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog-kabog” iyan ang naririnig kong tinig sa aking dibdib at malakas siya ha. Pakiramdam ko ay gusto ko na talagang magback out at kung maaari lamang ay ibalik ang oras sa puntong hindi pa kami nakarating sa restobar na iyon.

Nasa ganoong posisyon si kuya sa paglalagok ng beer, ang bote ay nakaungot pa sa kanyang bibig, noong iniabot ni Zach ang kanyang kanang kamay sa kanya upang makipag handshake, “You are Enzo, right? I’m your chatmate, Zach!” Ang pagpakilala ni Zach.

Kitang-kita ko ang paglaki ng mga mata ni kuya sa gulat noong makitang lalaki ang nakikipagkamay sa kanya. “Gwarkk!!” nabilaukan bigla si kuya, ang beer na nasa lamamunan na ay lumabas lahat at sumambulat ito sa mesa, pati na sa kamay ni Zach... 

Agad-agad inilatag ni kuya ang beer na hinawakan at humablot ng tissue, pinahid ang bibig niya habang si Zach naman ay dali-dali ding binaltak ang kamay upang matanggal ang isinukang beer ni Kuya na dumikit dito at pagkatapos ay humugot siya ng tissue na nakapatong sa mesa at nakipahid na rin.

Syempre, nagulat din si Zach, ngunit talagang cool na cool pa rin ang dating.

Habang pahid-pahid ni kuya ang bibig niya, nilingon naman niya ako, palihim na tinapakan ng sobrang pagkalakas-lakas ang aking kaliwang paang katabi lang ng kanyang kanang paa at idiniin-diin pa ito. “Arekoppppoooooooo!” ang nasambit ko sa pagkabigla ngunit pinigilan ko itong hindi mahalata ni Zach. Nagkataon pa namang sandal lang ang suot ko sa paa samantalang si kuya ay nakasapatos. Kaya masakit talaga siya.

Nilingon ko si Kuya at sumalubong sa mga mata ko ang nagbabaga at nanggagalaiting titig niya. 

Alam ko ang ibig ipahiwatig ng titig na iyon. Katakot-takot na sermon ang naghintay sa akin at baka sa kauna-unahang pagkakataon ay matikman ko na ang dila-lang-ang-walang-latay na pambubugbog ng isang kuya sa kanyang kapatid. At ang mas masaklap pa doon ay baka isumbong niya ako kay papa at mama na niloko ko na nga siya, nadiskubre pa niyang nagdadalaga na pala ang bunsong kapatid niya! “Diyos ko po! Di ko yata kaya!” sigaw ng utak ko. 

Alam ko din naman na kasalanan ko ang lahat e. Pero ano ba ang magagawa ng isang busilak na pusong natuto nang magmahal? Di ba mga ateng? First time ko kayang ma inlove. Kaya hayun, hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang nagliliyab na mga mata at sa pagkataranta, ang ginawa ko na lang ay ang humugot na rin ng tissue at pinupunas-punasan ang mesang nabasa ng beer na lumabas galing sa kanyang sikmura, nagkunyaring hindi ko napansin ang nakakapaso niyang pandidilat, kagat-kagat ko ang sariling labi sa magkahalong matinding hiya at panginginig sa sa takot. Para akong isang asong talunan na ang buntot ay itinago sa ilalim ng bayag at nagyuyukyok sa isang sulok.

At siguro, dahil sa wala nang choice si Kuya, pinansin na rin niya si Zach at binitiwan ang isang ngiting napilitan sabay sabing, “A… oo. Ako nga si E-enzo! Enzo nga ang name ko. Upo ka, Zachie, este, Zach!” turo niya sa bakanting upuan sa harap ng inuupuan namin.

Nangiti naman si Zach at umupo. 

Tahimik kaming tatlo habang hindi ko na rin malaman pa ang gagawin ko, nakiramdam sa sunod na maaaring mangyari, patuloy pa rin sa pagpupunas sa mesa kahit tuyong-tuyo na ito at ang buong laman ng tissue box ay nauubos na sa kakahugot ko at kakapunas sa natuyo nang mesa.

Tahimik pa rin at ang mga kamay ni kuya ay iginuri-guri sa mesa na tila wala sa sarili, ang mga mata ay di makatingin-tingin kay Zach na nakaupo sa harapan lang namin, di rin makapagsalita, di makapagsimula ng kwento, di ko alam kung nininerbyos ba o nagpupuyos sa galit sa akin. 

Samantala, si Zach naman ay bakat sa mukha ang matinding excitement sa pagkakita ng personal kay Kuya, ang ngiti na binitiwan ay nakakabaliw at kung makatitig sa mukha ni kuya ay halos lalamunin na niya ito ng buo.

“I met your brother, Enzo two times na…” Wika ni Zach kay Kuya habang itinuro ako, at maaaring paraan din niya upang mabasag ang katahimikan.

“E… e…” sagot ni Kuya, hindi makabuo ng salita at mistulang namumutla. “A… ok.”

“Makulit nga talaga no?” ang mabilis na tugon ni Zach, sabay bitiw ng isang pigil na tawa.

“Amffffffffff!!!!” sigaw naman ng isip ko. “Ako pa ang pinagtripan!” nanggagalaiti na nga si kuya sa akin, at heto, ako pa ang pinagtripan ng honghang?” sigaw ko sa sarili. Nahihiyang nilingon ko si kuya at noong mapansin niya ang paglingon ko sa kanya, pinadyakan niya muli ang aking paa sabay irap sa akin. “Arrggggggghhhhhhhh!!!!” sigaw g utak ko sa sakit ngunit hindi ko ipinahalata ang pagngiwi ng bibig ko. 

Pakiramdam ko, pulang pula nga ang mukha ko sa pagpuna sa akin ni Zach, umuusok naman ang tenga at ilong ko sa sakit na para akong nakalunok ng isang garapong siling labuyo. 

Binitiwan uli ni Kuya ang pilit na ngiti kay Zach, nakikinita kong sumisigaw din ang utak niya ng, “Mamaya hindi na makulit yan dahil papatayin ko na yan sa bugbog!”

Tahimik uli. 

“A… waiter! Menu please!” Sigaw ni Zach noong mapansing puro beer ang inorder namin.

Lumapit ang waiter at iniisa-isang bigyan kami ng menu. 

Ramdam kong parang gustong sabihin ni Kuya na treat namin iyon ngunit tila naubusan na rin siya ng lakas upang magsalita. 

Nakahawak na kaming tatlo sa menu at namimili. Nilingon ko uli si kuya kung may napili na ba ngunit kahit ang mga mata niya ay nakatutuk sa menu mistulang lumilipad naman ang isip.

“What’s yours Enzo? I want this, this, and a regular rice…” sabi ni Zach tukoy sa menu, hindi man lang ako tinanong.

Ngunit imbes na sagutin ang tanong ni Zach, inilatag uli ni Kuya ang menu sa mesa. “Excuse me…” sabay tayo at tumbok sa CR na nagmamadali.

Natulala ako sa biglang pagwalk-out ni Kuya. Malakas kasi ang kutob ko na alibi lang ang pagpunta noon sa CR. Kung hindi walkout iyon, gusto niya akong sumunod at sigurado, bubugbugin ako noon sa loob ng CR. Kaya hindi ako sumunod. Pero syempre, kinakabahan ako na baka ibubuking na ni Kuya ang lahat.

Kaya nanatili akong nakaupo sa pwesto ko, sa harap ni Zach.

At heto na. Syempre, ano pa ba ang gagawin ni Zach sa sitwasyong nakaupo kami parehong magkaharap? Syempre, titingnan niya ang mala-anghel kong mukha.

At ano ba ang dapat kong gagawin sa eksenang nasa harap ang pinakamimithing pinakawafung lalaki sa balat ng internet, at kaharap ko pa? Syempre, maglupasay ang utak ko at sisigaw ng, “EEEEEEEEEEEEEE!” Ang cute cute niya! Ang cute cute niya! Pwede mo na akong kunin Lord! Wag lang muna now!” 

Ngunit syempre, hindi ako nagpahalata huh! Kunyari, pinupunasan ko pa rin ang mesa at kahit na nanginginig ang buong kalamnan ko, pinilit ko pa ring gawing maayos ang pagpunas ng mesa habang pasikretong pinagmasdan ko siya.

“O my God! U mey Gadddddddd! Pinagmasdan niya ako! Pinagmasdan niya ang walang kamuwang-muwang kung mukha! Arrgggghhhh!” Sigaw uli ng utak ko noong mapansing tinitigan niya ako. Ah grabe. Pakiramdam ko ay isa akong ice na inilatag sa ilalim tanghaling araw. Nalulusaw ako mga pare, este, mga mare pala. 

Doon ko na-realize na kaya pala may dalang pamaypay na abaniko ang mga dalagang ninuno natin noong unang panahon sa kadahilanang ito pala ang panangga nila sa mga nakakalusaw na titig ng mga wafung binatang ninuno din natin! Grabeh pala ang kuryenteng dulot ng titig ng super crush! Para kang matatae, maiihi, magkumbulsyon. Parang may intensity 25 na lindol sa loob ng iyong dibdib!

“Where’s your other kuya?” tanong niya.

“Abababa Eninglis ako!” sigaw ng utak ko. Pero syempre, natameme ako ng sandali. Kambal pala ang kuya kong pakilala sa kanya. “Ha?” sagot ko, hindi ipinahalatang ganoon ako ka focus sa kanya. Atsaka ang boses ko, astig siya ha.

“Iyong kambal niya.. Iyong sabi mong rapist?” pagfollw up niya.

“Nasa bahay e! Bakit, gusto mo siyang makilala?” ang mataray kong sagot. 

“Ah… Ok. Pero bakit ka nagagalit?” ang sagot niya, marahil ay napansin ang boses ko. Hindi ko kasi mapigilan ang hindi kabahan sa inasta ni kuya at sa hindi pa niya pagbalik.

“Hind ako galit no! Kung galit ako ay sana kinagat na kita!” 

Bigla namang napahalakhak si Zach. “Ano ka aso? Arf! Arf! Arf!” ang pang-iinis niya sa akin.

Ngunit hindi ko na npansin ang pang-aasar na iyon. Kinakabahan na kasi ako sa hindi pa pagbalik ni kuya.

“E... may boyfriend na ba ang kuya mo?”

Muntik naman akong malaglag noong marinig ang tanong niyang iyon at mistulang nasapak ang ulo ko. “Arrgggggghhhh!” ang sigaw ko sa sarili. Syempre, lalong tumindi ang kalampag ng aking dibdib. Kapag nalaman kasi ng Kuya ko na ang tingin sa kanya ni Zach ay bakla, baka hindi lang ako ang papatayin niya kungdi pati na rin ang sarili niya! “Diyos ko pong mahabagin! Hindi ko kaya ito. Kapag nagkataon, headline kami kinabukasan sa tabloid na Tiktik o Abante: ‘magkapatid na bakla, patay dahil sa isang lalaki!’ Paano kaya ito tatanggapin ng mga magulang ko? Sigurado gagawin nila ang lahat upang mabuhay kami at kapag nabuhay na, papatayin uli. Huwaaaaa!”

“Waaaaahhh! Hindi bakla si Kuya ko!” sigaw kong pagdepensa kay kuya.

Napangiti siya. “Syempre naman, itatago niya iyan sa iyo” ang tugon niya na ang mukha ay mistulang hindi siniseryoso ang sinasabi ko. Tiningnan niya ang kanyang relo pagparamdam na matagal si Kuyang bumalik. “Mag CR muna ako.” Ang sabi niya. 

Nataranta naman ako sa narinig. Syempre, ayaw kong magkita sila doon baka kapag nagkataon, magkabistuhan na dahil siguradong ibubuking ni Kuya ang lahat. 

Akmang tatayo na sana si Zach noong hinarang ko siya. “A-ako na muna ang mag CR, naiihi na talaga ako. Antay ka muna dito, baka ihahatid na ang order at walang tao sa table natin...” ang pag-aalibi ko.

Noong makarating na ako ng CR, tyempo namang walang tao at nag-isa lang si Kuya. At tama nga ang hinala ko; hinihintay niya ako. At noong makita ako, isang napakalakas na batok ang pinakawalan niya kaagad, ”Tado ka! Inilalagay mo ako sa kahihiyan! Tangina, bakla ka pala?!” Ang pigil na bulyaw ni Kuya. At hinablot pa ang buhok ko. “Shiiiit! Wala naman sana akong paki kung bakla ka, eh. Ang problema sa iyo, idinamay mo pa ako, tarantado ka! Lahat ginawa ko, pati pagtanggal sa bigote ko para lang pala sa isang lalaki? Ha?!!!” ang pigil na pagsisigaw ni kuya.

At syempre, inamin ko ang lahat ng kasalanan. Ano pa ba ang magagawa ng byuti ko. “Kuya... please naman. Sorry po. Mahal ko po kasi ang taong iyon eh. Kuya sorry na po...”

“Mahal mo ang taong iyon? Tangina!” Sabay sapak na naman sa ulo ko. “Magmahal ka tapos ako ang gagawin mong proxy! Ano ang gusto mong mangyari ngayon? Makikipaghalikan ako sa kanya, ganoon? Ah, hindi. Hindi pwede yan. Dapat nating sabihin sa kanya ang totoo! At ngayon na!” sabay talikod at lalabas na sana ng CR.

Sa naramdamang pagpursige ni Kuya na ilantad ang lahat kay Zach, ang nasagot ko sa kanya ay, “Sige kuya! Sabihin mo sa kanya at tatalon ako dito sa dagat! At papatayin ka ni papa kapag nalamang pinabayaan mo ako!” Ewan kung bakit ko rin nasabi iyon, e ang totoo, hindi ako marunong lumangoy at napakalalim pa ng tubig gawa ng high tide sa oras na iyon.

Ngunit dumeretso pa rin si Kuya. Hindi na ako pinakinggan. Kaya ang ginawa ko ay dali-daling lumabas sa kabilang pintuan ng CR na deretso sa open terrace ng reataurant paharap sa dagat. At noong nandoon na ako, walang lingon-lingong umakyat sa barandilya.

Narinig ko pang nagsigawan ang ibang mga tao sa restaurant, “Ayyyy! Tatalon ang mama! Tatalon ang mama!”

Ngunit itinuloy ko pa rin ang pagtalon. At ang sunod na naalala ko ay ang pagkarinig sa isang malakas na “Splashhhhhhhhhhh!” sabay bulusok ko sa ilalim ng tubig.


Part 8


Tuloy-tuloy ang pagbulusok ko sa ilalim ng tubig; huli na noong ako’y magsisi kung bakit pa ako tumalon samantalang hindi naman ako marunong lumangoy. 

Sa ilalim ng tubig ko naramdaman ang pagka-seryoso sa ginawa kong pagtalon. Syempre, lumundag lang naman ako gawa ng takot ko na ibunyag ni Kuya sa pinakamamahal kong si Zach ang aking sikreto. Gusto ko lang takutin ang kuya ko, i-blackmail kumbaga. Wala kaya akong balak na magpakamatay. Virgin pa po ako kaya wala sa plano ko ang pumanaw na hindi man lang matikman ninuman ang aking sariwang katawan. 

“Glug! Glug! Glug!” Nakainum na ako ng tubig at maalat pa man din. Ramdam ko na ang sakit sa ilong sa pwersahang pagpasok ng tubig doon. “Dyos na mahabagin! Huwag po munang magwakas ang aking walang kamuwang-muwang na buhay! Hindi ko pa natikman ang yakap at halik ni Zach!” sigaw ng utak ko.

Kaya tarantang ikinampay-kampay ko ang aking mga kamay at paa. At nasagi ng kamay ko ang isang lubid. 

Dali-daling kumapit ako dito at nag ala-Tarzan akong pumaitaas upang makalanghap ng preskong hangin ang aking baga. At wallah! 

Habol-bahol ang paghinga, disoriented, at nababalot sa matinding nerbyos at takot pa rin, nanatili akong nakahawak sa lubid, naghintay na sana ay may magligtas sa akin. Syempre, hindi ako maka-akyat at hindi rin naman ako makalangoy patungo sa aplaya. At alam ko, hindi tatalon para sa akin ang kuya ko dahil hindi rin iyon marunong lumangoy. At ayaw kong siya ang tumalon dahil sigurado ako, gagawin lang niya akong salbabida. Kaya nanatili na lang akong nakalambitin sa lubid.

Narinig ko namang nagkagulo ang mga tao sa loob ng restaurant. Ang masaklap, ay may sumigaw pa na, “May pating na dumadayo d’yan! Baka kakainin iyon ng pating!”

“Dyos ko po! Huwag naman po sanang isang pating lang ang makinabang sa birhen at sariwa ko pang katawan! Huhuhu!” Kaya Umiyak na ako ng umiyak at sa sobrang pagkadesperado ay nasambit ko ang, “Promise ko sa iyo Lord, kalimutan ko na talaga ang Zach na iyan! Ayoko na sa kanya, huhuhu! At kung sino man ang tatalon at siyang magligtas sa buhay ko, ay siya ko nang pagsilbihan at mamahalin. Kalimutan ko na talaga ang Zach na iyan! Huwag lang akong lamunin ng pating. Ansakit kaya nang makagat ng hayup na iyan! Huhuhu!”

At naghintay ako ng milagro. 

At heto na, may tumalon! Hindi ko na kinayang tingnan pa ang mukha niya dahil baka ang ibigay sa akin ni Lord ay isang mukhang mahirap i-describe at di ko kayang tanggapin. Tumalikod ako, hinitay na lumapit siya. Pero ang totoo, tumalikod din ako dahil sa sobrang hiya sa ginawang kagagaguhan, natatakot na imbes iligtas niya ako, tuluyan niya akong ilublob sa tubig dahil sa katarantaduhan ko.

At naramdaman ko na lang siya sa likod ko, humawak din sa lubid, inilingkis ang mga kamay sa katawan kong nakatalikod. “Ligtas ka na. Kumapit ka sa akin at tawirin natin isa-isa ang mga poste ng restaurant hanggang sa makarating tayo sa aplaya. May dumadayo daw ditong pating kapag ganitong high tide kaya dalian na natin.” Sambit niya.

“O my God!” sigaw ng utak ko, biglang nawala ang takot ko sa pating. “Kilala ko ang boses na iyon! Si Zach!” Dali-dali akong lumingon at nakumpirma ng aking magaganda at tantalizing na mga mata na siya nga! At ang guwapo pa rin niya kahit nagkagulo-gulo ang mala-Justine Beiber niyang buhok dahil sa pagkabasa nito! Parang gusto ko nang sabihin sa kanya na ipagpatuloy lang niya ang pagyakap sa akin at hintayin na lang namin ang pagdating ng pating upang sabay kaming lunukin at magsama ng wagas sa loob ng tiyan nito at doon na rin namin buuin ang aming mga minimithing pangarap! “Gosh! Grabe! Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa na nasa bingit ng kamatayan dahil sa sobrang pagtatae at dumating ang aking knight in shining armor at agad akong pinainum ng immodium. 

“Kapit na!” Sabi niya.

Bigla naman akong nagising sa aking pagpapantasya. Ngunit nanginginig talaga ako, mga ateng, pramis, hindi dahil sa sobrang lamig ng tubig kungdi dahil sa excitement na nad’yan iyong super crush ko, itinaya ang sarili niyang buhay upang mailigtas lang ang aking pinakaiingat-ingatang puri, at hayun, yakap-yakap na niya ako. Di ba sweet? 

Mistulang nawala lahat ang mga tubig na pumasok sa aking eardrum at baga at pakiramdam ko ay biglang tumubo nang napakahaba ang aking hair sa pagkakataong iyon. Grabe. 

“Dalian mooo!” utos niya, rinig ko pa ang paghahabol niya ng paghinga.

At tinanggal ko ang mga kamay ko sa pagkapit sa lubid upang sa kanya na kakapit. Ngunit marahil ay sa sobrang paglalandi ko, dumulas ang kapit ko sa kanya at bumulusok na naman uli ako sa ilalim ng tubig. At muli, “Glug! Glug! Glug!” Iyon na ang huli kong natandaan.

Ewan kung gaano katagal akong unconscious ngunit noong bumalik ang malay ko at ibinuka ko ang aking mga mala-anghel na mata, nanlaki ito bigla noong ang nasaksihan ko ay mismong si Zach na inuupuan ang aking tiyan at nakayuko at nag mouth-to-mouth sa akin! 

“Uhu! Uhu! Uhu!” ang pag-ubo ko, gawa nang hindi ko makontrol ang tubig na iniluwa ng aking baga. Kakabadtrip nga lang ang ubo na iyon dahil bigla ring tinanggal ni Zach ang bibig niya na nakalapat sana sa bibig ko. At habang nanatiling nakaupo si Zach, ang mukha ay tuwang-tuwa sa nasaksihang na-revive ako, mistula namang nag-slow motion sa tingin ko ang paligid habang may narinig akong kanta ng mga anghel at quirubim sa kaloob-looban ng aking tenga. Ang ganda ng ngiti ni Zach, hayup, nakakainlove. Parang may kaaya-ayang sinag na nagmula sa kanyang mukha at ang sabi ay “Ligtas ka na! Nandito ka na sa aking kaharian…” Parang nasa langit ako at nasa bisig ng aking prince charming!

Ngunit bigla ring naputol ang mala-paraisong eksenang iyon noong ibinaling ko ang mukha sa gilid ko at nakita ang mukha ng isang demonyo. Si Kuya pala ang demonyong iyon, bagamat in fairness, isang guwapong demonyo naman. Iyon nga lang, kitang-kita sa kanyang mukha ang pagpupuyos ng galit at ang kanyang mga tingin ay nagliliyab. Naiimagine ko nga na habang si Zach ay may koronang sinag sa ibabaw ng kanyang ulo, si kuya naman ay may sungay. Pero in fairness, bagay din sa kanya ang sungay.

At dahil sa nakitang pagpupuyos ng galit ng aking mahal na Kuya, bigla kong naisipang ipikit uli ang mga mata upang hindi ko makita ang kanyang mukha, nagkunyaring unconscious pa rin, nagbakasakaling i-mouth-to-mouth uli ako ni Zach.

Ngunit huli na ang lahat. Habang nakapikit ang aking mga magagandang mata na may mahahabang eyelashes, biglang may malakas na “SPLAKKKKK!” na dumapo sa aking flawless na mukha. 

“Arekupppp!” Napadilat akong bigla sa lakas ng pagkasampal, naunsyami ang pinapantasyang “mouth-to-mouth para kay sleeping beauty” na galing kay prinsepe Zach.

Noong tiningnan ko kung saan nanggaling ang walang breeding na sampal na iyon, nakita kong galing pala ito kay kuya at hindi ma drowing ang kanyang mukha sa kinimkim na galit! 

Grabe. Galit na galit din ako sa kanya. Ngunit wala na akong magawa pa kungdi ang haplusin na lang ang tama sa aking mukha, na hindi din ma-drowing sa tindi ng sakit habang binitiwan ko ang tingin na nanggagalaiti-ngunit-walang-magawa kay kuya, mistulang sa isang batang inagawan ng ice-crean ng mas malaki pang bata. 

Noong mapansin ni Kuyang nakatutuk ang tingin ko sa kanya, inisnab naman niya ako at nilingon si Zach, binitiwan ang isang nakakalokong ngiti sabay sabing, “O pare, sabi ko sa iyo, buhay pa iyan e!” pagpahiwatig niya sa paggalaw at pagreact ko noong sinapak niya ng todo ang mukha ko. “Kaya umalis ka na sa pagkakaupo sa tiyan niyan. Baka sa pagdagan mo dyan yan mamamatay.” Dugtong ni kuya.

“Akala ko magma mouth-to-mouth uli ako eh!” ang sagot naman ni Zach sabay bitiw ng pilyong ngiti. Tila ganyan na sila ka close, huh!

Sa sagot na iyon ni Zach, naimagine ko tuloy ang eksenang nakayuko na si Zach upang handang ipagkaloob na sa bibig ko ang kanyang makasaysayang mouth-to-mouth noong maudlot ito dahil sa naunang lumanding sa mukha ko ang mabigat na palad ni kuya. “Waaahhhh! Nademonyo na talaga iyang si Kuya ko. Grabe na ang pagka-adik!” sigaw ko na lang sa sarili.

“Uuwi na lang tayo!” Ang mungkahi ni Kuya, sabay talikod halatang atat na atat nang makaalis sa lugar at makaiwas kay Zach.

Aba, noong akmang tatayo na sana ako ay bigla ba naman akong kinarga ni Zach sa kanyang mga bisig. “Wowwwwww! Heaven talaga! Todo na tooooo!” ang nasambit ng utak ko sabay naman lingkis ng mga kamay ko sa leeg ni Zach.

Ngunit noong lumingon si Kuya at nakitang karga-karga ako sa mga bisig ni Zach, bigla na namang nadiskarel ang kanyang mukha. “Bakit mo kinarga iyan? Nakakalakad naman iyan eh. Nag-iinarte lang iyan.” 

“Hindi pare, groggy pa eh. Kawawa naman!” sagot ni Zach.

“Ako na ang kakarga niyan!” sabi ni Kuya.

“Ako na, Ok lang ako. May sasakyan ba kayo?”

“Mayroon pero ako na ang kakarga”

“Ako na nga lang… pare.” 

“Ako na. Kapatid ko iyan kaya ako na ang kakarga…” ang pangungulit ni Kuya…

Pinag-aagawan talaga nila ang beauty ko. Ngunit hinigpitan ko ang paglingkis ng mga kamay ko sa leeg ni Zach. Ngunit makulit si kuya at ayaw patalo kaya nalipat ang pagkarga sa akin sa mga bisig ni Kuya. 

Kaso, sadya yatang plano ito ng demonyo, nabitiwan niya ako (o binitiwan ba?) at… “KA-BLAGGGG!” 

Nalaglag po ako, at naunang bumagsak sa semento ang virgin at walang mantsa ko pang pwet. 

“Grrrrrr!” sabi ko na lang sa sarili, tiningnan ng matulis si Kuya. Sobrang sakit kaya ng puwetan ko. Dali-dali naman akong tumayo. Tiningnan ko naman si Zach na nabigla din sa pagbagsak ko, ang mga mata ko ay mistulang nangungusap na, “O, ano, kaya mo iyon?” 

In fairness, hindi naman ako pinagtawanan ni Zach. O baka pinigil lag niya ang sarili. In fact, itong si kuya pa ng naninisi sa akin. “O, kasi… tangina, ang arte-arte, nagpapakarga pa!”

Hindi na ako kumibo. Iniabot naman ni Zach ang kamay niya sa akin. Ngunit sa magkahalong inis at pagkapahiya, hindi kinaya ng powers ko ang maglandi. Tumayo akong mag-isa nagtatakbo papuntang sasakyan, iniimagine na walang nakakakitang iba sa pagbagsak ko. 

“O tingnan mo nga, mas mabilis pa sa kabayo kung tumakbo ang loko.” Ang narinig kong sabi ni Kuya kay Zach. 

Hindi naman sumagot si Zach.

“Ok pare, mauna na muna kami ha? Sensya ka na sa nangyari. Basang-basa kasi tong utol ko kaya dapat maligo at makapagbihis na rin. Ikaw rin pare, basa ah... Salamat sa pagligtas mo sa kapatid ko!” Ang narinig kong sambit ni kuya, hinayaan na lang si Zach na mag-isa.

Ewan kung ano ang pakiramdamni Zach. Pero noong nilingon ko siya, mukhang may lungkot ang kanyang mga mata. Kasi ba naman, iyon lang ang sinabi ni kuya. Wala man lang “take care” o kaya “chat tayo mamaya” o “kita uli tayo next time” o mas maganda nga, “Pare… samahna mo kami sa bahay”. Iyon bang something na nakaka-inspire. Siya kaya ang nagligtas sa buhay ko. Doon pa lang, proud na proud na dapat si kuya sa kanya. Sabagay, sa kabilang banda rin, hindi naman talaga siya ang tunay na ka-chatmate at “nagmahal”… 

Nauna akong umupo sa sasakyan at noong dumating na si kuya, dali-dali nitong pinaandar ang kotse na para bang hinahabol ng isng ulol na aso. “Hay salamat naka-eskapo din!” sambit niya pagpaparinig sa akin.

Hindi na ako kumibo. Alam kong ang eskapong sinabi niya ay ang makalayo kay Zach. Syempre, lungkot na lungkot naman ako bagamat kasalanan ko ang lahat. Pero at least, nalaman na ni kuya ang tunay kong pagkatao at ang sunod na mangyayari ay ipagsapalaran ko na lang... 

“Tangina, bakla ka pala…” ang pagmamaktol ni kuya habang nilingon ako.

Ewan. Parang ang sakit din pala kapag sinabihan kang bakla. Hindi kasi ako sanay. At lalo na kuya ko ang nagsabi na may halong pangungutya. “Bakit kung ganito ako? May problema ba?” ang palaban ko ring sagot.

“Oo! Mayroon! At malaki! Dahil kapag nalaman ito ng mga magulang natin, sigurado ako, palalayasin ka nila. Gusto mo iyon?” ang pagbabanta ni niya sa akin.

Para akong nabusalan sa narinig. Syempre, nagpakatotoo lang naman ako at kahit papaano, tao rin naman ako. Bakit hindi nila kayang tanggapin ang pagkatao ko kung mahal nga nila ako. “At bakit nila ako palayasin? Iyong aso nga natin na hindi naman natin kaanu-ano, inaalagaan natin, ako pa kaya? Bakit ikaw? Gusto mong palayasin ako?”

Mistula ring nabusalan si kuya sa sagot ko. Lalong sumungit ang mukha niya. Iyon bang galit na hindi makalabas at may kung anong gustong kumawala sa kanya at pakiramdam niya ay gusto niyang pumatay ng tao. At ang tanging nagawa na lang niya ay ang tapakan bigla ang accelerator ng sasakyan. Bumilis ang takbo namin. 

Sa takot na baka ibangga niya ang sasakyan, hindi na ako nagsalita pa. Hinablot ko ang seatbelt at isinukbit iyon.

“At ginawa mo pa akong bakla sa mata ng taong iyan? Malaki ang atraso mo sa akin tol… Malaking-malaki! Alam mo iyon?”

Yumuko na lang ako, hindi na kumibo. Totoo naman kasi. Ansama ko… “Pero masisisi ba niya ako kung ako ay umibig?” bulong ko sa sarili. 

“Ngayong alam kong bakla ka pala, ayokong may makikita akong mga lalaking kasa-kasama mo ha?” sabi niya tiningnan ako ng matulis.

“Kuya... bakla po ako, hindi babae. Hindi po ako mabubuntis kahit ilang lalaki pa ang kasama ko!” ang pabalang ko namang sagot.

“Kahit na! Ako lang ang dapat na kasama mo. At kapag may nakita akong kasa-kasama mong ibang lalaki, bubugbugon ko talaga, lalo na ang Zach na yan! Makikita niya!”

“At kaya mo naman? Sa tingin ko nga maganda kung magsuntukan kayo eh para magkaalaman na kung sino ang mas magaling. At sa kanya ako tataya, promise.” Sagot ko.

“A ganoon! Gusto mo babalikan natin iyong ipinagmamalaki mong Zach at uupakan ko? Ha?”

“A... hindi na po kailangan.” sagot ko.

“Takot ka naman pala eh...” 

“Hindi po ako takot kuya. Nand’yan na po siya o...” sabay turo sa isang lalaking naka-motorsiklo sa gilid lang na aming sinasakyan. 

Alam kong si Zach iyon dahil kahit naka-helmet siya, iyon ang damit na isinuot niya. At basang-basa pa rin! “Waaahhh! Ang gandang tingnan talaga ng prince charming ko” sigaw ng utak ko habang pinagmasdan ang machong-machong porma ng pagdala niya sa kanyang motor, dinikitan ang sinasakyan namin”

Lumingon si kuya sa gilid niya at mistulang natuliro siya sa nasaksihan. “At ano naman kaya ang plano ng gagong ito?!” sambit ni Kuya na natunugang sasabayan kami ni Zach hanggang sa pag-uwi.

“E syempre, hinahabol ka niya eh. Kasi… hindi mo man lang siya kiniss kanina. Lagi kaya kaming nagki-kiss sa pagcha-chat namin! Hinahabol niya ang kiss!” ang pang-iinis ko kay kuya, ipinaparamdam din na kinilig ako, sabay tawa.

Mistula namang naputukan ng bomba si kuya sa pang-iinis ko. At marahil ay dahil sa kinikimkim pa ri niyang galit kay Zach at sa akin, sinadyang hinarangan niya ang motorsiklo nito.

“Kuya! Dahan-dahan! Mababangga mo si Zachhhhhhhhh!!!” 

At ang sunod kong narinig ay ang malakas na “SCREEECCCCHHHHH!!!!!!”


Part 9


Ipinikit ko ang aking mga mata gawa nang hindi ko nakayanang tingnang nabunggo ag aking pinakamamahal na si Zach. At ang sunod kong naalala ay ang malakas na “KA-BLAGGG!”. Biglang nahinto ang aming sinakyan.

Tahimik.

Dahan-dahan kong ibinuka ang aking mga mata, kinabahan sa kung ano man ang makitang hindi kanais-nais. At bumulaga sa aking paningin si Zach na nakahandusay may ilang metro ang layo mula sa kanyang motorsiklo. At kahit med’yo madilim na ang paligid, may naaninag akong dugo sa ulo niya!

“Kuya! Napatay mo si Zach! Napatay mo siya!” ang sigaw ko sabay baba ko sa kotseng sinakyan namin at tinungo ang kinaroroonan ni Zach. 

Shock naman si kuya na nanatili pa rin sa driver’s seat at hindi makakilos.

Pinagmasdan kong maigi si Zach. Hindi rin ito kumikilos. “Kuya tulungan mo ako dito! Patay na yata ito eh!” ang taranta kong sigaw.

Doon na biglang kumilos si kuya. Lumapit siya sa amin, pansin ko ang pamumutla niya. “Tingnan mo ang pulso daliii!!” sigaw niya sa akin.

Dali-dali kong hinawakan ang pulso niya at sinalat ito kung may pintig pa. Gusto ko rin sanang salatin ang harapan niya ngunit sigurado akong patay iyon kaya minabuting pulso na lang niya ang aking sinalat. “M-meron pa ata kuya!”

“O-ok kargahin natin iyan sa kotse at dalhin sa ospital” 

Nawindang ako sa narinig. Alam ko, sobrang pagka-rattle na niya na hindi na makapagisip pa ng tama. “Kuya, ambulansya o paramedics ang dapat kumarga niyan no! Hindi tayo puweding gumalaw d’yan baka lalong mas makasama pa sa kanya!”

“O sige, sige… tawagan natin ang ospital.” 

At tinawagan nga namin ang ospital. 

Habang naghintay kami sa ambulansya at paramedics, sinisi nang sinisi ko naman siya. “Ikaw kasi, salbahe ka! Ngayon, pag namatay iyan, kaya mo bang panindigan na ikaw ang nakapatay d’yan?”

“Huwag ka ngang talak nang talak d’yan! Lalo akong naguguluhan sa iyo!” bulyaw naman niya sa akin.

“Dapat lang na maguguluhan ka kuya dahil kapag may nangyari d’yan,” turo ko sa wala pa ring malay na si Zach, “ibubunyag ko talagang balak mo siyang patayin! Isa kang mamamatay-tao!”

“At kaya mo namang ipahamak ako, ganoon?” 

“Oo naman! Sa ngalan ng pag-ibig…!” At talagang nasambit ko ang mahiwagang katagang iyon.

Marahil ay sa sobrang takot, hindi nakaimik si kuya.

“Pero, mapag-usapan naman iyan kuya eh... Hindi naman ako mahirap kausapin” ang dugtong ko noong may biglang sumagi na maitim na balak sa aking utak.

“O… ano na naman ang damage niyan sa akin?” ang sagot ni kuya noong natunugang may kapalit ang pagtikom ko ng bibig sa aking nalalaman upang hindi siya madiin.

“Ah… una, huwag mo akong isumbong kina mama at papa na – ehem! – lalaki pala ang type ko, at pangalawa, itutuloy pa rin ang pagpapanggap mo kay Zach na ikaw si Enzo…” At tiningnan ko siya.

Nag-isip naman si kuya. Maya-maya, “Paano kung hindi ako papayag?”

“Di ok lang… fine. Hayan na ang mga pulis o.” Ang sagot kong ang tono ay may lihim na pananakot sabay turo sa isang patrol na nauna nang dumating sa aming kinaroroonan.

“O, ano ang nangyari dito?” Tanong ng lider ng tatlong pulis na dumating.

Ako kaagad ang humarap. “Itong si Kuya po kasi…” turo ko kay kuya “Yang kaibigan ko, gusto niyang pata--“

Hindi na ako nakapagpatuloy ng pagsasalita gawa noong mabilisang pagtakip ng kamay ni kuya sa bibig ko, natakot na baka totohanin ko ang banta kong sabihin ang nalalaman ko.

“Sandali, bakit mo tinanakpan ang bibig niya?” tanong ng pulis noong makita ang ginawa ni kuya sa akin.

“Chief, unahin muna natin ang biktima o, dalhin na natin sa ospital. Walang malay pa kasi chief, baka matuluyan.” Singit ni kuya paglihis atensyon ng mga pulis.

Dali-dali namang nilapitan ng tatlong pulis ang nakahandusay pa ring si Zach at habang busy sila sa kakacheck sa pulso at pagtitingin sa kalagayan ni Zach, hinablot naman ni kuya ang buhok ko at inilapit ang tenga ko sa bibig niya at bumulong, pansin sa boses ang pagkainis. “Oo na! Payag na ako sa gusto mo, tangina. Wag mo lang akong idiin.” Sabay bitiw at batok naman sa akin.

Kinamot ko ang ulong natamaan. “Dapat lang kuya no! Dahil kapag sinabi ko ang lahat, mabibilanggo ka. At sa loob ng bilangguan, mare-rape ka pa dahil kapag mga katulad mong bata pa, sariwa, at lalo na artistahin pa ang dating mo, iyan ang type ng mga preso. Maraming preso ang mag-aagawan sa iyo. I-auction ka pa nila. Ngunit bago pa ang mga hayok sa laman na mga preso, mga pulis muna ang titira sa birhen mo pang pwet! Imaginin mo na lang ang pagmumukha ng tatlong mukhang tikbalang na mga pulis na iyan” turo ko sa tatlong pulis “...na siyang titira sa iyong pwet! Gusto mo iyon?” sagot kong pigil din ang boses. 

Binatukan na naman niya ako. “At bakit ko gugustuhin iyon? Tado ka!”

“Dahil ba pangit sila?” tanong ko.

At isang batok uli ang lumanding sa ulo ko. Ngunit kahit napa- “Arekop!” ako sa batok niya, ok lang sa akin iyon dahil ako pa rin naman ang nagwagi. Bumalik-balik tuloy sa isip ko ang bago ko lang naimbentong kasabihan na “Sa panahon ng kagipitan, daig ng may major major na utak ang may major major na hitsura”. “Hahahaha!” tawa ko lang sa sarili. 

Bagamat nakahinga na ako ng maluwag sa sinabi ni kuya, worried na worried naman ako sa kalagayan ng aking prince charming. Naisip ko tuloy ang ginawa niyang pagsagip sa akin sa dagat at paglips-to-lips niya sa aking wala pang karanasang mga labi sa pamamagitan ng CPR na siyang nagpagising sa aking natutulog na kagandahan. Naimagine ko ang hitsura niya habang nag-eenjoy siya sa pagbubuga ng hangin sa aking baga na sinasidelinenan niya ng pasimpleng pagsisipsip sa aking mga labi. 

Habang naglalaro sa aking isipan ang eksenang iyon, hinihipo-hipo naman ng aking mga daliri ang aking mga labi, at pagkatapos ay sinisipsip ko ang mga ito, ninamnam ang laway ni Zach na naiwan pa doon. 

Nasa ganong akong kalalim na pagpapantasya noong napa-“Arekop!” na naman ako sa pagbatok uli ni kuya sa akin. “Si Zach! Dadalhin na ng ambulansya sa ospital! Di ka man lang gumalaw d’yan?”

“Sandali!!!” Ang bigla ko rin sigaw noong akmang bubuhatin na nila ang aking mahal. Sabay kasi sa pagbatok ni kuya ang biglang may pumasok sa aking kukote. “Ang mahiwagang Halik! Iyon marahil ang susi upang manumbalik ang kanyang malay!” sigaw ko sa sarili. “Kasi naman noong malunod ako, hinalikan niya ako, mouth-to-mouth nga lang. Kaya siguro dapat, ako na naman ang humalik sa kanya!” sa isip ko lang.

Nagulat naman ang mga taga-ambulansyang bubuhat na sana kay Zach noong sumigaw ako. Tiningnan ang aking alindog habang tumatakbo papalapit kay Zach na dali-daling binigyang-daan din nila upang makalapit, ako bagamat takang-taka sila sa nakita sa akin. 

Akmang itanim ko na sana sa mga mapupulang labi ni Zach ang mahiwagang halik ko noong, “Ahhhhh! Uhmmmm!” Umungol si Zach! At sabay sa pag-ungol niya ay ang paggalaw ng kanyang katawan. 

Syempre, nagulat ako na hindi ko pa man nailapat ang mga kaakit-akit kong mga labi sa mga labi niya, nanumbalik na kaagad ang kanyang malay. “Ganyan na ba talaga katindi ang kapangyarihan ng aking halik o o naramdaman lang niyang may nakaambang karumaldumal na mangyayari sa kanyang mga labi.” Sa isip ko lang. 

“Ahhh! Arekopppp!!!” ang sunod na sambit ni Zach, hawak-hawak ng kanyang kamay ang kanyang ulong nagdurugo. 

At sa pagbukas ng kanyang mga mata, ang pagmumukha ko kaagad ang una ninyang nasilayan!

Syempre, heaven ako noong ako pa talaga ang una niyang tiningnan samantalang nakapaligid naman ang mga pagmumukha din ng mg taga-ambulansya. 

“K-kuya Zach???” ang buong kasabikang sambit ko. “OK ka lang ba?”

“E-erwin?” Sagot niya. 

Bagamat nawindang ng kaunti ang utak ko sa binanggit niyang pangalan, bigla ko ring naalalang pinagpalit ko pala ang pangalan namin ni Kuya Erwin.

Ngunit kung gaano ako kasaya noong binigkas niya ang alam niyang name ko ay siya namang pagkadismaya ko nang, “N-nasaan si Enzo?” 

“Amffff!!!!” Hindi pala ako ang hinahanap niya. Prang gusto ko siyang sakalin upang mawalan uli siya ng ulirat.

“Kuyaaaaaa!!!!!!! Hinahanap ka!!!!” sigaw kong may dalang pagdadabog.

Hindi rin nakasagot kaagad si kuya. Natulala ba dahil sa takot na baka sisihin siya ni Zach ngayong nagkamalay na ito at idiin sa mga pulis na sinadya siyang banggain nito, o natulala na siya sa kinasasadlakang sitwasyon na kung saan ay paninindigan na talaga niya ang pagpapanggap na chatmate at may love interest kay Zach.

“Kuyaaa!!! Sigaw ko uli.”

At lumapit naman si kuya. “Zach? Ok ka lang ba?” sambit ni kuya.

“Kuya Zach, dadalhin ka nila sa ospital.” Singit ko naman 

“Ayoko. Ok lang ako” sagot naman niya at akmang tatayo ito.

Ngunit natumba siya marahil ay sa pagkahilo. At dahil doon tuluyan na siyang dinala sa ospital.

Kaya, imbes na sa bahay ang punta namin, sa ospital ang bagsak, dinamayan si Zach na conscious na conscious naman at normal naming nakakausap. Sabi ng duktor, may mga check-up lang daw na gagawin at i-CT scan pa ang ulo kung wala bang damage sa kanyang utak ang nangyaring pagdugo nito at pagka-unconscious niya. Kaya, kinabukasan pa raw siyang makalabas.

Wala namang sinisi si Zach sa nangyari. In fairness, ambait talaga niya, nakangiti pa, nagbibiro. Kaya panatag ang loob ni kuya na ok na ang lahat.

Ngunit noong dumating ang papa ni Zach na may kasamang dalawa pa, doon na uli kami kinabahan ni kuya. Paano ba naman. Isang general pala ng militar ang papa ni Zach na sa tingin ko ay marami nang mga napatay at ang huling napatay ay kapapatay pa lamang at atat na atat pa itong pumatay uli. At naka-uniporme pa, may dala-dala pang mga armalite!

Lumabas uli ng kuwarto ang dalawang kasama niya at noong kami na lang apat ang nandoon, dumadagundong naman ang nakakatakot na boses nito sa buong kwarto. “Sino?! Sino ang may kagagawan nito?” ang tanong kaagad ng papa ni Zach.

Nagkatinginan kami bigla ni kuya sa sobrang pagkagulat. At sa pagkakita ko kay kuya, pakiwari ko ay nagsitindigan ang mga buhok niya sa kanyang ulo habang ang mga labi niya ay simputi ng US bond paper. Parang gusto naming magsiunahang tumakbo palabas ng kuwarto.

Nagulantang din si Zach sa hindi inaasahang pagbulyaw ng daddy niya. “Dad… I’m ok. Don’t worry.”

“No son, this is not ok. Sino ang may kagagawan nito? Tell me!” Ang lalong pagtaas ng boses ng daddy niya.

Wala nang nagawa pa si Zach kundi ang tingnan kami. At noong nilingon naman kami ng daddy niya, ramdam ko naman ang panginginig ng aking buong kalamnan at lalo na si kuya.

“What happened???!!!” ang tanong ng daddy ni Zach sa amin

Grabe. Kahit iyon lang ang tanong niya, sobrang napaka-overbearing ng dating ng kanyang pinagsamang boses, tingin, at postura na para bang hihigupin ang lahat ng lakas at pag-iisip mo at wala ka nang magawa pa kundi ang manlupaypay at mawala ang normal na takbo ng iyong utak. Iyon bang takot ka na nga sa lakas at dumadagundong na boses niya, mas takot ka pang magkamali ng sagot dahil may mas nakakatakot pang mangyayari kapag hindi niya magugustuhan ang maririnig sa iyo.

“A… e…, a… e…” Iyon lang ang nasagot ni kuya.

Parang gusto ko na nga rin sanang dugtungan ng “i… o… u…” Kaso, natatakot akong baka masapak na nga ako ni kuya, babarilin pa ako ng to-be daddy-in-law ko.

“Anooooooooo????!” Bulyaw ng daddy ni Zach, hinawakan ang gatilyo ng kanyang baril na lalo namang nagpatindi sa mga takot namin.

At ewan ko ba, kung bakit bigla kong naibuka ang aking bibig. Marahil ay sa sobrang takot sa lakas ng boses niya at sa baril na rin na baka kapag hindi kami nasagot ay tutuluyan na niya kaming barilin. “A… e…, a… e…” habang ang kaluluwa ko ay mistulang lumayas na sa aking katawan.

“Ikaw ba ang bumangga sa anak ko?” Ang dumadagundong uli niyang boses at sinabayan pa ng paglaki ng kanyang mga mata. Ang bulyaw niya sa akin.

“H-hindi po! Siya po!” Sabay turo ko kay kuya na lalong nanginig, namutla at ang buhok ay nanatilnig nakatayo sa aking paningin.

Hindi pa rin nakasagot si kuya, marahil sa magkahalong matinding kaba at pagkagulat. 

Mabuti na lang at sumingit na si Zach, “Dad, it was an accident. It was even my fault because I pursued them. They are my friends, dad…”

“O-opo. Aksidente po ang lahat. Wala po kaming kasalanan.” Dugtong ko.

At sa sagot kong iyon, bumaling naman ang daddy ni Zach sa akin. “Sino ba talaga ang bumangga sa anak ko? Ikaw ba?!” sigaw uli ng daddy ni Zach.

“H-hindi po, siya po!” Sagot ko uli at sabay turo na naman kay kuya na sa tingin ko ay lalong nanginginig at namumutla at tayong-tayo pa rin ang buhok sa tingin ko.

“Bakit ikaw ang sagot nang sagot sa akinnn?!” 

“A… e…, a… e…” ang nasambit ko uli, hindi na magawang mag-explain pa.

“Anong a-e-a-e? Gusto mong barilin na kita??!! Ha??!!”

“Huwag po! Huwag po!!!” Ang pagmamakaawa ko. “Siya na lang po! Siya naman kasi talaga ang nag-drive e!” ang pagturo ko kay kuya na nanatiling nakatulala.

At marahil ay lumabas na talaga ang natural sa akin sa sobrang takot, napansin naman ito ng daddy ni Zach. “Bakla ka ba? Ha?! Dahil galit na galit ako sa mga bakla. Kapag nakakakita ako ng bakla binabaril ko kaagad ito. Bakla ka ano? Sagotttt!” bulyaw uli niya na ang mga mata ay nanlilisik.

“A, eh... Hindi po! Hindi ako bakla! Lalaki po ako!” ang sagot ko naman, ang boses ay sinadyang pinalaki at lalaking-lalaki ang dating kahit na naginginig ito.

Grabe ang takot ko! Pakiwari ko ay mamamatay na talaga ako sa mga sandaling iyon kung hindi man dahil sa nerbiyos, ay dahil sa pilit na pagpapalaki ko ng boses. Napaihi talaga ako, basang-basa ang aking harapan sa di ko napigilang paglabas ng tubig galing sa aking pantog! Nakakahiya grabe! At sa harap pa naman ng aking prince charming. Iba pala talaga kapag naaalipin ka ng takot, naiihi ka na nga, gusto mo pang barilin na lang ang kuya mo… Grabeh.

Ang siste, noong mapansin pa ng daddy ni Zach ang basa kong harapan, sinabihan ba naman akong, “Kailangan mo yata ay nakapampers!”

Grabe talaga ang nadarama ko. Magkahalong nerbiyos at matinding hiya at ewan ko ba... Ansakit-sakit! Parang mas masakit pa siguro siya kaysa binaril ako sa ulo. Kung di nga lang ako takot e, sana sinagot ko na siya ng, “Whisper with wings na po ang gamit ko!” Kaso, baka tuluyan na siyang mamaril dahil galit nga siya sa mga bading. 

Nilingon ko si kuya, ang mukha ko ay mistulang sa isang musmos na sobrang naaapi. Ngunit noong makita ko ang mukha ni kuya, mas nagmukha pa pala siyang kaawa-awa. 

In fairness naman kay Zach, hindi kami pinagtawanan. Bagkus tumayo siya at nagpagitna, “Dad… please. Aksidente po ang lahat at wala silang kasalanan. Ako pa nga ang dapat na masisi noon dahil hinabol ko nga sila eh. They are my friends, dad. Huwag mo naman akong ipahiya sa kanila o.” 

“Ok… ok… sinabi mo. Sige, maiiwan na muna kita, son. Dumaan lang kami dito. May titirahin pa kaming mga criminal d’yan lang sa tabi-tabi.” Sabay tapik sa balikat ni Zach at tingin sa amin ni kuya na tila bang ipinarinig sa amin na criminal din kami.

Noong kami na lang ang naiwan, nakahinga naman kami ng maluwag ni kuya. 

“Pasensya na sa papa ko ha? Ganyan talaga iyon. Istrikto iyon pero mabait.”

“Mabait ba iyon? Babarilin na nga kami eh…” ang pagtutol ko. “Napaihi pa tuloy ako sa pantaloon ko!”

Natawa naman si Zach at pati si kuya ay napangiti na rin. “Tinakot lang kayo noon. Iniisip niya kasing sinadya talaga ang pagbangga sa akin.” Paliwanag ni Zach.

Napatingin naman ako kay kuya. Kasi nagigiguilty ako sa sinabing inakalang binangga. E, binangga naman kasi talaga ni kuya eh.

“P-pasensya na talaga Zach, Ah.” Ayan si kuya ang magpaliwanag bakit ka nabundol. Sabay lingon kay kuya.

“Pasensya na Zach…” ang maiksing tugon lang ni kuya.

“Paano iyan, may utang ka na sa akin. Dapat may kabayaran iyan” sagot ni Zach kay kuya.

Bigla namang nanlaki ang mga mata ni kuya. “Ha?! K-kabayaran? Ano...?” 

“Pag nakalabas ako dito bukas, Sunday naman eh. Invite ko kayo sa beach resort namin.” 

“Talaga?!” Sigaw ko. “Sure!” Dugtong ko pa na hindi na kinunsulta pa si kuya kung papayag ito.

“Ikaw Enzo?” Ang tanong ni Zach kay kuya.

Tiningnan ko naman si kuya, ang mga mata ko ay may pagbabanta. 

“Ah, ok ba...” Ang may pagdadalwang-isip na sagot ni kuya.

“Yeheeeyyyyy!” sigaw ko naman sa tuwa, nakalimutan na basang-basa pa pala ang pantalon ko ng ihi.

Syempre naman, nakikinita kong naka-swimming trunks lang ang naggagwapuhang kuya ko at si Zach at syempre ako din. Naiimagine ko tuloy ang mga naggagandahang mga katawan nila, at magharutan kami sa dalampasigan, hahabulin ni Zach si kuya at ako naman, nasa likod at hahabulin si Zach. At kapag nahuli na ni Zach si kuya at nahuli ko na rin si Zach, magpagulong-gulong kaming tatlo sa buhanginan… 

Pwede ring magsasayawan kami. Habang yakap-yakap ni Zach si kuya, ako naman, yakap-yakap ko si Zach sa likuran niya. Ang saya-saya!

(Itutuloy)

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP